MILKY: Nasa linya po natin ang Presidential Communications Operations Office, PCOO Secretary Martin Andanar. Secretary Martin, magandang hapon.
SEC. ANDANAR: Magandang hapon, Milky. Magandang hapon sa lahat.
MILKY: Magandang hapon po sa inyo, Sec. Martin. Unang-una, hindi ba nagtaka ang Pangulo dito sa naging desisyon ng Department of Justice sa kaso nina Kerwin Espinosa et al?
SEC. ANDANAR: Hindi pa kami nagkakausap ni Pangulong Duterte, mamayang gabi pa kami magkikita Milky, mamayang alas otso. At mamaya ay tatanungin ko siya kung ano iyong kaniyang reaksiyon doon. Pero knowing the President at ang kaniyang tiwala kay Secretary Vit Aguirre, I’m sure walang magiging problema sa naging desisyon ni Sec. Vit.
MILKY: Depende sa magiging paliwanag ni Secretary Aguirre. Pero at the same time Secretary Andanar, mayroong mga nagsasabi rin na itong naging desisyon ng Department of Justice, baka daw makapagpahina sa anti-drug campaign ng Duterte administration, sa war on drugs. Kasi ito iyong mga puwedeng sampolan iyong mga ‘big fish’ kung tawagin, sa involved po sa operasyon ng iligal na droga.
SEC. ANDANAR: Sa palagay ko naman Milky, itong gobyernong ito ay naniniwala ito sa takbo ng ating hustisya at takbo ng ating mga korte, husgado. So kung ano iyong magiging pasya ng mga huwes, kung ano ang mga magiging pasya ng mga prosecutor, kung ano iyong maging pasya ng Justice Secretary, iyon po ay sigurado ako mga naaayon sa batas lamang.
Pagdating naman sa war on drugs, alam naman natin na si General Bato Dela Rosa ay dedicated sa kaniyang mandate mula sa Presidente na kailangan maipatupad itong war on drugs. Kaya sinumang mga kasamahan natin sa PDEA, mga kasamahan din natin dito sa DILG, pagdating naman sa aspeto ng rehabilitasyon ng mga drug users, sila naman ay 100 percent committed din. So I don’t see any reason na maapektuhan ang war against hard drugs ng bansang Pilipinas.
MILKY:Ng Duterte administration. Pero ang sabi nga ho Secretary Martin noong ilan, iyong mga naabsuwelto ng DOJ kasama doon sa mga nabanggit na nasa narco-list ni Pangulong Duterte. kung tingin ho ng DOJ na wala pong, kumbaga’y ebidensiya laban sa kanila, ay kumbaga dapat din pong respasuhin itong narco-list ng Duterte administration.
SEC. ANDANAR: Sa palagay ko, kailangan tayong maging ano—na Philippine National Police, they really have to build the very, very hard case if that is the problem. Pero like what I said earlier, lahat naman ay ginagawa ng Philippine National Police, ginagawa ng PDEA, the Department of Justice is also just doing their work, at tingnan natin kung anong magiging reaksiyon ni Presidente, I will ask him later.
MILKY: Ngayon Secretary Andanar, sa ibang issue naman ano. Dahil nagbitiw na itong si Aiza Seguerra sa National Youth Commission. Mayroon na bang bagong ipapalit ang Pangulo sa kaniya?
SEC. ANDANAR: Iyon… nang mag-text ako kay Executive Secretary, pero hindi pa ako nakakatanggap ng sagot. First of all, I would like to know kung tinanggap na ba ito – kasi resigning is one thing and accepting is another. At alam ko naman na si Aiza rin is very dedicated to her work. So I will also ask later sa Executive Secretary, magkikita kami mamaya at ni Presidente kung ano ang kaniyang pasya sa resignation ni Aiza.
MILKY: ‘Ayan. Ngayon ay mayroon yatang paghahanda ang Malacañang bukas. Ano ba iyong ila-launch dito kay Special—kay SAP ‘di ba, Special Assistant to the President Bong Go. Ano ba ang—mayroong okasyon bukas, Secretary Martin?
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Milky sa tanong na iyan, because I want to make it clear na itong movement na ‘Ready Set Go’, ito po ay isang movement na ginawa ng mga kaibigan ni Special Assistant to the President Bong Go para siya ay hikayatin na tumakbong senador. Ito po ay hindi initiative ng Malacañang, ito po ay initiative na mga kaibigan ni SAP Bong, At iyong mga kaibigan niya na naniniwala na talagang dapat siyang maging senador.
Ako naman kung tatanungin mo, I also believe… really believe one hundred percent, Milky na karapat-dapat si SAP Bong na maging senador. Number one, isipin natin na napakahaba ng kaniyang karanasan sa gobyerno, mula sa Congress hanggang sa pagka-Mayor ni Presidente Duterte, pagka-Vice Mayor ni Presidente Duterte hanggang sa naging Presidente. So imagine mo local, legislative at executive.
Number two, iyong kaniyang dedikasyon na ipinakita niya sa ating mahal na Pangulo noong siya ay Mayor, Vice Mayor, Congressman dahil iyong public service na ipinakita ni Bong, at kita ko naman din sa labingsiyam or dalawampung buwan na katrabaho ko si SAP Bong, iyong kaniyang hindi matatawarang dedikasyon sa public service. So I think with his character, very humble at very dedicated sa public service. Sa palagay ko, bagay na bagay siyang maging senador.
MILKY: Secretary Martin ang tanong, kung sabihin ni Pangulong Duterte na dapat siyang kumandidatong senador, ang sabi ni SAP Bong ay wala daw siyang magagawa kung hindi ang Pangulo. Ang tanong nga ngayon ay, sino na daw ang makakasama ng Pangulo kapalit ni Secretary Bong Go?
SEC. ANDANAR: Iyon ay nasa Presidente na iyon, at kay SAP Bong kung ano iyong kanilang magiging arrangement. Of course both of them are very close, and of course the Duterte family will have to discuss that. Pero I don’t think it will be a problem, kasi alam naman natin the President and all of his powers and all of his wisdom and knowledge, I’m sure he can find a solution kung sino ang papasok kay SAP. Pero binibiro ko nga si Bong, sabi ko, “Puwede pa namang SAP din, Senator Assistant to the President,” tumatawa [laughs].
MILKY: Puwede din ano. Puwede rin pala iyong S-A-P. Pero Sec. Martin ‘ayan, full force din ba ang mga miyembro ng Gabinete bukas sa launching nito, ni SAP Go?
SEC. ANDANAR: Ako pupunta ako, because I’m one of those who believe that SAP Bong should be senator and of course as his friend, I want to support the movement kasi siyempre si Bong medyo… hindi pa siya kumbinsido na siya’y tumakbo. Pero we want to convince him. I think Secretary Jun—
MILKY: Secretary Bello—
SEC. ANDANAR: Secretary Jun is going also.
MILKY: Si Secretary Bello po ba tuloy din, Sec. Martin?
SEC. ANDANAR: I think Sec. Bello is also going. I think, Sec. Mon Lopez is going at maraming pupunta. Ang daming pupunta, mayroong mga Congressman, mayroong mga NGOs, mayroong mga member ng civil society, PDP-Laban, may MRRE. I think it’s going to be a very exiting day tomorrow in Manila, sa Ilustrado po gagawin.
MILKY: At abangan na lang natin iyan, Secretary Martin. At good luck kay Special Assistant to the President Bong Go. Magandang hapon, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Oo, salamat po. Sana po ma-convince namin siya, Milky. Maraming salamat, Milky. Mabuhay po ang DZRH. Thank you po.
MILKY: Magandang hapon po sa inyo. Si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office o PCOO.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)