Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Kaugnay sa katatapos lang na 2025 national and local elections, alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Budget and Management, inaprubahan noong Biyernes ng DBM ang dalawang-libong pisong across the board increase sa honoraria para sa mga guro at election workers. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa maayos na pagsasagawa ng 2025 national and local elections. Ibig sabihin, magiging 12,000 pesos na ang honoraria para sa mga electoral board chairperson; 11,000 pesos naman para sa poll clerk at third member; habang 8,000 pesos naman para sa mga support staff. Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, nakalaan ang 7.4 billion pesos na pondo para sa higit 758,000 poll workers sa bansa.

[VTR]

At may good news ang Civil Service Commission para sa mga kabataang Pilipino na nagtapos ng K-12 Basic Education Program. Sa ilalim ng CSC Resolution 2500229, maaari nang ma-qualify sa first level government positions ang mga nagtapos ng Grade 10 at Grade 12 sa ilalim ng K-12 curriculum. In-update ng CSC ang dating requirements para sa mga posisyong clerical, custodial at iba pang sub-professional roles sa gobyerno. Ngayon, kinikilala na ang mga sumusunod na Grade 10 completers simula 2016, Grade 12 graduates simula 2016 at mga nagtapos ng tech-voc track na may TESDA NCII certification.

Layunin ng pagbabagong ito na bigyang-daan ang mas maraming kabataan na makapasok sa serbisyo-publiko bilang tugon sa reporma ng K-12. Paalala ng CSC, bukod sa educational requirement, kailangan pa ring tugunan ng mga aplikante ang iba pang requirements gaya ng mga relevant training, experience at Civil Service eligibility. Panoorin po natin ito:

[VTR]

At iyan po ang ilan sa mga good news natin sa araw na ito. Ngayon po ay maaari na tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.

EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Usec. Sa bagong composition po ngayon ng Senado after 2025 midterm elections, kumpiyansa pa rin po ba ang Marcos administration na ma-pursue iyong impeachment laban po kay Vice President Sara Duterte?

PCO USEC. CASTRO: Wala pong anumang balita patungkol sa pag-pursue ng Pangulo sa impeachment or sa impeachment trial ni VP Sara. So iyan po ay ating tinututulan at pinasisinungalingan po, wala pong sinasabing anumang pagkumpiyansa na para mapatalsik o matanggal sa puwesto ang Bise Presidente.

KENNETH PACIENTE/PTV: Hi, ma’am. Good morning po. Ma’am, with six administration-backed candidates in the magic 12, how do you think this would help advance the President’s legislative priorities po?

PCO USEC. CASTRO: Ngayon po na naboto na po ang mga susunod na mga leaders natin, umaasa ang Pangulo na ang bawat isa ng lahat sa kanila na binoto ng sambayanan ay tutugon sa pangangailangan ng taumbayan. Ang trabaho po nila ay para sa bayan, para sa taumbayan – hindi para sa iilang interes. So, anumang kulay iyan, wini-welcome po talaga ng Pangulo na makaisa ang bawat leaders natin para tugunan kung anuman ang problema at mabigyang-solusyon ang pangangailangan ng mga kababayan natin. At, inaasahan din po ng administrasyon ang presensiya ng lehitimong oppositionist pero lalabanan po ang mga obstructionists na nagtatago sa pangalan ng oppositionist, mga obstructionists na maaaring pansarili lamang ang kanilang ilalaban.

CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Good morning po, Usec. Does the President already have a decision if he will extend or appoint a new Securities and Exchange Commission chairman as Chairman Emil Aquino’s term ends on June 6?

PCO USEC. CASTRO: As of this moment, we have not received any info about that. We will just give you any update if there is any.

CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Follow up question po. According to a Philippine Star article, mayroong five names po ang na-float na puwedeng pumalit kay Mr. Aquino. Can you confirm po kung ito iyong mga tao – Si GOCC Counsel Solomon Hermosura, SEC Commissioner Rogelio Quevedo, former GOCC Chairman Cesar Villanueva, Romulo Mabanta Counsel Susana Fong and Philippine Stocks Exchange COO Roel Refran?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay wala po tayong hawak na anumang details patungkol po diyan. But, kapag po ito ay nabigay po sa atin, ipagbibigay-alam po namin sa inyo kaagad.

CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Thank you. Last na po, last na. Mayroon po ba tayong timeline for announcing the next SEC chair?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa po tayong detalye.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Usec, kalahati po so far noong mga nasa magic 12 sa senatorial polls ay taga-Alyansa, iyong iba po mga kakampi ni Pangulong Duterte, mayroon din pong mga associated sa mga pink. Ano po ang assessment ng Malacañang dito given that the President campaigned doon sa Alyansa all the way and ito po iyong naging resulta? How would you assess this or how would you describe iyong results na emerging ngayon sa senatorial polls?

PCO USEC. CASTRO: Iyan po ang ibinoto ng taumbayan, igagalang po natin. At kung ito po’y makakatulong sa administrasyon, uulitin po natin, kahit ano pa ang kulay po niyan, dapat isipin po  ng mga bagong halal na sila po ay magtatrabaho para sa bansa, para sa taumbayan – hindi pang-personal na interes o interes ng kanilang mga kaibigan o kanilang mga sinusulong na tao. So, anuma’t anuman po ito, kapag po nalaman po nila na ang gagawing proyekto o programa ng Pangulo ay para sa taumbayan, umaasa po tayo na sila po ay makikiisa.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Mayroon din pong mga nag-a-attribute ng resulta na ito sa nangyayari po kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ‘no kagaya po ni Senator dela Rosa, ni dating Chief Legal Counsel Salvador Panelo, sabi nila ito daw ay nagbabadya o nagri-reflect ng protest vote. At sabi nga po ni dating Secretary Panelo, “It’s a thunderous repudiation of the Marcos administration and its relentless campaign to “persecute” the Duterte family,” ano pong masasabi ng Malacañang? Do you share that view po?

PCO USEC. CASTRO: Iyan lang po ang gusto nilang gawing naratibo. Unang-una po, kung may dapat managot, at ito naman po ay naaayon sa batas, dapat hong managot. Hindi dapat po natin ikanlong ang sinumang maaaring maakusahan ng paggawa ng mali, na maaaring gumawa ng krimen dahil lang sa sinasabi nating pagboto. Tao po ang siyang humusga, tao po ang siyang bumoto, igalang po natin ang mga napili ng mga kababayan po natin; wala po itong repleksiyon kung anuman po ang sinasabi patungkol sa mga Duterte.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Six out of twelve. Overall po ba, masasabi po bang satisfied ang Pangulo sa naging resulta noong senatorial polls or at least iyong emerging na resulta noong senatorial polls?

PCO USEC. CASTRO: Satisfied po ang Pangulo dahil nalaman po natin na ang iba pang mga naboto ay mayroong sariling dignidad, may sariling paniniwala at ang karamihan po doon ay para sa bayan at hindi para sa ibang bansa.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, iyong midterm election is always considered a referendum of the current administration. Given the results po of the midterm polls, is Malacañang still confident na hawak pa rin ng administrasyon ang suporta ng taumbayan?

PCO USEC. CASTRO: Naniniwala pa rin po ang Pangulo na malaki pa rin po ang suporta ng taumbayan sa administrasyon sa ngayon. Tandaan po natin, ang kahuli-hulihan pong survey ay nagpapakita po ng mataas na trust rating po ng Pangulo.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: May mga naglulutangan po na mga …- like for example si former Spokesperson Harry Roque apparently saying na si President Marcos is already considered a lame duck president given the results of the election, ano po ang masasabi ninyo dito?

PCO USEC. CASTRO: Kung lame duck po ang Pangulo at parang balewala na po ang administrasyon, dapat bumalik po siya kaagad dito.

IVAN MAYRINA/GMA7: Ma’am, still on the results of the elections. Nabanggit ninyo ho kanina that the President welcomes the presence of a legitimate opposition pero lalabanan ang mga ‘obstructionists’. How do we differentiate kung ano po ang magiging aksiyon ng legitimate opposition and how do we categorize the others para masabi nating obstructionists?

PCO USEC. CASTRO: Napakadali pong sagutin iyan. Unang-una, kapag sinabi nating lehitimong oppositionist, ang ipinaglalaban nila ay ang bansa, ang interes ng taumbayan hindi ang personal na interes; obstructionists – walang gagawin kung hindi manira, walang makikitang maganda sa ginagawa ng gobyerno at ang sariling interes lamang ang gustong palaguin.

IVAN MAYRINA/GMA7: But isn’t that a thin line, itong distinction po na ito?

PCO USEC. CASTRO: Hindi ko masasabing thin line lang iyon. Makikita ang diperensiya dahil kung ang ipaglalaban lamang nila ay iyong kanilang sarili, hindi para sa taumbayan, obstructionists sila.

IVAN MAYRINA/GMA7: At iyong sinabi ho ninyong lalabanan, how exactly are you going to do that?

PCO USEC. CASTRO: Kung gagawa man sila ng fake news, kung anu-anumang mga balita o anu-anumang statement na maaaring makasira sa gobyerno na walang basehan, ito po ay ating tutugunan kaagad.

BETHEENA UNITE/MANILA BULLETIN: Good morning, Usec. Regarding po naman sa incident, sa sand-dumping incident po sa West Philippine Sea. Ano po iyong mga specific environmental regulations or laws that were potentially violated in the sand-dumping incident and anu-ano po iyong mga agencies po na responsible for enforcing these regulations? And also, can the Palace provide po iyong details on the scope and timeline po of the thorough investigation na iniutos po ni Presidente?

PCO USEC. CASTRO: Okay, sinabi nga po natin, ito po ngayon ay may ongoing investigation. Hindi po na natin masasabi ang pinakadetalye nito dahil medyo sensitibo po ang mga issues dito. Pero nakausap po natin ang DENR, pero makikipag-ugnayan pa rin po sila sa NICA at saka sa Philippine Coast Guard.

Siguro iyon lang po ang aking maibibigay na detalye. Kung sinuman po ang lumabag dito, maaari po silang kasuhan ng paglabag sa RA 7942 at RA 120641 or Philippine Maritime Zones Act at ang isa ay Philippine Mining Act.

So, for the meantime, hanggang diyan lang po muna ang aking maibibigay na detalye.

BETHEENA UNITE/MANILA BULLETIN: Thank you, ma’am. On another topic po: Hihingi lang po kami ng statement from the Palace kasi po President Marcos is urged to adopt PUV insurance system for private cars sa gitna po ng mga sunud-sunod na fatal road incidents.

PCO USEC. CASTRO: Opo, pinag-utos na po ng Pangulo kay DOTr Secretary Vince Dizon na pag-aralan pong mabuti ang proposal tungkol sa higher insurance coverage para po sa PUVs. Ito naman po ay para sa karagdagang proteksiyon para sa lahat ng maaaring mabiktima ng negligence o aksidente sa kalsada.

Pero muli, sasabihin po natin, pinag-aaralan po itong mabuti kung ito ba ay nararapat at ito po ba ay napapanahon.

CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Usec. Usec, how is the re-implementation of “Benteng Bigas Mayroon Na” two days after the elections? Mayroon na rin po palang mga KADIWA kiosks sa palengke na nagbibenta ng bigas? Paano po ninyo ito nakikita na makakaimpluwensiya sa presyo ng bigas sa market? Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Yes, of course, makikita natin ‘no, ito’y hindi lamang pang-eleksiyon katulad ng sinasabi nila. Bukas na po ang ibang mga KADIWA centers natin para po sa bente pesos na bigas.

So, nandito po ang ating statement patungkol diyan:

Alinsunod sa direktiba ng Pangulong Marcos Jr. na palawigin pa ang programang “Benteng Bigas Mayroon Na”, kahapon ay nagsimula nang magbenta sa ilang KADIWA centers sa National Capital Region. Available ang bente pesos na bigas sa mga KADIWA centers sa DA Central Office; Levitown at sa Barangay San Antonio sa Parañaque; AMVA MPC (Alyansa ng Mamamayan ng Valenzuela Multi-Purpose Cooperative) Housing sa Valenzuela; KADIWA Center at Bureau of Plant Industry gym sa Maynila.

Sa Malabon available na rin po sa KADIWA Center sa PFCC; at PNP SPD sa Taguig. Mayroon din sa Kalentong sa Mandaluyong, public market sa Pasay City, Agora Market at sa city hall ng Navotas. Bukas ay magsisimula na ring magkaroon ng bente pesos na bigas sa 32 KADIWA centers sa Bulacan, Cavite, Laguna, Mindoro at Rizal.

So, sa tingin po natin dahil bumababa po at nabibigyan po natin ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makabili ng bente pesos kada kilo na bigas, ang market po nito ay maaaring maimpluwensiyahan. We hope na kahit sa market po ay maibaba nila ang presyo ng bigas nang hindi naman po din naaapektuhan ang ating mga magsasaka.

LETH NARCISO/DZRH: Usec, good morning po. Sa Visayas po, partikular sa Cebu, hindi po ba tayo nakakakita ng magiging problema dahil binanggit po na ang Cebu ay supportive iyong mga LGUs dito sa bente pesos pero si Governor Gwen po ay hindi pinalad nitong nakaraang [halalan]?

PCO USEC. CASTRO: Hindi po natin nakikita na ito ay makakaapekto dahil tandaan natin, ang serbisyo naman po, sinuman po ang nakaluklok diyan ay para sa taumbayan. So, hindi po dapat gamitin kung nanalo o natalo ang mga kandidato. Ito po ay para sa taumbayan. So, dapat po sana ang lahat ng maaaring makatulong sa kanilang mga constituents ay maging bukas ang kanilang isip at bukas ang kanilang puso sa pagtaguyod ng programang ito.

Okay, at huwag po nating kalimutan ang mga programa ng Pangulo na BUCAS Center, tandaan po natin, may 51 na po na BUCAS centers – libreng laboratory services, pati po ibang mga operasyon katulad ng katarata. At mayroon na po tayong 26 na BUCAS Center sa Luzon, eight sa Visayas, at 17 po sa Mindanao.

So, sa mga kababayan natin, tulungan po natin ang Pangulong Marcos Jr. at ang administrasyon upang mapagpatuloy ang magandang programa para sa taumbayan – bigas at BUCAS.

At dito po nagtatapos ang ating briefing ngayong araw. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali sa Bagong Pilipinas.

 

###