Press Briefing

Press Briefing of Ms. Daphne Oseña-Paez with Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago and Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel De Mesa


Event PCO Press Briefing with Philippine Ports Authority (PPA) and Department of Agriculture (DA)
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

MS. OSEÑA-PAEZ: Good morning, Malacañang Press Corps, and welcome to our press briefing today, September 23.

This morning, we are joined by the Philippine Ports Authority and the Department of Agriculture to brief us on the status of the imported rice stocks, its impact on current and forecasted rice prices, and food security.

The Marcos administration aims to stabilize rice prices and to ensure that consumers have access to affordable food options at all times especially as we enter the holiday season.

Let’s begin with PPA General Manager Jay Santiago.

PPA GM SANTIAGO: Maraming salamat po. Thank you very much, Daphne.

Sa part ng PPA po, gusto lamang naming i-assure ang sambayanan na wala po tayong currently nai-experience na port congestion po sa ating mga pantalan. At iyon pong ating pag-iinspeksyon noong nakaraang linggo ay bilang tugon po sa pag-reach out ng Department of Agriculture sa Philippine Ports Authority na makatulong po sa pagmo-monitor po ng shipments ng mga bigas na dumadaan sa aming mga pantalan.

At sa resulta nga po, katulad nang naiulat sa balita, tayo po ay nakitang 888 na containers na nandiyan na po sa ating mga pantalan, na-clear na po ng Bureau of Customs, at ready na po na ma-pullout ng mga consignees na iyan.

At ang magandang balita po, dahil sa ating pagsisiwalat ng mga overstaying containers po diyan ng bigas, over the weekend lamang po ay nasa tatlondaang containers po ang na-pullout na ng mga kaniya-kaniyang consignees nito. And we look forward na sa mga darating pa pong mga araw hanggang katapusan po ng buwang ito ay tuluyan pa pong mababawasan iyong mga overstaying containers natin diyan na naglalaman ng bigas.

And then, sa patuloy pong pakikipag-ugnayan natin sa Department of Agriculture ay nagkasundo po tayo na magku-conduct pa po tayo ng mas maigting na monitoring po partikular hindi lamang po sa bigas kung hindi sa iba pa pong prime commodities katulad po ng karneng baboy, manok at ng sibuyas para ma-monitor din po natin kung iyon nga pong ganitong kaugalian na naiiwan po sa ating mga pantalan iyong mga shipments ay nangyayari din po sa ibang mga commodities.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Thank you, GM Santiago. Next we have Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa.

DA ASEC. DE MESA: Thank you, Daphne. Good morning, everyone. Magandang umaga po sa lahat.

On the part of the Department of Agriculture, again, we would like to extend our gratitude and thanks to the Philippine Ports Authorities especially to GM Jay Santiago para sa mapabilis na aksyon nila regarding dito sa napaulat na 888 na containers. Itong 888 na ito, it’s about 23 million kilos or 23,000 metric tons. This is only about .75% ng total na imported na bigas na pumasok.

As of to date, according sa data ng Bureau of Plant Industry, nasa 3,093,000 metric tons iyong pumasok. So itong pumasok, apparently naipit nang kaunti, 23,000 metric tons, maliit lang na bahagi ito. Bagama’t kung titingnan natin iyong absolute value, this is still 23,000 metric tons. And again, we would like to extend our thanks to PPA for facilitating itong pag-release nito. At nag-usap nga kami at si Secretary Kiko kay GM Santiago na mas ma-facilitate, na itong mga kargamento na ito ay mailabas not more than 30 days o iyong … maiwasan iyong overstaying noong mga bigas.

At dahil ngayon ay magha-holiday season, alam natin, historically speaking, karamihan ng imported na bigas ay dumarating din every fourth quarter. At hindi lang iyong bigas, kahit iyong iba pang agri commodities natin, especially iyong ating mga meat products, kailangan ay diri-diretso rin iyong paglabas especially this holiday season.

Muli po, good morning at maraming salamat.

MS. OSEÑA-PAEZ: Thank you, Assistant Secretary De Mesa. Questions from Malacañang Press Corps – Maricel Halili, TV5.

MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po. Sir, what was the reason given by the consignee bakit nitong weekend lang nila na-pullout iyong mga bigas? And are they still going to face hoarding charges?

PPA GM SANTIAGO: Thank you, Maricel. Wala po kaming direktang pakikipag-ugnayan sa mga consignees nitong mga rice shipments na ito ‘no. Although may listahan po tayo kung sinu-sino po iyong mga consignees na iyan, pinapaubaya po natin iyan iyong sa pakikipag-ugnayan nila mismong diretsa either sa Bureau of Plant Industry or sa Department of Agriculture para ma-facilitate po iyong immediate pullout na mga containers na iyan ‘no.

Ang papel po natin sa PPA ay magkarga at magdiskarga ng mga kargamento, at kung anuman po ang maitutulong namin sa DA para mas mapabuti at mapaigting iyong monitoring nila ng mga shipments na ito, we will do that po and then we will provide the Department of Agriculture all the necessary information so that they can effectively monitor these shipments.

MARICEL HALILI/TV5: Pero, sir, iyong ganoon po katagal na naiwan sa port, okay pa ba iyon for human consumption?

DA ASEC. DE MESA: Isa sa ni-request namin kay GM Santiago, of course, ay iyong ating Bureau of Plant Industry will check some of the containers. Kasi tiningnan naman namin iyong listahan, karamihan naman nito nasa … hindi pa ganoon katagal. But nevertheless, part of the responsibility of the Bureau of Plant Industry is to check on the food safety at kung makita natin na okay pa talaga itong mga bigas na ito.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Ivan Mayrina, GMA 7.

MAYRINA/GMA 7: Kay GM Santiago, sir. Napanood ko po kayo sa news the other night, ang sinasabi po ninyo, iyong marami sa mga kargamento na iyan, sadya nilang tinitengga doon sa port dahil inaantay nilang umangat iyong presyo. At this point, have you established na ito po ay nagkaroon ng profiteering at hoarding at some point?

PPA GM SANTIAGO: Thank you, Ivan. Sa ngayon kasi, tayo naman ay nagtatanung-tanong din sa mga players natin, sa mga stakeholders natin diyan sa … on the logistics chain at saka dito sa ating pantalan. And there is parang nakikita natin na walang iba ang rason kung bakit iiwan mo sa pantalan iyong mga kargamentong iyan, maliban na lang, dahil sa mas mura ang binabayaran nila na storage charges diyan sa pantalan as compared doon sa mga private warehouses. And, of course, may mga feedback din sa atin from industry players na may mga instances na nabibili nila iyong mga bigas from other countries na sa hindi pa masyadong magandang presyo at pagdating dito, dahil nga ang nangyayari ngayon, bumaba na iyong taripa, tapos nagsusumikap ang Department of Agriculture na tuluyang mapababa ang presyo ng bigas, hindi na favorable kung minsan iyong disposition or iyong pagbebenta ng mga inangkat nilang bigas dahil hindi na maganda iyong presyo. That is why naghihintay sila na magkaroon ng pagkakataon na sumipa na naman, na mag-increase ang demand para sumipa ang presyo at saka doon nila ilalabas iyan.

MAYRINA/GMA 7: And having said that, iyong tanong po ni Maricel kanina, wala na po ba tayo kakasuhan? Is it simply a matter of them pulling out the goods and okay na?

PPA GM SANTIAGO: Well, sa atin ngayon, as far as PPA is concerned, wala naman sa mandate natin na magkaso kung puwede ba nating ma-consider na hoarding iyan. Ang sa amin lang, sa part ng regulasyon at proseso natin sa pamamahala ng mga pantalan is that after 30-days from the time na clear iyan ng Bureau of Customs for release ay mino-monitor natin iyan and then kung anuman ang laman ng kargamentong iyan, iyan ay iniendorso natin sa Bureau of Customs so that they can dispose of it properly. Because under the Customs’ Modernization Tariff Act, kahit na anong kargamento ay lumampas ng 30 days after clearance by the Bureau of Customs at naiwan pa iyan sa pantalan o sa terminal, maaari na iyang ideklarang abandoned ng Bureau of Customs and to be disposed of accordingly.

MAYRINA/GMA 7: Ito pong bigas na ito, gaano na katagal sa pantalan? Iyong pinakamatagal, sir?

PPA GM SANTIAGO: Well, iba-iba iyong ano niyan ‘no, may isang container diyan na 275 days; may isa na 161 days; mayroon diyan 26; mayroon diyan two; may eight – so iba-iba siya. So, ang gagawin natin diyan, binigyan natin ng pagkakataon lahat ng consignees niyan hanggang katapusan ngayong buwan ng September 30. And then, nangako tayo sa Department of Agriculture na by October 1, iri-report natin sa Department of Agriculture kung ano pa iyong mga kargamento diyan ng bigas na mahigit 30 days na and then, we will go through the process and endorse that to the Bureau of Customs for appropriate action.

MAYRINA/GMA 7: Iyong DA baka ho … may krimen po bang nagaganap dito?

DA ASEC. DE MESA: Part iyan ng pagsusuri natin. Sa ngayon, hindi pa natin nakita. But kami ngayon, ang concern namin ay iyong food safety. May nabanggit si GM kanina na isa lang naman na kargamento na 275 days, so nine months na iyan na nakatengga, plus kailangan ding makita kung kailan iyan na-harvest. Kasi kapag tumagal ng isang taon, medyo matagal na iyong bigas. We just would like to ensure food safety noong bigas na iyon.

MAYRINA/GMA 7: Sorry, last na lang po. Iyong sa profiteering and hoarding, hindi pa rin po natin mai-establish even with the information na ito po, sobrang tagal tapos nag-aantay na tumaas ang presyo?

DA ASEC. DE MESA: We will let the proper authorities to handle that.

HALILI/TV5: Sir, sino ba iyong dapat na magkaso, kung mayroon mang dapat isampang kaso?

DA ASEC. DE MESA: Itsi-check muna namin. On the part ng DA, kasi kami ang concern namin sanitary and phytosanitary import clearances, so kung walang problema doon, isang way namin dito, tingnan on the policy side. Kapag naisyuhan ba ng SPSIC ng Bureau of Plant Industry at na-clear ng BOC at ng PPA, namo-monitor ba kung saan pupunta na warehouses. So, isa iyan sa dapat tingnan namin kasi kagaya nito, nangyari, may isa na 275 days, ang report niyan, na-clear na iyan eh. So kung iyan ay tumagal nang ganoon, medyo matagal. Pero kahit isang container na may laman, kasi ang isang container 540 bags, that is about 27,000 kilos iyong isang container.

TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, sirs. How long para sa inyo na mai-check siya at makapag-decide kayo kung mayroon bang dapat kasuhan o wala or how soon?

PPA GM SANTIAGO: Pakiulit?

NIU/DZBB: How soon po na ma-check ninyo lahat iyong kargamento at ma-identify kung sino iyong consignee at kung mayroon ba kayong makakasuhan o wala?

DA ASEC. DE MESA: Identified naman kung sino iyong consignee, as per GM Santiago. So, part ito ng pag-review namin ngayon. So, we will let you know.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, ano hong nakikita natin na posibleng paggamitan nito kung hindi po siya ma-claim by October 1?

PPA GM SANTIAGO: Well, ‘pag hindi pa siya na-claim by October 1 ‘no, pinag-uusapan natin dito ay iyong mga kargamentong more than 30 days iyong dwell time o na-clear na ng Bureau of Customs and then nagbilang na tayo ng tatlumpung araw, iendorso natin ito sa Bureau of Customs and then for them na i-declare na abandoned itong shipment na ito. And then, it will now be up to the Bureau of Customs kung if they will auction it off or if they feel na puwede na itong i-donate sa ibang agencies para mas magamit.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, we’re talking about DSWD, for example?

PPA GM SANTIAGO: Parang ganoon, yes.

MS. OSEÑAS-PAEZ: Okay, leading up to the holiday season, any updates would you like give us about our food supply?

DA ASEC. DE MESA: Yeah, in relation naman sa supply natin, coming from, again, strong harvest last year at bagama’t nagkaroon tayo ng El Niño, iyong combine effects noong mga latest na bagyo from Caring, itong Enteng at saka itong Gener, Ferdie at saka Helen, iyong losses natin is about 420, 000 metric tons. That losses is within the limit na mayroon tayo— kasi kahit may La Niña o wala, iyong mga bagyo natin, that’s 18 to 21 typhoons every year and four or five diyan ay destructive at dumadaan doon sa mga areas talaga na palayan natin. So, ini-expect natin mga 400 to 600 thousand metric tons losses every year. So, these losses are within the limit natin at ini-expect natin na makaka-harvest pa rin tayo ng 20 million metric tons for this year.

And iyong ating import natin nasa three million metric tons na. So, in terms sa supply, maganda iyong expectation natin, iyong ating projection. Sa presyo naman, nakita na natin mayroon na tayong 42 pesos sa imported rice; ang local natin is 45 pesos. So, iyong coming from 50 pesos na mataas na presyo, iyong pangako ng ating Pangulo na nagsisimula nang bumaba iyong pagbaba ng presyo ng bigas, nararamdaman na natin ngayon. At doon sa projection din ni Secretary Kiko by October ay magkakaroon na rin talaga ng significant changes hanggang January na presyo ng bigas.

MS. OSEÑAS-PAEZ: Okay.

PPA GM SANTIAGO: Thank you, Daphne. On the part of PPA, handa na po ang mga pantalan natin sa pagdagsa noong mga kargamento ‘no na kinakailangan para sa darating na Kapaskuhan. Inaasahan po natin na tataas po iyong cargo traffic natin sa mga terminal ng PPA leading towards Christmas, starting November hanggang bago po mag-Chinese New Year sa susunod na taon.

Ang panawagan lamang po natin doon sa mga kababayan natin na mga nangangalakal, iyong mga importers po natin na i-plano po nila ng mas maaga iyong mga importasyon nila at iyong mga kababayan po natin na, ano naman po ‘no, ika nga namimili online or mga personal pong mga ano ‘no mga binibili nila from online merchants na kung maaari ay agahan nila kung ini-expect nilang makuha po itong mga kargamentong ito bago mag-Pasko dahil inaasahan po natin hindi lamang po—katulad po, maihahalintulad natin iyan sa road traffic natin na dumadami din po talaga ang mga kargamento’t mga barko na dumadating pagdating ng … bago dumating ang Kapaskuhan.

But, we assure the public na very efficient na po ang ating sistema sa pantalan. We are currently at 70% yard utilization ngayon. Ang berth utilization natin is only at 80% ano. We should see iyong rice ng yard capacity natin by up to 90% during the peak of the Christmas season but that is still manageable.

And also, Daphne, if I may also take this opportunity, sa mga kababayan natin na nakakakuha po noong mga messages either e-mail of message na nagsasabi pong may kailangan silang bayaran na direkta galing sa PPA ano, na naniningil sa kanila, wala pong ganoong proseso ang PPA; hindi po kami directly nakikipag-c0ntact sa individual persons para magbayad o maningil ng mga kargamento. Maging ano po sila doon be very careful sa mga ganoon modus po na scam at marami na pong na-report sa amin na na-biktima noon. Iyong iba po kasi nakakatanggap sila ng kunwari may shipment sila na hindi naman nila alam na may shipment sila at sinisingil sila at naloloko sila. Wala pong ganoong proseso ang PPA.

Always you can visit po iyong social media sites ng PPA, sa Facebook at sa Twitter para mag-inquire kayo patungkol sa mga kaduda-dudang mga practices na ganito. Thank you. po.

MS. OSEÑAS-PAEZ: Okay. Thank you very much, Assistant Secretary de Mesa and General Manager Santiago. Thank you.

This concludes our press briefing. Magandang umaga, Malacañang Press Corps.

##