PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa good news na hatid ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.
“Dekalidad, masarap at katumbas ng mamahaling bigas,” iyan ang ilan lang sa mga komento ng mga nakakain na ng bente pesos kada kilong bigas na nabibili ngayon sa mga Kadiwa ng Pangulo. Pakinggan natin ang kuwento ni Nanay Ilda ng Caloocan na nagpapasalamat sa pangakong natupad na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Panoorin po natin ito:
[VTR]
Ayan, salamat kay Nanay Ilda.
Samantala, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugunan ang structural concerns sa San Juanico Bridge, makakasama natin ngayon si Department of Public Works and Highways Secretary Manuel M. Bonoan para bigyan tayo ng update sa ginagawang aksiyon ng Multi-Agency Task Force na tumututok sa kaligtasan, trapiko at emergency response sa tulay. Secretary Manny, magandang umaga po.
DPWH SEC. BONOAN: Magandang umaga po, Undersecretary, and then magandang umaga po sa ating press corps na nandidito sa umagang ito.
Well, ito po iyong ginagawa po namin doon sa temporary closure of San Juanico Bridge. But before that, gusto ko lang masabi, iyong original San Juanico Bridge was opened in 1973 pa ito so it’s more than 50 years na po ito and it’s actually due for major rehabilitation works. Sa katunayan po nito, na-anticipate na natin dito that it will have to be closed one time or another in the next few years ‘no, this is the reason why under the administration of President Ferdinand Marcos Jr., nagkaroon po ng plano that we will construct a new bridge nearby, adjacent to the existing San Juanico Bridge.
Now, this is now in the works, iyong ano nito because the new bridge is now under preparation; in fact, this will one of the flagship projects under this administration and ito po ay mapi-finance ng Japanese government. It’s now under detailed engineering design. We hope that the detailed engineering design will be completed by 2026 and thereafter, the construction will follow immediately. And ang plano ko dito talaga is kapag natapos po itong tulay na ito, ito po iyong kuwan ng tulay na gagawin na, na perspective na iyong tulay na gagawin doon nearby. And, actually kapag natapos ito, dapat isasara po iyong existing San Juanico Bridge para magkaroon na ng major rehabilitation works so ito po iyong anticipation.
Unfortunately po, in the preliminary assessment of the San Juanico Bridge, doon po sa approach structures – hindi po iyong main structure ha, the main structure is intact – doon po sa approach structures, may nakita po na mga segments that are already in the state of deterioration sa ibaba so, and it was recommended that dapat i-close na kaagad. But, in the further analysis of the kuwan, pinayagan po namin ng three tons muna for the time being iyong makalakbay dito sa tulay na ito for the time being while we are now undertaking po.
Ngayon, sa ngayon as I speak, ginagawa po iyong immediate retrofitting doon sa mga segments that are found to be deteriorated at saka dangerous for heavy loads ‘no. So, ito po iyong ngayon, siguro po ang kuwan namin dito is we are expediting the process. In the meantime, nakipag-coordinate po kami with the local governments, the Philippine Ports Authority and doon sa PNP for the control of traffic.
So, for the time being po, halimbawa iyong mga passengers that have to cross the bridge, unfortunately they will have to stop on one end and they will transfer to another—to the same bus company on the other end. Pero iyong transport po ng mga passengers are being shuttled free of charge po, free of charge so ito po iyong arrangements for the time being.
And then, iyong cargo po is actually we are coordinating with the Philippine Ports Authority kasi kung minsan iyong mga cargo nanggagaling sa Luzon ‘no – from Matnog, kung pupuwede po idiretso na doon sa may banda ng Carigara sa may Leyte na po without passing through the bridge for the time being.
In the meantime, we are doing our best na kung matapos po namin kumpunihin iyong deteriorated sections doon sa approaches, we might be able to increase the load limit sometime within the year po.
PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you, Sec. Manny. We can now take questions. Sam Medenilla, Business Mirror
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Sir, na-mention po nila na iyong mayroong plano na dapat magkakaroon na ng temporary bridge. Magkano po kaya iyong budget para doon sa temporary bridge at ipu-pursue pa rin po ba iyon ng government ngayong ongoing na iyong rehabilitation sa San Juanico Bridge po?
DPWH SEC. BONOAN: Hindi po namin pinaplano na magkaroon ng temporary bridge at this point in time because if you’re going to construct a temporary bridge across a more than two kilometers of the strait, it will take years na naman po. So, I think the arrangement for now is actually to temporarily allow three tons na load capacity. But in the next few months actually, kapag natapos po namin iyong retrofitting of some of the segments, we might be able to increase a little bit on the load limits po.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Clarify ko lang, sir. Ano po iyong na-mention po nila kanina na parang mayroon pong plans na matapos iyong detailed engineering by 2026?
DPWH SEC. BONOAN: Yes, po.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Hindi po siya—ano po iyong bridge na iyon?
DPWH SEC. BONOAN: This is another bridge, it’s a permanent bridge. This is a permanent bridge. This is a second San Juanico Bridge that will be constructed. Mas mahaba po ito, mas mahaba po ito – I think this will be about 2,600 meters.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Magkano po iyong budget po dito na ia-allocate?
DPWH SEC. BONOAN: Well, we will actually after the detailed engineering designs have been completed po.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Last na lang po, sir. Na-mention na rin po kasi na parang may ongoing mga projects iyong DPWH in preparation po doon sa ASEAN Summit for [unclear]. Ano po kaya iyong mga priority projects ng DPWH na expected matapos bago mag-start po iyong summit?
DPWH SEC. BONOAN: Well, ang focus po namin ay in Metro Manila because the preliminary meetings will have to take place by early 2026; alam po ninyo, mayroon po kaming programa to rehabilitate the entire EDSA. Now, ang priority program namin, in coordination with iyong sa pagdating ng Asia-Pacific meetings, ang priority sections that we will be undertaking will be from Pasay to Shaw Boulevard, southbound and northbound. And ang timetable po namin dito is we hope that we can complete that segments, iyong segments na iyan, towards the end of the year. So, ito po ay—and then, the rest of the sections will follow through.
Ang plano po namin dito, while we’re going put priority to those sections from Pasay to Shaw Boulevard, then maybe other sections that we may start also na hindi naman masyadong makakaabala doon sa traffic during the summit in Manila.
TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Hi, Sec. Good morning po. Sir, nabanggit ninyo na iyong EDSA rehab, siguro po less than a month bago iyong target na pagsisimula ng EDSA rehab, mayroon po bang pag-aaral kung gaano katagal iyong madadagdag sa travel ng isang commuter? For example, sa EDSA, kung nagta-travel siya ng one hour, madadagdagan po ba ng 30 minutes to one hour iyong tagal dahil sa gagawing rehab?
DPWH SEC. BONOAN: Well, I’m sure that there will be some inconvenience to some extent actually because of iyong we will be occupying some spaces along EDSA as we do the rehabilitation work. Pero ito iyong pinag-uusapan po namin, with Metropolitan Development Authority and Department of Transportation, to plan out actually the traffic management so that we will minimize actually the inconvenience that will be brought out by the reconstruction of EDSA po.
I think, MMDA and DOTr are actually having the protocols and the traffic management plan laid out already so that tinitingnan po nila kung anu-ano iyong mga alternate routes that are available and how to manage actually the internal traffic in EDSA during construction po.
TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Anu-ano po, sir, iyong mga pinag-aaralang traffic management plans? Kasi may nabanggit din po iyong Skyway Stage 3, baka magamit din. Anu-ano, sir, ang initial na—
DPWH SEC. BONOAN: I think, that is one of the propositions of DOTr, to arrange with the concessionaires of the Skyway to allow actually some of the vehicles from … iyong nagta-travel sa EDSA to use Skyway in the meantime while we are undertaking po iyong rehabilitation works. And then, MMDA naman yata, if I recall, is actually top delineate actually iyong mga separated, iyong mga vehicle, iyong mga motor vehicles as against iyong mga bicycles or motorcycles on lane by lane para hindi po magkakalabo-labo and to smoothen actually the travel along EDSA as we do the rehabilitation po.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Sec., balikan ko po iyong San Juanico Bridge. Sinabi ninyo ho, within the year we might be able to increase load limit. Increase load limit lang po pero hindi pa natin siya ibabalik sa full capacity?
DPWH SEC. BONOAN: Yes, I think, kasi the full capacity of the existing San Juanico Bridge will be undertaken as soon as the new bridge is actually constructed. Kasi while the main structure is intact, I think mayroon ding kailangang i-rehabilitate ngayon doon sa mismong center structure ‘no. But ang tantiya namin dito, if we’re able to do increase the load limit, I think, we might be able to increase it up to ten tons actually.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: At sa ten tons po, hindi na madi-disrupt iyong flow of goods and—
DPWH SEC. BONOAN: Actually, most of the vehicles will be allowed except heavy, heavy loads.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: And when you say within the year, are you talking about the last quarter or maybe …?
DPWH SEC. BONOAN: Maybe last quarter.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Last quarter po. Okay, mayroon ho bang instructions ang Pangulo dahil ang pinangangambahan po dito ay iyong possible inflationary effect ng period na ito na hindi nadadaanan ang San Juanico dahil it will impact the cost of transporting goods to and from the region?
DPWH SEC. BONOAN: Yes, I think, this is an issue on economic considerations actually due to the impact of the closure of or limiting the load on San Juanico Bridge. But, I think, ang kuwan naman natin dito, the Philippine Ports Authority is actually trying to make iyong alternative routes, from Luzon going already to Leyte without passing San Juanico Bridge. I think ang kuwan po natin dito is the primary consideration here is to provide the safety access ‘no. We don’t want really to compromise actually the safety of the motorists that will be passing through San Juanico Bridge po.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Any specific instructions from the President regarding this?
DPWH SEC. BONOAN: Yes po.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Mayroon po ba?
DPWH SEC. BONOAN: Kailangan po talaga, primordial is to provide safety to the motorists.
PIER PASTOR/BILYONARYO: Hi, Sec. Kaunting detail lang po doon sa Carigara alternative route. Ano po iyon, parang RoRo na puwede pong sakyan din ng passengers or para lang po siya sa business, I mean, goods—
DPWH SEC. BONOAN: Puwede rin po, yes. Actually, ang nakikita ng Philippine Ports Authority is even from Matnog, they can go directly to Carigara na, na hindi na papasok pa sa … pupunta doon sa San Juanico Bridge. But more effectively, more efficiently is actually iyong mga passenger buses, they can travel all the way to the foot of San Juanico Bridge and then they will be shuttled to the other side – that’s only about two kilometers po iyan eh – sasaluhin naman ngayon ng other bus nila and continue the travel.
EDEN SANTOS/NET25: Sec., good morning po. Doon sa free shuttle para sa mga pasahero, magkano po ba iyong budget na inilaan o ilalaan para dito po? At gaano po katagal iyong ganitong set up?
DPWH SEC. BONOAN: Well, iyong budget is actually internal sa department. We will provide—actually, free naman po ito, free naman iyong shuttle. And I think, there are also contributions from the private sector na nakipagkuwan naman po rito sa temporary shuttling of passengers ‘no.
So, I think, as long as kailangan pa rin iyong shuttling for the time being, iyon po iyong arrangement natin.
EDEN SANTOS/NET25: So, wala pong ilalabas na pera dito ang … from the government end po?
DPWH SEC. BONOAN: I don’t think we will—hindi po kami hihingi ng additional funds, maybe we will not need additional funds for the purpose po.
TUESDAY NIU/DZBB: Hi, Secretary. Maiba ako ng tulay naman. Iyong tulay sa Isabela, sir, ano ang findings na na finally nai-submit ninyo kay Presidente? At mayroon na po bang nakasuhan doon sa nangyaring aksidente?
DPWH SEC. BONOAN: Well, iyong sa may Cabagan po, tapos na po kami doon sa technical investigations namin ‘no. And I think, at this point in time, we will now be rendering actually iyong completion of the reports so that we will have to request all those that we think should be asked iyong participation nila on the construction of that bridge.
But in the meantime, ang kuwan ng Pangulo sa amin is actually while we are doing that, let’s move forward and at the least possible time, tingnan natin how we are going to reconstruct or rebuild the bridge and iyon po ang pinagtutuunan po namin ng pansin ngayon, iyong how we are going to rebuild it at the shortest possible time.
TUESDAY NIU/DZBB: And nagsimula na po ba?
DPWH SEC. BONOAN: Yes po, nagsisimula na po kami. And I think iyong kuwan po namin dito is I think because there are some issues that had led to the failure of one segment, tinitingnan po namin iyong, well, the overall structural integrity of the bridge now kung ano po ang dapat naming gawin para makumpuni namin lahat.
CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Sec. Secretary, how much is the total budget and when the DPWH actually realized that San Juanico Bridge needed major rehab? And what lessons can we learn to avoid acting only kapag hindi na po ito ligtas?
DPWH SEC. BONOAN: Well, I think as I said, you know the planned new bridge is actually in the process of undertaking detailed engineering design. We would know actually as soon as matapos natin po iyong detailed engineering design.
I’m sure that the new bridge will be designed for more than 50 years actually iyong design ng bridge na iyan similar to the original San Juanico Bridge. San Juanico Bridge as I said was completed in 1973 and it’s only now that I think it is really due for major rehabilitation works po.
PCO ASEC. VILLARAMA: Any more questions for Sec. Bonoan? If there are none thank you, Sec.
DPWH SEC. BONOAN: Maraming salamat po sa ating lahat. Salamat po.
PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat sa inyong pagsampa sa araw na ito, Sec. Manny. Thank you po! At handa na po tayong tumugon sa inyong mga katanungan.
CLAY PARDILLA/PTV: Good morning po, Usec. Usec., even former presidential adviser Atty. Panelo believes that Atty. Harry Roque is not a victim of political persecution and it appears daw po that he is a POGO lawyer and was encouraged to go home. Si Atty. Roque naman po sinabing nag-aaksaya daw po ng pera ang gobyerno sa paghahanap po sa kaniya dahil bumuo pa ito ng tracker team. May we know po your response? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Mukhang si Atty. Harry Roque na lang naman ang naniniwala sa kaniyang pananaw na may political persecution. Ito malamang ay ang pagtatago niya ng kaniyang maaaring liability at ang kaniyang pagsama-sama sa mga Duterte ay ginagawa niyang panangga para patunayan na mayroong political persecution pero kahit na ang kaniyang dating naging kaalyado ay hindi naniniwala sa kaniyang mga tinuran.
At patungkol sa nag-aaksaya ng oras, ang paghahanap ng isang fugitive ay hindi pag-aaksaya ng oras; kung siya ay concerned sa pondo ng bayan dapat noon pang 2016. At kung sinasabi nga niya na siya ay concerned sa pondo ng bayan, hindi ba mas maganda kung magboluntaryo na siyang umuwi rito para hindi na siya pag-aksayahan ng oras at ng pera ng gobyerno.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Hi, Usec. Good morning po. Doon lang po sa reconciliation na nabanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang podcast. While marami ang nagwi-welcome on this offer of the President, iyong ibang political analyst believes that while unity is important, reconciliation should still be grounded on principles like truth, accountability and respect for institution. So, parang how does Malacañang respond to concern that reconciliation may come at the expense of accountability lalo na po for example nahaharap din si Vice President Duterte sa impeachment trial?
PCO USEC. CASTRO: Tandaan po natin, huwag po tayo mag-focus sa sinasabing open for reconciliation para lamang sa mga Duterte. Maliwanag po ang sinabi ng Pangulo, sa lahat ng tao na maaaring hindi kapareho ng kaniyang paniniwala o ng prinsipyo o ng polisiya. Mas maganda kung lahat ng tao ay makakasundo niya para po sa taumbayan para magkaroon na po nang tuluy-tuloy na pagtatrabaho para sa bansa.
So, huwag nating isentro ang open for reconciliation sa mga Duterte. Hindi po gagawin ng Pangulo na lumabag sa batas para lamang sa isang rekonsilyasyon.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Follow up lang po, Usec. Siguro po ‘no parang it’s an open for all pero iyong sabi naman po ng mga kaalyado ni dating Pangulong Duterte like Harry Roque and Panelo saying that reconciliation is only possible if the President takes steps to bring former President Rodrigo Duterte back to the country. Anong response po ng Malacañang dito sa comment nila?
PCO USEC. CASTRO: Tandaan po natin, hindi po magpapahawak sa leeg at hindi po magpapadikta ang Pangulo sa mali. Hindi po tatalikuran at babaligtarin ng Pangulo ang batas para lamang pagsilbihan ang personal na interes ng iilan.
So, tandaan po natin, lagi pong sa batas ang Pangulo. Kaibigan o batas? Batas pa rin po ang pipiliin ng Pangulo.
EDEN SANTOS/NET 25: Gaya rin po nang nabanggit nila, Usec., good morning po. Bukod po doon sa issue noong pagpapauwi ng Pangulo kung talagang sincere daw po siya doon sa pakikipagkasundo sa mga Duterte baka puwede ring magpa-hair follicle test ang Pangulo? May mga kondisyon po para lang maipakita daw iyong sinseridad po ng ating Pangulo doon sa kaniyang pakikipag-reconcile or pakikipagkasundo sa mga Duterte, ano po ang reaksiyon ng Malacañang dito?
PCO USEC. CASTRO: Ulit-ulit, paulit-ulit. Uulit-ulitin ko, uulit-ulitin natin, peke ang video na siyang isiniwalat nitong si Atty. Harry Roque. Dapat pa ba natin siyang paniwalaan? Uulit-ulitin ko, paulit-ulit na lamang siya.
EDEN SANTOS/NET 25: Usec., follow up lang po, hindi naman din po batay doon sa video lang iyong panawagang magpa-hair follicle test ang Pangulo. Bukod po doon medyo…?
PCO USEC. CASTRO: Paulit-ulit po ulit? Hair follicle test po ulit?
EDEN SANTOS/NET 25: Sa tingin ninyo ba mayroon silang karapatang magbigay ng kondisyon kapalit noong sinasabi po ng Pangulo natin na para makipagkasundo?
PCO USEC. CASTRO: Ang pakikipagkasundo po ay para taumbayan hindi para sa personal na interes ng iba. Alalahanin po natin, maliwanag, uulit-ulitin ko ang sinabi ng Pangulo, sa lahat ng tao gusto niya pong makipagkasundo para magkaroon ng stability, magampanan ang dapat magampanan at hindi madiskaril ang trabaho ng gobyerno. Ayaw po niya ng away! So ang awayan na ito ang siyang nagpapabagal sa trabaho ng gobyerno dahil puro paninira, puro fake news ang natatanggap ng Pangulo.
So, ang pakikipagkasundo sa lahat, hindi lamang para sa mga Duterte, ay tama lang po na gawain ng Pangulo bilang ama ng bansa. Magsasakripisyo na siya kahit siya na po iyong sinisiraan, kahit siya na po iyong binibigyan ng maling kuwento at binibigyan at ginagawan ng peke na video – iyan po ang dapat na gawin talaga ng isang ama ng bansa. Salamat po.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: With due respect, Usec., ang sinasagot po ng Pangulo doon sa reconciliation diretso po iyong tanong ay tungkol sa mga Duterte – he was responding to a question specifically reconciliation with the Dutertes.
PCO USEC. CASTRO: Kaya nga po sinabi niya, “Opo, kasama ang mga Duterte.” Pero huwag natin pong isentro sa mga Duterte. Ang sinabi niyang sumunod ay gusto niya pong makipagkasundo sa lahat ng tao. Ito po ang sinabi niya, “Ayaw ko ng gulo. Gusto kong makasundo ang lahat ng tao mas maganda.”
So, kung isang parte po ang pakikipagkasundo sa mga Duterte, maganda po iyon.
IVAN MAYRINA/GMA: Ang malinaw po, the offer of reconciliation should not come with any conditions. Iyon po ang gusto nating sabihin?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Ito naman ay para sa taumbayan at para sa bansa.
PIER PASTOR/BILYONARYO: Hi, Usec. Doon sa reconciliation and ayaw ng pulitika. Clarify lang po, hindi po ba ipapakita ng Pangulo na hahabulin niya o pananagutin kung nagkasala man? Kasi medyo mayroon pong ano eh, na makikipagbati ba at ayaw ng pulitika, kung talaga namang nagkasala, hindi po ba dapat ipakita ng Pangulo na hahabulin niya ang mga nagkasala?
PCO USEC. CASTRO: Noong sinabi at tinanong siya kung open siya for reconciliation, wala pong nabanggit na hindi po niya ipapatupad ang batas. Wala pong nabanggit na magpapatawad siya kung mayroong nagkasala. So, ang rekonsilyasyon lamang po ay para hindi na magkaroon ng gulo at para magkaroon nga po ng stability at matupad niya ang kaniyang mga pangako sa bayan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec, on other matters. May latest ba sa OWWA, after ng pagkakatanggal kay Mr. Arnell Ignacio? Is there any development sa agency?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Sinabi po natin na si former OWWA Administrator Arnell Ignacio, hindi po siya nag-resign; siya po ay tinanggal dahil sa mga anomalyang nabanggit – nabanggit na po ito ni Secretary Hans Cacdac. At maliban po diyan, mayroon pa pong isa na makakasama, ang Deputy Director na si Emma Sinclair. Pareho po silang tinanggal, hindi po sila pinag-resign. Ito lamang po ay isang senyales, maaari nating sabihin na ito ay panawagan ng Pangulo sa lahat ng mga nagtatrabaho sa ilalim niya na gampanan ninyo ang inyong trabaho, tanggalin ang panloloko o lokohan sa inyong pagtatrabaho dahil hindi po mangingimi ang Pangulong tanggalin kayo sa puwesto. You will all be fired kapag hindi ninyo tinupad ang inyong mga obligasyon sa bayan.
At bago po tayo magtapos, isa naman pong good news: Gusto po ba ninyo maranasan kung paano magtrabaho sa gobyerno? Kung kayo ay college graduate – mukhang hindi na kayo puwede, overqualified – mula 18 hanggang 25 taong gulang – mas lalong hindi – nasa junior or senior college level sa darating na pasukan at mas mababa sa latest regional poverty threshold ang kinikita ng inyong pamilya, may pagkakataon po kayong sumali sa government internship program (GIP) ng Department of Social Welfare and Development, 75 ang available internship slots sa bawat DSWD Field Office, habang 35 intern naman ang tatanggapin sa Central Office sa Quezon City.
Tatanggap ng katumbas na 75% ng regional minimum wage as of November 2022 ang mga intern na kailangang makapagsilbi ng 30 working days. Sa mga interesado, aba, ano pa ang hinihintay ninyo, apply na. Maraming, maraming salamat.
[VTR]
Alam ko po nalungkot kayo sa mga qualifications na aking nabanggit. At muli pong paalala: Maaari na kayong dumulog ang mga kababayan natin sa limampu’t isang (51) Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Centers sa tatlumpu’t tatlong (33) probinsiya sa buong bansa. Mayroong dalawampu’t anim (26) sa Luzon, walo (8) sa Visayas at labimpito (17) sa Mindanao na nagsiserbisyo na po sa limandaang pasyente araw-araw.
Target ng Department of Health na makapagpatayo pa ng hindi bababa sa 28 na BUCAS Centers sa buong bansa para mapagsilbihan ang nasa 28 milyong Filipino na nangangailangan ng accessible at dekalidad na serbisyong pangkalusugan.
So, tandaan po natin, ang proyekto ng Pangulo – Bigas at BUCAS.
At dito po nagtatapos ang ating briefing ngayong araw. Maraming salamat, Malacañang Press Corps. Magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
###