Speech

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. During the Tour and Inspection of the General Santos Fish Port Complex and Ugnayan with the Fisherfolk


PRESIDENT MARCOS: Nandito lang kami para tingnan kung ano ‘yung mga sistema na ginagamit ninyo para sa fisheries natin. Dahil sa palagay ng ating Secretary na kilala niyo na naman na talagang isa sa pinakamalaki sa industriya ng fisheries dito sa Pilipinas ay nauunawaan niya kung ano ‘yung potential ng fisheries para sa Pilipinas.

Kaya sinabi ko dalhin niya ako rito, ipaliwanag niya sa amin kung ano ‘yung mga kailangan ninyo. Sa aming palagay, ang nakikita namin na – siyempre ‘yung cold chain kailangan lalagyan natin… Nagtayo ka na pala nung ano ng malaking cold storage dito. Pero kailangan pang dagdagan.

Kaya gagawin namin ang lahat para naman masuportahan ‘yung buong – hindi lamang ‘yung cold storage, kung hindi ‘yung buong cold chain para ‘yung mga huli na nahuli na natin ay pagdating sa market ay maganda pa rin at ‘yung quality nung isda ay ma-maintain para siyempre mas maganda ang benta.

Kaya ano pa sa palagay ninyo ang kailangan natin? In your view, what else — ?

DA SECRETARY FRANCISCO TIU LAUREL JR.: Mayroon tayong bago, sir, na testing facility na itatayo rito. Laboratory.

PRESIDENT MARCOS: Ah testing facility. What are we testing for?

SEC. LAUREL: Iyon nga ‘yung mga histamine, fish quality pati sa – pang-shrimp, mayroon tayong testing for shrimp para fresh.

PRESIDENT MARCOS: Ah sa shrimp, ah sa shrimp, oo. Sikat na sikat ‘yung shrimp natin sa abroad. ‘Pag binili mo ‘yung black prawn sa Philippines.

SEC. LAUREL: Oo, ‘yung black tiger, sir.

PRESIDENT MARCOS: Black tiger prawn, oo. All right, sige. Maraming salamat at mabuti naman at nakadaan ako rito at nakita ko.

Nakapunta na ako rito pero hindi pa ganito kalaki noon. Ngayon ay napakaganda na. Kaya gagawin namin ang lahat para… Bubuhayin natin ulit ang ating industriya ng fisheries. Dahil pagka pinag-aaralan namin ‘yung mga pangangailangan sa kinakain ng Pilipino, napakahalaga sa diet ng Pilipino, sa kinakain ng Pilipino ‘yung isda, ‘yung seafood.

Dahil siyempre marami tayong – 7,000 islands ang Pilipinas kaya napupunta talaga sa ano [applause] sa fisheries ang pag-asa.

Kaya kayo muna – kaya tutulungan – gagawin namin lahat para ‘yun na nga, ‘yung mga sistema, magtatayo tayo ng mga fish port, mga agricultural port para mabawasan ang ating transport cost.

Pati ice plant para doon sa maliliit na bagsakan eh mayroong pagkukuhanan ng yelo para hindi lamang para doon sa lugar, para paglabas, ‘pag lalaot ang mga bangka, may dalang yelo para laging sariwa ‘yung inyong huli. [applause]

Okay, so, sige lang patuloy niyo. Malaking kontribusyon ng GenSan at lahat ng fisheries industry sa pagpapakain sa buong Pilipinas.

Kaya ipatuloy ninyo. Maraming, maraming salamat sa inyong ginagawa. Hindi lamang sa food supply kung hindi pati sa pag-export natin.

Nagulat nga ako, ‘yung tine-testing doon na isda, napupunta pa raw sa Amerika ‘yan. Eh nakakatuwa naman na ang Pilipinas nakakapag-export hanggang sa Amerika.

Kaya ang laki rin ng kontribusyon sa ating ekonomiya itong inyong industriya kaya’t kailangan eh ang pamahalaan ay nandiyan.

Kaya nakakatiyak naman kayo, kagaya ng aking nasabi, ang ating Secretary of Agriculture eh kasama ninyo sa industriya ninyo. Kaya gagawin na… [applause]

Tuturuan tayo kung papaano ang gagawin para matulungan kayong lahat.

All right. Maraming salamat. Magandang umaga sa inyo. Good morning. [applause]

— END —

Resource