Magandang umaga sa ating mga bagong guro. At maraming salamat at mabuti naman at napakarami ninyo na napasok natin sa DepEd.
Isa doon, dahil talagang kulang ang teacher natin. At bukod pa doon, may programa si Sec. Sonny, Sonny Angara, na bawasan ‘yung mga administrative duty na binibigay sa teacher. [applause] Kasi naman naging teacher kayo para magturo, hindi naman para mag-bookkeeping, para ano ‘di ba.
Kaya ‘yun ang ginagawa namin. Tiningnan ko lahat itong – ‘yung Khan Academy ang ganda nung kanilang software. Tapos ito na – ipinakita rin sa atin ‘yung bagong Starlink para may internet connection – may Wi-Fi lahat.
Iyon hindi lamang dito. Gagawin natin sa mga iba’t ibang eskwelahan lalong-lalo na doon sa mga malalayo dahil may teknolohiya na. Ito ‘yung nakikita ‘yung Starlink, puwede na ‘yan. Basta ikabit mo lang, isaksak mo lang, okay na. Mayroon ka ng Wi-Fi.
Kaya mabuti naman ay nandiyan na ‘yung teknolohiya. Kaya patuloy lang namin tinitingnan at kailangan maghanda na tayo para sa pasukan.
At ready na ba kayo? [Crowd: Yes, sir!]
Palagay ko ‘yung mga bata reading-ready na rin. Kaya gagawin natin lahat.
Alam mo naman kayong mga teacher ang inaasahan. Para sa akin, kayo ‘yung mga talagang hero eh. [applause] Ang tingin ko sa teacher.
Lagi kong pinapaalala sa ating mga kababayan, ‘yung teacher nagtuturo ‘yan, naging teacher ‘yan hindi para yumaman, hindi para sumikat, hindi para kung ano tatakbo ng pulitika.
Ang teacher naging teacher kasi hindi makatulog ‘yan kung hindi nagtuturo. Hindi mapakali ang teacher ‘pag hindi nagtuturo.
Kaya bibigyan namin… Ang gagaling naman ng mga teacher natin. Kulang lang siguro sa suporta. Susuportahan namin kayo. [applause]
Hindi lamang sa financial support, kung hindi pati na sa mga retraining. Ito nga ‘yung binabawasan nating administrative duties, ‘yung mga ganyang klase, para makapagturo kayo nang mabuti.
Kaya nandito po tayo. Sama-sama natin ayusin ito para naman ‘yung ating mga kabataan pagka nag-graduate, talagang graduate. Magaling nang magbasa, magaling mag-Mathematics, magaling lahat.
At kayang-kaya nila kung magtutuloy sila ng college o magtrabaho sila ready na sila. Kahit anong napili nila ang gagawin nila sa kanilang career.
Kaya maraming salamat sa tulong ninyo. [applause] At sa lahat ng tuturuan ninyong mga kabataan, napakalaki ang utang na loob nilang lahat at naming lahat sa inyo mga teacher.
Maraming salamat. Good morning. [applause]
— END —