PCO ASEC. VILLARAMA: Current developments, presidential directives, accurate and reliable updates straight from the Palace. Sitting in for Daphne Oseña-Paez, I’m Assistant Secretary Joey Villarama for Malacañang Insider.
Prayoridad ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapaunlad sa pamumuhay ng mga magsasaka, ang pagbibigay ng malawakang serbisyo at mataas na kita para sa kanilang pamilya habang itinataguyod ang seguridad ng pagkain sa bansa. Ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay ng Certificates of Land Ownership or CLOA sa mas marami pang Agrarian Reform beneficiaries.
To give us an update on the initiatives on the Agrarian Reform in the Philippines, we have with us today Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III. Magandang umaga, Sec., and welcome to the show.
DAR SEC. ESTRELLA III: Magandang umaga sa iyo, Asec. Joey Villarama, at mabuhay kayo at mabuhay po lahat ng mga nanunood sa atin ngayon.
PCO ASEC. VILLARAMA: Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa amin, sir. Sir, nabanggit ko kanina iyong CLOA ‘no, so mayroon pong target ang gobyerno sa pagdi-distribute nito? Kumusta na po? Ilan na po iyong nabigay natin, kasi mayroon pong mga ilang grupo na nagsasabi na iyong ipinalalabas nating figures ay hindi naman po iyon talaga ang naibigay na? So, ano po ang update at ano po ang target natin sa mga susunod na buwan?
DAR SEC. ESTRELLA III: Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nilang hindi iyon ang talagang figures. Bakit hindi sila magpunta ng aming tanggapan para talagang makita nila na iyon, kasi magmula noong kami ay naupo noong ang administrasyon ng ating mahal na pangulong President Ferdinand Marcos Jr. ay naging masyado na kaming conscious at talagang nag-a-update kami ng mga datos natin. Kasi iyan ang isa sa mga problema natin, iyong mga datos noong nakaraan ay hindi accurate pero ngayon, mayroon kaming accurate na data tungkol lalo na diyan sa distribution, awarding ng ating mga Certificate of Land Ownership Award ‘no.
Para mayroon kang basehan: Noong bago kami umupo ‘no, bago kami nag-takeover, ang naipamigay ng nakaraang administrasyon sa loob ng 15 months, ang kanilang naipamigay noong 2021 hanggang 2022 ay 17,000; ngayon, noong tayo ay naupo, iyong anim na buwan lang, magmula July 1st 2022 hanggang December 21st 2022, anim na buwan lang, tayo ay nakapamigay ng 26,000-plus na mga CLOA ‘no. Kaya ihahambing mo iyong anim na buwan natin sa labing-limang buwan nila noong nakaraan eh malayo ang diperensiya, hindi ba? At iyong datos namin very accurate, nandidiyan sa LandBank at nasa amin at magtutugma ang datos natin ngayon.
Pagkatapos, noong 2023, noong nakaraang taon ‘no – sa buong taon na iyan, ang hinihiling sa amin ng senado noon, tandang-tanda ko ay singkuwenta mil lang ‘no, fifty thousand titles to be awarded. Ngunit ang aming naipamigay ay 69,000-plus, almost 70,000 titles ang ating naipamahagi sa ating mga Agrarian Reform beneficiaries pagkatapos ng ilang taon nilang hinintay ito – kasama natin ang mahal na Pangulo sa pamimigay nitong mga datos na ito. Kasama natin ang mahal na Pangulo, sa tingin mo eh mamadyikin (magic) namin iyong datos namin? That’s impossible especially with a very meticulous president like our President now.
At itong taon na ito, mayroon na tayong 45,000 plus na mga CLOAs na naipamigay ‘no, and there are still about a hundred thousand, more than a hundred thousand more Certificates of Land Ownership Awards titles that we will be awarding until the year ends. Ngayon, tatanungin mo – ilan ba ang target natin, hindi ba? Ang target natin, noong una ay one million plus ‘no. Ngunit iyong ibang plus doon ay hindi natin maipapamigay sapagkat may mga pending cases sa mga korte. Kaya habang hinihintay natin iyan, hindi natin puwedeng ipamigay iyang mga iyan.
Ngunit, iyong mga wala namang kaso ‘no, that’s about a million – nakapag-distribute na tayo ng more than a hundred thousand, so lumalabas mayroon pa tayong mga eight hundred-plus thousand na ipapamigay. Lumalabas na eight hundred plus thousand, not titles but hectares ‘no, hanggang sa matapos ang ating mahal na Pangulo. Noong una, kami’y nag-aalala at baka hindi namin matugunan iyang hinihiling ng ating mahal na Pangulo na paspasan. “Ubusin na iyan, i-distribute na lahat iyan” iyan ang mandato ng ating Presidente.
Ngunit nahanap namin kung bakit mabagal ang pagdi-distribute ng mga titulo noong nakaraan. Unang-una, may problema tayo sapagkat ang LRA at saka ang mga register of deeds sa buong bansa ay may kakulangan sa kakayahan. Minamano-mano mong pagsasabay-sabayin mo iyong titulo na manggagaling sa DHSUD ‘no, iyong titulo na galing ng DENR, iyong mga araw-araw na transaksiyon, iyong Department of Agrarian Reform titles – eh napakarami niyan, overburdened ang ating mga register of deeds at ganoon din sa DENR.
So, nag-usap-usap lang kaming tatlo. Noong inutusan kami ng ating mahal na Pangulo pabilisin ang pag-a-award ng mga titulo, nag-usap kaming tatlo at lahat noong mga kailangan na tulong ng mga ROD ‘no at ganoon din ang LRA, ganoon din ang DENR, nagkaisa-isa kami kaya mas mabilis ngayon ang paglabas ng mga titulo. Hindi katulad noon, mabagal eh – ngayon ang bilis and everybody is cooperating and that is what happens when we have teamwork in government.
So, iyan lang naman ang sikreto eh. So, napapabilis namin and we are optimistic na by the time the President steps down, naipamahagi na natin iyong 800,000 na hectares pa sa ating mga kababayan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sir, natukoy ninyo na na-identify ninyo kung bakit naging mabagal iyong proseso noon. So, ang tanong siguro, ‘ayan, mas mabilis na iyong proseso ngayon pero kung magsasaka ako, paano ako magku-qualify?
DAR SEC. ESTRELLA III: Madali iyan kasi nasa batas iyan eh. Mayroon tayo noong PD27, iyon ‘yung batas na isinulat ng ating yumaong pangulo na ama ng ating Pangulo ngayon ‘no, the late President Ferdinand E. Marcos ‘no, na ang kaniyang katabi ay ang aking lolo naman, ang unang-unang secretary ng Agrarian Reform. At nandoon nakasaad, nakalagay sa batas doon, ngunit iyong PD27 ay limitado sa nagtatanim lang ng palay at mais – it was confined to rice and corn farmers; iyong tenants noon ng mga private-owned lands, iyon ang mga capable.
Now, mayroon pa para mag-qualify ka ‘no. Iyon din, noong natapos na ang ating mahal na yumaong pangulo, Ferdinand Marcos Sr. eh iyong sumunod na administrasyon nagkaroon ng batas, isinulong na batas na Republic Act 6657 or Comprehensive Agrarian Reform Law. Diyan sa Republic Act 6657 ay nag-qualify na pati na ang mga tenants sa mga coconut, sugarcane, pineapple at lahat-lahat pa, sa rubber plantations mga ganiyan.
Lahat ng mga malalaking lupain na nagtatanim nitong mga nabanggit ko at iba pa, comprehensive nga eh, lahat na eh. Except of course, hindi na kasama iyong mga lupain na kung tenant ka man ng mga lupain na more than 18 degrees ang slope, hindi ka kasama doon. Kaya lahat iyan, idadagdag ko pa, iyong mga tenants, iyong mga ito sa, tatandaan mo iyong Presidential Decree 27 at Republic Act 6657, iyan iyong mga tenants ng mga agricultural lands.
Mayroon pang isa, iyong tinatawag na EO 75, series of 2019.
Iyong EO 75, sinasakop ng DAR ang mga lupa ng gobyerno na ipapamigay at nakalagay sa batas ang priority din diyan, aside from the tenants and the tillers of the land, kasama din diyan sa priority ang: Unang-una, ang mga mag-aaral, ang mga estudyante na nagtapos ng apat na taon ng any agricultural course o kahit na anong kurso na patungo sa agrikultura; pangalawa, iyong mga nagretiro na mga pulis at mga sundalo, retired PNP and AFP personnel; and number three, iyong mga rebel returnees, iyan ang mga kasama diyan. So, nandiyan lahat iyong qualification ay nakasaad diyan sa tatlong batas na iyan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sec., bukod doon sa mas mabilis na pamamahagi ng CLOA, recently, namahagi rin ang DAR ng certification of condonation with release mortgage sa ilalim ng Agrarian Reform Emancipation Act o iyong Republic Act 11953. So, pakipaliwanag po kung ano ang magiging epekto nito sa ating mga magsasaka.
DAR SEC. ESTRELLA III: Ako ay natutuwa at nabanggit ninyo iyong usapin na iyan. Kasi noong kauupo pa lang ng ating mahal na Pangulo ay napag-usapan namin iyan. Tinanong niya sa amin, papaano kaya, makakabangon pa ba ang ating magsasaka, itong climate change, itong nakaraang pandemya? Pagkatapos hindi lang iyan, Mr. Presidente, sabi ko, may isa pa tayong malaking problema. Iyong datos ng Landbank at datos ng DAR, noong mga nakaraang administrasyon, hindi na-update, hindi na-reconcile; iba ang datos ng DAR, iba din ang datos ng Landbank, iba rin ang datos ng mga regional offices. Kung sino ang nakabayad, kung sila pa ba ang may-ari ng lupa, kung sino iyong nakatanggap nang emancipation patent, iyong nakabayad na ay emancipation patent ang tawag doon.
Kaya magulo, aba, eh sabi ng Pangulo, ano ang gagawin natin diyan, hindi na makakabayad sa amortization ang mga magsasaka? Yes, Mr. President, it appears that is the situation, sabi namin. Eh mas mabuti pa, sabi ng ating Pangulo, ibigay na lang natin ng libre iyang mga lupa, it’s not going to create any problem with our finances anyway. You see the wisdom of the President. At ayon, naisip na, you draw up, at binanggit na niya sa kaniyang mga talumpati at kaniyang hinikayat ang mga Congressman at mga Senador na i-condone na iyong mga utang ng mga magsasaka tungkol doon sa mga lupa in connection with the land that were awarded to them. So, ilibre na, ngunit iyan ay nangangailangan ng batas. At humahanga ako sa leadership ni Speaker Martin Romualdez, sapagkat noong pinasa nila sa Kongreso ito, walang tumutol kahit isa. Pagkatapos noong dumating ito sa Senado, wala ring tumutol, kaya iyong leadership ng ating Senate President noong araw, ni Senate President Migz Zubiri at iyong kakayahan ni Senator Imee Marcos, ni Senator Cynthia Villar, iyan ang mga iyan ang nag-herald niyan doon sa Senado at agad-agad napirmahan ng ating Pangulo, naging batas.
Now, ano itong batas na ito. Itong batas na ito is condoning the amortization fees that has to be paid by the agrarian reform beneficiaries. And there is a jewel hidden in this law, ano iyon? Iyong mga nakamana ng lupa, hindi na sila magbabayad ng estate tax. Iyong mamanahin nila, tapos, di ba may babayaran ka, magbubuwis ka doon eh – exempted na sila doon, hindi na nila babayaran iyan.
Pagkatapos, itong mga lupa na ito, marami ang nagsasabi, oh, ngayon libre na iyan, baka ibenta na nila. Nagkakamali sila, sapagkat ayon sa batas, kapag natanggap mo ang lupa kailangang maghintay ng sampung taon bago mo ibenta ang lupa na naipamigay sa iyo ng ating pamahalaan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sir, dahil diyan sa batas na iyan, so malaking tinik iyong nabunot sa dibdib ng mga magsasaka, kasi condonation ng mga dues ng mga taxes, ng fees na pabigat talaga sa kanila. Pero, na-resolve na iyong problemang iyon, what about productivity? Iyon naman kasi iyong isa sa mga issues na kinakaharap nila. I understand ang DAR ay nagbibigay ng DAR inputs with the ultimate goal of ensuring iyong food security ng bansa. So, can you tell us more, about how DAR is helping the farmers? Mayroon na silang lupa, paano naman mai-increase ang kanilang productivity.
DAR SEC. ESTRELLA III: Again, I am glad that you asked that question. Let us learn from the lessons from the past. During the time of—and this is I say without bias, that during the time of the late President Ferdinand E. Marcos and then Secretary Conrado Estrella Sr., I was a teenager then, and while growing up, my grandfather used to take me with him in his sorties. Ako po ay sumasama at nakikita ko po na napakaraming ayuda, napakaraming suportang ibinibigay natin sa magsasaka. Ang sabi ko nga, tinanong ko nga siya noon eh, “Bakit ba ang dami nating ipinapamigay”, kasi ang laki ng utang na loob natin sa mga iyan. Kung hindi sa mga iyan eh, magugutom tayo. At saka para hindi nila ibenta ang kanilang lupa – mayroon kang ayuda, wala ka nang utang, hindi ba, mayroon ka pang mga support services.
Ito uumpisahan pa namin, pati iyong scholarship ng mga anak ng mga agrarian reform beneficiaries. At binibigyan natin ng isang tambak, nagtutulung-tulong kami ng Department of Agriculture kasama natin si Secretary Kiko Laurel at ang DAR, ang Department of Agrarian Reform, namimigay tayo ng isang katutak din na support services, ano iyong mga iyan? Farm-to-market roads with bridges, pati na tulay. Namimigay tayo ng mga ganiyan sapagkat ang mga magsasaka, para nila madala doon sa pagbebentahan nila o di kaya iyong mga namimili sa kanila, para makarating sa kanila at bilhin ang kanilang ani, eh kung hindi maganda ang daan ay kawawa sila, ang laki ng gastos nila. Kung walang tulay, magbabayad pa sila, uupa pa sila ng mga tao na magkakarga ng kanilang mga ani, tatawid ng ilog, kung ito ay tiyempo lalo na tag-ulan, hindi ba? Kaya importante iyong farm-to-market roads.
Pangalawa, binibigyan din natin sila ng isang katutak na farm machineries and equipment. Pati iyong mga makabagong equipment katulad ng halimbawa mga solar-powered mga irrigation, isipin mo hindi na sila gagamit ng kerosene o hindi na sila gagamit ng gasolina o diesel para patakbuhin ang kanilang water pump – ang laking tipid noon dahil iyong init ng araw ay iyon ang nagpapatakbo doon sa makina ng ating mga irrigation pumps ‘no, mga pump natin.
Iyong mga bagong teknolohiya, iyong mga tractor na kayang umararo ng napakaraming lupain sa isang araw lamang – binibigyan natin sila niyan. At ini-expose din natin sila sa bagong teknolohiya katulad halimbawa gusto natin—karamihan kasi sa ating mga agrarian reform beneficiaries any coconut planters and I think you are aware that we have to replant tremendously for us to be able to maintain our status as the number one producer of coconut ‘no. And para natin magawa iyan in so short a time ‘no kailangan ng bagong teknolohiya. Kaya namimigay na kami ng mga tissue culture laboratories sa mga bayan-bayan upang gamitin nila ito na magparami ng planting materials ng coconut ‘no – dadami iyan kapag ganoon at iba-iba pang mga farm machineries and equipment. Nakakatuwa nga tuwing mayroon tayong awarding of CLOAs eh, isa iyan sa mga parte ng programa.
The other thing is we are very grateful to the Land Bank of the Philippines kasi dahil sa kanila nabigyan natin ng credit assistance ang ating magsasaka. Ang laking bagay niyan, bakit kamo? Bago nag-takeover ang administrasyon, ang Marcos administration, kailangan mo ng labing-isang pahina na pi-fill up-an ng magsasaka. Alam naman ninyo kung minsan ay tinatamad o kaya’y walang kakayahan na fill-up-an iyon eh ‘di ba, hindi nila kayang fill up-an iyon – ngayon iba na ang patakaran. Kaya noon napipilitan ang mga magsasaka eh sa 5-6 sila uutang, walang masyadong kiyaw-kiyaw. Eh ngayon ang ginawa ng Land Bank of the Philippines magmula noong umupo kami doon sa board ng Landbank eh sinabi na namin sa kanila, “Let’s streamline the loan processes,” iyong application ng mga agrarian reform beneficiaries, “Streamline natin,” sabi ko. Ini-streamline nila, ngayon, isang pahina na lang ang kanilang ipi-fill up at mayroon nang mga field workers ng Land Bank of the Philippines – pumupunta sa baba, sa mga magsasaka, sa mga agrarian reform beneficiaries, tinutulungan silang mag-fill up.
Kaya iyang mga iyan plus wala nang utang, plus may parcelization pa, mayroon na silang kaniya-kaniyang titulo eh palagay ko hindi na magbebenta ang mga magsasaka.
PCO ASEC. VILLARAMA: So, maganda iyong mga nasabi ninyo, Sec. ‘no. So, mas napabilis iyong distribution at pagbibigay ng mga lupa and then may support services para mas ma-increase iyong productivity ng ating mga magsasaka kasi hindi nila alam kung saan sila magsisimula – may lupa nga pero where do they begin? So, maganda po iyong mga nabanggit ninyo.
President Ferdinand R. Marcos Jr. said, agrarian reform is not just about land distribution, it also about providing support services to our farmers. Sa aming pagbabalik, pag-uusapan natin ang iba pang programa ng Department of Agrarian Reform para makatulong sa mga magsasaka.
[COMMERCIAL BREAK]
PCO ASEC. VILLARAMA: You’re still watching Malacañang Insider with DAR Secretary Conrado Estrella III.
Sir, kanina napag-usapan natin iyong support services, sabi ninyo namimigay ng equipment, ng farm-to-market roads, bridges, nagtuturo ng tissue culture technology. Paano naman po iyong kabaligtaran, kung ako magsasaka mayroon akong specific need paano ko po maa-access iyong support services ng DAR?
DAR SEC. ESTRELLA III: Mayroon po tayong mga regional offices at hindi lang ho regional offices kasi bukas po ang aming tanggapan at tinutulungan din po natin kasi hindi lang naman ho iyong regional offices natin ang naglalapit ng mga magsasaka, ng mga agrarian reform beneficiaries sa ating tanggapan. Dahil sa maganda ang relasyon namin ng mga local government officials – mga mayors at mga governors and ganoon din maganda rin ang relasyon namin sa mga congressmen na lagi nilang nakakasama ang kanilang mga constituents eh nadadala nila sa amin at dahil din sa amin, dahil din sa utos ng ating Pangulo ay we are bringing government closer to the people. Like the President, we are following the example of the President, we are no armchair executives – definitely not. We bring the government closer to the people.
And by the way, iyong tissue culture hindi lang natin sila tinuturuan, binibigyan natin sila ng tissue culture laboratories.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sir, sa usapin naman ng land disputes, hindi na ako magbibigay ng halimbawa, so paano po iyong halimbawa nabigyan na ng titulo tapos may nagki-claim na, “Ay, hindi naman agricultural iyan, residential iyan.” So, paano po niri-resolve ng ahensiya iyong ganitong klaseng mga dispute.
DAR SEC. ESTRELLA III: Bibigyan ko kayo ng mga statistics ‘no. Noong kami ay nag-takeover at natawa nga ako eh dahil binigyan ako ng briefing. Eh, sinabi daw iyong mga kaso o caseload ay zero ano daw backlog. Iyon ang niri-report nila dati sa Congress, eh ako dati akong congressman eh. Zero backlog daw. Noong kami ang nag-takeover, zero backlog ba iyong mayroong mga sampung taon na nakabinbin iyong kaso? 20 years na nakabinbin? 30 years na nakabinbin iyong kaso? Hindi yata zero backlog iyon. Napakalaki ng caseload. At dahil sa ang ginawa namin kami ay—we hired additional 63 lawyers by the way and we got all the cases altogether and found out which are already 30 years old, 20, 10 and I assigned people to look into it. Tiningnan iyong mga kaso. Ang laki, kung compared doon sa nakaraan, we are about 46 percent higher than their case resolved ‘no. Iyong case resolution rate namin ay napakataas.
Ngayon itong taon na ito bumaba ang caseload, ano ang ibig sabihin noon? Bumaba ang mga kaso na dumarating sa DAR ‘no. Bakit bumaba ang mga kaso? Iyong mga lawyers na hinire (hire) namin, additional lawyers na nagpunta sa mga iba’t ibang mga region, doon pa lang inaayos na nila. Pinattern (pattern) namin iyan eh para doon sa barangay, iyong lupon – para to declog the courts, mayroon na silang settlement doon. Kaya sabi ko sa kanila, “Diyan na kayo sa mga region, tingnan na ninyo para hindi dumami ang kaso. Kung kaya ninyong ayusin diyan, ayusin na ninyo.” Kaya ang caseload na namin ngayon, mas mababa nang malayo kaysa doon sa nakaraan.
Ang case resolution namin ay napakataas din. Bibigyan kita ng ehemplo, iyong Tinang – iyong Tinang case, that’s about 30 years already. Walang maglakas ng loob na i-solve iyan, sinolve (solve) namin, pinag-usap namin iyong mga two parties sabi namin nagsisitanda na kayo, kung hindi pa kayo mag-usap usap dito ay tatanda kayong parehong wala, oh nag-agree naman sila, oh iyan both side, naglabas kami ng desisyon at walang nag-file from both side ng motion for reconsideration or any appeal.
At marami kaming kaso landmark cases na ginawa namin iyan, katulad halimbawa noong—ito iyong sa YKR doon sa Busuanga ipapamigay na namin iyong mga lupa, ganoon. Ilang taon na iyang mga iyan maraming kaso iyan; iyong doon kay Don Pedro Roxas, doon sa Nasugbu o wala namang nag-appeal both sides eh. Eh both sides are represented; nagsisitandaan na rin sila, wala namang nag-file appeal or any motion for reconsideration kaya final na iyong decision. Iyong mga ganoon ay utos ng ating mahal na Pangulo iyan, because we all subscribe to the saying that justice delayed is justice denied.
PCO ASEC. VALDERAMA: Sir, kanina nabanggit ninyo na panahon pa lang ni Pangulong Marcos Sr. na napakalawak na ng exposure ninyo sa agrikultura, sa agrarian reform. So, sino po ba iyong naging inspirasyon ninyo sa inyong leadership as agrarian reform secretary at paano po ito nakakatulong sa inyong journey as secretary now?
DAR SEC. ESTRELLA III: Well, aside from si Roger Moore ng James Bond [laughs] iyong aking lolo na iyong unang-una secretary ng Department of Agrarian Reform at siyempre iyong ama ng ating Pangulo, President Ferdinand Marcos Sr. iyang dalawang iyan.
PCO ASEC. VALDERAMA: Paano po sila nakakatulong ngayon sa inyong pagtitimon sa inyong ahensiya?
DAR SEC. ESTRELLA III: They are the ones who showed a good example ‘no, at makikita mo talaga iyong sincerity sa kanilang puso at sa kanilang kaisipan na talagang pagsilbihan ang mga magsasaka, lalung lalo na ang mga agrarian reform beneficiaries.
PCO ASEC. VALDERAMA: The core of agrarian reform is changed, Mr. Secretary, what are the long-term goals of the agency and ano po kaya iyong hinaharap para sa agrarian reform in the Philippines?
DAR SEC. ESTRELLA III: Gusto namin, katulad ng sinabi ko kanina, na pagbaba sa Malacañang ng ating mahal na Pangulo Ferdinand Marcos Jr. ay iyong natitirang 800,000 hectares na naipamahagi na natin at ang mga agrarian reform beneficiaries na aming ipinapanalangin sa ating mahal na Panginoon na maparating natin iyong panahon, under the administration of President Marcos Jr. na ang ating mga agrarian reform beneficiaries ay ma-integrate sa consumer group o sa mga mamimili at magkaroon din sila ng stronger purchasing power o malakas na kakayahan na mamili ng kanilang kinakailangan sa kanilang buhay.
PCO ASEC. VALDERAMA: Sa palagay ko, Sec., we still have four years marami pa pong oras para po maisakatuparan ninyo ang ninanais ninyo para sa agrarian reform para sa Pilipinas. Siyempre, nandito lamang po ang Presidential Communications Office para tumulong sa inyo in that regard dahil sama-sama naman din po tayo na tumutugon sa mga direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
DAR SEC. ESTRELLA III: Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa inyo, sa inyong tulong at siyempre para magawa natin lahat ito, kami naniniwala doon sa sinasabi na ‘pray hard it works.’
PCO ASEC. VALDERAMA: Thank you very much Sec. Estrella.
DAR SEC. ESTRELLA III: Maraming salamat din po sa inyo.
PCO ASEC. VALDERAMA: Hindi nagtatapos sa pagbibigay ng titulo ng lupa sa mga magsasaka ang agrarian reform agenda ng administrasyon ni Pangulong Marcos, mas sisikapin pa nitong mapalaya ang ating mga magsasaka sa mga pasaning nagpapahirap sa kanila upang mapataas ang kanilang produksiyon tungo sa mas masaganang kinabukasan at mas matibay na seguridad sa pagkain ng ating bansa.
Join us again tomorrow as we bring you in-depth views of the latest issues and regular Palace updates. Sitting in for Daphne Oseña-Paez, this is Assistant Secretary Joey Villarama, for Malacañang Insider. Have a good day.
###