Magandang umaga po sa inyong lahat! Merry Christmas po.
Nandito lang po kami upang mag-supervise po at makita kung papaano gagawin dito sa distribution ng tulingan. Tulingan itong nahuli. Alam niyo po ang pinanggalingan nito ay may nagpasok na iligal nitong mga isda na ito. Bale smuggling, ni-smuggle papasok ng Pilipinas. At mabuti naman ay nakita.
Sa ugnayan ng Department Agriculture at saka nung ating Bureau of Customs ay nakita nila hindi maganda, hindi kumpleto ang papeles, hindi kumpleto ang pagbayad. Kaya po kinumpiska ng pamahalaan. Kaya’t ganun po ang nangyari.
Ngunit nakita naman ninyo na naka-freezer pa ito. ‘Ika nga namin napakasayang naman nito. Katakot-takot na isda nito. Andaming pwedeng ipakain. Marami tayong mapapakain kaya’y idi-distribute po natin doon sa inyo, dito sa inyo para mayroon namang pantulong. Para na kayong namalengke ng isda ngayong araw. Mayroon kayong tig-dalawang kilong, diba? Tig-dalawang kilo. [Applause]
Naiba po ang pamasko nami. Imbes na hamon at saka mga litson, isda, tulingan ang aming dala. Para naman yun na nga hindi masayang. Ang DSWD, ito po si Secretary Rex Gatchalian. Siya yung lagi—kapag namimigay tayo ng tulong sa taumbayan ay ang DSWD po ang lead agency at in coordination siyempre ng ating local government. Alam niyo naman po ang national government ang katotohanan niyan ay kung hindi tayo nagtutulungan ng Mayor’s office, ng LGU, lahat po ng opisyal, ang ating Congressman ay hindi po maganda ang patakbo. Kaya’t nagpapasalamat ako sa kanilang pag-uugnay at pagbibigay ng importansya dito sa ating ginagawa.
Okay. ‘Yun lang naman po at asahan po niyo na kapag ka may ganitong pangyayari ang una naming iniisip kung paano gagamitin itong mga nahuling bagay-bagay na ito. Kung minsan hindi lang naman pagkain. May agricultural products. Mayroon po kasi tayong bagong batas na tinatawag na Anti-Agricultural Sabotage Act. Ibig sabihin na ginagawa natin ang lahat ng pamamaraan upang pababain ang presyo ng pagkain. Dahil ang smuggling po, ang problema kasi sa smuggling ang ginagawa po ini-smuggle nila, pinapasok nila tapos iipitin. Hindi ilalabas. Mag-aantay hanggang tumaas ang presyo. ‘Pag tumaas ang presyo saka nila ipagbibili. Kaya’t yung ang iniiwasan natin dahil ang nabibiktima diyan ay yung taumbayan, pangkaraniwan natin na mga mamamayan. Kaya’t hindi natin papayagan na ma matuloy yung mga ganyang klaseng sistema. Kaya ginawan nga namin ng batas at pinapatibay namin ng mabuti.
Kayo ngayon ang naging beneficiary dito sa ating nahuli na smuggled agricultural products. Ito nga tulingan. Sana —mabuti naman. Ako’y nasisiyahan na nandito kayong lahat na hindi masasayang at magagamit naman ninyo. Okay.
Maraming, maraming salamat! Merry Christmas po! [Applause]
—END—