MODERATOR: Ngayon atin pong pakinggan ang mensahe ng pagbati ni Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Well, Viva Señor Sto. Niño! At magandang hapon po, Kalibo. Magandang hapon, Aklan. Welcome to this Palace briefing in Kalibo, Aklan. Let me begin by reading some statements. Unang-una po, because we are in Kalibo, Aklan…
Good news… good news to the residents and travelers of the world-famous Boracay Island, last January 12, the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, TIEZA, through also the efforts of Congressman Marquez, my idol in Congress, approved the implementation of Phase 2 of the Boracay Drainage Improvement Project.
Phase 2 of the Boracay Drainage Improvement Project will begin this January and will be completed by 2020. This project consists of the construction of a pipeline diverting the treated drainage water into a wetland in Sitio Lagutan. Currently, the treated water is discharged at Bulabog Beach. Some establishments illegally connected to the rainwater line, causing the discharge of waste to Bulabog Beach. Indeed, we are committed to provide improved water quality services while mitigating the island’s perennial flooding problems.
Another good news: The Philippines retained its Generalized Scheme of Preferences Plus under the European Union.
So the European Union’s Generalized Scheme of Preferences Plus stays. Meaning, iyong mga produkto po natin, libre pa rin ang pasok sa Europa na wala pong taripa. So far po, pagkatapos ng report ng EU na sinumite na sa EU Parliament, wala pong pagbabago doon sa ating GSP Preferences Plus. Now ito pong annual report is a regular assessment of the conditions in the country’s beneficiaries. To ensure the country beneficiaries are democratic and civilized.
Conditions include: the environments, governance labor among others. The report noted that the Philippines made progress in the areas of labor rights, environmental protection, climate change and good governance.
The report notes that we are vibrant democracy and we have been signatories to the conventions such as labor, human rights, environment among others; even before the GSP Plus. Now this evaluation is done by the EU on a regular basis, they are observations.
Now the GSP is a unilateral privilege granted to select countries. This means, they can take it away anytime. The GSP is meant to assist countries to reform. This is why the EU has continued to engage with the Philippines under the leadership of President Duterte. Okay, so that’s good news. GSP Plus with the EU remains ‘no.
Now together with this news, is a further good news that we have reached a milestone in our trade relations with the EU. Philippine exports to the EU grew by 31% in 2017. The 31% of total merchandise exports to the EU amounted to 8.4 billion dollars last year, making EU our third largest trading partner. Food and agricultural exports such as animal products, fish and related products, prepared food and edible fruits, in addition to automotive parts, leather, textile and footwear contributed to this growth.
More good news: We take note of the Social Weather Station Survey, showing that 31% of Filipino families escaped poverty, while 12% of Filipino families fell into the poverty. This is the reason why are driven to inclusive development to bring lasting positive benefits to our people. In particular, our target is to lift about 6 million Filipinos out of poverty.
To achieve this, the President signed RA 10931 providing for a free tuition in state universities and colleges. Congressman Marquez and I were co-authors to this bill, as well as RA 10963, which is the TRAIN, which exempts employees earning 250 a year from paying income tax. These two respond to what the Philippine Development Plan 2022 has laid out.
Now as you know, the President was Guest of Honor in the launch of the OFW Bank and there, he intimated that there should be a suspension of deployment of workers to Kuwait. While in line with this presidential pronouncement, Labor Secretary Silvestre Bello III has ordered the suspension of deployment of workers in Kuwait.
He issued Administrative Order No. 25, directing the Philippine Overseas Welfare Administration to suspend the processing and issuance of Overseas Employment Certificate to all Kuwait-bound passengers. It will be reckoned that Congressman Bertiz of ACT OFW Partylist together with the undersigned filed the resolution in the House calling precisely for the suspension of deployment of workers to Kuwait.
On MRT 7: We call for continues public understanding and cooperation as heavier traffic is expected with the start of MRT 7 construction activities this January. Affected areas include, North Avenue and Commonwealth Avenue in Quezon City, and Quirino Highway in Caloocan City. Humihingi po kami ng pang-unawa sa anumang abalang maaaring maidulot ng ginagawang konstraksiyon ano ‘no – lahat ng ito po ay pansamantala lamang, panandaliang hirap na ang resulta ay pangmatagalang ginhawa. We expect the completion of MRT 7, including its 14 stations by 2019. By then, an estimated 420 thousand passengers daily will benefit from this rail system that will connect North Avenue in Quezon City to San Jose Del Monte in Bulacan.
I’d like to clarify again that the Palace had no hand in the subpoena issued by the NBI to Rappler. That subpoena was in connection with the complaint filed by a businessman who demanded that Rappler remove an article which said that, according to intelligence reports, he was engaged in the drug trade. Rappler did not comply, and hence the business filed suit. Uulitin ko po, wala na naman po kaming kinalaman diyan. Mayroon pong pribadong partido na naghain ng reklamo, natural, didinggin po iyong reklamo.
Okay. So, questions, first from the media in Kalibo, because I have the questions of the Malacañang Press Corps on my phone.
Q: Maraming salamat. Good afternoon.
SEC. ROQUE: Yes, good afternoon po.
ARNEL VICENTE/BRIGADA NEWS FM: Mr. Secretary ang una ko pong katanungan, regarding sa na-mention mo kanina na total ban ng deployment ng OFW
SEC. ROQUE: Suspension po, yes.
ARNEL VICENTE/BRIGADA NEWS FM: Suspension papuntang Kuwait. So, maraming aplikante dito sa Aklan na pupunta doon sa Kuwait. So, ano po ang puwedeng magawa ng gobyerno sa kanila? Kasi ready to flight na sila eh, papuntang Kuwait.
SEC. ROQUE: Well, lilinawin po natin ‘yan kung ang suspension ay iyong sa pagpapaalis o sa pagpa-process ng bagong mga employment contracts. Pero ang katotohanan po niyan, bago pa man magsalita si Presidente, sa Kamara po, kami ni Cong. Marquez nagkaroon na po ng tatlong pagdinig doon sa mga reklamo ng ating mga kababayan sa Kuwait, matindi po talaga ang pagdurusa nila diyan. Si Congresswoman Baby Arenas po, ito na naging adbokasiya, na talagang i-suspend na iyong pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait no.
So ang sinasabi ko lang po, isang taon na at kalahati ang nakakalipas nga mula noong kami, kasama po ako, noong miyembro pa ako ng Kamara, naghain na ng resolusyon na i-suspend na ito. At ang ginawang pronouncement po ng Presidente, eh ‘yan naman po ay matagal nang long overdue sa tingin ng maraming mga kongresista at ng mga mamamayan natin.
Q: Okay, follow up. Regarding po dito sa TRAIN Law. Kasi mayroong petition yata sa Supreme Court regarding sa implementation ng TRAIN Law so, kamusta po ang implementation, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, hayaan ninyo po silang maghain ng mga kaso sa Korte Suprema. Karapatan po nila iyan pero ang sinasabi ko lang po itong TRAIN law, iyong kapangyarihan na magpataw ng buwis, iyan po ay isa sa tatlong kapangyarihan ng estado na alam nating hindi pupuwedeng ipagkait sa estado, kasama po ng police power at ng eminent domain. So we welcome that filing dahil kami naman po handang depensahan iyan sa kataas-taasang hukuman.
Q: Secretary, good afternoon. Good afternoon kay Congressman Marquez. Mayor Lachica at SP member Sudusta (?). Sir may question is for Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Opo.
Q: I’m Michael C. Loren from LGU Kalibo and Radyo Natin Kalibo. I would like to get only your opinion sir regarding the federal form of government that’s being pushed by the Duterte administration. In your opinion sir, is there a need of massive information for all the Filipinos, for them to understand the concept and to understand really what is the federalism form of government is all about?
SEC. ROQUE: Well sa panig po ng Presidente. Sinabi din po minsan ng Presidente na makikipag-shake hands na siya sa ABS-CBN kung tutulong ito sa information drive tungkol sa federalism. At bago naman po tayo magkaroon ng plebisito, eh talaga naman pong iyong voter’s education ay importante.
So doon po sa budget na gagawin nila Congressman Marquez para doon sa plebisito, eh importante po na maglaan din ng substantial amount nang maintindihan ng mga tao kung ano talaga ang ninanais nating baguhin sa Saligang Batas. Napakaimportante po ng ating Saligang Batas! Iyan po ang pinakaimportanteng batas sa ating bayan, kinakailangan po maintindihan ng tao bago sila bumoto sa plebisito.
Q: Okay sir, follow up question. This only sir for clarification about the federalism sir, because at present, we are practicing the democratic kind of government but some reactions says that unitary form of government is being practiced because more power and the decision is coming from the national government, especially Malacañang. So, could you give us additional information sir, regarding the federal form of government? Because we hear some information that by choosing federal form of government, it is to empower local government units in the Philippines, especially the federal form of government could divide the power from the national government down to a local state government if being materialized by the President.
SEC. ROQUE: Bibigyan ko po kayo ng talagang ehemplo, isang kasong nakabinbin na sa Kataas-taasang Hukuman. Kaso po ng sinampa ng probinsiya ng Palawan 2002 pa. Sang-ayon sa Local Government Code, 40% ng gross na lahat ng kinikita noong Malampaya, eh dapat mapunta sa lokal na pamahalaan. Kung nangyari po iyon, mayroon nang 100 billion sana ang pamahalaang lokal ng Palawan, dapat isa na siya sa pinakamayamang probinsiya hindi lang sa buong Pilipinas, kundi sa buong ASEAN. Ngayon po, nananatiling isa sa pinakamahirap ang Palawan dahil ipinagkakait po iyong 40% gross po niya. Sa pederalismo, wala na pong desisyon ang central government kung makikinabang ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga tanging yaman, dahil talagang sa kanila po iyon.
Ang problema po, hanggang hindi nababago ang Saligang Batas, puwedeng labagin ng national government iyong Local Government Code at walang remedyo ang mga pamahalaang lokal kasi naghahain sila ng kaso, tinutulugan naman ng korte. Kaya nga po itong kasong ito, 2006 pa po iyong oral argument, wala na pong nangyari doon sa Supreme Court. Iyong mga ibang judges po, ‘pag hindi nagdesisyon ng isang taon, sibak! Pero ito po, oral arguments 2006 pa, hanggang ngayon po walang desisyon!
Isa lang po ‘yan sa kaso ng mga local government units na nabaon na sa limot sa Korte Suprema. Iyong isa po, kaso naman ng Batangas Governor na si Dodong Mandalas. Doon naman sa computation ng IRA na 60/40 rin. Hindi po sinasama iyong mga Customs duties, iyong mga VAT at iba pang national taxes doon sa computation ng IRA.
So ang pederalismo po talaga, eh kinikilala na ang mga benepisyo at ang serbisyo mas mabilis maparating sa taumbayan kung ito’y ipadadaan sa mga pamahalaang lokal.
Mayroon din po kaming panukalang batas diyan sa Kongreso noong ako’y Kongresista pa, ang pangalan ‘BRAVE’, nagbibigay po ng mga development funds sa mga lokal na pamahalaan, 1 billion sa probinsiya, 500 kada siyudad, 300 kada munisipyo, wala pong nangyari, bakit? Ayaw talaga ibigay sa Local Government Code. Ibig sabihin, hindi lang po ordinaryong batas talaga ang kinakailangan diyan, talagang pagrepaso po at pagrebisa ng ating Saligang Batas.
Q: Okay, sir. I heard—I read some articles that in federal form of government, we can make 80:20 percent. 80% will remain to local government unit, and 20% goes to the national government, Sir, tama po ba?
SEC. ROQUE: Well depende pa po iyan sa isa-suggest ng mga Kongresista natin at saka Senador in their acting as constituent assembly. Pero iyon po iyong essence ng pederalismo, ibigay muna sa pamahalaang lokal.
Ngayon po, iyong barangay road na 10 million kinailangan pang i-implement ng DPWH sa poor area samantalang kayang-kaya naman iyan ni Mayor. Iyong mga eskuwelahan na 4, 5, 6, 8 classrooms, kinakailangang aprubahan pa ng DEPED eh. Ang DEPED napakababa na po ng absorptive capacity. Puwede namang gawin iyan ng mga lokal na pamahalaan.
So ang usapin po hindi po talaga kulang tayo ng kaban na galing sa taong bayan, paano natin magagastos iyan para makinabang ang taong bayan. Tingin ko po malinaw, na kung ibigay iyan sa pamahalaang lokal, ubos po iyan ibig sabihin matatamasa ng taong bayan ang biyaya.
GENE AGUIRRE/GMA NEWS TV: Sir, noong kailan lang kasi is ni-recommend ng DENR at saka ng DOT kay Presidente na mag-isyu ng Executive Order si Presidente for Boracay. So I don’t know po kung aware po kayo dito at saka kung ano na iyong mga possible development?
SEC. ROQUE: It’s forthcoming po. Na-discuss po iyan sa isang pagpupulong bagama’t iyong EO mismo ipi-presenta muna po sa Cabinet meeting. Ang next Cabinet meeting po namin February 5, hindi ko lang po alam kung kasama na iyan sa agenda. Pero mayroon pong binubuong Executive Order para sa Boracay.
Q: Kay Congressman. Cong, I don’t know kasi na-mention kanina ni Spokesman na magkakaroon ng budget for the federalism na ‘pag-review, plebiscite. So I don’t know kung may mga estimates na po kayo kung mga magkano po iyong mga budget na kakailanganin?
CONG. MARQUEZ: Sorry at hindi pa natin pinag-uusapan iyan dahil kaka-approve pa lang iyong resolution na magkakaroon ng constitute assembly. So ‘pagkatapos niyan eh siguro kapag, hindi pa namin malaman kung hanggang saan pupunta iyan. So after that of course budgeting na iyan. Pero huwag kayong magproblema, kapag nakasa na iyan eh ang budget ay gagawan natin ng paraan na hindi naman malulugi ang probinsiya ng lalawigan ng Aklan.
Ganoon pa man sabi nga ng ating Secretary, mahal na Secretary. Idol ko ito eh, idol ko ito lalo na sa international law. Eh pagdating sa hatian lalo na ang Aklan, lalawigan ng Aklan ay mayroong Boracay. At you must imagine that Aklan contributes 42 billion a year, no less than 40 billion a year from the tourism industry. Hamak mo iyong laki niyan! Kaya kung may hatian iyan, ilagay mo lang sa, baliktarin natin 60% ang mapunta sa lalawigan ng Aklan at 40% na mapunta sa national government, eh malaking bagay ho iyan.
SEC. ROQUE: I will read the questions from Manila muna ha para may isang question from Manila. From Leila Salaverria of Inquirer: “Good pm, according to Rep. Fred Castro, the recommendation to protect only responsible exercise of free speech in the new Constitution came from the Presidential Human Rights Committee Secretariat. Does this mean that the suggestion has the backing of the President since it came from a Presidential Committee? Again, what is the Palace position on the matter?”
I’d like to clarify that the Presidential Human Rights Committee Secretariat is not or does not have the rank of a cabinet member. This means that when they spoke, they did not speak as alter-ego of the President. So that is a recommendation of the Secretariat. It is not in any way the position of the President. The President is a lawyer. He is a Fiscal. The Bill of Rights has remain unchanged from the 1935 Constitution, to the ‘73 Constitution to ’87 Constitution as far as free speech is concerned, the President sees no need to amend it. I repeat that’s not the position of the President, unless it comes from a member of the Cabinet who is an alter-ego of the President, their recommendations cannot bind the President. Yes, please?
RODNEL AGUIRRE/BOMBO RADYO KALIBO: Sir, good afternoon. Balikan po natin sir, itong federalism. Iyong may mga probinsiya po na mga mahihirap, paano po ito na-cluster po sila. Paano po makakapag-compensate itong economy nila pagdating sa delivery of social services. Considering iyong mga provinces is may mga mataas po iyong mga poverty level. May scheme po ba ang central government if maano iyong federalism?
SEC. ROQUE: Sa lahat po ng nakabinbin na proposal mayroon pong ‘Equalization Fund.’ Ibig sabihin kinikilala natin na mayroong mas mahirap, mayroong mas mayamang mga estado at magkakaroon po tayo ng pondo para naman maibigay doon sa mga estado o federal estates na hindi masyadong mayaman gaya ng ilang mga estado.
Bagama’t ngayon po ang proposal ng Kamara ay lima na lang na federal estates ‘no. So makikita natin na baka hindi na masyadong magiging malaki iyong discrepancy sa kayamanan. Siguro magkakaroon ng malaking discrepancy doon sa estado ng Luzon, Visayas, Mindanao, Metro Manila at saka iyong sa Muslim Mindanao ‘no sa Bangsamoro ‘no. So baka iyong Bangsamoro ang makikinabang doon sa equalization fund.
Yes, please?
GARRY VARGAS: Good afternoon, Garry Vargas of Love Radio Calibo and Calibo Cable TV local TV. Secretary pareho po siguro, at saka kay Congressman. Alam namin pasado na iyong two district ng Aklan ‘no, 2011, oo tapos gaano pa ito mai-implement? Aabot na ba ito ngayong eleksiyon o any support from the Secretary?
CONG. MARQUEZ: Yes depende ho iyon. Although pasado na sa committee level ay ipa-follow up pa natin doon sa ating majority floor leader para i-discuss na rin sa floor iyan. Pero mabilis ho lang iyan. Depende na rin sa ating majority floor leader kung idi-discuss namin sa appropriation at saka committee rules. Paglabas niya tuloy-tuloy na ho iyan kasi local bill naman iyan.
Q: Possible na siya Congressman?
CONG. MARQUEZ: Well depende rin sa Senado dahil siyempre dadaan pa sa Senado. Kaya nagpapatulong tayo, mapalad tayo ngayong araw dahil nandito si Secretary kaya siya ho ang ating lalapitan diyan.
SEC. ROQUE: For the record co-author po ako noong panukalang batas ni Congressman Marquez para sa pagbuo ng pangalawang district dito sa Aklan.
Q: Secretary, hindi po ako magtatanong. Hihingi lang po ako ng tulong kasi marami po sa 4Ps beneficiaries here in Aklan, especially in New Washington na nagkaroon ng kasing-pangalan sa Tarlac. Naputol iyong kaniyang subsidy, pero tuloy-tuloy niyang iginagapang, iyong kaniyang anak hanggang makatapos! Hanggang ngayon hindi na naibalik sa kaniya. Nagsabi na po ako kay Sir Jonji Gonzales iyong Secretary ni Secretary Dino, Presidential Assistant. Sabi niya, ‘I will check into it.’ Pero dalawang beses na po ganoon din po ang sagot sa akin. Sana po matulungan iyong mga 4Ps beneficiaries na nagkaroon ng ganoong problema.
SEC. ROQUE: Ite-text ko po ngayon si Acting Secretary Leyco ng DSWD. Ganiyan naman po ang ginagawa ko habang umiikot ako sa mga Palace briefing, may mga ganitong mga concerns. Pino-forward ko po kaagad sa aking colleagues sa Gabinete.
Q: Marami pong salamat.
SEC. ROQUE: Siguro po ang question from Manila ‘no. Mayroon pa hong isa, iba? Sige po kayo muna po. And then I will read the question from Manila.
Q: Magandang hapon po. Medyo giniginaw ako kasi nabasa kami kanina eh. Joke. [laughs].
SEC. ROQUE: Hahakapin po kayo ni Congressman Marquez. [laughs].
Q: Hindi po pupuwede iyan. Tanong ko lang po sir. Magkakaroon po ba ng eleksiyon at kailan po ito mangyayari?
SEC. ROQUE: Paulit-ulit ko na pong sinasabi ang Presidente hanggang hindi maamendahan ang Saligang Batas, katungkulan po niyang ipatupad ang Saligang Batas. Ang sabi ng Saligang Batas magkakaroon ng eleksiyon sa Mayo 2019.
Q: Okay, good. I am clarified with that. Now the other question, follow up question is. If and when President Duterte becomes successful in introducing federalism in this country, will he be able also to the abolish corruption?
SEC. ROQUE: Maski wala pa pong pederalismo, ang dami pong nasibak na ni Presidente dahil sa korapsiyon at patuloy po ang proseso. Nangako po siya, ang susunod naman mga heneral at mga pulis! So zero tolerance po ang ating Presidente sa korapsiyon sa gobyerno. Ang aking advice sa mga gustong yumaman, gustong magbiyahe sa gobyerno, umalis na po kayo ng gobyerno, magpribadong sektor na kayo.
Q: Sana po matupad dito iyan.
SEC. ROQUE: Question from Reymund Tinaza ng Malacañang Press Corps. Naku nawala po. Nawala po, ahh ito, ito, ito! Okay. Naku ano ba iyan nawala! Nawala iyong aking question dito kay Reymund, nandito na. Sige po magtanong muna kayo habang hinahanap ko. Ito na po si Reymund. Reymund Tinaza: “Sir, do you agree or support the threat of Speaker Alvarez to give zero budget to LGUs which do not support federalism. Is this acceptable to the President who says he does not even call or threaten solons to force shift to federalism?”
Ang paninindigan po ng Presidente hindi po siya nanghihimasok sa gawain ng Kongreso. Ito pong pagbibigay ng suhestiyon kung ano iyong dapat marebisa sa ating Saligang Batas ay katungkulan pa rin ng ating Kongreso na umuupo bilang isang constituent assembly. Naniniwala po kami na independiyente ang Konrgeso at hindi po kami nanghihimasok, hindi po nanghihimasok ang ating Presidente.
From Johanna of Inquirer.net: Hi Spokes, question po for Spokes. Kagabi sa black Friday rally sa Quezon City, your old friend UP Prof. Danilo Arao called on you to resign. He said, ‘hinahamon kita Harry, kung hindi mo na masikmura ang ginagawa mo ngayon bilang tagapagsalita ng isang manunupil na Pangulo, you should leave at dapat mag-resign ka na. At kung ayaw kang magbitiw sa tungkulin, talikuran muna ng tuluyang ang sinabi mong pagiging steward ng karapatang pantao at kalayaan sa pamamamahayag, at aminin mo na ito ay isang oportunistang layunin mo lamang para manalo sa susunod na eleksiyon.” What’s your reaction to this?
Naku wala po akong dapat patunayan pagdating doon sa aking paninindigan. Para po sa kalayaan ng malayang pamamahayag at pananalita. Mayroon po tayong UN-Human Rights Committee decision na ang criminal libel sa Pilipinas ay labag sa malayang pananalita. Mayroon po tayong kaso sa Supreme Court na sinabi na si FG po bagama’t may karapatan siyang maghain ng libel laban sa mga pamamahayag, iyong napakadaming paghahain ng libel, iyan po ay abuse of rights. Napakadami na po naming pinaglaban na mga mamamahayag na nademanda ng libel. Napakadami na pong mga pinatay na mga mamamahayag na aming nilitis, ang mga pumatay sa kanila.
Wala na po akong dapat patunayan doon sa aking paninindigan para sa kalayaan ng malayang pamamahayag lalong lalo na.
Bakit po ako nagpapatuloy bilang isang Spokesman? Dahil naniniwala ako at naninindigan din po ako na ang Pangulong Duterte ay sang-ayon din at sumusuporta sa malayang pamamahayag. Uulitin ko po iyong usapin ng Rappler. Usaping fund raising po iyan na ang sabi ng SEC, iyong fund raising ng Rappler eh nilabag ang Saligang Batas dahil ipinagbabawal ang mga dayuhan na magkaroon ng control sa mga mass media companies. Usaping pera po iyan, salapi, kuwarto! Hindi po iyan usaping malayang pamamahayag.
Kung sa tingin ko po talagang lumalabag sa karapatan ang Presidente. Hindi po ako mag-aatubili, magre-resign ako! Pero ang malinaw na malinaw po sa akin, walang kinalaman ang Presidente diyan sa desisyon ng SEC na iyan. Iyang mga commissioners na iyan ay lahat po itinalaga ni Presidente Aquino.
Malinis po ang konsensiya ni Presidente halos tatlumpung taon na pong nanunungkulan si Presidente ni minsan hindi iyan nag-libel. Alam po niya ang halaga ng malayang pamamahayag, alam po niya ang halaga ng malayang pamamahayag, alam niya na pupulaan siya ng media. Hinahayaan lang niya kasi alam naman niya na ang taongbayan, hindi nadadala sa mga fake news and fake reporting. So iyon po iyong aking katugunan.
Q: Maraming salamat.
SEC. ROQUE: Yes, questions bago po tayo magbasa pa ng questions galing Manila.
HOST: Yes sir. I would like to acknowledge first the presence of SP Atty. Harry Sucgang, Good afternoon, sir. Mr. Magno.
Q: Secretary I don’t know if you’re the right person na sumagot dito pero ang tanong lang po namin is, like sa federalism po, marami kasing grupo ang tinatayo ngayon like ang MRRD, ang SWORD, na ang advocates nila is to push federalism. Pero is there any word from the President na kumbaga kung sino ang kaniyang, anong grupo yung kaniyang gagamitin?
SEC. ROQUE: Saan, para sa?
Q: Iyong sa federalism po, kasi medyo nagkakagulo.
SEC. ROQUE: Anong grupo?
Q: Like iyong SWORD, iyong mga MRRD—
SEC. ROQUE: Eh lahat naman po iyan nagsusulong ng pederalismo, lahat po iyan ay binibigyang suporta ng Presidente. Pati nga po ang mass media hinihimok niya magkaroon ng massive information campaign na maintindihan ng taong bayan kung anong isyu dito sa pederalismo.
Q: Sige po.
SEC. ROQUE: Okay, Deo De Guzman follow up sa question ni Bombo. Do you agree, ah okay ito po iyong tanong na iyong zero budget ‘no. Bombo: Paano iyong mga constituents, hindi ba sila mag-suffer sa banta ni Speaker Alvarez kung sakaling mangyari iyong sinabi niya? Hindi ba lumalaki masyado ang ulo ni Speaker Alvarez at sa tingin niya siya ay all powerful. Another question: “Paano po iyong federalism, maaga pa lang hindi na magkasundo ang Senado and
House of Representatives! Is Malacañang going to intervene?
Uulitin ko po, hinahayaan natin ang Kongreso na gampan ang kanilang katungkulan bilang isang constituent assembly. Alam ninyo po, alam naman ng mga Kongresista na in addition to being a deliberative body, consensual po iyang Kongreso, para ikaw ay makapasa ng isang Bill kinakailangan magaling kang bumuo ng isang consensus. Ganiyan din po iyong relasyon ng Kamara at ng Senado. Kinakailangan magkasundo sila para sila ay makausad ng paggawa ng batas! So iyon na po iyong aking kasagutan doon ‘no. At iyong ibang mga katanungan kay Speaker Alvarez, siguro po pakitanong na lang si Speaker Alvarez. Okay?
DARWIN TAPAYAN/ENERGY FM-KALIBO: Good afternoon sir. So, regarding po doon sa ilalabas na Executive Order ni President Duterte doon po sa isla ng Boracay, any idea sir kung mayroon po bang plano iyong national government na i-take over po iyong pamamahala sa isla ng Boracay to solve the different issues there o kung ano po iyong mga punto doon sa EO po?
SEC. ROQUE: Ang Presidente po ay para sa pederalismo, so that would be contrary to the spirit of federalism. So in fact, umaasa kami na ang Boracay ay mapapangalagaan ng pamahalaang lokal, hindi lamang ng Malay kundi na rin ng probinsiya. Bagama’t ang tulong ng gobyerno ng nasyonal ay gaya ng tulong ng TIEZA, hindi po maliit na halaga iyong Phase 2. Kung hindi ako nagkakamali, magkano iyon? 206 million!
CONG. MARQUEZ: Pero ang plano ay gagawin nang 1 billion.
SEC. ROQUE: Oo. So, sumusuporta po ang nasyonal na gobyerno sa pamamagitan ng DOT, pero hinahayaan po natin ang mga pamahalaang lokal na pangalagaan ‘yang Boracay.
Q: Ah, iniisip ko lang po kasi na ano, for the meantime, maari pong i-take over muna ng national government. But gusto ko lang po, another concern po, ipaabot ko lang po sa inyo, baka mayroon po kayong reaksiyon. Dito po sa concern namin sa provincial hospital, marami po kasi sa mga kababayan po namin na pumupunta po sa provincial hospital pero kulang po ng mga facilities kagaya po ng blood bank; at saka kung halimbawa magpa-CT scan po sila, eh kailangan pa nilang lumabas at magbayad po doon sa private hospitals. So ano po iyong puwede pong magawa ng ating pamahalaan po, sir? Thank you.
SEC. ROQUE: Well, sumulat po kayo sa tanggapan ng Presidente, sa akin, tingnan po natin kung anong magagawa natin diyan. Dahil bagama’t na-devolved na po sa pamahalaang lokal ang health, alam naman po natin DOH ay nagbibigay pa rin ng tulong sa iba’t ibang mga lokal na ospital.
Okay. “Reaction on the SWS survey that 1 out of 3 Filipino has escaped poverty…” Ah, hindi lang po ‘ata 1 out of 3 ‘no. Sa statement natin ay hindi lang po siya 1 out of 3, 31 okay. One out 3, 31 of Filipinos have escaped poverty, while 1 out of 10 fell into poverty. Hindi pa po tayo tumitigil sa ating mga efforts para maiahon ang lahat ng mga Pilipino. Ang target nga po ni Presidente, pagdating ng 2022 wala na dapat nagugutom sa Pilipinas.
Now, question po from SOCMED: “Kung puwede daw po patanong, sa Loop, from Andrei: Despite the memorandum of the President that all infra projects should be 24/7, why Aklan do not follow the memo? An example is Banga to Libacao Road which is ilang taon na under construction. Ano po parusa sa mga provincial office na ‘di sumusunod sa memorandum? Ano pong parusa sa mga LGU na hindi sumusunod sa memorandum?”
Well ang sakop po natin ay iyong mga proyektong pang-nasyonal na ini-implement ng district, regional and DPWH-national. So kung mayroon po kayong alam na mga nakatenggang nasyonal na proyekto, ipagbigay-alam ninyo po sa amin, mayroon kaming Presidential Action Center, ipararating po namin ‘yan kay Secretary Villar o sumulat po kayo ng liham sa akin diretso, at sisiguraduhin ko na maaaksiyunan ‘yan.
LYNETTE MENDOZA: Good afternoon, Lynette Mendoza po. Iyong tanong ko po ay, may nagpapalutang ngayon na baka hindi na naman daw matuloy ang barangay at SK elections. Una po, ano po iyong status ng eleksiyon this coming May?
SEC. ROQUE: Well, ‘yan po ay nasa kamay ng Kongreso dahil ang Kongreso naman po ang nagsasabi kung kailan ang susunod na halalan ng barangay elections, at sila po ang nagpapasa ng batas para magpondo, magbigay ng pondo sa ganiyang eleksiyon. Siguro po, si Congressman Marquez!
CONG. MARQUEZ: Actually, hindi pa pinag-uusapan namin ‘yan. Iyong mga forecast lang iyon ng ibang mga constitutionalist, eh nagtatalo kasi ang iyong preparasyon pati ng Comelec. Ano ba talaga ang uunahin, barangay election, iyong plebisito, whatever!
Kasi hindi puwede na isabay ang plebisito sa isang barangay election, dahil sabi nga nila eh ang Comelec magkakaproblema. Isang balota para sa barangay election, isang balota para sa tanong kung bagay ba o hindi pabor kayo sa pinapasang plebisito, ‘yan. So, hindi puwedeng pagsabayin iyong dalawa, iyon ang pinagtatalunan hanggang ngayon. So, medyo hindi pa, hindi pa natin masasabi iyon kung kailan.
Q: May follow up po akong question. Legal daw po ba ang Presidente na mag-appoint ng isang punong barangay or barangay captain?
SEC. ROQUE: Kapag wala pong batas, hindi po pupuwedeng mangyari ‘yan ‘no. So kinakailangang desisyunan, magbigay ng polisiya ang Kongreso kung patuloy na holdover o kung kinakailangan na i-appoint na lang ng Presidente.
Q: Kasama po ba ‘yan sa mga amendatory resolutions nitong pag-amyenda ng Constitution?
SEC. ROQUE: Naku gawaing Kongreso po ‘yan, siguro si Congressman Marquez.
CONG. MARQUEZ: Hindi pa rin namin pinag-uusapan, hindi pa rin namin pinag-uusapan ‘yan. Kasi in accordance to 1987 Constitution ang sinusunod natin eh, hangga’t hindi natin naaamyendahan iyon, wala pa tayong kuwan doon, masasabi.
SEC. ROQUE: From Dexter Ganibe of ABS-CBN: “Baka may pahayag ang Palace po dito, dalawang pulis Caloocan na suspect sa pagpatay sa mga binatilyong sina Karl Angel Arnaiz at Reynaldo De Guzman, kinasuhan na ng DOJ.”
Patunay po ito na alinsunod sa mga directive ng Presidente sa mga pulis. ‘Pag ang pulis pumatay na labag sa batas, hindi lang sila aarestuhin , sila po’y lilitisin at paparusahan. Pero at the same time, sabi naman ng Presidente kung ang pagpatay ay legal, sang-ayon sa legal na katungkulan, suportado po niya ang pulis.
Ang ini-emphasize lang po natin, iyong pagdodoble ng suweldo ng pulis at Hukbong Sandatahan, pagkilala doon sa napakaimportanteng papel na ginagampan ng ating mga men in uniform. Pero kinakailangan po, maging propesyunal sila, kapag ang patayan iligal, litis at parusa!
RUSS NAVIDA/DYKR: Good afternoon, I’m Russ Navida from DYKR. Sir, gusto ko lang marinig sa’yo mismo manggaling iyong sagot. Marami kasing nagtatanong kung ano raw iyong dahilan ng Duterte administration na bakit gustong gawing federal form of government, from a democratic form of government daw po. Maraming salamat.
SEC. ROQUE: Hindi po tayo magiging undemocratic, it is still a democratic. We are moving from unitary to federal. Ang unitary po, iisa lang ang soberenyang bansa, lahat ng kapangyarihan ng mga pamahalaang lokal ay ibinigay ng Republika sa kanila itong mga kapangyarihan na ito. Ang federal state of government, ay isang bansa po na mayroong soberenya sa loob ng isang soberenya, so ‘yan po ang pagkakaiba.
At unang-una, nais po ‘to ng Presidente dahil bilang isang Mayor ng almost 30 years ng Davao City, alam po niya na mas importante na ibigay ang kapangyarihan at ang resources sa mga pamahalaang lokal dahil mas mabilis at mas alam ng pamahalaang lokal kung ano ang mga pangangailangan ng kanilang mga mamamayan. Okay?
Q: Sir, will the President come to attend the 50th Anniversary of Dinagyang Festival?
SEC. ROQUE: Ipit po ang schedule eh. Kasi manggagaling po ang Presidente sa India, although matagal pong nakalagay ‘yan, nasa tentative sa calendar ng Presidente. Pero ang dating na po ng Presidente galing India ay, if I’m not mistaken, midnight of Saturday na eh, oo. So Sabado ng napakaaga, so naipit po iyong schedule dahil dito sa trip to India. So paumanhin po, hindi po makakarating sa Dinagyang.
Pero kung gusto ninyo, pupunta ako doon at doon tayo mag-press briefing, nag-aantay po tayo ng imbitasyon. Ah, mayroon na palang imbitasyon, ang sabi ni Señor Arnel. Kung makahanap po tayo ng eroplano, dahil napakahirap pong bumili ngayon ng mga airline seats ‘no (laughs) sa mga festivals, baka po tayo mag-press briefing din sa Iloilo in time for Dinagyang. Okay?
MODERATOR: Yes Secretary, ‘yan po lahat iyong katanungan ng ating mga kasamahan dito sa bayan ng Kalibo. Maraming, maraming salamat po at saka iyong closing statement ninyo lang po para sa ating mga kababayan dito sa Kalibo at Probinsiya ng Aklan.
SEC. ROQUE: Well unang-una po, nagpapasalamat ako kay Mayor Lachica for hosting this Palace Press Briefing; kay Congressman Marquez at kay Bokal ‘no for joining us in today’s press briefing. Itong Malacañang Press Briefing po in the different parts of the Philippines, ang layunin pon ito, ilapit ang Palasyo, ang ating Presidente sa mga mamamayan natin sa iba’t ibang mga probinsiya, and to empower the members of the provincial press corps.
So maraming salamat po sa inyong pagdalo, at siyempre po Viva kay Señor Sto. Niño! Maraming salamat po.
###
(NIB)
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)