PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.
Twenty pesos rice rollout sa Zapote Public Market, labis na ikinatuwa ng mga mamimili. Lubos ang tuwa ng mga residente at mga vendors sa Zapote Public Market nang bisitahin sila ng Pangulo nang personal na pinangunahan ang paglulunsad ng Benteng Bigas Mayroon Na sa mga pampublikong pamilihan.
Para sa mga senior citizens, ang benteng bigas ay malaking bagay sa kanilang pang-araw-araw na gastusin lalo na sa ibang beneficiaries na walang permanenteng hanapbuhay. Totoong ginhawa ang nilalayong dalhin ng benteng bigas sa mga mamamayan. Sa halip na tumungo sa malayong lugar ang mga mamimili, inilapit na sa kanilang bilihan upang hindi na sila mahirapan sa pag-commute at pagbitbit ng nabiling bigas.
Ang nais ng Pangulo, patatagin at palawakin pa ang sakop ng Benteng Bigas Mayroon Na nangsagayun ay wala nang Pilipino ang magugutom:
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Mas pinaigting pa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang operasyon laban sa iligal na droga. Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mula July 2022 hanggang May 2025, umabot na sa 62.17 billion pesos na halaga ng dangerous drugs ang nakumpiska ng ahensiya. Umabot na rin sa 110,563 anti-illegal drug operations ang naisagawa ng PDEA na nagresulta sa pagkahuli ng 149,020 na mga drug personalities kabilang ang 9,506 high-value targets.
Mula July 1, 2022 hanggang May 31, 2025 umabot na sa 4,027 barangay ang naideklarang cleared sa illegal drugs, ito ay sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program.
Nakapagsampa na rin ang PDEA at iba pang law enforcement agencies ng kaso laban sa 141,827 drug suspects kung saan 53,939 sa mga kasong ito ay naresolba at ang 47,438 ang nahatulan, alinsunod na rin sa direktiba ng Pangulo na palakasin ang drug demand reduction activities upang malayo ang taumbayan sa iligal na droga.
Umabot na rin 9,713 drug offenders ang nakakumpleto ng reformation process habang 2,761 naman ang nabigyan ng hanapbuhay. Umabot na rin sa 607 Balay Silangan Reformation Centers ang naipatayo sa ilalim ng Marcos administration:
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.
EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Usec. Kaugnay po ng binanggit ninyo about illegal drugs ano po, may we know po kung anong mga barangay, kahit ilan lang po, iyong 427,000 na binabanggit ninyo na na-clear na sa illegal drugs?
PCO USEC. CASTRO: Okay, sa ngayon, iyan pa lang po ang ating natanggap at wala po tayong detalye patungkol sa barangay. Hihingiin po natin mula sa PDEA at ibang law enforcement agencies iyong sinasabi po nating barangay.
EDEN SANTOS/NET25: Okay, follow-up lang po. Saan pong area itong Balay Silangan Drug Centers, iyong address po?
PCO USEC. CASTRO: Sige po, mamaya po ay ibibigay ko sa inyo ang exact address. Okay, salamat po.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, ma’am. Si DILG Secretary Remulla po says that he will ask President Marcos for authority to suspend classes tuwing may bagyo. Sabi po niya, mas madaling mag-coordinate kapag sa DILG daw po manggagaling iyong suspension ng classes. Ano po ang masasabi ng Pangulo tungkol dito, and does the Palace see the wisdom behind this?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay wala pa pong opisyal na sagot ang ating Pangulo patungkol sa suggestion po ni Secretary Jonvic Remulla. At ito po ay pag-aaralan dahil kung ito naman po ay makakabuti sa mas nakakarami, pag-aaralan po ito at magbibigay ng maaaring tugon ang Pangulo patungkol diyan. Pero as of the moment, kung ano ang nagiging sistema natin sa kasalukuyan kung saan ang mga liderato ng mga ahensiya ng LGU na siyang nagbibigay ng kanilang utos or order kung mayroon mang suspensyon ng klase, iyon po muna ang mananatili.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero so far po, may nakikita pa po ba kayong areas of improvement partikular dito sa polisiya na ito o iyong kung paano po nagsu-suspend ng klase iyong mga LGUs at ang mga paaralan lalo na po na may mga magulang pa rin na nagrireklamo na minsan nasa school na ang bata, saka pa lang magsu-suspend ng klase?
PCO USEC. CASTRO: Mas maganda po nating itanong ito sa mga liderato po ng mga LGUs. Sa kasalukuyan po kasi at paminsan-minsan, medyo hindi rin po agad yata naibibigay sa kanila iyong mga information para po sila ay makapag-decide agad. Pero sa pamamagitan po ninyo at ng taumbayan, kung maaari pong makapagbigay agad ang mga heads ng LGUs ng mabilisang order o kanilang panukala kung dapat isuspinde ang klase, dapat po talaga na mas mabilis para hindi pa po nakakalabas ang mga bata at mga magulang, hindi na po naiipit kung nagkaroon man ng baha o traffic.
ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Panahon na po ng tag-ulan at may mga bagyo na rin tayong inaasahan. So, gaano po ba kahanda ang gobyerno para tugunan ang mga hindi inaasahang epekto dulot ng mga pag-ulan, pagbaha at mga posibleng bagyo na rin na paparating? May direktiba po ba si Pangulong Marcos doon sa mga concerned agencies and sa mga local government units?
PCO USEC. CASTRO: Yes, totoo po iyan, napapanahon na po talaga dahil ngayon ay Hunyo at nararamdaman na po natin ang tag-ulan. Kagabi lamang po ay malakas ang ulan sa aming lugar. Sa inyo siguro ay malakas din ang ulan.
Pinag-utos na po ng Pangulo na agaran po ang paglilinis ng mga drainage dahil ito po ay makakatulong po na maiwasan ang mabilis na pagbaha lalung-lalo na po dito sa Metro Manila.
Ayon nga po sa MMDA, mayroon na po silang 23 priority estero sa NCR gamit ang makabagong equipment o mga machinery para po malinis nang agaran, itong mga estero po. At maliban po diyan, pinag-utos din po sa DOLE at saka sa DPWH. Bakit po? Dahil po maaasahan po natin iyong mga TUPAD beneficiaries na tumulong sa paglilinis ng ating mga estero.
At para naman po sa NDRRMC, kailangan po iyong local disaster offices ay maging handa bilang first responders sa mga ganitong klaseng pagkakataon.
At pinag-utos na rin po ng DILG na palakasin po ang disaster preparedness measures ng bawat lokal na pamahalaan. At pinaiigting na rin po, ayon sa DILG, at babasahin ko po, “Activation of emergency operation centers, evacuation preparedness, updated contingency plans, community drills and exercises, at ang enforcement of no-build zones.” So, asahan po natin ang mga susunod na mga hakbang ng ating mga opisyal para po mas maging handa pa sa mga darating na panahon.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Mensahe na lang po ng gobyerno, ng Malacañang sa ating mga kababayan lalo na po doon sa mga lugar na prone po na daanan ng bagyo at mga pagbaha?
PCO USEC. CASTRO: Asahan ninyo po ang gobyerno na kikilos para sa inyo pero sana rin po kumilos din po kayo para sa taumbayan. Iwasan na po nating magkalat, magtapon ng mga basura sa mga lugar na mas madalas na bahain. Minsan po tayo rin po ang nagiging dahilan kung bakit mabilis bumaha sa ating lugar.
So, maglinis po tayo. Huwag po nating itapon ang basura nang walang responsibilidad. Iyon lang po, sana po makatulong tayo sa bawat isa.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Maraming salamat, Usec.
CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Magandang umaga po, Usec. Kahapon po may panibagong update po na nilabas iyong lumabas na witness si Alyas Totoy doon po sa kaso ng mga missing sabungero and may mga pinangalanan po siyang ilang mga kilalang personalidad. Mayroon po bang panibagong direktiba ang Pangulo sa mga ahensiya kaugnay po ng imbestigasyon dito?
PCO USEC. CASTRO: Ito naman po ay trabaho po ng DOJ at ng ibang law enforcement agencies po natin. Sinuman, anumang katayuan sa buhay, kung sila man ay personalidad na kinikilala, wala pong sisinuhin ang Pangulo at ang administrasyon. Kung may dapat na panagutan dapat lamang pong maimbestigahan nang mabuti para mabigyan ng hustisya ang mga pamilya ng sinasabi nating missing sabungeros.
CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Ma’am, follow up lang po. Bukas po ba ang Pangulo sa possibility na ituring na state witness itong si Alyas “Totoy?”
PCO USEC. CASTRO: Depende po ito sa makikita po ng DOJ – ie-evaluate po ang testimony niya at kung sino pa iyong ibang mga witnesses na puwedeng gawing state witness. Depende po iyan sa kanilang katapangan, sa katotohanan ng sasabihin nila at iyong pagkakataon na mag-recant sila ng kanilang mga testimony. So dapat nandudoon iyong tapang at paninindigan na sabihin ang katotohanan.
ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Good morning po, Usec. Ma’am, may mga information na itong si Alyas “Totoy”, si Julie “Dondon” Patidongan ay tumakbong mayor po sa Barobo, Surigao del Sur under Partido Federal ng Pilipinas which the President chairs. May nababanggit po bang information or kilala po kaya personally ni Pangulong Marcos itong si Patidongan?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, wala pa pong nakakarating sa atin patungkol sa ganiyang issue. Hindi bale po, ipaparating po natin sa Pangulo para po maging aware din po siya.
ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Thank you, ma’am.
CATHERINE VALENTE/MANILA TIMES: Good morning, Usec. Usec., an anti-political dynasty has been reintroduced po sa 20th Congress, ano po ang latest stance ng Pangulo regarding political dynasty?
PCO USEC. CASTRO: Siguro po mas maganda kung maibibigay nila ang pinakadetalye at buong nilalaman ng bill na ito dahil mahirap po sa ngayon na mag-oo o maghindi ang Pangulo. Mas maganda pong maibigay iyong pinakadetalye dahil maaaring magandang maidulot nito sa ating bansa. Tingnan po natin! Basta po, ang Pangulo naman ay para sa bansa at para sa mga lider din naman, mga opisyal na gusto rin namang maglingkod. So, dapat balanse ang lahat.
CATHERINE VALENTE/MANILA TIMES: Pero, ma’am, will he support such a law given na the President himself comes from a political family po?
PCO USEC. CASTRO: Titingnan po natin. Hindi nga po natin agad masasabi kung magsusuporta ba siya o hindi siya magsusuporta – depende po sa nilalaman ng bill mismo.
KENNETH PACIENTE/PTV: Hi, ma’am. Good morning. Ma’am, naghain po ng panukalang batas si Senator Ping Lacson na layong i-regulate po iyong paggamit ng internet ng mga minors dahil sabi po niya batay sa pag-aaral ay posible po itong magresulta sa mental health issues, ano po iyong pananaw dito ng Palasyo po?
PCO USEC. CASTRO: Muli, kung ano iyong makabubuti sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa mga kabataan, kung ito po talaga ay magko-cause ng mental health issues, sususugan din po ng Pangulo iyan at makakakuha siya ng suporta basta po ito ay para sa taumbayan at lalung-lalo na para sa kabataan.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. President Marcos expressed openness to legalizing divorce when he came to office but he urged that the process should not be made easy. May we know po kung iyong position ni Presidente sa issue na ito ay pareho pa rin o nagbago na dahil noong nakaraang Kongreso po ito ay naaprubahan sa Kamara pero hindi lumusot sa Senado, ngayon po nai-file na ulit iyong bill?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay wala pa pong klarong stance ang Pangulo patungkol sa divorce bill. Sabi nga po natin, mas maganda po talagang makita kung ano iyong nilalaman na provisions sa sinabi nating divorce bill dahil sa ating pagkakaalam ang karaniwan doon sa mga provisions or sa mga dahilan para i-approve ang legal separation ay sinama nila para maging dahilan na rin para mapawalang-bisa ang kasal, hindi lang through legal separation.
So, mas magandang maaral kung papaano ito dahil tandaan po natin kahit tandaan po natin kahit pa ang simbahan naman po ay nag-a-allow ng annulment kaya may tinatawag tayong church annulment dahil kahit po ang Simbahang Katoliko ay naniniwala na may mga pagkakataon na ang dalawang mag-asawa kung hindi na po talaga kakayaning magsama ay dapat na pong paghiwalayin kaya po may tinatawag tayong mga church annulment.
So, tingnan po natin at muli kung ano ang magiging maganda para sa taumbayan. Pero mas maganda po sana at iyon din po ang nais ng Pangulo na mas paigtingin natin ang magandang pagsasama ng mag-asawa, mas palawigin natin na mas maresolba ng bawat mag-asawa ang kanilang problema para maayos ang kanilang pamilya, hindi lang para sa kanilang dalawa kundi para sa kanilang mga anak.
LETH NARCISO/DZRH: So, may tsansa po ba na suportahan niya ito ngayong 20th Congress?
PCO USEC. CASTRO: Depende po. Muli, kapag po maganda ang provisions at makikita rin po natin na ang bawat simbahan ay umaayon na ito ay dapat at nararapat, maaari po itong bigyan nang magandang tugon ng Pangulo.
CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Usec. Twenty pesos a kilo of rice is now available to more areas. However po, farmers worry that it could affect traders buying price of palay at i-justify po ng mga traders iyong pamamarat. How would the government responde to this? At warning po sa mga traders na magti-take advantage sa mga magsasaka. Salamat po.
PCO USEC. CASTRO: Opo. Iyan po ang ginagawa yatang dahilan ng mga traders para bumili nang mas mura na palay mula sa mga farmers. Iyan po ay walang katotohanan ayon sa DA dahil mas bumibili sila ng marami na palay nang hindi makakaapekto sa presyo, pagbili ng NFA sa mga farmers.
So, ang panawagan po ng gobyerno at ng pamahalaan: Ang mga farmers na nakakaranas ng ganitong klaseng pagtrato ng mga traders at gusto nilang murang bilhin ang mga palay dahil ginagamit nilang excuse itong bente pesos na programa ng Pangulo. Sabihin lamang po sa amin sa DA, sa DILG, sa DOJ at kami po ang magdidemanda sa mga traders na umaabuso.
Muli, sa mga farmers natin, sa mga magsasaka natin, huwag po kayong matakot. Basta lamang kumpletuhin ninyo ang inyong mga ebidensiya hangga’t maaari para po ito ay maging dahilan sa amin para sila ay habulin at idemanda. Maaari po kasi itong maging kaso na economic sabotage kaya huwag po kayo mag-atubili na magsumbong sa amin.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Usec., base sa inilabas na country classifications ng World Bank, nananatili ang Pilipinas sa kategoryang lower middle-income. Ito ay sa kabila ng target na maging upper middle-income ang Pilipinas ngayong taong ito. What does the Palace have to say about this at ano kaya ang naging pagkukulang at bakit ganito ang naging resulta?
PCO USEC. CASTRO: Okay, inaamin po natin sa ngayon na hindi pa po natin natutuloy ang papunta sa upper middle-income status pero maganda naman po ang nagiging progreso ng ekonomiya dahil sa gumagandang gross national income per capita simula 2024. Pero muli, pag-iibayuhin pa rin po ng pamahalaan para po kung anuman ang ninanais ng Pangulo para po sa ating ekonomiya at para sa taumbayan, pipilitin po natin itong maabot kahit po siguro mayroon pang mga kondisyon globally, sa mga nangyayari ngayon. Dudoblehin pa rin po ang pagsisikap ng pamahalaan para po mas maabot natin ang ninanais na maitawid natin ito sa pagiging upper middle-income status.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Mayroon po bang gagawing tweaks ang gobyerno sa mga plans and programs to prop up the economy? And, is the Marcos administrations still confident that we can realistically achieve this goal within his term?
PCO USEC. CASTRO: Yes, lagi pong positibo ang Pangulo, pati ang economic team, pati ang buong administrasyon. So, kakayanin natin iyan.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Iyong tweaks po if any, what can you tell us about what the government aims to do to achieve this?
PCO USEC. CASTRO: Kakausapin po natin in particular the economic team para po mabigay natin sa inyo ang detalye patungkol diyan.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Sorry, ma’am, idadagdag ko lang. Related naman doon sa tanong ni Pia tungkol sa pagsususpinde ng klase. Sa isang banda, of course, nais po ng mga lokal na pamahalaan na maging ligtas ang mga mag-aaral pero sa kabilang banda, mayroon po tayong education crisis and sometimes you get concerns na bakit maya’t maya naman walang pasok – kaunting ulan, walang pasok; mainit, walang pasok. One day out of school is one day less of learning. So, papaano po kaya dapat balansehin ang pagsuspinde ng klase?
PCO USEC. CASTRO: Okay, siguro pag-uusapan ito dahil minsan ang klima, ang typhoon ay hindi natin talaga ito napi-predict basta-basta. Siguro dapat makausap din natin ang DepEd, kung if ever magkakaroon ng no classes, magkaroon din muli ng online classes on that particular day. Maganda pong magiging suhestyon iyon.
Mga ongoing road projects sa Mindanao, ininspeksiyon ng Department of Finance. Siniguro ng Department of Finance na maayos na nagagamit ang pondo ng taumbayan sa mga makabuluhang proyekto. Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na tiyakin na kada piso mula sa kaban ng bayan ay mapupunta sa mga infrastructure projects na may malaking impact sa buhay ng mga ordinaryong Filipino. Dagdag pa ng Pangulo, dapat ay mabilis ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay upang agad itong mapakinabangan ng karamihan.
Binisita ng DoF, kasama ang DPWH at ADB, ang R.T. Lim-Siocon Road na bumabagtas sa Zamboanga-Sibugay at Zamboanga del Norte. Tinaguriang economic growth corridor ang nasabing proyekto dahil inaasahang mapapabilis nito ang economic development sa dalawang probinsiya at buong Mindanao. Nasa 24.6 kilometers ang kabuuang haba ng ginagawang kalsada kabilang ang anim na bagong tulay. Sa ngayon ay nasa 95% completion na ito, at inaasahan namang mabubuksan na sa publiko sa darating na Setyembre. Mas mabilis na daloy ng mga produkto, pasahero at serbisyo publiko ang maaasahan ng mga mamamayan sa pagtatapos ng proyekto. Patunay lamang ito ng pagtupad ng administrasyon sa pagpapaunlad ng bayan, walang rehiyon ang maiiwan:
[VTR]
Goodbye gutom, iyan ang sambit ng mga residente ng Barangay San Isidro, Pampanga dahil sa pagbunga ng kanilang community garden. Patuloy ang pag-unlad ng 7,000 square meters na barangay community garden sa pangunguna ng Proyekto Lawa at Project Binhi ng DSWD. Tumungo si Welfare Secretary Rex Gatchalian sa Barangay San Isidro para kumustahin ang mga beneficiaries at samahan sila sa pagtatanim. Nilalayon ng mga proyekto na ito na gawing self-sufficient ang beneficiaries at matuto sila ng tamang paraan ng pagtatanim ng gulay. Sa ganitong paraan ay masisiguro ng buong barangay na may laman ang bawat hapag-kainan. Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Marcos Jr., na kada pamilyang Filipino ay may sapat na masustansiyang pagkain sa araw-araw. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang bawat pamilya ay mahalaga:
[VTR]
At bago po tayo magtapos, isang Israel update po mula sa DMW. Sa kasalukuyan, iyan po ang pinaka-update as of July 2025: Magkakaroon po muli ng repatriation, batch 38-A, aasahan po na makabalik sa Pilipinas, nitong July 3, eight OFWs; batch 38-B sa July 4, 12 OFWs; at batch 39 sa July 6, 25 OFWs.
Tandaan po natin na nagkaroon na po tayo ng 26 na na-repatriate na mga kababayan natin, at ang 195 ay nagkakaroon pa po ng pagdadalawang-isip kung sila po ay babalik sa Pilipinas. Pero tandaan po natin, nakita po natin sa ating screen, pati po ang pagtulong sa ating mga kababayan ay makikita po. Kaya po ang sinasabi na walang ginagawa at walang plano ang pamahalaan patungkol sa ating mga kababayan in relation to the Israel-Iran conflict, iyan po ay isang malaking kasinungalingan.
At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.
###