Good morning, everyone.
Ang ating mga butihing ama ng mga lalawigan. [Please take your seats.]
The governors that are here today of the different provinces who will be recipients of these Patient Transport Vehicles. And baka hindi alam ng iba, it is Gov. Darel’s birthday today. [applause and cheers] So, nagdala kami ng regalo para sa’yo. The municipal mayors that are here; also, all my fellow workers in government; ladies and gentlemen.
Good morning.
Kung maalala ninyo ay noong sa SONA malaking bahagi ng SONA ay pinag-usapan ko ang healthcare. Ang mga benepisyong ibibigay natin para sa ating mga kababayan para naman maging mas magaan ang kanilang buhay at hindi nila inaalala na kung papaano babayaran ang magpapatingin sa doktor, magpapagamot, magpapa-test, lahat ‘yun narinig niyo po.
Kaya naman po hindi po rin natin magagawa kung ‘yung ating mga pasyente ay naka-stranded kung saan sila at wala silang ganitong klaseng sasakyan.
Kaya ang ginawa namin ay sinabi ko alam ko – dahil naging governor din ako dati – alam ko ang sistema talaga makikiusap ka. Pupuntahan mo ‘yung PCSO at ‘yung PCSO naman siguro itatanong sa Malacañang, “O, bibigyan ba natin ito o hindi? Ito ba…?” “Ay, hindi, wala lumalaban na ‘yan. Kinalaban tayo niyan. Hindi puwede. Hindi bibigyan.”
Wala na ‘yun. Wala na ‘yung ganoong klaseng mga usapan. [applause] Basta ang aming plano ay napakasimple lang: unang-una, of the — what is it – 1,452 LGUs in the country — ah sorry — cities and municipalities in the country, these are – lahat ito ay magkakaroon ng at least one of these Patient Transport Vehicles. [applause]
Nakapagbigay na kami since June of 2022, nakapagbigay na ang PCSO ng 1,067 sa lahat ng ating mga LGU. At inuna namin – hindi namin muna pinarioritize (prioritize) ‘yung malalaking lungsod, the big cities because usually mayroon na silang mga facilities. Hindi urgent. Iyong mga maliliit ang inuna namin. Inumpisahan natin fourth, fifth, sixth class na municipality. Then slowly we’ll work our way back.
Ang ano natin sana itong buo, kabuuan ng ating pagbigay nitong Patient Transport Vehicle ay matapos natin within the year magagawa na natin.
And then, patuloy pa rin ang bigay namin kasi ‘yung ibang bayan malaki naman talaga kailangan dalawa. So, titingnan na natin, ia-adjust na natin.
So, minimum – ang minimum bawat bayan, bawat lungsod ay mayroong ganitong Patient Transport Vehicle.
Kung titingnan ninyo, hindi ito kagaya ng mga nakikita natin sa telebisyon at saka sa sine ‘yung mga malalaki na ambulansiya. At may dahilan kung bakit ganito ang aming kinuha, dahil ito ang pinakapraktikal para sa Pilipinas.
Dahil ang naging karanasan nang marami na nakakuha nga nung mga magagandang — at malalaki na makikintab na ambulansiya ay hindi naman makapasok sa – hindi makapasok sa maliliit na eskinita. Hindi mapuntahan – hindi puwede off-road dahil kailangan sa kalsada lang. Kaya hindi makalapit doon sa kung saan ‘yung susunduin ‘yung pasyente.
At pagka nasira, napakamahal ng piyesa, walang marunong mag-ayos. Ito, ‘yun ang aming pinili na maraming piyesang makuha. Kahit sinong mekaniko kaya itong ayusin. Basta alagaan lang ninyo at make sure na patagalin natin ito.
At susundin po – susundan pa po natin ng mga Patient Transport Vehicle para doon pa sa nagkukulang.
So, patuloy na patuloy — patuloy ang aming ginagawa ito. Asahan ninyo na ang ating – ang tibay ng katawan ng ating mga kababayan ay ang pinakamahalaga sa lahat.
At nandito lahat – nandito kami lahat ng pamahalaan upang tiyakin na lahat ng tulong na maibigay ng pamahalaan para sa pag-alaga sa ating mga kababayan ay ginagawa natin.
Lahat ng makuha nating pondo na puwedeng gamitin, doon natin ilalagay. Nandito rin…Iyan at saka naging ‘yan – at saka education at saka infrastructure.
Nandito pa si Sonny Angara, Secretary ng DepEd, [applause] kasama ko, dahil galing naman kami sa isang eskuwelahan kung saan kami naglagay nung Starlink para may internet na ngayon doon. [applause]
For the first time, nakakita – nakakatuwa ‘yung mga bata, mas marunong doon sa teacher nila kung paano gumamit nung internet. [laughter]
But ngayon… And that is another part of our program. That is another part of our program, magkakaroon ng internet lahat ng eskuwelahan ng buong Pilipinas by the end of this year. [applause]
At bukod pa doon, magbibigay tayo ng data para libre ang paggamit sa internet para sa ating mga guro, para sa ating mga estudyante.
So, all of these are trying to bring together, make it easier. Mahirap na ang buhay. Ang trabaho – ang dapat na iniisip ng gobyerno ay papaano pagaanin ang buhay ng bawat isang Pilipino. And that is what we are trying to do. Tulungan niyo kami.
We will do this basta’t magsama-sama tayo, magtulungan tayo. There is a lot that we can do that is… We have achieved a great deal. Pero patuloy pa natin, and so that we can achieve some more. [applause]
And congratulations sa lahat ng mga naging beneficiary LGUs.
Maraming salamat at magandang umaga po sa inyong lahat! [applause]
— END —