Interview

Cabinet Report sa Teleradyo 4th episode with Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Ana Marie Banaag and Guest Secretaries by Leo Palo – Kaagapay ng Bayan, Radyo Pilipinas


LEO PALO: Alright. Magandang, magandang, magandang, magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas, Mindanao, worldwide at sa mga ka-DDS, mga ka-BBM natin, again. At siyempre pa it’s another Saturday, another Cabinet Report. Ako po ang inyong lingkod Leo Palo III sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, siyempre pa mapapanood ninyo ulit ngayon ang mga usaping may kinalaman sa ating mga gabinete, naturalmente.

At sa araw na ito, unfortunately, ay hindi natin makakasama si Secretary Martin Andanar pero may pinadala siyang kapalit siyempre. At walang iba kung hindi ang maganda at magaling na abogado, at the same time, Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office o PCOO, siyempre si Asec. Marie Banaag, welcome the show, Asec.

ASEC. BANAAG: Leo, magandang umaga po and then sa lahat ng ating taga-panood at taga pakinig, happy weekend po sa ating lahat.

LEO: Iyan, so kumusta naman, Asec., alam kong mukhang ikaw ay pagod na pagod din at mukhang maraming trabaho—

ASEC. BANAAG: Hindi naman masyado, mas pagod si Secretary. At humahali po tayo kay Secretary Martin Andanar ngayong umaga para sa Cabinet Report. And lahat po tayo pagod, wala naman talagang na-e-excuse sa kapaguran natin.

LEO: Actually this is our fourth episode ng Cabinet Report sa Teleradyo at siyempre dito ay, baka hindi mo alam Asec. ha, mga Cabinet officials iyang ating mga ma-i-interview dito actually, makakasama sa mga susunod pa na mga araw ay medyo, sabi ko nga kami po ay nanganganay pa, dahan-dahan lang na ina-ano namin ni Secretary Martin at maging siya ay nanganganay dito actually. Ano na iyon ha, matagal na.

ASEC. BANAAG: Batikan—

LEO: Batikang…

ASEC. BANAAG: Mga controversial ba na Cabinet members? Ganoon po ba?

LEO: Kasama na doon, kasama na doon siyempre pati na rin iyong mga—siyempre iyong kanilang mga ginagawa, trabaho. Dito ay sisilipin natin actually, hindi naman basta sisilipin kung hindi mag-uulat sila sa atin. Sa mga kababayan nating nakikinig kung ano na po ang nagawa nila sa mga utos ng Pangulong Duterte sa kanila, sa mga mandatong kanilang pinanghahawakan. Pero bago diyan mga kababayan ay gusto ko munang malaman mula kay Asec. Marie Banaag kung ano ba ang pinakapapel muna ni Asec. Marie sa PCOO na para alam nila. Ano bang ginagawa ni Asec. Marie Banaag?

ASEC. BANAAG: Iyan kasamang Leo, tayo po sa ating opisina ay atin po ang operations at legislative affairs. Sa operations po, tayo po ang namamalakad sa PCO.net or the Provincial Communications Offices network. Iyong mga kasamahan po natin na information officers sa local government units na nasa probinsiya, hindi lang sa local government unit, iyong mga information officers ng national government agency sa probinsiya, ng mga information officers ng cooperatives, ng NGOs at lahat ng mga kasamahan natin na local media sa mga probinsiya outside of Metro Manila. Sila po ang ine-engage natin para diretso po iyong mga balita natin from Metro Manila, from the Palace sa kanila po. So iyon po ang ginagawa natin.

LEO: Para pa lang ano ito, para ka pa lang ikaw ang pinaka-DILG ng PCOO, ganoon ba iyon?

ASEC. BANAAG: Para lahat—wala naman—lahat naman po tayo, kasi ang mandato po ng PCOO at lahat ng mga line agencies natin ay tayo ang mouthpiece, tayo ang nag-sta-strategize kung papaano maiparating sa ating mga kababayan lahat ng programa ng Executive Department natin. So napakalawak na obligasyon po iyan.

LEO: Grabe, akala ko lang noon mga kababayan, mga ka-toto ay si Asec. Marie ano lang… ano bang tawag dito? Ang hawak lang niya, dito! Dito sa—kasama na po ang PBS, ang NIB, ano pa ba? Ang PIA, ang PNA. Sabi ko, magulat-gulat ako naglilibot na siya doon. Nasaan na ba iyon? Kaya sabi ko nga noon, si Asec. Marie, sabi ko nga sa ilan sa mga kasamahan ko sa Malacañang Press Corps ay puwedeng maging Assistant ni Secretary Roque dahil the way she speak, ang galing… ang sabi ko nga, ‘Iba talaga abogado’ ganoon talaga. Ganoon ba iyon?

ASEC. BANAAG: Siguro hindi ko kokontrahin kasi maganda ang umaga natin. [laughs]. Of course Kasamang Leo, ang lahat ng ahensiya po natin ay na kay Usec. George Apacible ng good governance and on top of all this ang ginagawa po natin pati iyong mga ano natin, iyong Media Gender and Equality Committee, tayo pa nga ang mauupo doon.

So pagkatapos po ng launching ng kit natin para mas gender sensitive po ang mga kasamahan natin sa media, that is po ang—kasama po natin diyan ang MTRCB, Philippine Commission on Women, ang Optical Media Board, NCCA at ibang ahensiya. And also, tayo po ang in-charge sa culture and the arts. Sa mga indigenous people, sa mga kulturang Pilipino. So tayo po ang umuupo doon.

LEO: Bakit hindi ito nasabi sa Malacañang Press Corps? [laughs]. Pati ako hindi ko alam ito. I mean iyong designation at ganoon pala ang ginagawa ng PCOO as a whole, ang dami pala talagang—I mean doon kayo pumapasok sa ganoon ano?

ASEC. BANAAG: Kung titingnan po natin kulang pa siguro—

LEO: Kulang pa?

ASEC. BANAAG: Kulang pa iyong ginagawa natin kasi ang laki po ng burukrasya natin, ng Executive Department. So kung sasabihin natin na tayo dapat nandoon sa lahat, well, tina-try natin. Hindi lang ako, lahat actually pati line agency. So, nagkukumahog lahat, para matulungan lahat.

LEO: Nakikipag-coordinate kayo totally? Parang nakikipag-coordinate kayo sa ibang department like for example iyong Department of Transportation? Lahat —

ASEC. BANAAG: Lahat po.

LEO: So parang hindi naman siguro nanghihimasok kayo doon sa information and dissemination ng mga—

ASEC. BANAAG: Trabaho po natin iyan, mandato po ng ating opisina yun.

LEO: Ganoon? Paano iyon mga—I mean ito ano lang sariling ano ko lang ito. ‘Di ba kunwari Department of Transportation, DTI, may mga PIO sila. Paano iyon?

ASEC. BANAAG: Partners natin ang mga PIOs ng lahat ng ahensiya ng ating pamahalaan, at actually pati pribadong sektor. We look at this—ang communications will look at this na parang wala kang itatapon, dapat kasama mo lahat.

LEO: Kasi baka kako ang iniisip ko baka maging redundant naman iyong work. I mean kung ang DOTr ay kaya naman palang i-handle ang PCOO, bakit maglalagay pa ng PIO doon?

ASEC. BANAAG: Hindi ang PIO nila ay para makapag-focus sila sa mga kaniya-kaniyang mga programa nila. But we have to know as PCOO kung ano ang talagang ginagawa nila at kung may puwede tayong itulong sa kanila kapag nangangailangan sila ng tulong, hindi natin puwedeng sabihing bahala sila.

LEO: So nagre-report sila ng mga information, I mean kumukuha sila ng mga balita?

ASEC. BANAAG: We partner with them. We have the Spokespersons’ Guild. So, dito lahat ang mga Spokesperson ng mga ahensya po, dito sila nagshe-share ng mga press releases nila and then on top of that kapag may mga gusto tayong mga forum para maipabalita iyong mga magagandang programa ng mga departamento, trabaho po ng PCOO.

LEO: Ang galing ano, kasi kaya nga sinasabi ko, ‘Hindi kaya maging redundant iyong trabaho?’ Kasi for example, ang DTI may spokesman. So the spokesman ay hindi kaya siya parang natatabunan sa mga isyu? Dahil here comes PCOO, nagbibigay ng information, sa media rin at the same time nagbibigay ka ng information sa Malacañang Press Corps at sa ano mang press corps.

ASEC. BANAAG: It’s actually complementary, because may mga bagay na hindi natin kaya, may mga bagay na hindi nila kayang lahat. Tayo po malawak ang ating network even sa grassroots, sa mga probinsiya po. So with that, we understand, Secretary Martin Andanar understands, na lahat ng programa ng gobyerno kapag hindi mo na-i-communicate iyan sa taong bayan, walang silbi kasi hindi nila alam kung papaano i-access itong mga ito.

LEO: So parang ano ito, sabwatan ng mga departamento lalong lalo iyong mga bokadora ng mga departamento sa PCOO para mas lalo pang—kumbaga madedetalye comprehensively ay maibigay iyong information sa ating mga kababayan. Parang ganoon?

ASEC. BANAAG: Tama, tama… Parang—halimbawa, kasamang Leo. Halimbawa sasabihin ng Pangulo na, ‘Ayaw kong may mamatay dahil walang pambayad sa Ospital,’ dito may programa iyan ng DOH at DSWD pero hindi alam ni Juan at Juana kung paano i-access itong mga programang ito—

LEO: Oo correct.

ASEC. BANAAG: Trabaho po natin iyan sa communications. Kasi kapag nag-fail at hindi nila alam kung papaano i-access itong mga ito, trabaho po natin iyan, konsensiya po natin iyan na hindi nai-parating sa kanila kung papaano.

LEO: Ito magandang tanong ito. Ikaw Assistant Secretary, ano naman ginagawa ng mga Undersecretaries, anong kaibahan nilang dalawa?

ASEC. BANAAG: Iyong mga boss namin mga Undersecretary ay in-charge sila to oversee iyong mga Assistant Secretaries.

LEO: Okay.

ASEC. BANAAG: So kami sa cluster namin under Usec. Badoy, me under operations and legislative concern, I report to her ano iyong mga ginagawa ko and also Asec. Mon Cualoping and Director Peebles Duque…

So we strategize on how to go about these things because we handle—Asec. Mon handle ‘Rehabinasyon’ and—

LEO: Ano ba iyong ‘Rehabinasyon’?

ASEC. BANAAG: Sa anti-drug campaign.

LEO: Yeah, anti-drug campaign.

ASEC. BANAAG: And—

LEO: Iyong ‘rehabinasyon’ nakikita ko kung paano iyong isang bata ba, nakita ko iyong video, ang galing, ang galing. Oo maganda iyong pagkakagawa.

ASEC. BANAAG: ‘Rehabinasyon’ is all of real numbers, the enforcement side. Iyong mga datos at iyong mga rehabilitasyon na nangyayari afterwards. Hindi lang sa enforcement kung hindi pati sa… So ano ngayon ang gagawin natin sa mga kababayan natin na gustong magbago.

LEO: And si ano naman, si Asec…

ASEC. BANAAG: Si Usec. Loredo Mann(?)sa ‘Biyaya ng pagbabago.’ So, she’s very active sa mga programa na ganito. So we strategize on how to get about to it, at lahat ng ginagawa po namin—natin sa ating opisina, humihingi din po tayo ng tulong sa mga ibang kasamahan mga Asec., lalo na kapag kulang ang mga tao na pupunta sa mga bayan-bayan. So lahat nagtutulungan naman!

LEO: Well, sabi ko nga sa dami ng—parang ano, ito po iyong sinasabi kong from Secretary Andanar as Secretary pababa may mga Assistant Secretary, Usec., I mean, Undersecretary, the Assistant Secretary. Kaya ko natanong sa iyo ito ngayon kasi hindi naman maisa-isa ni Secretary Andanar iyan noon, noong nag-umpisa pa lang kami. Ngayon nandito ka kaya natanong ko ito, iyong mga—kumbaga trabaho ninyo iyong… kasi bakit ang dami. Like for example, ito controversial. Anong pinakatrabaho ni Asec. Mocha bilang social—I mean ASec. Mocha for social media ‘di ba, parang ganoon, so anong saktong trabaho niya?

ASEC. BANAAG: Actually ire-release natin at ipo-forward natin kasi sa January 30 nag-promise tayo noong last statement hearing sa Senate na ibibigay natin iyong mga role ng kaniya-kaniyang opisina.

LEO: Oo nga pala nandoon ka.

ASEC. BANAAG: So sa January 30 isa-submit po natin iyan. I can give a copy noong roles ng aming mga opisina. Kung anong mga ginagawa namin, ano iyong dapat ginagawa namin, para alam natin kung nagde-deliver ba kami. Are we putting up to the expectations ng mga taxpayers natin.

LEO: Hindi muna natin pala banggitin masyado dito kasi ire-report mo pa pala sa Senado ito. Kasi iyong—like for example sinabi mo kanina, Undersecretary Badoy for media—

ASEC. BANAAG: For new media—

LEO: And anong kaibahan noong dalawa, new media and Asec. Mocha as social media? ‘Di ba parang almost the same kapag tiningnan mo? So ganoon! Anyways, iyon ang mga bagay na dapat nating tunghayan. Well maraming salamat, Asec., sa ano—at least alam na namin.

ASEC. BANAAG: And once approved, the organizations chart, its open, because its communication, it’s a communication office and we’re always transparent about it.

LEO: Ito iyong sinasabi ko mga kababayan, mga ka-DDS, ang daming nakikinig kasi actually pasensiya na po kayo doon sa nanonood sa Facebook live ng RP1, ng PCOO Facebook live, ng RTVM. Hindi ko po maisa-isa kasi, actually noong sinabi ko kay Ms. Weng, paano natin mabasa iyong mga question doon, iyong mga tanong nila. Iniisa-isa ko po na—iniisa-isa po namin iyon at iyong mga question doon ay sisikapin po namin sa mga susunod na episode ay masagot namin. Kasi bukod po sa inyo, may makulit pa hong mga magtatanong sa amin, siyempre Malacañang Press Corps medyo—peace tayo Malacañang Press Corps, taga Malacañang Press Corps din po ako.

Anyway, marami pa tayong pag-uusapan Asec., dahil mamaya magiging guest natin of course si LTFRB Chair Delgra.

ASEC. BANAAG: Tama.

LEO: Mapag-usapan natin iyan.

ASEC. BANAAG: Controversial sila ngayon, napaka-controversial nila ngayon. Mahirap pag umuulan—

LEO: Bakit?

ASEC. BANAAG: Kasi mahirap kumuha ng jeep.

LEO: Iyon pala iyon, akala ko sila na iyong taga-ulat ng panahon. [laughs]. At siyempre, i-acknowledge muna natin ang ating mga estudyante from New Era, tama ba ako? New Era College sa pamumuno po ni… ang kanilang teacher, si Brother Ramil Empe(?) and Ms. Norie David. Nandito po sila actually! Mamaya subukan din natin silang—iyong ating mag estudyante, mapapanayam.

ASEC. BANAAG: Alamin natin ang—

LEO: Masscom ito, tama?

ASEC. BANAAG: Tama. Alamin natin kung ano ang kaisipan ng mga kabataan gaya mo—

LEO: Gaya ko, iyan ang gusto ko sa iyo. [laughs]. It’s—11:25 na po in the morning. Kami po ay magbabalik at siyempre pa dito pa rin po iyan sa ating pagtatanghal ng Cabinet Report sa Teleradyo.

LEO: Oh ito, ito… balik, balik, balik tayo – hindi po diyan sa Sampaloc, nandito po tayo sa Visayas Avenue. Siyempre! Again, ito po si Leo Palo III kasama po natin si Asec. Marie Banaag ng PCOO, sa ngalan po ‘yan ni Secretary Martin Andanar. At siyempre katulad ng ipinangako ko kanina, Asec. isasama natin… tingnan natin, ano bang mga masasabi ng ating nga estudyante ng—sabi ko nga, ang mga estudyante po ay sadyang maika-categorize ko doon sa ordinaryong mamamayan, si Juan Dela Cruz, dahil sila po iyong laging nandoon sa baba at aalamin natin sa kanila kung ano ang kanilang mga saloobin, na lalong-lalo na sa isyung ito.

Mamaya-maya ay si Chairman Delgra… Chairman, nananawagan kami kay Chairman Delgra, nawawala yata (laughs)…

ASEC. BANAAG: Baka na-traffic…

LEO: Hindi pa nga sumasagot. Well, marami kasi tayong pag-uusapan din—

ASEC. BANAAG: Ang rude mo Leo…

LEO: Ha?

ASEC. BANAAG: You’re so rude.

LEO: Joke lang iyon, oo. Pero anyway sandali lang ha, sabi mo may babatiin ka – si Governor ano…

ASEC. BANAAG: Ay tama, may babatiin po tayo. Kagagaling po natin ng—

LEO: Nanonood ba, nakikinig ba sa atin?

ASEC. BANAAG: Siyempre. Siyempre may Radyo Pilipinas tayo sa Ilocos Sur. At gusto kong batiin at magpasalamat sa officialdom ng Provincial Government ng Ilocos Norte, kay Governor Imee Marcos, kay Vice Governor Barba, kay Asec. Kris Ablan of course na sumama sa atin doon.

LEO: Uy mga ka-BBM, magandang araw sa inyo.

ASEC. BANAAG: Yes… at sa Ilocos Sur – kay Governor Ryan Singson, maraming salamat po. At kay Mayor Carl ng Vigan.

LEO: Parang masarap ang kinakain mo, ganiyan na lang pasalamat mo (laughs).

ASEC. BANAAG: Hindi, bicentennial nila ngayon…

LEO: Ganoon ba?

ASEC. BANAAG: 200 years ng Ilocos Sur at Ilocos Norte mula noong nag-divorce sila, so 200 years nila. So, February po pupunta si Secretary Andanar sa Vigan para i-represent ang ating Pangulo. And of course, magpapasalamat din ako kay Governor Paco Ortega ng La Union – kagagaling po natin doon kahapon… Maraming salamat po.

LEO: Speaking of PCO Net, ‘ayan… bago tayo pumunta sa ating mga estudyante at sa ating magiging guest ngayon. Ano ba iyong ginagawa ng PCO Net? Bakit PCO Net?

ASEC. BANAAG: PCO Net is the Provincial Communications Officers Network. Hindi ibig sabihin niyan na iyong mga provincial—local government information officers lang. Ang ibig sabihin niyan ay iyong mga kasamahan natin na information officers outside of Metro Manila. So gaya ng sabi natin kanina, hindi lang information officers from government, ng LGUs – from national government also, from the private sector, from cooperatives, iyong mga… parang electric cooperatives nila at water districts, mga ganoon. And then lahat ng mga media na kasamahan natin, na local media sa mga probinsiya, sila ang information network natin.

Also, we went to—we are going to universities already – and we will start going to universities again, ‘cause we’ve been Tacloban and Cebu, and we wanted to partner with students. Because later on, 10 years, 20 years from now, kayo na rin po ang nakaupo dito, kayo na rin ang may responsibilidad sa mga responsibilidad namin ngayon, ang mga posisyon namin ngayon. So, that’s the PCO Net.

LEO: Well hindi lang ‘yan, dahil kung hindi ako nagkakamali by February 19…

ASEC. BANAAG: Yes.

LEO: Magkakaroon ng National Convention… on information ba, tama ba ako?

ASEC. BANAAG: Tama, tama… tama, Leo. So sa lahat po ng mga information officers po ng Pilipinas, mga 1,500 ‘yan, mga estudyante, mga media practitioners na mga kasamahan po natin, mga information officers, iyong mga nabisita na po natin at iyong mga hindi pa natin nabibisita – may convention po tayo from February 19 to 21 sa Davao City. So it will be the first National Information Convention, na lahat po ng mga information officers natin, na mga kasamahan natin, mga partners natin na tutulong po sa atin para ipamalita iyong mga programa ng ating pamahalaan ay magkikita-kita at mag-aaral po, at matutunghayan kung ano pa iyong mga puwede nating matutunan na strategies sa komunikasyon – especially with the hyper social media nowadays.

LEO: So kasama na sila, iyong mga nakausap mo sa PCO Net?

ASEC. BANAAG: Tama po, and sila iyong priorities. Priorities kasi alam natin na ano… And of course, lahat ng mga kasamahan natin na information officers, ‘pag wala din pong suporta ang kanilang mga boss, mga elected officials natin, iyong mga boss nila sa mga regional offices, mga provincial offices – hindi rin po magiging posible ito. At it’s free for all… the registration is free of course, but they have to shoulder iyong air fare at saka accommodation.

LEO: Bakit hindi libre? Paano naman iyong walang-wala? Sa Davao ‘to ‘di ba?

ASEC. BANAAG: Alam mo ang ginawa pala—sa Davao City. Ang ginawa ni Asec. Kris Ablan when he went to the North, at saka si Vice Governor Barba was nag-draw sila, nag-sponsor sila ng mga pupuntang information officers ng air flight nila.

LEO: Wow, you know… Hindi dapat ano… kapag ganiyan, puwede naman siguro iyong mga information officers ay makipag-ugnayan sa mga may ano, katulad ng PAGCOR o PCSO.

ASEC. BANAAG: Yes, at saka the local government unit, they can sponsor because that’s what they do—

LEO: Tutal matagal pa. February 19 ito ‘di ba?

ASEC. BANAAG: February 19…

LEO: Sabagay, makapag-iipon pa ‘yang mga ‘yan. Kayang-kaya ninyo ‘yan.

ASEC. BANAAG: And also Leo, ayokong ma-miss na banggitin iyong mga—kasi galing po tayo ng Bacolod at Negros Occidental – napakaaktibo po ng mga information officers nila doon. So sabi namin, kapag hindi natin kaya… ‘pag hindi natin alam iyong programa ng ibang mga ahensiya ng gobyerno, kulang iyon. Alamin natin lahat.

LEO: Correct, correct. Kasi sa totoo lang ha, ako inaamin ko, bilang Malacañang Press Corps… nasa Malacañang na po kami ha, nagko-cover na po kami kay Presidente – hindi ko diretsong alam lahat ang ginagawa ng PCOO. Imagine mo ‘yun, sabi ko nga sobrang tahimik po ng PCOO dahil mayroon po sa—

ASEC. BANAAG: Tahimik pa ba? Tahimik pa ba?

LEO: Hindi! I mean tahimik iyong… simpleng gumagawa kasi na hindi namin… hindi ganoon ka… na naga-grasp ng ibang kasamahan natin sa Malacañang Press Corps – kasi nakatutok karamihan sa amin doon sa Presidential Spokesman…

ASEC. BANAAG: Tama ‘yan…

LEO: So anong sasabihin ng Presidential Spokesman, siyempre iyon iyong bokadora ng Pangulo, iyon ang boses ng Pangulo, so iyon ang kinukuha madalas na balita. Nawawaglit o naisasantabi iyong ibang ginagawa ng PCOO na napakarami na pala ‘di ba? Parang—well, Malacañang Press Corps, magandang umaga, pasensiya na (laughs)… nang-ano pa… (laughs)

ASEC. BANAAG: Yes. Gusto ko lang magpasalamat, lahat ng mga kasamahan ho natin na line agencies on the ground, sa Philippine Information Agency, sa mga regions natin at provincial officials, Radyo Pilipinas, PNA… iyong mga kasamahan natin diyan, line agencies sa mga probinsya… maraming salamat. Kung wala po kayo, mas mahirap para sa amin.

LEO: At saka kung dati… ‘sensiya na ha, ito my own observation ito. Ang PIA kasi around the Philippines, parang hindi gumagana noon hindi ba? Parang… wala lang—

ASEC. BANAAG: Comment mo ‘yan ha, hindi akin.

LEO: Akin nga iyon, sabi ko nga opinyon ko lang (laughs).

ASEC. BANAAG: Pero ngayon ang PIA—ito ang bagong PIA.

LEO: Yeah, kita mo naman…

ASEC. BANAAG: And napakahirap na tayo, from PCOO straight doon, hindi natin kilala iyong mga kasamahan nating media sa local, and iyong mga opisyales siyempre. Lalong-lalo na ako, I’m from Luzon… so iyong mga opisyales from the south, from Mindanao at Visayas, nahirapan tayo. And without the PIA at iyong mga kasamahan natin on the ground, mas mahirap.

LEO: Correct. Kasi dati ginagamit ang PIA for… let’s say, nagiging billeting pa nga minsan ng mga press corps. Doon kami natutulog, nakikitulog mga ganoon… kasi wala kaming panggastos, iyong mga ganoon… (laughs). Naging hotel ng ano… tapos wala lang.

ASEC. BANAAG: Trabaho naman nating lahat iyon.

LEO: Tapos konting-konti lang iyong mga balita. Now makikita ninyo na po sa website ng PIA mismo, naku ang dami na – pati iyong mga… alam ninyo nga iyong mga newspaper and radio sa mga probinsiya, doon na rin halos kumukuha ng mga balita na talagang solid. I mean, ‘pag sinabi ko kasing ‘solid’, hindi fake news – ‘yan ang totoong balita na makukuha ninyo lalong-lalo na sa ground, sa ating mga LGUs at sa ating national government.

Well sabi ni Lea Navarro, “Parang ‘Piso Net’ ang dating ha… PCO Net” (laughs). Tama, ‘pag diniretso mo, Piso Net ang dating eh… P-C-O oh ‘di ba? Piso Net! Alam ninyo iyong Piso Net? Iyong piso-piso ‘di ba, nag-i-internet, iyong Piso Net.

ASEC. BANAAG: Ganoon ba?

LEO: ‘Yun iyon, hinuhulugan… Three minutes ba iyon?

ASEC. BANAAG: Nakikipagkarera ka ba doon?

LEO: Hindi karera iyon…

ASEC. BANAAG: Ano iyon? Parang jukebox?

LEO: Nag-i-internet… Maglalagay ka piso, tapos makakapag-internet ka na. Puwede ka nang mag-Facebook. Puwede ka nang mag—lahat, mag-ano within 3—

ASEC. BANAAG: Millennial ka pala…

LEO: Oo naman. Ito naman… (laughs)

ASEC. BANAAG: Kaya pala hindi ko alam iyon.

LEO: Well habang wala pa si Chairman Delgra… hindi kaya nabasa ang telepono noon, kaya ganoon? (laughs) Hindi basag ang telepono… Pakilala muna natin, nandito po sa left side ko ang mga estudyante from New Era College. Ito po ay mga Masscom—kasi ako, masking lang… sila Masscom, eh tingnan natin. Third year ba itong mga ito? Si John Kenneth Pat(?)—ang ganda ng apelyido; si Drei Pidlawan(?) – good morning sa inyong dalawa.

May itatanong dito sa mga ‘to Asec.? Gusto mo bang anuhin ‘to? (laughs) Kinabahan tuloy bigla iyong dalawa… (laughs)

ASEC. BANAAG: Gusto kong malaman… kasi mga bata sila—oo, huwag kayong kabahan, dapat kami kabahan kasi baka marami kayong tanong sa gobyerno ‘di ba? Baka nagiging solution kayo sa amin ‘di ba, and we want iyong feedback mechanism, mas marami kayong matututunan diyan kaysa criticism lang – dapat may suggestion, anong mas magandang gawin ‘di ba?

But to start with, para malaman namin. Sa inyo ba, would you want na ang fake news ay ma-legislate or ma-regulate—or papaano i-regulate if you have an idea about it?

STUDENT 1: Para po sa akin, fake news talagang nakakainis ho talaga ‘yan – lalo na kapag talagang makikita po natin sa social media lalo na diyan po, talamak po talaga iyong mga fake news. Talagang lumalabas po lahat ‘yan at minsan mapapaniwala na lang kami, “Uy, ganito pala nangyari sa kaniya. Ganito pala, ganiyan, ganiyan…” Pero sa totoo lang, hindi po talaga nakakatulong iyong fake news sa amin. Talagang iba po ang dating noon sa amin, kasi iyong isa sa mga naiisip namin pagdating sa fake news, talagang… bakit pa kayo gumagawa ng fake news? What in the…

ASEC. BANAAG: What’s the point…

STUDENT 1: What’s the point of doing that, lalo na’t hindi rin naman nakakatulong sa amin. Kasi po, kami po naghahanap din po kami ng mga balita about sa government, sa mga private sectors any day. Pero iyong fake news, talaga pong—para po sa amin—

ASEC. BANAAG: It’s annoying.

JOHN: Yes, it’s annoying and very diusturbing. At talagang magugulat ka na lang na… bakit may ganito, bakit may ganiyan?

ASEC. BANAAG: Do you have any suggestions on how government can do about that?

DREI: Mayroon po. Para po sa akin, na dapat po… mayroon pong tinatawag na ‘filter relay,’ pini-filter. Kumbaga, kailangan salain muna bago siya i-post sa social media, kailangan mayroong isang server na makakapag-confirm kung ito ba ay totoo o hindi.

LEO: Would you believe—putulin ko lang sandali si Drei… Alam mo Asec., hindi ka makapaniwala ngayon, kapag… let’s say mag-post ka sa page ng group for example. Let’ say sa Uber or drivers mga ganoon, mga groups sila madami, tapos bigla kang mag-post doon, post ka nang post… within 5 seconds yata, kunyari nag-post ka sa isa, tapos biglang nag-post ka uli sa isa, another one – maba-block ka, ganoon ngayon ang Facebook. So tingin ko iyon ang isa sa mga naging ano…

ASEC. BANAAG: Pang-regulate…

LEO: Oo, nare-regulate sila. Napi-filter nila. Marami diyan nagrereklamo na actually, iyong iba na parang, “O bakit na-block ako, 7 days daw,” parang ganoon…

ASEC. BANAAG: Kasi rude ka… Leo Palo (laughs).

LEO: Hindi naman rude, kundi parang nakasaad doon na ‘yung iyong ipinost ay posibleng spam or… ganoon…

DREI: Opo, recorded as spam… mayroon pong ganoon, opo. Kasi minsan—

ASEC. BANAAG: Hindi ko pa na-experience, ma-try nga.

LEO: Mayroong ganoon, may ganoong pagkakataon. Kaya sabi ko nga, ito iyong isa sa mga ginagawa siguro ng Facebook para malaman din ng isang nagpo-post, na nagpo-post ka ng—“Oy, masyado ka nang ano…” parang—

ASEC. BANAAG: Abusado…

LEO: Oo abusado/abusada ka, na parang… tsismosa ka (laughs). Fake news is tsismis, pinakamadali na para maintindihan ng isang ordinaryong mamamayan. Ang fake news, tsismis lang ho iyon, ‘di ba? Parang ayaw mo…

ASEC. BANAAG: Puwede, tama…

LEO: ‘Di ba, iyon ang pinakamadali kasi. Tingnan mo ang ano ni Drei… parang ano kasi, hindi naman pala totoo, tsismis lang.

ASEC. BANAAG: Yes, tama.

LEO: How about John?

JOHN: Para sa akin po, nabanggit ninyo po regulate… parang ganoon. Para sa akin po, why regulate iyong fake? Doon po tayo sa totoo, kasi alam naman po natin… sa atin na nandito na iyong fake, wala naman siyang maidudulot na tama. Kumbaga ‘pag inano natin iyong fake ng fake, wala lang… masisira lang tayo – maaapektuhan din iyong totoo.

Minsan kasi ngayon, sa social media nga po, maraming gumagamit tapos marami pong naniniwala agad doon sa—‘pag may nakita silang ganito, “Ay ito daw, sabi ni ganito…” Pero may isa, sabing ganiyan, so nakakalito po. So kumbaga, iyong mga taong nakakakita ng fake news na iyon, naniniwala sa mali. Paano po iyong tama, ‘di ba?

LEO: Kasi mayroong kasabihan ngayon, “Think before you click”. Tapos bago ka mag-share, huwag basta-basta, parang ganoon…

ASEC. BANAAG: So ang suggestion ni John sa ating mga congressmen at senador ay… ano? Tungkol sa fake news…

JOHN: Ako po, para sa akin eliminate po iyong… eliminate the fake news.

ASEC. BANAAG: How would you do…?

JOHN: Pero alam ninyo, sobrang hirap po noon. Pero—s

LEO: Kasi ‘yan iyong ano… parang, paano mo malaman na fake news nga. Isa iyon, unang-una iyon. This news is… ano ‘to?

ASEC. BANAAG: The practicalities having to go about, ‘di ba?

LEO: Correct. So, common sense din kung minsan. Iyon na nga, isipin mong mabuti – kailangan mo ba talagang i-like ito or i-share ito. Parang… saan tayo magbe-base na ito ay fake or hindi?

ASEC. BANAAG: Tama. Sa akin po, sa PCOO at sa PIA, at sa mga line agencies natin, they would campaign for social media na tayo, we must be more circumspect and we self-regulate vis-à-vis sa public service – na ano iyong dapat mong i-post ‘di ba, ano iyong puwede mong sabihin… What if, ako, maglalagay ako doon ng mga photos na hindi tugma para sa mga bata, na safe for that – those are the things that ano, we would campaign for that na tayo, kayo na mga millennial kagaya ko, mag-self regulate tayo ‘di ba. At saka ‘pag diskumpiyado tayo, we doubt… if we doubt on—when we read something and you are doubting, better not share.

LEO: Oo… sayang ano, nandito si Jerry Liao kanina – isa rin ‘to, alam niya kung ano ang fake at hindi. Mga tsismoso iyon eh… (laughs) nandiyan kanina, si Jerry Liao ang ating tech ano… Pero anyway, same question… sabi dito, “Huwag mo nang banggitin ang name ko,” ‘ayan. “Paano daw nila nalalaman na fake news ang isang balita?” same as ano, ‘yan din ang question natin. paano natin malalaman kung ito’y totoo o katarantaduhan lang ito, parang ganoon.

Kayo, mga estudyante… paano ninyo na—

ASEC. BANAAG: Nade-determine.

JOHN: Nalalaman na lang po namin. Kasi halimbawa may magpo-post po ng ganito, tapos may magpo-post ng ganiyan, tapos mababalita po siya… Parang, siguro po mas pagtitiwalaan na lang po namin iyong balita po kaysa po doon sa social media. Kasi po minsan, mas fake po iyong sa social media po – mas maraming lumalabas doon na hindi totoo. So mas tiwala po kami doon sa live news po, sa napapanood po namin. Opo, ganoon po… siguro po ganoon…

LEO: Sa ano ba, sa Masscom, tinuturo ba ang ano—mayroon bang—

ASEC. BANAAG: Kung papaano? How to—oo, parang user’s guide, parang ganoon.

DREI: Ang tinuturo po sa amin, hindi naman po iyong exactly na how to identify fake news. Parang iyong tinuturo po sa amin, iyong paano mag-prevent na kaming—as teacher, media practitioners po, tinuturuan kaming ano—iyong tama, iyong tamang pagiging media practitioner. Iyong huwag kang gagawa ng fake, just because na you want to earn money, ganoon. Dapat totoo ka pa rin, at saka ang gamitin ano… huwag lang isip, puso rin.

ASEC. BANAAG: Maganda iyon ha – huwag isip, puso rin. Kasi you would have to read about things ‘pag galing sa puso mo.

JOHN: So kapag po talagang gagawa tayo ng balita, kailangan we should be there doon sa ground na iyon kung saan mayroong balita at kailangan makita natin, sa mata natin na iyon iyong tunay na dapat nating ipalabas sa publiko. Iyon iyong dapat na katotohanan na dapat nating—

LEO: Ano, conviction siguro? Kailangan sarili na nila, may conviction ka na ito… kailangan ibalita ko ito dahil ito’y totoo. Pero kung balita naman na mali, huwag mo nang ilabas. Sabi ni ano, basta magbasa lang ako ng konti… Sabi ni Minette Thon?… T-H-O iyon… Thon, ‘ayan that’s why it’s important to watch actual news and speeches, ‘ayan… Most of the time I will Google it to compare, clarify, verify the information. Maganda iyong balita—ito, ‘pag ito ang pinag-uusapan, paikot-ikot tayo.

Ito Asec., itanong ko sa’yo bilang government official. Marami tayong mga government official na—mayroon tayong mga government official na nagpo-post din naman sa kanilang mismong account. So papaano ba natin masabihan iyong iba, at malaman na iyong kanilang (laughs)… Hindi sinasabi nila, fake news iyong ibinalita at mali-mali ang mga balita. Pero bago diyan, bago ‘yan sagutin ni Asec., mayroon ho tayong nagmamadaling balita muna…[LIVE REPORT FROM ALBAY]

LEO: Ang ganda niya, kapag nakita mo ang ganda niya na nakakatakot—

ASEC. BANAAG: Hindi pa ako nakakapunta diyan.

LEO: Pero iyong putok na ganoon magandang tingnan talaga pero kung nandoon ka matatakot ka. [laughs]. Grabe.

ASEC. BANAAG: Oo naman.

LEO: Well iyan so kaugnay niyan nasa linya natin ang DSWD muna, kaugnay sa balitang iyan ay makakausap po natin si Benedict ba? Tama ba ako? Iyan nasa paliko pa naman ng ano, Benedict Fernandez ng DSWD. Siya po ng information officer—

ASEC. BANAAG: Officer, tama. Mga kasama natin, iyan iyong mga kasama natin.

LEO: Hindi piso net ito, PCOnet ng Disaster Response and Assistance and Management Bureau ng Albay pa rin ito ng DSWD. Puntahan natin, Benedict, magandang umaga sa iyo.

BENEDICT FERNANDEZ: Yes magandang umaga po, sir Leo. Magandang umaga rin, Asec. Marie. At magandang umaga rin sa ating mga taga-pakinig.

LEO: Parang broadcaster din ito.

ASEC. BANAAG: Oo nga.

LEO: Ganda ng boses. Broadcaster ka ba Benedict?

BENEDICT: Ay hindi po, ako po ay nagtapos ng DetComm(?), may mga kurso po kaming broadcasting.

ASEC. BANAAG: Talentado…

LEO: Oo talentado ito. Pero alam mo Benedict kasi napag-usapan namin kanina dito iyong PCOnet pero mamaya-maya iyan ha.

BENEDICT: Opo, opo.

LEO: Alamin muna natin, kumusta diyan ang ating mga kababayan lalong lalo na sa mga biktima, at ano ng ginagawa natin?

BENEDICT: Oo kami—ako po ay mula sa central office. Dito po sa central office patuloy ang ating pagmo-monitor nito ngang mga updates natin tungkol sa Mayon. Kami po mula sa division namin, ang Disaster Response Operations Monitoring and Information Center ng DREAMB, 24/7 po kami, ang aming opisina. Patuloy po iyong pag-monitor namin ng social media maging ng mga website po ng PAGASA at ng Phivolcs. Ito po binabantayan natin iyong mga latest na volcano bulletin ng website ng Phivolcs.

LEO: So iyong mga kababayan natin doon katulad ng ulat kanina ni Nancy, ang dami na pa lang may mga sakit doon, although—iyong ating mga kababayan ba doon ay nababahaginan ba natin ng tamang pagkalinga? Iyan ang gusto ng Pangulo eh.

BENEDICT: Opo tama po iyan. At iyan naman po din iyong tinitiyak ng DSWD, maging noong ating pong mga kasamahan mula sa ibang ahensiya. Totoo po iyan, iyan nga po iyong isa sa mga pinangangambahan, iyong pagkakaroon ng sakit noong mga kababayan natin sa mga evacuation centers lalo na po at parami nang parami iyong mag nag-e-evacuate dahil sa paglago po noong permanent danger zone. Ngayon patuloy po iyong pakikipag-ugnayan natin sa field through DSW field office V upang malaman po iyong mga pangangailangan noong ating mga bakwit kung tawagin.

LEO: Ano bang pangunahing pangangailangan nila na hinihingi nila sa DSWD?

ASEC. BANAAG: Oo nandidiyan na po iyong ating mga food items. Iyong mga family food packs.

LEO: Oo basic iyan.

BENEDICT: Opo basic, iyan iyong pinakapangunahing kailangang tugunan at nandidiyan din po iyong mga non-food items kung tawagin. Iyan po iyong mga malong—

LEO: Yes.

BENEDICT: Iyong kanila pong mga mahihigaan o iyong mga hygiene kit. So iyon po iyong tinitiyak na maipamahagi ng DSWD.

LEO: Ang DSWD din ba ang siyang nagbibigay ng—iyong palikuran? Kasi ‘di ba Asec., ano bang tawag doon iyong… portalet ba tawag doon?

ASEC. BANAAG: Portalet.

BENEDICT:Iyan po sa pagkakaalam ko ay concern ng Health na iyan. So maaaring DOH po ang namamahagi ng mga iyan.

LEO: Hindi gusto ko kayo. [laughs]. Hindi kasi ano din iyan, human necessity. At siyempre iyan iyong isang dahilan kung bakit kapag ang isang tao, alam mo na. Pasintabi sa mga kumakain alas dose na kasi, pumupupu at kung saan-saan lang ‘di ba? Iyan ang dahilan kung bakit nagkakasakit iyong ating mga kababayan. Well said, sir Benedict. Thank you so much for your time.

BENEDICT: Oo maraming-maraming salamat din po, Sir Leo and Asec. Marie. At muli po magandang tanghali sa ating mga taga pakinig.

LEO: Oo magandang tanghali din. Isang minuto na lang po bago mag-alas dose eksakto ng tanghali. Magbabalik pong muli ang Cabinet Report sa Teleradyo.

(COMMERCIAL BREAK)

LEO: Alright balik tayo. Nagulat naman ako doon si Engineer. Iyan balik tayo sa Cabinet Report sa Teleradyo pa rin. At siyempre pa ako pa rin si Leo Palo III sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar na pasensiya na po kayo at hindi po makakasama natin dahil po sa—alam naman natin ala-una na halos sila dumating coming from India. Dumalo po sila sa India-ASEAN Commemorative Summit. At siyempre ang kasama po natin ngayon siyempre pa si Assistant Secretary Marie Banaag. We’re trying still to contact our resource person from LTRFB, si Chairman Martin Delgra.

Alamin natin mamaya-maya ang mga issues, may kaugnayan sa ating transportasyon lalong-lalo na marami diyan nagrereklamo na naman, lalo na ganito tag-ulan, mga taxi na hindi ano, mga isnaberong taxi, mga isnaberong mga tsuper. Iyan at siyempre pa sa mga ginagawa ngayon ng ating transportation department hinggil sa mga bagay na iyan.

Ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps in a while ay sasagutin din ni Assistant Secretary ang inyong mga katanungan para po sa araw na ito. Marami na silang mga tanong, Asec., pero sige lang, mamaya-maya ibibigay namin sa inyo iyan. Bakit ka natatawa, Asec., parang ayaw mo. [laughs]. Ah talaga naman.

Well siyempre pa, nasa linya natin. Oo ito na si Chairman Martin Delgra, from LTRFB. I-welcome na natin siyempre ang ating Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Paano tayo… Nandito na tayo, puntahan na natin. Chairman magandang umaga, welcome po sa Cabinet Report sa Teleradyo.

CHAIRMAN DELGRA: Magandang umaga po. May I know kung sinong nasa linya, si Leo?

LEO: This is Leo Palo po at siyempre si Asec. Marie Banaag, ang ating kasama.

CHAIRMAN DELGRA: Hello, Ma’am, good morning.

ASEC. BANAAG: Magandang hapon po, Attorney Delgra.

CHAIRMAN DELGRA: Opo, sub lang po okay na sa akin.

LEO: Sub talaga?

CHAIRMAN DELGRA: Si Leo ba ay taga-Davao?

LEO: Ay taga Davao gyud.

CHAIRMAN DELGRA: Maayong buntag.

LEO: Maayong buntag pud dong. Dong talaga. [laughs]. Wala, kaming mga Bisaya ganoon talaga. Kaya akala noong iba kapag nagagalit kami nagmumura daw kami. Hindi expression lang ho namin iyon.

CHAIRMAN DELGRA: Expression lang po?

LEO: Kasi imagine mo, Asec. ha siyempre lang simple lang. Kunwari kukunin ko iyong baso mo diyan. Ang Bisaya kasi ganito, ‘Asec. akina iyang yawang baso na iyan.’ Pero ‘pag pinapakinggan mo akala mo nagmumura na ako kasi yawa ba naman.

ASEC. BANAAG: Normal lang pala iyon.

LEO: Hindi iyon ano, expression lang namin iyon. Kaya kung naririnig ninyo si Presidente na nagmumura, expression lang din iyon. Nakuha ninyo na? [laughs]. Ganoon ho iyon. Anyway, Attorney—

CHAIRMAN DELGRA: Yes po.

LEO: Maulan ngayon. Hindi ka ba—nasa labas ka ba ngayon?

CHAIRMAN DELGRA: I’m here in the office, working.

LEO: Hindi ka ba na-traffic?

CHAIRMAN DELGRA: Hindi din po kasi—

LEO: Nagwo-work? Sabado?

CHAIRMAN DELGRA: Ganoon, kasi maraming kailangang tatrabahuhin.

LEO: What a coincidence, Asec., ano? Leo Palo III ako, ikaw Delgra III, imagine mo iyon, mga III ang gaguwapo naman kapag mga III. [laughs]. Well—ang layo ng ano ha. Ito, isa kasi sa mga issues ngayon Attorney, ang modernisasyon ng ating mga sasakyan. Actually modernization program ito ng DOTr, siyempre kayo ang unang mga—ang ahensiya na siyang mag-i-implementa nito. Medyo ipaliwanag ninyo nga muna sa ating mga kababayan ito.

CHAIRMAN DELGRA: Okay itong Public Utility Vehicle Modernization Program o palagi naming sinasabi iyan na PUVMP, is a modernization program of the Duterte administration that will overhaul, ibig sabihin malawak ang pagrepaso at pag-improve in terms of policy and implementation. And isa itong modernization sa land base public transpo. So—although sa karamihan ang ‘pagtingin nila ang modernization lang sa PUJ sector. Hindi po, kasi lahat po ng denomination of public transpo…

From buses, UV, taxi, PUJ, school bus service at , tourist transpo, even truck for hire na kaakibat po dito, it’s covered by this modernization program. And what is really important din is that we’re not looking simply at changing or upgrading the units. Kaya nga ang usapin tungkol sa pagpapalit ng unit matindi pagdating dito sa PUJ sector. Kasi alam natin na hindi ito—itong PUJ kasi hindi ito saklaw sa mga nadaanan ng mga modernization program sa nakaraan, even until now.

What do I mean? Mayroong tinatawag na pagpapalit ng mga units ng mga bus pagdating sa kung 15 years older and above. Pareho na rin sa—

LEO: Sandali lang, maputol kita doon. Ano iyon 50 years old?

CHAIRMAN DELGRA: 15, 15, as in 15.

LEO: 15… akala ko 50.

CHAIRMAN DELGRA: No, no, no 15.

LEO: Kapag 50 dapat lang talaga sa dagat na i-ano iyan para malagyan ng talaba, 50 years ba naman.

CHAIRMAN DELGRA: Naintindihan ko iyon kasi driver ako, desperate driver ako. Anyway going back, so pag-aabot na ng mga 15 years old iyong isang bus o iyong—ay kailangan na silang may pumalit ng bagong unit or palitan na iyong old unit. So pagdating po sa UV at saka sa taxi po, 13 years kailangan na nilang palitan ng bago.

LEO: Chairman, regardless of ano ito, regardless of parang how you maintain the bus or I mean, the vehicle, ganoon?

CHAIRMAN DELGRA: Opo. Kasi, ang nangyari kasi sa ngayon… ang modernization policy, so-called is based on vehicle age. Kasi for a long time din, wala tayong honest-to-goodness na iyong tinatawag nating Motor Vehicle Inspection System, iyong MVIS. Mayroong nabili na mga units ng mga MVIS dati pero hindi ko na lang—I think I will leave that to Asec. Galvante to explain na hindi talaga na-install or whatever, iyong mga units na iyon, nabili nila. So when we came in, wala ‘yan.

So ideally, this policy is to address iyong tinatawag na road worthiness, and which will address road safety ng mga sasakyan.

LEO: Alam mo kasi Chairman, maputol lang kita. Mayroon kasing… ito iyong isa sa mga ipinupunto ng mga operator, iyong mga driver… ang sinasabi nila, “Namimintina namin nang maayos itong sasakyan na ito. Okay ito, safe ito.” So anong sagot ninyo doon, sa ganoon?

CHAIRMAN DELGRA: Alam naman din natin na sa karamihan ng mga sasakyan, lalo na sa mga PUJ na kahit na sinasabi nila name-maintain, you have seen the numbers doon sa ongoing kampanya ng ‘Tanggal Usok, Tanggal Bulok.’

LEO: Yes, marami.

CHAIRMAN DELGRA: Marami talaga mausok, maraming bulok… kahit na iyong mga ini-inspect, iyong mga basic items: iyong gulong, iyong headlight, iyong break… All these things are not even being maintained doon sa mga natamaan doon sa kampanya na ‘yan. So even if they would say na namimintina, marami naman din talagang nakikita na hindi talaga namimintina.

So going back to the modernization program, kailangan na rin talaga na iyong pagpapalit ng units, kasali na rin iyong PUJ dito. Noong una hindi kasali, kasi alam natin… siguro we have read it in the past na pag mayroong mga tinatawag na modernization program involving PUJ, kakasahin kaagad or magpoprotesta kaagad sa daan ilang beses until such time na government will reconsider its position.

LEO: Nagko-compromise…

CHAIRMAN DELGRA: Nangyayari ‘yan mga ilang beses, mga ilang dekada na. So it’s high time, especially now that the President had spoken very loudly and very fairly, on the urgency of pushing this modernization forward. At saka kailangan na rin matapos within his administration ay kailangan na talaga natin kakasahin. So tulung-tulong tayo dito, I hope even those iyong mga may kaba or iyong mga nag-alinlangan would be able to join us in this modernization program.

That said, iyong dialogue po namin doon sa mga sektor ng mga driver at mga operator, tuluy-tuloy po ito. Kaya… although naka—the institutional framework of this modernization program is already setup, hindi naman ibig sabihin na puputulin natin ito habang nag-uusap, tuluy-tuloy pa rin ito. So iyong mga pagka-clarify, iyong mga pangamba, we would be able to explain to them kung ano ‘yan.

And all of these, I would like to emphasize no less, that all of these is for the safety, convenient and comfortable riding experience of the riding public. Para po ito—lahat ng ito ay para po sa mananakay. And we have seen this, I’m very happy to tell you na nangyari na po ito. Nangyari po ito, that we have—kinasa na natin iyong mga components ng modernization program, hindi lang po sa pagpapalit ng units, kasali na po iyong pagko-consolidate ng mga prangkisa at saka—in one… pagko-consolidate ng mga units in one franchise on a particular route. Tapos mayroon na rin iyong pagma-manage ng—iyong tinatawag natin quick management of the units.

I just like to emphasize iyong… I just like to explain further, bakit may tinatawag na consolidation of the units under one franchise. If I would be asked on what is fundamentally wrong of our public transportation system, ang Exhibit A kaagad na sinasabi ko – EDSA. Bakit po? Iyong EDSA marami po, hundreds of operators and several thousand buses… Kung mangyari man na lahat ng mga operators, kasi araw-araw tinitingnan nila iyong profitability na ano nila, they all think the same way – then you would not be surprised that they would be either so many buses along EDSA waiting for fewer passengers – or that there would be a lot of passengers waiting for few buses.

Kung mangyari iyong una, talagang mayroong tinatawag na magtambayan iyong mga drivers doon sa EDSA. Magiging terminal ‘yan, parang temporary terminal and may traffic congestion mangyayari.

Tapos kung iyong pangalawa naman na kokonti lang iyong bus, mahaba naman din iyong pila na makikita natin sa gilid, na maraming mga pasaherong naghihintay. So pagdating sa consolidation po, lalo na doon sa mga ruta na klarong-klaro na puwedeng i-serve, when you consolidate a franchise –like for example sa iisang franchise holder, for example ay transport coop, ang mangyari there would be what you call predictability of the deployment of these units.

Ang nangyari po sa Tacloban, the people can rest assured na every 10 minutes ay may maidi-deploy na unit, kasi iisa lang ang nagma-manage iyong ruta na ‘yan. And they can at least regularly deploy the units all throughout the day. So that is the essence of consolidation.

LEO: Sa Tacloban ba, noong ni-launch ninyo ito, tanggap ba ng mga tao doon?

CHAIRMAN DELGRA: Ay, sobrang tanggap po. In fact, it is well supported by the local government unit, and even iyong mga residente na nag-attend noong launch na iyon, nagpapasalamat nang marami dahil doon sa nangyari.

I would just like to—why Tacloban? Tacloban is something special – special in its circumstances, and if I may say special, sa Presidente. If you recall noong tinamaan sila ng Yolanda, si Mayor—Mayor pa rin tawag natin sa kaniya… Mayor Duterte was among the first LGU who responded quickly. Hindi lang nagpadala ng relief goods, kundi nagpadala ng mga first responders, nurses, doctors doon sa Tacloban – lahat na, kumpleto, pati iyong mga 911 na mga emergency vehicles pinadala diyan. Kasi—and then nakita niya, grabe iyong devastation.

So, what has happened after that? There were thousands of people who were displaced. And now there are three resettlement areas doon and these resettlement areas… marami nang naninirahan doon as far as 12 kilometers or 14 kilometers from the city proper. So kailangan nila ng public transpo, na-dislocate na sila, na-resettle na sila doon and yet, they had difficulty going to and from the city for work, for study… so kailangan ng public transpo.

Noong bago naitalaga or bago nai-launch itong PUV modernization sa Tacloban, the city I was told, provided six buses papunta doon sa mga resettlement areas. Natanong namin iyong mga tao doon, kasi hindi nga—this is not a regular route of the six buses that was provided by the city. They have to wait for one hour, two hours at the most for them to get a ride going to the place of residence. So ngayon tuwang-tuwa sila, na there is now predictability. They would know na every 10 minutes mayroon silang masakyan going to and from the city, from their resettlement areas.

Ang maganda rito, iyong mga driver po nitong mga—e-jeep din pala ito ha, if I may… Ibig sabihin na environmentally friendly.

LEO: Walang makina ito kung hindi ano lang—I mean hindi gasolina or krudo?

CHAIRMAN DELGRA: Opo.

ASEC. BANAAG: Walang makina, iyong katawan lang.

LEO: [laughs]. Hindi… Ano iyon de-kuryente.

CHAIRMAN DELGRA: Oo ‘de-kuryente. So with that, in fact one component din pala na gusto kong sabihin dito sa modernization program na ito. We’re moving forward na ang arrangement doon sa mga drivers, salary based, salary based.

LEO: Oo hindi iyong boundary-boundary?

CHAIRMAN DELGRA: Hindi boundary po. I think kung sa boundary tayo ang mangyayari—

LEO: Ay naku sira lahat.

CHAIRMAN DELGRA: Oo, ang nangyayari po ang driver ang nagdidikta kung kailan siya lalabas, kung kailan siya uuwi. So it is not surprising na for example pagdating ng mga ala-sais o alas-siyete ng gabi, naka-boundary na siya, mayroon na siyang income—

LEO: Tatabi na.

CHAIRMAN DELGRA: Para sa pamilya na. Puwede na siyang umuwi.

LEO: Oo.

CHAIRMAN DELGRA: But we all know na 6 o’clock or 7 o’clock iyan iyong peak hours. So mas marami tuloy maghihintay na mga tao dahil kumita na iyong driver. So ang ibig kong sabihin iyong practice na iyan is based on ridership.

LEO: Totoo iyan.

CHAIRMAN DELGRA: So ibahin natin iyong polisiya diyan. So ibig sabihin iyong driver kung salary based iyan siya, and that will be managed by the operators of course. Ang mangyayari niyan it will now be based on kilometer niyan. Ibig sabihin kahit na may pasahero iyan o wala tatakbo iyong sasakyan na iyan. So ibig sabihin at any time na iyong pasahero nangangailangan ng sasakyan, nandoon iyong sasakyan. So iyan ang ibig sabihin po noong change of policy. Kasi kung—

LEO: Well—

CHAIRMAN DELGRA: If we’re going to veer away from the boundaries system eventually.

LEO: Well, Chairman iyan naman ang isa sa mga ninanais din ng Pangulo. Although kayo po ang naatasan niyan, siguro nga from—bakit sa Bacolod ang nauna hindi sa Manila kaagad?

CHAIRMAN DELGRA: Ano po?

LEO: Sa Bacolod ba nauna or—

CHAIRMAN DELGRA: Hindi, hindi Tacloban.

LEO: Tacloban pala sorry. Tacloban and then sa Manila hindi pa? Wala pa?

CHAIRMAN DELGRA: May kinakasa na po tayo.

LEO: Okay, okay.

CHAIRMAN DELGRA: In fact iyong tinatawag nating initial implementation component kasama rin po iyan doon sa kabuuan ng modernization program. So ang ginagawa po natin ngayon is that—in fact even as early as last year, we already have directed our regional directors na part of the initial implementation component of the program, mag-identify na sila ng mga ruta. At least isa, so if they had two, three or more, okay lang to run the program as it should run, in all its component.

So ibig sabihin mayroon na sa Cagayan, sa Cebu, Iloilo. I think there’s also one in Zamboanga, in Central Luzon and even here in Manila mayroon na rin tayo ng mga iilang mga—I think I can count something like mga four or five routes.

LEO: Chairman may mga dalawang isyu lang ako siguro ito bago kita pakawalan. Bukod sa isyu na iyan, itong sa modernization siyempre pa nakikita natin ang mga kababayang iyan at ito, hindi ko maiwasang maitanong sa inyo ito. Iyong isyu po ng TNVS. Ano po ang katotohanan sa mga—

CHAIRMAN DELGRA: TNVS?

LEO: TNVS. Ano po ang katotohanan dito sa mga balitang hanggang 45,000 na lang daw ang papayagan?

CHAIRMAN DELGRA: Opo, ang mangyayari niyan mayroon tayong ceiling that we set, iyong 45,000 units—

LEO: At layunin nito?

CHAIRMAN DELGRA: Ano po?

LEO: Ano ang layunin nito?

CHAIRMAN DELGRA: Ganito po, there are three basic reasons why: One, the most obvious is to serve the demand, ang sinasabi naman din nila from the point of view of business, hayaan na lang daw iyong merkado. Ibig sabihin iyong environment to dictate supply in relation to demand.

Okay, ako iyong natapos ko po sa kolehiyo, economics and I can fully understand that. We can allow market forces to dictate supply and demand. Pero kung from the point of view of policy and from the point of view of regulation, may kaakibat na ibang mga rason kung bakit na-i-set natin iyong ceiling without having to compromise, supplying the needed units to address demand.

I would just like to point out na iyong 45,000 units na ceiling po, sa ngayon ha. Kasi sinabi naman din namin doon na we will review it after three months. Pero sa ngayon iyong mga numbers na iyan po was not arrived at arbitrarily. Kasi iyong numbers na iyan was the product of the series of technical working group meetings na naumpisahan namin last year sa board together with the TNCs, iyong tatlong accredited TNCs na iyon: Grab, Uber, U-Hop.

We understood iyong daily booking trips. Ibig sabihin we have to determine kung iilan iyon, sa araw-araw iyong demand. And then we have to identify– on the part of supply, we have to understand iyong tinatawag nilang—iyong tinatawag ng mga TNTs na training rate. Ibig sabihin po mag-a-accredit sila tapos iyong mga nagpapa-accredit after a while nawawala tapos may iba na namang papasok tapos mawawala na naman. Iyan ang tinatawag na training rate.

Tapos we were able to determine iyong part time and full time. Ang polisiya natin diyan is that we would like to have more TNVS go longer on the road or take their vehicles on the road para mas available iyong serbisyo na iyan for a much longer time. Sa ngayon po mas madami iyong part time kaysa full time.

Okay, Pangatlo nakita natin iyong average, kahit na mayroon tayong tinatawag—iyong sa kanila ngayon mayroon silang sarili-sariling mga pool of drivers and TNVS. And then whatever be the numbers are, I will go into the numbers kasi naririnig ninyo iyong mga numbers na 50,000 iyong grab, 70,000 iyong uber. Whatever will be the numbers they are saying—

LEO: May real number na rin pala kayo ha?

CHAIRMAN DELGRA: Sinasabi—the numbers that we have are actually coming from them. Ang sinasabi naman din nila na on the average, there are only about 7 to about 9,000 units that—ang nakakakuha ng booking every day.

So even if we had so many accredited, ibig sabihin either tumatakbo iyan sa lansangan, kakaunti lang talaga ang nakakagawa ng booking. I am not trying to—I’m not trying to depress the demand kasi iyong na-determine namin from them again, the data’s are coming from them. Iyong booking trips, are already determined in so far as the demand is concerned.

So we arrived at this number in saying na—may allowance pa nga iyan that—it would more than sufficient to address current demand, that we can say.

Iyong pangalawa po, iyong sinasabi kong regulatory perspective and so why we are put a limit. Ang nangyayari po kasi and which surprise us is that—kasi under the current system iyong mga TNVS magpapa-accredit sa mga TNC iyong Grab and Uber, U-Hop. Tapos kapag ma-accredit na pupunta sa LTFRB kukuha ng prangkisa. Pagkatapos ng makakuha ng prangkisa babalik sa kanila para na tuloy-tuloy na iyong ‘pag-activate doon sa kanilang TNVS.

What that means is that, they will have a—iyong mga TNC sa ngayon, inaalagaan nila iyong mga database nila to a point na—and this I would like to say, kaya nga na-surprise ako doon sa sinabi ng Uber na, they don’t want share their database. Sabi ko, hindi naman puwede iyan because iyong mga data na iyan is actually public data and its available to the public, iyong driver diyan iyong mga operator.

CHAIRMAN DELGRA: Because they thought that they have a preferential right if I may say, over the data that I have accumulated. Now that said, so kailangan natin tuloy na we need to create a unique denomination of this mode of public transpo. Ibig sabihin, iyong gobyerno na mismo, sa ilalim ng LTFRB ang magmamando at magdedetermina at magma-manage doon sa supply na ‘yan – kaya ang tawag namin diyan, common supply base.

So what will happen now is that, not one TNC will dominate nor… I don’t know if the right word would be ‘owned’ any of those TNVS. Ibig sabihin, kahit na sinong TNCs… tatlo sa ngayon, pero if I may say mayroon nang mga tatlo or apat na interesadong pumasok dito sa serbisyong ito ng mga TNC. Nag-present na sa amin, and then sabi namin sa kanila, “You go ahead, have you set accredited, then we can get into this service na.” So what will happen now is that, kahit na sinong TNC will now get their supply from this common supply base.

LEO: Well said Chairman…

CHAIRMAN DELGRA: I would just like to point out one thing… Baka sasabihin ninyo na, a kung ganoon kokonti na lang ‘no, magpipili-pili sila, parang sasabihin nila na, “Ah kung ‘yung Uber makakakuha ng beinte, iyong Grab makakuha ng ten o kaya iyong tatlo pang papasok – mga tig-sisingko mil na lang sila…” Hindi po ganoon, hindi po ganoon iyong mangyayari. Kasi based on their experience also, galing din sa kanila ‘yan… na iyong mga drivers po ay karamihan doon… majority of those numbers—whatever number they’re saying, ang actually what you call ‘dual citizen’ — Grab sila, Uber din sila.

LEO: Correct…

CHAIRMAN DELGRA: Pagdating naman din sa mga pasahero, ganoon din – iyong smart phone nila mayroong Grab, mayroon ding Uber. So kung papasok iyong mga ibang TNC, ganoon din ang mangyayari. So if you will not be able to get a Grab, you’ll go to Uber… if not, you go to the other TNCs who would be available. Ang punto namin dito: that you would have more than enough supply to take a ride. So iyon ‘yun.

LEO: Well said Chairman. Masarap ang usapan natin dahil napakahabang usapin pala ito. Maraming, maraming salamat sa pagkakataong ito, dito po sa Cabinet Report. Thank you so much for your time.

CHAIRMAN DELGRA: Salamat din po

ASEC. BANAAG: Sabi nila, si Asec. Delgra mahirap ma-interview. Actually hindi naman pala, ‘di ba?

LEO: Sinong may sabi?

ASEC. BANAAG: Sabi ng mga ibang kasama natin sa media.

LEO: (Laughs) Asec., thank you sa time ha. Thank you so much.

CHAIRMAN DELGRA: Yeah, I would welcome this opportunity to dialogue.

LEO: At hindi lang ito ang panghuli mo, marami pa tayong pagkakataon.

CHAIRMAN DELGRA: Ay hindi po, hindi po…

LEO: Thank you so much again.

CHAIRMAN DELGRA: Salamat din po.

ASEC. BANAAG: Maraming salamat po.

LEO: Si Asec. Delgra ng LTFRB ang ating nakapanayam. Again, it’s 12:31 in the afternoon na Asec., at iyong 30 minutes to go ay para na raw sa’yo ‘yan sabi ng mga taga-Malacañang Press Corps. Well, nagpapasalamat po muna again tayo kina John and Drei from New Era University, at siyempre sa lahat ng kanilang mga kasamahan dito, mga estudyante na narito po para mag-observe sa broadcast natin. At siyempre napakasuwerte ng dalawang ito, dahil nakapag-ano pa… May sasabihin pa ba kayo, bago tayo pansamantalang mag-break?

JOHN: Salamat din po sa opportunity.

DREI: Salamat po ng marami sa pag-invite sa amin. Salamat po.

LEO: Thank you rin sa inyo, at siyempre sa boss ninyo at sa mga guro ninyo. Good luck sa inyo. Thank you so much again. So Asec., Magbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo. [COMMERCIAL BREAK]

Ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo. Leo Palo III nakakasama ninyo sa kasalukuyan, at siyempre pa sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, pero ang ating nakasama ngayon ay walang iba kundi si Assistant Secretary Ana Marie Banaag ng PCOO pa rin.

Well sa mga oras na ‘to kabayan, ay nasa linya natin ang Kalihim mula po sa Department of Trade and Industry. Hindi ko alam… puyat ito pero napagbigyan pa rin tayo. Maraming salamat kay Weng… Nasa linya na po natin si Secretary Mon Lopez. Secretary, magandang hapon na—o tanghali na.

SEC. LOPEZ: Oo, magandang tanghali po sa inyong lahat. Si Mr. Leo ba ito?

LEO: Yes po.

SEC. LOPEZ: Oo Mr. Leo saka si…

LEO: Asec. Marie, ‘ayan…

SEC. LOPEZ: Asec. Marie, okay. Good afternoon sa inyong lahat.

LEO: Nakatulog ka na ba?

SEC. LOPEZ: Medyo ho, medyo… early morning na tayo dumating galing sa…

LEO: Oo nga…

SEC. LOPEZ: Oo, dahil late na umalis doon at siyempre dadaan pa tayo ng Davao for the arrival statement ni Pangulo. At… so sa Manila kami, siguro mga 4 A.M., ganoon.

LEO: Wow… so ilang oras lang ang tulog mo… Naka-6 hours ka pa lang—o wala pa.

SEC. LOPEZ: Oo (laughs).

LEO: Actually, nakatulugan ko nga iyong speech ni Presidente (laughs). Pinapakinggan ko noong simula…

SEC. LOPEZ: Ang haba kasi ng Q and A…

LEO: Ang Q and A ang mahaba, kasi kahit na masakit iyong kaniyang ulo dahil may migraine, sige ang sagot, oo…

SEC. LOPEZ: Oo nga ho, tama ho (laughs).

LEO: Well kasama ko nga si Asec. Marie dito. Pero anyway Asec., bumati ka muna kay Secretary.

ASEC. BANAAG: Secretary Mon, magandang hapon po and happy weekend po. Si Asec. Marie Banaag po ito.

SEC. LOPEZ: Oho… Asec. Marie, magandang hapon po sa inyo.

LEO: Well, isa lang naman ang nais naming malaman sa’yo dahil you have 1.25 billion investment na tinangay o tatangayin o dadalhin dito sa—

ASEC. BANAAG: Iuuwi…

LEO: Iuuwi o inuwi na sa Pilipinas. Medyo paliwanagan mo nga iyong ating mga kababayan, iyong mga nakikinig ngayon saka nanonood sa atin.

SEC. LOPEZ: Opo siguro—so masaya ho naman tayo na naging successful iyong ating hong presidential visit at the same time iyon po ay obligate…o revisit din ng ating Pangulo being part of iyong ASEAN dahil po nagkaroon ng ASEAN-India Commemorative Summit. So mabuti hong naka-attend ang Pangulo dahil complete attendance ho ang lahat ng ASEAN leaders from Singapore, Thailand, Malaysia, Cambodia, Myanmar, lahat po nandoon po sila.

At maganda iyong mga usapan nila, talagang… siyempre maraming common issues. Ang Presidente natin, maganda ho iyong mga iminungkahi niya at the ASEAN level tulad ng ‘pag-e-elevate din ng ASEAN beyond mga economic discussion, palakasin ang mga cooperations sa anti-terrorism, anti… iyong mga maritime piracy at mga iba pang problema tulad din ng mga drugs na na-recognize nila na isang malaking problema, na-recognize din ng marami, may mga nagsabi doon sa mga speeches nila na iyong drugs at saka iyong drug money ay nagagamit din nga, may link sa terrorism. So parang nagkakaroon ngayon ng mga diskusyon tungkol diyan, paano pa magkaroon ng cooperation diyan.

Tapos on the side po ay tayo naman sa DTI, kinausap ang maraming kumpanya, the day before ho kasi dumating ang Pangulo, nakipag-meeting na ho kami sunod-sunod ng mga—siguro mga sampung—Indian companies, mga malalaking kumpanya doon para magkaroon ng—iyon nga nag-presentation kami at magkaroon sila ng—malaman kung may intensyon silang mag-expand sa Pilipinas. At iyon nga ho maganda naman ang kita, nag-business forum din po tayo at na-present natin ang Duterternomics at so far ho iyong mga nag-indicate po mga sampung letters of intent at saka dalawang memorandum of understanding ang mga—ito ho ay iyong letters of intent galing sa mga private companies ng India.

So ang Indian companies po ay actually worldwide, sila iyong mga malalaking may-ari rin ng mga kumpanya, malalaki pa sa mga kumpanya dito sa Pilipinas, iyong mga malalaki nating kumpanya. So they owned several businesses even in the US and Europe, in London. So ano ho sila talagang malalaking kumpanya at dito sa Pilipinas malaki ho ang presence na nila. Malakas ho sila sa area ho ng IT, iyong information technology business process, management, iyon po iyong mga BPOs o outsourcing na tulad ng call centers at saka iyong mga backroom processing ng mga papeles, mga claims, mga health care at saka mga nurses na nasa backroom operation.

So kaya iyong mga nag-indicate ho na marami silang i-i-invest dito at mag-e-expand ng trabaho, mas maraming trabaho para sa ating mga kababayan, at maganda ho dito, iyong mga location nila, outside Metro Manila rin tulad ng mga business process management o mga offices. Marami ho, nasa mga probinsiya na kaya nga masaya ang—kumbaga ang regional development, mas maraming opportunity, mga kababayan natin hindi na kailangang lumuwas sa mga major cities. So iyon ho ang mga commitment nila!

LEO: So Secretary ang pinaka-bulk ng sinasabi nating papasok na investment ay ito iyong mga expansion ng kani-kanilang mga companies.

SEC. LOPEZ: Oo may expansion. Pareho ho, may expansion pero iyong pinakamalaki na papasok first time papasok ito. Ito iyong energy, solar power, iyong renewable energy. So doon lang ho sa—one billion ho ang kaniya doon, doon sa 1.2 billion.

LEO: Wow.

SEC. LOPEZ: So malaki ho ang kanilang talagang pinaplanong ipasok dito. Ito ho ay iyong Adani Technology or In Technologies na sila iyong biggest na energy supplier sa India. And then they are—

LEO: Saan nila ipu-put up dito sa bansa? Saan banda?

SEC. LOPEZ: Ano ho, doon sa mga na-identify nilang lugar, tinitingnan nila iyong down South Visayas area.

LEO: Wow.

SEC. LOPEZ: At saka pinag-aaralan nila iyong Batangas area din. So—at saka sila sabi nga nila once na nandito na sila, open silang magbukas din doon sa mga island provinces para makamura talaga iyong source ng electricity lalo na sa mga island provinces na minsan ay malayo para i-connect sa grid. So maganda kung doon na din ma-generate.

So at least—at mayroon silang ina-arrange or pino-propose na para sa gobyerno. I’m sure sa Department of Energy sila naman ang direct nakakausap para sa agreed, parang purchasing—power purchasing agreement, para masiguradong mas mura iyong magiging source ng kuryente doon sa mga probinsiya.

LEO: Actually isa sa mga product ng ano, Asec., ‘di ba Secretary iyong sa India, sa gamot din ‘di ba?

ASEC. BANAAG: Yes, yes.

SEC. LOPEZ: Opo, iyon ho iyong top agenda din po doon—

LEO: Hindi ka ba kinausap? Hindi ka kasi—Secretary hindi mo ako kinausap ay mayroon kaming Dengvaxia dito. Wala bang ganoon?

SEC. LOPEZ: [laughs]. Oo iyon nga po so ang Presidente talagang inuulit niya iyong importansiya noong murang gamot galing India at—so kinausap namin iyong grupo noong pharmaceutical export council nila at nag-commit nga sila. Sila iyong isang pahabol na letter of intent or MOU na kinomit nila na—kasi ang importante sa atin, while we are already importing from India, we want more sources.

LEO: Yes.

SEC. LOPEZ: Para mas maraming supplier mas bababa ang presyo. Both on generics at saka branded. Kasi iyong—even on the branded, the same brand alone in India and same brand dito sa Philippines, mas mura pa rin iyong India. So magtataka tayo bakit for the same brand, same formulation mas mura doon. Kaya kasabay noong ating imbitasyon sa kanila na dapat dito sila mag-manufacture na rin. We will buy for now but we will definitely entice them to manufacture here.

Sa ngayon ho mayroon na tayong apat na Indian pharmaceutical company. So we want more para talagang may kompetisyon at sila iyong makaka-drive down ng mga presyo para sa mga kababayan natin, dahil ang presyo ho ng gamot nagre-range ho from—mga 40 percent lower to 70 percent over. So malaki ho ang mura, kamurahan, both on generic at saka branded. Kaya ho ini-encourage natin sila talagang mag-supply at mag-manufacture dito sa atin.

LEO: Secretary sa halagang ito 1.25 billion pesos, sabi nga, ‘Kailangan ito mag-materialize?’

SEC. LOPEZ: So ito ho bale this year, actually nag-aano na sila, mayroon na silang mga feasibility study at siyempre iyan within one year or two years usually iyong mga ganiyang nagko-commit. Talagang mga seryoso ‘to kaya sila nagko-commit na ng ganiyang amount. At iyong mga nakaraan nakita naman natin iyong tuluyang ‘pagpasok at tulad noong mga nag-commit sa atin dati sa Japan, sa China, ito iyong… since mga one year na iyan may mga inaugurate na kaming mga planta dahil nagma-materialize usually iyan, mga within one to two years.

So ang importante ho, it shows talaga overall na iyong confidence dito sa bagong administrasyon ay tuloy-tuloy pa, ang—ang sina-cite nila parati iyong stability noong government, noong bagong government, iyong mga reporma, infrastructure development at saka tao, people, iyong mga ine-employ nila, hanga sila parati nilang sina-cite. In fact iyong isa pong kilalang resort—hindi resort parang wellness area, iyong “The Farm” sa San Benito sa Batangas, Indian ang may-ari po noon at maganda ang istorya niyan dati siyang customer doon. Ang nagtayo noon kasi ay German national subalit siguro hindi nama-manage mabuti, nagustuhan nitong India noong—iyong experience niya doon, ang kuwento niya mga two weeks after binili niya na iyong farm na iyon. At ngayon, kaya ho siya nakipag—prinesent namin dahil nagko-commit siya in fact may plano siya talagang mag—pumunta sa Davao dalhin ang ‘The Farm’ sa Davao at saka Palawan. Nakikita niya ang mga destination talaga.

LEO: Well said, Secretary. At sana iyang mga ginagawa ng Pangulo ito ay makakaabot agad-agad sa ating mga kababayan dahil sabi nga noong iba ‘pag ka ganito na may mga investment na papasok ‘di ba Asec., ay ang makikinabang ay si Juan Dela Cruz, wala ng iba—

SEC. LOPEZ: Opo kasi itong—

LEO: Iyong effect nito.

SEC. LOPEZ: Opo trabaho ang equivalent niya sa trabaho.

LEO: Correct.

SEC. LOPEZ: Sa investment at siguradong may trabaho para sa ating mga kababayan.

LEO: Again Secretary… maraming, maraming salamat sa pagkakataong ito. At maraming salamat sa pagtugon mo sa aming tawag. Balik ka na uli, tulog ka na uli (laughs).

SEC. LOPEZ: Opo, salamat po.

ASEC. BANAAG: (Laughs)

SEC. LOPEZ: Maraming salamat po sa inyong lahat.

LEO: Maraming salamat po. Secretary Mon Lopez ng DTI, ang ating nakapanayam. Asec…

ASEC. BANAAG: Alam mo, isa si Secretary Mon Lopez sa mga hinahangaan nating Cabinet secretary. Kasi iyong mga programa niya, iyong mga diretsong nagti-trickle sa mga ordinaryong mamamayan na interesadong lumago ang kanilang mga negosyo.

LEO: Iba, ibang-iba… Sa DTI talaga kailangan mo dito ano, talent ba? Ano bang kailangan mo dito? ‘Di biro ‘to…

ASEC. BANAAG: Strategies na ano…

LEO: Strategy… dapat magaling…

ASEC. BANAAG: Yeah, and nakikita natin iyong lahat ng—na lahat ng mga programa ng pamahalaan, nandoon ang DTI ngayon – sa Marawi… sa lahat. Hindi maikakaila na lahat—

LEO: Hindi ko tuloy natanong iyong presyo ng ano, kung i-hold mo lahat ‘di ba? Taas nang taas dahil sa TRAIN daw. Itong mga tuso naman na mga negosyante, sasabihin nila kasi may TRAIN. Walang kinalaman iyong TRAIN Law doon sa ‘di ba, mga basic commodities. Well, that’s part of ano… sabi nga natin, buhay ng isang tao lalong-lalo na sa Pilipinas pagdating sa mga ganiyang klaseng batas.

Anyway Asec., iyong ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps, although iyong iba—

ASEC. BANAAG: Akala ko tapos na tayo… nakahabol tayo, nakahabol sila.

LEO: —nakapagpadala ng mensahe… si Hannah Jane Sancho may tanong sa’yo actually. Ang sabi niya kanina, baka may briefer daw kahit kaunti lang doon sa Albay visit ni Pangulong Duterte pagbalik niya after India. At iyong ISIS threat daw sa Pangulo, paano ito hinaharap ng security ng Pangulo. Mayroon ka bang ano doon, sagot?

ASEC. BANAAG: Well kararating lang ng ating Pangulo kaninang madaling araw, so kapag may mga details na po tayo tungkol sa pagbisita ng ating Pangulo sa Albay ay ibibigay—ishi-share naman po ng ating MARO po ‘yan sa ating lahat.

And of course doon sa security, I’m sure that nakikipag-coordinate ang ating mga PSG sa DND at sa mga ahensiya ng pamahalaan na may concern sa seguridad ng ating Pangulo sa lahat ng kaniyang pamamasyal.

LEO: So wala pa, wala pa iyong Albay visit ha mga ano… si Kris Jose din ang nagtanong doon.

ASEC. BANAAG: Hindi po pamamasyal pala – pagtatrabaho (laughs). Walang pasyal.

LEO: May napili na daw ba si Pangulong Duterte na maging bagong Associate Justice ng Court of Appeals na ipapalit daw sa nakabakanteng posisyon ng nagretirong si Justice Leoncia Dimagiba?

ASEC. BANAAG: Tingnan natin sa mga darating na araw, at saka kapag ano naman… sa Lunes magpe-presscon si Secretary Harry Roque, then malalaman natin kung mayroon na.

LEO: ‘Ayan si Ate Vanz, sang katutak ang tanong. Reaction daw, “Senator Grace Poe slow justice given to SAF44.” Wow, anong ano mo doon?

ASEC. BANAAG: Yes. Personally kung iyon ang opinyon ni Senator Poe, ako na nasa Ombudsman dati, I see that too. And of course, I would—that really… it would really be very sensitive for us, from the Cordilleras na maraming mga kababayan kaming namatay doon sa Mamasapano. And for us, talagang matagal…

LEO: Mabagal…

ASEC. BANAAG: Mabagal.

LEO: Ano pa ginagawa ng ano (laughs)…

ASEC. BANAAG: I’ll address that of course to the agencies concerned, iyong mga kasamahan natin sa mga ahensiya to look into this. Kasi maraming mga naulila na mga kasamahan natin.

LEO: Correct, totoo iyon. Ito controversial itong tanong niya, “Mocha Uson and Mayon Volcano before PCOO Andanar suggested to her to have as an assistant.” Hindi daw ba nagbabasa ng newspaper kaya wala siyang alam sa update ng news and events?

ASEC. BANAAG: Mas maganda sigurong si Asec. Mocha mismo, kasi very open naman si Asec. Mocha sa mga interviews, mas magandang si Asec. Mocha na po ang tanungin natin tungkol sa mga bagay-bagay na ‘to. And it has been dragging for days already ha… so happy weekend!

LEO: Oo… Asec. Mocha, kamusta ka. ‘Ayan… Well former Justice Puno daw nag-warning, ito: Federalism would be a lethal unless political dynasties daw were neutralized first.

ASEC. BANAAG: Well it really depends kung ano ang ibig sabihin ni Justice Puno tungkol sa ‘how to neutralize’ political dynasties. To start with, kapag siguro na-deliberate ‘yan sa mga committee ng ating Kongreso at na-isabatas, at na-define natin kung ano ba ang—na-delineate natin kung anong linya at ano ang ibig sabihin talaga ng mga political dynasties. Because I believe ha, personally I believe na tayo sa Pilipinas, it’s by popular election. Our elected officials – governors down to the barangay officials are elected by popular vote, by our electorates…

LEO: Ang ano ko nga diyan, kanina iyon ang tanong ko – paano ba natin i-define iyong political dynasty.

ASEC. BANAAG: Yes. To start with, we have to define that first. And of course, I respect Justice Puno – isa ‘yan sa mga tinitingala ko as a lawyer, ahh mahistrado. And he has his reasons for saying so. He may not be a politician, but he’s so versatile with his job as a constitutionalist and of course as a lawyer. I know—I believe na he has reasons for saying so.

LEO: Ito pa, Puno pa rin…Ito Cha-Cha naman ito… Puno prefers hybrid Con-Con daw where appointed experts will join elected members. Many of them from political dynasties with—will rewrite daw Constitution as Con-Ass. Anong ano mo doon…?

ASEC. BANAAG: Well, doon sa mga na-appoint recently… the other day, iyong mga kasamahan natin na miyembro ng committee, iyong mga heads natin, mga magigiting at matatalinong mga magre-review ng ating Konstitusyon, they have reasons to say so, if they think na ang mga miyembro ng Constitutional Assembly or iyong mga miyembro ng mga magbabalangkas ng ating Konstitusyon, mag-a-amyenda ng ating Konstitusyon ay may ibang mga kailangang protektahan, then he sees—the way I see it ha, he sees it as limiting whatever you wanted to do out of the amendment in our Constitution.

LEO: Well, sila naman iyong mga na-appoint to study iyong ating 1987 Constitution. Si Justice Puno ang head to review iyong ating 1987 Constitution. ‘Yan…

ASEC. BANAAG: And maganda na he is—and maganda that Justice Puno is very open to talk about it with our electorate, iyong mga kongresista po natin who wanted to join, who wanted to make amendments doon sa ating Konstitusyon. And it’s good that he is very vocal about it.

LEO: Saka sa labingsiyam, tama ba ako? Nineteen na in-appoint ng Pangulo o ng pamahalaan to review the 1987 Constitution, ay hindi matatawaran iyong mga names… the Senator Nene Pimentel…

ASEC. BANAAG: Tama. Dalawa tiga-Cordillera.

LEO: Oo, si dating Congressman Nachura… sino ba iyong dalawang—

ASEC. BANAAG: Yes, matatalino… matatalino iyong mga miyembro ng ating—na magre-review doon sa mga gagawing amendments sa ating Saligang Batas.

LEO: Sabi ko nga diyan, it all remains to be seen. Malalaman po natin lahat, kasi itong mga ‘to, hindi ito mga bias na tao. Malalaman ninyo po dito kung paano nila pag-aralan iyong ating Konstitusyon.

ASEC. BANAAG: Yes, and they’re of age already. They have nothing to protect.

LEO: Yes. Oo, wala talaga. At saka para sa bayan nila, para sa bayan ito.

ASEC. BANAAG: At matatalino… yes tama ka.

LEO: Oo, hindi biro ito – at saka mga abogado lahat. Imagine mo, nakita mo iyon lahat, iyong mga names… hindi biro.

ASEC. BANAAG: Hindi biro…

LEO: Oo, may mga… I don’t know. Well sabi ni Ate Vanz: “Kakumpetensiya ng Pilipinas ang India pagdating sa BPO. So ano ang magagawa natin dito?” Sayang hindi ko na-ano iyon kanina…

ASEC. BANAAG: Kay Secretary Lopez…

LEO: Oo… How will the President daw address this Bumbay staying (laughs) na may 5-6 na negosyo… Ikaw Vanz Fernandez, sila may color coding din – ‘pag Miyerkules, bawal sila… ‘ayan (laughs) 5-6… ‘Ayan Ate Vanz ha. Well—

ASEC. BANAAG: By the way kasamang Leo, today pala Cagayan De Oro ang PDP-Laban para sa—si Senator Koko Pimentel para sa pag-take oath ng mga daang-daang sasama sa PDP-Laban. By the way ang PDP-Laban membership is not only for politicians.

LEO: Ganoon ba?

ASEC. BANAAG: It’s open to everyone who wanted to be a member dito sa partidong ito.

LEO: Oo. Ang adhikain naman yata ng PDP-Laban is para sa bayan, doon tayo. Kasi kung para lang kay senator, para lang kay congressman… huwag na lang kayo sumali.

ASEC. BANAAG: And they’re advocating for federalism. We’re advocating for federalism, a federal form of government. And they have set the parameters kung ano ba ang gusto nila na i-propose sa ating mga kababayan para maintindihan natin.

LEO: Correct. Masalimuot din iyong usapin sa federalism. Kaniya-kaniya, kaniya-kaniyang…

ASEC. BANAAG: Totoo ‘yan. By the way, sa update noong federalism – our office, sa PCOO trabaho din natin ‘yan.

LEO: Ganoon? Okay…

ASEC. BANAAG: DILG has craft a message kung papaano natin gagawin ito, the content. Ano ang pederalismo na gusto ng ating—

LEO: Pangulo…

ASEC. BANAAG: Pamahalaan.

LEO: Yes, ng pamahalaan. And one of the ano ‘yan… that’s the promise, campaign promise ng Pangulo.

ASEC. BANAAG: Yes, so that… because what has been happening perhaps is, everybody’s talking but nobody is talking – because we don’t understand. So we’re—

LEO: Saka ano parang… magkaiba. Mayroon akong naririnig na—

ASEC. BANAAG: Iba-iba…

LEO: —gusto unilateral, iyong iba naman… I don’t know. Bakit kailangan tanggalin ang presidente or tanggalin ang Kongreso, lahat… so iba-iba ang paliwanag.

ASEC. BANAAG: We’ll look into this. So February 1 and 2 may mga—and then after that, there are series of workshops already and meetings so that we can have one message in so far as federalism, as government agency.

LEO: Iyon ang maganda… Well Asec., maraming salamat sa pagsama mo sa akin dito.

ASEC. BANAAG: On behalf of Secretary Martin Andanar na puyat na puyat pa rin galing India (laughs)…

LEO: Ikaw din naman puyat…

ASEC. BANAAG: Okay lang, kasi mas bata ako—hindi, joke… Peace, peace Sec. (laughs)… Hindi, mas marami ang pinanggalingan niya – ako by land.

LEO: Oo, malayo. May jetlag ba ang India? Wala ‘di ba? Oo same ano lang ‘yan, parang nandiyan lang sa—

ASEC. BANAAG: Same timeline… Oo pero siyempre ang turbulence doon… kapagod, mapuyat…

LEO: Four and a half hours ang biyahe yata kung hindi ako nagkakamali. So…

ASEC. BANAAG: Hindi pa kasi ako nakakapunta, kaya hindi ko talaga alam. Four and a half lang pala… By the way, gusto kong mag-Happy Weekend kay Director Bong Aportadera at DDG Carlo…

LEO: ‘Asan ba si Director?

ASEC. BANAAG: ‘Andito, nagtatrabaho ngayon nakita ko.

LEO: Totoo?

ASEC. BANAAG: Yes, yes… may ginagawa sila doon sa budget. And sa lahat ng mga heads ng ating ahensiya, kay DG Howie Clavite, DDG Gelo Villar, Director Gigi Agtay, kay GM Dino ng PTV4, and sa lahat ng mga line agencies natin and kay Director Jojo and kay Sir Mike Dalumpines – lahat ‘yan parang mga kapatid namin kasi napakasipag at napaka—kay ano pala, kay DG kay Director Demic Pabalan, napakabait… lahat ng hinihingi natin sa kaniya sa pagsuporta sa PCO Net at lahat ng programa. Maraming salamat, Direc Demic.

LEO: ‘Ayan… at siyempre, maraming salamat po sa ating mga kaagapay dito from RTVM, thank you so much sa inyo…

ASEC. BANAAG: And also to my… our team of course – kay Usec. Lorraine Badoy, kay Asec. Mon Cualoping, kay Director Pebbles Duque and all our staffs who are still working up to now, maraming salamat po and happy weekend.

LEO: Maraming salamat din po sa lahat ng mga nanonood sa atin sa pamamagitan po ng Facebook live… at siyempre sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar at maraming salamat Asec. sa pagsama mo sa amin dito sa ating pagtatanghal.

Ito pong muli si Leo Palo III, para po sa Cabinet Report sa Teleradyo.

###

Source: PCOO-NIB (News Information Bureau)

Resource