Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. in General Santos City


Event Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk and Families in General Santos City
Location Lagao Gymnasium in Barangay Lagao, General Santos City

Q: What can President Marcos contribute that will bring significant and symbolic to Region XII especially to the city of champion, General Santos City?

PRESIDENT MARCOS: Iyong?

Q: What can President Marcos contribute that will be significant and symbolic to Region XII, especially to the city of champion, General Santos City?

PRESIDENT MARCOS: Marami tayong pina-plano at dahil nga… Ang problema lamang ay dumadaan tayo ngayon dito sa krisis ng El Niño kaya’t ‘yun na muna ang iniintindi natin.

Ngunit ay maliwanag na ‘yung development. Maganda kasi na ang takbo ng GenSan, ang development ng GenSan. Basta’t… Ang gagawin ng national government ay patuloy ang pag-develop ng imprastruktura dun sa ‘Build, Better, More’ na aming ginagawa.

Dahil ‘yun naman, pagka nabuksan natin lahat ng mga iba’t-ibang lugar, maliwanag na gaganda ang economic situation doon sa mga lugar na ‘yan.

Kaya’t ‘yun ang tuloy-tuloy lang naman kasama sa plano ‘yan, kasama sa plano na ang buong bansa, na ang buong Pilipinas sa social development plan na ‘yung infrastructure dito lalo na dahil marami na kayong magandang imprastruktura ay pagagandahin pa natin para talaga mararamdaman na dadami at mas magkaroon ng trabaho at mas malaki ang kinikita at kasama na rin diyan, siyempre ‘yung ating mga magsasaka, ating mga mangingisda dahil sa ngayon ay nahihirapan sila ngunit ang long-term na plano diyan ay talagang tulungan sila sa pagbigay ng binhi, pagbigay ng ayuda, pagbigay ng pataba, lahat, at pati na ‘yung mga makinarya para sa processing ng…Hindi lamang bigas, kung hindi mais, kung hindi lahat, pati na lahat — ‘yung mga cold storage. Marami naman kayong cold storage dito dahil masigla ang fishing industry dito.

Kaya’t ‘yun… Ang tinatawag diyan is we invest in success. Napaka-successful na ng ginagawa ng GenSan kaya’t doon kami maglalagay ng investment ng galing sa national government.

Q: Sir, good morning!

PRESIDENT MARCOS: Good morning.

Q: President, last week ‘yung French Navy, nagpahayag sila ng intensyon na magkaroon ng [off-mic] exercise with Philippines. Ano pong reaction niyo and pabor po ba kayo na gawin din ito sa West Philippine Sea?

PRESIDENT MARCOS: Well, siyempre at nandiyan — diyan naman talaga ang ating… Iyon ang area na binabantayan natin. Kami nagpapasalamat sa lahat ng mga iba’t ibang bansa kahit na hindi… Iyong iba nga ay nanggagaling sa malayo pa ngunit sila ay handang tumulong sa atin at kapag tayo’y nagkakaproblema, very supportive sila hanggang hindi lamang sa salita kung hindi pati na sa mga tinatawag na joint cruises.

Kaya’t napakalaking bagay ‘yan dahil ito lang ang paraan upang magarantiya natin na ang West Philippine Sea ay patuloy ang tinatawag na freedom of navigation at ang daming dumadaan diyan at ‘yung tinatawag na global economy ay umaasa at kinakailangan para ang global economy ay gumanda, kailangan libre, ligtas ang lugar ng West Philippine Sea.

Kaya’t lahat ng tumutulong sa atin, tayo kasama rin diyan, lahat ng tumutulong sa Pilipinas, kami’y nagpapasalamat at ito ay magiging malaking bagay, malaking tulong para mapayapa at maging stable, may stability ang West Philippine Sea. Thank you.

Q: Naimbag nga bigat Mr. President.

PRESIDENT MARCOS: Hello. Naimbag nga bigat.

Q: Do you have comment on former senator Trillanes’ claim of brewing destabilization from PNP ranks and then do you see a need for loyalty check po?

PRESIDENT MARCOS: I don’t see — wala kaming report na in the ranks. Iyong mga retired baka mayroon, mayroong mga gumagalaw, sumasama sa mga destab na ginagawa.

Pero sa ating mga kapulisan at siyempre lalo na sa officer corps, wala naman tayong nakikitang ganun na namumulitika ang mga police.

So, ang loyalty check, hindi ko alam kung ano ‘yung loyalty check katotohanan. Anong sasabihin mo doon sa tao? Sasabihin, “loyal ka ba sa akin?” Siyempre, oo ang sagot noon ‘di ba kahit na hindi siya loyal sa’yo. Pero titingnan natin mga record ng mga…

Ang ano ko naman, kahit hindi mo ako binoto okay lang sa akin basta’t maging professional ka, gawin mo ‘yung trabaho mo nang tama. Iyon lang naman ang hinihiling ko sa lahat ng police, sa lahat ng armed forces.

Q: Mr. President, iyong nakaraang May 1, iyong Araw ng Manggagawa. Kasi naglilibot ho kami sa Kadiwa Center kasi naglabasan na may 20 kilos ang bigas pero walang nakita namin na 20 kilos kung hindi 50 kilos.

PRESIDENT MARCOS: 20 pesos…

Q: Walang nakita namin 20 kilos kung hindi 50 kilos ang nakita namin sa Kadiwa Center. Anong nangyari, Mr. President?

PRESIDENT MARCOS: Hindi ko alam ‘yan dahil ang Kadiwa pinagbibili natin. Chineck (check) ko nga. Nagpapabili tayo — ang binebenta natin na bigas is 29 pesos kaya’t hindi ko alam ‘yung 50 pesos baka hindi sa amin galing ‘yun, baka sa ibang source ‘yun.

Kasi Kadiwa, 29 pesos ang presyo namin.

PRESIDENT MARCOS: Hello. Good morning.

Q: Good morning po, Mr. President. May comment po ba kayo doon kay Agent Morales na…? Ano po ‘yung masasabi po ninyo?

PRESIDENT MARCOS: Mahirap naman bigyan ng importansya ‘yan. You know, this fellow is a professional liar at parang jukebox ‘yan. Kung anong ihulog mo — basta maghulog ka ng pera kahit anong kantang gusto mo, kakantahin niya. Kaya wala, wala… Walang saysay. Tingnan mo na lang ang kanyang record.

Tingnan mo na lang ang kanyang — may kaso siya na false testimony. Iyan ganyan. Ilan bang mga… Marami siyang history na kung sino-sino sinasangkot kung saan-saan. Parang ‘yun ang — doon siya… Iyon ang hanapbuhay yata niya, kaya professional liar ang tawag ko sa kanya.

Q: Thank you, Mr. President. Thank you.

— END —