PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.
Para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi sapat ang ‘business as usual,’ nais niyang maisagawa nang agaran ang mga programa para sa taumbayan. He wants to hit the targets on time hindi lamang sa legacy projects kung hindi pati sa mga maliliit at pang-araw-araw na isyu na nakakaapekto sa mas nakakarami. Mabilis at epektibong aksiyon ang utos ng Pangulo sa pamunuan ng mga departamento at ahensiya. At kapag hindi naka-deliver, they will all be out. Kapag hindi gumanap sa tungkulin, tatanggalin. Iyan ang mensahe ni Pangulong Marcos Jr.
[VTR]
Kahapon lang ay dumalaw ang Pangulo sa Epifanio delos Santos Elementary School.
[VTR]
At ang mga batang iyan, ang nakita natin, sila ang nangangailangan hindi lamang ng magandang edukasyon at kalinga mula sa mga guro kung hindi proteksiyon din mula sa mga mapagsamantala. Binigyan ng direktiba ng Pangulo si PNP Chief General Nicolas Torre III na siguruhin ang peace and order sa mga eskuwelahan. Mabilis naman ang pagtugon ng PNP nitong pagbubukas ng eskuwela – nag-deploy ng higit 37,000 na pulis para bantayan ang libu-libong public at private schools sa buong bansa.
Magtatayo rin ng mahigit 5,000 police assistance desk sa paligid ng mga paaralan. Mismong si General Torre ang bumisita sa ilang eskuwelahan upang masiguro na sapat ang mga pulis na gaganap sa kanilang tungkulin. Binalaan din ng PNP ang mga drug dealer pati ang mga militanteng grupo na maaaring mag-recruit sa mga kabataan, “Huwag nilang subukan.”
Narito ang iba pang mga direktiba mula sa Pangulo na ngayon ay pinapatupad na po ng ating kapulisan: Inatasan ng Pangulo si General Torre na palawigin ang police visibility sa mga komunidad; gawing mabilis ang pagtugon sa mga humihingi ng saklolo sa emergency hotline 911 at ang pag-implement sa five-minute response time. Paiigtingin din ang anti-illegal drug campaign strategy upang panatilihing payapa ang mga komunidad. Ngunit ang awtoridad na ibinigay at kapangyarihan ng mga kapulisan, hindi dapat abusuhin kung hindi dapat bigyang-halaga ang human rights.
Ang natatanging hiling ng Pangulo, maging panatag ang mga magulang na safe ang kanilang mga anak habang nasa paaralan.
[VTR]
Samantala, makakasama po natin si DSWD Secretary Rex Gatchalian upang bigyan tayo ng detalye tungkol sa supplementary feeding program para sa mga estudyanteng naka-enroll sa child development centers. Pag-uusapan din ang electronic transportation services para sa mga persons with disabilities. Magandang araw, Secretary Rex.
DSWD SEC. GATCHALIAN: Magandang umaga, maraming salamat, Usec. Claire. Nandito ho ako para magpaliwanag o ipaliwanag ang dalawang programa ng DSWD na ipinag-utos sa atin ng Pangulo.
Kung matatandaan ninyo, ang main na utos ng Pangulo sa DSWD, protektahan ang mga bulnerable. At sa amin, una, gusto naming talakayin iyong mga kabataan na nag-aaral sa mga child development centers natin or sa mga supervised neighborhood playgroups – ito iyong dating tinatawag na daycare centers. Naatasan ang DSWD—sa aming pananaw, very vulnerable ang mga kabataang ito dahil karamihan sa kanila ay nanggagaling sa mga mahihirap na pamilya.
Ang instruction ng Pangulo ay siguraduhin na may sapat na nutrisyon at pagkain ang ating mga kabataan na naka-enroll sa mga child development centers natin, kahapon nabanggit niya po iyon. Para sa 2025, magsisimula na po ang supplemental feeding program. Ang nakalaan na pondo ho diyan ay halos 5.1 billion; kulang-kulang 1.5 million na mga naka-enroll sa mga child development center ang makakatanggap ng araw-araw na pagkain for a 120 days. These are hot meals na pini-prepare sa mga centers mismo or sa mga local government units.
[VTR]
Okay. So, tulad ng nasabi namin, ang total na kabuuang budget na nakalaan para sa supplemental feeding program sa 2025 ay 5.182 billion at ang target natin na mabigyan ng hot meals sa mga child development centers natin, 1.5 million na mga learners. Ang unit cost per hot meal this year, pinataasan ng ating Pangulo – last year it was at 15 pesos per hot meal, ngayon magiging 25 pesos na per hot meal. This will ensure na sapat iyong nutritional value na natatanggap ng mga kabataan na magiging kalahok nitong supplemental feeding program sa ating mga child development centers. At on top of that, iyong mga undernourished na mga kabataan, makakatanggap ng fresh milk – that’s around 22 pesos per undernourished child.
Katulad ng sinabi ni Usec. Claire, pangalawa sa aming pakay ngayong umaga ay talakayin iyong aming persons with disabilities na programa. Nitong nakaraan na Sabado/Linggo sa kasamaang-palad, may isang video na nag-viral kung saan nakikita natin na may isang PWD tayong mamamayan na sinaktan sa loob ng public transport. Ang malungkot sa istorya na ito, na-trigger lamang iyong ating person with disability ngunit iba ang naging reaksiyon ng mga fellow na nakasakay sa loob ng bus – nabugbog iyong ating person with disability at na-taser gun pa sa dulo noong video na iyon.
Kami sa DSWD at sa aming attached agency na NCDA (National Council on Disability Affairs), nagpapasalamat kami sa agarang aksiyon ng Department of Transportation sa pamumuno ni Secretary Vince na kasuhan/parusahan iyong bus driver pati na rin iyong konduktor at magsagawa ng malawakang imbestigasyon hinggil sa kalagayan ng ating mga PWD na sumasakay ng public transport. Nakasuporta ang DSWD sa mga inisyatibo na sinimulan ni Secretary Vince hinggil sa kaso na ito.
Pero bago pa man iyan, ang amin sa DSWD ay naatasan kami ng Pangulo na siguraduhin na may safe spaces ang ating mga people with disability. Kaya nga since a year ago, mayroon kaming programa kung saan naglalabas tayo ng e-shuttles – these are electronic shuttles na binibigyang-prayoridad ang ating mga PWD na makasakay papunta sa kanilang mga trabaho. Sa kasalukuyan, corporate shuttle siya, ibig sabihin iyong mga PWD na nagtatrabaho sa mga kumpanya na nag-aarkila nitong mga shuttle ang nakakagamit.
Makailan, noong mga February, we launched it and then ngayong umaga ay nagdi-demo run na kami kasama ng mga PWD groups sa aming tanggapan kanina at ang target namin sa initial run, 20 na e-shuttles. Right now, uulitin ko, corporate shuttle sila pero magkakaroon kami ng regular run – ang target natin, magkakaroon ng regular run. And kanina nga nabanggit namin na ang initial route na tinitingnan nila ay iyong Quezon City route.
Ang mga e-shuttle na ito, bukod sa electronic siya, they are PWD-enabled, ibig sabihin may mga rampa, may mga sapat na espasyo para sa mga wheelchair and may mga CCTV cameras to make sure na safe space siya para sa ating mga people with disability na araw-araw pumapasok sa kanilang mga trabaho. Ang instruction nga ng Pangulo tulad ng nasabi ko kanina, siguraduhin na may safe na public transport at accessible na public transport para sa ating mga kababayan na may kapansanan.
At ang benepisyo pa nitong programa kaya napasok iyong DSWD – marahil iniisip ninyo bakit kami ang pumasok sa transportation – kung matatandaan ninyo mayroon kaming isang programa iyong Sustainable Livelihood Program. So, ito iyong naging Sustainable Livelihood Program ng ating mga organized PWD groups na kung saan binigyan iyong mga PWD groups ng almost two million pesos na grants at nag-invest sila dito sa mga e-shuttle na ito at sa katunayan nagdidibidendo na sila – they make around 30,000 a month iyong mga groups nila at dinidibidendo na iyon sa mga miyembro.
Ang isang Sustainable Livelihood…ang tawag namin SLPA – Sustainable Livelihood Program Association, ang bawat isa niyan ay binubuo ng around 150 na mga PWD na mga mamamayan natin. So, we have around 20 of them running already – so, kulang-kulang mga dalawang libong PWD na ang nakikinabang sa programa na ito. Not only do they get livelihood but nakaka-provide na sila ng safe, accessible public transport para sa kanilang sektor.
May video kami para puwede ninyong makita iyong tinutukoy namin na sasakyan.
[VTR]
DSWD SEC. GATCHALIAN: So tulad ng nasabi namin, iyong mga GET vehicles, iyong mga e-shuttles na iyan may 20 na tayo na tumatakbo o tatakbo in the next couple of days. They are a partnership between GET Philippines and iyong Sustainable Livelihood Program Association na binubuo ng mga PWD.
Ang layunin natin ay ma-scale up pa iyan para mas marami pang mga PWD na mga pasahero ang makasakay nang kombinyente, safe; at tulad noong sinabi noong benepisyaryo natin, public transport na para sa ating mga PWD. Kasi kung makita ninyo it was really designed for people with disability, maluwag iyong mga clearance niya, may enough na espasyo para ilagay iyong mga wheelchair at may ramp siya at the same time tulad noong paulit-ulit nilang sinasabi, they feel safer inside dahil may CCTV siya so we can monitor the activities inside the van.
So, ito iyong long-term program namin. Nagpapasalamat kami doon sa hakbang na ginawa ni Secretary Vince hinggil doon sa mga nanakit sa ating may kapansanan na pasahero. Pero kami ang layunin din namin nakikipag-ugnayan kami sa Department of Transportation para ma-scale up natin ang public transport para sa ating mga mamamayan na may kapansanan. Maraming salamat.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Secretary. When will the supplemental feeding program start? And among those 1.5 million children, how many are undernourished at paano po mamo-monitor if their conditions have improved?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Okay. June magsisimula and it will run for a 120 days expandable to 180 days; pangalawa, hindi pa natin alam iyong undernourished ngayon kasi at the start of the daycare session nagwi-weigh-in sila or not weigh-in but kinukuha iyong baseline ng mga timbang nila.
On top of paano sila mino-monitor, continuously sa mga local government units may ‘Operation Timbang’ sila kung saan sa midline ng programa ay tinitimbang sila ulit and sa dulo ng programa. Regular iyong monitoring and the data that they gather is submitted to DSWD.
So, hindi pa kita kayang sagutin kung ilan iyong undernourished kasi magtitimbang pa lang sila come June.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Sir, last na lang from me. Sa halagang 25 pesos po, can you detail on what food is provided po sa mga bata?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Mayroon iyang fixed na menu that works doon sa ‘Pinggang Pinoy’ na prescribed ng National Nutrition Council – we do not deviate from that. And also, hindi kami ang nagpo-procure nito, it’s community procurement done by local government units.
Babalikan ko iyong instruction ng ating Pangulo na dapat sa ganitong programa ang nakikinabang ay iyong mga magsasaka rin or iyong mga small agri coops sa lugar na iyon kaya nga we always encourage them to do community procurement o use the Sagip Saka Law wherein napa-prioritize sa procurement process iyong mga magsasaka natin at iyong agriculture coops natin.
Ang assurance namin sa inyo, sumusunod kami doon sa alituntunin ng National Nutrition Council hinggil sa ano dapat iyong pinapakain sa mga hot meals natin, ano iyong sini-serve na hot meals.
TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, Secretary. Sir, everyday kanyo iyang hot meals na iyan?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Hundred twenty days.
TUESDAY NIU/DZBB: Hundred twenty days. Sino ang magluluto ng mga iyan? Dadalhin ba iyan sa eskuwelahan, doon na lulutuin o luto na dadalhin? Paano ang magiging sistema?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Iba-ibang modality bawat local government unit. Dina-download ng DSWD iyong pondo sa ating mga local government units and they conduct their own procurement. Some local government units like the local government unit where I came from operates a central kitchen na nasa loob ng siyudad at dini-distribute; some local government units do it in the daycare center itself – may community cooking sila where the parents are involved.
Ag puno at dulo nito – ini-encourage natin ang community participation, sinisigurado natin na hindi ito centralize. Although in some cases wherein katulad ng ibang lugar na talagang walang capacity iyong local government unit mag-procure for some reason, ang nagpo-procure ang aming mga regional office at dini-deliver na lang sa mga local government unit iyong raw materials na gagamitin. But as a general rule, ang preferred modality namin is downloaded the funds to the local government units and they themselves conduct the community procurement and we encourage central kitchens or community kitchens in the daycare centers themselves.
TUESDAY NIU/DZBB: Doon sa isang program ninyo, sir, sa mga PWD – for now sabi ninyo 20 pa lang iyong mga available na transportation for PWDs, ilan po ba ang target na mga sasakyang ganiyan?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Well gusto talaga natin marami para every route katulad noong sinabi ng ating benepisyaryo na may kapansanan na may priority na nabibigay sa mga sumasakay na mga people with disability. Kasi kanina nga noong nakausap ko sila—by the way, nag-demo run kami kanina lahat noong news outfits ninyo naman mayroong beat sa DSWD, sumakay sila personally so they can get the riding experience videos, kombinyente talaga – mabababa iyong mga clearance, malapad iyong mga alley way niya.
So, ang layunin natin diyan ma-mainstream siya that’s why we’re going to work with Department of Transportation kung paano natin ma-scale up ito.
Iyong 20 na binabanggit ko, iyon iyong operated in partnership with PWD groups, pero itong GET Philippines marami sila niyan almost 70 na tumatakbo na, na PWD accessible public transpo. Pero kasi kami ang gusto nga namin iyong partisipasyon ng ating mga people with disability kaya sila iyong naging partner para iyong kinikita noong sasakyan ay napupunta doon sa association nila at nadidibidendo nila.
The goal talaga is palawakin, palawigin, paramihin not just in Metro Manila but also in the other Metro areas para mas magkaroon ng accessible at safe na space para sa ating mga people with disability. Kami kasi naniniwala kami na tama na we educate the public, but we also have to make sure na may sapat na mga probisyon sa public transport para sa ating mga PWDs. Alam ninyo kanina, kinukuwento sa akin nung naka-wheelchair natin na kasama, sabi niya hindi na siya nagtatangkang mag-jeep kasi for her, hindi naman feasible iyon; and then sabi niya, minsan kapag bus naman, napakataas ng steps, wala namang rampa.
So, ang layunin namin talaga is to make—ang instruction ng ating Pangulo is to make public transport accessible to all, most especially our people with disabilities.
MARICEL HALILI/TV 5: Magandang umaga, Sec. Sir, just small details lang, una po ano iyong wisdom doon sa 120 days, average period ba iyan para maka-recover iyong mga undernourished?
DSWD SEC. GATCHALIAN: No, that’s the running time ng mga daycare centers. Di ba, remember, they have a shorter period, sabay sila nagsisimula, speaking from my experience as a mayor, sabay sila minsan nagsisimula pero mas maaga silang natatapos, itong mga smaller children. We are looking at children from three to five years old. So, the 120 is expandable to 180, kasi it really depends – some local government units will try to extend the number of play dates or supervised neighborhood play meets or some will just keep it at 120 days. So, halos tugma lang siya sa kalendaryo ng day care centers or—I can’t call them day care centers anymore – child development center.
MARICEL HALILI/TV 5: Sir, doon po sa e-shuttles, libre po ba iyan, may bayad?
DSWD SEC. GATCHALIAN: No, they used their regular rates ng public transport on an average. Right now, they operate as corporate shuttles kasi marami tayong mga multinational companies na may inclusivity initiatives to make sure na iyong kanilang workforce ay reflective ng ating populasyon, very aggressive sila in putting people with disability in their work force.
So, right now, iyong mga shuttle na iyon, iyong 20 na pag-aari or in partnership ng mga PWD groups natin, they operate as corporate shuttles. Kasi marami sa mga kumpanya kanina na binanggit sa amin noong mga SLPA, Sustainable Livelihood Program Association, sabi nila, marami silang mga miyembro na may kapansanan na doon nagtatrabaho. But we really wanna scale this up para maging regular lines na siya at iyong una nilang linya na tinitingnan, Quezon City route.
MARICEL HALILI/TV 5: And kung may kasama sila, for example iyong PWD, are they also allowed na sumakay doon sa e-shuttle?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Yes, of course, they are allowed, but tulad nga ng sinabi namin, we are empowering our people with disability na kahit wala silang kasama, iyong public transpo ay angkop para sa kanilang circumstance. Hindi kailangan na laging may kasama, kasi we are trying to empower and mainstream our people with disability na kung ano iyong nagagawa natin, nagagawa din nila dapat at kaya nilang gawin iyon, except that sometime talaga iyong sitwasyon na ibinibigay natin sa kanila ay hindi angkop, tulad ng nabanggit ko in some cases, public transport is not accessible to our people with disabilities.
EDEN SANTOS/NET25: Sec., clarification lang po. Itong June magsisimula na feeding program para sa day care centers po iyan ‘no. Iba pa po ba iyong sinasabi ni Pangulo yesterday na maglo-launch next month ng feeding program?
DSWD SEC. GATCHALIAN: It’s the same, kasi sa amin, bago kami nag-i-start, may pre-work iyon, may social preparation tulad ng nabanggit ko, una, mayroon tayong logging in ng mga timbang ng mga kabataan pati iyong kanilang—I am talking about iyong nasa CDC, iyong child development centers. Sinisigurado natin na may record tayo nila lahat. Tapos mayroon iyang social preparation sa mga magulang pati na rin sa mga local government units. Kasi – I would assume – unlike sa DepEd kasi na ‘di ba ilang years silang nandoon. Sa amin naman, kadalasan one year lang sila nasa CDC, so we really have to prepare first the environment para masigurado natin na tama iyong execution ng mga warm meals natin.
EDEN SANTOS/NET25: Sa iba pong isyu, sa bullying. Sabi po ng Pangulo, parang ang DSWD po ang makakatuwang na ahensiya para doon sa pagtugon sa mental health problem ng mga bata na nagiging biktima po ng bullying, papaano po natin gagawin ito?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Both ways. Sa mata namin, ang kabataan ay isang bulnerableng sector. Iyong nang-bully, bagama’t siya iyong aggressor, mayroon din tayo dapat na intervention sa kaniya, mayroon tayo dapat psychosocial intervention. Kung matatandaan ninyo, kami ang lead agency na naatasan na humubog noong parent effectiveness sessions, kasi it all starts at home, Eden. Alam natin na iyong pagpapalaki ng mga bata, dapat aktibo ang ating mga magulang.
The parenting sessions na modules ay patapos na kasi na-procure na namin iyan, mayroon tayong mga child and family psychologist na mga experts na tumulong sa amin na gawin iyong mga modules to make sure na angkop siya sa panahon. Maraming topics iyon, nandoon iyong teenage pregnancy, nandoon iyong child and nutrition, nandoon iyong mga good morals and right conduct pero kasama rin iyong module on anti-bullying, kasi we have to make sure na naiintindihan ng lahat ng kabataan na mali iyong mang-bully and kung ikaw ang na-bully, as magulang, ano iyong puwede mong intervention sa loob ng tahanan.
EDEN SANTOS/NET25: So, wala pong ilalagay na mga psychologists sa mga eskuwelahan po?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Eden, kasi part na iyan ng DepEd na, I think nasabi na ni Secretary Angara na maglalagay sila ng guidance counselors or guidance advisers kung hindi licensed psychologist, at ang mga local government units dahil devolved ang social welfare sa kanilang mga social welfare and development offices, normally mayroon na iyang built-in na mga child psychologist that deals with social protection for children.
Saka babalikan ko lang, kami naman ang magpo-provide ng framework sa mga magulang, iyong mga modules na tinutukoy ko are framework that will give local government units para isang template tayo on parent effectiveness.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sec., quick question lang po doon sa shuttle. Are these exclusive only for those PWDs with visible disabilities?
DSWD SEC. GATCHALIAN: No, we do not discriminate. They are vehicles that will be used for people with disability in the entire different categories prescribed by DOH. Pero tulad ng nasabi ko, siyempre mas kombinyente para doon sa may mga wheelchair, sa mga visually impaired; but it’s open to all.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: How do we check, sir?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Actually, mayroon kasi silang pina-pioneer na app, nakita ninyo kanina may binabanggit siya na app. That is why it’s being scaled up, the app is where you register and then on demand eh, hindi lang nila naipakita kanina, the vehicles have geo tags, so makikita mo na saan iyong mga vehicle as they come along. Kanina sila na rin ang nagkukuwento sa akin kasi sila na iyong nag-o-operate nitong vehicle na ito. So, sabi nga nila lalabas na lang sila kapag malapit na iyong shuttle.
So that is the format that they are using, they are planning to use technology to make sure na nabibigyan ng prayoridad ang ating mga people with disability.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero so far, sir—Can they also present iyong kanilang PWD ID?
DSWD SEC. GATCHALIAN: I think they can, but tulad ng sinabi ko, sa app kasi doon na rin sila nagbabayad. So, it’s also a tap card. Kanina nakita ng mga counterpart ninyo sa DSWD, so they can explain to you the whole riding experience.
GILBERT PERDEZ/DWIZ: Good morning po, Sec. Nabanggit po ninyo kanina na may bayad po iyong sa e-shuttles. May prangkisa po ba itong mga ito at since e-vehicles po itong mga ito, eh iyong mga drivers po ba may mga lisensiya?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Yes, lahat iyan dumaan sa standards ng Department of Transportation. But right now, they are still operating as corporate shuttles. Wala pa iyong regular run; doon pa lang kami papunta kasama ang mga PWD groups na kasama namin this morning. Kaya nga na-identify na primary route na sana i-pioneer na, open to the general public would be the QC route. Kanina may binabanggit silang ruta. But lahat iyan ay masusing dumadaan sa alituntunin ng Department of Transportation.
GILBERT PERDEZ/DWIZ: Kasi ‘di ba, kapag may ruta, dapat may prangkisa?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Yes, pero wala pa naman siyang ruta ngayon, kasi corporate shuttle pa lang siya. Doon na kami papunta when we expand the program.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, good morning po. Sec., just going back doon sa feeding program. Mayroon ba tayong study na ginawa para iyong menu na ibibigay natin sa mga bata pasok doon sa panlasa nila? Since ang preference nila fried chicken, mga fast food?
DSWD SEC. GATCHALIAN: If I can draw from my experience as mayor, hindi lahat ng masarap ay masustansiya at hindi lahat ng masustansiya ay masarap. I will say that. Iyong behavioral change has to happen at an early age. Ito iyong prime age na turuan natin sila na hindi kailangan maalat, matamis, prito. The behavioral change o iyong ‘consuming change’ kung paano kumain, dapat sinisimulan natin sa murang edad at ito iyong edad na napaka-prime – three to five years old. So, paninindigan namin na iyong mga menus na na-develop ng tsinek ng National Nutrition Council at ng DOST-FNRI, iyon pa rin ang gagamitin namin.
Alam ninyo anecdote ako: Noong mayor ako, nag-start kami niyan puro may malunggay talagang hindi kinakain ng mga bata. Pero, kapag inulit-ulit mo at pinaliwanag mo sa kanila at this age, let’s not under estimate them, they will understand and by the end of the program they were eating that already—at least sa Valenzuela.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: So, at the same time, Secretary, parang educational na rin iyong gagawin natin feeding program sa kanila?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Lagi naman ang feeding program is coupled with behavioral change. Sabi nga ng Pangulo natin, dapat sa murang edad tinuturuan na natin sila na kumain ng tama. Even our pregnant and lactating women, dapat natutunan nila kung ano ba iyong mainam para sa kanilang pagbubuntis or during their lactating months.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, medyo lilihis lang ako ng isyu. May update ba tayo doon sa kampanya natin against fake PWD IDs?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Yes, mayroon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Ilan na ba iyong nakasuhan natin?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Ang hakbang namin is more on the preventive side. Kung matatandaan ninyo na nag-announce kami na magpa-pilot na kami ng unified ID issued out of our NCDA, NCDAs iyong commission na attached sa amin, National Commission on Disability Affairs, na procure na iyong system wherein nationwide we have plan to roll this out, na mabi-verify mo instantaneously through a live database or a cloud database kung tama iyong ID or hindi, kung validated iyong ID or hindi.
Kasi kung natatandaan ninyo noong minsan nag-brief kami sa department namin, there are points of potential fraud in the system: The first one, iyon ang sinasabi ni Secretary Herbosa na naglabas na siya ng mga memo circular iyong gumagawa ng medical certificates. So, mayroon kasi na noon it was, pagkakaintindi ko noong nag-meet kami, ang complain is hindi regulated and doctor can just issue. So, the memo circular of DOH came out early part of this year, if I’m not mistaken, January or Feb, kung saan nakasaad ang bawat kategorya may katapat na doktor na dapat espesyalista na nag-iisyu noong medical certificate.
Pangalawang source of fraud will be in the local government unit, iyong mga kakilala ka, in-encode iyong pangalan mo. Pangatlong source of fraud, iyong talagang salbahe na, pumunta nasa Recto, bumili na ng ID ‘di ba.
So, sa amin, DOH has flagged the first area, potential area of fraud with their memo circular na tina-tighten nila kung sino iyong puwedeng mag-issue ng which type of medical certificate. Pangalawa naman, DILG has tightened with their ranks of the local government units, ‘di ba, to make sure that those that are encoded into the database, kasi ang database galing sa local government unit, are really people with disabilities, at may kaakibat na medical certification.
So, ngayon nasa amin iyong bola, nag-procure na kami ng system, we’re going to roll it out shortly, iyong pilot, na unified na. That would solve iyong pumupunta sa Recto at bumibili ng ID. Kasi ito real time siya, when you scan the QR code or the security feature, it will come up sa database na active iyon at tamang ID iyon at lehitimong ID iyon. So, sa madaling panahon we’ll roll this out and will give you the necessary updates.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Pero, as far as filing of cases is concerned, Secretary, mayroon na tayong nakasuhan?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Local government units ang nagti-take ng lead, hindi DSWD, kasi remember social welfare is devolved; empowered ang kanilang mga social welfare and development offices. I will give you an example sa Valenzuela, they were the one who filed the case against those that faked their IDs or binenta iyong ID online.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Hi, Secretary, ano po iyong metrics or magiging batayan natin kung ie-extend iyong from 120 to 180 days iyong supplemental?
DSWD SEC. GATCHALIAN: One twenty lang talaga siya. The only reason bakit 180 sometimes ay kapag may savings na nadu-draw. Kasi they would do community procurement, so sometime they’ll go lower than the 25 pesos. So, we encourage them to reinvest in more food for the children.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: So, iyong 5.1 billion po ay good for 120 days?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Hundred twenty days iyan.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: And kapag may sobra po, saka lang puwedeng mag-extend?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Yes, kasi nga nari-resort to community procurement using the Sagip Saka law, mas mura iyong nabibili nila kadalasan.
LET NARCISO/DZRH: Good afternoon Sec. Sir, papaano lang po iyong magiging monitoring ng implementation ng program? May pinag-uusapan po tayong pondo na ida-download sa LGUs at binabanggit ninyo po iyong community procurement, paano maiiwasan iyong mga issue ng delayed payment halimbawa sa farms?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Okay, lahat sila doon sa MOA—bago naman kami nakakapag-download ng pondo, laging may memorandum of agreement na pinipirmahan between the local government unit and DSWD. At nakasaad doon, everything is subject to existing procurement laws and to Commission on Audit regulation. Kasi may mga in-house or resident COA naman ang bawat LGU, so nari-red flag iyan and kung na red flag ka, hindi na kami magda-download ulit sa inyo, regional office na namin iyong magpo-procure.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec., related sa question ni Pia kanina. Not all disabilities are visible to the eye. Iyong case po noong nag-viral apparently, he was in the spectrum and perhaps he should not have been in public transport in the first place, papaano ho natin ia-address iyong mga ganoong cases?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Ivan, I beg to disagree that they should not be in public transport because, like I said, our people with disabilities, we should put barriers to what they can do or where they can ride, where they can go. This is the country that embraces disabilities, and iyong pagkakaiba natin. Ang sa amin doon, two things: We will reach out to the bus company and transpo companies and work with DOTr on how to handle people with disabilities who, in that case, sa pagkakaintindi namin ay nag-act up kasi na trigger siya ng noise.
So, there are proper handling mechanisms at surely iyong bugbugin mo iyong isang may kapansanan ay hindi kasama doon sa handling na iyon, kahit hindi ka namin turuan palagay ko alam mo dapat na hindi ka nambubugbog; more so, iyong-taser gun mo. Palagay ko wala talaga iyan sa handling, kumbaga lahat tayo basic iyon, alam natin na hindi dapat sinasaktan ang ating kapwa lalung-lalo na iyong may kapansanan. So, iyong ‘they shouldn’t be there’ palagay ko, that’s a wrong premise, but rather we should educate the operators of these transpo companies na in the event that they are dealt with certain circumstances, how to handle. So, that is with us.
Pangalawa, again, opening more public transport that is friendly, that is accessible to our people with disabilities, so that’s why we brought this template with us, na nagkataon lang noong Feb namin sinimulang i-launch, tapos ngayon dumating na iyong mga units.
So, that’s why we are going to reach out sa DOTr on those two fronts: One, making sure na kaya namin mag-launch ng wide scale handling education information campaign sa ating mga transpo companies but regardless, some transportation are really not meant for people disability. So, that’s why we wanna expand this and scale this program up with the help of DOTr.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec., klaruhin ko lang, I did not make the assertion.
DSWD SEC. GATCHALIAN: I know.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Yeah, baka lang kasi ma-misinterpret that I’m making this assertion that people with learning disability should not be in public transport, I’m not making an assertion.
MARICAR SARGAN/BRIGADA: Sec., good morning. Balikan ko lang po iyong supplementary feeding program, iyong 1.5 million na enrolled po na mga magiging beneficiary nitong feeding program, lahat po ba ito ng LGU?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Whenever there are enrollments, this money will go to the enrollments kung nasaan sila kasi iba-iba iyong enrollment rate rin bawat LGU.
MARICAR SARGAN/BRIGADA: So, lahat na po ba ng LGU sa buong bansa mayroong CDC?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Yes, in fact, may ‘di ba kung matatandaan ninyo two months or three months ago, naglunsad iyong ating Pangulo ng pinakamalawak na expansion ng CDCs.
MARICAR SARGAN/BRIGADA: And iyong budget po ba, sir, per CDC uniform po ba iyong ibibigay or nakadepende sa number of participants?
DSWD SEC. GATCHALIAN: Depende sa enrollment. Mayroon kasi kaming, I don’t wanna go technical, but may information system kung saan ipinapasok nila iyong enrollment nila at doon din namin mino-monitor iyong progress noong bata as the school year progresses.
MARICAR SARGAN/BRIGADA: So, basta 25 pesos po iyong kanilang budget for day per child.
DSWD SEC. GATCHALIAN: Per child, per hot meal.
MARICAR SARGAN/BRIGADA: Thank you, sir.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Thank you very much, Secretary Rex. Napakalinaw at marami po ang matutuwa sa inyong good news, salamat po.
Maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan at kakayanin ko pong sagutin sa abot ng aking makakaya.
EDEN SANTOS/NET 25: Good afternoon po, Usec. Ang impeachment po against Vice President Sara Duterte ay kasama iyong confidential funds na sinasabi na hindi niya raw maipaliwanag kung saan ginastos. Alam naman po natin na mayroong nakaambang impeachment against President Ferdinand Marcos din ang Duterte Youth. Ang sinasabi po ‘Ang Pangulo ay pinakamalaking confidential funds sa budget ng gobyerno’, ito po bang prosesong pinagdaanan ng impeachment against VP Sara ay ganito rin pong proseso ang maaaring pagdaanan din, if in case po na mai-file na sa House of Representatives iyong impeachment against PBBM?
PCO USEC. CASTRO: Nasa kamay po iyan ng House of Representatives. At hindi po dapat natin ihambing ang naging sitwasyon ni Bise Presidente sa ating Pangulo, unang-una po ay wala naman po yatang ginastos ang ating Pangulo ng 125 million pesos sa loob lamang ng 11 days. Pangalawa, nagtatrabaho nang maayos ang Pangulo, nag-a-account ang Pangulo na naaayon sa batas.
Ang tanong natin: Nagkaroon ba ng Notice of Disallowance ang Office of the President patungkol sa confidential funds? Mayroon na ba tayong balita na gumagawa ng mga questionable receipts ang Office of the President patungkol sa confidential funds? Humingi rin ba ang Pangulo ng mga certificate mula sa AFP para pagtakpan ang nagastos na 15 million diumano patungkol sa youth summit na inamin naman ni Atty. Michael Poa na siyang ginawa nila para sa DepEd? Fifteen million pesos diumanong ginastos sa youth summit pero pinabulaanan ito ng AFP at sinabing ang certificate ay hiningi lamang sa kanila ng isang tauhan ni VP Sara at ito’y inamin nga po ni Atty. Michael Poa sa isang pag-iimbestiga sa Committee on Good Governance.
So, kung anuman po ang mangyayari sa sinasabing impeachment, bahala na po ang House of Representatives patungkol po diyan. Wala pong kamay ang Pangulo kung anong mangyayari sa kaniya.
EDEN SANTOS/NET25: But do you agree po, Usec., na iyong paggamit po ng mga aliases ay talagang normal po sa paggamit ng confi and intel funds?
PCO USEC. CASTRO: Mayroon po kasi tayong tinatawag na proper accounting, maliwanag po iyan sa Joint Memorandum 2015-01. Kahit sabihin po nila na ito’y aliases, dapat po ang mga tunay na mga dokumento ay alam po ng SDO, alam po ng gumamit, hindi po basta-basta puwedeng gumamit lang ng aliases. So, dapat po ito ay naka-account properly at iyong mga original na mga dokumento ay dapat po nasa vault ng nasabing ahensiya. At kapag po na-tap lang ng COA at nagkaroon ng pagtatanong, puwede po nilang ilabas ang lahat ng mga dokumentong ito. Hindi puwedeng magmaang-maangan ang SDO na wala siyang alam, at sa katunayan po ay iyong buong halos tao sa DepEd ay walang alam sa paggastos ng confidential funds ng DepEd maliban lamang po siguro sa Bise Presidente at kay Col. Lachica.
EDEN SANTOS/NET25: Speaking of impeachment, last question ko na lang, opo. Sabi po ni VP Sara ay kahit nandiyan ang impeachment o wala, ang investors’ confidence daw po sa ating bayan ay bagsak at iyong foreign direct investments sa ating bansa kaya huwag daw siyang gawing rason kung bakit pangit po iyong takbo ng ating ekonomiya.
PCO USEC. CASTRO: Iyan po ang kaniyang paniniwala. Kung iyan po ang gusto niyang gawing naratibo, wala tayong magagawa pero magbase lamang po tayo sa mga dokumento at iyong mga natatamasa po natin. Puro naman po siguro negatibo ang sasabihin ng Bise Presidente sa pamahalaang ito at nakita naman at pinatunayan niya na wala siyang balak tumulong sa Pangulo sa anumang isyu patungkol sa bansa. Nakakalungkot po iyon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good afternoon po. Usec., hingi lang sana ng dagdag na detalye doon sa pagpupulong ni Pangulong Marcos at saka ni Chief PNP and as well as the President is concerned, satisfied po ba siya doon sa police visibility na ipinatutupad ng PNP?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, napakabago pa po ng ating PNP Chief at nakikita po naman natin ang kaniyang mabilis na aksiyon. Sa katunayan ay nagtanggal nga daw po siya ng walong police chiefs dahil sa napakabagal at failure to implement ang five-minute response policy. So, ito’y magbibigay—at gigising sa mga kapulisan natin na hindi dapat tutulug-tulog kapag pagpuproteksiyon ang dapat ibigay sa taumbayan.
Marami pong napag-usapan ang PNP Chief at ang Pangulo, ito po ay mga proyekto – kaakibat nga po dito ay ang five-minute response time strategy na dapat ipatupad, nandiyan na rin po ang Oplan Balik-Eskwela 2025-2026, nandiyan din po ang anti-illegal drug campaign strategy, pati po ang training and educational program for Department of Justice, DOJ prosecutors and law enforcement agents. Nais din po ng Pangulo na makipag-collaborate ang PNP sa Commission on Human Rights para din po maproteksiyunan ang human rights ‘no, ang karapatan ng mamamayang Pilipino.
LETH NARCISO/DZRH: Good afternoon, Usec. Ma’am, ngayong araw po ay tumaas na naman ang presyo ng langis. Paano pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng pagsirit sa presyo ng mga bilihin epekto nitong oil price hike na pinangangambahang magtagal pa po dahil nga doon sa tensiyon sa Middle East?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Nakausap po natin si Ma’am Sharon Garin at sinabi nila’y minu-monitor nila closely ang Middle East situation at maaari pong magdulot ng issue kapag po talaga naisara itong Strait of Hormuz. Pero sa kasalukuyan po, ang oil companies po ay required na magkaroon ng 30-day inventory of fuel. At kapag po tumaas ang presyo ng crude oil ng mahigit sa 80 US Dollar per barrel, ang ayuda for fuel for public transport and fisherfolk ay mati-trigger po at kakailanganin na rin po na maabisuhan ang DA and DOTr patungkol po sa ayudang ito.
LETH NARCISO/DZRH: May direktiba na po ba si Presidente tungkol dito?
PCO USEC. CASTRO: I-monitor pong mabuti kung anong sitwasyon para po makapagbigay ng agaran ding solusyon at kahit papaano po ay ayuda kung talaga pong sobrang tataas ang presyo ng krudo.
LETH NARCISO/DZRH: Binanggit ninyo po iyong ayuda. Bukod po doon sa fuel subsidy na binanggit ninyo, may iba pa bang aasahang ayuda kung sakali?
PCO USEC. CASTRO: Kung sobra daw po talaga ang pagtaas at hindi maiwasan, makikipag-usap po ang DOE sa mga oil companies para po ma-maintain iyong inventory levels po at hangga’t maaari ay ma-spread out ang oil price adjustments. Iyan po ay siyempre boluntaryo po at nasa magandang pakikipag-usap po iyan.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good afternoon. Usec., according to DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, the government is eyeing to hire TUPAD workers as KADIWA store personnel para sa expansion po ng 20 pesos rice program nationwide though sinabi ni Laguesma na kailangan pa itong pag-usapan ng DA at ng DOLE, so ano po ang thoughts ng Palasyo dito?
PCO USEC. CASTRO: Maganda po ang adhikain ng memorandum of agreement na ito. Kanina lamang po ay nakausap natin si Labor Secretary Laguesma at handa na po silang ipa-implement ito para po makapag-generate naman po ng employment sa mga TUPAD workers at mangyayari lamang po nito ay… ang mga detalye patungkol dito ay aayusin lamang dahil una po, ang minimum na araw po ay 30 days at ang maximum na araw po ay 90 days. Kaya po maganda po ito dahil makakapagbigay ng employment sa mga TUPAD members and at the same time, minimum wage po ang ibibigay sa kanila.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Sa other issue naman, Usec. Kung magpapatuloy po itong kaguluhan sa Gulf region particular ang tensiyon sa Iran and Israel, nagbabadya po na maapektuhan din ang supply ng abono sa bansa lalo at 66% ng fertilizer imports ng bansa ay nitrogen-based at ang pangunahing supplier po dito ay ang Qatar. So, ang epekto po nito, tataas ang presyo ng abono sa lokal na merkado. May inilatag na po bang contingency plan ang gobyerno ukol dito dahil maaapektuhan din po ang ating mga magsasaka? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Nakausap po natin kanina lamang po si DA Secretary Laurel at sinabi po niya na ready naman po at kung mangyayari man po ito, maaari po tayong kumuha sa ibang parte ng mundo na malapit sa atin katulad po ng Brunei. At nakikita rin naman po ng DA na hindi naman ito magdudulot ng pangmatagalan na problema lalung-lalo na po kung hindi naman daw po isasara ang sea lanes, so let’s just pray for that.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good afternoon, ma’am. Iko-confirm lang po namin kung mayroon na po bang reports sa Palace kung ilan iyong mga—may mga usecs na po bang nag-resign at saka kung mayroon po bang other changes sa Cabinet?
PCO USEC. CASTRO: Sa usec, wala pa po kaming…mayroon, may nag-resign, Si Ma’am Ana Puod. Pero iyong iba po na nawala na sa posisyon, 27 po iyong expired term at ang iba naman po na-accept naman po iyong courtesy resignation.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Sa Cabinet level po, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Wala pa po tayong update sa ngayon.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Thank you po.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Usec. Usec., sa vlog po ni PBBM nabanggit niya iyong false reporting – may we know which agencies or projects were reportedly marked as accomplished but were found to be otherwise? Gaano po ito kaseryosong offense and have the concerned agencies completed po itong mga proyekto na ito ngayon?
PCO USEC. CASTRO: Tamang-tama iyong tanong mo dahil nakausap natin ang Pangulo patungkol diyan. Okay. Ang sabi ng Pangulo, may mga ahensiya na nagbibigay ng report pero kapag tiningnan mo hindi tama. So, kung ito man ay hindi tama at intentionally done, hindi po magiging maganda ang lagay ng nasabing opisyal. Hindi na po tayo magbabanggit kung anuman itong departamento o ahensiya pero kapag po hindi na-explain nang mabuti kung bakit hindi tugma ang kaniyang report sa katotohanan ay maaari po siguro siyang pagbuksan ng pinto.
CATHERINE VALENTE/MANILA TIMES: Hi. Good afternoon, Usec. Usec., regarding lang sa ICC, may isa pong international law expert, si Sir Arnedo Valera, ang sabi niya po iyong request ng Duterte camp to be transferred to a third country while facing ICC is supported by established international rules. What’s the Palace take on this po?
PCO USEC. CASTRO: Unang-una po, hindi po tayo makikialam kung anuman po ang istratehiya ni Atty. Kaufman at ni dating Pangulong Duterte. Tandaan po natin, sa isang court battle ay lagi naman pong dalawa ang sides nito – affirmative, negative; depende kung nasaan kang posisyon.
At iyon nga lamang po, sinasabi nila ay maaari po itong pagbigyan at ang iba naman po ay nagsasabing hindi dapat pagbigyan dahil nandoon pa rin daw po iyong issue na flight risk, at nandiyan pa rin po iyong maaaring pananakot na maidudulot ng mga Duterte, at kahit iyong mga supporters umaalma ang ibang mga witnesses at ibang mga pamilya ng biktima diumano na nakakatanggap sila ng online harassment.
At sabi nga natin, kung anuman ang magiging istratehiya nila Atty. Kaufman, gawin po nila iyan at wala pong magiging pakialam ang Pangulo, ang Palasyo, ang gobyerno patungkol po diyan.
Ang abiso lamang po natin, sana huwag magsinungaling sa kanilang pleadings, huwag gamitin ang Pangulo sa propaganda nila at huwag mamulitika using the President’s name – iyon lang po.
TUESDAY NIU/DZBB: Hello, ma’am. Follow up lang po, ma’am, doon sa resignation ni SUSEC. Ana Puod, ito po ba ay bahagi noong courtesy resignation na hiningi ni Pangulong Marcos or nagkusa po siyang mag-resign, irrevocable po ba iyan at ano po ang dahilan?
PCO USEC. CASTRO: Sa mga usec po kasi wala naman pong direktiba na kami ay maghain ng courtesy resignation. Depende na lamang po sa Pangulo kung ang mga usec, asec at ibang mga director ay hindi tumatalima sa direktiba ng Pangulo – iyon po ay maaaring matanggal.
At boluntaryo po kay Miss Ana Puod ang kaniyang pagri-resign at kung anuman ang kaniyang dahilan personal na po sa kaniya iyon.
TUESDAY NIU/DZBB: Follow up lang po, ma’am. So far, ma’am, sa mga usec, asec and directors ng PCO, ilan na po lahat iyong mga nawala sa kanilang posisyon – either tinanggap iyong kanilang courtesy resignation or hindi na ni-renew iyong kanilang services?
PCO USEC. CASTRO: Sa aking pagkakaalam po sa PCO po ay 17 ang natanggap ang courtesy resignations.
TUESDAY NIU/DZBB: Tinanggap ang courtesy resignation po?
PCO USEC. CASTRO: Yes po.
TUESDAY NIU/DZBB: So, we expect, ma’am, na may mga bagong maa-appoint na kapalit nila?
PCO USEC. CASTRO: Most probably; hindi po natin sigurado iyon. Kung sila ay kawalan at kailangan ng isang magaling na tauhan sa kanilang posisyon definitely dapat itong mapunan.
TUESDAY NIU/DZBB: Okay. May plano po ba ang PCO or si Secretary Jay na maglabas ng list kung anong mga posisyon at least iyong mga nabakante?
PCO USEC. CASTRO: Isasangguni ko po sa kaniya iyan mamaya.
TUESDAY NIU/DZBB: Salamat po.
PCO USEC. CASTRO: Okay. Okay na po? Mayroon pa? Karagdagan lamang po: Kahapon po ay nagtanong patungkol po doon sa eskuwelahan na nasunog kung ano po ang naging aksiyon ng DepEd sa direktiba po ng Pangulong Marcos.
Ayon po kay Secretary Sonny Angara, kahapon po ay nagpadala raw po sila ng mga silya at mga bentilador para po mapunan iyong mga nawala at nasunog. At hindi po diyan nagtatapos, initial pa lamang po iyon at mayroon pa pong parating na aksiyon at ayuda para po sa eskuwelahan at sa mga estudyante ng nasabing eskuwelahan.
At isa pa po, isa pa pong anunsiyo o pagpapabatid: Sana makarating po ito kay Senate President Chiz Escudero dahil natanong siya muli. Noong sinabi ko sa inyo kahapon na isyu, na wala po akong binanggit na makikialam or open for a dialogue ang Presidente when it comes to impeachment issues. Maliwanag ko pong sinabi na maaari lang po siyang makipag-diyalogo kung hindi na maganda ang sitwasyon patungkol sa mga isyu sa bills, sa batas, but not with regard to the impeachment issues.
Pero mayroon po kasing nagtanong sa kaniya at iyon din po iyong tinanong, kung ano ang kaniyang opinyon dahil sinabi ng press officer na handa ang Pangulong makipagdiyalogo patungkol sa impeachment issues. Sana makarating po ito kay Senate President Chiz Escudero dahil alam ko po na ang kaniyang opinyon ay tama, pero parang mali po kasi iyong pagkakatanong sa kaniya. So, muli, uulitin ko po ha, hindi po open ang Pangulo sa anumang diyalogo patungkol sa impeachment trial or proceedings.
Balik po tayo sa mga balita: Dahil sa sitwasyon ng Bulkang Kanlaon, ilang paaralan sa Negros Occidental at Negros Oriental ang ginamit bilang evacuation centers para masigurong ligtas ang ating mga kababayan. Sa kabuuan, 11 na paaralan ang naging evacuation centers, lima sa Canlaon City, apat sa La Castellana at dalawa sa La Carlota City. Hiniling ng Pangulo na tiyakin na handa at ligtas ang mga paaralan upang makabalik ang mga estudyante sa pagbubukas ng klase.
Bilang tugon, nagkaisa ang Office of Civil Defense, Department of Education, DSWD at mga lokal na pamahalaan para mabilis na mailipat ang mga evacuees sa tented shelters at mas angkop na pansamantalang tirahan. Kaagad din nating nilinis at inihanda ang mga paaralan para sa pagbabalik-eskuwela. Ngayon, unti-unti nang nakakabalik ang mga bata sa kanilang mga silid-aralan.
Patuloy ang pagtutok ng gobyerno sa kaligtasan ng mga bata at mga guro habang mino-monitor pa rin ang sitwasyon sa bulkan at handang magbigay ng suporta kung kinakailangan sa kabila ng mga hamon na ito. Nais nating masiguro na hindi mapuputol ang pag-aaral ng ating mga kabataan.
[VTR]
At bago tayo magtapos, bente pesos na bigas, mabibili na ng mga minimum wage earners. Pinalawak na ang sakop ng P20 o Benteng Bigas Mayroon Na rice program.
Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas accessible ang de kalidad na bigas sa taumbayan, pinirmahan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel at Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang memorandum of agreement na layong isama ang minimum wage earners sa nasabing programa. May higit 16,000 minimum wage earners na ang nakinabang sa nationwide rollout ng bente pesos na bigas nitong June 13. Target din ng programa na bigyan ng alokasyon ang aabot sa 500,000 to 600,000 minimum wage earners sa katapusan ng taon.
At dito na po nagtatapos ang ating press briefing ngayong araw. Magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
##