Speech

PBBM Vlog: Bagong Taon, Bagong Pilipino!


Magandang araw at isang maligayang bagong taon sa ating lahat!

Sana naman ay naging masaya, mapayapa at makabuluhan ang inyong mga pagdiriwang nitong bakasyon.

Tuwing bagong taon ay hindi nawawala ang usaping new year’s resolution: bagong taon; bagong panimula. Bagong ako, bagong pag-asa; at idadagdag na rin natin – Bagong Pilipino!

Dahil sa inyong pagpapabuti at pagpapahusay ng sarili, sa anumang bagay, maliit man o malaki, lahat po ‘yan ay nakakatulong sa pagpapaganda ng bansa natin.

Anu-ano ba ang mga katangian at asal ng isang bagong pilipino na sana ay kasama sa ating new year’s resolution?

Simpleng simple lamang yan.

Ang Bagong Pilipino ay disiplinado. Disiplinado sa sarili. Disiplinado sa sariling tahanan. Disiplinado sa lansangan.

Health and fitness goals; sa pagkain;pag-hawak ng pera; pag-iipon; Disiplina sa oras ng mga gadget. Disiplina sa pagmamarites at sa pananalita, Disiplina sa lansangan: pagda-drive; pagtatapon ng basura; pagiging pasaway sa kalye.

Tanungin natin ang sarili, saang bagay pa tayo pwedeng maging mas disiplinado?

Ang new year’s resolution ko naman para maging mas disiplinado, mas aalagaan ko ang aking kalusugan. Dahil sa dami ng aking ginagawa, bawal talaga ang magkasakit. Bawal talaga na hindi makapasok. Bawal talaga na hindi maganda at maliwanaga ang inyong pag-iisip.

Pangalawa, ang Bagong Pilipino ay pinapahalagahan ang kultura ng kahusayan at kagalingan. Ang ating culture of excellence na tinatawag.

“Gagalingan ko pa ngayong taon!” At lalong suportahan ko din ang mga magagaling at nagpupursige. Kikilalanin natin at ipakikilala ang mga mahuhusay na Pilipino sa buong mundo!

Magaling tayo! Kaya’t dapat ilagay na natin sa ating pag-iisip na ngayon, hindi na puwede ang puwede na. ‘yan ang pag-iisip ng mahuhusay na Bagong Pilipino!

Kung may bagong teknolohiya, hindi tayo intimidated. Bukas ang isipan natin matuto para makasabay tayo sa buong mundo!

Nakita naman natin, mayroon na naman tayong champion na si sofronio vasquez. Ngayon lang nakilala, ay napakagaling talaga. Dapat iyan ang mga hinahanap natin na mga magagaling at mahuhusay na Bagong Pilipino.

At pangatlo, ang bagong pilipino ay mapagmahal sa bayan. There is a renewed sense of patriotism. Dapat sa ating mga new year’s resolution, lagi nating kasama ang pagmamahal sa ating minamahal na pilipinas mas mamahalin pa natin ang ating Bansang Pilipinas.

What are the many ways that we can show, to express our patriotism? Napakarami.
Huwag na siguro tayo lumayo – hindi naman kailangang national level. Paano tayo makakatulong sa ating lokal na komunidad? Sa ating syudad. Sa ating barangay o sa ating tahanan. What can we do to shape the community? Help our schools. Build the playground. Kahit na maliliit lang na bagay. Iyang mga maliliit na bagay, napakalaking bagay iyan ‘pag pinagsamasama mo lahat ng pilipino na parepareho ang asal tungkol diyan sa ating pagmamahal sa Pilipinas.

Ang pagmamahal sa bayan ay puwede ring ipakita sa mga ginagampanan nating tungkulin. Paghusayan ang trabaho.

Mas malalim ang kahulugan ng disiplina at pagiging mahusay kung ito ay naka-angkla sa pagmamahal sa Pilipinas.

Kasabay ng lahat ng mga proyekto at programa ng pamahalaan ay kailangan na kailangan natin ang kooperasyon ng bawat mamamayan.

Mga bagong pag-iisip at pag-uugali na dapat ay taglay ng pilipinong humaharap sa mga makabagong hamon ng panahon.

Ang Bagong Pilipino ay disiplinado, mahusay, at higit sa lahat – mapagmahal sa bayan! Mapagmahal sa kapwa Pilipino!

Ito sana ang mga katangiang isasabuhay natin ngayong bagong taon!

Dahil walang Bagong Pilipinas, kung walang Bagong Pilipino.

—END—