[Ilocano] Secretary, Department of Agriculture, Secretary Kiko Laurel [Ilocano][cheers and applause]. Parang napapalapit na talaga ‘yung kampanya.
Ang kinatawan ng Unang Distrito ng Nueva Ecija Mika Angela Suansing [applause]; at nandito po — ‘yung ating host sa lahat ng ginagawa natin, ang ating mayor, Mayor, ang alkalde ng Munisipyo ng Guimba, Joselito Galapon [applause]; andito rin at napakahalaga dito sa lahat ng ating ginagawa sa agrikultura, ang ating administrator.
At alam niyo po — alam naman po ninyo lahat pagka pinag-uusapan ang agrikultura, at pagka pinag-uusapan natin [Ilocano] — patubig ang pinakaimportante sa lahat ng gagawin natin kaya’t ay ang nandito ngayon, nandito ang administrator natin ng NIA para tiyakin na laging na may supply ng tubig, ang ating administrator Eddie Guillen[applause].
Kasama din po sa lahat ng proyekto natin, siyempre ‘yung pautang, ‘yung financing, para naman mayroong gamitin ang ating mga magsasaka para sa kanilang pagsimula, para sa kanilang paglagay at para naman may puhunan na hawak, kaya’t kasama natin sa araw na ito ay ang ating presidente ng DBP, Development Bank of the Philippines, si Mike de Jesus [applause]; the President also ng Planters Products Incorporated, Maria Zenaida Angping [applause]; ang mga estudyante, mga faculty, administration ng Our Lady of Sacred Heart College na pinamumunuan ni Most Rev. Fr. Michael Gorospe na naregaluhan pa ako ng blessed na rosaryo [Ilocano]
Mga minamahal kong mga magsasaka, ang pinaka-importante dito sa nandito sa lahat ng ginagawa natin at sa pagpupulong-pulong natin dito, ang pinakamahalaga na nandito ngayon, kayo po, ang mga benepisyaryo ng Agri-Puhunan at Pantawid program [cheers and applause].
At habang…dahil papunta ako rito, sabi, sinamahan ako ng dalawang anak ko dahil birthday ko daw kaya kailangan ko ng kasama [cheers and applause] — ‘ka ko mabuti na nga na makita niyo kung ano ang ginagawa natin. Itong panganay ko po ni deputado ti primera distrito Ilocos Norte, Congressman Sandro Marcos [cheers and applause]; [Ilocano] anak ko, my second son, Simon Marcos [cheers]; sabi ko sa kanila, si Sandro nasa Kongreso, laging nakakulong, naghe-hearing sila ngayon ng budget; si Simon naman nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya, laging nakakulong sa opisina niya, kaya’t ‘ka ko makita naman niyo kung ano ‘yung ginagawa ninyo kung… ‘Yang si Sandro sabi ko sa kaniya, ‘yung mga appropriation niyo — ‘yan, si Congressman [unclear] can understand this, ‘yung mga appropriation niyo para makita ninyo kung saan pumupunta‘yan, kung saan namin ginagamit at mabuti’t makita ninyo kung papaano talaga ang naging buhay ng ating mga kababayan kaya’t ating ginagawa lahat ito.
Ang mga kapwa ko manggagawa sa pamahalaan; mga binibini at ginoo, gagayyem ken kakabsat, naimbag yo bigat amin. [cheers and applause]
Mas lalo pong gumaganda ang araw na ito dahil sa mainit ninyong pagtanggap sa akin. Mula pa doon sa pinag-landingan (landing) namin ay nakita ko at naramdaman po namin na — kami naramdaman po namin ay napakainit ng inyong salubong.
Alam nyo po, napaka-espesyal ng araw na ito para sa akin at lalo sa itong — lalong naging espesyal dahil kapiling ko po kayong lahat. [cheers and applause]
Kapiling ko kayo, ang ating magigiting na magsasaka na isa sa mga haligi ng ating lipunan.
Kayo ang bumubuhay sa ating bayan. Sa inyo nagmumula ang ating kasaganahan. Sa inyong mga kamay nakasalalay ang seguridad ng pagkain ng ating bansa.
Nararapat lamang na gunitain natin at kilalanin natin ang inyong kabayanihan at bigyang-pugay ang inyong walang kapantay na kahusayan at kasipagan.
Batid ko na sa kabila ng mga programa ng pamahalaan, marami pa rin ang nahihirapan kaya’t napipilitan kayong lumapit sa mga pahiramang na may mataas na interes para lang makabili ng binhi, ng abono, ng pesticide.
Kaya naman, sa pangunguna ng Kagawaran ng Agrikultura, kasama ang Development Bank of the Philippines, ang DBP at ang Planters Products Incorporated, inilulunsad natin sa araw na ito ang Agri-Puhunan at Pantawid Program. [applause]
Sa tulong ng programa na ito, ang bawat magsasaka ay [makatatanggap] ng tinatawag na Interventions Monitoring Card o IMC — mayroon na rin ako niyan, na magagamit sa pagbili ng binhi, ng abono, at iba pang kagamitan sa pagsasaka mula sa accredited merchants.
Wala nang pangambang maloloko sa presyo. Wala nang alalahanin sa kakulangan ng pondo.
Bukod dito, bibigyan din namin kayo ng tatlumpu’t dalawang libong pisong tulong-pantawid, na ipamamahagi ang walong libong piso tuwing unang linggo sa loob ng apat na buwan. [applause]
Layunin natin na matugunan ang ilang mga pangangailangan ng inyong pamilya habang kayo ay [naghihintay] sa pagtubo ng inyong mga pananim.
At pagdating naman ng anihan, ang National Food Authority ang tutulong sa pagbili ng limang tonelada o isang daang sako ng palay sa presyong hindi bababa sa dalawampu’t isang piso kada kilo. [cheers and applause]
Ang kikitain ninyo sa isang ektarya ay maaaring umabot sa isang daan at limang libong piso, na tiyak na papasok agad sa inyong mga IMC. [applause]
Magsilbi sanang puhunan ang programang ito sa pagbuo ninyo ng inyong [pangarap]. Hangad namin na matulungan kayo sa pagtahak sa bagong landas tungo sa isang maunlad na bukas para sa inyo at sa bayan.
Nandito lang po ang pamahalaan at nakikinig kami sa inyong mga daing. Ito po ang laman ng isip namin mula paggising hanggang sa pagtulog, kung paano kayo
matutulungan. [cheers and applause]
Layunin namin na maihatid sa lahat ng Pilipino ang lahat ng serbisyo ng pamahalaan na makakatulong upang makapagsimula kayo ng kabuhayan, magkaroon ng edukasyon, at magkaroon ng mabuting kalusugan.
Kaya natutuwa po ako na dahil sa dinami-dami ng puwedeng ipagdiwang sa araw na ito, ang pinaka-espesyal ay ang pagkakataon na maglilingkod sa bawat Pilipino at mailapit ang gobyerno sa taumbayan.
Kaya po, kasabay ng ating programa ngayon, sa buong bansa ay sabay sabay na naghahandog ang ating pamahalaan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, ng mga sari saring serbisyo.
Sa ating — sa ilalim ng ating ‘Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat,’ nagsasagawa tayo ng KADIWA para makabili kayo ng bigas at iba pang produktong agrikultura sa mas murang halaga.
Mamamahagi din tayo ng binhi, fertilizer, at iba pang assistance, at magbibigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program, ng TUPAD, at iba pang mga suporta.
Mayroon din po tayong job fair para sa mga naghahanap ng trabaho at Government Internship Program.
Magbibigay din po tayo ng scholarship at saka toolkit at magsasagawa ng skills demonstration sa iba’t ibang panig ng bansa. Mag-aalok din tayo ng mga slot para puwedeng gamitin ng ating mga mag-aaral at ‘yung magte-training, magagamit nila ‘yan sa TVET.
Ang lahat ng ito ay naglalayong bigyan ang bawat Pilipino ng bagong pagkakataon upang magtagumpay.
Hindi pa po nagtatapos dito. Layunin din po namin na matulungan ang ating mga kababayan na may pangangailangang medikal. Kaya po sa araw na ito, sasagutin po natin ang lahat ng bayarin ng mga pasyente sa lahat ng pampublikong Level 3 hospital sa bansa [cheers and applause] katulad ng Dr. Paulino Garcia Memorial Hospital dito sa inyo.
Magkakaroon din po tayo ng mga mini trade fair, business counseling at entrepreneurial training upang matulungan na magsimula ang ating mga nagbabalak na maging negosyante.
Tunay nga na ang araw na ito ay hindi lamang tungkol sa pagdiriwang, kundi sa pagbibigay ng bagong simula at tunay na pagbabago sa buhay ng bawat Pilipino. [applause]
Kaya po ako, ako mismo ang pumupunta rito, hindi lamang para makapagbigay at ipakita na ang aming mga programa, aming mga proyekto at magbigay ng tulong sa ating mga magsasaka.
At kaya — ngunit hindi lamang ‘yon ang ating sadya. Ako’y pumupunta pagka mayroon tayo pong mga ganitong klaseng event. Pumupunta po ako dahil nga naririnig ko mula sa inyo, mula sa inyong mga lider, mula sa inyong mga congressman, si mayor. Lahat naririnig namin kung ano ba talaga ang pangangailangan. Bagong — pagpasok pa lang namin ay may narinig na kaming request na may kailangan daw na tulay doon sa Santa Ana.
[Ilocano] Okay, approved. [cheers and applause]
[Ilocano] Instruction ko kay Secretary Estrella, isama niya sa bridge building program ng Department of Agrarian Reform. Mayroon pong programang ganon. Isama namin po ‘yang tulay sa Santa Ana.
Kaya’t masarap itong birthday ko. Hindi lang ako maraming regalo, marami rin akong naireregalo. Ito ‘yung blowout. [cheers and applause]
Asahan niyo po na sa Bagong Pilipinas, walang maiiwanan sa pagsulong. Lahat ay mabibigyan ng pagkakataon na maging masagana ang kanilang pamumuhay.
Kaya naman, hinahangad kong mag-uumapaw sa inyo hindi lamang ang pag-asa, kundi pati na ang tiwala at pananampalataya na tayo ay magkakaroon ng matatag na kinabukasan.
Sama-sama nating itaguyod ang isang bansang puno ng pag-asa, biyaya, at kaginhawaan.
At pagkat [Ilocano] naabot natin ‘to. Aabutin po natin dahil tayo ay nagkaisa. Dahil tayo ay nagmamahal sa bawat isang Pilipino. Dahil tayo ay nagtulungan.
‘Yan po ang magiging Bagong Pilipinas!
Mabuhay kayong lahat sa Bagong Pilipinas!
[Ilocano]
— END —-