Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Atty. Claire Castro with Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Atty. Jose Moises Salonga


Event PCO Press Briefing with LWUA
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps.

Aksiyon, aksiyon at aksiyon ang utos ng Pangulo. Pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino at hindi pagbabakasyon ang pinagtutuunan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Mabilis na inaksiyunan ni Pangulong Marcos Jr. ang pangakong mabilisang short-term solution, ito ay naipatupad na.

Dumating ang one-megawatt rental genset ng SIPCOR mula sa Sta. Rosa, Laguna na in-install sa SIPCOR plant sa Lazi dahil sa utos ng Pangulo. Ito ay para maibsan paunti-unti ang krisis sa kuryente sa Siquijor at matugunan ang hirap ng mga residente. Ngayong araw ay darating din ang two-megawatt gensets ng NEA mula sa Palawan na ikakarga naman sa isang chartered LCT patungong Siquijor. Sa loob po ng 11 hours ay makakarating na ito.

Ano ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr.? Dapat makumpleto ang installation at commissioning nito bago sumapit ang June 15 upang maabot ang buong kapasidad ng supply ng kuryente para sa mga tahanan at kabuhayan sa isla.

Ano bang ibig sabihin ng problemang ito? Nitong June 11, 2025 ay personal na binisita ng Pangulo ang Siquijor at naramdaman niya ang hirap ng mga residente rito dahil sa kakulangan ng power supply na nagiging sanhi ng malawakang brownout sa lugar. At dahil kulang sa power supply, problema na rin ang supply ng tubig. Sino ba ang hindi madidismaya?

Simula May 13, 2025 ay walang kuryente; may blackouts na nagtatagal nang apat hanggang anim na oras kada araw. Ang ibang lugar naman ay may kuryente lang ng dalawa hanggang limang oras – apektado na ang turismo, serbisyo-medikal, edukasyon, komunikasyon at sanitasyon.

Ang SIPCOR, sa pamumuno ng Prime Assets Ventures Incorporated ni Mr. Manny Villar o ng Pamilya Villar ay may 20-year power supply contract sa PROSIELCO mula taong 2015 para magsilbing power supplier sa nasabing probinsiya – nangako ng magandang serbisyo pero pangakong napako.

Maraming isyu ang dapat tugunan ng SIPCOR – very low fuel supply inventory, delayed procurement and unavailability of spare parts and unsynchronized preventive maintenance of diesel power facilities, power plant operations with expired certificate of compliance and rental generator sets operating without permits. Gugugulan ito ng pondo at oras ng administrasyon para sa ikagiginhawa ng mga mamamayan sa Siquijor na dapat ay responsibilidad ng kumpanyang pinagkakatiwalaan ng pagiging power provider.

Sa ngayon, ang pinadalang genset ng SIPCOR ay may problema rin – hindi gumagana nang maayos kaya mag-i-issue ng show cause order ang ERC sa SIPCOR. Pati problema sa supply ng tubig sa isla—good news ito, nasolusyunan na ng LWUA dahil sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pangako ng Pangulo, pananagutin ang mga responsable sa krisis na ito.

[VTR]

Nitong nakaraan ding linggo ay nangako ang Pangulo ng mabilisang solusyon sa kakulangan ng tubig dito sa eskuwelahan ng Malolos at San Miguel, Bulacan. Pinakilos agad ni Pangulong Marcos Jr. ang LWUA na mabilis namang tumugon sa direktiba ng Presidente.

Makakasama natin si Atty. Jose Moises Salonga, Presidente ng LWUA upang ibigay ang detalye patungkol sa pakikipag-usap sa PrimeWater ng mga Villar at Pamana Water ni Lucio Co. Magandang umaga, Atty. Salonga.

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Magandang umaga po, Usec. Claire.

Over the past week, matindi pa sa tawag sa 8888 ang nakuha namin kasi mismong Presidente ang nag-advocate sa mga consumers. So, we had no choice but to act forthwith.

I’m here to give an update regarding the schools in Malolos; dalawa po iyong schools na iyon – iyong Santisima Trinidad at saka Barihan Elementary School. Apparently, mayroon pong DPWH contractor na tumama sa isang linya ng tubig doon late May. So, ang nangyari bumaba iyong pressure ng less than 51% and that caused the issue na walang tubig doon, na mahina ang tubig.

Ang ginawa po namin ay nagpadala na po kami mga tao doon at kinumpuni, inayos at today – ang promise kasi is by Monday – and today we’re happy to report na may tubig na po doon sa dalawang schools na iyon, operational na po.

Pangalawa, doon sa San Miguel naman po, Tibagan Elementary School—by the way, iyong sa Malolos po kasi nahirapan nang kaunti kasi may complication iyon eh, naka-joint venture po iyon sa Prime. So, ngayon kami na iyong gumawa with the water district, mayroon na pong tubig ngayon.

Iyong isa naman po sa San Miguel, Bulacan, iyong Tibagan Elementary School, again it’s under a joint venture agreement with Pamana under Mr. Co. Ang issue naman po doon ay hindi siya konektado doon sa main distribution line ng water district. Apparently, nasa isang deep well lang po na over saturated na ng demand. Ang nangyari po ngayon, right now ay kinukumpuni, at para malagay na mismo sa distribution line noong water district to ensure that there is enough pressure for water to flow effectively para naman sa tamang sanitation saka needs ng mga estudyante.

Mayroon pa pong isa po, mag-a-update rin po ako regarding Siquijor. Again, mismong Presidente ang nagbigay ng direktiba na ayusin ang problemang kuryente at tubig sa Siquijor. We’re happy to take on the challenge by saying that LWUA has already coordinated with the nearest water district which is Dumaguete City Water District. It is again under a joint venture with Metro Pacific and they have already agreed that they will lend a water lorry and a genset – dadalhin na iyon sa Siquijor Island.

Note that we also have identified a water source para pagkukunan ng tubig ng water lorry na iyon and the genset na ipapadala doon is only for water operations. So, iba pa ito doon sa pinadala ng NEA and iba pang relief gensets doon. This genset is just for water operations.

Also, last week, we have approved a financial package for the upgrading of the Siquijor Water District. So with that, the long-term solutions would be met as well as short-term needs of the water district.

Thank you, ma’am.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Good morning po, Attorney. I think late April or early May mayroon ding naging directive po ang Pangulo na imbestigahan ang iba pang concerns at complaints sa services ng PrimeWater, not just in Bulacan but other areas. Mayroon na po bang result ang investigation na iyon?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: We are already finishing our report, hindi ko lang mapi-preempt at ibibigay po namin sa Presidente iyon. And after his appreciation of the facts, then we’d be able to share the contents of such report.

MARICAR SARGAN/BRIGADA: Good morning, Attorney. Update lang, sir, maliban po dito sa Malolos and sa San Miguel, Bulacan. Kung mayroon din po kayong mga info kung may iba pang mga paaralan na may same na problem sa tubig?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Actually, lahat po – 532 water districts pinadalhan namin ng memorandum circular with an attached form to report all issues regarding water supply sa kanilang water districts. This covers both private and public schools. We are now processing all of those reports and we can hand it to you or share that to you once we’ve finished, hopefully by Monday or Tuesday.

MARICAR SARGAN/BRIGADA: Ito pong memorandum circular, sir, right after lang noong nag-utos si Pangulong Marcos?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Immediately after. Yes, immediately after.

EDEN SANTOS/NET25: Sir, wala po bang plano ang LWUA na i-takeover iyong mga sinusuplayan po ng PrimeWater para naman masiguro natin na tama, may sapat na supply ng tubig at malinis po iyong naibibigay sa mga consumers?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: It is one of the things that we may look at, but it’s not really … ang solusyon doon is to provide water immediately. Now, I believe the contracting party has obligations to meet so, una, simulan natin doon. Once if hindi talaga magagawan, we’ll cross the bridge when we get there.

EDEN SANTOS/NET25: Matagal na po itong mga joint ventures na ito ng PrimeWater, bakit po humaba pa, tumagal pa nang ganito sa ilalim ng Marcos administration? Ngayon lang ba talaga lumutang itong mga problemang ito? Kasi dati po, marami na rin kaming naririnig na issue about sa service at saka po sa supply ng tubig ng PrimeWater.

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Mabuti na ngayon ay naaksyunan kasi, actually, marami na talagang issues ito even before pa the Marcos administration came. In fact, lumubo nga ito before pa eh. So, right now, napapansin na. So, I think that’s something that we have to be happy with that right now, we are actually taking care of the consumers who are affected by this problem.

EDEN SANTOS/NET25: Opo, three years na po sa puwesto ang Pangulo, ngayon lang po ba ninyo napansin itong mga problemang ito kung matagal na po pala?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Actually, ma’am, kung three years na po ang Pangulo, one year pa lang ako – ngayon ko na inaaksyunan. So, maybe we should be asking other previous administrations. But I think to be fair with them, they have addressed the situation also; ngayon lang yata lumala.

IVAN MAYRINA/GMA7: Sir, I understand you said, you’re coming up with a report and then after the President appreciates the facts of the report, isyi-share ninyo sa amin. But what is the expected outcome of such a report in terms of improving the service of areas covered by PrimeWater?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Okay, what we’ve planned to do is to come up with short-term solutions as well as systemic long-term solution regarding this matter. It was unprecedented eh. PD 198 did not contemplate joint ventures with water districts, so that’s something that we have to face right now. It’s part of development and evolution of our economics.

So, after we present, we will address it in two ways: Short-term solution and a long-term systemic solution regarding this matter. Kasi utilities ito eh, hindi talaga naso-solve nang mabilisan.

IVAN MAYRINA/GMA7: What are we looking at? Is there a possibility that the contracts entered into by PrimeWater will be rescinded in favor of government so that we can probably improve the service kasi iyon naman ho ang bottom line natin dito eh, ‘di ba?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Bottom line, pero titingnan muna natin all legal solutions kasi the solutions here are both commercial and legal. So, again, once after the President appreciates the facts of the matter, then I can elaborate and elucidate.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, iyong sa Siquijor, ang nabalitaan lang kasi namin, may problema sila sa kuryente pero mayroon din pala silang problema sa tubig. Can you give us iyong situation po ng water problem doon at gaano ito kalala?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Well, a lot of people don’t know that most of the time, iyong water situation natin is dependent on the power situation. Water pumps are run by electricity. And I believe, iyon nga, one thing here is, sadly, it’s a Villar-affiliated firm also. So, SIPCOR power is under the umbrella of Prime Resources.

So parang ganoon ang nangyari – so, once usually nawawalan ng kuryente, there maybe a lack of capacity to pump water in that distribution network. That’s why one of our solutions is to ask for a genset to be provided there dedicated for water operations. Kaya kahit mawalan ng kuryente doon, maa-assure mo naman iyong mga tao, may tubig naman kayo.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero beyond the sort-term solution, sir, may nakikita tayo na a more permanent fix to the problem?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: LWUA, I have approved a financial package for the water district to improve their network. So, hopefully, that addresses their issue for the long-term.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Hi, sir. Good morning po. Sir, just a follow-up. Sinabi ninyo po, iyong review ng mga contracts ng PrimeWater lalo na sa Bulacan, iyong pinaimbestigahan ng Pangulo po, ay ongoing at tinitingnan po natin lahat. But, based sa inyong imbestigasyon and pagmo-monitor, nagkaroon po ba ng changes or improvement man lang doon sa situation din na nararanasan ng mga kababayan natin? Because as I recall or remember, iyong sinabi ni Usec. Castro last time, umiiyak na nga po iyong mga kababayan natin dahil sa problema sa PrimeWater sa Bulacan, Cavite, Laguna, Bohol and Pangasinan. Nag-improve po ba simula nang mag-order?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Thank you ‘no. Nagbigay ng catchup plan ang PrimeWater. Ngayon, pinag-aaralan namin iyong feasibility ng catchup plan nila kasi ‘di ba, sabay-sabay ito. So, we’re taking a look at ‘can they really do this?’, and then we are trying to match it with ‘is it feasible or mayroon bang mas mabilis na makakagawa nito?’. So, that’s what we’re looking at right now.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Pero, sir, iyong water supply sa mga lugar na iyon—

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Mayroon naman daw kaunting improvement. Marginal improvement but yet, we have to verify those things ‘no. Even iyong complaints nila ay bini-verify namin; we don’t do that haphazardly.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: How soon are you going to meet with the President, sir, to present iyong—

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: We will be asking for a schedule with the President. And once it’s done, I will report.

CHRISTIAN YOSORES/TELERADYO 630: Sir, isa rin po sa mga na-mention na complains ng ilang mga customers ng PrimeWater is iyong mataas din na singil nila despite nga po ng poor services. Iyon din po ba ay aim or part ng investigation to address? Ano po ang magiging resolution po doon?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: The solutions proposed are systemic, kasama po iyong regulation process niyan. Kasi noong time na iyon, iba po iyong tumatayong regulator ‘no, so mayroong issue na ganiyan na kailangan naming tingnan both legally and regulation policy-wise.

CHRISTIAN YOSORES/TELERADYO 630: Pero hindi po sa LWUA nagpapasa ang mga companies like PrimeWater kung mag-a-apply sila for adjustment sa—

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Dati kasi mayroong iba ‘no, ibang entity ang nagbigay sa kanila ng rates nila; that is part of the report. So once, again, that report is out, we will be happy to share.

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, Atty. Salonga, president of LWUA. At maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Good morning po, Usec. Usec., kagabi po ay nailabas ang request ng defense ni former President Rodrigo Duterte seeking, asking the ICC to grant him interim release on the grounds of he is not a flight risk, won’t commit further crimes, and that a member state is ready to receive him kung pagbibigyan po ng ICC. Ano po ang position ng Malacañang dito sa request na interim release lalo na siyempre iyong mga victims po ng drug war ay ang gusto nila pa rin ay accountability sa part ng former President?

PCO USEC. CASTRO: Well, unang-una, nabasa natin na parang iki-claim po nila or ilalagay po nila sa kanilang petition na that Mr. Duterte will not imperil proceedings if release; Mr. Duterte will not continue to commit crimes. So, in one way or another, the counsel admitted that the former President had committed such crimes – just a question – because they will include that in their motion or petition Mr. Duterte will not continue to commit crimes. So, may pag-amin ba rito?

Anyway, if that’s their strategy, sana lang po ay mapaniwala nila iyong mga ICC judges, at huwag nilang masabi later na ang kanilang mga ipinangako dahil may pangako sila sa kanilang petisyon ay masabing nagbibiro lang sila katulad nang nangyari sa pangako sa jet ski. But anyway, kanila pong strategy iyan at hayaan na lang po natin ang ICC ang mag-determine kung sila ba ay paniniwalaan at kung maga-grant iyong kanilang request for interim release.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: At kung anuman po ang maging desisyon ng ICC, the Palace or Malacañang will respect kung pagbibigyan man po itong interim release?

PCO USEC. CASTRO: Opo, nasa ICC na po kasi iyan, nasa kamay na po ng ICC kung ano po ang kanilang magiging desisyon or resolution on that matter.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Last question na lang po. Related pa rin po sa ICC but this time coming from Vice President Sara Duterte during a meeting with the OFWs in Kuala Lumpur. Ang sabi niya po, kasama niya rin kasi si Senator Imee Marcos, sabi niya, dinadala niya raw doon si Senator Imee kahit saan kasi hindi ako ang magbabalik kay dating Pangulong Duterte sa Pilipinas dahil ang kapatid mo – referring to President Bongbong Marcos – ang nagpadala sa kaniya sa The Hague; ikaw ang magbalik sa kaniya. So, how does Malacañang respond to this statement especially with former President Duterte now seeking interim release at saka iyong message nga po sa mga OFWs na si Pangulong Marcos daw ang nagpadala sa The Hague?

PCO USEC. CASTRO: Ito ba iyong binanggit niya na hostage niya si Senator Imee Marcos. Well, iyan po ay kasunduan ng dalawa – ng Bise Presidente at ni Senator Imee Marcos. Ang Pangulo ay walang partisipasyon sa kanilang naging kasunduan. The President is not a privy to the contract or agreement between a user and a person willing to be used. Walang kinalaman ang Pangulo sa kontratang kanilang pinasukan, iyong isang tao na manggagamit at isang taong willing magpagamit. At ang nais lang po natin sana ay … ang Pangulo po kasi ang sinabi niya ay tuluy-tuloy siya sa kaniyang pagtatrabaho, focus sa trabaho. Nadagdag pa nga po ang problema dito sa Siquijor. At kung ang Bise Presidente lamang sana ay nakipag-usap sa kaniyang kaibigan, baka hindi pa dumaan at dumating sa krisis na ito sa Siquijor.

EDEN SANTOS/NET 25: Good morning po, Usec. May we know po kung mayroon na pong bagong set or tranche ng mga nag-courtesy resignation po na tinanggap na ng Pangulo or tinanggihan?        

PCO USEC. CASTRO: Wala pa po tayong update sa ngayon.

EDEN SANTOS/NET 25: Regarding po doon sa sinabi ng Pangulo na nasa baba na o nasa mga Usec. na iyong focus po nang pagtingin doon sa mga performance ng mga nasa posisyon po na iyon, mayroon na po bang mga Usec., at mga nasa government agencies ang nag-submit na ng courtesy resignation din po at mayroon na bang tinanggap ang Pangulo o mayroong tinanggihan?                

PCO USEC. CASTRO: Wala pa pong natatanggap na memo na kailangang mag-submit ng courtesy resignation ang mga Usec., pero tuluy-tuloy pa rin po ang pag-i-evaluate sa kanilang performance.

IVY REYES/BILYONARYO: Good morning po, Usec. Yesterday po, Independence Day, sinabi po ng Kabataan Partylist na “Si Marcos ang pumatay sa wage hike bill dahil ayaw galitin ang rich boys club at kung tutuusin kung gusto ng Presidente taasan ang sahod, isang utos lang ng Malacañang mangyayari ito.” Ano po ang masasabi ng Palasyo po?

PCO USEC. CASTRO: Diktador ba ang Pangulong Marcos Jr.? Hindi naman po. Hayaan na lang po muna natin ang usapin na iyan sa Kongreso at ang Pangulo naman po ay hindi tutol sa increase, wage hike dahil ito po naman ay makakabuti sa mga manggagawa. Pero sa ngayon po, mayroon po tayong current process at tatandaan po ninyo na taun-taon naman po ay inaaral po ito ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board at sa bawat rehiyon, sa bawat lugar ay nagkakaroon po ng increase ng mga suweldo o sahod ang ating mga kababayan.

LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Ma’am, VP Sara raised doubts over the results of the recent midterm elections. Sabi niya, may nakausap siyang IT experts na nagsasabing hindi puwedeng totoo iyong mga numerong lumabas at sinabihan niya daw ang PDP na kuwestyunin kung paano ginawa ang proseso ng bilangan. How does the Palace view such a claim from the Vice President?

PCO USEC. CASTRO: Well, sa mga ganito kasi, wish lang nila iyon; libre naman ang mangarap. Ang pangarap na iyon sa ngayon ay hindi mangyayari. Ang pangarap sana ay huwag gawing reyalidad baka maraming maniwala. So, kung ano po ang resolusyon, ang naging resulta ng eleksiyon, igalang na lang po natin.

LETH NARCISO/DZRH: Hindi po ba nababahala iyong Palasyo na baka iyong ganitong mga pahayag ay mag-create ng kalituhan o gulo kasi siyempre kakatapos ng eleksiyon, baka may iba na hindi pa matanggap iyong kanilang pagkatalo, i-capitalize iyong ganitong statement?

PCO USEC. CASTRO: Kaya nga po iyan naman ang nakikita nating gusto nilang gawing naratibo – sirain pati ang institusyon, ang kredibilidad ng eleksiyon, pati na ang Comelec. Iyan ang talagang ninanais nila. Hindi naman siguro sila nagsasabi ng mga anumang positibo pagdating sa gobyerno o ginagawa ng pamahalaan. Sabi nga natin, mas maganda sana magtrabaho kaysa magbakasyon.

ANN SOBRADO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. The Philippine Constitution Association (PHILCONSA) led by Retired Chief Justice Renato Puno said na iyong order daw po ng Senate na ibalik sa House of Representative ang articles of impeachment para litisin si VP Sara raises grave constitutional questions and challenges the integrity of the impeachment process. Kaya nanawagan PHILCONSA sa Senate na i-uphold ang constitutional duty and proceed with the impeachment trial in accordance with the constitution and the rule of law. Ano po ang reaksiyon dito ng Palasyo?

PCO USEC. CASTRO: Ang bawat opinyon ng isang tao, grupo ay iginagalang po ng Pangulo. Ang sabi nga po ng Pangulo kahapon, ang totoong kalaban po ng kalayaan ay ang pagiging manhid. Nais pa rin po ng Pangulo na magkaroon ng katatagan ang demokrasya sa bansa.

ANN SOBRADO/BOMBO RADYO: Sa mga nangyayari ngayon, Usec., sa dalawang kapulungan ng Kongreso., may balak po bang kausapin ni Pangulong Marcos ang dalawang lider ng chamber?

PCO USEC. CASTRO: Actually, ang dalawa pong lider ng kapulungan, si SP Chiz Escudero at si House Speaker Romualdez, ay um-attend po ng vin d’honneur kahapon. At naniniwala naman po at may tiwala ang Pangulo na ang anumang mga hindi pagkakasundo sa mga issues ay mariresolba ng dalawang kapulungan. Ngunit ang Pangulo po ay open sa anumang diyalogo para po maisulong ang kooperasyon at ang katatagan po ng demokrasya sa bansa.

MARICEL HALILI/TV 5: Usec., magandang umaga po. Mayroon lang concerns coming from some members of the House of Representatives particularly Representative Chua na although nag-convene na iyong impeachment court, mayroong ilang mga senator-judges na lantaran na nagpapakita ng suporta sa defendant na si Vice President Sara Duterte, particularly Senators Imee and Marcos and Robinhood Padilla. What do you think of this?

PCO USEC. CASTRO: My opinion?

MARICEL HALILI/TV 5: Yes, ma’am.

PCO USEC. CASTRO: Sa batas naman po, sinasabi na kapag kayo ay tumayong senator-judges, dapat mayroon kayong neutrality, dapat hindi biased. Sa ngayon po, harap-harapang ipinapakita ang biases. Sana po, igalang nila ang taumbayan at magpakita naman ng kaunting kahihiyan dahil ang sinisilbihan nila ay ang taumbayan, hindi para sa iisang tao lamang.

TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, ma’am. Ma’am, napansin ko lang dalawang beses ninyong nabanggit na mas mabuti pa ngang magtrabaho na lang kaysa magbakasyon. Who are you referring to, ma’am? Mayroon ka bang pinatutungkulan na tao dito na nagbabakasyon ngayon?

PCO USEC. CASTRO: May nagbabakasyon po ba?

TUESDAY NIU/DZBB: Hindi ko po alam, kaya ko po tinatanong sa inyo.

PCO USEC. CASTRO: In general po, ang Pangulo po, aksiyon, aksiyon at aksiyon, hindi bakasyon. Iyan po lagi ang ginagawa ng ating Pangulo.

TUESDAY NIU/DZBB: So, wala kayong partikular na tao?

PCO USEC. CASTRO: Wala po akong partikular, maliban lamang po kung mayroon po kayong alam na nagbabakasyon ngayon.

IVAN MAYRINA/GMA: Nabanggit ninyo, Usec., that the President is open to a dialogue para to thresh out the differences in position sa upper and lower chamber. But is he going to initiate it para po hindi na lumala itong sinasabing possibility of a constitutional crisis?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, hindi ko po masasabi kung siya po iyong mag-i-initiate kasi may mga issues po ito, mas malala po ang isyu patungkol sa impeachment, ayaw pong lumugar ng Pangulo na masasabi na siya po ay nakikialam patungkol po dito. So, kung ang pag-uusapan lang po ay ang kanilang diskurso o hindi pagkakaintindihan tungkol sa impeachment, hindi po nakikialam ang Pangulo kung sila man po ay may pagtatalo patungkol diyan. Pero sa mga ibang issues po, malamang puwede.

IVAN MAYRINA/GMA: Yes, but at what point or in what issues is the President willing to intervene?

PCO USEC. CASTRO: Depende po kung gaano na po ba kalala, kasi may mga nakikita po tayo, may pagtatalo po sa wage hike, may pagtatalo rin po patungkol sa magna carta sa barangay health care. So, tingnan po at ia-assess po ito ng Pangulo, but still the President is open for a dialogue.

IVAN MAYRINA/GMA: Salamat po

PCO USEC. CASTRO: At bago po tayo magtapos, halos P4 bilyong pisong halaga ng shabu ang na-recover ng mga ahensiya ng gobyerno sa tulong ng mga mangingisda sa Pangasinan. Isinurender ng 29 fishermen sa PDEA, Philippine Coast Guard, PNP, Philippine Navy at NBI and 588 vacuum sealed plastic packs na naglalaman ng illegal na droga na may tinatayang street value na P3.9 billion. Nitong Mayo lamang ay may sampung mangingisda mula Bataan naman ang nag-surrender ng mga na-recover nilang illegal na droga na palutang-lutang sa karagatan ng Masinloc, Zambales; tinatayang nasa P1.5 billion ang halaga.

Hinirang na mga bayani ang mga nasabing mangingisda dahil sa agarang pag-alerto ng mga ito sa mga awtoridad.  Isa itong halimbawa ng mahusay na kooperasyon sa pagitan ng mga ordinaryong mamamayan at mga ahensiya ng gobyerno.

Nananawagan po tayo ang pamahalaan sa buong taumbayan: Makipag-ugnayan po kayo upang masawata natin ang mga iligal na gawain kahit saanmang panig ng bansa. Mabuhay po kayo.

At dito na po nagtatapos ang press briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps at magandang araw para sa Bagong Pilipinas.

 

###