PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.
Trabaho para sa mga Pilipino. Alinsunod sa commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng trabaho ang maraming Pilipino, nakapagtala ang Pilipinas ng mataas na labor force participation rate ngayong taon. Sa ulat ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev), batay na rin sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na sa 65.8% ang labor force sa bansa nitong May 2025 – mas mataas ito sa 64.8% na naitala noong May 2024, nangangahulugan na mayroong dagdag na 1.4 million Filipinos ang kabilang sa labor force sa ilalim ng Marcos administration. Aabot na ngayon sa kabuuang 52.32 million na katao ang may trabaho sa bansa. Bumaba naman ang bilang ng unemployment rate noong May 2025 – 3.9% mula sa 4.1% noong May 2024. Layon ng Marcos administration na pataasin pa ang bilang ng mga Pilipino na mabigyan ng trabaho sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Sa laban ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kontra illegal gambling at fraud operations, naaresto ng Bureau of Immigration ang apat na mga Korean nationals sa magkakahiwalay na operasyon ng ahensiya katuwang ang Korean at ilang mga local enforcers. Kinilala ang apat na Koreano na sina Oh Kyoungchul, leader ng isang gambling syndicate na may operation ng illegal video gambling sa Cebu mula 2016 hanggang 2018; Yang Koo Youn na nahuli habang isinasagawa ang pag-aresto kay Oh, napag-alaman ding overstaying na ito sa bansa; Jung Hoesung, kabilang sa blacklist ng Bureau of Immigration at wanted sa Korea dahil sa pagpapatakbo ng 23 illegal gambling platforms; Han Jonghoon, nagsilbing finance leader sa illegal gambling ng platform kung saan konektado si Jung. Nakakulong na ngayon ang apat na Korean sa Bureau of Immigration Warden Facility habang pending ang kanilang deportation.
[VTR]
At maaari na po akong tumanggap ng inyong mga katanungan.
CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Good morning po, Usec. Has the Philippine government received any official communication from the US about changes in tariff rates for its products and where are we with negotiations as the deadline for trade bills is set to end tomorrow while tariffs are set to take effect on August 1?
PCO USEC. CASTRO: Natanong po natin mismo si Secretary Frederick Go at sa kasalukuyan po ay wala pa po patungkol po sa tariff at patuloy pa rin po ang pakikipagnegosasyon.
CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Can we say po na we are at a good place po on the trade deal negotiations?
PCO USEC. CASTRO: Sa ating palagay opo dahil ang dalawang bansa naman po, ang Pilipinas at ang US ay nagkaroon po ng pagkakasundo na magkakaroon po ng kooperasyon para sa economic development naman po ng Pilipinas.
CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Follow up question, Usec. Vietnam has reached an agreement po with the US na na-lower po iyong tariff nila to 20% from 46% and next week, Secretary of State Marco Rubio will visit Malaysia to discuss tariffs. Mayroon na po bang—ano po ang pag-usapan nila doon na concerned ang Philippines? Kasama na po ba doon iyong negotiations din natin?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay wala pong naibigay na detalye sa atin patungkol diyan pero definitely po ang pag-uusapan diyan ay para sa ikabubuti ng bansa natin at ekonomiya.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, ma’am. Hingi lang po ng Palace reaction. Former President Duterte’s legal team is seeking to submit before the ICC iyong report po ng Senate Committee on foreign relations on the former President’s arrest. They say that the report will prove that the arrest was the result of a whole-of-government approach to bring down the Dutertes and result of political maneuvering designed to politically cripple his family. Reaction lang po.
PCO USEC. CASTRO: Yes, for the fees he has allegedly been demanding from his client, former President Rodrigo Duterte, he should do better than that. He should concentrate on his defenses, he should concentrate on the allegations and admissions of the former President of his killings and that he ordered the killings of some people in relation to war on drugs, and he also admitted that he will double the EJK killings once elected as a mayor. He should concentrate on that. That is supposed to be part of his defense for his client.
He should also remember that this case was filed as early as 2017 so wala pa po si Pangulong Marcos, ang administrasyon na ito para po ibintang ang mga ganitong klase sa kasalukuyang administrasyon. So, dapat mas pagbutihan pa po niya ang pag-research ng kaniyang mga facts para po hindi po siya maligaw.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So ibig sabihin, ma’am, wala po kayong nakikita na weight na maibibigay itong report ng Senate Committee on foreign relations sa ongoing case ni dating Pangulong Duterte?
PCO USEC. CASTRO: Baka maging negatibo pa po sa kanila.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Bakit po?
PCO USEC. CASTRO: Kung makikita po siguro ang pag-iimbestiga doon at makikita kung papaano ito ginawa, siguro hindi naman po bulag ang ICC judges para makita kung ano ba talaga iyong maaaring naging katotohanan dito.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning po. Usec., kumusta na po iyong preparations na ginagawa ng Pangulo para sa kaniyang fourth SONA?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Ang sabi po sa akin hanggang ngayon pa ay nagpi-prepare pa rin po at kailangan po na maging mas maganda ang pag-uulat sa taumbayan patungkol sa kaniyang mga naging proyekto at mga achievements and accomplishments.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: So, Usec., can you provide us at least parang sneak preview noong aasahan natin sa July 28?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon, wala pa po akong mabibigay na detalye. Baka po sa susunod na mga linggo makapagbigay na po ako.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: One last na lang on my part, Usec. Reaction po ng Palace doon sa “Designated Survivor” proposed bill ni Senator Lacson.
PCO USEC. CASTRO: Siguro buuin po muna nila para po magkaroon ng tamang reaksiyon ang Pangulo at ang administrasyon dahil kung wala pa pong nakalagay kung anumang provisions, mahirap pong sumang-ayon at humindi.
ANNE SOBERANO/BOMGO RADYO: Usec., good morning. Tanong ko lang po kung may napipisil na po ba o napupusuan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging susunod na ombudsman kapalit ni Ombudsman Martires at ano po ba iyong mga requirements or quality na nais ng Pangulo para sa isang ombudsman?
PCO USEC. CASTRO: Iyan po ay nasagot na natin noon, pero sa kasalukuyan ay wala pa pong natatanggap na shortlist ang Pangulo. At katulad ng ating sinabi, dapat po isang matino, matapang, fair – iyon po ang mga pangunahin, ilan lamang sa mga pangunahin na dapat na magiging isang katangian hindi lang ng ombudsman, lahat ng public servants.
MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po, Usec. Ma’am, si Mrs. Zimmerman mentioned na buto’t balat na daw si former President Rodrigo Duterte. Do you think this is a cause of concern considering that the investigation about the alleged human rights violations is still ongoing?
PCO USEC. CASTRO: Sa napanood po natin na pagsasalita ni Ma’am Elizabeth Zimmerman, sinabi niya na pumayat, yes, pero mukhang healthy ayon sa kaniya at he’s okay. Ang sabi pa nga daw ng dating Pangulo ay, “You go home. I’m fine. I’m okay…” at hindi na daw siya nagti-take ng medicine ‘no, parang maintenance so it’s good for him according to Ma’am Elizabeth Zimmerman. At iyon din naman ang ibinalita ni VP Sara, ng Bise Presidente kanina yatang umaga. So, saka mas maganda po talaga na natitingnan naman po ang kaniyang kalusugan doon mismo sa The Hague so hindi naman po pababayaan ang dating Pangulo doon.
MARICEL HALILI/TV5: So, you don’t see this as a cause of concern given the situation?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, dahil mismo ang pamilya niya ang nagsabi na okay po ang Pangulo, ang kailangan na lang po siguro niya ay exercise.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Hi, Usec. Good morning po. Usec. si Senator Mark Villar naglabas ng statement over the weekend in reaction ito doon sa naging pahapyaw na resulta noong LWUA probe ‘no, ang sabi niya po ay, he has no direct or indirect control or interest in PrimeWater and took no part in its deals while at DPWH. So, given this, could you explain po noong Friday noong sinabi ninyo po about posibleng tumaas iyong mga naging deal ng PrimeWater noong time ng 2019 at noong DPWH Secretary si Mark Villar. Anong reaction ng Palace doon sa statement ni Senator Villar?
PCO USEC. CASTRO: Ang pag kaka-describe lang naman natin ay mas dumami noong 2019 at noong ito ay na-attach nga sa DPWH iyong LWUA, okay. Ang LWUA kasi ay attached agency dati ng DPWH at hindi tayo nagbibigay ng insinuation na dahil kay Secretary at that time, Mark Villar, dahil nagkataon kasi siya iyong namumuno sa DPWH. At sa aking pagbabasa, wala siyang naging partisipasyon patungkol dito sa mga transaksiyon.
Mas maganda nga po sana kung siya ay nagkaroon nang mas malalimang pagpa-participate dahil baka mas naiwasan pa iyong problema ng PrimeWater. Iyong lang.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: On another topic lang po. Si Senator Migz Zubiri sabi niya po tinawag niya iyong impeachment efforts na witch hunt. Ang sabi niya po kasi, “It is aimed at removing Vice President Duterte from the 2028 race,” dahil po iyong survey lead. Ang sabi pa nga po niya ay, “They want to remove her from public service para iyong iba makaupo, mawawalan ng kandidato na kalaban pagdating sa halalan ng 2028”. At natanong din po ito kay Vice President Duterte sa The Hague, ito lang po kasi nandoon po siya at nag-a-agree nga po siya na ito ay isang witch hunt. Ano po ang reaction ng Palace?
PCO USEC. CASTRO: Unang-una, wala po tayong kinalaman sa anumang mangyayari sa impeachment trial. Pero bilang isang senator-judge, mas maganda po tama po iyong dating sinabi ni Senator Chiz Escudero na umiwas sa ganitong mga klaseng mga pananaw dahil minsan nakikita kung saan sila kumikiling.
Unang-una, witch hunt ang sinasabi nila tungkol sa impeachment trial, ‘ni hindi pa nga po nakapag-start ng trial. So, parang isang judge na nagsabing hindi na siya guilty habang hindi pa dinidinig ang anumang ebidensiya.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: So, kung may mga ganoon po ba dapat po bang mag-inhibit na iyong mga senator-judges na may kinikilingan?
PCO USEC. CASTRO: Hindi dapat mag-inhibit, pakita na lang nila sa tao kung paano sila kumilos at gumalaw para sa taumbayan.
KENNETH PACIENTE/PTV4: Hi, ma’am. Good morning. Ma’am, balikan ko lang po iyong naging ulat ninyo sa Labor Force Survey. Kunin ko lang po kung ano po iyong reaksiyon ng Palasyo sa development na ito at ano po sa tingin ninyo iyong mga naging hakbang ng pamahalaan para maabot po iyong ganoong resulta?
PCO USEC. CASTRO: Yes. Siyempre po masaya po at malugod na tinatanggap po ng Pangulo ang pag-uulat na iyan dahil nakikita po natin ang pagpupursige ng administrasyon para mabigyan ng magandang trabaho ang mga kababayan nat9in.
Sa ating mga pag-uulat ng noong mga nakaraang araw marami po talaga tayong naibigay na job fairs, na-conduct na job fairs para ito talaga sa ating mga kababayan at pagpupursigihin pa, hindi ito natatapos dito, kumbaga eh hindi ito para magpunyagi, kailangan mas maganda pa ang ipakita ng administrasyon para makapagbigay pa ng mas maraming trabaho sa ating mga kababayan.
AILEEN TALIPING/ABANTE: Good morning, ma’am. Ma’am, doon sa sinabi ni Senator Zubiri na ang Pilipinas ay valedictorian na sa online gambling, ano po ang reaksiyon ng Palasyo dito at ano ang magagawa ng Ehekutibo habang naghihintay tayo ng batas para mapatigil ang mga ito?
PCO USEC. CASTRO: Katulad p ng sinabi natin kahapon, mayroon nga pong proposal ang DOF patungkol po sa pagpapataas ng tax at iyan po ay aaralin at sabi nga po natin din kahapon, ang Pangulo po ay nakikisimpatiya sa mga pamilya na nabibiktima ng ganitong klaseng gambling dahil po iyong iba nilang kasama sa bahay ay nagiging gumon sa pagsusugal.
So, iyan po ay tinitingnan din po ng Pangulo para mas maganda po ang maging polisiya pagdating po sa online gambling.
AILEEN TALIPING/ABANTE: Follow up, ma’am. May magagawa po ba ang Ehekutibo especially iyong mga agencies na involved dito kung puwedeng ma-regulate iyong mga social media influencers na nagpo-promote ng online gambling?
PCO USEC. CASTRO: Pag-aaralan po iyan dahil baka sabihin naman nila freedom of expression na naman ang sinasawata natin diyan.
So, pag-aaralan po lahat iyan at mabigyan ng tamang direksiyon at judgment on that matter.
AILEEN TALIPING/ABANTE: Thank you, ma’am.
PCO USEC. CASTRO: Okay. Mayroon lang po tayo, katulad ng ating ipinangako, nakuha na po natin ang tugon ni Secretary of Foreign Affairs Maria Theresa P. Lazaro patungkol po doon sa issue ng pag-ban ng China kay Senator Francis Tolentino. So, ito po ang kaniyang mensahe, “The Department of Foreign Affairs summoned the Chinese Ambassador to convey the Philippines’ concern over China’s imposition of sanctions against former Senator Francis N. Tolentino.
The DFA conveyed to the Chinese side that while the imposition of such sanctions falls within China’s legal prerogative, the imposition of punitive measures against democratically elected officials for their official acts is inconsistent with the norms of mutual respect and dialogue that underpin relations between two equal sovereign states.
The Department reminded the ambassador that as a democracy, the Philippines values freedom of expression in the Philippines adherence to the constitutional separation of powers among the three branches of the government, it is the mandate of senators and other elected officials to inquire on matters of national and public interests.
The Department remains committed to addressing differences through diplomacy and dialogue and looks forward to continued constructive engagement with China to promote mutual understanding. Thank you.
At isa pa po, pinapahatid din po ng PDEA iyong binalita po natin na 4,027 na barangay na na-clear mula July 1, 2022 to May 31, 2025 ay galing mismo po sa PDEA. At kung mayroon po kayong mga nais pa na kumpletuhin sa inyong kuwento huwag munang ibalita hangga’t hindi po ninyo naiki-clear ang mga ibang data sa PDEA.
Katulad ng ating sinabi kahapon, iyong ibang mga detalye sa PDEA ninyo na po kunin dahil ito po ay isang press briefing lamang po. Ang detalye ay nasa kaniya-kaniyang mga ahensiya. Maraming salamat.
As kabilang dako, bilang pagtupad sa pangako ng pamahalaan na siguruhing bawat probinsiya ay may access sa reliable medical transport, pangungunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang distribution ng patient transport vehicles sa iba’t ibang probinsiya ngayong Linggo kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang inisyatibang ito ay pagpapatatag sa pangako ng pamahalaan na paunlarin pa ang healthcare accessibility at pabilisin ang emergency response sa buong bansa.
Ligtas ang labing pitong tripulateng Pilipino na lulan ng bulk carrier MV Magic Seas, ayon naman sa ulat ng Department of Migrant Workers. Noong July 6 ay inatake ng mga hinihinalang Houthi rebels ang bulk carrier sa karagatan ng Hodeidah, Yemen kung saan nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng security team ng barko at ng mga pirata na may bitbit na automatic weapons at rocket-propelled grenades.
Ligtas namang nakalikas ang mga crewmen at na-rescue nang dumaraan na container ship na SAFEEN PRISM.
Patuloy na mino-monitor ng DMW ang kalagayan ng mga nasabing seafarers.
Sa pinakabagong report ng DMW, nakikipag-ugnayan ito sa ahensiya ng mga tripulante para sa kanilang agarang repatriation. Maayos at komportable namang nakapagpahinga ang mga na-rescue na crew members sa isang hotel sa Djibouti habang hinihintay ang kanilang biyahe pauwi ng Pilipinas.
Tiniyak ng DMW na nakatutok ang ahensiya sa sitwasyon ng mga tripulanteng Pilipino mula sa kanilang pagka-rescue at pagbalik sa bansa.
At bago tayo magtapos: Para sa hakbang patungo sa full government digitalization ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., umabot na sa 7.083 barangays or 16.9 percent ang may access sa Barangay Information Management System o BIMS ng Department of the Interior and Local Government.
Target ng DILG na pataasin pa ang bilang ngayong taon na umabot na rin sa 11,658 barangays or 27.7 percent ang na-orient tungkol sa programang ito.
Ang BIMS ay na-develop sa ilalim ng Local Government Units Support System noong 2024. Nagsisilbi itong centralized platform para sa encoding, storing at pag-retrieve ng mga importanteng impormasyon sa barangay tungo sa mas organized at responsive na aksiyon sa mga pangangailangan ng komunidad.
Layunin ng DILG na magkaroon nang mas mabilis, mas efficient at data-driven na barangay governance sa buong bansa sa ilalim ng BIMS Program ng ahensiya.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.
###