Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the 49th National Prayer Breakfast


Event Media Interview
Location Heroes Hall, Malacañan Palace in Manila

Well, we have been monitoring Pepito all night. At unfortunately, I’m sorry and saddened to report that mayroon tayong casualty na isa sa Cam Norte. And you know my feelings about that is that one casualty is one casualty too many. So, that is unfortunate.

However, I still would like to congratulate – kailangan pasalamatan natin lahat ng mga first responder, ‘yung mga LGU, lahat ng mga nagtatrabaho na pang-anim na nila ito. I’m sure that they are exhausted. I am sure that they have done – they continue to do and work as hard as they can. Kaya’t tayo po’y nagpapasalamat sa kanila.

At sa taong-bayan din, at sila ay tumutulong, at hangga’t kaya. At sinusundan naman ng ating mga bulletin tungkol sa kung anong kailangang gawin. Kaya’t kahit papaano, sa lakas ng Pepito ay hindi kasing sama ng aming kinakatakutan. It wasn’t as bad as we feared.

So, but now, we will now carry on with the rescue of those isolated areas and the continuing relief for those who are – who have been displaced and have no means to prepare their own meals and have no water supplies. Iyong ating relief na ginagawa kagaya ng dati.

Rebuilding will also start to continue as well. So, sana naman pagkadating ng Pasko, tayong mga Pilipino, alalahanin naman natin ang mga ating mga kababayan na kahit papaano – na nasalanta.

At kahit papaano sana ‘yung ating – sanang gawing pamasko, ipamahagi na lang natin sa kanila. Kawawa naman at sila’y naghihirap.

Anyway, that’s it. Thank you.

 

— END —