…(recording starts.)
SEC. ANDANAR: Wala pa ho akong nakikitang report sa… mga intelligence reports na ipinapadala po sa opisina kung mayroong pang mga nasira pero pipilitin ko po na makarating kay General Esperon na mayroong mga reports na galing po sa GMA7.
CLAVIO: Opo, sa ibang isyu po mukhang nanumpa na iyong consultative committee on Charter change. Ano ho ba ang timeline ni Pangulong Duterte dito, Secretary?
SEC. ANDANAR: Ang timeline ho talaga na alam ko ay iyong base sa timeline ng Kongreso. Ang gusto nila by this year ay ito ay ihain na nga diyan sa Lower House o pag-usapan na para itong botohan o iyong plebisito ay mangyari sa either ngayong barangay election or sa 2019. Now ang sigurado pong bilin ng ating mahal na Pangulo ay kailangan mabalangkas ito ng husto ng consultative committee o constitutional committee para ho iyong magiging porma ng federalism ng… version ng constitutional committee ay maisumite sa Kongreso na talagang buong buo na wala ng kuwestiyon at doon na lang sa Congress pag-usapan.
CLAVIO: So tuloy po ang eleksiyon ng 2019?
SEC. ANDANAR: Yes po, maghahalalan po.
CLAVIO: Okay at sino ang mamumuno noong transition government sakaling tuloy-tuloy na itong maipasa ng Kongreso patungo sa pederalismo, Secretary?
SEC. ANDANAR: Iyan ang pag-uusapan sa Kongreso, sa Senado at dito sa Executive branch. Pero sa ngayon ay hindi pa napag-uusapan sino ang mamumuno sa transition committee. But what I know is that the President definitely, he said na kapag ito ay pumasa na by 2020 kung kayang ipasa ito ay he’s willing to step down.
CLAVIO: Sabi ni Senate President Pimentel ay panatilihin daw iyong kasalukuyang term limits ng mga halal na opisyal, sabi ni dating Senate President Nene Pimentel po iyan.
SEC. ANDANAR: Oo, well that is the version of Senator Nene Pimentel at tayo po ay nakakasiguro na may bersiyon din ang Kongreso ngayon at may bersiyon din iyong mga kasalukuyang Senador.
CLAVIO: Anong magiging papel ni Vice President Leni Robredo sa transition government sakaling tuluyan ng mabuwag po ang Office of the Vice President, Secretary Andanar?
SEC. ANDANAR: Ako sa palagay ko, Igan, certainly ay mayroon pong magiging role ang kasalukuyang Vice President sapagka’t hindi naman din puwede na hindi bigyan ng role dahil siya din ay halal ng taong bayan.
CLAVIO: Okay.Tila may mga umaalma na rin sa mga naging huling pahayag po ni Pangulong Duterte, Secretary, mga nagsasabi na parang magkaroon naman ng gender sensitivity like iyong sa utos na barilin sa ari ang mga babaeng rebelde at iyong comparison niya ng condom sa pagkain ng candy. Paano ito titingnan po ng Palasyo?
SEC. ANDANAR: Alam mo kasi Igan paulit-ulit ng sinasabi namin na we have to take the statement of the President seriously but not literally. But in the context of the President saying that iyong mga rebelde naman ay panay ang abuso sa mga kababaihan kapag mayroon itong pinupuntahan at nire-raid ay naintindihan ko kung bakit sinabi ni Presidente iyon, sa galit na rin niya sa mga rebelde.
CLAVIO: Ito huli na lang, seryoso ba ang Pangulo ng sabihin niyang magbibigay siya ng dalawampung libong pisong pabuya sa bawat rebeldeng NPA na mapapatay ng mga lumad?
SEC. ANDANAR: Oo. Kung ano po ang sinabi ni Presidente sa kaniyang speech about how to counter the Lumad doon sa in the insurgency problems, iyong mga how to counter the rebels na sumasali—iyong mga Lumad na sumasali sa—
CLAVIO: Anti-insurgency?
SEC. ANDANAR: Oo. Dito sa counter insurgency, lahat po ng sinasabi ng Presidente para na ho masugpo ang New People’s Army at CPP-NPA-NDF ay seryoso po ang Presidente dito.
CLAVIO: Okay, maraming salamat. Good morning, si Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
SEC. ANDANAR: Good morning po.
CLAVIO: Thank you.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)