TANJOCO: …(recording cut) dito po sa Radyo Pilipinas.
SEC. ROQUE: Yes, magandang hapon po at magandang hapon sa ating mga taga-pakinig.
TANJOCO: Yes, sir. Alam ko nagmamadali po kayo. Ilang tanong lang sir. Ano po ba ang reaksiyon ng Pangulo dito po o mayroon po bang reaksiyon ang Palasyo dito po sa panibagong banat ni Senator Trillanes na manginginig daw po ang Pangulo sa oras na maghain po ng warrant of arrest ang ICC? First, puwede po ba talagang maaresto ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Well unang una, malabo na magkaroon ng warrant of arrest. Ang mayroon pa lang sa ICC ngayon ay iyong tinatawag na preliminary examination. Hindi pa po iyan kabahagi ng pormal na imbestigasyon ng ICC, so wala pa po iyan. Pero ganoon pa man ‘no, ang sinasabi natin bago magkaroon ng hurisdiksiyon ang ICC kinakailangan mapatunayan na hindi gumagana iyong ating mga lokal na mga hukuman at lokal na institusyon. Ang ICC ay binuo para doon sa bansa na hindi na gumagana iyong mga institusyon – Sudan, Libya, Chad ‘no, nakikita mo na wala ng gobyernong gumagalaw doon kaya importante na mayroon pa ring hukuman na mapapanagot iyong mga lumalabag na bansa. So hindi po ganiyan ang ating—ang nangyayari dito sa Pilipinas at tingin ko po talaga hindi po talaga magkakaroon ng hurisdiksyon ang ICC at (garbled audio) pa rin ang lalabas laban kay Pangulo.
TANJOCO: Eh sir, bakit po kaya ganito na lang kakumpiyansa itong si Senador Antonio Trillanes na maaresto po itong si President Duterte? Eh kahit po alam natin hindi naman ito abogado.
SEC. ROQUE: Eh libre pong mangarap sa mundong ito ‘no; hayaan po natin siyang mangarap.
TANJOCO: And sir, last na lang. May reaksiyon po ba ang Malacañang sa sinabi po ni Senador Antonio Trillanes na manginginig daw po itong Pangulo—itong ating Pangulo?
Hello, Secretary? Naputol ang linya natin. (LINE CUT).
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)