SEC. ROQUE: (recording starts) dati pa ay ipinagbabawal na talaga iyan. Ang kontrobersiya ngayon na naging dahilan kung bakit hindi napirmahan iyong executive order ay dahil doon sa probisyon na Section 2 noong proposed executive order na nagsasabi na matagal na talagang ipinagbabawal ang endo. Pero iyong contractualization, iyong kapag sila ay regular employee ng mga service contractors ay iyan pala ay hindi naman ipinagbabawal ng Labor Code. So, iyon ang hindi nila pinagkasunduan.
Pero malinaw naman – ni repaso ko rin iyong ating Labor Law, hindi ko man specialty iyan. Pero nang aking nirepaso, eh totoo naman ang ipinagbabawal talaga ng batas ay iyong tinatawag na hakot system, iyong labor contracting, kung saan iyong mga hao-siao na kumpanya, para lang hindi maging regular na mga empleyado iyong mga manggagawa ay kunwari sila iyong nag-i-empleyo. Pero iyong mga honest to goodness contractor na may sapat na capital at nagbibigay ng tamang mga benepisyo sa mga manggagawa ay hindi naman ipinagbabawal.
ARNOLD: So, anong mga uri po ng trabaho ang papayagan diyan sa endo?
SEC. ROQUE: Well, hindi na nga po siya endo ano. Ihiwalay natin iyong 555 endo doon sa mga contractual na trabah0 na nire-recognize nila na regular employees ng mga service contractors. So, habang—ang mga hindi ipinagbabawal ay maski sila ay nagtatrabaho sa service contractor, basta iyong service contractor kinikilala sila bilang regular employees, iyan po ay hindi ipinagbabawal.
ARNOLD: Okay bukod sa endo issue, sa Labor Day ba ay umento ang sahod? Dahil may mga tumaas daw na bilihin dahil sa TRAIN Law, Secretary.
SEC. ROQUE: Well, inaasahan naman po natin na kahit papaano eh may mabibigay na benepisyo, dahil traditional naman po iyan pagdating ng May 1.
ARNOLD: Okay, Boracay issue tayo. May mga bago ho bang mga utos ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Well, narito po tayo sa Boracay, kasama si Joseph Morong. At kahapon nga nagkaroon ng kauna-unahang konsultasyon ‘no. Pero ang sa akin po ay kinakailangan talaga ay tanggapin na iyong mga kumbaga ay mapait na consequence ng pagkakasara dahil ito naman ay para sa ikabubuti rin ng Boracay.
Alam mo 19 years old pa lang ako, Igan, narito na ako sa Boracay, iyong aking karera ay talagang dito sa Boracay. Halos lahat dito kaibigan ko, so alam ko na talagang masakit din iyong panandaliang pagsara, pero lahat naman sila, alam nila talagang saloobin na in the long run ito ay makakabuti sa isla.
ARNOLD: Opo. Tungkol naman sa pagkakaalis sa NFA Council ni Secretary Jun Evasco. So, ano po ang magiging trabaho niya ngayon?
SEC. ROQUE: Marami pa naman pong trabaho si Secretary Evasco at talagang trabaho naman po niya ay bilang Secretary to the Cabinet. So habang merong Cabinet at merong Cabinet meetings ay may trabaho pa rin si Secretary Evasco at napakarami pa ring ahensiya na nasa ilalim ng kanyang opisina, gaya ng National Irrigation Authority, hindi pa po tuluyang ibinalik sa D.A. Tatlo pa lang po ang ibinalik sa Department of Agriculture.
ARNOLD: May mga sinibak daw na matataas na opisyal si Pangulong Duterte?
SEC. ROQUE: Well, alam n’yo po palibahasa nandito ako sa Boracay, kasi alam ko meron talagang Usec na scheduled para sibakin ‘no. Hindi ko po alam kung naanunsyo na ‘no. Pero tinanong na po ako ng PMS at ang sabi ko sa Thursday po muli sa Palasyo ang aking susunod na press briefing. Baka doon na po talaga pormal na i-anunsyo.
ARNOLD: Okay, ano ang ang aksyon ng Malacañang sa Rappler at Vera Files sa naging fact checking partners ng facebook, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, sabi nga po ni Usec. Badoy ay magpo-protesta formally ang PCOO ‘no. At ako naman ang sinabi ko, sang-ayon ako na dapat magkaroon ng fact-checker, ito ang solusyon sa fake news, hindi ang legislation. Dahil nasabi naman ng Saligang Batas, no laws shall be passed abridging freedom of expression; hindi naman sinabing abridging true news lang. So—pero tutol naman kami doon sa Vera Files at saka sa Rappler.
Ako naman Igan, kahit saan tayo makarating, hindi po patas ang Rappler at saka ang Vera Files. Tawagin n’yo na sila kung anong gusto mong tawag, pero sila po talaga hindi nila gusto ang administrasyon in Presidente Duterte at lahat ng pabor sa Presidente Duterte, sa kanila ay fake news.
ARNOLD: Okay, sa pag-aresto ng—magkasunod ‘no na mga dayuhan na sumasama sa mga protest rally, itong kay Sister Patricia Fox, nauna na rin kay Giacomo Filibeck. Ang impression may crackdown daw ba ang gobyerno sa mga kritiko o may pinapatupad na batas ang Immigration?
SEC. ROQUE: Eh meron naman pong batas talaga iyan, na ang mga dayuhan hindi dapat naghihimasok sa pulitika natin, at kahit sino namang gobyerno talagang ayaw nila na manghimasok ang mga dayuhan. Ang pagkakaiba lang po ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox at siguro apologies are in order, kasi madali naman siyang pinalabas din ng CID ‘no. So siguro nagkakamali din naman ng CID.
Pero ito pong European socialist ay malinaw naman po ang basehan diyan ‘no, napunta siya rito, magpa-participate sa isang political convention na pinagbabawal ng ating batas. So wala po siyang karapatan na makapasok, at meron tayong kapangyarihan na tanggihan ang mga dayuhan na pumasok sa ating teritoryo.
ARNOLD: Isa na lang po, iyong iba po bang mga nasibak na opisyal eh naire-reappoint po, Secretary, alam n’yo po ba iyon?
SEC. ROQUE: Sa aking pagkaka-alam, wala pa pong nare-reappoint ‘no. So wala pa po. May nadinig ako na isa na baka maire-appoint pero wala pa po akong naanunsyo na pormal na appointment niya.
ARNOLD: Okay, iyong pag-resign ba ni Usec. Dominador Say may kaugnayan sa endo o sa korapsyon sa DOLE?
SEC. ROQUE: Eh tanungin na lang po natin si Usec. Say, dahil siya naman ang nag-voluntary resignation.
ARNOLD: So hindi siya sinibak?
SEC. ROQUE: Ay ang alam ko po, siya ay nag-resign, pero hindi ko lang po alam kung meron talagang banta na siya ay matatanggal.
ARNOLD: Opo. Okay, balitaan nyo kami sa Boracay. Maraming salamat ha.
SEC. ROQUE: Maraming salamat Igan at magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)