Speech

BBM Podcast Episode 1 – Pagkatapos ng Halalan


Event BBM PODCAST Episode 1 - Pagkatapos ng Halalan

PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: That’s the lesson we learned from this election. Don’t explain it to us anymore. Just do it. Nagsawa na ang Pilipino sa pulitika.

MR. ANTHONY TABERNA: Nararamdaman ko po sa inyo ‘yung frustration niyo, ‘no, na may gusto kayong gawin pero hindi niyo magawa. Masyado raw kasi kayong mabait.

PRESIDENT MARCOS: Anong gagawin ko? Maging masamang tao?

Siguro dapat nga talaga maging mas mabagsik talaga.

MR. TABERNA: Inaamin niyo po ba na may pagkukulang kayo doon?

PRESIDENT MARCOS: Oo. Ang problema sa malalaking proyekto, halimbawa, transportation…

MR. TABERNA: Medyo matagal eh.

PRESIDENT MARCOS: Matagal talaga.

MR. TABERNA: Matagal ‘yan.

Sir, wala ba kayong sisibaking Gabinete ngayon?

PRESIDENT MARCOS: Baka mangyari ‘yan.

MR. TABERNA: Ang bait niyo, sir.

PRESIDENT MARCOS: Ha?

MR. TABERNA: Ang bait niyo talaga.

PRESIDENT MARCOS: Bakit? Hindi ko… Magko-confess ako dito.

MR. TABERNA: Kumusta po kayo, Mr. President?

PRESIDENT MARCOS: Mabuti naman. Mabuti naman.

MR. TABERNA: Opo. Anong realization niyo na ganito po ang naging resulta po ng eleksyon? May kinalaman po sa administration slate.

PRESIDENT MARCOS: Para sa akin, I have two conclusions dito sa eleksyon. Una, nagsawa na
ang Pilipino sa pulitika. Sawang-sawa na sa pulitika.

Ang mensahe, sa amin lahat – hindi lamang sa akin, kung hindi sa aming lahat – tama na ‘yung pamumulitika ninyo at kami naman ang asikasuhin ninyo.

Tama rin naman eh. Iyan naman talaga ang dapat nating ginagawa. Kaya mabuti, o tapos na ‘yung eleksyon, tama na ‘yung pulitika. Tama na ‘yung pulitika. Magtrabaho – gawin na natin lahat ng kailangang gawin.

MR. TABERNA: So, nagsawa ang tao. Ano po ‘yung pangalawa na sabi niyo konklusyon?

PRESIDENT MARCOS: Iyong pangalawa, disappointed ang tao sa serbisyo ng gobyerno. Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw nang pagbubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman.

Palagay ko ang nangyari diyan dahil noong bago akong upo, sabi ko ayokong mangyari na business as usual.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Dahil ganyan… Walang mangyayari sa Pilipinas. Hanggang doon na lang tayo. Hindi tayo – hindi tayo aalsa.

Sabi ko kailangan natin baguhin ito. Kaya tiningnan ko ‘yung malalaking, mahihirap na proyekto na long term ang magiging effect, ‘yun ang – ‘yun ang trabahuhin natin.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: So, tinrabaho namin. Kaya ang lalaki – ‘yung mga project na ginawa naming priority: ‘yung mga tourism, ‘yung mga health, ‘yung mga – puro malalaking proyekto.

Ang problema sa malalaking proyekto, halimbawa, transportation…

MR. TABERNA: Medyo matagal eh.

PRESIDENT MARCOS: Matagal talaga.

MR. TABERNA: Matagal ‘yan.

PRESIDENT MARCOS: Kahit na – kahit na super efficient, walang problema, tama, walang – hindi nagkaproblema, matagal talaga ‘yan.

Isipin mo ‘yung subway, huhukayin mo ‘yung para makadaan ‘yung tren. Matagal ‘yun. Matatapos ‘yan tapos na ako. Matagal na akong tapos.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Pero sabi ko, kailangan magawa natin ito. Kasi kung hindi natin gawin, eh
paano na? Hanggang dito na lang tayo. Kailangan gumawa tayo ng bago.

Eh ang nasa isip ko, may magandang kasabihan, if not us, who? If not now, when? Kailangan gawin na natin.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Ngunit, ito talagang na-realize ko na hindi natin nabigyan nang sapat ng attention ‘yung mas maliit na bagay, ‘yung para maging mas maginhawa ang pang-araw-araw ng buhay ng tao.

Iyong pila sa tren, ‘yung traffic, ‘yung mga ganyang klase, para naman mas maginhawa ang buhay ng tao.

Kasi iniisip ko, hindi, ‘pag pinaganda natin ‘yan, gaganda rin. Eh, anong gagawin natin ngayon habang hinihintay – ?

MR. TABERNA: Iyong immediate.

PRESIDENT MARCOS: Oo, anong gagawin natin ngayon? Ayun ang talagang bibigyan natin ng atensyon ngayon.

MR. TABERNA: Pero inaamin niyo po ba na may pagkukulang kayo doon?

PRESIDENT MARCOS: Oo. Nag-concentrate kami lahat, ‘yung Gabinete, lahat, sinasabi ko, ito ‘yung mga importante. Kailangan – kailangan umpisahan natin ito at kahit wala na tayo rito, nasa lagay na ‘yan na tuloy-tuloy na ‘yan. Kailangan nang talagang tapusin.

MR. TABERNA: Oo.

PRESIDENT MARCOS: Iyon ang talagang iniisip ko.

MR. TABERNA: Hanggang ngayon po ba eh mayroon pa rin kayong countdown ng natitirang mga
araw niyo sa Malacañang?

PRESIDENT MARCOS: Oo. Araw-araw pumapatak ‘yung ano –

MR. TABERNA: Iyong metro.

PRESIDENT MARCOS: – ‘yung metro, oo.

MR. TABERNA: Anong nararamdaman niyo kapagka – pagtingin niyo, uy, 1,130 plus days na lang?

PRESIDENT MARCOS: Oo, ganoon.

MR. TABERNA: Ano po ang nararamdaman niyo pagka ganoon?

PRESIDENT MARCOS: Ganoon din, mula noong umpisa, kailangan natin madaliin ito. Kailangan natin madaliin ito. Ba’t ang bagal? Ba’t wala pa? Bakit hindi pa magawa?

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Binibiro ko nga ‘yung mga mayayaman kong kaibigan, ‘yung mga malalaking ano taipan. Sabi ko, naiinggit ako sa inyo dahil kahit napakalaki ng korporasyon ninyo, na hawak ninyo, pagka inutos nung CEO, nung boss, tapos na.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Pagka ako nag-utos, maraming – marami pa akong kukumbinsihin eh. Dito sa gobyerno, pagka mayroon kang naisip na bagong initiative, bagong idea, siyempre ilalapit mo doon sa rank and file ‘di ba? Para ito, implement

ninyo ito.

Naku, ang sagot na laging bumabalik, “Ay, sir, hindi puwede ‘yan. Baka ma-COA kami, baka mamaya…”

Totoo rin naman. Dahil patong-patong ang mga batas natin. Kung minsan ano – contradictory.

Lahat ng tao masyadong maingat. Which is okay na maging maingat. It is okay na magkaroon ng checks and balances. Pero huwag naman maging paralysis doon sa bureaucracy.

MR. TABERNA: Nararamdaman ko po sa inyo ‘yung frustration niyo, ‘no, na may gusto kayong gawin pero hindi niyo magawa.

Pasensya na uli kayo tatanungin ko lang itong tanong na ito, masyado raw kasi kayong mabait.

PRESIDENT MARCOS: Maraming nagsasabi sa akin niyan. Eh anong gagawin ko? Maging masamang tao? Hindi ko na mababago ‘yung ugali ko.

Pero alam mo siguro dapat nga talaga maging mas mabagsik talaga dahil wala eh – eh kailangan talagang maging mas efficient ang ano – mas mabilis ang pagdating.

Kasama na siguro ‘yan sa leksyon namin dito sa naging eleksyon nung nakaraan. Oo.

MR. TABERNA: Opo. Pasensya na kayo uli ano, bagamat ang gusto niyo sana ay huwag na munang pulitika, bago lang nating iwanan ‘yung eleksyon, can you categorically say na ayaw niyo po ng impeachment?

PRESIDENT MARCOS: Eh ‘yung impeachment, eh nasa Senado na ‘yan. Pabayaan natin sila. May proseso ‘yan. Pabayaan natin ang proseso.

Eh ako, basta’t ang nasa isip ko, tapos na ang eleksyon, balik sa trabaho.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Gawin na natin lahat with the new lessons learned.

MR. TABERNA: Papasok na po kayo sa second half kumbaga sa basketball ‘no, papasok ka na sa second half. Binabanggit niyo kanina ‘yung mga kailangan ng tao ‘yung agad-agad.

Ako din po, ‘yun din po ang nakita ko na agad-agad, especially ‘yung tungkol sa bigas. Pagkain number one ‘yan eh.

Eh, sinusumbatan kayo mula Day One hanggang sa kamakailan lang, ‘yung bente pesos na bigas.

Okay, tatanungin ko po kayo, ni-launch niyo po ‘yung bente pesos na bigas bago mag-eleksyon. At ang sinasabi ng iba, nako, hindi sustainable ‘yan. Kuwan ‘yan, patsi-patsi lang ‘yan. Hindi maitutuloy ng gobyerno ‘yan.

Unang tanong ko po, ba’t ho ba ngayon niyo lang ginawa ‘yun? At pangalawa, hanggang kailan ba ‘to?
Baka nga patsi-patsi lang po ito?

PRESIDENT MARCOS: Sige. Ang tanong, bakit ngayon lang?

MR. TABERNA: Bakit ngayon lang –

PRESIDENT MARCOS: Kung kaya niyo pa lang gawin, ba’t ‘di niyo ginawa noong 2022 o noong 2023?

Dahil hindi namin – noong 2022, 2023, 2000 – hindi pa namin kayang gawin. Bakit?

Ang key diyan ‘yung production. Kaya panay ang patayo namin ng irrigation. Ang dami naming dam na ginawa. Ang dami na naming pinamigay na makinarya.

2023 ang ani ng palay sa Pilipinas, pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas. Nalampasan pa ‘yun noong 2024. Kaya sa production, dahan-dahan inaalalay natin.

Bakit ngayon lang na tayo nagbibigay ng tulong sa produksyon?

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Dahil ang Pilipinas,
ang mga opisyal nai-spoiled. Basta’t import lang nang import.

Tapos ‘yung importation niyan illegal and legal.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Ang katotohanan, ang nakita namin ang pang-control doon sa presyo ng bigas ay ang smuggled na bigas. Kaya nagho-hoard.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: ‘Yan. Ang una na – kung titingnan ninyo, ang isa sa una naming ginawa, nag-raid kami ng mga warehouse.

Ito ang pinakamalupit, sinabi namin, ba’t may ganito? At hindi na iniintindi, basta’t puro ang import natin.

Dahil ang nag-i-i-smuggle mga opisyal din ng gobyerno. Kumikita sila. O ‘di bakit nila papalitan? Sige, pasok lang sila nang pasok. Hindi nila iniintindi ang production. Hindi nila iniintindi ‘yung sistema. Hindi nila iniintindi ang presyo ng palay, ang presyo ng bigas, ang kikitain ng magsasaka. Wala, walang ganoon.

MR. TABERNA: Kailan po itong mga nag-i-i-smuggle ay mga taga-gobyerno?

PRESIDENT MARCOS: Basta‘t ito ‘yung nakita namin –

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: – noong pag-upo ko. Mayroon talagang ganyan. Noong inipit namin ‘yung mga smuggled at nire-raid na namin ‘yang mga warehouse, nabawasan ‘yung supply.

Kailangan namin ayusin ‘yung NFA. Lahat ‘yan, ‘yung mga changes na ganyan, hindi ganoon kasimpleng gawin.

May batas na kailangang palitan. Mayroong mga taong kailangang palitan. Ibang konsepto na.

So, ngayon lang namin nabuo lahat.

MR. TABERNA: Mr. President, ang isa pa pong importante sa tao, kalusugan hindi po ba? Mayroon

naman ang kung anong nahihingi ang mga tao. Pero pagpunta niyo sa ospital, lalo sa public hospital,
ang hahaba pa rin ng pila.

PRESIDENT MARCOS: Iyon ang problema.

MR. TABERNA: Hindi po ba? Ang haba ng pila. Tapos ‘yung mga tao parang hindi pa rin nila alam na mayroon palang mga programa ang gobyerno tungkol sa ganito.

Number one po diyan ‘yung tungkol sa PhilHealth. Ano bang puwede nating gawin sa PhilHealth para wala na talaga halos babayaran ang mga tao sa – kapag sila ay naospital?

PRESIDENT MARCOS: Malapit na tayo doon.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Malapit na tayo doon. Nabanggit mo na rin ‘yung mga pila na nakapunta na ako sa ospital, dalawang daan ang tao na nakahilera.

MR. TABERNA: Grabe, ano?

PRESIDENT MARCOS: Oo. Dalawang oras bago nila maibigay ‘yung papeles nila. Digitalization lang ang sagot diyan. Dahil pinaparami talaga natin ang member, pinaparami talaga ‘yung binibigyan ng benepisyo.

Hindi na puwedeng kinakamay. Kailangan talaga nasa computer na eh.

Kaya ‘yun ang unang ginagawa nitong si Dr. Mercado na namumuno nung PhilHealth ay inaayos niya nang mabuti ‘yun.

Pangalawa, lumalaki ang benepisyo na binibigay ng PhilHealth mula noong 2022. At mas malaki na ang ibinabayad. Mas marami na ang serbisyo.

Nalungkot nga ako, may nakita akong ano eh – may nakita akong survey tungkol sa PhilHealth. Sabi niya, sana ang Presidente – ang PhilHealth ay tugunan na nila ‘yung Top 10 diseases or sicknesses in the country.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Alam mo kung bakit ako nalungkot?

MR. TABERNA: Bakit po?

PRESIDENT MARCOS: Ginagawa na namin.
Hindi lang alam ng tao. Kagaya ng sinabi mo.

MR. TABERNA: Opo, hindi –

PRESIDENT MARCOS: Ginagawa na namin ‘yun. Pero patuloy – kung titingnan talaga at pag-aralan…

MR. TABERNA: Mr. President, nasaan ho ‘yung pagkukulang? Eh nandiyan na pala ‘yung programa, bakit hindi alam ng tao?

PRESIDENT MARCOS: Eh, ‘yun ang problema din – siguro naging problema namin dahil ‘yung tao, kasama na rin yata sa analysis dito sa eleksyon, hindi alam ng tao ‘yung ginagawa namin.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Nagugulat sila kung minsan ‘pag sinasabi namin, ito puwede na kayo dito, mayroon kayong ganito, mayroon kayong puwedeng benepisyong ganito.

Hindi nila alam na may dap – na puwede silang mag-claim ng ganoon. Halimbawa, tiningnan namin noong isang araw dialysis. Sabi ko, ba’t ‘di natin puwedeng libre? Libre lahat. Kasi may binabayad pa ‘yung nagda-dialysis.

MR. TABERNA: Tama po.

PRESIDENT MARCOS: Paano ang gagawin natin? So, tinitingnan namin ‘yung numero. Kung ano ‘yung pondo ng PhilHealth para diyan, ano ba ang puwede nating ibigay?

Sa cancer, milyon-milyon na ang binibigay nating tulong. ‘Yung mga – ‘yung siyempre, ‘yung mga buntis, ‘yung mga common… Hindi na natin dadalhin ‘yung – dadalhin pa sa hospital ‘yun.

Kaya nagbukas tayo – nagbukas tayo ng BUCAS centers. Ang BUCAS centers ‘yung Bagong Urgent Care [and] Ambulatory Services.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: ‘Yun ang BUCAS center. 24/7 ‘yan, hindi nagsasara. At ‘yan, ‘yung mga simpleng bagay para hindi na kailangan pumunta sa malalaking ospital.

MR. TABERNA: Habang pinakikinggan ko po kayo, halimbawa, ‘yung nabanggit niyo ‘yung parang digitalization para mabawasan ang pila. Ako mayroon pa po akong isang naiisip, baka lang puwede niyong i-consider.

PRESIDENT MARCOS: O, sige.

MR. TABERNA: Para matigil itong pila-pila na ‘yan. Kasi nga nakakalungkot na ‘yung iba, uma-absent pa sa trabaho para lang makapila. ‘Yung kamag-anak nila pumipila.

Mayroon po tayong PhilHealth. Mayroon tayong DOH. Nahihingan po ng tulong ‘yan. May DSWD pagka may sakit. May PCSO. At pagka nakatiyamba ka pa, mayroong guarantee letter pa ‘yung congressman na naibibigay. Kaya halos wala nang binabayaran talaga. Kaya lang, lima ‘yung pipilahan mo.

PRESIDENT MARCOS: Oo nga.

MR. TABERNA: Puwede po bang magpatayo na kayo ng isang pipilahan na lang – kung hindi man kailangan – para diretso na po ang tao. Para tutulungan mo din lang ‘yung tao, eh huwag mo na silang pahirapan.

PRESIDENT MARCOS: Lahat ‘yan ang problema talaga, old style ang ginagawa eh.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: ‘Yun na nga, de kamay.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Kaya, ‘yun mayroon tayong mga app – mga e-gov app na ganoon. So, ginagawa namin hangga’t maaari, huwag ka nang pupunta sa kahit na anong opisina, doon ka lang sa bahay mo.

Now, kasama doon, kailangan may internet. Kaya pinapalawak din namin ang internet coverage para ‘yung mga nasa – ‘yung mga nasa island, ‘yung mga nasa malayo, napakahirap para sa kanila.

Tapos pupunta ka sa isang opisina. Sasabihin, “O sige, ayos na ito.” Stamp. O anong next? “O, bumalik ka. Kailangan mong puntahan ‘yung isang opisina.”

Uuwi ‘yun, babalik na naman doon. Ilan? Isang linggo ‘yun.

Hindi mo naman puwedeng iwanan ‘yung bata. Eh ‘di sinong mag-aalaga? Sino ang magluluto ng hapunan ninyo? ‘Di ba? ‘Yun ang ano.

Kaya’t ‘yung internet malaking ano – malaking tulong ‘yan. Talaga ang dream ko na lahat ng serbisyo ng gobyerno hangga’t maaari, ‘yung payment sa gobyerno, pati payment ng gobyerno sa’yo –

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: – ‘yung pag-apply ng kung ano-ano, gagawin natin by computer para hindi na – hindi na mahirapan ang tao. Hindi na kailangan bumiyahe nang kalayo-layo.

MR. TABERNA: Opo. Napakaimportante po nun. Pero ang isa pa pong importante at tingin ko ay naririnig niyo rin, ‘yung may kinalaman po sa peace and order ano.

PRESIDENT MARCOS: Oo nga.

MR. TABERNA: Magre-report sa inyo ‘yung pulis. Sasabihin ng pulis, bumaba ang antas ng krimen. Ni-report ni ganito. Bumaba ng – wala na ‘yung ganitong mga holdup, et cetera. Pero pagpunta mo sa – tinanong mo ‘yung tao, ano ba? Ano ba ang pakiramdam mo? “Naku, hindi na ako makapaglakad ng gabi. ‘Yung anak kong estudyante, hindi makalakad. Hahablutin na lang diyan.” Parang may disconnect, Mr. President.

PRESIDENT MARCOS: Kung ganoon ang pakiramdam ng tao, kailangan talaga natin tugunan. So, ang una naming ginawa, inutusan ko silang – ang DILG at saka Chief PNP – sinabi ko sa kanila dapat laging may nakikita na pulis na naglalakad. Kasi pagtagal ng panahon, nakikilala mo na ‘yun.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: O, ‘di – maging kaibigan ‘yung pulis para ‘pag nakita, safe kami rito. Nandiyan si Sergeant ganito, ganyan. Kailangan ang pakiramdam ng tao laging may pulis dito.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: ‘Pag may pumutok dito, may tatakbo na ‘yan – wala pang five minutes, may tatakbo na rito diyan na tinatanong kung ano ‘yung nangyari dito. ‘Yun ang dapat na mangyari.

MR. TABERNA: Police visibility.

PRESIDENT MARCOS: Visibility.

MR. TABERNA: Tapos ‘yung mga patrol cars nila, ‘di ba dapat ay nandidiyan lagi para…Actually, kahit walang pulis minsan, ‘pag may patrol car, deterrent na rin sa krimen.

PRESIDENT MARCOS: Tapos pangalawa pa doon ay ‘yung ating emergency calling. ‘Di ba mayroon tayong iba-iba eh. Bawat bayan –

MR. TABERNA: 119.

PRESIDENT MARCOS: 119, 911, 999, kung ano-ano. Gagawin naming isa.

MR. TABERNA: ‘Yun pong drug situation. I’m sure nakarating na rin po sa inyo ngayon na may mga barangay diyan na bumalik na naman ‘yung mga gumagamit. Tapos ‘yung ibang mga pusher na mga small time lang naman pero nandidiyan na naman daw po. Ano bang – ano bang gusto niyong gawin diyan?

PRESIDENT MARCOS: Kaya – ang gusto naming gawin diyan, pareho na naman doon sa tinatawag ko ‘yung maliliit versus ‘yung maliliit na project.

Dahil ang pinuntirya namin kung saan pumapasok. Kaya kung makita mo, ‘yung nahuli namin na shabu, napakalaki na – laking tonelada as compared sa mga nakaraang panahon.

So, malaki talaga ang nahuhuli namin kasi hinahabol namin ‘yung malalaking shipment. Pinupuntahan namin ‘yung malalaking warehouse at saka ‘yung…

Pero ang pinakamahirap doon ay buwagin ‘yung sindikato. Dahil ang sindikato kasama na diyan ‘yung police, kasama na diyan ‘yung local government. Laking pera eh. Ang laking pera talaga nila. Ang dami nilang pera.

Kaya kahit sa – ‘yung mga judge, kaya nilang bilhin lahat. Prosecutor, kaya nilang bilhin lahat. Walang panama ‘yung suweldo nila sa gobyerno doon sa binibigay nung mga sindikato.

Kaya’t ‘yun ang binubuwag namin. ‘Yun ang pinakaimportante. Ngayon, hindi na namin binigyan ng atensyon ‘yung –

MR. TABERNA: ‘Yung nasa baba.

PRESIDENT MARCOS: – ‘yung nasa baba. So, dahan-dahan bumabalik kasi sabi ko ‘yung operation natin kailangan malaking seizure, kailangan malaki. At saka nakakahuli tayo ng mga drug lord talaga. At saka nakakasuhan natin at naikukulong natin kung talagang guilty.

So ngayon, in the same vein, iyon na nga part of the lesson of these elections, let’s go back to – ‘yung sa grassroots level na kung inaalala ng tao, sinasabi, nagbabalikan dito, asikasuhin natin. ‘Wag na natin…Sige, ituloy natin ‘yung malalaking drug bust. Ituloy natin ‘yung mga ikukulong natin ‘yung mga sangkot diyan sa drugs.

Pero tingnan na muna natin ‘yung mga small offender. Sinabihan ko na nga ang DILG, nakausap ko si Sec. Jonvic. Sabi ko tama rin naman, kasi hindi magandang tingnan ‘yung lugar mo maraming nagbebenta, maraming – maraming mga high na kung ano-ano ginagawa.

That’s why ‘yung aming na – bagong ano is “Cops On The Beat”, na may tao doon. Kasi kung may tao doon, walang ginawa ‘yan, araw-araw umiikot nang umiikot, alam niya lahat ‘yan.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Oo, alam niya lahat ‘yan.

MR. TABERNA: So, aasahan — aasahan po namin in the next coming days, pati mga kumbaga – ang tawag namin diyan ‘yung maliit, mga dagang dingding eh. Mga dagang dingding, huhulihin na rin sila. Hindi na sila pababayaan ng pulis.

PRESIDENT MARCOS: Oo, hindi kasi talaga, iniwasan ko – iniiwasan ko ‘yung basta’t may – may suspetya o may hinala o may sumbong, basta’t huhulihin, papatayin na lang, ‘di ba?

MR. TABERNA: Wala –

PRESIDENT MARCOS: ‘Yun, doon kami lumalayo.

MR. TABERNA: Opo. Opo. Opo.

PRESIDENT MARCOS: Doon kami lumayo. Dahil talagang ayaw na ayaw ko ‘yun dahil hindi naman dapat gawin ‘yun. Sabi ko mag-focus tayo sa malalaking drug bust.

MR. TABERNA: Oo.

PRESIDENT MARCOS: Ngayon, mag-focus ulit tayo doon sa small time.

MR. TABERNA: Oo, sabay. Sabay ‘yun. Tinitira ‘yung malaki, tinitira ‘yung maliit.

PRESIDENT MARCOS: Hindi namin ititigil ‘yung mga operation.

MR. TABERNA: Ang sakit sa ulo ano po?

PRESIDENT MARCOS: Oo, talaga.

MR. TABERNA: Opo. Kayo po ba anong gusto niyong – gusto niyo? Kayo ay kinatatakutan o kayo ay nirerespeto?

PRESIDENT MARCOS: I want to be respected but maybe fear is better.

MR. TABERNA: Considering our current situation, ano po? Kaya ko po tinanong ‘yun kasi I’m sure naririnig niyo naman ‘yung mga usapin ng mga katiwalian kung saan-saan, sa ibang ahensya ng gobyerno, ibang sangay ng gobyerno.

Kasi daw po eh mabait nga po kayo at hindi daw po natatakot sa inyo itong mga tampalasan, mga loko-loko na ito.

Ngayon pong papasok tayo sa susunod na second half, ano ba ang aasahan namin sa isang Presidente Marcos in relation to anti-corruption effort?

PRESIDENT MARCOS: Sa – sa nakaraang dalawang taon, three years, basta’t may report kami na validated, tanggal ‘yan. Hindi na namin ina-announce pero tanggal ‘yan. Kadalasan.

Marami na. Marami na talagang…Pero hindi na namin pinag-uusapan kasi gulo na naman eh. Basta umalis ka na. Kung hindi kakasuhan ka namin. Ikukulong kita. Umalis ka na lang. Marami-marami na rin ‘yun.

MR. TABERNA: Pero sir, ang laging sinasabi, “I am resigning due to health reason.” Parang binibigyan niyo pa ng graceful exit. Hindi tuloy natatakot ‘yung iba na gumawa eh.

PRESIDENT MARCOS: Pero ang gagawin natin, performance review. Maganda naman ang takbo pero performance review. Para tatag…Ito ‘yung target natin, ba’t ‘di natin naabot? O ito, nakuha natin. Ito, overpriced na naman. Ito ‘yung ganito, ganyan.

All of these things that ano – performance review. Titingnan namin, bakit mabagal ang baba ng serbisyo. Ano – anong gagawin natin para pabilisin? ‘Yun ang importante.

MR. TABERNA: Sir, wala ba kayong sisibaking Gabinete ngayon? Kasi marami pong – parang, the people are lusting for blood eh. Parang ganoon po eh.

‘Yun ‘yung pinag-uusapan natin kaninang baka dapat mag-sample kayo para kayo’y katakutan din po.

PRESIDENT MARCOS: Baka mangyari ‘yan. Dito nga sa ginagawa naming performance review. Iyon ang warning ko sa kanila and that’s what – that’s what I – we will have to look at again.

Kung talagang may nagkukulang o corrupt, eh kung talagang masyadong mabigat ‘yung kanilang kasalanan, eh kasuhan na namin. Tingnan natin kung ano maging resulta nitong performance review.

MR. TABERNA: Ang bait niyo, sir.

PRESIDENT MARCOS: Ha?

MR. TABERNA: Ang bait niyo talaga.

PRESIDENT MARCOS: Bakit?

MR. TABERNA: Palagay ko naman kung happy kayo sa iba, mayroon kayong hindi… Hindi kayo happy sa iba diyan eh.

PRESIDENT MARCOS: ‘Yung mga hindi ako happy, tinanggal ko na.

MR. TABERNA: Wala na bang tatanggalin?

PRESIDENT MARCOS: Eh kung hindi siya – kung hindi sila nakapag-perform nang mabuti.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Ito nga, sasabihin, pakinggan niyo ‘yung tao.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Madami kayong dahilan. Marami kayong katwiran kung bakit hindi nangyari, bakit hindi nabuo, bakit natagalan, ganyan.

Eh sabi ko eh hindi interesado ‘yung tao diyan. Ano ba? Ano ba? Kailan ba? Kailan ba gagawin? Kailan ba gagawin? Kailan namin maramdaman ‘yan? Hindi mo naman masisi ‘yung tao, tama naman sila.

Kayo ang may hawak ng gobyerno, ayusin ninyo. Huwag niyo na isumbong sa amin. Basta’t gawin na ninyo.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: ‘Yun ang – ‘yun actually, that’s the lesson we learned from this election. Don’t explain it to us anymore. Just do it.

Tama na. Tama na ‘yung mga magagandang paliwanag with the good statistics at ‘yung mga kung ano-anong mga drawing. Basta gawin na lang ninyo. I don’t blame people. Hindi mo naman masisi ang tao.

MR. TABERNA: ‘Yun pong isang aspeto ngayon na kahit papaano ay gumagaan-gaan ang buhay ng tao, ‘yung sa sektor po ng transportasyon. ‘Yun po, diretso ‘yun.

Araw-araw nagko-commute ang mga tao. Ang MRT, LRT, ang dami pong sumasakay diyan. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo, kahit papaano, umikli na ang pila.

PRESIDENT MARCOS: Kasi pinupuntahan niya, nakita niya, ‘yung mga hindi na kailangan doon,’yung pinagpipilahan, mga security check, mga kung ano-ano, wala ng – hindi na kasama sa ano ‘yan pagsakay.

Nung ni-report nga niya sa akin, ika niya, sabi niya, sa lahat po – matagal na ako – marami na akong nasakyan na mga tren sa buong mundo, ngayon lang ako nakakita may security check, may bomb check, may inspection ng bag, kung ano-ano. Tinanggal niya lahat. O ‘di nabawasan ‘yung pila.

Ganoon din ‘yung ginawa namin sa airport. Ngayon nabawasan na ‘yung pila. Mas maganda ‘yung ayos na sa patakbo sa airport. Inaayos na lang namin…

Ang kawawa naman sa airport, ‘yung OFW. ‘Yung mga dayuhan, ang bilis ng daan. Walang problema. Pero ‘yung OFW, kung ano-ano hinihingi. Kawawa naman. May QRF code, may ID, may clearance na kung ano-ano bago sila makalabas.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: Eh dapat – ‘di ba, ‘yun ‘yung blue lane, dapat, “O OFW ka, sige, sige na, sige na, sige na,” Stamp. “Sige na, sige na.” ‘Di ba? Dapat ganoon eh.

So dahan-dahan, mapupuntahan din natin ‘yun. Ginagawa namin sa – may ginagawa kaming pagpalit sa Bureau of Immigration pati ‘yung tinatawag na e-gate.

MR. TABERNA: Opo.

PRESIDENT MARCOS: So, dadamihan natin ‘yung e-gate. Mabilis na ‘yan para hindi na… ‘Yun ang pinag-usapan ko ‘yung maliit na bagay para siguro para kung nasa ano ka, iniintindi mo lahat ng iba’t ibang sistema. Maliit na bagay lang. Pero hindi eh. Nararamdaman ng tao ‘yan at ‘yun ang hinahanap nila eh. So, ibigay natin sa kanila.

MR. TABERNA: Mr. President, kayo po ba sa puso ninyo, gusto niyo bang makipagkasundo pa sa mga Duterte?

PRESIDENT MARCOS: Oo. Ako, ayaw ko ng gulo. Gusto ko makasundo sa lahat ng tao. Mas maganda.

Marami na akong kaaway at hindi ko kailangan ng kaaway. Kailangan ko kaibigan.

Kagaya ng sabi ko sa’yo, pagka… Hindi ko na… Magko-confess ako dito.

MR. TABERNA: Puwede naman po. Para akong pari po nito ngayon. Opo.

PRESIDENT MARCOS: Ewan ko. Kahit – hangga’t maaari, ako, ang habol ko ay ‘yung stability, peaceful para magawa namin ‘yung trabaho namin. Kaya ako lagi nga akong bukas sa ganyan.

I’m always open to any approach na, halika, magtulungan tayo. ‘Di ba? Kahit na hindi tayo magkasundo sa polisiya. Hindi tayo magkasundo. Gawin mo ‘yung trabaho pero huwag na tayong nanggugulo.

Huwag na natin – tanggalin natin ‘yung gulo.

MR. TABERNA: Grabe, ‘no? Eh parting shot niyo na lang doon po sa mga kababayan natin na siguro ay somehow nabawasan po ng pagtitiwala sa inyo. Para mabalik po ‘yung tiwala niyo sa kanila, ano po ‘yung gusto niyong sabihin sa ating mga kababayan?

PRESIDENT MARCOS: Well, asahan nila na tayo naman ay kahit nasa matataas na posisyon, asahan nila lagi kaming nakikinig. Lagi kaming nakikinig sa kanilang hinaing, sa kanilang nagiging problema at hinahanapan natin ng long-term solutions.

At ngayon, talagang mamadaliin na namin ‘yung immediate solutions na puwedeng gawin kaagad. At ‘yun ang aming – ‘yun ang mararamdaman ng taong-bayan mula ngayon.

MR. TABERNA: Mr. President, salamat po.

PRESIDENT MARCOS: Salamat, Ka Tunying. Thank you.

— END —