PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa good news na hatid ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.
Wala pa ring patid ang pag-arangkada ng “BBM Na!” o “Benteng Bigas Mayroon Na!” program sa mga KADIWA ng Pangulo. Kung noon, binabawasan ng mga kababayan nating hirap pagkasyahin ang budget ang kanilang sinaing, ngayon sakto na ang kanilang naihahain; maliit man o malaki ang pamilya, lahat nakakakain. Panoorin po natin ito:
[VTR]
Isa pang good news: Muli namang nagpadala ng 35,000 na sako ng bigas sa Central Visayas ang National Food Authority para sa pagpapatuloy ng “BBM Na!” rice program sa Cebu. Bahagi ang panibagong shipment ng 100,000 sako ng bigas na in-order ng Cebu Provincial Government. Nauna nang naipadala ang 35,000 pang sako tatlong linggo na ang nakakaraan. Narito po ang video:
[VTR]
At para mas mapataas pa ang productivity ng ating mga magsasaka, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-turnover ng 200 units ng makinaryang pang-irigasyon sa National Irrigation Administration. Kabilang dito ang 229 specialized vehicles tulad ng backhoe, dump truck at excavators na magpapabilis sa pagsasaka ng mga nasirang irigasyon at pagpapatayo ng bagong patubig. Ayon sa Pangulo, pagkilala ang tulong na ito sa pagsisikap ng mga magsasaka na matiyak ang food security sa bansa.
At para naman po ipakilala ang ating mga panauhin ngayong umaga, narito po si PCO Secretary Jay Ruiz. Good morning, Sec. Jay.
PCO SEC. RUIZ: Good morning, Usec. Claire, and sa lahat ng miyembro ng Malacañang Press Corps.
Para magbigay ng paliwanag dito sa update sa pagpapalawig ng Free Wi-Fi for All program sa MRT at mga hakbang para mas maging digitally empowered ang mga Pinoy sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ating pag-usapan ngayon kasama sina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, Usec. Paul Joseph Mercado at Usec. Dave Almirol, makakasama rin natin si Chief PNP General Torre.
So sir..? Ang pag-uusapan naman natin kay Chief PNP, ito po iyong hinamon naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong hirang na Chief PNP, Police General Nicolas Torre III na manguna sa pagbabalik ng tiwala ng mamamayan sa kapulisan at mabuting serbisyo-publiko nito.
Inatasan din ng Pangulo si Torre na linisin ang hanay ng PNP, paigtingin ang anti-drug campaign at palakasin ang police presence sa mga komunidad. Pakinggan natin ang naging pahayag ng Pangulo:
[VTR]
At para ilatag ang kaniyang mga plano sa kaniyang panunungkulan, kasama natin ngayon si Chief PNP General Nicolas Torre. Magandang umaga, General Torre.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Good morning, sir, at good morning sa ating mga kababayan na nanunood at nakikinig ngayon sa ating programa.
PCO SEC. RUIZ: May mga tanong po kayo kay General Torre? Ang pinakamaganda po—isa sa mga pinakamaganda niyang programa ngayon ay iyong Quick Response Team ng Philippine National Police pagdating po doon sa pagtawag para respondehan iyong mga nangangailangan nating kababayan lalo na ang mga biktima ng krimen.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Well, sir, iyong three-minute quick response ay nagawa na natin before noong ako’y nanungkulan bilang Quezon City Police District director at ngayon ay iri-replicate natin first sa Metro Manila at later on sa mga major centers ng buong bansa at later on sa buong bansa na. So, this is in compliance to the directive of the President to make the police more visible on the streets, more active in its mandate of preventing and solving crimes that’s happening around us.
So ngayon unahan kaagad, sir, unang sistema kaagad nito ay baka may makita kayo na mga police boxes, police PCP/presinto na nasasarado na. Isasarado natin kasi kung wala rin lang imbestigasyon na nangyayari diyan sa mga presintong iyan, ibig sabihin ang pulis diyan ay diyan lang, naghihintay ng ating mga kababayan na tatawag at hihingi ng responde at sila ay magriresponde at dadalhin nila sa kanilang mga headquarters iyong mga kasong iyan – hindi doon sa police boxes na iyon kasi wala ngang equipment doon at walang materyales doon at walang facility doon para sa imbestigasyon. So, rather na sila ay magtatambay diyan, isasarado natin.
So, sila ay maglalakad sa kalsada or sasakay sa kanilang mga mobile at ang pinaka-bottom line, palagi silang may mga radyo. At ngayon, may facility naman tayo ng reporting, iyong 911 natin, kaya ito ang gusto kong iparating sa ating mga kababayan kung kayo ay nakakita ng mga police boxes na sarado na at nangailangan kayo ng pulis. So ganito po iyon, pinapa-memorize ko sa pulis ito: Huwag ninyo na kaming hanapin sa presinto or huwag na kayong maghanap ng pulis sa presinto sapagkat ang pulis ay nasa inyo nang mga telepono. Dial 911, darating sila, darating kami sa loob ng limang minuto.
So, iyan ang aming pact sa ngayon. Sa NCR, five minutes muna ‘no. So, huwag ninyo na kaming hanapin sa mga presinto sapagkat kami ay nasa inyo nang mga telepono. Dial 911, kami ay darating sa loob ng limang minuto. Anyway, in Metro Manila, iyan ang gagawin natin in the next one month—bigyan ninyo kami ng isang buwan para magawa iyan. Pero kung ngayon lang sa Quezon City, dati nagawa na natin iyan diyan with the support of the local government led by Mayor Joy Belmonte.
So, sa ngayon, sa utos ng ating Presidente, ni President BBM, gagawin natin ang lahat ng ito sa Metro Manila first and then sa buong bansa.
MARIZ UMALI/GMA7: Sir, magandang umaga po. So, iyong sinasabi ninyo po na bigyan kayo ng isang buwan, pagkatapos ng isang buwan magiging three minutes na kasi ang title is “Three-Minute Quick Response Team.”
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Five minutes muna because we are starting it in Metro Manila sa ngayon.
MARIZ UMALI/GMA7: Yes, yes, I understand, after one month.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: After mga three months, magiging three minutes na iyan.
PCO USEC. CASTRO: After three months.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Mga three months, three minutes na iyan.
MARIZ UMALI/GMA7: Sir, sa iba pong isyu, iyong kaugnay po doon sa direktiba ninyo na paramihan ng mahuhuling mga drug suspect. Una, hindi po ba ito naglalagay ng pressure sa mga pulis na manghuli para lang may maipakitang numero? Ano po ba ang magiging basehan nito, paano kung walang sapat na ebidensiya? May quota po ba sila or benchmark na kailangang sundin o paano ninyo susukatin iyong tagumpay ng isang police force or team kung halimbawa paramihan ng mahuhuling drug suspect?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Maraming salamat, Mariz, sa tanong na iyan and this will be a very, very good time to clarify that one. Okay, hindi lang iyan para sa drugs, okay, para iyan sa lahat ng criminality because ako ay naniniwala, iisa lang naman ang paraan para mapatahimik natin ang ating mga pamayanan. Isa lang ang paraan para mawala ang criminality diyan, para maging ligtas at maging safe ang ating pamayanan, iisa ang paraan: Alisin ang kriminal sa ating community; priority, alisin ang kriminal sa kalsada.
So kung may mga snatcher, tambay, mga nanggugulo diyan, alisin natin ang mga kriminal na iyan. At para maalis ang mga kriminal na iyan, iisa ang paraan, hulihin natin; huwag nating pabayaan. Hulihin natin, dalhin natin sa husgado. Ang simula niyan, pagkaaresto mo niyan, dadalhin mo sa piskalya, kumbinsihin mo ang piskal na mayroong probable cause para gumawa ng information ang piskal at i-transmit sa korte para sila ay mag-start na ng trial. At the end of the day, kapag na-try na sila, puwede silang mapinahan – iyon ang proseso.
Okay ngayon, paramihin – tama iyon, dapat, para magkaroon ng kumpetisyon ang ating mga pulis sa ating mga pamayanan. Titigil lang tayo sa panghuhuli kapag wala na tayong makitang kriminal. At kung wala nang kriminal ay tapos na rin ang trabaho ng pulis diyan. So, paramihan talaga iyan. Ito ang ating gustong i-emphasize diyan – huli, hindi patay, okay.
So kahit na gaano karami diyan, kahit umabuso ang pulis diyan, kapag sa tingin nila ay walang basehan nanghuli ang pulis, tandaan natin: Human rights, basic human rights ang right for counsel. Nandiyan ang ating PAO, si Atty. Persida Acosta, libre ang mga abogado diyan. Sa lahat ng mga city centers, municipal centers, mayroong PAO. Kumuha sila ng PAO, asuntuhin natin ang pulis kung sa tingin nila ay nagmamalabis ang mga pulis. Puwede silang pumunta sa ating IAS. Kahapon, sinabihan ko ang ating inspector general, ang IG natin ng Internal Affair Service, puwedeng magreklamo ang mga kababayan natin sa Ombudsman, sa PLEB (People’s Law Enforcement Board), sa mga mayor or sa mga media na gaya ninyo. Puwedeng dalhin ang kanilang mga reklamo, imbestigahan natin ang pulis, tingnan natin kung tama o hindi ang aresto.
Hindi ito iyong dating nangyayari na patay ang tao, ang nagrireklamo ay iyong pamilya – hindi ganoon. Ang hinuli mismo, buhay iyan, puwedeng kumuha ng abogado dahil iyan ay kaniyang karapatan dahil kapag inaresto ka, babasahan ka ng Miranda Rights i.e. ‘You have the right to remain silent, you have the right for an attorney and if you cannot afford an attorney, an attorney may be accorded to you.’
MARIZ UMALI/GMA7: Sir, follow-up. Sinabi ninyo po na hindi lamang para sa drug war or to intensify the anti-drug campaign, but it is for the entire criminality pero iyong laging nagiging isyu kasi ay iyong pagtatanim, halimbawa, ng ebidensiya not necessarily for drugs, puwede iyong baril or whatever. Paano natin maiiwasan iyong ganito kung, halimbawa, magkukumpetisyon iyong mga pulis at, iyon nga, baka ma-pressure sila? How do you maintain the integrity of the process para—we understand that there’s IAS, mayroong mga legal processes na puwede silang puntahan. Pero para hindi na sana humantong na magrireklamo pa sila, the integrity of the process itself should be maintained. How will you maintain this?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Alam mo, Mariz, there is a … we have to trust the process ‘no. Alam ko mahirap na sabihin iyan na we have to trust the process, pero the choice is here. Pumunta ang ating kababayan, ang mga kababayan natin ay pumupunta sa pulis iyan, pumupunta sa presinto, bakit? Humihingi ng redress, “Sir, tulungan ninyo kami kasi may mga adik na tambay doon sa aming daanan.” Anong gusto ninyong sagot ng pulis? Punta ka sa barangay, bahala na sila doon, or manghuli tayo? That’s a choice.
Ang sinasabi ko rito is that magtatrabaho ang pulis dahil ako’y naniniwala talaga, ang primary na trabaho ng pulis ay bigyan ng kalutasan ang mga hinaing na idinudulog sa kanila. At marami diyan sa hinaing na idinudulog sa pulis ay redress sa paglabag ng kanilang karapatang-pantao—sila ay sinuntok; sila ay sinaksak; sila ay hinoldap; sila ay ninakawan or sila ay ginugulo sa kanilang mga community ng mga walang magawang tambay, naglalasing, eh daanan nila ay maliit na iskinita, nakakatakot. So iyan, para sa ganiyang sistema na, ang utos ng mga pulis, arestuhin ninyo ang mga kriminal na iyan; natural lang na ang maging resulta noon ay dadami ang mga maaaresto.
Ngayon, kung sa tingin naman natin ay gagawin ng mga pulis na dahil may quota—walang quota ho, walang quota. Ang sa atin diyan, ang measure diyan is iyong reduction and elimination of the threat in our community, iyong pag-alis ng kriminal. Walang sinasabi diyan na alisin natin ang hindi kriminal, gawin natin silang kriminal, hindi ganoon. Hindi pupuwede iyong sasabihin na palabanin natin ang mga iyan, hindi ganoon. That’s crazy ‘no. Ang sa atin dito, gawin nating payapa ang ating komunidad, at ito ay sa pamamaraan ng pag-alis ng mga kriminal. Eh iyong hindi kriminal bakit mo aalisin?
MARIZ UMALI/GMA7: Iyong pagtatanim ng ebidensiya, paano ninyo lang masisiguro na hindi mangyayari ito?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Hindi ko maia-assure sa iyo na hindi nila gagawin. Pero kapag ginawa nila, idi-dismiss ko sila sa serbisyo, ikukulong ko sila for incriminatory machinations. And mind you, noong CIDG ako, mayroong naimbestigahan kami niyan, hanggang ngayon ay nasa kulungan – isang lieutenant colonel at siyam na NCO – dahil sila ay naimbestigahan, nireklamo na nag-plant ng ebidensiya at nag-orchestrate ng isang buy-bust na hindi naman totoo. So, hanggang ngayon nasa kulungan, iyan ay even without the warrant of arrest and wala pang kuwan … eh pulis sila eh. So, essentially, I placed them in the custodial center, and kanilang trabaho ay maglinis ng selda nila araw-araw. So, they really cannot … unless they will resign, they cannot violate that order. Ang custodial center ay part ng PNP camp at sila ay ni-restrict ko doon.
CATH VALENTE/MANILA TIMES: Yes, sir. Good morning, General Torre. Sir, the CHR, Commission on Human Rights, earlier raised concerns over your directive, paramihan system directive. They’re saying that historically daw, such a framework has incentivized shortcuts and arbitrary practices that undermine human rights. How do you ensure po that na hindi magkakaroon ng abuse and hindi mauulit iyong mga nangyari noong past administration during the drug war operations? Thank you.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Ito po ha, ulitin ko, buhay ang tao na huhulihin; walang patay. At we will not condone wanton killings or wanton murders. Ngayon, nandiyan ang CHR, then we will liaise with them; we will talk to them at gawin natin silang partners na kapag mayroong abuso ang pulis, we will very, very much welcome the investigation to be launched by the CHR. Open sila so isa silang ahensiya na puwedeng dumulog ang mga hinuli ng pulis o mga kamag-anak nila ng mga sinasabi nilang feeling nila ay inaresto sila ng pulis na walang basehan.
So, we’ll be asking the CHR and we will partner and we will fully cooperate with the CHR kung anumang mga dokumento ang kanilang kailangan para sa pag-iimbestiga ng mga reklamong makakarating sa kanila regarding sa illegal arrest.
PCO SEC. RUIZ: Gen., mukhang marami nang natakot na mga drug addict bigla.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Iyon po, that’s the purpose. That’s the purpose. Dalawa lang iyan: Tumigil sila kung kailangan nila ng tulong—ito, sir, hindi naman lahat iyan ay huli lang kaagad para ikulong sila. Baka puwede silang sumurender din at dadalhin natin sila sa rehabilitation centers para matulungan sila. Kasi wala namang buhay diyan sa droga; patay lang kaagad ang diretso niyan, it’s a slow death really. Tulungan talaga natin dapat ang ating mga kababayan na nangangailangan ng rehabilitation service.
PCO SEC. RUIZ: Sa nakita naman natin sa mga survey na iyan iyong mga gusto ng taumbayan—
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Yes, yes.
PCO SEC. RUIZ:—ng mga mamamayan dahil nga napakaraming adik na nagkakalat kaya ngayon, itong order ni General, tama lang iyan para sa ating mga kababayan. Tutugunan natin iyong kanilang takot laban sa adik.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Tandaan natin, isa pang gusto kong i-clarify, iyan kasing paghuli, iyong warrantless arrest, may obligasyon ang pulis diyan. Isusulat niya iyong kaniyang affidavit of arrest, ang sirkumstansiya niyan ay nakasulat iyan at pipirmahan niya iyan, hindi na magbabago iyan. Dadalhin iyan sa piskal, tataas ang kaniyang kamay, susumpaan niya iyan. Kapag napatunayan na ang kaniyang sinabi diyan, isinulat diyan ay mali, kulong ang pulis diyan – perjury, dismissal from the service iyan. May kulong pa iyan kung drugs iyan at iyan ay incriminatory machinations, that is life in prison. Hindi iyan ang sabi na ang pulis ay ganoon-ganoon na lang – hindi. We will make them accountable. We will hold them accountable, kasi nga ang kapalit naman niyan ay magiging metrics naman ng performance nila iyan. Totoo iyon, ang una niyang nakita, metrics ng performance iyan pero ang risk naman ng pulis diyan ay napakalaki rin sapagkat kung ikaw ay gagawa ng iligal na aresto lalung-lalo na dito as Metro Manila na kung saan nagkalat ang CCTV, nagkalat ang mga cellphones, at mapatunayan na nag-plant ka ng droga – hindi ka lang dismiss from the service, kulong ka pa nang habambuhay.
So, please ang ating mga kababayan, magtiwala po tayo sa proseso – ito po ang nakasaad sa batas, ito po ang susundin natin, ito ang proteksiyon ng ating human rights.
TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, General. Recently mayroon pong huli ang PDEA na I understand ay kasama ang PNP ng drugs sa Mariveles, Bataan sa karagatan nila ‘no nakita. Ito na po ba iyong resulta ng sinasabi ni Presidente na close coordination with the PDEA para doon sa intensifying illegal drugs operations?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Napakaganda ng tanong mo, Miss Tuesday Niu. Nandito ang regional director ng Region III. Nandiyan din ang ating PIO. Puwede ba, can I request straight from General Jean’s mouth? Siya ang involved doon sa case na iyon. Please?
PNP SPOKESPERSON P/BGEN. FAJARDO: To answer po iyong question po ni Ma’am Tuesday, yes po, ma’am, ito po iyong aming pagtugon doon sa utos po ng ating Pangulo na mas lalo pong palakasin ang koordinasyon po ng Philippine National Police sa PDEA po at iyon po ang nagresulta.
Kung matatandaan ninyo po noong nakaraang buwan ay magkakasunod po na malalaking volume po ng illegal drugs ang nakuha po natin sa Angeles City at ito nga pong pagkakadiskubre po noong mga lumulutang po na mga illegal drugs diyan po sa…galing po actually po iyan sa Zambales, ma’am, ang nakakuha po niyan ay iyong mga mangingisda po galing sa Bataan at dinala po nila iyan sa Bataan at isinurender po sa PDEA at PNP at sa ngayon po, ma’am, ay nagsasagawa po ng joint patrol po ang PNP Maritime Group, ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy dahil tinitingnan po natin baka may mga kasama pa po iyan na maaaring palutang-lutang pa rin po.
At gusto ko rin po, Sir Jay, na kuhanin ang pagkakataon pong ito para manawagan din po doon sa mga mamamayan po nating naninirahan sa mga coastal areas pati na rin po doon sa mga posibleng nakakita pa po ng mga ibang parte po nitong mga drugs po na ito ay makipagtulungan po kayo sa amin kung mayroon po kayong nakikita po diyan para ma-recover din po natin iyan kung mayroon pa pong natitira na bahagi po iyon ng mga naglulutangan pong drugs diyan po sa area po ng Bataan at Zambales po.
TUESDAY NIU/DZBB: Follow up lang po, ma’am. I understand ito ay nakuha dahil sa tulong ng mga fishermen, mayroon po bang parang sort of incentive naman sa kanila para mahikayat sila na makipagtulungan po sa PNP and PDEA para mas gumanda iyong operations laban sa iligal na droga?
PNP SPOKESPERSON P/BGEN. FAJARDO: Maganda po, ma’am, at naitanong ninyo po iyan, ma’am, at ako po mismo ang nag-utos sa ating provincial director po ng Bataan at Zambales po at nakikipag-usap na po sila ngayon sa kanilang mga governor para mabigyan nga po ng insentibo itong mga kababayan po natin lalung-lalo na po iyong ating mga mangingisda na kusang nag-surrender po nitong mga illegal drugs para bigyan din po sila ng incentive. At ito rin po iyong ating gagawin doon po sa makakapag-report pa po sa atin kung saka-sakaling mayroon pa po silang makikita na lumulutang po diyan sa mga coastal areas para naman kahit paano ay magsilbi po itong motivation at inspirasyon sa iba nating mga kababayan para tulungan po tayo na masugpo po itong problema po natin sa iligal na droga dahil sabi ko nga po kanina ito po ay utos ng ating Pangulo at iyon po ang patuloy po nating gagawin.
TUESDAY NIU/DZBB: Nasaan na po ngayon, ma’am, iyong mga na-confiscate na illegal drugs? At ano po ang gagawin diyan – susunugin ba iyan o papaano po?
PNP SPOKESPERSON P/BGEN. FAJARDO: Isinurender [surrender] na po natin iyan, ma’am, pagkatapos po ng proper inventory and documentation po. Nasa custody na po iyan ng PDEA po at ini-schedule na lang po, ma’am, iyong pagsunog po niyan para po siguraduhin po natin na hindi po iyan mari-recycle at talagang immediately po ang magiging destruction po ng mga illegal drugs po na nakumpiska po natin.
TUESDAY NIU/DZBB: Thank you po.
PCO SEC. RUIZ: Thank you very much to your team, General Jean Fajardo, at congratulations sa kanila, napakalaking accomplishment po iyan.
At balik na ulit tayo kay General Torre regarding naman po iyong direktiba ng Pangulo na police presence sa mga komunidad. Sir, kasi ang sabi ng Pangulo dapat maramdaman ng tao.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: That’s the reason why, sir, kanina sa opening statement ko na isinasarado na nating iyong mga maliliit na mga presinto, iyong mga PCPs at saka iyong mga police boxes. Pinapaalis ko na iyon para ang mga pulis ay huwag nang tumambay doon. I would rather na ang pulis ay tumatambay sa 7-11, diyan sa labas ng 7-11, sa labas ng palengke, sa labas ng mga drugstores, kung saan sila ay nakikita at pinupuntahan ng mga tao. Hindi naman ibig sabihin na dahil kailangan natin ng police visibility ay nandoon sila sa ilalim ng initan – hindi naman.
Gusto ko rin sabihin sa kanila na lahat ng mga pulis dapat mas maitim kaysa sa Chief PNP. Alangan naman ang Chief PNP ang pinakamaitim, kailangan lahat sila maglakad sa kalsada para nakikita sila. So, ibig sabihin, dapat lumabas sila; huwag sa aircon; no air-conditioning.
PCO SEC. RUIZ: Kumbaga bata man iyan, matanda puwedeng takbuhan ang pulis sabihin, “Mamang pulis, may nangyayaring krimen dito.”
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Pero ang pinakaimportante sa lahat ha, huwag kalimutan, buhay ang 911. Tawag kayo sa 911 then press one for police assistance.
PCO SEC. RUIZ: Ito na iyong ginagamit ninyong technology para masugpo ang krimen.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Yes, nandiyan na iyong teknolohiya, sir.
PCO SEC. RUIZ: Sir, paano iyon, 24/7 ba iyong police presence natin?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: 24/7 ang police presence especially dito sa Metro Manila, sir. That’s why ginawa ko nang eight hours per day ang duty, eight hours per shift ang duty nati. Pagkatapos ang mga tao natin, magtatrabaho nang 24 hours ang shifting nila so that kahit alas kuwatro ng umaga, kahit alas tres ng umaga, ala una, alas dos, tanghaling tapat, ala una ng hapon na tirik na tirik ang araw, ang pulis natin ay 100 percent ang kanilang…
PCO SEC. RUIZ: Sa gabi naman iyong mga tinutugunan natin iyong mga nagtatrabaho sa mga call centers.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Yes. Kasama diyan, sir, ang mga nagtatrabaho sa call centers because Manila never sleeps; hindi natutulog ang Manila eh.
MARICEL HALILI/CHANNEL 5: General, magandang umaga po. Balik lang po ako doon sa usapin ng drugs because I understand iyong paramihan parang it’s easier kapag iyong mga small groups na involved sa crimes and drugs pero how about the high profile syndicates ng illegal drugs – what’s your plan? And mayroon ba tayong mino-monitor na mga high profile individuals din na possible involved like in the previous admin?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Tuluy-tuloy iyan, hindi naman nagbabago – may high-value targets at saka may mga street-level targets tayo na ginagalaw. At sa ngayon kung makita ninyo ang confiscation natin ng droga actually ay napakalaki despite sa hindi gaanong nabibigyan ng media mileage iyong mga nahuhuli nating mga tao at mga operations nating na-conduct, pero 44 billion na ang ating nahuhuling worth ng droga since January this year.
PCO SEC. RUIZ: Forty-four billion?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Forty-four billion, sir, ang worth ng droga na ating seizure – that’s bigger than the whole drug war ha. So, we’re very, very optimistic in the way we do things kaya ako’y naniniwala tama ang ating direksiyon.
Sa ngayon ang napapansin kasi na palaging sinasabi bumalik na naman ang droga diyan sa kalsada, et cetera, et cetera. Now, we are hoping na ito naman challenge ko sa ating mga kapulisan, hulihin ninyo dalhin ninyo sa piskal, taasan ninyo ng kamay sa inyong affidavit na kumbinsihin ninyo ang fiscal na sila ay may kasalanan, sila ay dapat makulong.
Ngayon kung sa tingin naman nila na itong mga tao na ito sa mga pamilya naman, “Oh para hindi kayo makulong ay lumapit na lang kayo sa pulis, magpa-rehab kayo,” we will help them on that aspect.
MARICEL HALILI/CHANNEL 5: Sir, one last on other issues. Naglabas po kasi ng statement si Mayor Baste Duterte saying na tatlong ranggo ang tinalunan ninyo because it’s not a merit-based promotion and he even called you an attack dog. What do you want to tell Mayor Baste?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Okay. I just respect his decision and I respect his opinion. And rewind-rewind lang nang kaunti sa termino naman ng tatay niya kung sino ang unang Chief PNP, okay.
So, ano ang ranggo ng unang Chief PNP at ano ang ranggo ko bago ako naging Chief PNP. So, it really goes back to him really. Seriously speaking, it goes back to him, okay. The first Chief PNP of his father is a one-star na naging automatic four-star. Did he ask that? Did he question that?
MARICEL HALILI/CHANNEL 5: Salamat, General.
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Thank you.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, General. General, hihingi rin po ako ng reaksiyon doon sa sinabi ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang interview sa The Hague. Actually, she questioned your appointment as PNP Chief even calling it sketchy especially sa Senate committee daw found that you have violated the law in implementing the arrest of her father, former President Duterte. Can you comment on that?
PNP CHIEF GEN. TORRE III: Again, I respect the opinion of the Vice President and the opinion of everyone regarding the things we’ve done during the arrest of Mr. Duterte and his eventual transfer to The Hague.
The findings of the Senate committee is still within the Ombudsman and the Senate committee is not a disciplinary machinery nor a court that can say if who is right and who is wrong; who is guilty and not guilty.
So, I think we will answer all those things in the proper forum.
HARLEY BALBUENA/PTV: Good morning, General Torre. Going back po doon sa quick three-minute response na ipapatupad ninyo or sabi nga po ninyo sa NCR, magiging five minutes muna. Just in case there will be police or police units na hindi makakatugon doon sa three-minute or five-minute response time natin, ano po iyong magiging sanction sa kanila?
PNP CHIEF TORRE III: Sasakit ang katawan nila. Iti-training ko sila and we will make sure that they will comply with it. So, drill, drill, drill and more drills will be the key. So, makikita ninyo ang mga pulis natin aktibo iyan. In the next few days aktibo iyan—tatakbo ang mga patrol car, tatakbo ang mga tao natin sa mga lugar na randomly ay sasabihin natin na dito ang responde. So, that at the end of the day, mag-jell at magkaroon ng teamwork ang bawat unit sa ground.
HARLEY BALBUENA/PTV: Sir, another question po. One of the directives of President Marcos during your assumption as PNP Chief is bilisan ang imbestigasyon sa mga kaso laban sa mga pulis na lumabag sa batas upang maibigay natin ang hustisya sa lalong madaling panahon. So, sir, will this include the police personnel who are involved in the extra-judicial killings during the past administration?
PNP CHIEF TORRE III: Well, dalawang separate directive, may mga pending na kasing investigation regarding sa EJKs na nasa iba’t ibang mga forum na, mayroon nang nasa DOJ, mayroon nang nasa korte at mayroon ng mga iniimbestigahan ang NAPOLCOM, ng IAS and many other disciplinary machineries kung saan dumulog ang mga biktima.
Sa side natin ngayon, iyong mga erring cops ngayon on my watch and during the term of President BBM, talagang ini-expedite natin iyan. I have talked to the director of the Internal Affair Service, kay Atty. Dulay, at napag-usapan namin at napag-agree-han namin na talagang i-expedite ang mga imbestigasyon na iyan so that we can resolve immediately ang mga cases na ito so that ang mga pulis natin, whether they will be penalized or they will be exonerated, they can go back to where they are supposed to go, whether to go to work or to go to suspension or dismissal as the case maybe.
ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: General, good morning. Sir, sinabi ninyo kanina kasi, ‘huli, hindi patay’ ang inyong magiging mantra for the operation…
PNP CHIEF TORRE III: Yeah.
ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: …so ibig sabihin ba, sir, na hindi magiging madugo ang inyong kampanya ngayon dahil lahat ng kriminal huhulihin po ninyo?
PNP CHIEF TORRE III: Lahat ng kriminal ay huhulihin natin at sila ay buhay kapag sila ay hindi lumaban. Pero kapag na-endanger ang buhay ng pulis at papasok na ang Article 11 of the Revised Penal Code which is justifying circumstances, aba’y ibang usapan iyan, the police will always defend themselves kaya nga may mga baril eh. Pero hindi iyan na papasok tayo sa isang sitwasyon sa pulis intervention with murder in mind. No, definitely not.
ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: On the other issue, sir on the light side. Sir, ano ang pakiramdam na kayo ang kauna-unahang graduate ng Philippine National Police Academy na naging PNP Chief?
PNP CHIEF TORRE III: Hanggang ngayon sinasampal ko pang ang sarili ko baka biglang kapag umaga na paggising ko, eh panaginip lang pala lahat. But right now, of course I am very happy, I am very humbled and I am very elated with the trust and confidence that has given to me by the President. But at the same time, medyo mataas ang pressure, the expectations are very high and really I have to make good, otherwise, the 8,000 strong alumni of the Philippine National Police Academy will disown me. So, I really have to do good and do the job properly to ensure na, maipakita na tama ang pagpili ng ating Presidente, na bigyan ng pagkakataon ang PNPA graduates na mag-lead ng ating organisasyon.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Good morning, General. Balikan ko lang po iyong sa directive ninyo. What’s in for the policemen with this directive, you mentioned, wala namang quota pero paramihan. Mayroon po ba itong reward system or incentive or promotion awaiting for the policemen na makakahuli ng maraming criminal? Para lang po maintindihan ng publiko, dapat po bang matakot ang taumbayan sa mga pulis?
PNP CHIEF TORRE III: Ang mga incentives natin, pinag–isipan ko pa kung papaano ang sistema how to incentivize iyong trabaho ng pulis. Ang pinakaayaw ko kasing mangyari, iyong police na snappy at lousy same salary. Kasi manghuhuli ang pulis, kung hindi manghuli ang pulis, pareho lang ang suweldo eh, ‘di ba?
Sa ngayon, kaya iyan ang nangyayari diyan, nabugbog ka, pang-barangay lang iyan, punta ka barangay, kasi kapag hinuli ko iyong nambugbog sa iyo, pipirma pa ako ng affidavit of arrest, alam ba ninyo kung gaano kahirap iyon? Itataya ko ang aking career, magtataas ako ng kamay, tatanungin pa na ‘iyan, is it within the ambit of hot pursuit? Eh binugbog ka kagabi, naospital ka, the next day or two days later, saka ka pa lang nakapag-report sa pulis, sabihin ng pulis eh, wala na po kasing hot pursuit iyan eh.
So, si Atty. Claire is a very well-versed on that at hinuli mo na nga aasuntuhin, kakasuhan pa ang pulis dahil two days later na eh, di wala ng hot pursuit. Ano ang gagawin ng pulis, ‘barangay na lang iyan, pag-usapan na lang ninyo sa barangay iyan’ iyan ba ang gusto ninyong serbisyo ng pulis? Kapag iyan ang serbisyo ng pulis na gusto ninyo, aba eh iki-clear ko sa Presidente iyan at napakasarap niyan para sa pulis, dahil ituturo lang namin, ipapasa namin kayo sa ibang mga agencies. Pero hindi iyan ang gusto natin, sapagkat alam natin na ang pulis ay narito para magserbisyo; binabayaran kami para bigyan ng katugunan ang inyong mga hinaing.
So, iyong sinasabi kanina, tinatanong ano ang incentive para diyan, we are looking at something like merit points. Merit points, kasi ganiyan naman, sa ngayon naman ang promotion ay merit points, time-in-grade—ganito karaming taon ka sa isang ranggo, ganito ang points mo; tapos schooling, ito ang points mo; sa eligibility, kumuha ka ng exam, pumasa ka, ito ang points mo; and education mo ito ang points mo; iyong training mo ito ang points mo.
So, gusto kong idagdag iyan na metrics din na ganito karami ang hinuli mo, ito ang points mo; ganito kaming search warrant ang in-implement mo, ito ang points mo; ganito karaming warrant of arrest ang in-implement mo, ito ang points. Kaya mai-eliminate din natin, alam ko maraming mga kababayan natin diyan, “Sir, grabe naman itong mga pulis, mayroon kaming warrant of arrest ng nang-estafa sa amin, hanggang ngayon ay hindi pa rin ini-implement”. Naririnig na ba ninyo iyan? I’m very sure naririnig ninyo iyan.
So, mabawas-bawasan, kasi nga mag-i-implement ka ng warrant of arrest, nandito ka sa Manila, ang wanted ay alam mo nandoon sa Samar halimbawa, oh, magta-travel ka sa Samar para i-implement iyan or i-transmit mo sa Samar, ang mga taga-Samar, kapag hinuli problema na naman kung magkano ang pamasahe mula Samar papuntang Maynila, ibabalik mo sa court of origin. So, mga ganoong challenges.
So iyong pagtatrabaho kasi ng pulis is really a challenge na itinataya ng pulis ang kaniyang sarili, ang kaniyang reputasyon, ang kaniyang suweldo para sa trabahong iyan and we want to incentivize that. Gusto natin na magkaroon ng—mayroon namang, it’s just but fair, I think na we reward them properly, we recognize them properly for the job that they are doing. Hindi lang iyong snappy/lousy, same salary.
TUESDAY NIU/DZBB: Following your statement, sir, para doon sa expectations ninyo na dapat ipakita ng mga pulis, dapat ba silang matakot, sir, sa mga directives ninyo and will you be conducting surprise inspections din anytime of the day para makita ninyo kung sino ang mga nagtatrabaho at hindi?
PNP CHIEF TORRE III: Dapat bang matakot ang ating mga kababayan sa ating kapulisan? I would like to believe na kung kriminal ka matakot ka talaga, huhulihin ka talaga ng pulis. Pero kung ikaw ay law abiding citizen, eh ikaw na nga ang naging biktima, ikaw pa ang matakot sa pulis, so saan ka pupunta?
So, I do believe na medyo ang very straight forward na answer diyan, eh kapag tama ang iyong ginagawa, ang gusto ng pulis ligtas ka. So, kaligtasan – kaligtasan sa kapahamakan, kaligtasan sa krimen, kaligtasan sa kung anumang masasamang elemento na gustong mambiktima sa inyo. Kaya tinutuloy namin iyong mantra ni General Marbil na sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis ligtas ka.
TUESDAY NIU/DZBB: Iyong sa part ng mga pulis, sir, dapat ba silang matakot kay General Torre dahil mahigpit?
PNP CHIEF TORRE III: I would like to believe na hindi ganiyan ang opinyon ng mga tao ko dahil when I was in Quezon City, umalis ako at napunta ng COMMEL gustong sumama sa akin, hindi pupuwede, hindi uubra and then when I was in COMMEL, I went I to Davao, ang daming gustong sumama sa Davao, so hindi naman sila natatakot sa akin, I would like to believe that. And then, when I went from Davao, I went CIDG, ilan lang ang puwede kong i-accommodate na mga taga-Davao na gustong pumunta, ang aking DDO taga-Davao iyan, and aking chief-of-staff ngayon ay taga-Cagayan. Ang mga field commanders ko they come from all over the country. At marami, hindi lang opisyal kung hindi mga NCOs mga gustong sumama sa akin.
So, I would like to believe na, wala pa naman akong reputasyon na dapat nilang katakutan. They just do their job. I am one of them, ako ay isang pulis din naiintindihan ko talaga kung ano ang nararamdaman ng mga tao sa kalsada, sa ating mga pulis sa kalsada, kung kaya’t I am making it very, very sure that I gave them the environment that they can perform and give the best service to the Filipino people na in the first place ay iyon ang aming pangako.
TUESDAY NIU/ DZBB: Iyong surprise inspection, sir?
PNP CHIEF TORRE III: Surprise inspection, I will do it, to some extent, but most of the time I will leave it to my mid-level commanders and supervisors. Trabaho ng mid-level commander and supervisors, kaya nga ang aming sistema ngayon—iyong sa mga Facebook, sa mga social media may nakikita tayong mga nag-aaway na dalawang tao sa harap ng pulis, walang arestong ginawa ang pulis; may nagrambol, may nag-riot, tumalikod pa ang pulis – sa mga ganyan situation, ang pulis na nandoon mismo ay ating ibabalik sa training, iti-train ko sila. Kaya iyong training service ay magkakaroon ng programa na puwedeng pumunta para magkaroon ng subject matter expert ang ating mga pulis para makakuha sila ng panibagong kaalaman, police intervention most especially.
Pero ang chief of police ng pulis na iyan na pupunta sa training iyon ang aking aasuntuhin for failure to supervise their people, for failure to train their people properly and for failure to actually be with their people, sila ang pai-explain-in ko – administrative case iyon, failure to supervise iyon, command responsibility. So, kasama doon para magawa nila ang trabahong iyon, maiwasan nila ang trabahong iyon, eh mag-inspection sila kahit hindi sila utusan. Siguraduhin nila na ang mga tao nila ay nagtatrabaho in accordance to the professional standards.
PCO SEC. RUIZ: Sa mga susunod na araw pala magkakaroon tayo ng demonstration, sir, regarding doon sa response team ng mga pulis, iyong 911. Kanina pinakita ni General Torre, iyong capability ng 911 at napakabilis nga sumagot iyong ating kapulisan doon sa tawag na iyon.
PNP CHIEF TORRE III: Sa susunod na mga pagkakataon, I will invite you to Camp Crame, maglagay kayo ng inyong mga mobile crew sa metro Manila, kung saan man, saan man ang mga OB (outside broadcasting) van ninyo kung saan man. Tapos, ibigay ninyo sa akin ang location kung saan ang OB van ninyo, magdi-dispatch kami ng unit, start the time dapat limang minuto nandoon ang itsura ng OB van sa command center, dahil mayroong body camera na nakatutok sa kaniya, nakikita natin kung anong ginagawa ng mga tao sa OB van. Kahit na sabay-sabay mga limang OB van o anim na OB van para medyo may challenge, kasi kung isa lang madali lang hanapin iyan eh. Dapat mga lima o anim dahil iyan ang ating kuwan ano, iyan ang simulation na para bang iyong tao na iyon ay tumawag sa 911 humihingi ng saklolo. So, that kapag may makitang malapit na pulis ay kakawayan at kakausapin mo dahil ‘mamang pulis andito po ako, kailangan ko ng tulong’.
Ibang usapan iyong hahanapin ang pulis na nagtatago ha, kasi kapag nagtatago iyan ay hindi makuha sa five minutes, mga 16 days, gagamitan natin ng heartbeat monitor; ibang usapan iyon, okay.
PCO SEC. RUIZ: So, one more last question – Miss Maricar Sargan, Brigada.
MARICAR SARGAN/ BRIGADA: Good morning, sir. Sir, kasama din po sa nabanggit ninyo iyong four pillar ninyo na ipatutupad sa PNP regarding modernization, can you elaborate this, sir, iyong sa modernized na mga technology, investigative tools, kasama po ba dito iyong regarding sa forensic investigation?
PNP CHIEF TORRE III: Yes, forensic investigations will play a very vital role in the investigations that we are doing. Actually, right now the forensic investigations are playing already a vital role. Like for example itong last na kidnapping na nangyari, na-identify natin na talagang doon pinatay sa bahay na nakita natin nang sundan through CCTV backtracking, nandoon talaga ang biktima, kasi kahit na nilinis na nila, pinroses (processed] ng crime lab, alam kaagad kung nasaan ang blood splatter, nasaan ang mga fingerprints na ng ni-lift ng crime lab, gave a irrefutable proof na talagang itong mga tao na ito ay nandoon sa bahay na iyon. So, science will always play a vital role in our policy right now.
And then, about modernization, pinakita ko kanina kay PCO Jay, na ang ating radyo ay nationwide ang coverage, ang ating mga body cameras ay nakikita natin habang live na nandoon sa field dala-dala ng ating mga tao and so many other things. Makikita ninyo may mga drone patrols na tayo na babalik iyan at makikita ninyo na hindi lang tayo nagpapatrolya sa ating mga lansangan, kung hindi nagpapatrolya din tayo galing sa itaas gamit ang ating mga drones.
PCO SEC. RUIZ: Maraming salamat, General Nicholas Torre III.
PNP CHIEF TORRE III: Sir, maraming salamat din po.
PCO SEC. RUIZ: At saka siyempre kay General Jean Fajardo.
Ngayon naman po, iyong updates sa pagpapalawig ng free Wi-Fi for All program sa MRT-3 at mga hakbang para mas maging digitally empowered ang mga Pinoy sa ilalim ng Bagong Pilipinas ating pag-usapan ngayon, makakasama natin sina Department of Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda, Usec. Paul Joseph Mercado at Usec. Dave Almirol. Magandang umaga, Sec. Henry, Mr. Good vibes.
DICT SEC. AGUDA: Good vibes, Sec. Jay. Magandang-magandang araw po sa inyong lahat. So, thank you po for inviting us here, Sec.
Magandang araw po sa inyong lahat, sa ating mga kaibigan sa media, sa mga kababayan natin sa buong Pilipinas at sa lahat ng katuwang sa pagsusulong ng isang makabagong bayan. Ngayon buwan ng Hunyo, buong bansa po ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Information and Communications Technology Month, sa buong Pilipinas po iyan. At ngayong taon, ang ating selebrasyon ay malalim na ang kahulugan dahil ito po ay tugon sa isang matatag at malinaw na mandato mula sa ating mahal na Pangulo po.
Ang sabi po ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ‘Dalhin ang mabilis, abot-kamay at mas maasahang internet sa bawat sulok ng bansa’, malapit na po tayo diyan. Ito po ang layunin ng ating kampanya: Walang barangay, walang paaralan at walang Pilipinong maiiwan sa digital na pag-unlad.
Sa ilalim po ng temang ‘Walang Iwanan’ ng digital bayanihan, ang DICT ay nagsusulong ng mga programang tunay na para sa mga masa. Ngayong NICT month po, narito po ang ilan sa mga ihahatid naming aktibidad, makikita ninyo po sa website po namin iyan: Libreng digital skills training para ating mga job seekers at online freelancers. Simula po ng buwan ng Hunyo ano iyan, accelerate natin iyan tapos tuloy-tuloy na po iyan Sec. Jay; Tech exhibits at eGov caravan, iyong eGov app po, tuturuan po namin kayong i-onboard kaagad sa digital app na iyan para ihatid ang digital services sa mga komunidad; Cyber-security awareness, importanteng-importante po iyan; Iyong pagpapalawak po ng ating free Wi-Fi sites. Ngayon, Sec. Jay, mga 18,000 Wi-Fi sites na. By end of the year, bibilisan nating mag-fifty thousand iyan, tapos by end of 2028 mahigit 100,000 po iyan.
PCO SEC. RUIZ: Kapag ganoon, Sec., ano iyon, 100% ang covered ng buong Pilipinas?
DICT SEC. AGUDA: Ay naku, iyan po ang—mamaya kasama ko iyong ating magiting na usec., Usec. Paul Mercado po, bibigay niya ang datos para mas maliwanag kung ano iyong timing natin for 100% connectivity, tapos marami rin tayong mga consultation events, kasama ang mga LGUs at saka private sector.
Bilang bahagi po ng selebrasyon at tulad ng nasabi ko kanina, kasama ko po si Usec. David Almirol ng eGov app, isang makabagong one-stop shop po para sa government service. At saka alam mo ba, Sec. Jay, nanalo ng government media international award iyong eGov app natin, E-governance project po of the year, award winning po iyan eh idi-discuss ni Usec. Dale, tapos iyong eGovDX is the digital transformation award of the year din po. Lilipad po kami sa Singapore para tanggapin iyong award na isang bagay na dapat ipagmalaki ng Pilipinas po iyan.
Tapos mamaya, si Usec. Mercado naman, during the question and answer—tanungin ninyo po ng masinsinan si Usec. Paul, idi-discuss niya po iyong free Wi-Fi project ano na iyong status at iyong ilulunsad po natin, ayon na naman sa direktiba ng Presidente this June, iyong Bayanihan SIM Program, iyan po ay tulong natin sa mga GIDA areas na mga kababayan natin na matagal na silang hindi nagkakaroon ng access sa internet, ngayon magkakaroon po sila ng Bayanihan SIM.
So, mga kababayan iyon po, ulitin ko po iyong pag-imbita namin sa inyo, magsisimula po ang selebrasyon namin this week sa Batanes para ipakita natin na maganda signal na ngayon sa Batanes, may signal na po. Tapos next week, lilipad po tayo sa Tawi-Tawi.
PCO SEC. RUIZ: Magkakaroon na rin ng signal?
DICT SEC. AGUDA: Magkakaroon po ng signal doon, tapos after Tawi-Tawi iyong third week po natin ay gagawin po natin sa Dumaguete.
DICT SEC. AGUDA: At iyong last week, final celebration po is doon tayo sa Silicon Valley – Silicon Valenzuela, ‘yan. Hi po kay Mayor diyan, doon po tayo mag-i-end ng ating ano, para lang maipakita natin hindi lang may signal ang Pilipinas, may Silicon Valley na rin po tayo.
So, iyan lang po at isang magandang tanghalian po sa inyong lahat.
PCO SEC. RUIZ: Sec. Henry, kapag kunwari may online na or connected na ang Tawi-Tawi, anong magiging epekto nito sa Tawi-Tawi?
DICT SEC. AGUDA: Ay, malaking bagay po iyan. So, sa Tawi-Tawi – kaya excited din kaming pumunta, magaganda iyong mga beaches doon – so tourism, madadagdagan ang turismo. Second, e-commerce sites, mayroon ngang mga pamilya sa Cavite ha, sa Cavite po nakita ko mayroon silang tinatawag mga online family workers. Iyong nanay nagkaroon ng access sa internet, nakakapagtrabaho na siya either as a virtual assistant o nakakapagbenta ng mga digital online services. Iyon, iyon ang magiging epekto sa Tawi-Tawi po.
PCO SEC. RUIZ: So, employment iyan, trabaho?
DICT SEC. AGUDA: Trabaho, komersiyo at saka isa po, security rin. Kasi with digital, puwede ka na ring magkaroon ng safe city – puwede nang ma-monitor iyong kapaligiran 24/7.
PCO SEC. RUIZ: Saka galing ako ng Tawi-Tawi before, dalawang buwan ako doon. I was a war correspondent, napakaganda ng mga beaches ng Tawi-Tawi, napakasarap ng pagkain, ang daming makikitang magagandang tanawin doon. Mayroon pa nga doon iyong Bongao Peak, naakyat mo ba iyon?
DICT SEC. AGUDA: Hindi ko pa napupuntahan iyon pero iyon ang balak kong puntahan.
PCO SEC. RUIZ: Kasi pag-akyat mo doon eh parang mga unggoy lahat doon eh [laughs].
DICT SEC. AGUDA: Naku [laughs]…
PCO SEC. RUIZ: Tapos balita ko rin, mayroon kang drone delivery service.
DICT SEC. AGUDA: Ah, iyan, pinag-eeksperimentuhan pa po namin iyan. So, nakikipag-usap po kami sa isang logistics company, ang sabi ko sa kanila – alam ninyo po ano iyan, international company iyan na naghahanap sila ng prototype country para gawin iyong kanilang drone logistics/drone delivery – nag-agree po sila, ang una nilang pilot ay Pilipinas. So, kapag natuloy po iyan this year, Philippines will be, again, on the map as one of their first countries that will do drone delivery in ASEAN.
PCO SEC. RUIZ: Pero sa China ginagawa na ito eh.
DICT SEC. AGUDA: Oo, ginagawa na iyan.
PCO SEC. RUIZ: Naghahatid sa pagkain, medisina drone na. Ang alam ko dito, kung saka-sakaling magpa-pilot tayo, sa Laguna yata gagawin iyong drone delivery service.
DICT SEC. AGUDA: Well, maraming lugar – iyong isa sa Metro Manila, ita-try nila along Marikina River daw. Tapos nakipag-ugnayan po kami rin sa Laguna kasi sa kanila, mayroon silang programa for free medicine – ang problema nila, hindi nila maiakyat sa bundok, so drone puwede. So, pag-eeksperimentuhan po natin iyan.
PCO SEC. RUIZ: Tuesday Niu, unang magtatanong sa atin, kay Secretary Henry.
TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, Secretary. Isa po sa pinaka-controversial ngayon na ipinatutupad na programa ng pamahalaan ay iyong NCAP. Mayroon po bang pakikipag-ugnayan ang DICT sa MMDA para i-integrate na iyong system noong NCAP application at saka iyong appeal noong mga motorista sa eGovPH para maging mas madali iyong kanilang transactions or kung halimbawa man magkaroon sila ng mga paglabag doon sa NCAP?
DICT SEC. AGUDA: Naku, maganda po iyang tanong na iyan. Kasama ko po dito iyong “Father of eGov app” si Usec. Dave Almirol. Ang sagot po diyan ay mayroon pero, Usec. Dave, baka gusto mong bigyan ng kaunting explanation iyong… iyon bang kapag nasa eGov app ka na, puwede mong makita doon iyong video noong mga NCAP. At saka iyong mga ibang ano, idagdag mo na rin, iyong mga ibang features ng eGov app. Usec. Dave… Ito po si Usec. Dave po.
DICT USEC. ALMIROL: Thank you, Sec. Magandang umaga, Sec. Jay.
Yes po, at napakarami na pong features po ‘no ang ating eGov app – in fact, nasa isanlibo mahigit na po na government systems ang naka-integrate dito so both local at saka national government agencies ‘no.
So, aside sa mga existing features, iyong ating National ID nandiyan na sa eGov app, nandiyan na iyong PRC ID mo, Senior Citizen ID mo, e-Health ID mo, OFW ID mo; puwede ka ring mag-apply ng trabaho, nandiyan na rin iyong agrikultura, iyong turismo; at iyong mga magandang feature, ang mamamayan natin puwede nang ma-access iyong PhilHealth niya, iyong GSIS niya, Pag-IBIG niya.
So, ito pong mga bagong feature po na ini-integrate natin that we’re working closely tulad po sa NCAP po – nag-meeting na po kami sa MMDA, so mari-receive po na po iyong mga penalties mo doon sa eGov app ‘no. So, kapag natapos po iyong integration, ang ganda po nito, kasi makikita mo na doon kung ilan na po iyong violation mo at kahit nasa bahay ka na rin, puwede mong i-settle na rin iyong penalty mo ‘no. So, puwede mong i-click na lang iyong penalty mo at mayroon na rin pong notification na rin po ito ‘no na sasabihin niya na o may viola—mayroon kang mari-receive na text message din na, “Uy, nag-violate ka.”
Pagpunta mo sa eGov app, may button po doon ng mga penalties; pagka-click mo, mapapanood mo na iyong video na nanggagaling kay MMDA kung [laughs] ito iyong violation—nag-‘No U-Turn’ ka siguro or beating the red light ka so makikita mo po doon para maganda.
Hindi lang po iyan, marami pa hong mga features po na dinadagdag po sa eGov ‘no. In fact, kasalukuyan na pong nag-i-integrate iyong maraming ahensiya pati po dito iyong ating—halimbawa si SSS po, nagsimula rin po iyong integration na rin po niya; iyong scholarship program po ng TESDA, nagsisimula pong integration; iyong ating mga subsidy sa ating mga—halimbawa iyong fuel subsidy natin or scholarship program natin. So, hindi po titigil po ang DICT po na magdagdag ng maraming features po sa ating eGov super app.
TUESDAY NIU/DZBB: Sir, iyong NCAP, sir, puwede na nilang makita sa eGov ngayon? Applicable na siya?
DICT USEC. ALMIROL: Kasalukuyan pa lang po iyong integration po, ma’am.
PCO SEC. RUIZ: So mangyayari diyan, part ng video or picture kung saan ka nag-violate, lalabas doon sa app na iyon?
DICT USEC. ALMIROL: Opo. So, magkakaroon lang po ng notification, pagka-click po doon, pupunta po sa MMDA system, nandoon na po iyong mga violations mo.
IRA PANGANIBA/DZRJ: Sir, ano lang, iyong sa NCAP. Number one, may sariling system ang LTO, iyong LTMS tapos may sariling system iyong MMDA para both digital. Hindi ba nakakalito iyon – may LTMS, may MMDA tapos may eGov pa? Ang dami mong pinupuntahan, ang dami mong kailangan tingnan para malaman mo iyong… kung may problema ka sa NCAP. Sa NCAP pa lang ito, sir.
DICT USEC. ALMIROL: Iyan po ang nanalo tayo ‘no, ito po iyong tinatawag na e-government data exchange platform ‘no. So, ibig sabihin, kapag may nagkaroon ng violation po sa MMDA, kapag connected po sa MMDA kay data exchange – bale iyong eGovDX natin, dapat kita na rin ni LTO iyon. Para in the future kapag may magri-renew ng lisensiya doon or driver’s license, hindi ka puwede makapag-renew kasi you have to pay the penalty. So, single entry lang po iyon so nag-uusap-usap po sila without sharing information.
So, don’t worry po, kapag po naka-integrate na sila lahat later on sa ating data exchange platform, kung mayroon pong violation kay MMDA, dapat kita po agad-agad iyan ni LTO, kita agad-agad iyan ni… kung sinuman iyong mga agencies na involved without entering, again, the information. Iyan po ang power po ng data exchange platform po ng DICT.
IRA PANGANIBA/DZRJ: Tapos, another question is in my household, we all use eGov kasi madalas kaming bumiyahe ‘no. Pero there’s one thing I noticed – we’re all registered doon sa National ID. We have the digital copy pero hindi ko nakikita sa eGov iyong National ID ano ko.
DICT USEC. ALMIROL: Nandoon po sa may lower part—
IRA PANGANIBA/DZRJ: I did, I tried… I am not registered with the national ID. Pero iyong Senior citizen ID ko—umamin eh ‘no, iyong Senior Citizen ID ko, nakikita ko roon [laughs].
DICT USEC. ALMIROL: Opo. So, sa ngayon po, mayroon pong 93 million na registered ng PSA. Ang na-extract po na, iyong biometric extraction – ibig sabihin, ito po iyong malinis nang datos na po ng PSA ay 87 million. So, ibig sabihin, mayroon pa pong five million po na nililinis pa po ng PSA. Siguro po, iyon pong sa inyo baka nandoon pa ho sa—
IRA PANGANIBA/DZRJ: Hindi pa ako naliligo, ganoon.
DICT USEC. ALMIROL: Nililinis po [laughs].
IRA PANGANIBA/DZRJ: Thank you, thank you.
DICT USEC. ALMIROL: Pero the moment po na malinis po iyan ng PSA, automatic po iyon, kita mo agad-agad po iyong national ID. Like po kami, sa buong pamilya namin, iyong isang anak ko hindi niya kita, so pina-check ko po sa PSA – oo nga, kumbaga isa siya sa ano, isa siya doon sa five million na hindi pa ho nalilinis po ng PSA.
IRA PANGANIBA/DZRJ: But I’d like to congratulate you when it comes to the eTravel portal. It’s one of the most efficient portals in the eGov system. We use it all the time because we travel all the time. Thank you, sir. Thank you, Sec.
PCO SEC. RUIZ: Usec. Dave, gaano karami na ba ang nag-download ng eGov app natin?
DICT USEC. ALMIROL: Nakakatuwa po, without even promoting it, word of mouth – 12 million na po ang ating downloads po ‘no.
PCO SEC. RUIZ: Ganoon na ba karami, 12 million?
DICT USEC. ALMIROL: Ganoon kadami po ang ating eGov app. At nakakatuwa po noong sinubmit natin ito sa United Nations nga po, 31 na bansa po ang nilampasan natin ‘no noong 2022 to 2024. So, ito po iyong best entry natin – imagine mo from rank 80th tayo sa online services index ng UN, ngayon number 49 na po tayo. So, 31 na bansa po ang nilampasan natin because of the eGov super app.
PCO SEC. RUIZ: Any more questions regarding the app? Okay. Thank you very much, Usec. Dave. Next question, Ms. Mariz Umali…
MARIZ UMALI/GMA7: Secretary, tungkol po doon sa isyu naman ng Deepfakes. The Deepfakes using personalities to endorse products have become more sophisticated and it keeps on worsening, patindi nang patindi ang binibenta namin sa social media, mga ‘pampa’. So, paano po ninyo masisingil iyong mga nag-a-upload ng mga ganito sa social media? At paano natin mahuhuli talaga iyong nasa likod ng mga Deepfakes na ito?
DICT SEC. AGUDA: Okay, so ganito—thank you sa tanong ‘no. So, dalawa iyong sektor na kailanganin naming kausapin ng masinsinan na tutulong talaga sa atin sa pag-takedown ng Deepfake: Una, po iyong mga telco. Iyong mga telco, nakailang meeting na po kami sa kanila kasi sila iyong sa may infra eh. Kapag hindi nila pinapasok iyan, hindi magkakaroon ng problema diyan. So, nakiki-cooperate naman po sila. So, na-meet namin si … lahat sila – hindi ko na babanggitin, baka may makalimutan ako – and we will create— Hindi lang po sa Deepfake ha, kasama na rin po iyong na-announce na natin, iyong illegal gambling – utos po ng Presidente, linisin iyan eh – at saka iyong mga child abuse sites, pornography, etc.
Ang usapan namin sa kanila, kapag nagbigay kami ng IP address o kaya domain, immediately tanggal. Hindi lang iyon, mahirap kasi iyong may wait time ka ba. Kapag kasi after a day bago mo siya tanggalin, damage done na. So, nag-usap po kami kasama iyong technical nila at legal para magkaroon ng framework na mayroon kaming dashboard, unified dashboard – iyong ginawa namin during the election, Sec. Makikita namin lahat doon in real time iyong mga sites na na-report na iligal. Tapos makikita sa dashboard ng mga telco rin, tapos makikita namin iyong oras kung kailan nila tinanggal. So iyan, tinatrabaho na nila iyong technical design; iyong policy and regulatory pronouncements, gagawin po ng NTC, CICC pati ng National Privacy Commission. Kasi dati, ang problema ng telco ay baka mag-violate daw sila ng privacy so sinama na namin si NTC diyan. So this month, matatapos iyong aming final design; next month, i-implement na po natin. Magkakaroon kayo nang matinding experience na mababawasan iyong mga iyan.
Iyong second, ito po iyong mga social media platform. Naiintindihan namin sabi ni telco, “Alam mo, Sec., problema naman, hindi namin makikita iyong content ng website mismo,” for obvious reasons. Ayaw ninyo naman na kapag naglagay kayo ng website ay nababasa ng telco. So ang makikita lang nila ay iyong IP address. Enough na iyon, matatanggal na marami doon. Pero iyong sa loob ng content, sa social media platform, ang meeting namin is tomorrow with the social media platform – iyong pangmalalaki po. Ilang beses ko na rin silang nakausap; ito na yata iyong pang-apat. Siguro naman … ito ngayon mayroon na kaming solusyon na pang-apat. Hindi po namin sila tinitigilan, sulat lang ako nang sulat. Alam mo, mura lang naman sumulat eh. Sulat ako, sagot sila; sulat ako, sagot sila; ito na sila.
Ito lang iyong analogy, to simplify: Kung mayroon kayong Apple TV – sorry sa flag pero Apple TV ang example – hindi ninyo mapapanood iyong ibang shows sa ibang bansa ‘di ba pero mapapanood ninyo iyong mga gusto lang nilang makita ninyo na content. So, may way sila para ma-manage iyong content. Siyempre, iyong mga babayaran ninyo lang, iyon iyong makikita ninyo. Ang tawag po doon sa mekanismo na iyon ay geo-blocking/geo-locking. Iyong same mechanism po ng technology na iyan, iyon iyong sinasabi ko sa mga streaming platform at sa mga social media platform, alam ninyo kaya ninyo namang i-prevent iyang proactively eh, i-prevent na namin. Iyong meeting namin bukas, ipapaliwanag na po nila kung papaano nila puwedeng gawin iyon – iyan po ang sagot diyan.
Kasi mahirap kapag gobyerno at saka publiko iyong laging on edge ba – ano ba ito, fake ba ito? Bawal ba ito, etc? Eh huwag nating bigyan ng burden iyong public, iyong lagi nilang sinasabi na caveat emptor, ‘di ba. Parang sisisihin ka pa na, ‘Eh ba’t hindi mo tsinek na Deepfake iyan?’ hindi kaya ng publiko iyon, mahirap.
At saka sa government naman – tama, nandito si PNP Chief — mas gusto po natin si PNP Chief naka-focus doon sa mga traditional problems. Eh mauubos sila kapag puro hahabulin nila is digital crime eh, eh puwede namang i-prevent iyon. So, iyon iyong sagot namin, and I’m confident naman, makikinig sila tomorrow. Tapos in the same process na nag-agree iyong mga telco na technical solution, they will also agree on a technical solution.
MARIZ UMALI/GMA7: So, Sec., possible na masingil ang mga nagpo-post at ang mga nasa likod nito? Kasi parang just before, recently, ang mga sagot ay talagang kahit pumunta ka sa pulis, anti-cybercrime o kaya sa kahit sa NBI, once na nandoon na, mahirap na daw kasi hanapin. So, iyon, you mentioned it yourself that the damage has already been done. So ngayon, may way para talagang masingil sila, iyong mga nasa likod at iyong mga nagpo-post lang at nagsyi-share.
DICT SEC. AGUDA: Ma’am, linawin ko: Kapag sinabi ninyong masingil is to take them accountable?
MARIZ UMALI/GMA7: Yes.
DICT SEC. AGUDA: Tapos ikulong?
MARIZ UMALI/GMA7: Kung anuman ang sanction.
DICT SEC. AGUDA: Oo, so ginagawa na po iyan. So, nakikipagtulungan po kami sa mga pulis, sa CICC. Marami na rin po kaming na-takedown na sites. Marami na rin po kaming ano—ako, na-experience ko mismo, may nagpanggap na ako, nag-ikot sa probinsiya, oh ngayon ay dinampot na nila. May mga ganoon eh. May may mga … during the election, may mga ganiyan. Ginagawa naman iyan, ang problema, ang lagi nilang sasabihin, paano iyong … magsu-subpoena, magwa-warrant – may proseso eh – and sometimes ang kalaban mo diyan is mabilisan.
Pero sa amin ano eh, mas gusto namin preventive na kasi mauubos tayo sa—isipin ninyo noong nanghuli kami isa doon, ilang manpower ang nagamit doon. Eh to give you an idea, siguro umaabot sa mga 1,000 iyong mga attempts every week—sorry, 1,000 iyong mga sites na namo-monitor namin at saka nati-takedown. Ang bilis kasi mag-propagate sa digital lalo na sa AI at saka fake news. So preventive dapat, mas maganda ang ganoon.
Ang analogy ko ganito, Sec. Jay, if you can give me some time to explain, kung ikaw ang nagpapatakbo ng mall ‘di ba tapos may mga nagbibenta na mga bagay-bagay sa loob ng mall mo, hindi mo sasabihin doon sa namimili sa iyo, “Kasalanan mo iyan, bumili ka ng peke.” Hindi, di ba? Kasi kung ikaw iyong mall operator, titingnan mo lahat ng mga bagay na binibenta sa loob ng mall mo. So, kung ikaw iyong social media platform, dapat doon pa lang sa guard, sa gate, huwag ka nang magpapasok ng mga bad actors. Huwag mong sabihin na, “Oh, kapag pumasok ka dito sa mall ko, kasalanan mo iyan kapag bumili ka ng peke.” Harangan mo na ‘di ba. Iyon iyong pinapakiusap namin sa kanila.
Now, it’s not a simple as that – kailangan po ng masusing technical discussion. Ang kagandahan naman ng discussion namin, galing po ako sa telco eh so naiintindihan ko po iyong mechanism sa telco kaya noong nag-usap kami sa telco, mabilis iyong solusyon namin. Doon sa social media platform, galing din naman po ako sa tech industry so naiintindihan ko po iyong mga paraan para ma-prevent iyong mga toxic na content. And maganda naman iyong usapan eh, para naman ito sa safety ng customers din nila eh ‘di ba.
PCO SEC. RUIZ: Ang pinanggagalingan kasi, Sec. Henry, ni Ms. Mariz Umali, maraming nagiging biktima. Actually, personal siyang biktima ng fake news, personal din siyang biktima ng Deepfake kung saan nagamit iyong mukha niya at iyong kaniyang boses na naghihikayat yata ng investment. Hindi lang siya, pati si Ms. Pia Gutierrez—
MARIZ UMALI/GMA7: Not just investment; nagbibenta ng ano pampa …
PCO SEC. RUIZ:—nabiktima rin. In fact, ang daming tumawag sa amin, sa inyong dalawa na diumano nag-invest sila sa isang investment scam na sila ang nag-i-endorse. Kaya nga ako, tumawag din ako sa kanila. Actually, nagsumbong si Ms. Pia. Iyon nga lang, ang problema ngayon, sa kanila, iyong penalties naman. Pero iyon nga iyong sinasabi ko na kami ni Secretary Henry, DOJ, nagkakaroon kami ng interagency cooperation kasi dapat ganoon iyong approach eh.
MARIZ UMALI/GMA7: Kasi iyong mga nag-i-invest, maraming buhay din iyong possible na maapektuhan tapos face namin iyong—
PCO SEC. RUIZ: Nakakasira sa credibility ninyo. Siyempre iyong credibility ninyo iyong ginagamit para makapag-invest doon eh.
DICT SEC. AGUDA: Sec., dagdag ko lang ha kung bakit importante iyong geolocking at saka geoblocking. Malamang-lamang iyong gumagawa niyan nilo-launch nila sa labas ng Pilipinas ‘di ba kasi kabado sila na mati-trace sila dito locally. Kasi kapag ginawa nila locally iyan, iyong mga telco mati-trace na iyong IP address tapos madadampot na iyan kaya overseas iyan karaniwan. Kaya nga geoblocking, geolocking ang kailangan na, “Uy, social media platform kapag alam ninyo na manggagantso iyan, huwag ninyo na papasukin sa Pinas naman” – iyon iyong solusyon doon.
Ito pang isa, alam ninyo marami ngayon ginagamit iyong AI sa kasamahan ‘di ba? Eh iyang mga social media platform na iyan may sariling AI eh, so, bakit hindi ninyo naman gamitin iyong AI ninyo? Patalinuhan na lang tayo ng AI eh ‘di hamak naman mas matalino iyong AI nila para i-counter iyong kalabang AI – kaya nila iyan.
PCO SEC. RUIZ: So, may program nang nagsasabi na, “Teka, fake news ito o Deepfake ito.”
DICT SEC. AGUDA: Oo. Alam mo ang kagandahan lang diyan iyon kapag nag-uusap kami ng mga social media platform minsan dadaan ka doon sa ang tawag ko ay splitting hairs, sasabihin nila, “Alam mo, Sec., hindi namin puwedeng galawin iyan kasi dini-distinguish namin ang misinformation at saka disinformation.”
Sec., sabi ko kaya nga kailangan ninyo tawagin ninyo sa Tagalog iyan kasi sa Tagalog ang misinformation, disinformation pareho lang – kasinungalingan. Hindi na po kami nagdi-distinguish niyan, so, dito sa Pinas kapag kasinungalingan ay tanggalin ninyo na.
HARLEY VALBUENA/PTV4: Good afternoon, Secretary. Sir, kanina nabanggit po ni General Torre na mas magiging proactive sila sa paggamit noong 911 hotline system. Papaano po kaya iyong mga lugar na walang signal like GIDA areas? So, magkakaroon po kaya ng participation ng DICT to help with this? Thank you.
DICT SEC. AGUDA: Ang ganda ng tanong mo parang segue ko eh. Kanina diniscuss [discuss] ni Usec. Dave iyong eGov app digital, everything – maganda po iyon pero sabi nga namin, “Sec., aanuhin mo iyong magandang iyan tulad niyan 911 eh kung wala namang signal doon sa lugar, walang internet?” So, ito ngayon iyong sagot – ayan na nag-ready na po si Usec. Paul naman po – idi-describe niya sa iyo paano natin isu-solve na finally iyong matagal na nating problema sa connectivity. Siya po ay antabayanan ninyo po at pupunta siya sa Tawi-tawi, magdi-declare siya doon ng signal.
So, ito po si Usec Paul po.
PCO SEC. RUIZ: Magiging hotspot na pala ang Tawi-tawi ngayon ha.
DICT USEC. MERCADO: Magandang umaga po sa inyong lahat, ako po si Usec. Paul Mercado. I’m currently handling iyong connectivity ‘no. Pagpasok po ni Secretary Henry dito sa DICT, naiutos po niya sa akin ang isang multimodal approach when it comes to connectivity – ang ibig sabihin po nito, hindi na po tayo malilimitahan sa mga current technology na nakikita natin. Before po kasi naka-focus po tayo sa broadband, ngayon po talagang nagri-research po ang aming team para pumasok po kami doon sa satellite VSAT specially that our geographical location ay matindi po kasi, hindi po natin mailalagay na puro broadband lahat kasi islands po tayo ‘no.
So, apart from that, so, mayroon po tayong satellite, mayroon po tayong terrestrial which is iyong ating broadband – iyong the National Broadband Project. Ngayon po, mayroon din pong project na iyong “Bayanihan SIM.” This one ang layon po natin ay maparami ang digital infrastructure which is iyong tower sa iba’t ibang lugar especially doon sa ating mga GIDA areas. Ang gagamitin po natin dito ay cell signal ‘no kasi towers po ang gagamitin natin.
So, ang purpose po noong aming project na iyon ay mamimigay po kami ng I think around one million na SIM cards doon po sa aming mga identified areas. Huwag po kayong mag-alala, iyong areas po na na-identify namin ay nakipagtulungan po kami kay NEDA – so, iyan po ay targeted. And this is a three-year plan para marating po namin iyong mga underserved na mga areas po.
So, with that one million SIM cards, may subscription po. Ang uunahin po naming bigyan ay ang mga estudyante at guro kasi ang purpose po nito ay ang ating education pero hindi naman po natin lilimitahan kung kailangang gamitin iyon para sa 911, bakit hindi ‘di ba?
So, ito po kasi ang nangyayari, iyong ating mga MNOs (Mobile Network Operators), iyong ating mga telcos kapag malayo iyong lugar at hindi financially viable for them, hindi sila pumupunta; hindi sila magtatayo ng infrastructure eh. So, ang ginawa na po namin sa DICT, kami na po ang maunang magtayo doon. Kapag nagtayo kami doon, maipakita namin sa MNOs, “Ay, may benta pala dito.” Remember lahat ng mga tao natin sa Pilipinas marami diyan OFWs ang kapamilya ‘di ba? So, ang sinasabi namin mayroong customer sa area na iyon. Sisimulan po namin ang amin pong hope is sumunod sila at itayo nila iyong kanilang infrastructure doon sa mga lugar na iyon.
Sana po nasagot ko ang iyong katanungan, sir.
PCO SEC. RUIZ: So, iyong one million SIMs na iyon ipamimigay, libre ho ba iyon?
DICT USEC. MERCADO: Libre po. Ipamimigay po namin nang libre pero i-identify po muna namin doon sa mga estudyante at saka mga guro kasi ang focus po talaga muna namin is education.
PCO SEC. RUIZ: Okay. Iyong libre may load?
DICT USEC. MERCADO: Ay of course po. Of course.
PCO SEC. RUIZ: Magkano load?
DICT USEC. MERCADO: Twenty five gig a month ang load.
PCO SEC. RUIZ: Ah, okay. Malaki rin huh.
DICT USEC. MERCADO: Malaki po. Ang one gig po puwede na kayong mag-video streaming doon. So, malaki po ang 25 gig a month, baka nga po magamit pa ng pamilya nila.
PCO SEC. RUIZ: Saang mga lugar ito, anong GIDA locations?
DICT USEC. MERCADO: Iyong GIDA locations po ay identified namin with the NEDA, siguro magbigay na lang po kami ng list. Puwede nating i-post sa ating website. Ang start po nito ay end of second quarter to third quarter kung maitanong ninyo po kung kailan namin sisimulan iyong project na ito.
Pero in the works na po, finalize na po namin ang TOR nito, pati guidelines of distribution, bidding na lang.
PCO SEC. RUIZ: So, ito iyong direktiba ng Pangulo na dapat magkaroon ng internet sa buong Pilipinas lalung-lalo na sa mga mahihirap na lugar?
DICT USEC. MERCADO: Siguro kanina naitanong ninyo rin kung ilan ba ang kailangan namin para matugunan iyong Free Wi-Fi – 135,000 sites sa ngayon po kasi ang public areas dumadagdag po iyan – may isang gagawa ng parke, may isang gumawa ng transport area; but as of now it’s 135. Our target by 2028 is 125,000. Ang kagandahan po nito ay inaral po namin lahat ng current technology para mapababa ang presyo at maitaas ang dami ng ating internet sa Pilipinas.
PCO SEC. RUIZ: Okay. So, aside from mga cell sites or transmission sites, mayroon pa kayong strategy?
DICT USEC. MERCADO: Ay naku napakarami po.
PCO SEC. RUIZ: Iyong ginagawa ng Starlink na satellite naman?
DICT USEC. MERCADO: Yes po. So, alam natin na limitado ang ating budget when it comes to Free Wi-Fi – may subscription iyan, may maintenance iyan and diyan po pumapasok iyong aming NBP. Ang National Broadband Plan po is I think alam na ng media ito eh, it’s a six phase na project na ginagawa iyong backbone ng Pilipinas. Ang original plan pong ito ay para lamang sana sa govnet natin – ibig sabihin, iyong internet ng ating gobyerno para magkaroon tayo ng secured infrastructure. However po, sa aming panahon po, gagamitin na rin po namin ang NBP sa pakikipagtulungan sa MNOs upang marating natin iyong mga areas para makapagbigay tayo ng Free Wi-Fi – ito po iyong aming sustainability plan para dito sa Free Wi-Fi para hindi tayo hingi nang hingi ng budget for the Free Wi-Fi.
PCO SEC. RUIZ: So, eventually sustainable na siya.
DICT USEC. MERCADO: Eventually sustainable po iyan. Siguro po gamitin ko na rin itong oras na ito para magpasalamat doon sa MNOs. Ilang beses po kaming nagkaroon ng meeting at nagkaroon po kami ng pag-uusap at ito po ay gagawin namin sa Tawi-tawi magkakaroon tayo ng commitment signing doon na magkakaroon po tayo ng shared infrastructure ‘no. Sila, puwedeng gamitin iyong ating infrastructure, tayo naman gagamitin natin iyong kanilang mga infrastructure para makarating tayo doon sa mga lugar kung saan kailangan iyong internet. Ito po ay in line with doon sa slogan namin na Digital Bayanihan.
Nakikipagbayanihan ang mga private sector sa public sector upang maipaabot namin iyong serbisyo sa taumbayan.
PCO SEC. RUIZ: Okay. Ganda noon. Kailan matutuloy iyan sa June, July?
DICT USEC. MERCADO: June, July.
PCO SEC. RUIZ: Thank you very much, Usec. Paul Joseph Mercado. At bilang panghuling mensahe na lang, Secretary Henry.
Pero teka lang, mayroon pala akong tanong – kasi iyong iba ngayon kinakatakutan iyong Artificial Intelligence, sabi nila, paano ba iyan baka maging mas matalino iyong computer or iyong app kaysa sa tao which is nangyayari na iyan, nakikita natin iyong AI like ChatGPT mga iba-iba – talaga namang nagiging mas matalino na iyong program kaysa sa tao. Dapat bang katakutan ng tao ang artificial intelligence?
DICT SEC. AGUDA: Actually, ang sagot diyan is depende. Kung AI, siguradong darating iyong panahon, mas malaki iyong advantage niya sa pagiging matalino, eh kasi iyong memory na lang niya mahaba. Ang tanong diyan, hindi iyong talino, magiging mabait ba iyan? Kaya kailangan iyong internet natin, good vibes kasi iyong AI natututo kung ano iyong nasa internet. Kasi alam ninyo si AI naman, ano ba iyong problema dati ng creative industry, saan ba natutong gumawa ng kanta ang AI, saan ba natutong gumawa ng mga speeches ang AI, sa tao din and saan nila kinuha? Nasa internet.
So, kung ang laman ng internet natin ay medyo hindi maganda, masama, illegal gambling for example o kaya fake news o kaya pornography, ano ang matutunan ni AI, matalino nga siya, salbahe naman, kaya depende po. Kaya ako, nakikiusap sa mga platform providers, sa telco at saka sa publiko, importante po na ang nasa internet natin ngayon, fair use, iyong tamang paggamit lang para sa produktibong pamamaraan, maayos na pamamaraan. Mahirap po kasi kapag in-underestimate natin kung ano iyong inilalagay natin sa internet. Kaya nga kami, good vibes policy ‘di iba?
Iyan ang sasagot kung dapat bang matakot tayo kay AI, kasi depende, talagang magiging mas matalino iyan. Ang tanong na lang: Mas mabait ba siya sa atin? Ganoon dapat.
PCO SEC. RUIZ: Saka siguro, Sec., dapat yakapin ng Filipino ang AI.
DICT SEC. AGUDA: Yes, oo.
PCO SEC. RUIZ: Kasi wala na eh, in the other countries nakikita natin, may mga AI institutes nagsusulputan everywhere, dapat din yata dito rin sa Pilipinas, may plano bang ganoon?
DICT SEC. AGUDA: Mayroon, sa DICT mayroon. In fact, in another opportunity na makapagsalita kami dito, eh nandiyan po si Usec. Dave, hindi na muna namin ia-announce, ito iyong tinatawag namin na wait for the next episode kasi mayroon na po siyang ginagawang AI para sa Filipino. Eh, ano na, iyong next segment, puro AI naman iyong idi-discuss natin. Mayroon po, may plano po si DICT para diyan, hindi lang plano, ginagawa na po iyan, pero hindi na muna natin ia-announce.
PCO SEC. RUIZ: Bilang panghuling mensahe na lang, Sec. Henry, regarding sa mga direktiba ni Presidente sa DICT?
DICT SEC. AGUDA: Alam mo, Sec. Jay, ang direktiba ng Presidente is meaningful connectivity and that everybody in the digital space lalo na ay no left Filipino left behind, whole of government approach.
Kanina po, diniscuss ni Usec. Dave, iyong mga services sa gobyerno na nasa eGov App na and kanina nga, in-acknowledge ng kaibigan natin iyong kagandahan ng eTravel ‘di ba? Nandiyan na po iyan, iyang sistema na iyan, nandiyan na, palalakihin lang nang palalakihin at dadagdagan ng mga functionalities. May platform na po tayo para diyan. And karamihan po ng mga government agencies, nagko-coordinate na po sa amin.
Iyong sumunod naman, diniscuss sa inyo ni Usec. Paul. Ano ang gagawin natin sa digital infra, kung wala namang connectivity doon sa laylayan? Iyong nandoon po sa GIDA, kailangan malagyan ng connectivity. Ang connectivity percentage po ng Pilipinas sabi nila sa mga pag-aaral, 85%. Ngayon, 85% ba okay? Iyong mga ibang bansa kasi nasa 90 to 95 na. Ngayon kung titingnan iyong 85% level of connectivity, eh dito sa atin, may iba tatlo ang telepono, may iba sa bahay, dalawa ang fiber – mataas kasi, kapag in-average out mo, nandito sa Metro Manila at saka Central Luzon. Pero kapag tiningnan mo iyong connectivity sa Visayas and Mindanao for example o sa Northern Luzon, nasa mga 35 pa lang.
So, iyon iyong laban ng DICT. Kaya po sa NICT month, nagsisimula po kami sa Batanes, tapos susunod sa Tawi-Tawi, tapos papasok nang papasok. Kasi iyon iyong tipong na-online mo, di mayroon na silang connectivity through the free Wi-Fi and through the Bayanihan SIM, mayroon pa silang eGov App, eh di malaking bagay sa kabuhayan nila iyan. Iyan po iyong plano ng DICT at maganda po kung makapag-participate po kayo doon sa mga events namin.
And shout out po doon sa kaibigan po natin sa BICTO (Bangsamoro Information and Communications Technology) sa BARMM, Kasi joint celebration po kami, sila naman magsi-celebrate sa Cotabato, tapos magkikita kami sa Tawi-Tawi. Kasama po namin sila dito sa celebration and this is a whole full month event and we will be moving closer and closer to the dream of the Bagong Pilipinas and sa mandato ng Presidente that no Filipino gets left behind. Maraming salamat po.
PCO SEC. RUIZ: Maraming salamat, DICT Secretary Henry Aguda, Undersecretary Paul Joseph Mercado and Usec. Dave Almirol. At diyan po nagtatapos ang ating press conference today.
Okay, mayroon pa palang mga katanungan dito naman kay Usec. Claire Castro.
PCO USEC. CLAIRE: Thank you very much, Sec. Jay. Lunch time na raw.
MARICEL HALILI/NEWS 5: Usec., magandang hapon. Usec., may we have your Palace’s reaction lang po doon sa mga naging statement ni Mayor Baste. Una, he called President Bongbong Marcos as a liar. Sabi niya press release lang daw iyong sinasabi ni PBBM na reconciliation and pangalawa sinabi rin po niya he is weak, nakita daw natin iyan sa midterm na talagang mahina siya, mayabang pa, magsabi nang magsabi ng 12-0, natalo naman daw iyong mga kandidato niya. Iyon po muna, ma’am.
PCO USEC. CLAIRE: Ah marami pa ba, sige hintayin ko iyong iba pa niyang sinabi. Unang-una, pinapansin pa ba si Mayor Baste Duterte sa kaniyang mga sinasabi? Can we expect any nice word from him for the President? Expected na ganiyan ang kaniyang magiging reaksiyon. Unang-una patungkol sa liar, sino ba talaga ang liar? Ito ba ay patungkol sa sinasabing reconciliation? Sana po napakinggan niyang mabuti kung ano ang bawat salitang nanggaling sa Pangulo. Tinanong po siya ni Mr. Anthony Taberna kung open ba siya for reconciliation, if I am not mistaken, that’s the word, open, right; not offer. So malaki po ang pagkakaiba ng “open for reconciliation” at nago-offer ng reconciliation.
Bilang ama ng bansa, tatanungin siya kung siya ba ay open for reconciliation sa mga Duterte at sa mga ibang tao maaaring nag-o-oppose sa mga polisiya niya. Ano po ba ang dapat tugunan, ang maging tugon ng isang ama ng bansa? Dapat lang, opo, open siya for reconciliation. Sino ba ang matinong lider ang hindi open for reconciliation? Sa ngayon, alam naman ninyo siguro kung sino iyong hindi open for reconciliation? At sinabi rin po ng Pangulo na hindi lamang po mga Duterte, bakit lagi po kasi sa kanila lamang nakatuon?
Sinabi po, maliwanag, uulitin po natin, open for reconciliation ang Pangulo sa mga Duterte at sa lahat ng tao na maaaring oposisyon or may oppose or may oposisyon sa kaniyang mga polisiya. Dahil gusto po niya na makapagtrabaho ng maayos, magkaroon ng stability ang gobyerno para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng taumbayan. So, wala pong nagsisinungaling dito. So, maaari lamang po na itong si Mayor Baste ay hindi niya naintindihan ang pahiwatig ng Pangulo patungkol sa rekonsilyasyon o siya ay napapaligiran ng mga fake news peddlers na kung anu-ano ang sinasabi sa kaniyang mga idea. So, nakakaawa po iyong ganoon.
Okay, sa pangalawa, he is weak, mahina at mayabang. Sa isang eleksiyon, hindi naman po talaga natin masasabi kung sino ang iboboto ng mga tao. Nirespeto po ng Pangulo kung ano po ang isinigaw ng bayan.
Tandaan po natin, 6, anim ang nanalo po sa Alyansa, hindi po iyan pangit na numero. Hindi lamang po–ang nais lamang po sana ng Pangulo ay mas madami pa na nakasama mula sa Alyansa. So ano po ang ipagyayabang ng Pangulo, anim po ang nanalo sa kaniya at marami din po sa mga lokal at sa House of Representatives, sinasabi rin po ay marami pa rin pong kaalyado ang Pangulo.
So, sa kanilang parte, dalawa po PDP ang nanalo, so ano po ba dapat ang—ayaw ko na pong ituloy ang aking sasabihin. So, iyon lang po, ano pa po ang sinabi?
MARICEL HALILI/NEWS5: Ma’am, tungkol naman sa Cabinet revamps, sinabi rin po ni Mayor Baste na that was only a smoke screen especially iyong pagtatanggal kay Solicitor General Guevarra, kasi they don’t want to admit na hindi talaga nila masagot iyong mga tanong sa kanila, so hindi raw niya alam kung ano iyong gagawin ng bagong solicitor general?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Siguro po tanungin niya muna po si dating Solicitor General, kung ano po ba ang naging accomplishments ni SolGen Menardo Guevarra bago niya po punahin ang naging desisyon ng Pangulo. Ang ginawa po ng Pangulo ay ma-retain ang mga napagkakatiwalaan pa niya at mawala ang mga under-delivery iyong mga opisyal na mayroon under-deliver or under performance. So, alamin niya po kasi muna ang facts, bago po siya mamintas at maging obstructionist.
MARICEL HALILI/NEWS5: Salamat, ma’am.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sam Medenilla, Business Mirror.
SAM MEDENILLA, BUSINESS MIRROR: Good afternoon, ma’am. Ma’am, iyong regarding lang po doon sa ‘one plus’ ni President, free rides during Sunday, itatanong ko lang po kung magkano iyong budget for that and kung saan po—bakit po hanggang 2028 lang po iyong project, bakit hindi po siya even after the Marcos administration?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, unang-una, sinabi din ng Pangulo, gusto ko lang itong ulitin na sa ngayon po ang nais ng Pangulo ay magtrabaho, magtrabaho lang iwasan ang pamumulitika. So, kaugnay na rin po ito sa kaninang tanong ni Ms. Maricel. Well, bakit? Bakit po nagkaroon ng ganitong klase na promo para sa family, para sa pamilya tuwing Sunday. Wala naman pong budget require for the MRT-3 at LRT-2, iyan din po ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, dahil government-run po ito at karaniwan naman po kapag Sunday hindi naman po napupuno ang LRT at MRT natin. So, wala pong budget na required for this at bakit hanggang June 2028, last Sunday ng June 2028, dahil nais po ng Pangulo na bigyan din po ng karapatan ang susunod na administrasyon kung ano po ang nanaisin nilang programa patungkol po dito, iyan po ay respeto lang po ng Pangulo sa susunod na liderato, thank you.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, on the impeachment po, tatanungin ko lang kung may posisyon na po ba ang Palasyo sa nangyayaring debate ngayon kung puwedeng mag-crossover sa susunod na Kongreso iyong impeachment trial ni Vice President Sara Duterte?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, unang-una po, sinabi naman po ng Pangulo na ito po ay nasa kamay na po ng Senado at hindi po makikialam ang Pangulo kung anuman po ang nangyayaring pagdidebate sa Senado. May kanya-kaniya pong ideya dito, may nagsasabi po mga eksperto rin na maaari pong tumulay or tumawid sa 20th Congress dahil ayon na rin po sa isang Supreme Court decision, ang Senado po ay itinuturing na isang continuing body. So hindi naman po siguro ito idi-describe or ika-characterize ng Supreme Court na continuing body kung—parang nako-consider siyang na-terminate na o nag-expire na tulad ng House of Representatives.
Pero kung ano po ang ideya ng Pangulo patungkol dito, una po, maliwanag na sinabi ng Pangulo, na impeached na po VP Sara, kaya po hindi niya po ito papakialaman, wala po siyang anumang gagawin patungkol dito dahil lahat po ng mangyayari ay nasa Senado na po. Ang gusto lamang po niya para sa kalahatan, hindi lamang po para sa impeachment, dapat lang po manatili ang due process, manatili ang proseso, kung ang proseso po ay kasama po dito ang pagtugon at pagtupad ng mga provision ng constitution, dapat sundin kung ano ang nasa constitution, kung ano ang nasa batas at kung ano ang rule of law.
PIA GUTIERREZ/ ABS-CBN: Ma’am, follow up lang po, because the impeachment is a public accountability mechanism, nangangamba po ba iyong Palasyo na hindi na matutuloy iyong impeachment trial, lalo na po at may mga kumakalat na balita na mayroong mga draft resolutions seeking to dismiss iyong article of impeachment against the Vice President?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kung matuloy po o hindi matuloy ang impeachment, mukhang hindi na po iyan sakop ng ating Pangulo. Ang gusto lang namin pong iparating, sana po ay huwag ipahid sa Pangulo kung anuman po ang magiging desisyon ng Senado diyan. Kasi marami po tayong nakikita katulad po ng ibang mga protesters, ginagalang po natin ang kanilang mga opinyon at mga ginagawa, protesters na gustong ipatuloy ang impeachment trial. Pero sana po ay iwaksi nila sa kanilang isipan na may kinalaman po ang Pangulo dito dahil iyan po ay solid responsibility of the Senate. Nasa kamay na po ng Senado kung ano po ang gagawin po nila dito patungkol sa impeachment proceedings.
MARIZ UMALI/ GMA7: Usec., manghihingi lang po kami ng reaction ng Palace ‘no, dito sa sinabi po na statement ni Representative Raul Manuel, and let me just quote what he said “Nagsabi na po ang impeached Vice President na haharap naman siya sa Senado para sa impeachment trial, may bahagi rin ng mga supporters mismo na naniniwalang dapat matuloy ang impeachment trial para mahusgahan once and for all ang vice president, hinggil sa paggamit niya umano ng public funds. Yet the sitting President, sends signal to indicate that he is against the impeachment process, bakit pa siya nagmi-meddle dito? Dahil ba may mga issue rin siya na ayaw niyang maungkat? Okay lang ba sa iilang makapangyarihan na ibaba ang standards pagdating sa pagpapanagot ng mga kurakot kasi baka pare-pareho lang din pala sila ng mga kurakot na pinoprotektahan ang isa’t isa?” Iyon ang sinabi niya?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, we give respect to Representative Manuel, and we hope that he will also give respect to the President by not making and creating such kind of intrigues, intriga po ito. Alam naman natin kung sino ang marunong at eksperto sa paggawa ng intriga at pagplanta ng ebidensiya, so huwag niya na po sanang gayahin ito. Kumbaga sa pelikula, kok0pyahin ko lang pero babaguhin ko ng kaunti – do not be like a second rate trying hard copy cat. Okay? So unang-una po, mali na po ang sinabi po ni Representative Manuel, noong sinabi niyang ayaw niya noong impeachment process.
MARIZ UMALI/ GMA7: Ma’am, ang sinasabi daw po niya na parang why is he sending signals that he is against impeachment process. So, bakit pa siya nagmi-meddle mayroon ba siyang isyung ayaw na [overlapping].
PCO USEC. ATTY. CASTRO: ‘Di ba, unang-una, wala po siyang sinabi na ayaw po niya ng impeachment process, maliwanag po noong tinatanong ito sa Kuala Lumpur, ayaw niya po ng impeachment. But the problem is VP Sara, is already impeached, so ang magiging isyu na lang dito acquittal ba o conviction sa Senado. So, dapat i-correct po natin iyan.
Sinabi rin po ng Pangulo na let the process take its course, proseso, so ano pong signal ang sinasabi ni Representative Manuel na ayaw ng Pangulo sa impeachment process, magkaiba po iyon. Maliwanag—uulitin po natin ulit, maliwanag ang gusto ng Pangulo, ayon sa batas, ayon sa konstitusyon. At gugustuhin po ba niya ni Representative Manuel, na lumabas na ang Pangulo ay nagdidikta, nagdidikta sa Senado at maipakitang isang rubber stamp lamang ang senado. Hindi natin gugustuhin iyon! At lagi naman pong sinasabi ng Senado na independent body sila at mayroon tayong separation of powers. Sa ganitong klase ng isyu ng impeachment process, huwag na po natin ikabit sa Pangulo dahil ito, muli sasabihin natin, ay katungkulan ng Senado.
MARIZ UMALI/ GMA7: Pero, ma’am, in terms of the question, kung mayroon ba siyang itinatagong isyu na ayaw maungkat, would you care to..?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kaya nga po sinabi natin, magbigay siya ng respeto sa Pangulo by not making and creating such kind of intrigues, intriga po, intriga po. Iwasan po iyan, considering na siya ay isang mambabatas.
TUESDAY NIU/DZBB: Good afternoon, ma’am. Gutom na ang bansa.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Pero mayroon tayong pagkain.
TUESDAY NIU/DZBB: Ma’am, mismong si DOTr Secretary Vince Dizon ang nagsabi na sa ngayon ay hindi niya nakikitang ideal pa muna iyong public transport modernization, ano po ang posisyon ng Palasyo dito?
PCO USEC. CASTRO: Opo, napag-usapan po iyan. Nilahad po niya iyan kung ano po ang maaaring maging issues kapag ko ngayon-ngayon agad ito ipapatupad. So, kailangan po talagang i-prepare ang mga concerned na mga drivers natin, operators natin para sa paggawa at pag-manage, pag-operate ng isang kooperatiba. Hindi pupuwedeng, “O, gawa kayo ng kooperatiba,” and then that’s it. Ihahanda po natin ang mga concerned na tao po, mga kababayan natin patungkol po dito at kumbaga ipi-prepare sila para sa mas magandang pag-o-operate ng isang kooperatiba.
Pangalawa, magkakaroon din po at pinaplano po na magkaroon pa po ng ibang suppliers ‘no, manufacturers para po kung makakapagbigay sila ng mas mura na sasakyan or vehicle para sa ating mga operators at drivers, iyon po.
Ang pangatlo po na issue ay patungkol po sa loan. Kailangan din po na kayanin ng ating mga kababayan ang interes o iyong pagbabayad sa utang. So, pati po iyong mga ruta, may mga ruta po kasi naman na hindi dinadaanan ng maraming jeepneys so iyan din po ay dapat isaayos with the LGUs.
So, marami pong issues na naibigay po at nailahad si Secretary Dizon sa ating Pangulo at iyan po naman ay pinakinggan ng ating Pangulo. So, sa ngayon po, ihahanda po muna lahat pero tandaan po natin, tuloy pa rin po ang PUV Modernization Program – ihahanda lang po natin lahat ang mga stakeholders po dito.
TUESDAY NIU/DZBB: Clarification, ma’am. So, naipaabot na kay Presidente itong concerns na ito and ano po ang response ni Presidente rito? Umayon ba siya na pansamantala huwag munang ituloy at gaano katagal po na isu-suspend muna o papaano?
PCO USEC. CASTRO: Sa initial na meeting po namin with the President, kasama po kasi ako kaya medyo alam ko po ang mga kaunting detalye dito. Iyong timeline, ibibigay ko na lang po siguro sa inyo at wala po akong kopya dito sa ngayon. Pero noong binanggit po ito ni Secretary Dizon kay Pangulo, positibo naman po ang response ng ating Pangulo at ayaw naman din po niyang pahirapan ang mga operators at mga jeepney drivers natin kung ipu-push po ito tapos parang pilit. So, dapat po talagang aralin para po lahat po naman ay maging maayos ang takbo at pag-implement po ng programa na ito.
TUESDAY NIU/DZBB: Thank you, ma’am.
PCO USEC. CASTRO: Okay po?
At bago tayo magtapos, mayroon pa rin tayong good news: Batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang sistema ng edukasyon, inaprubahan ng Department of Budget and Management ang paglikha ng 10,000 non-teaching positions sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Bukod pa ito sa 16,000 teaching positions para sa school year 2025 to 2026 na inanunsiyo na ng DBM kamakailan. Magiging mga Administrative Officer II na may Salary Grade 11 ang mga kukuning kawani na ilalagay sa mga elementary, junior at senior high school.
Sa paglikha ng mga posisyon na ito, mas matututukan ng mga guro ang kanilang pagtuturo at mabibigyang-pansin ang inyong mga anak dahil aalisin na sa kanila ang administrative at ancillary tasks. Narito po ang video:
[VTR]
At dito na po nagtatapos ang ating briefing ngayong araw. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
##