Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location Palawan Provincial Capitol, Palawan

MODERATOR:  Let’s all welcome our Presidential Spokesperson Harry L. Roque, Jr. Maari po bang malaman kung ano po ang good news na inyo pong dala-dala para sa amin sa lalawigan ng Palawan?

SEC. ROQUE:  Well, magandang umaga Pilipinas. Magandang umaga sa Malacañang Press Corps, at sa Press Corps ng Palawan. Good morning from Puerto Princesa, from the Provincial Capitol of the Province of Palawan.

I am actually a native of Palawan. I have been a Counsel to the Palaweños in their claim for 40% gross of the Malampaya fund until I became a member of the Cabinet, and I was also private prosecutor for the family of Gerry Ortega ‘no. So this is my homecoming in Palawan, this is my first visit to my home province since I was appointed a member of the Cabinet in my current position as Presidential Spokesperson. It’s great to be home.

Now let me start with a restatement of the Philippine claim to the West Philippine Sea and the other disputed areas. I reiterate that the President considers the West Philippine Sea and all the islands that we are currently occupying and laying claim to as part of the Province of Palawan – with the exception of Scarborough which forms part of the Province of Zambales. The President has said that he will not surrender any inch, even a single inch of Philippine territory to any foreigner. I think the basis of the Philippine claim is very clear, it is by virtue of both discovery of (unclear) territory and effective occupation.

The President’s position is that the ruling of the UN Tribunal on the Law of the Sea has finally decided: one, that China cannot claim to any of the waters of the West Philippine Sea on the basis of historic title or on the basis of the nine-dash lines; two, that Scarborough and the area where China has built artificial islands are part and parcel of the Philippine Exclusive Economic Zone. The President is of the opinion that this is authoritative evidence of the customary norm of international law applicable and is certainly authority that China cannot make claims on the basis of historic waters.

Having said that, the realities until today, we have unresolved controversy as far as land territory is concerned. This is because the UN Tribunal for the Law of the Sea can only resolve issues involving the sea pursuant to the Law of the Sea. So the issue of land territory remains disputed, that is why we still have to refer to it as the ‘disputed islands of the West Philippine Sea’ because that was not the subject of any ruling on the part of the UN Tribunal for the Law of the Sea.

And because these conflicting claims to land territory will have to be resolved, obviously through negotiation and diplomatic relations. That is why the President has for the time being, pursued friendly relations with China in contrast to the antagonistic position taken by his predecessors.

The President, I reiterate, will not surrender Philippine territory; but the policy is on matters which are not controversial such as trade and investments, we will proceed full speed ahead. On matters which are controverted, including land territory and still disputed maritime territories under the definition in international law, that there is still pending disagreement on issues of facts and law – then the Philippines will proceed on the basis of bilateral relations with China.

We appeal to the critics, we have to be united on this issue. Please do not claim to have a monopoly of upholding the national interest. Philippine President Duterte has been consistent that he will die for Philippine territory, but meanwhile he will not sacrifice even a single life for an issue that can be resolved on the basis of friendly relations.

Of course, a restatement of the Philippine position on the West Philippine Sea is necessitated by the fact that the entire West Philippine Sea is appended and made a part of the Province of Palawan. So we will uphold not only the claims of the Province of Palawan, but the entire Philippine nation because bulk of what we claim as ours has been appended to the Province of Palawan.

Now on good news: Let me bring to you good news on water project in Puerto Princesa – We are pleased to announce that the Bureau of Corrections and the Puerto Princesa City Water District recently signed a Memorandum of Agreement for the construction the Montible and Lapu Lapu Rivers Water Project. The 30-thousand cubic meter water supply project will be sourced from the 2 rivers which are within the jurisdiction of the Iwahig Prison and Penal Farm. With its construction, the PPCWD targets to provide water to 2,000 homes on top of its 42,000 active subscribers in Puerto Princesa City. The project manifests the government’s commitment to uplift in all aspects the lives of every Filipino.

Again good news: The Department of Transportation-Philippine Ports Authority has reported an increase in the cruise tourism arrivals, reaching to a total of 9,516 passengers as of January 2018. The figure is 1,952.82% higher than the 446 passengers recorded in January 2017. According to the PPA Northern Luzon registered more than half of the volume or 4,520 passengers in view of the regained interest of the Star Cruises at the Port of Currimao as one of its cruise routes. Meanwhile Coron, Boracay and South Harbor are among the areas that registered positive cruise tourism arrivals. The Manila South Harbor on the other hand, registered the biggest number of cruise ships docked at the ports. We will continue to boost the country’s cruise tourism with our ongoing infrastructure projects and various port programs that aim to enhance international hubs and cruise terminals.

As it has been our practice, I will open the floor for discussion giving priority first to members of the local Palawan media. And then our moderator will read text questions from the Malacañang Press Corps.

DAMIAN LACASA, JR./RADYO PILIPINAS-PALAWAN:  Secretary, magandang tanghali po.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po.

DAMIAN LACASA, JR./RADYO PILIPINAS-PALAWAN:  From Radyo Pilipinas-Palawan, a government station. Sir, I will not dig my question into national question, but rather a local question na pupuwede hong mapakinabangan ng atin pong mga kababayan.

Last night you spoke with the dentists… with the annual convention of the dentists. At I remember good Secretary that you had a bill during your stint in Lower Congress that the dental services of the IPs should be free. Can we have details on that?

SEC. ROQUE:  Well, I passed in the Lower House before I transferred to Malacañang the very first bill that I filed on the first day/first hour of Congress, which was really my main platform when I got the people’s mandate for Congress, and this is Universal Healthcare. Under Universal Healthcare, we aim to provide free primary healthcare services to all Filipinos on the basis of solely that they are Filipinos and will not be dependent—hindi po ‘yan nakatali doon sa mga nagbabayad lamang ng premiums at mga miyembro ng PhilHealth.

Doon sa ating panukalang batas na dinidinig na po ngayon ng Senado sa pamumuno ni Senator JV Ejercito, ay lahat po ng Pilipino ay magkakaroon ng libreng pagamot at libreng gamot; at kasama na po diyan ang dental healthcare. Magkakaroon po tayo ng Philippine Health Technical Assessment Committee na siyang magdedesisyon kung ano iyong mga libreng serbisyo na maibibigay sa taumbayan.

Pero sa ngayon po ang pagkakaiba niyan sa PhilHealth, ang PhilHealth po kasi nagbibigay lang ng benepisyo kapag malala na ang sakit. Ang magiging emphasis po talaga ng ating Universal Healthcare ay preventive, health promotion, diagnostics… dahil huwag na po nating palalain ang gamot [sakit] dahil magiging mas mahal nang magbigay ng gamot doon. Iwasan na natin iyong matinding mga pagkakasakit, at kasama po diyan ang basic dental health.

DAMIAN LACASA, JR./RADYO PILIPINAS-PALAWAN:  Secretary, follow up. Iyong nangyayari po sa Boracay, it could be a big problem also in El Nido, Palawan. Dahil napatunayan po ng DENR, ng PCSG at ang local government ng El Nido na may mga paglabag po sa batas pangkapaligiran sa El Nido. At the mere fact na gusto nga ng ating Pangulo, may panukala po ang Pangulo na sarahan muna pansamantala ng 6-month period ano po iyong Boracay. So, how the Malacañang Palace would intend to solve the problem? Ano po iyong naging paninindigan dito ng ating Pangulo?

SEC. ROQUE:  Naging malinaw na malinaw po ang Presidente, bagama’t ang kaniyang mga binitawang salita ay para po sa Boracay, ‘yan po ay applicable po sa lahat ng mga tourist destinations sa buong Pilipinas.

Unang-una, ang sabi po ng Presidente, hindi dudumi nang ganiyan ang Boracay kung hindi naging pabaya ang mga pamahalaang lokal. At ang utos niya sa anim na buwan, ay kinakailangan sampahan ng kasong administratibo o ‘di kaya kriminal ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na naging pabaya sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa ating kalikasan.

So iyong order po niya na kinakailangan panagutin ang mga local government units dahil hindi nila napangalagaan ang kalikasan is equally applicable to all other island destinations including El Nido. So huwag na ninyo pong ‘antayin na banggitin pa kayo ng Presidente, dahil ang mandato na po ni Presidente sa Boracay is equally applicable to all island destinations including El Nido. Ipatupad ninyo na po ang mga umiiral na mga batas including the setback. Bakbakin ninyo na po ang lahat ng mga istraktura na lumalabag sa setback, dahil baka makasuhan pa ang lokal na pamahalaan ‘pag hindi nila binakbak sa lalong madaling panahon.

MODERATOR:  Maraming salamat po, Mr. Secretary. The next question from Leila of Inquirer: “Good AM. What did the President mean when he said the ICC will never have jurisdiction over him? Will he ignore all ICC proceedings or withdraw from it?”

SEC. ROQUE:  Well Leila ang jurisdiction, ang definition niyan is the power to hear and decide cases. May dalawang hurisdiksiyon diyan ‘no, iyong tinatawag na ‘temporal jurisdiction’ at mayroon ding tinatawag na ‘jurisdiction over the person’ at saka ‘jurisdiction over the subject matters of the case’; mayroon ding tinatawag diyang ‘admissibility issue’. Ang sabi ng Presidente, hindi pupuwedeng magdesisyon ang ICC tungkol sa kaniya dahil unang-una, mayroong tinatawag na prinsipyong complimentarity, na ang ICC ay gagalaw lamang kung ang lokal na mga hukuman are unable or unwilling to act on a certain case.

Hindi po mangyayari ‘yan sa Pilipinas dahil alam natin na iyong inability ay mayroon lang ‘yan kung hindi gumagana at all ang mga hukuman. Eh bukas naman po ang mga hukuman ng Pilipinas, so wala pong inability at wala rin pong unwillingness. Kasi wala po tayong immunity for life sa mga presidente. Ang immunity ay para lamang sa presidente habang siya’y nakaupo bilang presidente, at napatunayan na natin sa dalawang presidente natin na matapos ang kanilang termino eh napapakulong sila. So ‘yan po ang ibig sabihin ng Presidente, because of complimentarily the court will never have jurisdiction over his person.

MODERATOR:  Follow up po ni Ms. Leila: “The Palace said last month the President welcome the preliminary examination and would be willing to argue his case personally before the ICC. What changed his mind?”

SEC. ROQUE:  Wala pong pagbabago, ganoon pa rin po ang paninindigan ng Presidente – na dahil Philippine courts are able and willing, wala pong hurisdiksiyon ang International Criminal Court. At pangalawa po, pagdating sa merito, hindi po pupuwedeng maging crime against humanity ang war against drugs, dahil ang war against drugs po hindi lamang nananarget (target) ng mga civilian, kung hindi ito po ay opisyal na pag-exercise ng police powers of the state and it has a legitimate purpose – to curb the proliferation of illegal drugs.

MODERATOR:  Last follow up ni Miss Leila: “When does the President intend to declare state of calamity in Boracay. How long will it last and what will be its term? Salamat po.”

SEC. ROQUE:  The law naman provides what are the legal consequences of illegal calamity. You can spend the calamity fund immediately and you may – in some instances – proceed with projects outside of the government procurement acts, ito po ay para mapabilis ang rehabilitasyon ng Boracay. Pero ang sabi po ng Presidente ay pinag-aaralan niyang magdeklara, kasi wala naman pong time frame na sinabi ni Presidente. Pero ulitin ko lang po, ang sinabi niya doon sa immediate  past cabinet meeting, last cabinet meeting last Monday, six months to submit ang DENR kung ano ang gagawin and also, during the six months period, to import all loss, including holding LGU officials liable for misfeasance and malfeasance. Iyong hindi pagpapatupad ng kanilang mga katungkulan, lalong-lalo na doon sa pagpapatupad ng mga environmental laws natin.

CELESTE FORMOSO/PNA:  Good morning po, sir. Itatanong lang po namin kung ano iyong status nung sinabi po ni PRRD before sa share ng Malampaya funds sa Palawan?

SEC. ROQUE:  Well, iyan po ay nakabinbin sa Korte Suprema, unang-una po ano. Unfortunately natulog po iyan, kung maalala ninyo abogado pa ako ng civil society, iyong oral arguments po napakatagal nang naganap sa Korte Suprema 2008 pa po, same year as the Maguindanao Massacre. So nabaon po sa limot iyan, ang huling ponente po diyan si Chief Justice. Pero ngayon pong siya ay on forced indefinite leave ay meron na pong ihahaing mosyon na mare-raffle na iyong para maaksiyunan naman ng isang Justice na talagang gagawa ng desisyon.  And we are hoping na dahil iyan po ay me ganiyang mosyon ay mare-raffle po iyan at mare-raffle naman po iyan sa Justice na gagawa talaga ng desisyon.

CELESTE/PNA: Ang ibig sabihin po ba noon, sir ay hindi po gagawin ni President Duterte iyon, kasi po two times siyang nagpunta dito at very clear po iyong pangako niya na ibibigay..?

SEC. ROQUE:  Okay, dahil nagtanong ka, itatanong ko mamaya sa kaniya mamayang hapon. Magkikita po kami sa Clark, kung saan pupulungin niya ang  Mayor at Governor na taga-Luzon, sasabihin ko tinanong  mo, ano na ang nangyari sa pangako mo na ibibigay ang Malampaya funds  sa probinsya ng Palawan. Dalawang beses pala niyang sinabi iyan, itatanong ko sa kaniya, mamayang hapon. Pangako ko po sa inyo iyan! Anyway, may media coverage po iyon, pag sumagot siya, ia-anunsiyo ko kaagad.

CELESTE/PNA:  Thank you, sir. Sir iyong provincial government  noong nakaraan po, nagsabi na sana kung may exploration daw  po ng gobyerno ng energy sources natin ay ipaalam din sa Palawan, especially  isa doon sa dalawa na may joint exploration proposal ay nasa  Busuanga po.

SEC. ROQUE:  Natural po! Alam n’yo po lahat iyang mga exploration na iyan, hindi iyan pupuwedeng maganap ng walang permiso ng local na pamahalaan. Nasa local government code iyan at nasa environmental code po iyan na any activity that would have a tendency to increase or to create environmental damage, kinakailangan may Barangay permit, kinakailangan may municipal permit at kung naalala ninyo iyong ako pa ang abogado ng Boracay Foundation at napatigil namin iyong reklamasyon ng Caticlan, ang basehan na ginamit ng Korte Suprema, kasi walang municipal permit iyong reclamation. At in-invoke ng mga justices iyong environmental law natin, na kapag may activity na mag—will increase the probability of environmental damage dapat may local na permits. So lahat po iyang mga exploration na iyan, meron po iyang barangay and municipal permit.

CELESTE/PNA:  DOE po ang magbibigay?

SEC. ROQUE:  Hindi lang po DOE, pati local na pamahalaan. In fact, iyong lahat po ng mga imprastraktura ng Malampaya nagbabayad po iyan ng Real Estate Tax, dito sa atin sa Palawan.  Real Estate Tax, hindi lang iyong share from the proceeds, dahil hindi ibinibigay ng national government.

MODERATOR:   From Mr. Alvin of Malacañang Press Corps.: “Nai-open ba ni Spokesperson kay Pangulo ang idea na ipamigay na lang sa mga mahihirap iyong mga seized smuggled rice? Ano ang stake doon ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Hindi ko na po in-open, kasi sinabi sa akin na labag daw iyan sa isang batas na umiiral. So ang pupuwedeng gawin nga po daw diyan sa bigas na smuggled ay ibenta bilang subsidized rice ng NFA. At iyan naman po ay kinokonsidera na ng National Food Authority Council.

RUTH RODRIGUEZ/GMA NEWS: Good morning, Secretary. Sir, gusto ko lang makuha ang reaksiyon ninyo  about the statement of Senator Sotto yesterday na  2016 irregularities, may mga earlier returns daw po kasi  ng 2016 na medyo questionable. So may question is kung may irregularities doon, would that include our President Duterte?

SEC. ROQUE:  Walang duda po na ang kampo ng Presidente mas maraming boto ang nakuha ni Presidente kaysa sa 16 million.  So posible po iyan pero hinahayaan na ng Presidente na mag-imbestiga muna ang Comelec at tingnan natin kung meron ngang mga election violations na naganap. Kasi hindi naman po ito protesta, so titingnan na lang natin kung merong mga election offenses na nangyari. Ang preliminary investigation po ng mga election offenses ay nasa law department ng Comelec. So susubaybayan po natin iyan, dahil ang Presidente naman ay tagapagpatupad ng ating mga batas at napakaimportante po na ang ating election laws, dahil ang ninanakaw ay ang mandato ng taumbayan.

RUTH/GMA NEWS:  Paano po kung mapapatunayan na there are irregularities indeed?

SEC. ROQUE:  Well,  siguro po, we will move forward, papanagutin ang mga gumawa ng election offenses, pero hindi na po mabubura iyong mga mandato na naibigay, dahil wala po tayong election contest other than Vice President and the last seat in the senate. Dahil merong election protest sa posisyon ng Vice President and for the 12th seat congress involving Secretary Francis Tolentino.

MODERATOR:  From Malacañang Press Corps, Chona Yu: “ Ano na ang balak ni Presidente , i-approve ba o i-reject iyong hirit ng SSS na dagdagan ang contribution at kung may kapalit na kina Valdez at Laviña?

SEC. ROQUE:  Wala pa pong desisyon. Needless to say, hindi pa po ina-approved ng Presidente ang pagtaas ng SSS premium. So I guess it safe that because it hasn’t been approved, may desisyon not to impose additional premium. Wala pa pong kapalit, pero I’m sure in due course, the President will announce replacements for the two board members.

MARICON ORDINARIO/OFFICE OF THE GOVERNOR:  Sir, matagal na pong clamor dito sa Palawan iyong reclassification of land, kasi most of our—In fact, may mga munisipyo kami na halos lahat timberland pa. At nagsa-suffer iyong ating mga property occupant sapagkat, naisalin na iyan sa salin-lahi, pero until now ay ano pa rin sila… and then, maraming investors din na pumapasok sa Palawan at may naririnig tayong mga bilihan din ng rights over timberland. Kailan po ba matutugunan ng Pangulo, ng national  and local government itong matagal  ng hindi nagawa ng  dating mga local and national government officials  to give to the people what is rightfully theirs, especially their landholdings.

SEC. ROQUE:  I believed there is a pending in Congress and I believed this has passed the house, but much depending in the senate and this is the land use plan, national land use plan, which would reclassify many of our inalienable lands as alienable and disposable. So that’s now in the works as far as Congress is concerned.

MARICAR:  Meron pong mga iba’t-ibang departamento ng gabinete na may kinalaman sa lupa. Kailan ho ba magkakaroon o meron po bang planong magkaroon ng separate department to answer land issues in the Philippines?

SEC. ROQUE:  Hindi na po kailangan dahil nasa DENR na iyan at nagkaroon na po sila ng survey na naging basehan nga doon sa nakabinbin na panukalang batas on a Land Use Code of the Philippines.

MARICAR:  Last question sir, on federalism. May naririnig  tayo na model na gusto nila iyong mga regions natin will be converted into federal states, pero may  narinig  din tayo na meron ding clamor na lahat ng mga probinsya  ay iyon ang gawing  federal state, so if there are 89 provinces, so 89 states. Ano po ba ang tingin ng Pangulo tungkol dito? Salamat po.

SEC. ROQUE: Iyong proposal na po iyan ay nanggaling na din sa League of Governors. Ang gusto ng League of Governors, wag nang magbuo ng separate state, i-recognize na ang mga probinsya as states at ang gawin ay unang-una bigyan ng kapangyarihan na magpataw n buwis na walang permiso ng Kongreso. Ibigay ang 70% ng lahat ng national taxes sa local na pamahalaan at 30% sa national government.  At ganoon din iyong 70% ng mga kita galing sa tanging yaman, ibigay sa local na pamahalaan.

Pero iyan po ay isang proposal lamang na nanggagaling sa League of Governors. Ang mukhang napapaboran sa Kongreso, bago magkaroon ng Constitutional  Commission ay iyong limang estado Luzon, Visayas, Mindanao, ARMM at saka Metro Manila.  Pero antayin po natin kung ano ang magiging rekomendasyon ng Consultative Committee, dahil ngayon po ang napag-agree-han pa lang nila ay Presidential form of government pero federal state at napag-agree-han po nila para may consensus na bicameral pa rin ang Kongreso.  Darating at darating   din po sila doon sa kung ano iyong magiging estado.

So antayin po natin ang maging proposal ng Consultative Commission!

MODERATOR:  From Miss Pia Ranada: “Last night President Duterte said he has no problem with AMLC looking into its bank records. Will he then order AMLC to cooperate in Ombudsman probe into his wealth?”

SEC. ROQUE:  Well, matagal na pong sinasabi ni Presidente iyon, wala siyang problema, wala siyang tinatago, at tingin ko, kung gusto ng AMLC puwede naman talagang buksan iyan. At problema walang katuturan, kaya nga iyong Ombudsman eh binasura na nga iyong reklamo sa ‘di umano, tanging-yaman ‘no. So sa akin po malinaw na paulit-ulit na sinasabi ni Presidente, wala siyang tinatago. Ang ayaw lang niya buksan ni Trillanes, ni Senator Trillanes. Pero sa buong bayan eh matagal na po niyang binigyan ng permiso ang buong bayan na tingnan ang kaniyang mga bank statements.

MARJORIE/UNTV:  Thank you, Ma’am. Good morning, Secretary.  Itanong ko lang po iyong – may dalawa po akong tanong una po iyong follow question ko. Iyong tungkol sa Boracay. Ano po iyong particular na assistance ninyo doon po sa mga negosyante, especially po doon sa mga empleyado po ng Boracay po.

SEC. ROQUE:  Aantayin po ng Presidente ang rekomendasyon ni Secretary Cimatu. Pero itong nakalipas pong pagpupulong ng gabinete, ang mandato niya, para doon sa pananagutan ng local na mga opisyales, ang mangunguna, DILG, para doon sa kalikasan ang mangunguna ay DENR.

At sabi nga niya, patuloy ang legal and factual fact-finding na ginagawa ng mga departamento.

MARJORIE/UNTV:  Ano po iyong particular –hinggil po doon sa isyu po ng ICC. Last night po, sinabi po ng Pangulong Duterte na ICC will not acquire jurisdiction over him. Ibig sabihin po ba nito hindi po makiki-cooperate iyong bansa sa ICC in relations po ng relation po ng anti-drug war.

SEC. ROQUE:  Sinabi ko na po iyan, sinagot ko na po iyan kanina. Dahil doon sa prinsipyo ng complimentarity, hindi ko pupuwedeng umupo  at husgahan  ng ICC ang ating Presidente, dahil ang ating mga local na hukuman  po  ay bukas  at gumagana.

MARJORIE/UNTV:  Sir, regarding naman po iyong sa pagpapa-title po dito po sa Palawan ng mga lupa. Ano na po iyong update po nito?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na rin po iyan. Mayroon po tayong pending legislation on national land use plan. So antayin po natin iyon.

Marami po doong probisyon that would re-classify land of the public domain as alienable and disposable. So iyon po iyong batas na inaantay natin. It’s a comprehensive land use code.

MARJORIE/UNTV: Mayroon po pa lang target po na possible na mawala na po iyong ano po nito…

SEC. ROQUE: Iyan po ay certified by the President as urgent, and both Houses of Congress agreed that this is one of the priority legislative bills that they will enact into law.

MODERATOR: Mga kasama, one question, one follow up. From Bella of Malacañang Press Corps: Anong take ng Palace on the Senate move to probe electoral fraud during the 2016 poll? Bongbong Marcos has been saying this all along pero hindi pinapansin; ngayon may senators na nagpapatotoo. Will that be more credible that somebody benefitted from fraud?

SEC. ROQUE: Ang problema po diyan ay sa ating batas, ang preliminary investigation nga na election offenses dahil dalawa lang naman ang election protests ay nandoon po sa kamay ng Comelec na isang independent constitutional body.

So sana po maimbestigahan ito ng Comelec. At ang Senado naman puwede ring imbestigahan iyan ‘no. So hayaan po natin silang mag-imbestiga. At titingnan din po natin kung ang Presidente ay uutusan din ang sariling investigative branches ng gobyerno.

Pero sa ngayon po talaga, exclusive po ang jurisdiction ng law department na mag-conduct ng preliminary investigation sa mga election offenses.

REY BETITA/DZRH: Itanong ko lang, kasi sabi ni Pangulo ang pag-aaral ay libre na – high school at saka elementary. Ngayong magko-closing, may text iyong teacher sa amin iyong aking babayarin. Puwede ko bang sasabihin sa’yo lahat ng babayaran para … ito, parang sumbong na rin para malaman ni Presidente.

SEC. ROQUE: Sa ano po ito, sa secondary school?

REY/DZRH: Opo, public high school po. Project, PTA Project, 150; PTA, 100; home room PTA, 135; school newspaper, 90; Boy Scout, 60; SSG, 60; Red Cross, 60; Anti-TV, 5; foundation, 10; motorcade, 20; intrams, 20; athletic, 75; values club, 20; maintenance, 5 monthly. At hindi pipirmahan ng principal ang mga clearance ng bata kung hindi po ito mababayaran.

SEC. ROQUE: Magkano po ang total?

REY/DZRH: Eight hundred fifty-five po. Ngayon, ang sabi kasi ng principal, upon enrollment, walang bayad. Pero after the enrollment, marami nang babayaran at ito po yung nakalista.

SEC. ROQUE: Ipagbibigay-alam ko po iyan kay Secretary Leonor Briones dahil kagaya ng sinabi ninyo, hindi po tanong iyan, sumbong. Isusumbong ko rin kay Secretary Briones, at ipararating ko sa inyo po ang kasagutan ni Secretary Briones.

REY/DZRH: Salamat, Secretary. Isang tanong pa, mayroon pong senador na nagpanukalang i-postpone iyong barangay election. Ano po ang comment ni Presidente?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, talagang Kongreso ang magdedesisyon kung ipaliliban na naman ang ating barangay elections. Bagama’t noong nasa Davao po siya noong isang linggo, sinabi niya na mas gusto niyang ituloy na. Pero ang magdedesisyon po ay Kongreso.

MODERATOR: Mga kapatid, one question, one follow up.

SEC. ROQUE: I’d like to acknowledge the presence of Mrs. Patty Ortega.

MODERATOR: From Jhoanna: Hello! Pahabol po. Sabi po ni Spokesperson kanina sa isang radio interview that there are whistleblowers who have surfaced to shed light on the anomalous transactions and contract in MRT 3. Who are these whistleblowers? Are they employees? Are they under protective custody? From Jhoanna of Malacañang Press Corps.

SEC. ROQUE: Well, lumapit lang po sa akin iyan. Ire-refer po sila sa NBI. So iyon po ang status niyan. Obviously, because this is a matter that will be investigated in connection with the law enforcement, we cannot divulge any further details.

RAYMOND/RMN PALAWAN: Magandang tanghali po. Secretary, may mga panawagan iyong mga dating nasa constitutional profession na gusto nila buwagin na po iyong political dynasty sa Pilipinas. Ito po ba ay hindi magkakaroon ng conflict sa oras na maisakatuparan iyong isinusulong na federalism?

SEC. ROQUE: Nasa Saligang Batas na po natin iyan that political dynasty shall be dealt with by law, but Congress has not acted on it. In case there is a provision to prohibit dynasties, and the people will judge for themselves if dynasties should be prohibited.

But as far as the President is concerned, the voice of the people is the voice of God. Kung hinalal ng taumbayan ang mga miyembro ng iisang pamilya, karapatan din nila iyon.

MODERATOR: From Prince of Malacañang Press Corps: Paki-clarify lang po kay Spokesperson Roque re: Boracay. Hihintayin pa po ba ng President ang advice from Secretary Roy Cimatu or solve na siya sa pagpapasara ng Boracay temporarily to make way  for rehabilitation. Thank you po.

SEC. ROQUE: Well, as borne by the transcripts of the Cabinet meeting, ang sabi po niya, magre-recommend si Secretary Cimatu and in the 6-months period to make sure that all environmental laws are strictly implemented, and that iyong mga LGU officials na nagpabaya ay mapanagot during this same period.

ABS-CBN PALAWAN: Good afternoon po. Itanong ko lang po, since sinusulong po ngayon iyong sa federalism, marami pong mga apprehension katulad ng, halimbawa, tatanggalin daw po iyong economic protectionist policy. So banta raw po ito sa bayan lalo pa magkakaroon din daw ng term of extension. At iyon nga, magbibigay ito ng dagdag kapangyarihan kay Pangulong Duterte in the interim. So ano po iyong masasabi po natin sa mga apprehensions po na ito?

SEC. ROQUE: Unahin ko muna iyong kay Presidente Duterte, dahil malinaw iyong kasagutan niya diyan: Hinding hindi siya mananatili sa posisyon beyond 2022.

At kung maamyendahan nga ang Saligang Batas at magkakaroon ng federalismo, bababa pa siya sa posisyon niya sa 2020 kung matapos ang constitutional change.

Kaya nga po ako nagdadasal, huwag sanang mangyari dahil gusto kong makita siya hanggang 2022. But in any case, so iyan po, malinaw po ang posisyon ng Presidente: Hinding-hindi siya magtatagal, not a second longer than his mandated term in 2022. Alisin na po natin sa ating mga isipan iyang ganiyang posibilidad.

Pangalawa, iyong economic provisions. Kung magkakaroon po ng proposals na mag-revise ng Constitution—dalawa po kasi ang puwedeng gawin sa Constitution: Revision, maramihang pagbabago or amendment, isa lamang.

Eh dahil ang pinag-uusapan natin revision, lahat po ng provision ngayon ng Saligang Batas ay pupuwedeng repasuhin sa proseso ng revision. So kung isa po iyan sa irerekumenda ng Consultative Commission at kung isa iyan sa pagkakasunduan ng Constituent Assembly, Kongreso sitting as a Constituent Assembly, taumbayan naman po ang magbibigay ng kanilang basbas.

So kung hindi sila payag, buboto sila ng ‘no’; kung payag sila, buboto sila ng ‘yes.’ So ang desisyon po ay nasa taumbayan.

MODERATOR: From Dexter of Malacañang Press Corps: Padagdag. Ayon sa Makabayan bloc, sinasamantala ng Malacañang at ng mga kaalyado sa Kongreso ang hinanakit ng ibang mahistrado ng Supreme Court para siya mapaalis. Any comment?

SEC. ROQUE: Bakit pa ho kami magsasamantala, I think the Justices are doing an excellent job as it is. Hindi na po puwedeng kailangan manghimasok. Ang problema ni Chief Justice, sarili niyang mga kasama.

GMA7: Secretary, sinabi po ng China na if mangutang po iyong Philippines sa China puwedeng gamitin po iyong natural resources as collateral po. Ano po iyong reaction ninyo?

SEC. ROQUE: Again please, we are engaged in a profession. Hindi po China ang nagsabi niyan, diumano ay isang diyaryo sa China. Iyan po ay isiniwalat sa isang akademiko. Kung ako po, dati naman akong akademiko at 15 years akong full time sa UP, tatlong taon lang po ay naging full time na ako. Ibig sabihin, pakitanong po kung ilan iyong ilang mga professor diyan bago nagkaroon ng full time appointment.

Eh hindi ko po gagamitin ang isang Chinese newspaper bilang primary source to establish a fact. Hahanapin ko po ang primary document, nasaan iyong kasunduan na iyan.

Kung may ganiyang kasunduan, kukomento po ako. Eh dahil wala namang ganiyang kasunduan, tsismis po iyan. Hindi po pumapatol ang Presidential Spokesperson sa tsismis. Hindi ko po alam kung fake news iyan, tsismis, because I cannot comment on an alleged newspaper report dahil ako mismo ay hindi ko pa nakikita iyong newspaper report na iyan. Malay mo, naka-Chinese iyan at paano niya nalaman iyan.

MODERATOR: Salamat, sir. From (unclear) of Malacañang Press Corps: How long will the OP rule on the national ID system this year considering that this is already 2 billion pesos under the 2018 budget? Thanks.

SEC. ROQUE: Well, I think it will be implemented kung nandiyan na iyong budget. Sa susunod na Cabinet meeting po baka magkaroon na ng desisyon dahil napakatagal po iyong pag-uusap tungkol diyan sa national ID system noong nakalipas na Lunes.

MODERATOR: Last question, from Philippine News Agency, Celeste Anne Formoso.

SEC. ROQUE:  Celeste Anne Formoso, can you give me a card because I will tell the President this was the question of Celeste Anne Formoso which you have to give an answer. Although, I will declare I have a conflict of interest because I am counsel for the people of Palawan.

CELESTE ANNA FORMOSO/PHILIPPINE NEWS AGENCY: Ay, oo. Or you can ask him sir how—

SEC. ROQUE: I will. After declaring my conflict of interest.

CELESTE ANNA FORMOSO/PHILIPPINE NEWS AGENCY: Sir, but my question is about the case of Dr. Gerry Ortega.

SEC. ROQUE: Again, I declare a conflict of interest but… what’s the question?

CELESTE ANNA FORMOSO/PHILIPPINE NEWS AGENCY: Sir, kumusta po iyong … kasi po narinig namin kayo noong nakaraan na sinabi ninyo na dapat may managot doon kung bakit …ano na po ba iyong update doon?

SEC. ROQUE: Naghain na po ang ating Office of the Solicitor General ng motion for reconsideration doon sa desisyon ng Court of Appeals kung saan binasura ang kaso laban kay dating Governor Joel Reyes. At alam ninyo naman, matapos magkaroon ng ganiyang desisyon ay nagretiro na po iyong ponente.

Umaasa po kami na may pag-asa iyong motion for reconsideration dahil wala na po iyong sumulat ng desisyon at mukhang nag-inhibit na rin iyong isang babaeng justice na nag-concur doon sa desisyon na ibasura. So parang iisa na lang po ang lumang justice na magdedesisyon doon sa motion for reconsideration. At patuloy pong nagdadasal ang pamilya ni Gerry Ortega, narito po si Dra. Patty, at ang buong sambayanang Pilipinas para magkaroon ng katarungan.

Ang aking mensahe lang po, despite may conflict of interest, the President wants to see justice done to Gerry Ortega, his family and this nation.

MODERATOR: Maraming salamat po, Kalihim Roque. Any parting message para po sa mga nakikinig, nanonood sa mga oras na ito.

SEC. ROQUE: Well, I’m very happy to be back in my native Palawan. Dito po talaga nagmumula ang napakadaming pang nasyonal na interes, whether be it iyong ating teritoryo sa West Philippine Sea, whether be it quest for justice for Gerry Ortega.

Ang ating mensahe lang po, nariyan po ang ating Presidente, tinataguyod ang ating pang nasyonal na interes.

Maraming salamat po at mabuhay po ang Palawan.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource