April 28, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
28 April 2016 |
ALAN: Secretary Coloma, sir, magandang umaga po.
SEC. COLOMA: Magandang umaga, Alan. ALAN: Sec, mukhang maging ang Pangulong Noy ay mayroon pong matinding binitawang pahayag kontra dito sa Abu Sayyaf Group matapos nga po itong insidente ng beheading ng isang Canadian national, Secretary Coloma, please. SEC. COLOMA: Bunsod iyan noong pinakahuling kaganapan na walang habas na pagpatay sa isang Canadian citizen, si Mr. John Ridsdel, Alan; at bilang pagbibigay paliwanag na rin sa ating mga kababayan para maunawaan nila iyong konteksto ng mga nagaganap sa ka-Mindanawan. Naalala natin — ilang linggo ang nakaraan — mayroong intensibong operasyon ang AFP at PNP na isinagawa sa Basilan. Pagkatapos ay na-focus naman tayo doon sa Sulu, dahil nga doon sa inanunsiyo nila sa iba’t-ibang larangan — iyong ultimatum. Dahil sila ay humihingi ng ransom para doon sa mga kidnap hostages na dinukot nila mula sa Samal Island noong September 2015. Ang nais ng Pangulo ay maunawaan ng ating mga kababayan na mayroong mga kabit-kabit na development ‘no, na dahil dito ay kinakailangang talagang maglunsad ng matinding opensiba laban sa mga kriminal na nagsasagawa nito. ALAN: Opo. In fact, may nabanggit din ho na ang Pangulong Noy maging siya ay pina-plot na patayin nitong grupong Abu Sayyaf at ganoon din ang iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan at ilang mga kilalang personalidad, Secretary Coloma, sir. SEC. COLOMA: Tama iyan, Alan ‘no. Kung magbabalik tanaw tayo doon sa naging kasaysayan nitong grupong ito. Noong dati ay nakadikit sila o nais nilang makilala bilang kaanib doon sa kilusan nang al-Qaida ni Osama bin Laden; nguni’t dahil napuksa na ito at ang umusbong naman ay iyong Islamic State o ISIS, iyon naman ang kanilang inaambisyon na sila ay maiu-ugnay din doon sa ISIS. Kaya’t kinokopya nila iyong ginagawang cruel acts nitong ISIS para matupad iyong kanilang ambisyon. At ang kapansin-pansin, ang isinasagawa nila ay mga kriminal na aktibidad at ang pinanggagalingan ng kanilang resources, Alan, ay iyong extortion at kidnap for ransom activities. ALAN: Opo. And with the instructions of the President na tugisin, ano ho, itong grupong ito… so, magkatuwang po itong gagampanan, ano po, ng Philippine National Police and even some units of the Armed Forces of the Philippines, Sec? SEC. COLOMA: Magkaugnay ang pagkilos ng ating Sandatahang Lakas sa kanilang military operations; iyon namang Philippine National Police ay magsasagawa ng law enforcement operation. Magkatuwang iyon at ito ay isinasagawa sa iba’t-ibang lugar na kung saang mayroong banta sa seguridad ng ating mga mamamayan. Isang tampok na nabanggit ni Pangulo nga ‘no — katulad noong pasimulang pananalita mo ngayon, Alan — para bang gusto nilang dalhin iyong terorismo o iyong pananakot nila dito sa… maging dito sa NCR at sa Luzon at Visayas. Kaya’t mahalaga iyong ating pagiging mapagmasid, maging vigilant tayo at iyong patuloy na pakikiisa natin sa mga otoridad. Ang mahalaga pa ring bahagi ng pahayag ni Pangulong Aquino, lahat naman ng mga naturang banta ay napigilan. At dapat na manalig ang ating mga mamamayan na maaaring maipagpatuloy ang araw-araw na aktibidad na walang takot o walang ligalig. Sinabi niya ‘no, “I credit our security services for putting this threat to bed with both professionalism and discretion.” Eh, kaya lang naman nabanggit ito ‘no, dahil mauunawaan naman natin, Alan ‘no, hindi naman sa lahat ng pagkakataon puwedeng maging ganap o hayag sa mass media ang pagbabalita kung ano-anong aksiyon ang isinasagawa ng pamahalaan. ALAN: Opo. SEC. COLOMA: Dahil nga mayroong mga maselan na security threat na ating binabantayan. Kaya lang minsan mayroong mga iresponsableng grupo o indibidwal na lumilikha pa ng intriga sa iba’t-ibang larangan. Kabilang na diyan iyong sa social media at maging sa ating traditional media, na para bang pinupuna na wala daw ginagawa dahil walang sinasabi. Hindi naman puwedeng isambulat o ikuwento lahat ng mga nalalaman natin dahil nga may mga maselan na operasyon na isinasagawa at maaring sa ganoong panahon ay hindi naman—mas makakabalam higit sa pagtulong ‘no, sa pagresolba ng sitwasyon. Kaya iyon ang dapat ding maunawaan ng ating mga kababayan, Alan. ALAN: Sa ibang updates naman po, Secretary Coloma. Sa Linggo gugunitain muli ang Labor Day. Ano pong mga aktibidad o mga paghahanda ng pamahalaan kaugnay naman ng selebrasyon na ito sa darating na araw ng Linggo, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Ang mahalagang maunawaan natin, at maunawaan ng ating mga kababayan ay ang mga nagawa ng pamahalaan para sa kabutihan ng mga mamamayan. Unang una, nasaksihan natin iyong pagkamit ng pinakamababang antas ng unemployment, Alan ‘no, sa ating bansa. Ang katuwang nito iyong mataas na antas naman ng job creation o employment generation, dahil iyan po ang tinutumbok ng natin ‘no. Kaya po tayo nagtatag ng mabuting pamamahala sa ‘Daang Matuwid’ ay para po maging maayos ng klima para sa negosyo, kalakal at pamumuhunan sa ating bansa dahil ito ang mag-aakit sa paglago at pagpapalawak ng mga negosyo, sa pagtatatag ng mga bagong pabrika at negosyo at ang resulta ay iyong paglikha ng daan-daang at libo-libong bagong trabaho at iyong pagpapabuti sa kalagayan ng manggagawang Pilipino. So, iyon ang una, Alan ‘no. Inayos natin sa pamamagitan ng mabuting pamamahala iyong klima ‘no, iyong business and investment climate, na dahil dito nga ay nakapaglikha ng maraming trabaho at natamo natin iyong mababang unemployment rate. Pangalawa, kaakibat nitong una, eh talaga namang anlayo ng ating narating sa paghahanda sa ating mga kabataan na maging kalahok sila sa ating ekonomiya. Dati rati maraming nagtatapos nguni’t matagal makakuha ng trabaho. Ngayon dahil doon sa ating programa sa TESDA — iyong vocational/technical — at iba pang mga job matching activities ng Department of Labor, hindi na tumatagal iyong paghahanap ng empleyo para sa ating mga bagong graduate at para sa ating mga mamamayan. Pangatlo, Alan ‘no, iyong pagkamit ng industrial peace. Makukumpara iyong record ng Aquino Administration doon sa mga nakaraang pamamahala at matutunghayan na may pinakamababang bilang ng strike o iyong disruption ng industrial peace sa buong kapuluan, dahil nga naging epektibo iyong ating DOLE sa kanilang pagtataguyod ng mainam na pagsasamahan ng mga mamumuhunan at mga manggagawa ‘no. So, iyan po ‘no. Pati iyong pagtitiyak na maayos ang working condition sa ating buong bansa. Pinatatag din iyong ating Labor Inspectorate para mabawasan po iyong lumalabag sa mga work place requirements. Sa lahat ng larangan ‘no. Isa pang mahalaga diyan, Alan ‘no — huwag nating kalimutan — ay iyong isinagawa o iyong isinasagawa at patuloy pang pinapatupad ng mga programa para sa kapakanan naman ng ating mga Overseas Filipino Workers ‘no. Ang ating pong OFWs ay nasa forefront po ng atensiyon ng pamahalaan, hindi lamang ang Department of Labor, pero maging ng ating Department of Foreign Affairs. Sa bawat bansa na mayroong embahada o konsulada ang ating Republika, ang pagbibigay ng Assistance To National o ATN ang pangunahing tungkulin ng mga tanggapan ng ating mga gobyerno, Alan. ALAN: Opo. And Sec, we understand may mga initial statements na rin po galing sa DOLE na magsasagawa uli ng nationwide at malawakang job fair sa Mayo a-uno, Sec. SEC. COLOMA: Tama iyan, Alan. At kahapon nagtungo si Pangulong Aquino sa Cebu — at bumalik din kagabi — para pasinayahan o papurihan iyong mga nagtaguyod ng career and jobs fair sa Cebu. Marami po tayong mga katuwang na investor at stakeholder groups na masigasig na lumilikha ng job opportunities at hinahanda ang ating mga kabataan para sa mga makabukuhang mga karera o trabaho sa kinabukasan nila. ALAN: Opo. Well Secretary Coloma, sir, muli salamat po ng marami for the updates from the Palace, sir. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. ALAN: Thank you, sir, good morning po. |
SOURCE: NIB-Transcription |