ANTHONY: Nasa linya po ng telepono natin si Secretary Martin Andanar ng PCOO. Secretary Andanar, magandang gabi po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Magandang hapon po, Anthony, Gerry. Anthony, Happy Birthday. May you have plenty of more birthdays to come.
ANTHONY: Thank you. Maraming salamat po, Secretary Andanar. Kamusta po kayo? Ang Pangulo po ba’y may planong bumisita sa mga lugar na may kalamidad po ngayon, na gaya sa Bicol?
SEC. ANDANAR: Well ang nasa schedule po ng ating Presidente sa araw na ito ay sa Davao po. Bukas ay mayroon po siyang bubuksan na control tower dito po sa Ninoy Aquino International Airport. Wala pa hong schedule, Anthony.
ANTHONY: Ay naku… maganda po iyong nabanggit ninyo na iyon, iyong control tower. Mukhang pinagmamayabang ng DOTr talaga ‘yan ha.
SEC. ANDANAR: Opo. Bukas po iyon ng alas singko ng hapon, at—wait, I think it’s today… today or tomorrow. At ito po ay matagal nang nakatengga at under the Duterte administration ay mabubuksan na po ‘to. Ito’y pinagmamayabang po ito ni Secretary Tugade dahil napaka-high tech po nito.
ANTHONY: Opo… okay. Mamaya siguro magkakaroon tayo ng detalye mula sa DOTr mismo at importanteng proyekto ‘yan. Ang unang tatanong lang po namin ay ang tungkol po sa nangyari sa Rappler.
SEC. ANDANAR: Opo, sige po.
ANTHONY: Ang alegasyon po ng, of course, ng mga nasa panig po ng oposisyon ito daw po’y panimulang pagsikil ng pamahalaan sa karapatan sa kalayaan sa pamamahayag po. Ano po masasabi ninyo?
SEC. ANDANAR: Hindi po totoo ‘yan. Hindi po ito press freedom issue. Ito po ay issue ng legalidad po ng may pagkukulang sa panig po ng Rappler at ito’y pagkukulang sa mga documents na isinumite sa Securities and Exchange Commission, at ito’y nasilip ng SEC, sila po iyong nagdesisyon na i-revoke po iyong license. But then again, Rappler can continue to do its job, to cover to the… what we call as ano, as a fiscalizer, kumbaga. And then, they can fix their issue, their problem. They can go back to the SEC and even submit a new Articles of Incorporation na talagang 100 percent Filipino-owned.
GERRY: Paano ho ba ang sistema sa ganito, Secretary? Bihira ho tayong makabalita ng ganito, na ang SEC ay mayroong ni-revoke o binasurang registration. Paano ho ba iyon, kapag ang SEC ho ba ang kumilos at ni-revoke ang registration ng isang kumpanya ay kailangan ho bang tumigil na kaagad ito ng operation?
SEC. ANDANAR: Ang sa—Securities and Exchange Commission naman, alam naman natin ‘yan na there’s a requirement for a business, lalo na iyong corporation na kailangan mayroong kang SEC registration. And then after that, you apply for your business permit sa munisipyo o sa siyudad, and the barangay permit, etcetera, etcetera. So ang magiging effect po nito ay tuluy-tuloy po ang Rappler na gagawin nila ang kanilang journalism. But at the same time, magkakaproblema ho sila doon sa mga commercial na kukunin nila. Sapagka’t ibig sabihin, hindi po—kung hindi po void iyong SEC registration mo, madadamay po iyong business permit, madadamay po iyong mga resibo sa BIR, etcetera, sunud-sunod na po ‘yan.
So therefore, dapat po ay ayusin ng mga abogado ng Rappler iyong kuwestiyon ng SEC sa pagmamay-ari ng Rappler as a media company na dapat kailangan 100 percent Filipino-owned.
GERRY: ‘Ayun. At habang inaayos nila ‘yan, puwede pa rin ho sila munang magtuluy-tuloy sa kanilang operation?
SEC. ANDANAR: Opo, puwede naman, puwede naman. Dahil wala namang pagpigil sa karapatan bilang mamamahayag, bilang isang online newspaper na mag-report kung anong nangyayari sa ating bayan. It’s just that, magkakaproblema po sila doon sa negosyo. Alam mo naman, ‘pag isang kumpanya, ‘pag walang kinikita ay talagang malulugi.
GERRY:Tinitingnan ho, kasi may mga pumupuna ho kasi dito na baka ‘andiyan ang kamay ng Pangulong Digong dahil nga sa itong Rappler ay critical sa Duterte administration.
SEC. ANDANAR: Ito po’y nagsimula sa artikulo ni Bobby Tiglao, pagkakaalam ko. Tapos nabasa ho ito ni SolGen Calida, and from there, pinaimbestigahan ni SolGen Calida – at doon nagsimula ito. Hindi ko naman alam, wala naman akong alam na inutos ng Malacañang. As far as my office kasi, wala naman kaming inutos na imbestigahan ito. Wala naman.
GERRY: So SolGen po ang nagpa-imbestiga?
SEC. ANDANAR: SolGen po ang lumapit sa SEC, at kinuwestiyon ang pagmamay-ari ng Rappler dahil nga doon sa report na mayroong investment iyong isang company sa America, Omidyar, na pagmamay-ari nito ni Mr. Omidyar.
GERRY: Series iyon, ni Bobby Tiglao ano…
ANTHONY: Matagal na ‘to. Actually Secretary Andanar, in fairness to SolGen Calida, bago pa po naupo ang Duterte administration, matagal nang nakikipagbakbakan ‘tong si Ambassador Bobby Tiglao sa Rappler. Nag-aaway nga sila, kasi matagal nang naglalabas ng dokumento itong si Bobby Tiglao—Presidente pa si Pangulong Aquino, sinasabi na ni Bobby Tiglao, “Hindi 100 percent owned ‘to. May Amerikano na nagpopondo rito.” At lalong na-magnify itong issue na ‘yan, noong banatan ni dating Secretary Tiglao sa kaniyang column, noon bang ilabas ng Rappler iyong istorya tungkol sa phone conversation between Duterte and Donald Trump. Naalala mo iyong nag-leak? Naalala ninyo ba iyon, Secretary?
SEC. ANDANAR: Opo, opo. Ito po iyong…
ANTHONY: Apparently, ang takbo ng kuwento ni Bobby Tiglao noon, mukhang may kamay sa pagli-leak iyong foreign company na iyon, iyong funder.
SEC. ANDANAR: Opo. Iyon po iyong naging mitsa noon, sapagka’t nagkaroon ng conversation si Presidente at si Pangulong Trump. At iyon nga, it was supposed to be a very confidential conversation pero ni-leak po sa media, dahil ang pinag-usapan po dito ay patungkol sa Korean Peninsula kung hindi ako nagkakamali.
ANTHONY: Oo. Ang ganito po bang klase ng aksiyon ng SEC—ang sabi ninyo nga kanina, puwede pang bumalik ang Rappler doon po sa SEC, puwede silang mag-file ng Motion for Reconsideration. Kung made-deny naman ‘yan, puwede silang umakyat sa husgado.
Sa ganito po bang mga sitwasyon, ang PCOO, hindi po ba gumagawa ng hakbang—pasensiya na ha, tayo po kasi ay pare-pareho na mga baguhan sa ganitong klase ng mga pangyayari.
Hindi po ba puwedeng gumawa ng paraan ang PCOO to defend an institution like Rappler?
SEC. ANDANAR: Alam ninyo po, itong issue na ito ay this is between the SEC and Rappler, at sinusunod lamang po ng SEC ang Saligang Batas, kung ano po nakalagay sa batas. Of course tayo naman sa PCOO, what we do is we also assist the members of the Malacañang Press Corps.
Now, kung kailangan po ng Rappler ng tulong namin, ng PCOO, by all means my office is open. I can talk to them, and we can explore ways on how to help them.
ANTHONY: Oo. Ang ginigiit po ngayon ni Ms. Maria Ressa—actually ito po iyong kaniyang sinasabi, babasahin ko lang kombatchero: “I guess, this is the last part of the kind of harassment that journalists have had in the last year or so. In Rappler, it began a year and a half ago.” Ang dugtong pa ho niya, referring to SEC: “They didn’t go through the process. The en banc essentially issued an order to shut us down without giving us the opportunity to respond to what the special panel found. It was not a normal process.”
Tingnan ninyo na Ms. Maria Ressa, ang sama ng—nakakasama ng loob pala pagka mayroong alegasyon tapos hindi pinasagot, tapos mayroon ka nang konklusyon… hindi ba, Ms. Maria Ressa? Ang sakit sa kalooban noon ‘no? Kaya tama talaga na medyo—ano po sagot ninyo rito, na ang sinasabi niya, ito po’y harassment ng pamahalaan?
SEC. ANDANAR: Sa palagay ko naman, Anthony, ay dumaan ito sa proseso at nasa SEC na iyon para sagutin iyan. Ang mahalaga ho dito ay – para sa atin, kung meron mang lesson dito para sa ating lahat – dapat sundin po natin ang Saligang Batas, the same way that the President applies the law to everyone. Si Ginoong Lucio Tan nagbayad po ng 6 billion; iyong Mighty nagbayad po ng 25 billion; iyong Prieto family, Rufino ay isinauli po iyong Mile Long. So wala pong exempted sa batas. Dahil ang batas po ay walang kinikilingan at ito po pantay-pantay mahirap o mayaman.
Simple lang naman siguro ang gusto ng SEC, gusto nila mag-comply lang iyong Rappler and it’s in the Constitution na 100 percent dapat Filipino-owned talaga ang isang kumpanya.
ANTHNOY: So hindi pa po final itong desisyon na ito. Gaya ng sinasabi ninyo kanina. Halimbawa, diyan sa Malacañang Press Corp. may member po ba ng Malacañang Press Corps na taga Rappler?
SEC. ANDANAR: Meron po, meron po, kanina nag report po kanina sa Malacañang Press Briefing Room at nakapagtanong po siya ng mga tanong sa Spokesperson.
GERRY: Pinapasok pa rin ha.
SEC. ANDANAR: Opo. At saka ganito lang po iyon, kung talagang may problema po talaga doon sa kanilang Articles of Incorporation or kung meron po talagang mga investor na foreigner, di gumawa ng bagong mother company na talagang siguradong wala pong foreign money involved. Ganun lang po iyan, just satisfy the requirement of the SEC and of course the Constitution that this company, your company, your media company is 100% owned by Filipinos or by a Filipino.
ANTHONY: Ang nangyari ko yata dito, ang tawag nga ng SEC ay deceptive scheme. Ang nangyari ho yata dito, oo merong investor sa labas, okay naman iyon, may investor. Kaya lang dito po yata ay hindi maaaring kumilos ang Rappler, hindi puwedeng i-amend ang Articles of Incorporation ng hindi umu-oo iyong foreign funder. May control, iyon yata iyong naging problema doon.
GERRY: May problema nga iyon pag ganoon.
SEC. ANDANAR: Iyong word na control na walang pahintulot o hindi pinapakita doon sa foreign investors. So ibig sabihin, kapag dumaan po sa kanila iyong Articles of Incorporation, ay meron na pong tiyansa na puwedeng maimpluwensiya iyong Articles of Incorporation and which is really not good for our Constitution and that is not legal in other words.
GERRY: Pero sa intindi ko ho sa inyo, Secretary, ay hindi pa end of the world ito para sa Rappler. May magagawa pa, tulad nga ng suggestion ninyo na ayusin iyong kanilang grupo, iyong kanilang organisasyon, tanggalin ang foreign funding o foreign control at ibalik sa 100 percent Filipino. Kapag ginawa nila iyon makakatuloy silang mag-exist ang Rappler?
SEC. ANDANAR: Tama po kaya, Gerry. Ika nga sa opera, it ain’t over till the fat lady sings. Kailangan po ay sundin ng Rappler, gawin nila ng mga abogado nila kung ano ang nararapat and they can continue to operate. Wala pong pagsikil ng press freedom dito, it’s just really a matter of following of—it’s a matter of abiding to the rule of law, iyon lang po. We have to be law abiding citizens.
ANTHONY: Saka iyong isyu ng press freedom, Secretary Andanar. Sabi n’yo nga hindi ito isyu ng press freedom. Iyon ngang CNN nagko-cover dito, Amerikano; iyong BBC nga, Briton nagko-cover dito.SEC. ANDANAR: Opo. Tama po kayo.
ANTHONY: Iyong Reuters, nako-cover dito.Puwede talagang gawin ang trabaho, hindi naman puwedeng sagkaan ng gobyerno iyong kalayaan sa pamamahayag. Lalo ngayon sa internet, kahit sino nga puwedeng maging journalist ngayon. Ang ano lang ata dito, iyong nabanggit ninyo kanina iyong inisa-isa ninyo. Ang pagiging problema lang ng Rappler dito eventually kung sakali ay iyong halimbawa business permit, patay ka sa City Hall kapag wala kang— ako nga maliit na bakeshop lang… restaurant lang, may SEC sina-submit pa ako sa City Hall. Pag wala ako nito, di yari ako.
SEC. ANDANAR: Di ba Anthony kapag nag-apply ka ng bakery o kahit na anong maliit na negosyo dadaan ka rin sa barangay, dadaan ka ng health service, lahat idadaan mo iyan. Ang titingnan iyong SEC mo kung ikaw ay corporation, incorporated ka, titingnan SEC mo. Kung ikaw naman ay isang entrepreneur ay talagang titingnan lahat ng mga permit para sigurado na ikaw ay sumusunod, naayon sa batas iyong inyong dokumento. Kanya hindi pa po huli ito para sa Rappler, they can still appeal, they can fix their document at the same time, let this serve as a lesson to all the media companies. All, wala pong excused dito, na kailangan siguraduhin kung meron kayong PDR na tinatawag, kailangan po ay siguraduhin ninyo na wala pong…sabit, wala pong foreign investor at wala po iyong control doon siguro sa nakasulat doon.
ANTHONY: Kayo po ba ano ang tingin ninyo sa Rappler, as a news organization, sa paglalahad po nito ng balita na may kinalaman po sa administrasyon?
SEC. ANDANAR: Well, alam mo naman Anthony, ang Rappler ay… sa akin ha, sa palagay ko—alam mo wala silang magandang isinulat tungkol sa akin. But even if na ganoon po iyong nangyari, walang magandang isinulat. In fact sa eksperensiya ko may sinulat sa akin na napaka-malicious, I respect them, I respect them. I still talk to their reporter. I still entertain their reporter. I still talk to them in the same way that I talk to most of the objective mediamen sa Malacañang Press Corp.
So wala pong problema sa akin, no hard feelings. Siguro may isyu sila sa SEC; sa akin wala silang isyu.
ANTHONY: Malisyoso ang pagsusulat sa inyo, iyon ang sinasabi ninyo pero okay lang sa inyo?
SEC. ANDANAR: Palagay ko it comes to the territory, Anthony, so ito ay tanggap ko na, tutal apat na taon na lang naman ito.
ANTHONY: Hindi, hindi kaya nga po ganoon ang tanong ko, baka nga kaya, kaya merong ganoon klase na obserbasyon, nabubuwisit na siguro ang Malacañang kakatira sa inyo ng Rappler, walang ginawang matino ang gobyerno pagdating sa Rappler, kaya tinira n’yo na rin sila, naresbakan ninyo.
SEC. ANDANAR: Hindi naman, hindi naman sa ganoon. Siguro iyong SEC ay nagbibigay ng babala lang sa lahat ng mga korporasyon na kailangan ay sumunod lang sa ating Saligang Batas, sumunod lang po sa panuntunan ng gobyerno.
GERRY: Sige titingnan po natin kung ano ang magiging development dito. Saan ba sa CA ba? CA puwedeng umapela ang Rappler?
ANTHONY: Palagay ko kung titingnan mo iyong bilang ng botohan sa SEC mahihirapan silang mapabalik, mag-Court of Appeals sila. Diretso, puwede namansila dumeretso.
GERRY: So iyan lang ang hihintayin natin, Secretary. Bago namin kayo pakawalan, Secretary, iyong tanong ko kanina iyong tungkol sa Dengvaxia. Ano po ba ang posisyon ng Pangulong Duterte mismo? Gusto ba ng Pangulo na ipasoli lahat sa Sanofi kung magkano iyong buong kontrata?
SEC. ANDANAR: Hindi ko po nakausap ang ating Pangulo patungkol diyan. Pero following the arguments of Secretary Duque, na gusto niyang ipasauli lahat. So, I am assuming that Secretary Duque as alter ego, so malamang pinaalam niya ito kay Pangulong Duterte na ang posisyon na isauli iyong mahigit 1.3 billion na kontrata na iyon…na pera.
GERRY: Hindi, iyong mahigit pong 1.3, iyon ho iyong hindi nagamit.
SEC. ANDANAR: Okay, oo.
GERRY: Pero iyong buong naging kontrata po doon ay 3.5 billion na po iyon, Secretary.
SEC. ANDANAR: Oo, 3.5. Iyon kasi ang sinabi ni Secretary Duque isauli lahat. Kasi kung iyon po ang posisyon ni Secretary Duque, wala po tayong magagawa, iyon po talaga ang mangyayari na posisyon ng gobyerno.
GERRY: Secretary Andanar, salamat. Magandang gabi po inyo.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Gerry at Happy birthday Anthony, mabuhay ka.
ANTHONY: Thank you, wala ba tayong biyahe diyan? [laughs]
SEC. ANDANAR: Meron sa India. [laughs]
ANTHONY: Thank you, thank you. [laughs]
SEC. ANDANAR: Okay. Sige. [laughs]
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)