Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Meet and Greet with the Filipino Paris Olympians 2024


Event Meet and Greet with the Filipino Paris Olympians 2024
Location President's Hall of the Malacañan Palace

PRESIDENT MARCOS: Baka nagtataka kayo na mayroon kaming extra. Baka nagtataka kayo ba’t mayroon kaming extra event after the —dumating na ’yung mga ibang Olympian ay dahil noong nagpa-reception kami dito, wala sila, nagbabiyahe, at nagka-mix up. Huli na ‘yung pagkasabi sa kanila. Hindi na sila nakauwi.

Kaya’t sabi namin pareho naman ‘yung kanilang pinaghirapan, so dapat — isama rin natin doon sa lahat ng mga pagtanggap sa ating mga Olympian ng ating ginawa.

Sayang lang hindi nila naabutan ‘yung parada, pero at least lahat ng… Everything else ay nagawa nila. So, we’re happy we were able to do something extra for those that did not make it to the first one.

Q: Sir, baka po noong birthday ni Ma’am FL… Kumusta ang birthday niya? Ano pong regalo ninyo? Paano niyo po na-spend ‘yung birthday ni Ma’am FL?

PRESIDENT MARCOS: Ang birthday laging… Si First Lady ‘pag birthday niya, nagtatago lagi. Gusto niya tahimik na tahimik lang. Kaya ‘yung party niya was last Thursday pa. Nag-birthday party na siya para makaalis na siya, magbabakasyon na siya. So, that was… Galing lang ako doon. I came from Baguio. We stayed in Baguio for her birthday. Very quiet, family lang.

Q: Anong regalo niyo po, sir?

PRESIDENT MARCOS: Tanong mo na lang sa kanya. Baka gusto niyang ipakita sa inyo. [laughter]

Q: Sir, comment lang po sa pagkahuli ni…

PRESIDENT MARCOS: I’m sorry.

Q: Iyong pagkahuli po ni Guo and Cassandra Ong in Indonesia.

PRESIDENT MARCOS: Yes. Well, you know what I know, that they were intercepted in various places — Singapore and Indonesia. And, we are now — of course, in coordination with the Indonesian government and their agencies, arranging for them to be brought back. Siguro, within a day or two.

Okay. Thank you.

— END —