Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa Bagong Pilipinas.

Upang lalo pang pasiglahin ang turismo at ekonomiya ng bansa, pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr. ang Executive Order No. 86 na nagbibigay ng ligal na basehan para sa mga tinatawag na “digital nomads” na nais pansamantalang manirahan at magtrabaho sa Pilipinas.

Ang Digital Nomad Visa o DNV ay para sa mga foreigners na nagtatrabaho gamit ang teknolohiya habang nasa ibang bansa ang kanilang kliyente o employers. Dahil sa mababang gastusin, likas na ganda at dumaraming remote workers, ang Pilipinas ay nagiging paboritong destinasyon ng mga digital nomads. Noong 2023, kinilala ng World Economic Forum ang Pilipinas ikapitong pinakamabilis lumago na remote work hub sa buong mundo.

Sa ilalim ng DNV na programang ito, pinahihintulutan ang mga dayuhang edad 18 pataas na magtrabaho remotely habang nasa bansa basta’t may sapat na income, malinis na record at health insurance. Maaari silang manatili nang hanggang isang taon na may posibilidad ng renewal at multiple entry.

[VTR]

Tatlong bagong destinasyon mula sa Central Luzon ang nominado sa prestihiyosong World Travel Awards. Inanunsiyo ng Department of Tourism na sa ngayon ay umabot na sa sampu ang bilang na nominasyon para sa bansa: Ang Aurora Province, kilala sa malilinis nitong baybayin at ecotourism ay nominado bilang Asia’s Leading Regional Nature Destination; ang San Fernando, Pampanga na tinaguriang Christmas Capital ng Pilipinas ay kinilala naman bilang Asia’s Leading Cultural City Destination; at ang Clark Freeport Zone na patuloy na umaangat bilang business at MICE hub ay nominado bilang Asia’s Leading Meetings and Conference Destination.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mas pinaigting ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang programang panturismo ng bansa. Ayon kay Frasco, ang mga pangaral na ito ay patunay ng lakas at lawak ng ating turismo mula sa kalikasan, kultura hanggang world-class events. Pagpapatunay din ito ng direksiyon ng National Tourism Development Plan for 2023-2028, ang pag-angat nang hindi lamang mga sikat na pasyalan kung hindi pati mga bagong destinasyon na nagpapakita ng ganda ng Pilipinas. Tunay ngang sa bawat baybayin, pista at pagpupulong, ang ganda ng Pilipinas ay Kinikilala sa buong mundo.

[VTR]

Isa pang good news: Dinagdagan na ng National Food Authority ang kanilang rice buffer stock alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na paigtingin ng NFA ang pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka. Isang hakbang para suportahan ang kabuhayan nila at tiyakin ang sapat na supply ng bigas sa bansa.

Sa pinakahuling tala noong April 24 ng NFA, may 10.1 milyong sako ng palay at 1.2 milyong sako ng bigas ang NFA na sapat para sa sampung araw na konsumo ng bansa – ang pinakamataas na imbentaryo mula pa noong 2020.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, may natitirang 12 bilyong piso para sa patuloy na pagbili ng palay ngayong summer harvest. Dagdag pa ng NFA, ang tuluy-tuloy na pagbili ng palay ay hindi lamang para sa mga magsasaka kung hindi para rin sa mga pagbibigay ng mas abot-kayang bigas sa mamamayan.

[VTR]

At iyan po ang ilan sa mga good news natin sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.

PCO ASEC. VILLARAMA: We have a question related to the Digital Nomad Visa Program – Jean Mangaluz, Philstar.com.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR.COMGood morning. The President recently signed the EO allowing the Digital Nomad Visa. So, with the country welcoming more tourists for longer period of time, is the Palace worried that it will drive up the local cost of living along these tourist destinations? How are we preparing for this?

PCO USEC. CASTRO: Definitely. If we will have more tourists, we will definitely have more income and it will definitely also benefit the country and also the Filipino people. At ngayon ay isinasagawa po ang guidelines para po maisapatupad po itong Digital Nomad Visa, at siguro po ay mayroon na rin po kayong kopya ng Executive Order No. 86 para po makita po ninyo kung ano po iyong mga guidelines na nakalagay po diyan.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR.COMOne quick follow-up po. But during the height of the POGOs in the country, we saw how the income of foreign nationals drove up the rise of condo units. So, are we considering that since the digital nomads are allowed to stay longer, it might drive up the cost of real property?

PCO USEC. CASTRO: We will be having monitoring. Unlike with the POGOs before, we will be securing, definitely, the processes regarding this. There will always be security features in order to protect our country from any scammers or any violations of the law.

IRA PANGANIBAN/DZRJ: With the entry of the digital nomads, Undersecretary, have we considered the upgrading or fixing up our entry ports – our airports, our seaports and all other facilities that allow all of these foreigners to come in? Right now, there have been numerous complaints about these facilities.

PCO USEC. CASTRO: Definitely, that will be included.

PCO ASEC. VILLARAMA: Questions related to that topic? Sam Medenilla, BusinessMirror.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Good morning, ma’am. Do we have an estimate how much the new policy will contribute to the economy?

PCO USEC. CASTRO: As of the moment, we still have the guidelines. We will just check on the figures on that. We will just give you the updates.

EDEN SANTOS/NET25: Usec, good morning po. Kailan po kaya mailalabas ng Marcos administration iyong bente pesos na halaga ng bigas kada kilo po? Tapos na po ba iyong guidelines tungkol dito kasi po, after ng announcement, maraming lumabas sa social media, ano po, iyong sinasabi na iyong bigas ay luma, may amoy? Mayroon naman pong iba, sa ibang lugar mismo, hindi naman sa Visayas kung saan dapat una iyong implementation nito.

Sabi ninyo po na manggagaling din sa mga lokal na magsasaka iyon pong ibibentang bente pesos na bigas. May we know po, sinu-sino iyong mga magsasaka o kooperatiba na magiging source po o pagkukunan nitong bigas na ito?

PCO USEC. CASTRO: Unahin po natin ang mga katanungan ni Ms. Eden. Una po, pinapasinungalingan na po namin iyong sinasabi sa mga balita na ito ay may amoy. Unang-una, hindi pa po nag-roll out kaya po ito ay masasabi nating isang disinformation. Pangalawa po, sinabi po ni Secretary Laurel na ang una pong—ilo-launch ito sa Cebu sa May 1, so kung saan po ito ibibenta, ito ay ayon na rin po sa guidelines ng local government units. Siguro po mas maganda po itanong natin kung sino po iyong mga involved na local government units para malaman natin kung ano po iyong mga guidelines nila. At sa May 2 naman po ay sisimulan po ito sa Visayas Avenue, sa Bureau of Animal Industry, sa May 2 po, ito naman po ay sa Kadiwa.

EDEN SANTOS/NET 25: Sinu-sino po iyong mga magsasaka o kooperatiba na pagmumulan po nitong source nitong P20 na bigas, kasi sabi ninyo po local farmers po ang panggagalingan nito. Ibig sabihin hindi po imported rice iyong ibibenta natin ng P20 na bigas?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, ang sinasabi po natin ay manggagaling ito sa local farmers, iyan po ang maliwanag. Kung mayroon pang mga kooperatibang mai-involve po dito, tingnan po natin ang susunod na guidelines nito at hihingiin po natin ang listahan. Kalo-launch pa lamang po nito at sisimulan pa lamang po sa May 1.

EDEN SANTOS/NET 25:  So, wala pong specific na mga kooperatiba o mga magsasaka na pagmumulan po nitong bigas na ito, itong P20, para po naman malaman natin na iyong bigas ay galing po talaga sa ating mga magsasaka at hindi lamang iyong mamamayan natin ang makikinabang sa murang bigas kung hindi maging iyong mga magsasaka po, parang two birds in one stone po iyong hit ng gobyerno natin dito?

PCO USEC. CASTRO: Katulad po ng sinabi natin, dapat wala po tayong pagdududa, local farmers po sa panahon po ngayon. As we speak, sa local farmers po ito kukunin. Kung mayroon pa pong detalye, kukunin muna natin sa local government units. May 1 pa po ito ilulunsad sa Cebu. Kapag may detalye na po tayo, ibibigay po namin sa inyo.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Good afternoon, ma’am. Vice President Sara Duterte has questioned the timing of the release of this P20 per kilo rice. How do you convince the public that this is not a form of politicking particularly because it is being launched weeks before the midterm elections?   

PCO USEC. CASTRO: Kailan pa po ba natin ibibigay ang sakate sa kabayo, kung kailan namatay na iyong kabayo? Sa pulitika po, wala pong timing sa pagbibigay ng ayuda, sa pagbibigay sa taong nangangailangan ng tulong lalung-lalo na iyong mga nasa laylayan ng lipunan; hindi po kinukuwestyun ang timing dito.  Sa pinakamaagang kakayanin ng gobyerno na maibigay ang tulong, ibibigay po iyan. Walang puli-pulitika dito. Malamang sinasabi lamang ito para muling bigyang ng negatibong epekto ang isinasagawa ng Pangulo para matupad ang P20 kada kilo na bigas.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Why wasn’t it possible for the government to launch it way earlier considering that this was a promise made during 2022, around three years ago?

PCO USEC. CASTRO: Obviously, hindi naman po sa isang click ng kamay ay maisasagawa ito. Lahat po ay kailangang magtulung-tulong katulad po nito, may mga Visayas governors na nagbigay ng kanilang pagsang-ayon para makapagbigay din po ng subsidiya kasama po ang national government. Iyan po ay inaaral, hindi po ito basta-basta isinasagawa. Dapat po malinis ang pagkakagawa para po mas magandang maibigay at kung kakayaning magtuluy-tuloy talaga ang proyektong ito ng Pangulo ay dapat pong gawin lamang.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Ma’am, final question from my end. How sustainable, how confident are you with regard to the sustainability of this project considering that the government is subsidizing a big portion of the amount and it’s not the actual cost of production for farmers?

PCO USEC. CASTRO: Iyan naman po ay sinasabi na masu-sustain hanggang December, ito pong taon na December at ang pinag-uusapan po ngayon ay sa susunod na taon ay maaaring maisama na po ito sa budget.

HAYDEE SAMPANG FEBC: Good morning, Usec. Ayon po sa Stratbase-SWS, sa apat na sunod na buwan po ay muling tumaas ang bilang po ng mga pamilyang Filipino na nagsabi pong sila ay mahirap. Nagtala po ito sa 55% noong April, katumbas po iyan ng 15.5 million kumpara po sa 14.4 million noong March. Ano po ang take dito ng Palasyo at kung masasabi pa rin po ba natin na natutugunan po ng mga anti-poverty programs ng administrasyon ang sitwasyon po ng ating mga kababayan?

 PCO USEC. CASTRO: Lahat po naman ng lehitimong survey ay kinikilala at kinukonsidera ng pamahalaang Marcos at akin lamang pong iko-quote ang sinabi po ni Secretary Balisacan “We understand that poverty incidence can be dynamic. In particular, self-rated poverty surveys are sensitive to inflation, particularly the price level of commodities commonly consumed, say food, transportation et cetera prevailing at the time of the survey versus what it was in the recent   past.”

Dahil po dito, dahil mahalaga po ang kapakanan ng taumbayan kay Pangulong Marcos, papalawigin pa po ang mga programa para matugunan po ang mga isyu patungkol sa kahirapan at kagutuman. Iyan po ang talagang ninanais at pinapalawig pa po ang programa para ito po ay matugunan, kabilang na po nga rito ang P20 kada kilo na bigas, nandiyan pa rin po ang programang Walang Gutom Program ng DSWD, idagdag pa po natin ang patuloy patungkol dito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at isama na rin po natin ang school-based feeding program. Ilan lamang ito sa programa ng Pangulong Marcos para po maibsan ang anumang kahirapan na nadadanas ng taumbayan. Although, sinasabi po natin na ang poverty incidence according to Secretary Balisacan ay dynamic po.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Hi, Usec. Good morning po.  Ma’am, update lang po dito sa naganap na trahedya sa Canada sa Filipino Festival. Ano po ang marching order ng Pangulo pagdating po sa mga biktima at may data po ba ilan iyong naging biktimang Filipino?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ang lumalabas pa as of April 27, 2025, Vancouver Police Department stated in the press briefing na 11 po ang nasawi at may mga ilan po na nasugatan. Ang pinakabata daw po na nabiktima ay limang taon at ang pinaka may edad ay 65 years old. At ang suspect po na si Mr. Kai-Ji Adam Lo, 30 years old ay na-identify na po at ngayon ay humaharap sa murder charges in connection with the deaths at the Lapu-Lapu Festival.

At ang Philippine Consulate  General  po in Vancouver ay nagpadala na po, nag-isyu na po ng maagang advisory, pinapaalam po ang mga hotlines kung makikita po sa ating monitor, nagbigay po ng hotlines para po sa biktima, iyong  pamilya po ng mga biktima ay maaari po kaagad maka-connect o makakontak po sa ating Philippine Consulate General. At ang consulate po natin ay nakapag-establish na rin po ng kanilang komunikasyon sa ilang mga biktima na nasugatan at nakikipag-coordinate pa rin po ang Philippine Consulate General with the Vancouver Police Department regarding sa information pa po ng iba pong biktima at sa mga updates po ng pag-iimbestiga.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Pero ano po ang talagang bilin ng Pangulo, because sa statement niya kagabi, he is very affected with what happened?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Dahil ito po ay kapwa Filipino, minadali po kaagad na matulungan, ibigay po ang lahat ng maaaring maitulong, lahat ng koneksiyon sa mga Filipino na nadamay po dito sa trahedya po sa Vancouver.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Usec, kapapasok lang po nitong statement ni Senator Imee Marcos that tomorrow ay magri-release siya ng final result ng kaniyang investigation saying na there is a group effort from the administration to arrest former President Rodrigo Duterte. Sinabi po ng senador na may planadong hakbang para pabagsakin ang mga Duterte at hindi raw po alinsunod iyong pagkaaresto sa dating Pangulo sa batas ng Pilipinas, just a quick reaction to the statement of Senator Imee.

PCO USEC. CASTRO:  Hindi na po siguro kataka-taka kung ganiyan po ang kaniyang magiging panuran, ang kaniyang opinion. Bago pa naman po siguro nag-hearing ay makikita na po natin kung saan ba ang gawi ni Senator Imee Marcos

Pero karagdagan: Of course, ang Palasyo dini-deny kung anuman ang kaniyang opinyon.

PCO ASEC. VILLARAMA: Chloe Hufana.

CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Good morning, Usec. Usec, tomorrow, the trade secretary and the special assistant to the President for investment and economic affairs will be in Washington for their dialogues with the USTR. Ma’am, what will be our bargaining chip to ensure to close a favorable trade deal?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: I was able to talked to Secretary Go, today, just this morning at ang bilin po niya ay hintayin na lang po natin kung ano po iyong magiging outcome ng pakikipag-usap at pakikipag-negosasyon. At kapag po mayroon na po tayong report, ibibigay po namin sa inyo iyong update.

CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Thank you, Ma’am. Follow up question na lang, ma’am. Are we optimistic to close a favorable trade deal and ano po iyong goal natin or reciprocal tariff since gusto po ni trade secretary ibaba iyong 17%?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Of course, may gusto natin maging optimistic, hindi tayo dapat maging pessimistic katulad noong iba. Tingnan na lang po muli natin kung ano po iyong magiging maganda para sa Pilipinas at of course, sa relasyon natin with the U.S. iyon po ang aasamin natin.

PCO ASEC. VILLARAMA: Ann Soberano, Bombo Radyo.

ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec, good morning. Nitong weekend, ma’am, nakita po kasi sa funeral ni Pope Francis na nagkaroon ng maigsing pag-uusap si Pangulong Marcos and the U.S. President Donald Trump, puwede po bang ma-share sa amin kung ano po iyong napag-usapan nilang dalawa sa maikling pag-uusap?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kung kayo po ay nakita ninyo po na sila ay saglit na nagkausap at nagkabatian, mapapakita po natin na iyong mga sinabing Pangulo ay napaka-fake news. Sa ngayon po ay hindi pa po natin nakakausap ang Pangulo tungkol sa kanilang napag-usapan. Kapag po ay maaari pong i-share ang kanilang napag-usapan, ibibigay po namin agad sa inyo.

PCO ASEC. VILLARAMA: Follow up, Maricel Halili, TV5.

MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po. Usec, aside doon sa pagdalo sa paglilibing kay Santo Papa, mayroon pa po bang ibang mga activities na ginawa si PBBM and FL sa Vatican?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po wala po akong pinaka-detalye kung ano pa po ang lakad nila or activities. Most probably, personal na lang po iyan. Pero kung mayroon po na official na function or official activity na maaari po naming i-share, ibibigay po namin agad sa inyo.

MARICEL HALILI/ TV5: Aside from US President Donald Trump, nagkaroon din po ba ng chance si Presidente to talk with other head of state?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Aalamin po natin maya-maya po sa kanya.

MARICEL HALILI/TV5: Thank you, Usec.

PCO ASEC. VILLARAMA: Let Narciso, DZRH.

LET NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Ma’am, may plano po ba ang Malacañang na ipatawag si Ambassador Huang Xilian, at pagpalinawagin tungkol doon sa umano’y panghihimasok ng China para impluwensiyahan ang halalan sa bansa?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po, wala pa po tayong nadidinig na anumang pag-uutos patungkol po diyan. Pero minararapat po talaga na magkaroon po ng malalimang pag-iimbestiga patungkol po dito lalung-lalo na po kung ito naman ay may kinalaman na rin sa seguridad ng bansa. At kung ano po ang magiging kahihitnatnan ng ating bansa kung may mga ganitong klaseng fake news peddlers na umaaligid sa ating bansa.

LET NARCISO/DZRH: So, wala pa pong direktiba ang Presidente sa Department of Foreign Affairs to summon the Chinese Ambassador and convey the concern over this report?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po, wala pa pong nakakarating sa atin.

PCO ASEC. VILLARAMA: Ina Maralit, Manila Times.

INA MARALIT/ MANILA TIMES: Good afternoon, Usec. Usec, over the weekend China state media reported that the China Coast Guard has seized control of Sandy Cay, one of the disputed reefs near major Philippine military outpost in the South China Sea, has this reach the President, if so, ano po ang naging direktiba niya?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo, nakausap po natin si DG Jonathan Malaya, at inalam po natin ang katotohanan diyan. Ayon po sa kaniya, kahapon lamang po, ang inter-agency maritime operation po nagsagawa po ng pagbisita, routine and lawful exercise dito po sa maritime domain natin. At dito po sa Pag-asa Cay 1, Cay 2 and Cay 3 at sa mga surrounding waters. Kumpleto po nilang naisagawa ito, at pinasisinungalingan po nila na ito po ay na-seize ng China, ayon po ay DG Jonathan Malaya. At asahan po natin ang wala pong alinlangang dedikasyon ng Pangulong Marcos na ipaglaban ang ating karapatan sa ating teritoryo, sa ating maritime rights lalung-lalo na po dito sa West Philippine Sea.

At tuloy-tuloy pa rin po ang pagprotekta sa lahat ng karapatan ng bansa na naaayon sa International law, pero may paniniguro na ito ay para sa peace and stability.

INA MARALIT/ MANILA TIMES: Ma’am, just to follow up po. Nataon po iyong insidenteng ito na may nangyayaring Balikatan exercises between the Philippines and the United States, iyong militaries po. Can this be construed as a provocation from the Chinese side, given na ang binibigay nilang rason ang pagtuntong ng Chinese Coast Guard sa Sandy Cay is to exercise sovereignty and jurisdiction and to carry out an inspection, collect video evidence regarding the supposed illegal activities of the Philippine side?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: We cannot speak for China. Hindi po ako makakapagsalita ng anuman kung anuman po, kung anuman ang adhikain, layunin o plano ng China.

INA MARALIT/ MANILA TIMES: Maraming salamat po.

PCO ASEC. VILLARAMA: I guess that’s all the questions we had Usec. Thank you.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: At bago po tayo magtapos, isa pa pong good news: Tumugon agad ang Bureau of Immigration para arestuhin ang dalawang Korean national na wanted sa Interpol sa kanilang pagkakasangkot sa multi-million dollar investment scams. Kinikilala ang dalawa na si Kim Young Sam at Weon Cheolyong. Dahil na rin sa direktiba ng ating Pangulo, mabilis na umaksiyon at nahuli sa isang operasyon ng mga otoridad sa Parañaque itong mga taong ito noong April 2022. Kasalukuyang nananatili sa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa habang inihahanda ang deportation proceedings.

At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

###