Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Cesar Chavez (Damdaming Bayan-DZRH)


CESAR:  Secretary, welcome back sa DZRH at magandang umaga sa iyo.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Cesar at congratulations sa bago mong programa. Talaga namang ito ay very historical program at I am very proud na ikaw iyong nag-take over nito.

Naalala ko kasi Cesar nung 1994, noong ako ay nagtrabaho bilang isang legislative assistant sa Kongreso. Of course, hindi mo ako kilala noon, pero nakikita kita and my memory of you was this young Sectoral Representative.

CESAR:  Youngest.

SEC. ANDANAR:  Youngest na naka-barong and one of the most dynamic. Kasi iyong mga Sectoral Representatives, I think mga 20 lang po ata nung time na iyon eh. And you were one of those who were very active. Naalala ko ang mga active noong mga time na iyon, I think Congressman Mar Roxas was there also.

CESAR:  Yes, he was the Majority Floor Leader at that time.

SEC. ANDANAR:  At nakikita kita mula doon sa opisina mo and you would walk really fast at ikaw iyong Congressman na walang body guard.

CESAR:  Walang body guard, walang driver at walang maraming consultant. Pero iyong mga staff ko noon mga aktibista, mga leader ng LFS. Mga founding leaders ng LFS-NUSP.

SEC. ANDANAR:  Ah siyempre kung bata ka at legislative assistant ka, eh ino-idolo mo iyong mga batang nakikita mo doon sa Kongreso.

CESAR:  Secretary, inimbitahan ka namin sapagkat pumapasok na tayo, papalapit na tayo sa pangalawang taon ng ating Pangulo. Magaganda iyong indicators eh. Halimbawa, iyong latest survey ng SWS December of 2017 – pinakahuli ho ito – sa Mindanao 94% iyong trust rating ng ating Pangulo; sa Visayas 76%; sa Luzon 73%; rest of Luzon ay 66%.

In other words iyong trust rating ng Pangulo mula nung siya ay nanungkulan noong June 2016 hanggang December 2017 ay na-maintain niya. Saan natin puwedeng i-attribute itong patuloy na pagkapit ng 83% ng mga Filipino at pagbibigay ng tiwala sa ating Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Napakagandang tanong iyan. Of course number one, attribute natin iyan sa popularity ni Presidente. Dahil si Presidente mismo, he really speaks the language of the masses. At kung anuman iyong sinasabi niya, iyon talaga. You hear it as you see it and you feel it as you hear it and you see it iyong kanyang serbisyo.

So number one attribution diyan ay ang ating Pangulo talaga at ang kayang political will.  Number two, maganda iyong nabanggit mo kanina sa report na mahalaga ang malakas na burukrasya sa isang pamamahala. At makikita naman natin sa lahat ng aspeto ng gobyernong ito ay pinapalakas talaga iyong burukrasya.

And kami naman sa PCOO iyon din ang ginagawa namin noong kami ay pumasok, we made sure na makasabay kami kay Presidente sa pagbabago at pag-reporma ng burukrasya ng komunikasyon.

Number three, sa palagay ko ay hindi ho kami nagkulang. As a matter of fact, I think we are doing okay sa  pag-communicate sa mga public policies ng ating Presidente sa pamamagitan  din ng  social media. Dahil alam natin naging game changer iyong social media simula nung 2016.

At ang unang ginawa ko sa Presidential Communications Operations Office nung Secretary, nung ako ay inanunsyopa lamang ng Presidente nung June 2 ay unang meeting ko is meeting with Facebook. So miniting ko kaagad iyong Facebook dito sa SouthEast Asia at nagpatulong kami na i-set up iyong Facebook Live. Sapagkat during that time, Cesar kung maalala mo, may Facebook Live na pero hindi pa ganoon ka-sturdy iyong infrastructure ng Facebook.

So nagpatulong kami, in a sense that we wanted to broadcast live on Facebook lahat ng speeches ni Presidente at nagsimula noon doon sa inauguration ni Presidente. Thatis why the inauguration of the Presidente in June 30, 2016 was the first inauguration that was live on Facebook here, at least in South East Asia and it was in partnership really with Facebook.

At tuloy-tuloy mo, kung mapapansin mo noong panahon ni PNoy hindi naman ganoon iyon. At iyon, from 10,000 followers ay naging 1.3 million ang followers nung ating Facebook live. And hindi lang sa Presidential Communications, kung hindi sa lahat din ng mga plataporma ng… halimbawa, PTV. Before wala namang Facebook live iyon, iyong PTV, tapos Radyo Pilipinas, so susunod-sunod na iyon… Philippine News Agency.

CESAR:  Sapagkat bago ka pumasok, ang tingin sa mga institusyong iyan, bagama’t magagaling, mahuhusay at mga beterano iyong mga kasamahan natin na naroroon, ang perception ay Jurassic iyan. Parang detached iyan sa mainstream kumbaga.

SEC. ANDANAR:  Tama po kayo, sir.

CESAR:  Kumbaga iyong competitiveness niyan ay hindi ganoon karamdam.

SEC. ANDANAR:  And alam mo kasi, Cesar, as the former head of news5.com.ph. at ako ay nagbuo ng  News 5 Everywhere. Alam ko kasi na kapag pumasok ako sa gobyerno, hindi ko kaagad mapapalitan iyong transmitter ng Channel 4, kasi mahal.

CESAR:  Tama iyon. The infra… the hardware part.

SEC. ANDANAR:  Oo. Itong kagandahan ng studio hindi ko magagaya kaagad ito in just one blink of an eye, overnight. Pero alam ko na pag ginamit ko iyong Facebook na iyong dating kaagad ay high definition. Kahit na iyong studio mo ay luma, kahit na iyong ilaw mo ay hindi ganoon ka-bright iyong ilaw—

CESAR:  Basta iyong camera mo.

SEC. ANDANAR:  Kasi diretso naman eh. Diretso from studio out, diretso doon sa Facebook. So ibig sabihin kung papanuorin mo po iyong telebisyon kahit na sa PTV ay snowy; pag pinanuod mo sa Facebook ay very bright and very vivid iyong color. So that is what we did and we also opened the communications of the President by way of giving information to all of our contacts overseas, iyong mga media sa probinsiya, meron po silang access ngayon sa presidential Communications Operations Office.

So whatever information that you get from the media here in Manila receives natatanggap din po iyan ng media doon sa Mindanao, doon sa Visayas, sabay-sabay po iyan. So ginawa po namin iyan para at least maka-leverage po tayo sa network.

CESAR:  Example diyan, nung nagsisimula ako bilang reporter ng DZRH, again 1987. Meron kaming Philippine News Agency, iyon lang iyong access namin, pero wala kaming direct access sa Office of the Press Secretary o  kaya sa apparatus mismo ng…  sa structure ng  Office Presidential Spokesperson or Office of the Press Secretary or how he manages Philippine Information Agency, International Press, Bureau of Broadcast. Wala kaming masyadong direct access eh.

Sa pagpasok ni President Duterte, any Tom, Dick and Harry, magsasaka, estudyante, puwede nang ma-access iyong speech ng Presidente dahilan doon sa Facebook Live na ginagawa ninyo. Puwede bang ituring natin na parang game change up din ito in terms of managing and communicating the messages of the President?

SEC. ANDANAR:  Yes. Noong simula kasi—of course, talagang naging malakas iyong Facebook Live ng Presidential Communications, PTV. At naging game changer ito lalung-lalo na doon sa mga media platforms ng government na mahina talaga.

Masasabi na, for example, PTV. PTV only have 30,000 followers, ngayon nasa 1.3 million.

CESAR:  Just PTV 4.

SEC. ANDANAR:  Oo. PTV30,000 lang noon, Cesar. Tapos kung titingnan mo, everytime na mag-live si Presidente, mag-speech si Presidente, ikumpara mo lahat ng Facebook pages,  lahat as in lahat private, government, ang number one na pinakamaraming nanunod, Presidential Communications.

 CESAR:  Hindi nangyari iyan, before.

SEC. ANDANAR:  Hindi nangyari before iyan.

CESAR:  Sapagkat ano iyan eh, parang propaganda ang dating.

SEC. ANDANAR:  Iyong ating PTV, sumasabay na siya sa ABS-CBN, sa GMA, sabay-sabay na iyan, sa inyo, sabay-sabay iyong… makikita mo iyong numbers eh. At kapag tiningnan mo iyong engagement, meaning kung ano ka-vibrant iyong pag-uusap—

CESAR: Nag like, nag comment—

SEC. ANDANAR: Comment, etcetera. Mataas, napakataas lalo na iyong Presidential Coms at itong PTV. Kung titingnan mo iyong top influencers – top influencers in the Philippines mentioning the name of the President nandiyan parati ang PTV, nandiyan parati ang Presidential Communications, ang Philippine News Agency humahabol na, pati iyong Radyo Pilipinas. So four out of ten na top influencers ng Presidente ay nanggagaling sa government media.

CHAVEZ: Okay.Maganda iyon ano. Pero how do you sustain that? Sapagka’t ang tao ay maikli ang pantanda, short memory, at madaling magsawa.

Mayroon kang isang Pangulo na halos singular lang iyong message: “anti-drugs.” Nasa Rotary Club of Manila: “anti-drugs”; International community: “anti-drugs”; sa eskuwelahan:  “anti-drugs”; Business community:  “anti-drugs.” Halos lahat ng okasyon – “anti-drugs.” One single biggest message niya, hindi ba magsawa ang tao rito? Anu-ano ang sinasabi ng algorithm dito? Ano ang sinasabi ng encasement dito? Papaano na-sustain na sa isang ordinary, “Iyan na naman. Anti-drug na naman.” And yet, iyong acceptance, trust rating ng ating Pangulo ay napanatili. Iyong factor ng Facebook ba, nagkaroon iyan ng bagong panlasa, bagong ingredient sa pagtatanggap ng mga message ng ating Pangulo?

Sapagka’t this time, hindi na one-way; pati iyong mga comments ay nagiging bahagi na ng message ng Pangulo, hindi ba? Right there and then, napag-uusapan at napagdedesisyonan, “Tama ba ang sinabi ng Pangulo o hindi?”

SEC. ANDANAR: Well, alam mo, Cesar, napakaganda ng punto na sinasabi mo. And let me just be clear on this dahil hindi lang po Presidential Communications or government media, sapagka’t lahat ho ng private media ay nasa Facebook din.

Now, they say that social media is the game changer not only of government but the entire population. We have 60 million Filipinos on Facebook. So therefore, since communications has been democratized already at lahat tayo ay mayroon po tayong kaniya-kaniyang mga social media page and we can watch based on our phase, natutulungan po ng private media ang Presidente na napapanood lahat ng speech niya. Now, with what you’re saying, anti-drugs – ito iyong paulit-ulit ha – anti-drugs, corruption ‘di ba.

CHAVEZ: Memorized ko na iyong speeches ng Pangulo.

SEC. ANDANAR: Oo, anti-drugs, ‘My God, I hate drugs.’ Tapos iyong corruption, ‘One whiff of corruption, you’re fired.’ Number three, nandiyan iyong peace and order. Number four, nandiyan iyong poverty alleviation, bibigyan nang mas magandang pangkabuhayan iyong mga kababayan natin. Iyong apat na iyon po ay paulit-ulit na sinasabi ni Presidente.

Sa palagay ko ha – personal lang ito, Cesar – sa mga nagdaang administrasyon, mayroon kasi tayong parang naging hindi magandang karanasan, na mayroong mga pangako na napapako. Simple lang. Halimbawa, ipinangako ni PNoy noon na ipaglalaban niya iyong freedom of information – hindi nangyari. May mga ganoong eh—

CHAVEZ: May mga magpapasagasa sa tren.

SEC. ANDANAR: Iyong mga ganoon. So mayroong mga pangako na—speaking of train …

CHAVEZ: Mamaya, pag-uusapan natin iyan. Pag-uusapan natin, babalikan natin sapagka’t sabi ng aking partner dito, ang ating commercial hanggang 9 o’clock ay 60. Magbabalik ang palatuntunang Damdaming Bayan. Ang oras natin: dalawang minuto bago sumapit ang alas otso ng umaga.

[COMMERCIAL BREAK]

CHAVEZ: Kung minsan ang problema ng ating Pangulo, kung maituturing nating problema at problema ang pagtingan niyan sa maraming tao, paiba-iba iyong kaniyang statement. May peace talks ngayon; tomorrow, wala. May ganitong statement, nababago the following day or two weeks from now. At iyon ang trabaho ng Presidential Communications Operations Office, kung papaano i-contextualize ang statement ng Pangulo.

Pero papaano mo iku-contextualize, mismo ang Pangulo na mismo ang nagsasabi at repeatedly kung minsan, pabago-bago ang kaniyang statement. Narito ang special report ni Nicole Lopez tungkol sa bagay na ito.

[AUDIO PRESENTATION]

CHAVEZ: Kasama pa rin natin si Secretary Martin Andanar, Secretary ng PCOO, Presidential Communicator.

Secretary, papaano iyon, nahihirapan ka ba minsan nabago-bago ang statement ng Pangulo – hindi all the time at sa hindi sa maraming issue. Pero halimbawa, peace talks. Paulit-ulit, may peace talks tayo, bukas wala. Banatan natin si Sison, bukas may peace talks tayo. Hindi ka ba nahihirapan as a communicator of the President?

SEC. ANDANAR: Nasa mindset lang iyan, Cesar. Usually, ang spokesperson ng Presidente or iyong Press Secretary, they speak on behalf of the President, on behalf. Now, I learned from a very good friend that in order to be effective – sa style ni Presidente Digong – you have to speak around the President. Kung ano ang sinasabi ni Presidente, you must not go out there at sasabihin mo, ito ang ibig sabihin ng sinabi ni Presidente – No. You just say it as it is. Huwag mo nang i-translate pa kung ano ang sinabi ni Presidente.

CHAVEZ: Do not interpret.

SEC. ANDANAR: Do not interpret kung ano ang sinabi ni Presidente. You just speak around—

CHAVEZ: How do you do that, speak around the President? Halimbawa, may peace talks ngayon; bukas, wala. Sa susunod na buwan, may peace talks; sa susunod na buwan, ‘Ayaw ko na ng peace talks. Bakbakan na tayo.’

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan. You just say as it is. Iyon ang sinabi ni Presidente kanina at kung ano ang sinasabi ng Presidente, iyon ang polisiya, iyon ang public policy. So kung iyon ang huling sinabi ni Presidente, iyon ang public policy.

CHAVEZ: Ano ba iyong—well, maliwanag sa inyo at sa marami sa atin iyong social orientation ng ating Pangulo, kung papaano siya lumaki, papaano iyong governance niya. Sa tingin ba ninyo, with the indicators na mayroong trust rating sa kaniya, natanggap na iyong management niya sa pampanguluhan, sa presidency? Sapagka’t iyong style niya mayor eh, ‘Ayaw ko ng maraming committee. Ang gusto ko kagawad, kapitan, do it and do it now. And I want results now, ngayon.’ Hindi ba, ganoon iyon mayor. Iyong presidente, process it, ‘di ba?

Si President Ramos malamang nakikinig ngayon, mayroong marginal notes iyan. Complete Staff Work – CSW. Alam ng tatay mo iyan, CSW. Mukhang ang Presidente ay hindi mahilig sa marginal note.

SEC. ANDANAR: Ang style po ni Presidente ay—

CHAVEZ: Hindi mahilig sa committee.

SEC. ANDANAR: Pragmatic. Very practical. Talagang CEO ng isang local government unit. At sa palagay ko naman, Cesar, sabi nga nila, politics is all local. So kailangan—at doon malakas si Presidente sapagka’t 23 years mayor, alam niya kung ano ang pulso ng masa. At the same time, alam niya na ang pinakamahalaga ay iyong tangible, iyong nahahawakan mo iyong achievement, accomplishment.

So kami sa Gabinete, wala pong order sa amin si Presidente kung ano ang dapat gawin. We just have to keep up with his pace. At kung gusto niya na may nakikita siya, may nai-imagine siya, kapag may nai-imagine siya, dapat you should deliver iyon. Deliver it. That’s not just a dream, but a dream come true.

Kaya sa palagay ko, ang ating Pangulo ay napaka-popular. Halimbawa, pinirmahan niya iyong TRAIN law na nagbigay ng zero income tax para sa more than 80% ng ating mga kababayan; iyong libreng edukasyon ng mga state universities and colleges. Mga polisiya, Cesar, na hindi popular sa mga oligarkiya, sa mga oligarchs.

CHAVEZ: Libre na rin ang irigasyon.

SEC. ANDANAR: Iyon, ‘di ba. Kung ikaw ay magsasaka na mayroon kang eight hectares na lupain pababa ay libre irigasyon, hindi ka na magbabayad, libre tubig.

CHAVEZ: Iyong trabaho mo ay not only communicating the messages of the President, but also at the same time, communicating his presidency. Kasama sa presidency ay iyong kaniyang mga Cabinet members. Walang duda na effective iyong ilang Cabinet members. Pero mayroon kang mga Cabinet members na hindi masyadong naririnig kung ano ang ginagawa. Papaano ninyo nami-mainstream iyon? Halimbawa, Department of Science and Technology, kapag nagpaliwanag ka ng science and technology, para kang humuhugot ng bayawak mula sa kaniyang [laughs]… Mahirap maintindihan at ang daming mga… Department of Agrarian Reform. DILG with its humungous mandate, hindi masyadong nagsasalita iyong Secretary ng DILG.  Of course, isang magaling, professional na sundalo and therefore, magaling na manager sapagka’t kapag nag-manage ka ng AFP, nag-manage ka ng isang malaking korporasyon. Therefore, tried and tested ang kaniyang executive ability. But, mayroon kang pagkakataon, hindi ba, na dapat i-communicate ito. At ano ang nagiging role dito ng PCOO para sa kanila?

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan. Nagbuo po tayo ng isang Comprehensive Communications Committee (CCC) sa loob ng PCOO, at ang trabaho po ninyo ay, number one, ay kailangan paganahin lahat ng government media platforms. At hindi lang paganahin kung hindi sinimulan namin na magtrabaho, to work with each other at pagsama-samahin na hindi aasa sa third party, public relations, etc.

Now, magandang example sa DILG. Nagkaroon po ng fake news noong 2016 or 2017 na 7,000 iyong EJK. Nilabas namin, Cesar, sa CCC iyong campaign na Real Numbers Ph, #realnumbers. So every week, naglalabas kami ng real numbers kasama po ang DILG, PDEA, Department of Health. And after that, tumigil, tumigil iyong mga pekeng numbers.

CESAR:  Na-counter, na-neutralized.

SEC. ANDANAR:  Na-neutralize, na-counter. Halimbawa ngayon meron kaming bagong project ngayon, sa CCC din, ito po iyong ‘Rehabinasyon.’ Ito po iyong rehabilitating the nation.

CESAR:  Ano ang tawag?

SEC. ANDANAR:  Rehabinasyon.

CESAR:  Rehab nation, parang ganoon.

SEC. ANDANAR:  Rehab nation at nagsimula kami just three weeks ago.

CESAR:  So content-driven ka ngayon. Kung merong project kayo, kung may programa  kayo, kung may bago kayong policy, it’s a content. Tapos doon mo ginagawa iyong communication strategy na iyan.

SEC. ANDANAR:  Yes. And then we go around with the Department of Interior and Local Government, with PDEA—Iyong Dutertenomics,

CESAR:  Well of course, very successful.

SEC. ANDANAR:  HindiKasi boss ano eh, puro patayan ang pinag-uusapan. We have to come up with one brand na ito iyong economic policy, Dutertenomics build, build, build.

CESAR:  At naiintindihan iyon sa international community. Iyong Dutertenomics, hindi ba.

SEC. ANDANAR:  So, tuloy-tuloy po. Merong Biyaya ng Pagbabago. In other words, bukod sa pag-communicate sa mga polisiya ni Presidente mula sa Malacañang, kami po ay very active na tumutulong sa iba’t-ibang mga departments na ma-communicate iyong kanilang polisiya. Tulad ng Department of Energy kami iyong nag-conceptualize ng ‘E-power mo.’ Iyong mga ganoon ba.

CESAR:  Iyon ang contribution ninyo sa mga departamentong ito.

SEC. ANDANAR:  Opo. And alam mo kasi, Cesar, meron talagang mga departments na hindi ganoon kasigasig pagdating a communication. Now, ano iyon, we are also a market place sa loob ng communication eh. Minsan kung sino iyong pinaka-active na lumalapit sa amin eh siyempre iyon ang nauuna di ba. So halimbawa, active iyong DILG ngayon, active iyong Office of the Cabinet Secretary, active din iyong Department of Finance.

So kung sino iyong mga active—Department of Tourism. Kung sino iyong mga active, eh sila iyong parating nasa opisina namin. But of course we want also to continue and reach out to all of the Cabinet secretaries.

CESAR:  Halimbawa, Department of Agrarian Reform, hindi natin masyadong naririnig ito; Department of Science  and Technology; lately ang Department of  Environment and Natural Resources, ang daming issues like for instance, Boracay.

Ngayong araw na ito halimbawa, may bagyo. In concrete terms, how do you operationalize now, ano ang nagiging role ninyo, iyong information machinery under the Office of the President to keep the people in Mindanao and Visayas, well informed timely, real time?

SEC. ANDANAR:  Ang ginagawa natin diyan ay meron tayong programa na ina-activate natin. Ito po ay iyong ‘Laging Handa.’ So iyong ‘Laging Handa’ is a program na kine-carry ng PTV, Radyo Pilipinas, lahat po. But most importantly, iyong Philippine Information Agency, kasi pinare-focus ko iyong PIA. Ang PIA should be the developmental communications agency of the country.

So meaning hindi po siya on air, hindi po siya on line, hindi po siya on print, but they should be on ground.

CESAR:  Ano ito parang mga success stories, parang inspirational.

SEC. ANDANAR:  Kasi Cesar, kung halimbawa sumabog iyong Mayon, di ba. Ang pinakamahalaga pa rin iyong merong information officer na pupunta doon sa Barangay at kakausapin, ‘hoy Mang Pedro lumayas ka na diyan kasi pag hindi ka umalis diyan mamamatay ka, meron ng 8 kilometer danger zone na ipinatupad ang lokal na pamahalaan.’

CESAR:  So nandoon iyong PIA ninyo.

SEC. ANDANAR:  Nandoon ang PIA para kausapin. Kumbaga ang PIA kasi they have a network, alam mo ito. May mga network of information officers iyan sa mga munisipyo. So tumutulong iyong PIA doon sa one-on-one o face-to-face communications.

CESAR:  At sila rin at the same time nagiging source or lead ng ibang private media institutions para, ‘ay bagong development doon, sa lugar na iyon.’ Parang—well okay din iyon parang ano ka eh, nagti-trigger kung saan naiiwan ng mainstream media, even social media, nandoon iyong PIA.

SEC. ANDANAR:  Kaya nga. Alam mo Cesar noong ASEAN halimbawa ASEAN. Sabi ko komite, ang PIA should focus on ground communication and explaining ASEAN. So sa awa ng diyos, because of that, from… if I am not mistaken from 18 to 24 % na awareness sa ASEAN ay tumaas po ito ng more than 36% after the ASEAN. So talagang tumaas po talaga iyong awareness ng tao because of the program na iyong PIA mismo ay bumababa doon sa mga eskuwelahan, etcetera, ipinapaliwanag iyong Association of South East Asian Nations. Unlike during the time may APEC dito. Hindi po nag-download ng pera ang national government doon sa baba para ipaliwanag kung ano ang kahalagahan ng APEC sa bawat Pilipino.

So kami kung anuman iyong merong proyekto na naibibigay iyong gobyerno, budget, talagang sinisiguro namin na bumaba doon sa grassroots, hindi lang po sa radyo, sa TV, hindi lang po sa diyaryo o sa online, eh kailangan po talaga ay pumunta dono at mag-lecture.

CESAR:  Okay so meron kang in charge sa online, on-air, sa tweet o ngayon naman on ground.  Ito iyong one-on-one, face-to-face communication. Pag sinabi nating one-on-one, hindi namang nangangahulugan one on one. Halimbawa parang PIA, kasama iyong Samahang Nayon halimbawa iyong mga konsepto hindi ba.

SEC. ANDANAR:  Oo. Kasi at the end of the day Cesar, kapag umasa ka lang sa cellphone mo eh walang mangyayari, kung iyong mag-asawa pag nag-cellphone eh di hindi maganda ang relasyon.

CESAR:  All right sa ating pagbabalik, papano naman kung ang PCOO ay pinagmumulan ng fake news. Meron bang instances na tatanggapin ng PCOO na iyong fake news ay nagmumula sa kanila? Sa ating pagbabalik.

CHAVEZ: Balikan natin si Secretary Martin Andanar. Papaano kung ang PCOO ang pinagmumulan naman ng fake news?

Halimbawa, iyong na-rape na bata ay hindi naman pala sa Pilipinas; sa Brazil. Iyong ipinakalat na video, larawan ng Marawi ay sa Honduras pala iyon. At kung minsan ay nailipat yata iyong Mayon namin from Albay to Naga. Papaano kung nagmumula ito mismo sa lungga na dapat communicator ng katotohanan at pawang katotohanan lamang, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Sa PCOO at iyong mga opisyal natin na media platforms katulad po ng PTV, Radyo Pilipinas, Philippine News Agency at nandiyan din po iyong Presidential Communications, mayroong mga pagkakataon na nagkakamali, lalo na doon sa PNA dahil nga ito ay minana natin sa mga nakaraang administrasyon at pinapaasenso natin siya ngayon.

Now, sa atin kasi, mga professional na journalists, ay mayroon tayong erratum, nag-i-errata tayo. At ang tawag natin diyan ay isang inaccurate news, okay? At wala namang malisya na manira ng—halimbawa, iyong DOLE ‘di ba nabago iyong logo. Wala namang malisya at wala namang intension na masira iyong DOLE. Talagang malaking pagkakamali na ginawa nung isang tauhan na nag-upload ng photo at nanagot naman na iyong tao na iyon – na-suspend na at mayroon na ring mga nag-resign sa hiya.  But we call that inaccurate news, and we continue to work hard. Walang kapalit sa hardwork, Cesar, para ang ating mga ahensiya, ang ating burukrasya sa gobyerno ay mag-improve at umasenso. At iyon ang ating mandato na ibinigay sa atin ng Pangulo, ng Commission on Appointments, na palakasin muli ang ating government communications.

Now, siguro the elephant in the room ay si Asec. Mocha. Minsan mayroon siyang ina-upload sa kaniyang Facebook—

CHAVEZ: By the way, iyong mga ganitong pagkakamali ay hindi exclusive na mga taga-gobyerno. Pati sa private sector, private media katulad namin, every now and then, nagkakamali rin. Nagkakamali ng picture, minsan gumagamit ng picture na walang attribution, walang proper citation. May mga pagkakamali din.

Wala yatang media institution na hindi nagkakamali. In other words, kung minsan ay nagiging bahagi siya, bagama’t walang masamang intension na manlinlang o manloko ay talagang nagiging bahagi na rin iyong pagkakamali. Pero ang pagkakaiba nito ay ang gobyerno, ‘di ba. May responsibilidad na mas mabigat ang gobyerno. Ganito rin ba ang pananaw ng PCOO, na may mas mabigat kayong responsibilidad na mas maghayag nang mas makatotohanan sa mas mabilis na pamamaraan?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko kasi, Cesar, iyong ating mga government media institutions like PTV, Radyo Pilipinas, PNA, lahat iyan ay covered iyan ng freedom of the press also. Because, ang sabi nga ni Presidente, independent editorial judgment ang dapat gamitin sa lahat ng ating mga media entities ng gobyerno.

But then again, kung ikaw naman ay miyembro ng press, you also have to practice accountability and you have to be responsible also doon sa ginagawa mo. Iyon ang pagkakaiba ng isang professional journo at hindi journo. Ang journalist talaga ay kapag nagkakamali, responsibility niya, accountable siya doon, napaparusahan. Lahat ng nagkakamali sa PNA, PIA, PTV ay napaparusahan gaya ng journo o reporter ng mga pribadong sektor.

Hindi po polisiya ng gobyerno ang mag-spread ng fake news. As a matter of fact, walang pinapakalat na fake news ang mga government platforms. Now, si Mocha, mayroon siyang sariling blog. At ito ay nagiging source of debate noong—

CHAVEZ: Hanggang ngayon.

SEC. ANDANAR: Hanggang ngayon. Na si Mocha ay isang government official, hindi mo mahihiwalay ang kaniyang pagka-government official sa kaniyang pribadong buhay. The same way na hindi mo rin mahihiwalay iyong kaniyang pribadong buhay sa pagiging government official.

Now this is what I believe, this is where I stand right now, Cesar, ang Pilipinas ay mayroong 1.3 million civil servants. Nandiyan iyong mga ordinaryo, nandiyan din iyong mga mayor, nandiyan din iyong mga konsehal, may congressman, may senador, may presidente, halos lahat niyan ay may social media. At halos lahat diyan ay nagku-comment din sa kanilang social media account. Now, anong pinagkaiba ni Mocha sa 1.3 million.

CHAVEZ: That’s right.

SEC. ANDANAR: Ang pinagkaiba lamang, ang kasalanan lang ni Mocha ay mayroon siyang five million followers.

CHAVEZ: At saka masyado siyang sikat.

SEC. ANDANAR: Masyado siyang sikat.

CHAVEZ: Kaya iyong pagkakamali niya, hindi man intension, ay litaw na litaw.

SEC. ANDANAR: Iyon lang naman ang pagkakamali niya.

CHAVEZ: Hindi tulad ng mga vice mayor, mayor, na paminsan-minsan nagmumura din. Pati sa Facebook, at nakikipag-away din sa Facebook.

SEC. ANDANAR: Oo. Kinuha ko, Cesar, kumuha ako ng mga screenshots, napakadami. Ang kasalanan lang ni Mocha ay sikat siya at mayroon siyang five million followers.

Now, kung aalisin mo ang kaniyang karapatan na mag-blog at aalisin mo iyong kaniyang karapatan doon sa tinatawag na freedom of expression—

CHAVEZ: Parang inalis mo iyong Mocha sa kaniyang katawan.

SEC. ANDANAR: Oh di alisin mo na rin ang karapatan doon sa freedom of expression ng lahat ng 1.3 million civil servants. Isara mo na rin iyong kanilang Facebook page para all for one, one for all. Iyon lang naman ang sinasabi ko.

CHAVEZ: Dapat bang magkaroon ng social media policy ang gobyerno, na ang dapat mag-initiate nito ay ang Pangulo mismo at through the Office of the PCOO?

SEC. ANDANAR: Ang gumagawa niyan ngayon, Cesar, ay ang DICT.

CHAVEZ: So there is an attempt.

SEC. ANDANAR: Mayroon ng attempt.

CHAVEZ: Ongoing iyan?

SEC. ANDANAR: Ongoing na.

CHAVEZ: Consultative ang process nito.

SEC. ANDANAR: Yes.

CHAVEZ: Hindi lang iyong usapan ito ng mga information officers.

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi.

CHAVEZ: By the way, may binanggit sa akin si Manay Ichu Villanueva ng Philippine Star, mayroon kayong convention. Kailan ba itong convention?

SEC. ANDANAR: National Information Convention, ito po iyong kauna-unahang convention ng mga information officers sa buong Pilipinas, sa gobyerno po ito. Napakahalaga po nito because this is the first time and the biggest—

CHAVEZ: National Information Convention. Next week daw, sabi ni Manay Ichu.

SEC. ANDANAR: Ito po ay next week sa Davao City, February 19, 20, 21. Lahat po ng mga dapat malaman ng information officer, malalaman nila doon sa NIC training, sa broadcast training sa TV, radyo, background sa developmental communication, how to fight fake news. Lahat ng makabagong communications ay nandoon. It’s going to be the biggest and the first information convention ng mga government information officers.

CHAVEZ: Parang everyone must know what everybody is doing among information communicators or officers sa buong bansa.

SEC. ANDANAR: Opo.

CHAVEZ: Government lang ito?

SEC. ANDANAR: Opo.

CHAVEZ: Did you invite private … hindi?

SEC. ANDANAR: Mayroon pong mga private doon. Mayroon pong mga plenary speakers na magsasalita, hindi ko lang kabisado lahat ng—kasi ang daming plenary sessions. Mayroon ding mga breakaway sessions. Kung ano ang makikita mo sa mga malalaking conventions sa Amerika about information, ito po iyon. This is the first. Kaya ngayon pa lang mayroon ng 1,600 na nagpa-register.

CHAVEZ: Speaking of that convention, mayroon ba tayong, like a national communication policy na nag-i-emanate sa inyo? May binubuo na ba tayong national communication policy na binalanse mo iyong interest ng gobyerno ngayon at sa mga susunod na henerasyon?  At ano ang magiging role ng mga communicators sa policy na ito at sa governance, sa private, sa negosyo, sa lahat, civil society? Papaano po ito?

SEC. ANDANAR: Opo. Maraming salamat sa tanong, Cesar. Noong 2016, noong ako ay pumasok sa gobyerno, this is one of the policies that I created. The first one is the freedom of information, the task force on media security, at iyong pangatlong policy ay ito pong national communications policy for the entire government.

So after 19 months na pinag-aralan namin, kahapon po ay na-release na iyong national communications policy as a memorandum from the Presidential Communications Operations Office. Kahapon lang po.

CHAVEZ: Kahapon, very timing, very timing. Hindi ko alam iyon, hindi tayo nag-usap diyan.

SEC. ANDANAR: Kasi bago lang. In fact, hindi pa namin binu-broadcast ito. Hindi pa namin ini-expect—

CHAVEZ: Ito na ba ito? Hindi, wala rito.

SEC. ANDANAR: Ipapadala ko sa Viber sa’yo. At ito, nakapaloob na dito iyong sinabi ko sa’yong Comprehensive Communications Committee because lahat ng mga—

CHAVEZ: From engaging communities, to civil servants, iyong mga ganoon.

SEC. ANDANAR: Ang gusto natin kasi, Cesar, is to institutionalize the reform. And we can only institutionalize it if we create the National Communications Policy which is what was in your mind earlier. Thank you so much for bringing that up.

CHAVEZ: Okay. Congratulations sapagka’t noong ako po ay nag-aaral sa Asian Institute of Journalism, pinag-aaralan pa lang namin iyan. Ngayon, at least mayroon ng concrete document mismo.

SEC. ANDANAR: Oo, may document na. in fact—

CESAR:  Wala ba kayong plano na gawing executive order iyan para ma-institutionalize beyond the Duterte administration?

SEC. ANDANAR:  Yes. Ang inuna lang po natin ay itong memorandum circular muna ang inuna natin. Pero ang pangarap po talaga natin—ito po, iyan po iyong Memorandum Circular 001 for 2018 creating the National Communications Policy. So eventually—

CESAR:  Ah okay ah.

SEC. ANDANAR:  Pero it’s a work in progress, Cesar. So, maybe you put there—

CESAR:  Bigyan ninyo iyong aking professor, si Dr. (unclear) ng Asian Institute of Journalism and Communication sapagkat magugustuhan niya iyan.

[COMMERCIAL BREAK]

CESAR:  Balikan natin si Secretary Martin Andanar. Well may comment pala si Manong Jun Ledesma. Iyong nangyari kay Mocha ay isang hindi sinasadyang pagkakamali. So kumbaga ang kanyang opinyon ay puwede nang… huwag na lang maulit kumbaga at ituring na lang na isang simpleng pagkakamali sapagkat wala namang masamang intension.

SEC. ANDANAR:  At wala namang masamang intension, wala namang malisya sa comment na iyon.

CESAR:  Okay. Bakit may mga pro-Duterte na tuloy-tuloy ang banat sa mainstream media. In fact, may isa o dalawang mainstream media ang madalas binabananatan at parang consistent iyong pagbanat sa kanila.

Meron bang effort ang Duterte administration o ilang instrumentalities nito na parang i-silence iyong mainstream media na sa kanilang pagtingin ay gumagawa lang ng trabaho nila, but at the same time tinitingnan ng mga pro-Duterte na parang critical sa gobyerno?

SEC. ANDANAR:  Hindi ho polisiya ng gobyerno na i-silence; hindi po polisiya ng gobyerno na  magkaroon tayo ng pagkitil ng ating press freedom at ito pong nangyayari na phenomenon na iyong mga bloggers for example ay sumasagot at bumabanat sa media, sa pulitiko, this is an effect of the democratization of the internet through social media. Sapagkat marami po ang sumisikat sa social media, dahil nga sa kanilang ingay, sa kanilang angas, sa kanilang mga pananaw sa buhay at ito ay result of this new platform that gives everyone the chance to be heard.

Now, hindi naman PCOO ang nag-imbento ng internet, ng social media, hindi naman gobyerno, basta hindi po natin polisiya ito. But what is clear to me is the basic right ng bawat Pilipino, ng bawat mamamayan doon sa freedom of expression. That is very clear  to me,  na the same way na  may karapatan po ang media sa pamamagitan ng press freedom na  ayaw po natin galawin ito sa Constitution, because sagrado itong press freedom na ito. Ayaw nating lagyan ng word na sabi nila lagyan ng ‘responsible’ o dapat wala.

Kung anuman iyong nakalagay doon sa Constitution na press freedom, wag nating galawin iyon, kung anuman ang inilagay doon sa freedom of expression, wag nating gagalawin iyon, sagrado ito para sa isang vibrant na demokrasya dito sa Pilipinas.

CESAR:  Iyong kaso sa Rappler, itong tuloy-tuloy na pagbanat sa Inquirer, pati na to a certain extent sa ABS-CBN. Is this an organized effort on the part of the Duterte administration or some of its instrumentalities para tirahin iyong mga nagiging—well ang perception ay nagiging critical pero although ang pananaw nila ay nagbibigay rin, naglalahad ng kung ano sa tingin nila ay katotohanan.

SEC. ANDANAR: Sa akin kasi, Cesar, ang Pangulo natin ay nahalal dahil sa kanyang adbokasiya sa rule of law na kailangang palakasin ang ating batas at nobody is above the law. Ang naging pagkakamali lang po ng Rappler ay isang pagkakamali na nakita ng Securities and Exchange Commission na paglabag sa isang batas. Isang sagradong batas din na bawal po ang mga foreigner na magmay-ari ng isang media company.

Hindi po iyon press freedom as a matter of fact puwede kang pumunta sa Rappler ngayon at puwede kang pumunta sa website, sa kanilang social media, at tuloy tuloy pa rin ang kanilang pagre-report. Puwede kang pumunta sa Malcanang at nandoon din ang kanilang reporter nagre-report.

So sa palagay ko ang mahalaga ho dito ay wala hong tao na above the law. No one is above the law under the Duterte administration, sapagkat you know—

CESAR:  Nagkataong Rappler lang sila.

SEC. ANDANAR:  Nagkataon lang po na ganoong. At we are a country, we are a land ruled by rules and laws and we should all follow this.

CESAR: Sa iba pa at huling isyu natin, Secretary Martin, naalala ko si Ike Gutirrez. Sabi niya    lagi siya nakatabi kay President Estrada, sabi niya, sawang-sawa na ako paulit-ulit iyong speech ni President Estrada same theme, same messaging.

Dito ba sa panahon ni President Duterte nagsasawa na ho ba kayo sa paulit-ulit na speech ng ating Pangulo? Anumang okasyon, same theme ang binabanggit ng ating Pangulo at iyan ay anti-drug.

[AUDIO PRESENTATION]

CESAR:  Secretary Martin Andanar naging epektibo ba ang Pangulo sa pagko-communicate ng kanyang mensahe sa ating mga kababayan?

SEC. ANDANAR:  Yes, very Cesar. Ito ay makikita mo at puwede mong pagbasehan doon sa law of repetition, dahil sa paulit-ulit… kailangan paulit-ulit para talagang maitatak sa utak ng bawat Pilipino na ang ating Pangulo ay sinsero sa kanyang mga ipinangako during the campaign, ito iyong anti-drugs, ito iyong anti-corruption, ito iyong poverty alleviation at iyong peace and order.

CESAR:  At iyong mensaheng ito ay hindi siguro magiging… masu-sustain based on surveys ng SWS at Pulse Asia kung walang action. Anong sa tingin ninyo, isa o dalawang tatlong bagay na naglalagay ng aksyon doon sa mga mensahe ng ating Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Number one, iyong sa war against drugs. Nakita naman natin na more than 1.3 million iyong sumurender at bumagsak po iyong crime rate sa ating bansa ng more than 30%.

Number two, doon sa peace and order. Nakita naman natin na kahit na merong problema ngayon sa ating peace and order with CPP-NPA-NDF ay tuloy-tuloy pa naman iyong peace campaign natin with the Moro Islamic Liberation Front para makamit natin iyong BBL.

Number three, sa poverty alleviation. Pinirmahan ni Presidente iyong  tax reform law which basically took away the income tax payments of more than 80% of our countrymen at libreng edukasyon para sa state universities and colleges. Napakaraming pro-poor na mga pinirmahan katulad ng libreng irigasyon para sa mga magsasaka na merong 8 hectares pababa.

At of course nandiyan din iyong ginagawa ng ating Pangulo sa ika-apat na pangako ng ating Pangulo para sa ating mga kababayan which is really to give our countrymen more infrastructure sa pamamagitan po ng build, build.

CESAR: Secretary maraming salamat sa pagpaunlak ninyo sa aming paanyaya sa umagang ito.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat Cesar, mabuhay ka.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource