Good morning, everyone.
I am here today at NKTI to have a look at the additional facilities but also to start the new programs that we have instituted wherein the coverage of PhilHealth for dialysis patients and for kidney transplant patients has been increased and the coverage of PhilHealth.
And that is why we are looking at the facilities. Mukha naman maganda naman – pinaganda na ‘yung mga facilities ngayon dito. Mayroon pa tayong itinatayo na building for hemodialysis patients. And that we will be able perhaps puwede na natin tingnan ‘yan by the end of the year.
But this is because ang pinakamataas talaga, one of the highest incidences of diseases in the Philippines is chronic kidney disease. So, this is why we have responded in this way.
Basahin ko muna ‘yung kodigo ko para hindi ako magkamali. Before, noong nakaraan, ang sinasagot ng PhilHealth ay 144 sessions ng dialysis. Ngayon, ang sinasagot na ng PhilHealth is 156 sessions.
At dati mayroon pa ring binabayaran ang pasyente ‘pag nag-dialysis. Dahil may kulang pa, kailangan pa mag-payout ang mga pasyente.
Ngayon hindi na. Tinaasan natin ang halaga ng coverage. Mula dati sa P4,000, ngayon ay ginawa natin P6,350. Para sa kabuuang benepisyo halos isang milyon or P990,000 lahat-lahat. [applause]
Nilakihan natin ang coverage. Sumunod noong 2024, ang coverage ng PhilHealth para sa kidney transplant ay P600,000. Ngayon, palalakihin na natin hanggang sa P2.1 million na ang coverage para mabawasan ang… [applause]
At sa unang pagkakataon, mapapatupad na nung PhilHealth ang Benefit Package para tugunan ang gastusin para sa kidney transplant patients. Kasama ‘yung immunosuppressive na medication, drug prophylaxis, antibiotics, at iba pa.
Mayroon ding suporta para sa ating mga donor dahil sila din ay naooperahan. Kaya kailangan din bantayan at tiyakin na sila ay nasa magandang kondisyon.
At tapos bukod pa roon, hindi lang sa PhilHealth, pinarami pa namin ang listahan ng gamot para dito sa ating mga pasyente na VAT-free, hindi na magbabayad ng buwis pagpasok upang maibaba natin ang presyo ng mga gamot.
Ngayon, saan nanggagaling – bakit tumataas ang ating problema sa chronic kidney disease? Ito ang pinanggagalingan nito ay diabetes. Dahil ang nangyari sa katagalan ng panahon ay ang Pilipino naging masyadong – kasi sweet tayo, masyado naman tayong mahilig sa matamis.
Kaya kailangan din nating gumawa ng programa, turuan ang ating mga kabataan huwag lang matatamis ang kinakain. Huwag lang naghahanap lalong-lalo na ‘yung refined sugar. Mabuti lang kung ‘yung tamis makuha sa prutas, makuha sa gulay, okay ‘yun, kasi ibang klaseng asukal ‘yun. That’s fructose, that’s not glucose. So it’s easier to metabolize.
So, iyon ang kailangan natin ituro sa ating mga kabataan. Imbis na uminom ng mga softdrink, ay uminom sila ng fruit juice. Matamis din naman eh.
Imbis na maglagay ng asukal, puro matamis ang kinakain, eh matuto namang kumain ng Ilocano diet na medyo may mga mapait, may mga ampalaya, may mga ganoon. Eh nakakabuti ‘yan para mapaganda naman natin ang kalusugan ng ating mga kabataan.
But that is a long-term plan that we will have to institute. Kailangan natin ng tulong ng mga magulang, ng mga teacher, pati na sa industriya na sabihin naman natin ‘yung mga naghahanda ng mga fast food. Bawasan naman nila ‘yung paglagay ng asukal para naman ay ‘yung mga kabataan natin ay hindi mapunta sa ganitong kondisyon at nakakaunawa sila na kahit na – kahit na ‘yun ang hinahanap nila ay hindi nakakatulong sa kanilang kalusugan.
But in any case, until we improve the situation in our children’s diets, our people’s diets, we are here, the PhilHealth is here, the government is here, and we recognize the needs of our sick na kababayan, na may karamdaman na kababayan, ay para naman ay lahat ng kanilang pangangailangan ay matutugunan ng ating PhilHealth at saka ng ating mga facilities kagaya nitong NKTI.
Okay? Maraming salamat sa inyong lahat. Good morning!
— END —