Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang tanghali, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Bilang pagpupugay sa mga manggagawa, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr. ang libreng sakay sa LRT 1, LRT 2 at MRT 3 mula April 30 hanggang May 3. Ayon sa Pangulo, ito ay pagkilala sa sakripisyo at kontribyusyon ng mga manggagawa sa ekonomiya at sa lipunan. Panoorin po natin ito:

[VTR]

Sa pangunguna ni Pangulong Marcos Jr., inaprubahan ng NEDA Board, bago ito naging Economic and Development Council, ang Reducing Food Insecurity and Undernutrition with Electronic vouchers o ang REFUEL Project. Pangungunahan ito ng Department of Social Welfare and Development bilang bahagi ng Walang Gutom 2027 program ng administrasyon. Target nitong mapalakas ang kampanya ng administrasyon laban sa gutom at malnutrisyon gamit ang electronic food vouchers mula 2025 hanggang 2028.

Ayon kay Department of Economy, Planning, and Development Secretary Arsenio Balisacan, layunin ng proyekto na palakasin ang social protection system ng bansa laban sa epekto ng krisis, sakuna at pagbabago ng klima. Ang REFUEL ay itinataguyod ng pamahalaan sa tulong ng mga international partners tulad ng Asian Development Bank.

[VTR]

Isa pa pong good news: Patuloy pa rin ang pagtutok ng administrasyong Marcos sa kalusugan ng bawat Pilipino. Bilang tugon ng PhilHealth sa panawagan ng World Health Organization na magkaisa laban sa malaria, pinalawak pa nito ang benepisyo para sa malaria – mula 780 pesos, itinaas ito sa 1,170 pesos para sa diagnostic test, gamot at konsultasyon. Saklaw din ng paggamot sa malaria na walang komplikasyon ng 5,460 pesos sa primary care at 7,800 pesos sa ospital.

Ayon kay Dr. Edwin Mercado ng PhilHealth, ang bagong malaria package ay hakbang tungo sa mas mabilis at abot-kayang serbisyo para sa lahat bilang suporta sa layuning wakasan ang malaria pagsapit ng 2030.

[VTR]

At ilan lamang po iyan sa mga good news sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Good morning po, Usec. This week po, dalawang beses na pumutok ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon. And batay po sa huling datos ng Office of Civil Defense, more than 15,000 na pamilya po iyong apektado. Ano po iyong direktiba ni Pangulong Marcos Jr. and siguro mensahe po sa mga apektadong residente?

PCO USEC. CASTRO: Dahil nga po sa direktiba po ng ating Pangulo patungkol po dito sa Bulusan Volcano eruption, dumalaw na po kaagad-agad si Secretary Rex Gatchalian, DSWD Secretary, pumunta po sila kahapon sa nasabing lugar at sila po ay nagkaroon ng pag-assess at binisita po ang mga evacuation centers. Nandoon din po, ready na po ang mga food packs para po sa mga naapektuhan at nagkaroon din po sila ng mobile kitchen dito sa Barangay Tughan, Juban, Sorsogon.

At maliban po diyan, si Director Claudio Yucot po ay sinecure [secured] po, as requested by the provincial government, ang air assets or aerial reconnaissance and sinabi rin po na nagbisita na po sila sa mga municipalities sa Sorsogon. At mamaya po, ibibigay ko po sa inyo iyong mga detalye ng mga nasagawa na po ng ating mga heads of departments and agencies.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: One follow up lang, ma’am. Makasisiguro po ba sila na may sapat pong budget para po sa pagtugon sa Mt. Bulusan eruption kasi knowing na may patuloy din po na operation and pagbibigay ng response sa mga apektado ng Kanlaon in Negros?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Nagbigay po ng report ang DSWD po at may mga standby funds po tayo and prepositioned relief stockpile. So, ibibigay ko po sa inyo ang mga detalye.

IVAN MAYRINA/GMA-7: Usec, patungkol ito sa libreng sakay sa LRT 1 and 2, MRT 3. Magkano ho ang gagastusin ng gobyerno para sa libreng sakay na ito sa loob ng apat na araw?

PCO USEC. CASTRO: Kung hindi po ako nagkakamali, naibigay po kanina ni Secretary Vince Dizon ang projected budget, ang magagastos po dito for four days from April 30 to May 3, opo, four days. At hindi po ito kukulangin at talagang popondohan po ito. May pondo pong sapat.

IVAN MAYRINA/GMA-7: Opo. magkano po, Usec, if I may ask?

PCO USEC. CASTRO: Nasa aking cellphone po. Alam ko po na-report na po yata kanina ni Secretary Vince Dizon. Naibigay po sa akin kanina ni Secretary Vince Dizon ang—ibibigay ko po sa inyo maya-maya after kong makita po sa aking cellphone.

IVAN MAYRINA/GMA-7: Sige, ma’am. Maitanong ko na rin po, karaniwan kasi kapag halimbawa, iyan Labor Day, just on the day itself ang libre at specific sector lang iyong magbi-benefit. For example, kung Labor Day, workers; kung Veteran’s Day, mga veterans. Ano ho kaya ang naging decision-making dito bakit siya binigay ng apat na araw at para sa lahat?

PCO USEC. CASTRO: Kasi po, kung May 1 lang po ibibigay, karamihan naman po walang pasok so hindi naman po nila mararamdaman iyong benepisyong matatanggap po nila. At sabi nga po ng atin Pangulo, ito po ay pagbibigay-pugay na rin po sa ating mga workers so bigyan po natin kahit kaunting kaginhawaan at para maibsan naman iyong kaunting hirap sa pamamasahe dahil malaki din po itong gastusin para sa mga manggagawa.

IVAN MAYRINA/GMA-7: At ito pong benepisyong ito ay binibigay ilang araw bago ang eleksiyon at sunud-sunod din po iyong mga surveys on approval and trust ratings. Ano ho ang masasabi ng Malacañang sa mga maaaring hindi maiwasang magbigay ng malisya rito sa pagbibigay ng benepisyong ito sa mga manggagawa at sa mga commuter?

PCO USEC. CASTRO: Ang May 1 po kasi International Labor Day po ito. Hindi naman po natin puwedeng ibigay ito sa mga manggagawa sa December. So, tama lamang po sa panahon kung kailan dapat isini-celebrate po ang Labor Day, doon lamang po natin ibigay.

IVAN MAYRINA/GMA-7: Pero iyon nga po, hanggang May 3.

PCO USEC. CASTRO: Opo. Huwag naman po nating bigyan ng malisya, hayaan po nating makinabang iyong taumbayan sa mga maaaring itulong ng gobyerno sa kanila.

JINKY BATICADOS/IBC-13: Hi, ma’am. Ma’am, doon lang ako sa rollout po ng bigas para bukas. Ano po ang reaction ng Palace, ma’am, dahil mayroong exemption na binigay ang Comelec last Friday, it was signed already. But then po, sinasabi kanina ni Chairman George Garcia na they are waiting for the DA to have clarification with them kasi as far as they know, iyong reso po na parang inilabas nila last Friday ay sumasaklaw ng condition that says May 2 to 12 po hindi siya applicable ng exemption.

PCO USEC. CASTRO: Okay, sabi nga po sa atin ni DA Secretary Kiko Laurel, nag-apply po sila ng exemption; nabigyan naman po sila. So, sa buong Kadiwa po ito, exempted po. So, ang hinihintay na lamang po natin ay ang patungkol po sa LGU.

Well, anyway, ang good news po: Bukas po ilu-launch sa Cebu ang nasabing bente pesos, at lahat po—ito, benteng bigas, mayroon na. Okay? At sa Cebu po, hindi lamang po vulnerable sectors ang makikinabang, sa araw po … bukas po ha, bukas. Bukas po, lahat ay puwede pong mag-avail sa Kadiwa stores sa Cebu. Hindi po pili, kung hindi lahat po ng maaaring mag-avail po nito ay allowed po; hindi po ito limited lamang sa vulnerable sector.

Q: Ma’am, I do not know how the Palace reacts on this because kanina sinabi niya na tomorrow, wala pong problema because May 1 pa lang. But May 2 to 12, parang klinir [cleared] nila na baka kung maaari raw ay gawin na lang ang rollout kahit sa buong Pilipinas right after election. I don’t know what the Palace would react on this.

PCO USEC. CASTRO: Sa buong Pilipinas po?

Q: Ang sabi ni Atty. Garcia po kanina noong in-interview siya, after election na lang kasi iyon nga pong sinasabi nila, on the reso na binigay nila for the exemption, May 2 to 12 lang po, ma’am.

PCO USEC. CASTRO: Kung iyon po ang magiging panukala at polisiya po ni Comelec chair, tayo naman po ay tutugon.

EDEN SANTOS/NET25: Usec, good morning po. Sabi po ni Vice President Sara Duterte sa isang interview sa kaniya na siya ay kasama doon sa ICC list po ng mga may kaso doon kagaya ng kaniyang ama, at ito po ay kinumpirma din ni Presidential sister, Senator Imee Marcos. Sabi po ni Senator Imee, nakita nila noong una nasa huli iyong pangalan ni VP Sara, pero ngayon after a few days, may report na parang uunahin na siya. Any comment po from the Palace? At ang Malacañang po ba ay hihingiin din ang tulong ng Interpol para sila po ay maaresto?

PCO USEC. CASTRO: Sa kasalukuyan po, ang inyong katanungan ay very hypothetical so wala po kaming masasabi patungkol po diyan; at we’re not dealing directly with the ICC. Kung mayroon pong katanungan patungkol po diyan, mas maganda po kung makikipag-usap sila sa ICC. Wala po tayong anumang impormasyon mula sa ICC.

EDEN SANTOS/NET25: So, wala pong information ang government kung kasama sina VP Sara, Senator Bong Go, Senator Bato dela Rosa, iyong mga dating ilang police officials na kasama po sila doon sa kaso against FPRRD?

PCO USEC. CASTRO: Kung saan po nakuha ng Bise Presidente ang kanilang mga impormasyon, mas mabuti po sana kung sa kanila kukunin dahil sa panahon po ngayon, wala po pa kaming masasabi patungkol po diyan.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR: Good afternoon. Local officials from Bulacan are urging a deeper probe into the deals of the Villar-owned PrimeWater which has been accused of poor service and high cost. So, how does the Palace respond to this call?

PCO USEC. CASTRO: Unang-una po, sinabi po natin na ang kakulangan sa serbisyo ay walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. Ang pangangailangan po ng tao sa malinis na tubig, sapat na supply ng tubig ay dapat lang pong nararapat ay hindi pangnegosyo lamang kung hindi ito ay dapat na kinakalinga ang pangangailangan ng taumbayan. Mag-uutos po ang Pangulo para maimbestigahan po ito.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR: Follow-up. Considering that one of the administration’s bet, Representative Villar is directly linked to PrimeWater, are we still confident in the service that she could provide if she is elected as a senator?

PCO USEC. CASTRO: Confidence on how she will perform, well, it depends on how she will perform. If we will have this trust on her, well, we have to give to her but she should prove that she could perform as a leader. With this issue regarding PrimeWater, if there’s a need for them to resolve the issues raised by the consumers, I think we should immediately make an immediate action on that.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR: Ma’am, last question, medyo off topic but while I have your attention, does the Palace have a comment on the recent Taiwan report that says the Philippines allegedly started military engagements with Taiwan. Does the Philippine government categorically confirm or deny that we have military ties with Taiwan?

PCO USEC. CASTRO: We will just defer the question to the national defense.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Good afternoon, ma’am. Ma’am, recently, the NBI arrested a Chinese national with alleged spy device near Comelec. Has this information reached the President? And may we know if he has specific instructions regarding the matter, ma’am?

PCO USEC. CASTRO: That is an issue of national security, so we will just leave it at that. We will leave it at that and we will just have an investigation, thorough investigation on that matter.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, how concerning this matter is for the Marcos administration?

PCO USEC. CASTRO: It’s quite alarming. It’s quite alarming and there is still … the President has this trust on the intelligence agents that made the operation. So, we will just have to wait for the final investigation on that matter.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Pero, ma’am, sa ngayon po, wala pa pong instruction para ipatawag si Chinese Ambassador Huang Xilian given na ganito na po iyong developments regarding this alleged Chinese espionage?

PCO USEC. CASTRO: Ibabato na lang po natin ang katanungan kay Secretary Gibo patungkol po diyan.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Thank you po, ma’am.

PCO USEC. CASTRO: At bago po tayo magtapos, para sa ating huling good news: Alinsunod sa pangako ni Pangulong Marcos Jr. na hindi isusuko ang kahit na maliit na bahagi ng ating bansa, pinangunahan ng Philippine Navy, Coast Guard at PNP Maritime Group ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas bilang pagpapakita ng ating soberanya sa mga cay na bahagi ng Kalayaan, Palawan at nasa loob ng 12 nautical miles ng Pag-asa Island. Pagpapakita ito na hindi kontrolado ng China Coast Guard ang Pag-asa Cay 2.

Muling iginigiit ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga katuwang na ahensiya ang kanilang paninindigan na ipaglaban ang karapatan ng bansa, protektahan ang karagatang sakop ng Pilipinas at ipaglaban ang karapatan ng bansa na naaayon sa international law.

[VTR]

At dito po nagtatapos ang ating press briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps. Magandang hapon para sa Bagong Pilipinas.

 

###