Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Atty. Claire Castro with Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa good news na hatid ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Masigabo ang pagtanggap at puspusan ang pasasalamat ng ating mga kababayan na nakikinabang ngayon sa dalawampung pisong kada kilong bigas na nabibili sa mga KADIWA stores ng ating Pangulo.

Kuwento ng ilan sa mga pumila sa bahagi ng vulnerable sector sa Cebu, malaking tulong sa kanila ang patok sa budget na bigas. Mas napagkakasya na raw nila kasi ang kanilang mga gastusin sa pang-araw-araw nang hindi nabibitin ang pagkain ng kanilang pamilya. Nasa sampu hanggang bente pesos kasi ang natitipid nila ngayon sa bigas na puwede nang gamitin sa ibang pangangailangan tulad ng gamot.

Samantala, excited naman ang mga kababayan natin sa iba’t ibang lugar na mabili ang mga mas murang bigas na handog ni Pangulong Marcos Jr. Panoorin po natin ito:

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: At para bigyan tayo ng paunang assessment sa rollout at pagpapalawak ng bente pesos kada kilo na bigas na program na ito, kasama natin ngayon si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Good morning, Sec.

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Good morning, Usec. Claire. Magandang umaga ho sa inyong lahat.

Well, nandito na ho iyong “Benteng Bigas Mayroon Na”, at iro-rollout natin ito and I have the details here, well, I think I’ll ask for iyong mga questions nila. Thank you.

PCO ASEC. VILLARAMA: We can now open the floor to your questions. Tuesday Niu, DZBB.

TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, Secretary. So far, sir, mga gaano na karami po iyong na-dispose natin na tigbibente pesos na bigas? And I understand, sa KADIWA stores lang po muna ito and for vulnerable sectors, ano po. Kailan po maio-open iyan for all, rice for all, the 20 pesos rice?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Well, base sa utos ng Pangulo natin ‘no, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na paramihin na ito kaagad at i-implement kaagad. Sa Cebu, basically, nasa 37 LGUs na tayo sa Cebu ‘no at nakabenta na tayo ng almost 12,000 sacks na for this week. Sa mga KADIWA stores natin na 34 KADIWA stores, medyo kaunti pa lang dahil we started with a few noong Lunes, tapos noong Wednesday … ngayon nasa 34 na tayo. Pero, well, kita naman natin na medyo natutuwa ang mga tao at tuluy-tuloy naman—ang problema namin na ina-address ngayon ay iyong haba ng pila ‘no. So, we have ordered na—Bibisita ako, iikot ako mismo para ma-address – magdagdag ng silya; maglagay ng electric fan, kung hangga’t kaya, may kuryente; maglagay ng trapal o tolda para maano ang init. Alam ninyo naman mainit ngayon kaya ia-address ho natin iyan para maging mas maganda iyong experience ng ating mga mamimili.

TUESDAY NIU/DZBB: Follow-up lang, sir. So far, sir, ilan na iyong naipalabas ninyo from NFA warehouses? At sasapat po ba ito para ma-sustain iyong program?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Ah, definitely. Ang total natin ngayon we have one million sacks available ‘no, na milled-rice na iyon, well-milled rice. From Mindoro, nakapagpadala na tayo ng barko sa Visayas. Unang barko dumating na sa Cebu; may pangalawang barko na aalis this week papuntang Bohol, galing sa Mindoro iyon. Iyong Iloilo naman, mukhang nagbibenta na.

But, of course, ang problema natin ngayon is iyong election, na-hold nga tayo sa eleksiyon nang – sayang nga ho iyon eh – nang ten days. Ngayon, may mga nanalo, may natalo, of course, like sa Cebu, there’s still a question kung itutuloy ba ng bagong gobernador iyong programa o hindi.

Sa Bohol naman, iyon ang mukhang susunod na pupuntahan natin at pina-finalize na iyong schedule, at saka iyong stocks ay mayroon na doon. Maglo-launch sa Cebu, Southern Leyte and others ‘no.

TUESDAY NIU/DZBB: Iyong isa pang follow-up nga, sir, iyong mga bagong luklok na mga LGU na nasa kabilang kampo, susuportahan po kaya ito para magtuluy-tuloy lang iyong programa? Nakausap ninyo na po ba sila or mayroon na po bang inisyal na pakikipag-ugnayan doon sa mga bagong naluklok sa puwesto na LGUs?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Kami dito sa DA, wala naman kaming kulay dito ‘no. We are doing our job for the Filipino people – iyan ang utos ho ng ating Presidente ‘no, lahat ng kailangang bigyan ay bigyan; walang kulay ito. At, yes, we have started to … trying to set appointments na with the, say, incoming Cebu governor and other government officials na kasama doon sa unang phase one na tinatawag natin which is the NIR, Regions VI, VII and VIII – iyan iyong ‘rice emergency 12’.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, good morning po. Secretary, nabanggit ninyo iyong tungkol doon sa cooperation sana ng mga taga-LGU, Secretary. Bago po iyong eleksyon, ilang LGUs po ba iyong nagbigay na ng kanilang cooperation para dito sa pagdi-distribute ng murang bigas?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Well, noong meeting namin doon sa Cebu with the governors of Visayas, almost all have committed naman. But then there are steps ‘no katulad ng may MOA na kailangang pirmahan. May mga pumirma na pero mayroon pang mga hindi nakapirma pending iyong …sabi naging busy na lahat noong eleksyon eh. Pero ngayon, tuluy-tuloy na lahat at we’re setting up meetings and signing and scheduling the launches na.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Kanina, Secretary, nabanggit ninyo rin iyong tungkol doon sa pila, mukhang may problema tayo doon sa pila. May mga pumipila raw kasi sa KADIWA na nagpapakilalang anak ng mga senior citizens, kasi hindi na makalakad, naka-wheelchair na. So, pupuwede raw ba iyong ganoong klase na sistema on their behalf?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Well, sa ngayon, pinapayagan namin iyon dahil nga it might be true na ganoon nga ang sitwasyon. But, of course, we are listing down iyong mga ganoong nagki-claim and we will be counterchecking siguro sa kanilang tahanan at bisitahin sila para makita lang talaga.

But, of course, as of the moment, we cannot question and we really need to dispose and move out our stocks ‘no, magandang quality na bigas para tuluy-tuloy ho na at least mapakinabangan. Anyway, makikinabang din naman iyong iba eh.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, ihabol ko na lang ito. As of now ba, mayroon tayong nakukuhang mga reklamo doon sa mga posibleng pananamantala ng mga traders doon sa mga magsasaka, particularly iyong mga nambabarat sa mga local farmers natin?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Well, mayroon na kaming listahan of areas na identified na talagang mababa ang bili masyado ng traders sa mga farmers. We have 32 locations sa Luzon na nakikita, at iniimbestigahan na ng opisina ng DA kung sino iyong mga traders na bumili na iyon because we have to identify them. Basically, may imbestigasyon na nangyayari ngayon.

Mayroon na rin kaming plano para sa next harvest season, iyong sa mga lugar na iyon na medyo nabilhan ng 13 pesos, 14 pesos, 15 pesos ay kami na ang pupunta roon sa next harvest season. Nakahanda kaming bumili at mayroon na kaming marketing or procurement group na mobile na tatakbo sa mga may balitang area na mababa ang presyo ng palay.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, isa na lang talaga. Doon sa ginagawa ninyong investigation, mayroon bang posibleng kasong maisampa doon sa mga nanggugulang sa mga local farmers natin at anong kaso kung saka-sakali?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Well, technically, wala as of the moment. Pero siyempre, naghahanap kami ng paraan na legally—baka maglabas kami ng policy in the future, pero pinag-aaralan pa ho ito ‘no. But the idea is, set a floor price. Sa ibang bansa, mayroong mga ganoong patakaran ‘no, like India and other countries. So, we are studying the best practices sa iba’t ibang bansa so that we can hopefully—but of course itong mga ganito, we were checking pa kung kailangan ba ito ng batas o puwedeng department administrative order lang ‘no.

ALVIN BALTAZAR/PTV: Salamat po, Sec.

CLAY PARDILLA/PTV: Good morning, Sec. Sec., you’ve mentioned about the phases, when are we planning to expand the distribution of NFA rice o ‘Bente Bigas’ to Mindanao?

DA SEC. LAUREL JR.: Okay. Well, iyong Phase One natin is ngayon na ‘no with Negros Island Region sinama na, Regions VI, VII and VIII. Just to add ‘no and more details on that, sorry may kodigo ako dito para I don’t miss dahil maraming ano. Sa regions in first phase, ulitin ko lang – Negros Oriental; Samar; Eastern Samar; Negros Occidental; Northern Samar; Leyte; Bohol; Antique; Cebu; Iloilo; Capiz; Biliran; Southern Leyte; Guimaras; Siquijor; Aklan. Sinama din namin ang Mindoro kasi may clamor from Mindoro na, “Galing sa amin iyong bigas, bakit wala kami?” So, sinama na namin sa first phase iyan and now we are contacting iyong mga governors diyan – Oriental and Occidental.

Phase 2, ang target namin will be by July and as mentioned before ang rating namin is based on poverty incidence ‘no. So, number one sa phase 2 natin in July will be Zamboanga del Norte which has a 37.7 percent of poverty incidence – iyan ang isa sa mga pinakamataas; Pangalawa, Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Maguindanao, Davao Oriental, Sorsogon, Maguindanao del Norte – iyan ho ang Phase 2.

Ang phase 3 naman ay sa September ‘no this is Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Catanduanes, Agusan del Sur, Sarangani at Dinagat Island. So, iyan ho iyong tatlong phases natin na ii-implement natin for iyong tinatawag na shared subsidy. Sa KADIWA naman, siguro nabanggit na rin noong the other day ng ano namin, sa ngayon 34 ang KADIWA outlets na mayroon for the vulnerable sector; by next month it will be 55.

Tapos iyong sumama sa amin sa “rice emergency 12” ay qualified din mag-join dito sa shared subsidy which is itong Siniloan; Laguna; CamSur; Mati, Davao [Oriental], Cotabato Province; San Rafael, Bulacan; Palayan, Nueva Ecija; Isabela Province; Mataas na Kahoy, Batangas; Batanes; Navotas; at San Juan – iyan ho.

CLAY PARDILLA/PTV: Sir, follow up lang naman po doon sa question ni Kuya Alvin. Ano po ba iyong goal noong floor price para sa mga magsasaka?

DA SEC. LAUREL JR.: Well, ang goal noon is para maka-set tayo ng floor price na hindi sila malulugi – kasi ang pinakaayaw natin mangyari ay malugi iyong farmer ‘di ba dahil nga pinaghirapan nila, pinagpawisan. Siyempre ang hangad natin ay kumita – iyon ang pinakamaganda, pero kung sakaling due to adverse conditions or situations mayroon pa ring floor price para nga hindi—ang importante kasi ma-maintain natin iyong tinatawag na planting intention eh. Kung nalugi ka this year huwag lang masakit at…kung hindi ka nalugi break even ka lang at least malakas ang loob mong magtanim sa susunod na taon eh ‘di ba, hindi mababawasan iyong pagtatanim – iyon ang pinakaimportante. So, iyon ang idea.

And hopefully nga makahanap kami ng batas or ruling na kung hindi sumunod ang isang trader o isang buyer sa floor price ay puwede nating kasuhan or ma-account sila.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, good morning. Sir, initially saan po iyong 32 areas? Can you name a few provinces saan po iyong pinakamarami iyong sabi ninyo po kanina mayroong investigation doon sa traders na bumibili ng very low prices, saan po iyong particular area?

DA SEC. LAUREL JR.: Unfortunately, I don’t have the details with me now but maybe after this meeting hahanapin ko sa computer ko.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, on the shared subsidy, how much na po iyong nai-spend ng government for subsidizing rice for indigent families to pull down the prices to 20 pesos per kilo?

DA SEC. LAUREL JR.: Depende sa tanong mo iyan eh, kung actual cash ba na nilalabas namin ngayon – actually wala pa dahil sa rami natin ng stocks. Sa ngayon ang stocks natin ngayon ng palay is noong nagsasabi ako 300,000 tons na, ngayon nasa 400-plus thousand na eh. So, lahat iyan is iyong NFA na bigas na binili galing sa GAA namin – so, iyan pa rin iyong bigas na binibenta natin so technically – except for the logistics of it – wala pang nilalabas na dagdag pera ang gobyerno natin while selling this rice.

KATRINA DOMINGO/ABS-CBN: Sir, last from my end. Sir, in the remaining three years of President Ferdinand Marcos Jr., would it be possible—how likely is it for the government to extends the 20-peso rice for non-indigents, regular Filipinos?

DA SEC. LAUREL JR.: Well, inutos na o ni Presidente sa akin na gagawin na natin ito hanggang 2028. Iyong formula na lang ang basically pinag-uusapan. Mayroon na kaming ideas kung magkanong magagastos pero ang pinakamahirap ma-identify. Siyempre hindi naman ito puwede sa lahat ng Pilipino, of course, iyong mayayaman hindi na dapat sila sumama sa programa na iyan. So, iyong ina-identify na lang namin ngayon through study is iyong sectors na kailangan talagang masuportahan lalo na iyong mahihirap.

But in general, ang idea as of the moment is 15 million families ang ating sisilbihan nito – kung may limang tao or may apat na tao bawat pamilya – so, that is 60 million people. Tapos iyong quantity per month, ina-identify pa of course. Thank you.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Good morning, sir. Noong last month po na-mention ng NFA na medyo nahihirapan pa rin daw po iyong government na ma-comply iyong 15-day national rice buffer stock, tapos ang current inventory raw po that time is 358,000 metric tons. Ngayon po, nagbebenta po kasi iyong NFA ng bigas, so hindi po ba mas mahihirapan iyong government na ma-reach iyong buffer stock na 15 days kung patuloy pong magsi-sell sila doon sa 20-peso per kilo rice?

DA SEC. LAUREL JR.: Well, this year umabot tayo ng 10 days na buffer stock, ‘di ba? Ang main reason kaya hindi natin…but we still have five billion-plus remaining for 2024 na pera. Ang main problem namin sa NFA is kulang kami ng warehouse o kaya iyong warehouses namin over the years marami nang dilapidated. But, of course, because of the trust of our Presidente binigyan na niya kami ng budget last year so ngayon dahil sa utos ni Presidente ay ginagawa na ang lahat ng mga warehouse na iyon and hopefully maybe by first quarter of next year ay tapos na and mas marami na tayong warehouses na paglalagyan ng mga bigas na iyan.

And the budget technically is not enough per se to get 15 days, but kung mabago nga natin iyong batas ‘no at maibalik nang kaunti iyong functions ng NFA na puwedeng magbenta nang binili sa farmer at mapaikot iyan then we can exponentially use the same amount of money to buy more rice to serve as buffer stock and to serve the people with mas murang bigas.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: I-clarify ko lang, sir. Bale doon sa 358 metric tons na rice sa warehouses ng NFA, ilan po doon ang target ng NFA na mabenta under sa 20-peso rice program?

DA SEC. LAUREL JR.: Two hundred fifty thousand.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Tapos last na lang, sir, for my part. Itutuloy pa rin po ba ng NFA iyong pag-auction ng rice nito?

DA SEC. LAUREL JR.: Well, last two weeks ago I met with all the NFA officials from the branch managers, regional managers and mga quality control, ang sabi ko sa kanila, pinapalakas namin talaga iyong quality control ng NFA para nga ang ipapa-bid na lang natin na tinatawag is iyong mga bulok lang talaga, ‘di ba.

Ang sinasabi ko naman dati pa na walang 100 percent na walang mabubulok – mayroon, kaya lang ano ba iyong acceptable diyan na parameters. So, sa akin one to two percent is acceptable – industry standard iyan. So, iyon lang ang dapat nating ipa-bid.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Thank you po, sir.

EDEN SANTOS/NET 25: Secretary, good morning po, clarification lang po. Sa mga regions po na binabanggit ninyo, shared subsidy, ito po iyong maghahati ang government at ang LGU sa P20?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: National and LGU.

EDEN SANTOS/NET 25: Opo, para doon sa P33, kasi kaya naging P20? Sa KADIWA po ba ay shouldered lahat ng government iyong P13?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Hindi naman, P13 iyon, kasi iyong presyo ng KADIWA from NFA is actually P29 not P33, so P9 iyon.

EDEN SANTOS/NET 25: So, iyong bigas po, P29 at P33, iyong original na price?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Hindi, P29 iyon from the start, because it is supposedly iyong rice na iyon is medyo kaka-aged lang, aging stocks iyon eh na tinatawag. Pero hindi naman ibig sabihin luma iyon, ibig sabihin, mga two months old, parang ganoon.

EDEN SANTOS/NET 25: So, P29 po pala iyong original price hindi po P33, anyway…

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Sa KADIWA.

EDEN SANTOS/NET 25: Hindi po ba kakayanin ng government through DA po na i-shoulder lahat at KADIWA Centers po ang magbenta sa ating mga kababayan since mayroon pong mga LGUs na talagang hindi po kakayaning mag-subsidies para po makabili rin iyong ating mga mahihirap na kababayan na nasasakupan?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Iyong idea sa ngayon, medyo tama kayo roon. Iyong idea sa ngayon – siyempre hangga’t maaari, dahil malaki rin naman ang kailangang pera para doon sa first phase, second phase, third phase natin – of course, ang mangyayari niyan, siyempre mas gusto kong kaunti mayroong shared subsidy ang umiiral para mas marami tayong magawa ‘di ba, pero kung sakaling may LGU na may high poverty incidence na hindi kaya iyon, talagang ang plano ay maglalagay ng KADIWA.

EDEN SANTOS/NET 25: Doon po sa phase 2, mag-start on July, sabi po ninyo…

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Yes.

EDEN SANTOS/NET 25: So, ito po ay bandang Mindanao na iyong makakabili po.

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Yeah, kagaya ng nabangigt ko nga, iyong Zamboanga del Norte, iyong Basilan; actually, halos lahat ay Mindanao.

EDEN SANTOS/NET 25: So, aasahan po ng mga taga-Mindanao iyong P20 na bigas on July.

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Kaya nagri-repositioning na kami as of the moment, dahil nga medyo logistically, kung nakikita ninyo, pati Tawi-Tawi, iyong mga ganoon ay nandoon, kaya kailangang—Basilan, isla iyan, so it’s a logistical concern, inaayos natin.

CLAY PARDILLA/PTV: Hi, sir.  Sorry, sir, other topic. Can the Department of Agriculture confirm that it will impose a countrywide poultry ban from Brazil, which is our top meat supplier? How it will affect the prices and supply of processed meat products?

DA SEC. TIU LAUREL JR.: Well, basically, tinamaan sila ng bird flu and as of the moment, wala tayong regionalization agreement with Brazil. So, yes, we will have to ban the whole country from exporting chicken to us. But, of course, hindi lang naman Brazil ang nagsu-supply sa Pilipinas, maraming nagsu-supply ng frozen chicken to the Philippines so magda-divert lang ng market.

Ang advantage lang ng Brazil, kaya malakas sila, dahil sila ang pinakamura. So, baka mas makabili lang tayo, iyong mga importers or processors ng mas mahal ng kaunti pero, I think the price difference is a few percentage lang. So, as far as supply is concerned, I really don’t see any issue, baka may brief supply gap lang na baka one or two weeks, because they have to change origins. But in general, I don’t see any issue, because even our local poultry industry is medyo maganda ang production eh, so wala masyado akong nakikitang isyu.

PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you very much, Sec. Kiko. Usec. Claire?

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, Secretary Kiko. At ngayon po ay handa na po tayong tumugon sa inyong mga katanungan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec, good morning po. Usec, if I am not mistaken, matatapos na iyong extension ni General Marbil sa June 4, kasi tapos na iyong eleksiyon and mayroon nang mga pangalan na lumulutang gaya ni General Melencio Nartatez being the number two man and sinasabing close rin kay Senadora Imee Marcos? Another name na lumulutang is General Torre, who led sensitive operations like the arrest of Pastor Apollo Quiboloy and former President Rodrigo Duterte? Mayroon na po bang take dito si Pangulong Marcos at may nabanggit po ba si Pangulong Marcos kung ano iyong possible criteria na mapipili niya as the next Chief PNP?

PCO USEC. CASTRO: Ang mga nabanggit po ninyong pangalan ay pulos po lahat iyan ay may integridad at magagaling. Sa ngayon po ay wala pa pong ipinapaabot sa atin, hintayin na lang po natin ang announcement ng Pangulo patungkol diyan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: When do we expect iyong announcement, Usec?

PCO USEC. CASTRO: Kapag may nakarating na po kaagad sa akin, sa inyo ko po agad ibibigay ang impormasyon, thank you very much.

EDEN SANTOS/NET25: Usec, good morning po. Mayroon na po bang reaksiyon from Malacañang doon sa naging statement po ni Alyansa  campaign manager Toby Tiangco  na isinisisi po niya doon sa impeachment na isinulong against VP Sara iyong pagkatalo po  noong ibang kandidato po ng Alyansa?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa pong napaparating sa atin ng anumang reaksyon ng Pangulo patungkol diyan kung iyan man po ay totoo. Ang tangi lamang pong naibigay sa atin na impormasyon ay dapat pong iwanan na kung anuman iyong mga naging isyu noong panahon ng  pangangampanya at magpatuloy na lamang po ang bawat isa sa kani-kanilang trabaho, para naman po ito sa taumbayan.

EDEN SANTOS/NET25: Quick follow-up lang po. Hindi po ba kakausapin ng Pangulo si Cong. Toby para po sabi nga ninyo iwanan na dahil tapos na iyong panahon ng kampanya, may mga nanalo na po?

PCO USEC. CASTRO: Wala pong napaparating sa ating ganyan, sa ngayon.

MARICEL HALILI/NEWS 5: Good morning, Usec. Usec, may we have your reaction lang doon sa naging statement ni Vice President Sara Duterte that she wants the impeachment trial to pursue because she wants to see bloodbath, your comment on that?

PCO USEC. CASTRO: Medyo may pagkabayolente ang tugon ng ating Bise Presidente. Pero, we hope that it is just a figure of speech and it should not be taken literally. Kung iyan naman po ang nais niya at talaga naman pong magkakaroon ng balitaktakan kapag nagkaroon ng trial, hayaan na lamang po natin itong gumulong.

MARICEL HALILI/NEWS 5: Sa point of view po ng Palace, whose blood should be spilled?

PCO USEC. CASTRO: Hindi po makikialam ang Pangulo patungkol sa ganyang isyu.

MARICEL HALILI/NEWS 5: Okay, but do you agree with the statement of former Senator de Lima that this is a toxic rhetoric remark coming from the Vice President?

PCO USEC. CASTRO: Hindi rin po tayo magbibigay ng anumang opinyon patungkol po diyan.

CLAY PARDILLA/PTV: Good morning, Usec. Usec, the government has approved 16,000 positions for the coming school year, an increase from 10,000 teaching positions created annually under VP Duterte. Ano po iyong nagtulak sa government to increase po ng 16,000 position. How will impact the class sizes, improved the quality of education and iyong work load po ng mga teachers.

PCO USEC. CASTRO: unang-una po, it is the directive of our President Ferdinand Marcos Jr. to strengthen the education system. And also, this will add teaching workforces in the schools.  We can still remember how the President immediately reacted to the suggestion of Secretary Sonny Angara with regard to the needs of building a child development center, the President immediately asked that the funds be released for that purpose.

So with this, ang gusto po talaga ng Pangulo ay mabawasan ang kakulangan ng mga guro sa bawat eskuwela; ito lamang po ay unang parte, 16,000 teaching positions, ay unang parte lamang po dahil ang target ay 20,000 teaching positions po at ang nais po natin at ang nais po ng Pangulo ay mabigyan po ang bawat estudyante, matutukan po ng kanilang guro para po mas maging maganda ang kanilang pagsasanay at pag-aaral.

Mayroon pong pondo ang inilaan para dito; lumalabas po na ang pondo ay 4.19 billion, ito po ay kasama po sa DepEd built-in appropriation under 2025 GAA. So, tingnan na lang po natin kung ano pa ang magiging proyekto pagdating po dito at mas gugustuhin rin po natin na magkaroon po ng mas maraming classrooms para sa darating na pasukan.

PCO ASEC. VILLARAMA: Tuesday Niu, DZBB.

TUESDAY NIU/ DZBB: Good morning, ma’am. May utos po ba si Presidente, kung mayroon man, kaugnay noong problema po ngayon sa Visayas about the condition of the San Juanico Bridge, kasi po medyo apektado na po iyong mga residente, mga negosyante at saka iyong local economy doon?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ito lamang po ang una nating ipaparating, ito’y ayon sa ating Pangulo: Ang pagri-rehabilitate po, masasabi natin ay magkakaroon ng apekto ‘no, sa taumbayan sa concerned citizens na nandoon sa lugar. Pero tingnan po natin ito sa mas positibong aspeto dahil ito po ay rehabilitation; mas nanaisin po talaga na maiwasan kung anuman ang maaaring idulot na disgrasya kung ito man ay hindi maaayos nang maagap.

So, sa ngayon po ay nagkaroon na po ng blue alert, ibig sabihin nasa heightened alert ang mga concerned agencies para po matugunan, marespondihan kung anuman po ang pangangailangan ng mga taong naapektuhan. Nagkaroon narin po ng multi-taskforce at magkakaroon din po ng public assistance desk on both sides doon sa bridge at may 24-hour patrol unit na rin po for safety monitoring. Magkakaroon din po ng weighing station para madetermina iyong mga vehicle na puwedeng dumaan.

At ito po rin ang ipinangako ng DPWH: Magkakaroon po ng 13 shuttle buses, 24/7 service para doon sa mga tao na maaapektuhan para po magamit po ang lugar dahil light vehicles lamang po ang maaaring gumamit dito. So, pansamantala ay iyon po, at mayroon pong pakikipag-ugnayan ang DPWH sa LGUs at sa PPA para how to ferry the buses of passengers na maaaring maapektuhan.

PCO ASEC. VILLARAMA: Last question, Sam Medenilla/Business Mirror.

SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Good morning, ma’am. Magpa-follow up lang kami ma’am, regarding po doon sa investigation ng Office of the President sa OWWA controversial 1.4 billion land acquisition deal ng OWWA. Aside from former Administrator Arnell Ignacio, may iba pa po bang other OWWA officials na na-sanction or natanggal sa posisyon dahil po doon sa nasabing transaksiyon?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po ay under investigation pa po ang lahat at kung mayroon pa pong ibang mga opisyal na involved dito ay magkakaroon po ng action kung sila man ay tatanggalin, sususpendihin; at maagarang imbestigasyon ang kinakailangan dito.

SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Na-determine na po ba ng Office of the President, if iyong fund na nagamit for that controversial transaction is nanggaling po doon sa OWWA GAA fund or doon sa OWWA trust fund?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa inisyal na imbestigasyon ay hindi po affected ang OWWA trust fund, pero iniimbestigahan pa rin po kung may nagamit; pero initial po na imbestigasyon ay wala daw po, as of this moment.

PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you very much, Usec. Claire.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: At bago tayo magtapos, isa pang good news para naman sa mga nagsilbi sa midterm elections noong nakaraang linggo.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., dinagdagan pa ng Department of Budget and Management ng isang libong piso ang election honorarium ng mga guro at poll workers. Bukod pa ito sa nauna nang dalawang libong pisong across the board na dagdag allowance na inanunsiyo ng DBM. Dahil sa bagong umento, makatatanggap ngayon ng labing-tatlong libong piso ang chairperson ng electoral board habang labing-dalawang libong piso naman ang poll clerk at ikatlong miyembro ng board. Hindi po matatawaran ang serbisyo ng higit 750,000 poll workers na inabot na ng madaling araw sa mga presinto o hindi na natulog matiyak lang na mabilang ng tama at ma-protektahan ang ating mga boto. Saludo po kami sa inyong dedikasyon. Panoorin po natin ito:

[VTR]

At dito po nagtatapos ang ating briefing ngayong Lunes. Maraming salamat, Malacañang Press Corps. Magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

###