ATTY. BRUCE: Sir, na beast mode ba si President Duterte nung nalaman niya na ang hirap i-pronounce ng mga pangalan ng mga features sa Philippine Rise?
SEC. ROQUE: Well, ang Presidente naman malinaw, iyong mga isyu na hindi kontrobersyal, mabilisan tayo, ituloy natin iyan sa bansang Tsina. Iyong mga kontrobersyal, well pag-usapan on a bilateral basis. Pero ito kasing Benham Rise wala itong kontrobersiya, talagang meron tayong sovereign rights dito dahil ito ay ina-award ng UN Commission on the Extended Continental Shelf hanggang 350 nautical miles ang ating extended continental shelf diyan sa Benham Rise.
At dahil wala itong dispute, dahil wala namang umaangkin nito, talagang kinikilala ng lahat na sa Pilipinas ito. Unang-una, ito iyong dahilan na nung nasabihan siya na tapos na ang scientific research, lahat ng scientific research diyan sa Benham Rise, sabi niya, ‘sige, mga Pilipino na lang muna ang magsa-scientific research diyan.’
Pangalawa, nung lumabas na gusto ng mga Tsino na sila ang magpapangalan doon sa ilang mga underwater features, sabi niya ‘teka muna ano, sovereign rights nga iyan, atin nga iyang extended continental shelf, bakit pati pangalan gusto nila ano.’
So ang sabi ng Presidente, tayo nag-o-object, gagawa ng hakbang at sa ating sariling batas dito sa Pilipinas ay binago nga natin ng pangalan, ginawa nating Philippine Rise.
Pero ang sa akin lang, bagama’t ang Presidente natin ay itinataguyod nga iyong interes ng Pilipino diyan, mahinahon din tayo. Kasi ang tawag nga diyan Benham Rise – mga Amerikano rin nagbigay niyan – so kailan lang natin pinalitan ng Philippine Rise.
So ang mensahe ng Presidente, wala kaming pakialam doon sa mga Amerikano, wala kaming pakialam sa mga Tsino, basta kami mga Pilipino, kami ang magbibigay ng mga pangalan.
ATTY. BRUCE: Spox, in the near future magbabago ng mga pangalan ng mga Intsik na pangalan na iyan sa atin?
SEC. ROQUE: Well, talaga naman dapat Pilipinong mga pangalan iyan. Gaya ng binago na natin, hindi na natin ginagamit iyong Amerika na pangalan sa Benham Rise. Basta tayo Philippine Rise na tayo diyan.
MAEANNE: Sec, is a diplomatic protest among the options right now? Kasi iyan iyon parang isinusulong nung ilan sa mga mambabatas ngayon, na it’s about time mag-file na ng diplomatic protest or wala pa po ngayon sa option sir?
SEC. ROQUE: Well, lumabas lang naman itong balitang ito, lately. In fairness to China, meron kasing body ang UN kung saan sinusumite itong mga naming rights. And I understand, hindi tayo miyembro noon, kaya hindi tayo nabigyan ng notice. Pero ngayon, without naming who, meron tayong sinusulong para maging miyembro at meron din tayong paninindigan na iyon na nga, basta sa perspektibo ng Pilipino ay bibigyan natin ng pangalan iyan na nais nating ibigay dahil iyan naman ay walang kaduda-duda.
Pagdating doon sa pagpa-file ng diplomatic protest ay patungo na po ako sa isang pagpupulong na nandoon po si SFA, Secretary of Foreign Affairs at saka the Executive Secretary. Alam n’yo naman hindi naman tayo puwede manghimasok doon sa mga trabaho ng mga line agencies. Antayin na lang po natin ang pronouncement ni SFA. At dahil nasa Malacanang po si SFA, iimbitahin ko nga siya na maging panauhin ko doon sa aking regular press briefing at 11:15 today.
ATTY. JESS: Si Professor Jay Batongbakal nakausap po namin siya kanina on the line. Sabi po niya parang may neglect daw. Panahon pa ni PNoy, kasi one name napangalan nung panahon ni PNoy; tapos two names sa ngayon sa panahon ni Presidente Duterte. Para daw pong may neglect sa pag-monitor nitong—sabi n’yo po hindi miyembro ang Pilipinas sa IHO. Pero parang ine-inform daw po ng cause interested group ang government, so parang may neglect daw po.
SEC. ROQUE: Well, kami po dito sa administrasyon ni Presidente Duterte, malinaw po ngayon lang iyan at araw lang naman ang binilang tayo ay nagsabi na hindi tayo pumapayag. Ewan ko iyong mga nakaraan, hindi ko naman puwedeng sagutin iyong mga ginawa nung nakalipas na administrasyon. Pero ang ginagawa na po natin ngayon ay titingnan na rin natin para magkaroon tayo ng representative diyan sa body na iyan.
ATTY. JESS: Tapos sir ito huli lang, iyong Benham Rise na research or Philippine Rise nag-research po iyong China ng one week bago na-ban ni President Duterte nga lahat ng foreign research. Baka po daw—ako po ang pangamba ko, baka magpangalan sila naman ng bago based from that research. So, sana po mabantayan.
SEC. ROQUE: Well ang sa akin naman, hindi dapat pinalalaki rin iyang mga pangangalan. Tayo ay nag-o-object pero kung hindi naman natin kikilalanin iyan, atin naman iyan, di bahala sila sa mga buhay nila.
Pero ang sa akin naman ay hindi rin dapat masyadong maging alarmist pagdating dito, dahil kung titingnan mo naman talaga ay talaga namang maraming binigay na pangalan ang Tsina, siopao, mami, lahat naman iyan binigay ng Tsino na pangalan.
ATTY. JESS: Chinchansu, Lyna.
SEC. ROQUE: Hototay soup, pero hindi naman ibig sabihin sa kanila iyon. Pero basta tayo naniniwala si Presidente na dahil ito ay wala nang kontrobersiya, wag na natin isama pa sa kontrobersiya. Atin ito, hindi na natin ipapagamit sa iba, at iyon na ang ating gagawin.
ATTY. JESS: Thank you po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News Information Bureau)