Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Good morning. Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa mga magagandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Nagpapatuloy ang programa ng pamahalaan sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo at trabaho sa taumbayan nitong weekend. Umikot sa Dasmariñas, Cavite at Biñan, Laguna ang Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan para sa Bagong Pilipinas; dito ay available ang serbisyong medikal kagaya ng libreng konsultasyon, gamot at bakuna. May job fair din para sa mga beneficiaries ng 4Ps program kung saan ay posible ang on-the-spot hiring. Panoorin po natin ito:

[VTR]

Isa pang good news. Para tuluyang palakasin ang turismo sa bansa, inanunsiyo ng Department of Finance na maaari nang mag-apply ng VAT refund ang mga non-resident tourists or foreign passport holders para sa mga produktong galing sa mga accredited na tindahan na may halagang tatlong-libong piso pataas. Maaari lamang i-apply ang VAT refund sa mga damit, electronics, gadgets, alahas, food or non-food consumables at mga produktong pang-personal consumption. Kailangan din ay personal na dala ng turista palabas ng bansa ang mga produktong inaplayan ng VAT refund. Panoorin po natin ito:

[VTR]

At noong Lunes nga ay pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang Grand Iftar kasama ng ilang miyembro ng gabinete at ng Bangsamoro Transition Authority. Ang Grand Iftar ay nagsisimbulo sa unified commitment ng Bangsamoro at ng gobyerno ng Pilipinas para masiguro ang maunlad na kinabukasan ng Bangsamoro.

[VTR]

At iyan po ang mga good news natin sa araw na ito. Maaari na pong magtanong at atin po itong sasagutin.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning. Mayroon po ba tayong figures kung ilan po iyong mga na-hire on-the-spot o nakakuha ng trabaho mula doon sa Dasma and Laguna po?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Mayroon po tayong record diyan – sa Dasmariñas po ay on-the-spot nakapag-hire po ng 63 na kababayan natin, at sa Biñan naman po ay 45 ang na-hire. May available pa po ng jobs sa Dasmariñas 4,120 at sa Biñan po ay 4,282.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And then, Usec., saan pa po kaya natin ini-expect na ilulunsad itong Trabaho at Serbisyo sa ibang part ng bansa?

PCO USEC. CASTRO: Abangan po natin iyong ibang mga schedules at ibibigay po natin.

CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Usec. What outcome po iyong ini-expect ng Malacañang from VAT refund at gaano po tayo nalalapit doon sa adhikain na maging prime shopping destination iyong Pilipinas?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay nag-uumpisa pa lamang po ito at kung tutuusin nga po ay parang medyo nahuhuli na po tayo. May mga ibang bansa na po na ito din po ang kanilang ginagawa para makapang-akit ng mga turista. So, ito po ay isang paraan lamang po para mas marami pong turista ang pumunta sa ating bansa at ito din po ay makakapang-engganyo rin po na bumili ng mga produkto dito sa ating bansa.

CLEIZL PARDILLA/PTV: Ma’am, sa ibang bansa like in Netherlands and Belgium, last year may mga report po ng VAT refund fraud – iyong paulit-ulit po na mga resibo para makapag-claim. Gaano po tayo kahanda and what safeguards are in place to prevent fraud and abuse in VAT refund system?

PCO USEC. CASTRO: Of course, dapat handa po tayo diyan. Dapat iyong mga accredited na mga tindahan lamang po ang mag-i-issue ng mga resibo para po hindi po tayo maloko ‘no noong mga nagpapanggap na mga turista, nagpapanggap na mga bumili ng mga produkto mula sa Pilipinas.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning po. Usec., anong feedback po ba na nakuha natin doon sa mga negosyante saka pati doon sa mga retailers para doon sa implementation ng VAT refund program?

PCO USEC. CASTRO: Ito naman po ay makakabuti rin po sa mga accredited na mga stores. At siyempre po, kapag po accredited sila at bumibili sa kanila – mas maiengganyo sila na mag-produce pa ng mas marami. So, ito po naman ay kanilang hindi tinututulan at ito’y papabor din po sa kanila—hindi lamang po sa kanila pati sa ating bansa.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., may projection ba tayo as far as influx of foreign tourists? Kapag nagsimula na ito, mas dadami po ba?

PCO USEC. CASTRO: Ngayon nga po na wala pa pong pinapa-implement na VAT refund, mas marami pa po ‘no na darating sa atin. Katulad din po ng ating ni-report noong kamakailan lamang, natutuwa po ang Department of Tourism dahil dumadagsa po ang mga turista sa ating bayan. So, with this, mas inaasahan po natin na mas dadami pa po ang mga turistang dadayo sa ating bansa.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning. Ang Department of Health po nakapag-report ng 35% increase ng tigdas cases sa Metro Manila at ibang lugar sa Pilipinas plus iyong PAGASA, sinasabi po nila na mas madalas na nating mararanasan iyong danger level ng heat index lalo’t palapit na po iyong summer. Ang national government po ba mayroong mga adjustments na ipatutupad when it comes to the health situation sa bansa?

PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. Sana po maipahatid natin ito sa taumbayan na mayroon po tayong “Bakunahan sa Purok ni Juan” at magkakaroon po ito ha – ito po iyong measles catch-up immunization campaign at sa selected LGUs po dito sa Metro Manila at ito’y ginaganap na po, March 17 up to 28. So, kung ang kababayan po natin ay may mga panahon, pumunta lamang po sila sa mga health centers at maia-avail po nila itong pagbabakuna especially po sa sinasabi nating tigdas.

At patungkol naman po doon sa heat index, mayroon na po tayong nai-release – si Secretary Ted Herbosa, ito po iyong DOH Department Memorandum No. 2025-0114 that outlines measures to beat the health impact of heat. At sinasabi rin po dito ay magkakaroon po ng katulad ng BUCAS (Bagong Urgent Care and Ambulatory Service) Centers para po makatulong po sa ating mga kababayan. At magkakaroon din po tayo ng mga public health literacy, establishment of cooling centers, climate resilient health infrastructure that includes hydration stations. So, ito lamang po ay isa sa mga programa na isinasagawa po ng pamahalaan sa tulong na rin po ng DOH.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And then, Usec., a lot of these diseases po puwede naman pong maiwasan through immunization – binabanggit ninyo nga po iyong mga nakalatag na immunization. Ang DOH, target po about 400,000 children na mabakunahan. Maybe may panawagan na lang po ang Malacañang sa mga guardian o parents ng mga bata when it comes to immunization?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Katulad po nito, baka po iyong ibang mga magulang or guardians ay hindi pa po alam na mayroon po tayong “Bakunahan sa Purok ni Juan.” Ito po ha, sabihin ko po iyong mga lugar, pumunta lamang po sila sa health centers: Caloocan, Quezon City, Taguig, sa Manila, Mandaluyong at Las Piñas. At sa iba pang mga LGUs po ay gagawin po ito sa second quarter of 2025, so pumunta lamang po kayo sa health centers ngayon para sa pagpapabakuna ng inyong mga anak.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Lastly na lang po, Usec, from my end. Is the government confident that we are still on top of situation kasi po last month nakapagtala po tayo ng increase in dengue and foot and mouth disease lalo na po sa mga bata and now may tigdas plus iyong sinasabi pa nga po ng PAGASA na mas iinit pa so may mga kaakibat din po iyon na health concerns?

PCO USEC. CASTRO: Minsan may mga factors po talaga na mahirap na i-predict pero ang gobyerno po ay handa po sa mga ganitong klaseng mga pagkakataon at sitwasyon.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Thank you po.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Idugtong ko na po since nabanggit iyong Department of Health. Usec., anti-smoking advocates are criticizing government specifically Health Secretary Ted Herbosa and even the DSWD for accepting and taking part in a turnover ceremony of mobile health clinics from a tobacco company citing that it is in violation of a DOH and Civil Service Circular which restricts government officials from engaging with the tobacco industry. This turnover incidentally was held at the Palace grounds in the presence of the First Lady. Any comment from the Palace?

PCO USEC. CASTRO: Do we have any proof that DOH Secretary Ted Herbosa was the one who accepted the donation from the tobacco companies?

IVAN MAYRINA/GMA 7: No, but his mere presence in a photo op and you know even applauding iyong actual turnover pinuna po iyon and, again, citing that it is in violation of a Civil Service circular.

PCO USEC. CASTRO: Opo. Kung hindi po naman tumanggap ang DOH ng anumang donasyon mula sa tobacco company ay wala po tayong nakikitang anumang violation sa sinasabi nating batas or rule. At kung siya naman po ay nakapag-photo ops, hindi naman po ibig sabihin na siya ay nagba-violate na ng anumang batas. At kahit naman po siguro ang ibang tao, kung ikaw ay public servant at ikaw ay na-request-an kung puwedeng magpa-picture sa iyo – dapat maging gentleman ka, hindi naman ibig sabihin na ikaw ay nagpapa-photo ops ay ikasisira na po ng imahe ng DOH at ito ay makakasira din sa patakaran ng pamahalaan.

IVAN MAYRINA/GMA 7: As a matter of policy, ano ho ang stance ng gobyerno pagdating ho sa interaction with tobacco companies?

PCO USEC. CASTRO: Okay. Siyempre po kung ano po iyong sinasabi ng batas katulad po ng sinasabi nating rule na ang DOH ay hindi dapat na—para i-promote ang mga ganitong klaseng produkto at ito naman po ay susundin. Kung ito po ay nasa patakaran, wala po tayong iba-violate diyan. Pero kung may mga pagkakataon po na nagbibigay ng donasyon ang sinuman po at ito ay ikakabuti naman po ng pamahalaan basta walang violation ng anumang rules at batas ay hindi po tayo tatanggi sa anumang tulong na ibibigay ng private companies or ng sinumang ahensiya or ng organization.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Ma’am, on the issue of the former President. Ang posisyon po ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Duterte is the Philippines has a perfectly functioning judicial system and specially under a different administration over which he has no more influence. Kung dati ho hindi da ma-prosecute si FPRRD dahil masyadong mataas ang kaniyang posisyon at malawak ang kaniyang impluwensiya, ngayong iba na ho ang administrasyon bakit hindi na lang daw dito sa termino ni Pangulong Marcos?

PCO USEC. CASTRO: Although nasagot na po natin ito – paulit-ulit na lang po iyong kanilang issue – unang-una po, sinabi po nga natin na nauna na po kasing nag-imbestiga ang ICC, ang mga prosecutors ng ICC. Hindi pa po nakaupo ang Pangulo, si Pangulong Marcos ay nakapag-decide na po ang prosecutor ng ICC na ituloy ang pag-iimbestiga dahil hindi tumupad ang dating pamahalaan sa kanilang pangako na sila ay magkakaroon na ng tamang pag-iimbestiga at ipo-prosecute ang dapat na i-prosecute.

At tandaan po natin, may mga pagkakataon din po si Pangulong Duterte noon, si dating Pangulong Duterte, na mismo ang mga findings ng NBI ay pinakikialaman. So, talagang masasabi nating hindi gumana ang justice system sa kanila; sa ibang tao, sa ordinaryong tao – yes, gumagana pero sa kanila ay mukhang hindi.

Bigyan natin ng sample ito, natatandaan ninyo ba noong nagkaroon ng findings ang NBI kay Police Superintendent Marvin Marcos – ang findings ng NBI dito ay multiple murder in relation to the killing of Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. Ano ang sinabi ni dating Pangulong Duterte and I quote, “I will not allow these guys to go to prison maski na sabihin ng NBI [na] murder,” okay, tinuloy niya po ang kaniyang salita, “Eh tutal under ko rin iyan,” referring to NBI. And after that pronouncement, from multiple murder it was downgraded to homicide and after that despite na mayroong kaso na murder, hindi ba’t in-allow pa rin niya si Superintendent Marvin Marcos na makapagtrabaho.

Isang sample lang po ito kasi kung marami pa po akong ibibigay sa inyong mga sample kung ano ang naganap noon, mauubos po ang araw natin ngayon.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Panghuli na lang po. In an interview the ICC Spokesperson today said the Philippines’ cooperation with the ICC was crucial despite earlier statements from the President of non-cooperation. Will anything change at least officially with our stance on cooperation with the ICC?

PCO USEC. CASTRO: We have not been cooperating with the ICC – it’s clear, because the stance of the President regarding the jurisdiction of ICC over the Philippines remains.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Salamat po.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Naniniwala po ba ang Malacañang na may nag-udyok po sa mga OFWs para makilahok po sa zero remittance week? At may balak po bang imbestigahan ito ng gobyerno kung sino ang nasa likod ng mga nasabing hakbang?

PCO USEC. CASTRO: Kung may nag-uudyok po siguro po wala tayong personal na knowledge, wala rin pong nakakarating na opisyal na komunikasyon patungkol diyan sa Palasyo. Pero alam naman natin kung papaano ba gagalaw ang ibang mga supporter. Pero noong atin pong sinagot ang patungkol dito na zero remittance nakita ko po sa ibang mga comments na iyong mga ibang OFWs ay sinabi nilang hindi sila lalahok dahil magugutom ang kanilang pamilya, maaapektuhan ang pamilya nila kapag sinunod nila ang zero remittance.

Kaya nga sabi po natin, mas maganda po sa lahat ng mga OFWs hindi po tayo kalaban – magkakakampi po tayo, pare-pareho po tayong mga Pilipino. Siguro magmasid lamang sila at iwasan na maniwala sa mga fake news dahil kung sila po ay mauudyukan man ng mga ganitong klaseng panawagan at pagsasagawa ng mga activities laban sa gobyerno ay hindi lamang po ang gobyerno ang maaapektuhan kundi mismo ang kanilang pamilya.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., may nakikita din po ba kayong legal liabilities doon po sa mga nag-uudyok sa mga OFWs?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po of course kapag po ito ay nag-uudyok, mayroon po tayong sinasabing mga inciting to sedition, bakit – ito po ay gustong sirain ang pagpapatakbo ng administrasyon. Ito ay makakasira sa ekonomiya ng bansa. Pero as we speak now, wala po tayong nakikita na ating sasampahan ng kaso – wala pa po tayo sa ganiyang sitwasyon.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Lastly, Usec., sakali pong gagawin talaga ito ng mga OFWs at hindi magpapadala ng remittance, may hakbang din po ba ang gobyerno  gaya ng pag-alis o pagsuspinde sa kanilang mga benepisyo na ibinibigay din ng gobyerno? Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Choice po kasi ng OFW kung sila ay magpapadala ng kanilang remittance o hindi. Wala po tayong hahadlangan kung anuman ang kagustuhan nila. Pero muli tayo ay mananawagan sa mga OFWs, ang gobyerno po ay hindi ninyo po kalaban, kami po ay kakampi. Dapat lamang po na magmatyag at alamin kung ano ang fake news at ano ang katotohanan.

PIA GUTIERREZ: Ma’am, I would just like to follow up iyong economic implications nitong zero remittance protest ng mga OFW, mayroon po bang pag-aaral na ang gobyerno kung magkano ang mawawala sa ekonomiya ng bansa and if ever, kung mayroon tayong mga contingency measures?

PCO USEC. CASTRO: As of the moment, hindi po pa kasi ito pinag-iisipan ng gobyerno. Ang alam po kasi natin ang OFW ay magkakaroon sila ng sariling pagdidesisyon; hindi po natin iniisip na madadala sila ng mga ganitong panawagan considering nga po na iyong pamilya mismo nila ang maaapektuhan. Kagaya ng aking sinabi, iyong mga comments ay mas marami pong nagsasabi na hindi sila lalahok sa ganitong panawagan dahil ayaw nila mismo ang kanilang pamilya ang maghirap at magdusa sa mga isyu ng politika.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Good morning po, Usec., tungkol pa rin po doon sa remittance po ng mga OFW, nagpaalala po si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile po sa mga OFW na hindi raw sila nagbabayad o pinagbabayad ng income tax at siyempre iyong kasama na doon iyong travel tax, airport fees at iyong documentary stamp tax. At ayon po kay Enrile, sa bawat aksiyon daw po ay may katapat na reaksiyon or counter action po ng gobyerno. Nakikita po ba natin iyong possibility na humantong po doon sa pagkakatanggal o pagkakasuspinde ng tax privileges po ng ating mga OFW iyong hakbang na iyan?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Pinapaalalahanan lang po sila ni Presidential Chief Legal Counsel, na ang gobyerno po ay tumutulong sa OFWs, hindi po kinakalaban ang OFWs. At ipinapakita rin po JPE na ano ba ang maaaring makuha nila na ayuda mula sa gobyerno at hindi po natin sisikilin, sabi nga po natin na hindi po natin sisikilin kung anuman ang maging kagustuhan ng mga OFW kung sila’y magpapahatid ng kanilang remittance o hindi, huwag lamang po silang lalabag sa batas, iyon lamang po.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Follow up lang po, kung alam na po ng Pangulo, alam na po ba ito ng Pangulo ang isyung ito at ano po iyong directive ho ng Pangulo, kung mayroon man?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Nalaman na po ito, especially at nagbigay na nga rin po ng mensahe ang ating Presidential Chief Legal Counsel. Sabi ko nga po kanina ay wala pa po tayong ginagawang anumang legal na action dahil alam po natin ang OFWs po ay mayroon silang sariling pag-aanalisa sa mga pangyayari.

TUESDAY NIU/DZBB: Good morning po, Usec., may plano raw po itong si dating Senador Gringo Honasan na maghain ng petition sa ICC para hilingin daw po na maibalik dito sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga concern daw doon sa kaniyang wellbeing. Inaasahan ninyo na po ba ang ganitong mga legal na action from the side of the former President at kung may plano po ba ang pamahalaan na pigilan ito o gumawa ng legal action din para mapigilan ang ganito?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Well, karapatan naman po niya kung anong nais niyang gawin para ipagtanggol ang dating Pangulong Duterte. Pero mas mainam po siguro makipag-usap muna siya sa legal team ni dating Pangulong Duterte baka hindi naman po siya pansinin sa ICC.

Sa part po ng gobyerno, sa part po ng administrasyon, wala po kaming gagawin dahil wala na po tayong responsibilidad, wala po tayong gagawin anuman patungkol po sa legal system, legal procedures ng ICC.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, Usec., magandang umaga po. Usec., what do you want to tell to Vice President Sara Duterte following her statement that the Philippines is on the way to dumpster, nawawala na raw po kasi iyong pag-asa ng mga Pilipino?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Nawawala ang pag-asa ng mga Pilipino—hindi ba siya iyong nawawala sa Pilipinas ngayon? Anyway, siguro sinasabi niya iyan na road to perdition na tayo, bakit? Dahil hindi naman niya nakikita kung ano ang mga ginagawa, mga proyekto, programang naisagawa na at naitulong na ng pamahalaan sa taumbayan dahil malamang ay hindi siya nanunood ng ating press briefing every day at hindi rin naman siguro siya nanunood ng mga programang ipinapalabas sa PTV4 at saka sa RTVM.

Talagang mabubulagan siya kapag hindi po niya inaalam kung ano ang naging trabaho at magiging trabaho ng administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Marcos. Okay.

Now, hindi ba mas magiging mapupunta tayo sa dumpster kung ang magiging pangulo natin o ang magiging leader natin ay mga katulad nila VP Sara, na mas inuuna pang magpunta sa abroad, magsilbi sa isang tao, although tatay niya po iyon, pero marami pa rin pong Pilipino na umaasa sa kaniya bilang bise presidente. Mahihirapan po tayong magkaroon ng Pangulo kung lagi pong nasa abroad at hindi po ginagawa ang trabaho dito sa Pilipinas.

MARICEL HALILI/ TV5:  Ma’am, does it mean that this is the right time for the Vice President to come back and do her job, is that what you’re saying?

PCO ASEC. DE VERA: Obligasyon po niya maging bise presidente; alam niya po dapat ang obligasyon bilang bise presidente. Sabi nga natin, ang Pangulo natin na sinasabi niya na mukhang wala na tayong pag-asa, nasa Pilipinas, nagtatrabaho, araw-araw may inaanunsiyo tayong good news, pero ang Bise Presidente, nasaan?

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good morning, ma’am. Itatanong ko lang po iyong Palace reaction on the call of DA to Congress to give more power and resources to NFA so it can buy 20% of local rice?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Totoo po iyan. Maganda po sana po ‘no, mabigyan muli ng authority ang NFA, kasi nawalan po talaga sila ng power para po umangkat ng bigas. At sa ngayon po, sa lahat po ng gagawin po kasi po ng NFA at ng DA dapat munang dumaan sa LGU hindi po kasi nakakadiretso ang mga farmers; kung anuman po ang dapat na gawin, Dadaan muna po sila sa LGU. Iyan po iyong medyo nagiging problema po o nagiging isyu po sa Department of Agriculture, ayon na rin po iyan kay Secretary Kik0. So, mas maganda po talaga na mas mabigyan po talaga ng power ang NFA. Tama po kayo, sir.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Napag-usapan po ba ito sa doon sa sectoral meeting kahapon ni President Marcos and DA, and may plans po kaya na i-include ito doon sa mga priority legislation ng administrasyon?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kahapon po kasi ang pinag-usapan po ay ang proyekto po ng Department of Agriculture patungkol po sa irigasyon, sa food hubs at sa mga cool storage. Hindi pa po napag-uusapan iyan, pero iyan po ay binigyan na po, sinadyes (suggested) na po iyan ni Secretary Kiko during the hearing noong tinatanong po kung anong nagiging problema bakit hindi bumababa ang presyo ng bigas despite na mayroon po tayong reduction sa tariff rates. So, nabanggit na po iyan ni Secretary Kiko. I hope mapag-aralan muli ng Kongreso itong Rice Tariffication Act para po maayos din po at mabigyan po ng tamang authority ang NFA.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Thank you po.

PCO ASEC. DE VERA:  I think that’s all for today, Usec. Claire.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: At dito na po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

 

###