Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Rene Sta. Cruz (Bigtime Balita – DZBB)


RENE: Makiki-kuwento lang tayo kay Secretary Martin Andanar ng PCOO. Magandang hapon sa inyo, Secretary.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon, maayong hapon Ka Rene og Bay. Napansin ko nga noong pagdating natin sa India, kasama natin si Presidente ay after lumabas iyong balita na mayroong banta iyong ISIS sa ating mahal na Pangulo, noong Biyernes ho ay mas naging mahigpit ang seguridad ng Indian government sa convoy ni Presidente Duterte. At nakita natin na hindi po nila talaga pinabayaan ang ating mahal na Pangulo kasama po ang delegasyon.

RENE: Okay. Bakit ho, noong Biyernes ay napansin ninyo mukhang mas lalong naghigpit, ano bang natanggap na report sa India mismo, ano ba talaga?

SEC. ANDANAR: Well, iyong lumabas na balita na mayroong banta iyong ISIS, iyon lang naman ang pinagbasehan ko, pero of course mayroon silang mga intelligence report ang Indian side. At napansin ko nga, kasi iyong unang convoy kasi ay dire-diretso lang iyong biyahe from the airport. Pero noong Biyernes po ay halos lahat noong kalye… kundi lahat ng dinaanan po namin na kalye ay walang ibang dumadaan kundi kami lang. Tapos iyong mga sundalo at mga pulis ng India ay binabantayan iyong bawat establisyimento na dinadaanan namin, nakaharap sila doon, iyong mga sundalo, at mabagal iyong takbo, very tactical iyong biyahe namin. So I noticed that, so I assumed that iyon iyong resulta, iyon iyong naging reaction ng government of India sa banta sa buhay po ni Presidente.

RENE: Ano naging role ng ating grupo ng PSG na kasama?

SEC. ANDANAR: Well of course, ang PSG naman ay talagang iyon ang kanilang trabaho, na bantayan ang ating Presidente. At ang naging role nila doon ay iyong koordinasyon nila sa Indian government at iyong security forces ng India. So, napansin ko nga noong papunta kami doon sa parade, doon sa Rajpath Area ng New Delhi kung saan nagkaroon ng parada for the 69thRepublic Day of India, na hindi lang po ang Presidente Duterte ang mahigpit na talagang binantayan – maging lahat po ng iba pang miyembro ng ASEAN, iyong mga ASEAN heads of state, so sampu silang lahat… and it was very strict, very strict po talaga.

RENE: Okay. Nagbigay ba ng briefing ang Indian government, security forces sa inyong tropa na talagang mayroong seryosong banta ng ISIS sa Presidente?

SEC. ANDANAR: Wala po akong alam kung nagbigay ng briefing. Hindi po ako privy sa trabaho po ng PSG at iyong kanilang koordinasyon with the Indian security. Ang aking sinasabi lamang ay konting obserbasyon ko, from the first day when we arrived and the last day when we left, which was yesterday.

RENE: And, how do the President reacted to this new report?

SEC. ANDANAR: Well ang sabi po ni Presidente, kung panahon mo na, panahon mo na. As usual, our President is not scared of any threats to his life. Sabi niya kung panahon mo na, panahon mo na. Siya, nagtatrabaho lang siya.

RENE: Okay. Now, malaki ba ang kinalaman kaya noong nangyari sa Marawi na natalo nang todo iyong mga ISIS na nag-attempt na kunin iyong Lungsod ng Marawi? Ito kaya ang nag-trigger kung bakit napag-initan ang Presidente?

SEC. ANDANAR: Well, alam naman natin na of all the ASEAN heads of state, si Presidente Duterte ang tanging presidente na nakatalo talaga sa movement ng ISIS, at ‘yan po ay naging malinaw dito sa giyera sa Marawi. So, it’s expected ‘yan, na talagang number one na kalaban nila ay iyong pinakamatapang, iyong pinakamatigas na leader ng ASEAN na talagang hindi sila inaatrasan, iyong ISIS.

So the President has already mentioned this time and again, sa mga speeches niya, even sa mga meeting namin na talagang iyong looming na problema, so it’s no longer looming, but the problem now really is the ISIS lalong-lalo na, na natalo na iyong ISIS doon sa Iraq at sa Syria, at marami na sa kanila ang pauwi na ng kani-kanilang mga lugar. Mayroong mga Pilipino doon, may mga Indonesian, may Malaysian… and they are gathering—they are consolidating their forces, itong ISIS.

As a matter of fact, isa nga sa mga banta na rin natin Ka Rene at Bay, ay iyong binubuhay muli ng Al Qaeda iyong kanilang network. So kumbaga, nag-aagawan na sila ng mga teritoryo and they are creating new pockets of violent extremist forces sa kani-kanilang mga lugar.

RENE: Secretary Andanar, sir… may report noong isang araw na umabot yata ng 2 billion na mahigit, dollars ang nakulimbat nitong mga grupo ng ISIS na pumasok sa Marawi’t mukha—iyon ang ginagamit ngayon, iyong pondo na iyon para ipambayad doon sa mga bagong recruit at madaling makakuha.

SEC. ANDANAR: Magkano inabot? Sorry…

RENE: Two billion yata, two billion dollars yata iyong nakulimbat na iyon, lahat-lahat. May alahas galing sa bangko, etcetera… nag-front page po sa isang pahayagan noong isang araw iyon at iyon daw ang ginagamit.

SEC. ANDANAR: Talaga namang itong mga grupo na ito ay mayroon naman silang pinagkukunan ng kanilang pondo, kung saan man galing ‘yan, at mayroon din silang mga supporters. At we all know also, iyong anak po ni Osama Bin Laden ay very active din para sa Al Qaeda. At sila ngayon nagre-recruit na rin ng mga miyembro ng ISIS na sumama sa kanila. And we are also aware that iyong Daulah Islamiyah doon sa Indonesia ay active din sa pagre-recruit, nagpapadala ng kanilang mga recruiter dito sa bansa, partikular dito sa Mindanao. And ito naman ay nakaharap na natin sila doon, at natalo na sila…at lalong-lalo na hindi po aatrasan ito ni Pangulong Duterte.

Sa India po ay napag-usapan ito ng ating mahal na Pangulo, kasama po si Prime Minister Modi at iyong ASEAN leaders, itong partnership pagdating sa paglaban/pagsugpo ng mga terorista, ng mga violent extremists. So this problem is a universal problem, hindi lang tayo ang humaharap dito kundi ang buong mundo po ay affected dito sa ISIS at sa terrorism.

RENE: Okay. Well iyong banta nandiyan, nagre-regroup sila, nagko-consolidate ng puwersa diyan somewhere in Mindanao. Ang palagay ko, ako’y sumasang-ayon doon sa sinasabing solusyon ng Presidente, na kinakailangang itatag na natin iyong ating federal form of government, Secretary.

SEC. ANDANAR: Well one of the solutions there, number one ay iyong martial law na in-extend dito sa Mindanao. At pangalawa diyan ay iyong countering violent extremism programs ng gobyerno at ng Indonesia – alam ko ang Pilipinas at Indonesia are working together. At pangatlo diyan ay iyong capacity building, at building measures po ng ating gobyerno with the Moro Islamic Liberation Front at iba pang mga grupo ng ating mga kapatid na Muslim dito sa Mindanao na kailangan po ay kausapin nang husto, at sumama dito sa proposal na magkaroon ng isang Bangsamoro state.

At iyong federalism po ay solusyon din po ‘yan, dahil kapag naging federalized iyong bansa natin at nagkaroon po ng mas malaking poder o kapangyarihan ng mga estado, ang mga probinsiya at mas lumaki po iyong balik sa kanila na internal revenue allotment, ay mas malaki po iyong pagkakataon na sila po ay umasenso at mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga kababayan sa Mindanao. Alam naman po natin na problema po kasi sa insurgency dito, isa po ay… pinakamalaki diyan ay ang kahirapan.

RENE: That is true. So kailangang-kailangan na rin iyong BBL, iyong Bangsamoro Basic Law, kailangang-kailangan na ito.

SEC. ANDANAR: Yes. Iyong Bangsamoro Basic Law na ito po ay sinasang-ayunan ng ating gobyerno at sinusuportahan ng maraming mga kakampi natin sa gobyerno sapagka’t matagal na ho talaga itong kapayapaan na matagal nating minimithi dito sa Mindanao. And we are hoping that this will be passed by this year.

RENE: Okay. Siguro… marami pa sanang issue kaya lang ayaw kong maghalo-halo. Siguro one at a time na lang. Siguro one of these days tatawagan ka uli namin. Pero ang huli ko lang tanong, ano bang positibong bitbit ng ating Tito Digong noong bumalik dito sa Pilipinas galing sa India?

SEC. ANDANAR: Naku napakaganda po, dahil nagkaroon po tayo ng 1.2 billion dollars worth of possible business: Ito po’y commitments from the Indian private sector – nandiyan po iyong industriya ng turismo; nandiyan po iyong industriya ng information technology; nandiyan po iyong wellness; mga pharmaceutical business. So worth 1.2 billion dollars worth of business papasok po sa Pilipinas mula po sa bansang India, and it’s just the beginning. Sapagka’t kitang-kita naman natin na iyong India, isa sa pinakamalaking bansa with the second biggest population in the world, 1.25 billion people, napakalaking merkado, you just imagine.

Pati iyong ating mga produkto sa Pilipinas ay mai-export po natin sa kanila, ang laking merkado po noon. So this is really a good start, a good partnership with India, at hindi lang po diyan sa ekonomiya at sa negosyo, kundi pati rin po sa ating problema sa pagsugpo sa terorismo – security relationship ng bansa natin at ng India.

RENE: Let me emphasize first bago kita pakawalan Secretary, na ang term na ginamit mo ay ‘commitment’ not a promise.

SEC. ANDANAR: Opo, commitment po ito. At alam naman natin na India really has a very vibrant pharmaceutical industry, napakamura po ng gamot doon at sila po ay—in fact, iyong isa sa ano natin dito sa Tagaytay, iyong sa wellness natin na center dito, pagmamay-ari ng isang taga-India. So we should keep on building our international relationship with India, sapagka’t itong lugar po nila, itong bansa po nila ay napaka-strategic po sa pag-unlad ng ating bansa also.

RENE: Well said… our regards na lang kay Presidente ha ‘pag kayo’y nagkita, Secretary. Salamat nang marami sa iyo ha.

SEC. ANDANAR: Ay, maraming salamat. Daghang salamat Bay at Ka Rene. Mabuhay kayong dalawa. Thank you.

RENE: Mabuhay ka. Si Secretary Martin Andanar…

###

 

Resource