Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Attendance to the Inspection of the Camp Aguinaldo Station of the Metro Manila Subway Project


Event Attendance to the Inspection of the Camp Aguinaldo Station of the Metro Manila Subway Project
Location Metro Manila Subway Project in Camp Aguinaldo Station in Quezon City

Ito ay isang malaking proyekto na ginagawa natin sa ilalim ng Department of Transportation para sa ating mga commuters. Ito ‘yung ating Subway Project na papaabutin natin hanggang itong phase na ito hanggang Valenzuela.

Ngayon, pagka nabuo na ito, ang travel time mula sa Valenzuela hanggang sa airport ay sa kasalukuyan mga dalawang oras ‘yan eh – dalawang oras at kalahati. Kaya mababawasan ‘yan mga 40 minutes na lang.

Kaya napakalaking bagay ‘pag nabuo natin ito. Nakikita ko naman doon sa – tiningnan namin ‘yung machine ‘yung talagang humuhukay. At maayos naman ang patakbo, lalong-lalo na ng ating mga Japanese engineer.

Nandito si Ambassador ng Japan at siya ang namamahala para tiyakin na maganda ang trabaho at masasabi ko naman napakaganda ang trabaho na kanilang ginagawa.

Sana matapos natin ito hanggang sa Valenzuela, baka matapos natin ito ‘28. Baka puwede nang in-inaugurate sa 2028. Basta tingnan natin.

Lahat naman ay nag-a-agree na kailangan bilisan nang mabuti at nang husto dahil ang ating mga commuter ay para naman maging mas maginhawa ang kanilang pag-commute.

So, patuloy nating ginagawa. Napaka-impressive. Impressive talaga ito. Kung titingnan ninyo, isipin niyo kung gaano kabigat ‘yung engineering na dinadala nila dito.

But the Japanese do that the best I think in the whole world. It is recognized that the Japanese are one of the top – when it comes to heavy engineering and construction projects such as this.

Kaya I think we have picked the right partner and I am very happy to see the progress that’s being made. And I thank…

At saka nakakatuwa dahil ‘yung mga Japanese lamang na nandito ay ‘yun talagang espesyalista.

Ngunit hindi lang sila nandito, tinuturuan din ang ating mga engineers. At kung makikita ninyo doon sa loob, isa lang, dalawang lang ang supervisor na Hapon. Karamihan ng mga nagtatrabaho puro Pilipino na.

Once again, I am not surprised dahil kayang-kaya naman talaga ng Pilipino ‘yun basta maturuan nang mabuti.

Kaya I urge everyone to keep going, and we look forward to the day when we can say na nasakyan na natin ‘yung subway sa Pilipinas. We have taken the tube to go to work.

Sige, maraming salamat.

[DOTr Secretary Vince Dizon: Si Engineer Abi po na number two natin sa Pilipinas.]

Here is Engineer Abi. She is the one explaining to us what is happening. Nakakatuwa siya ang in charge dito and that is why she is…

She has been with this project from the very start. Kaya siya ang nag-e-explain sa atin dahil alam na niya lahat. Magaling talaga. Kagaya nga ng sabi ko magaling talaga ang Pinoy.

All right. Maraming salamat.

— END —