ROCKY IGNACIO/PTV4: Good morning, Malacañang Press Corps. Happy Thursday! Welcome sa regular press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Pilipinas, at magandang umaga po sa mga taga-Malacañang Press Corps.
Ngayong umaga po ay mayroon po tayong resource speaker, siya po ay isang Commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission – si Ginoong Greco Belgica. Si Ginoong Belgica po ay dating Konsehal ng Maynila, at siya rin po ay naging Chairman noong siya’y Konsehal ng iba’t ibang committee ng Manila City Council kasama po yung committee ng police, peace and order, fire and public safety at saka economic development. Siya po ay nag-aral sa San Beda University, at nagtapos po siyang post graduate studies sa University of California in Berkeley
Mga kasama, si Commissioner Greco Belgica…
COMM. BELGICA: Magandang umaga po. Naririto po kami, ako, para magbigay linaw or karagdagang impormasyon sa announcement na ginawa ng ating Pangulo kahapon tungkol sa NAIA smuggling case.
Ito po ay isang imbestigasyon na matagal na po naming inaabangan at sinusubaybayan, that involves four agencies of government – DOTr, DOF, Bureau of Customs and Department of Justice. Pangatlong huli na po ng mga smugglers ito, pero ngayon lang po sila natuluyan dahil ang—well, lumalabas na ang kanilang koneksiyon sa gobyerno ay umaabot sa iba’t ibang departamento hanggang sa Prosecutor’s Office, kung saan ay caught-in-the-act case was released for further investigation.
Nangyari po ito noong May 5, Sabado, mga ala-una y media ng hapon. Ako po iyong tinawagan noong ating asset at sinabi, “Sir, nandito na iyong ating inaabangan; nahuli namin. Sir, anong gagawin? Pakakawalan na naman po ito.” So dali-dali po akong pumunta roon, sabi ko, “Huwag kayong aalis diyan, pupunta ako diyan.” Tumawag na po ako sa NBI, tumawag ako sa Customs, tumawag ako sa mga abogado natin; nag-assess kami ng sitwasyon. Pumunta na po kami and we investigated on the case. And there we found and we saw, six million pesos worth of jewelries that was, again, caught.
Prior to that, they were also caught, the same group was caught on December. Nangyari noong December, doon nga po lumabas si Asec. Macarambon para mag-intervene at from six million pesos tax and duties, bumaba ng 1.3 million pesos. Pero ang gusto ko pong linawin dito, ang nahuli na po roon ay smuggled jewelries; smuggled na iyon, inilalabas na, hindi na dineclare iyon – nahuli noong ating asset. Imbes na i-confiscate at i-charge ng Customs, pinababayaran, inaareglo. Tapos pumasok pa si Asec. at tinawaran pa ng 1.3 million.
So alam na po namin ang modus operandi – they call people they need, depende, minsan Asec., minsan CIIS. Kasi the other time, ang sumundo—sunduan system po kasi ‘to eh, tapos ang smuggling, hand carried. So itong nahuli natin ng May ay bagong modus dahil ang nangyari, eh ang naglalabas na government official. Dati Customs ang nanghuhuli, ngayon Customs na ang hinuli ng Customs din. So nag-e-evolve pagka umiinit.
So iyon po ang nangyari noong araw na iyon, and then on Saturday nagkatapos po kami, in-organize ko po iyong magiging kalakaran o lakad. “Oh NBI, ano ang trabaho mo?” “Sir, kami sa 3019.” Customs, “Sir kami sa smuggling.” “Oh sige, sa amin iyong Salary Grade 26 pataas,” kasi nga matagal na iyong operations. So umalis ho kami roon mga alas diyes, alas diyes y media ng gabi; we came there mga 4:30, 4 o’clock. Sunday, finile (file) ang information malinaw na malinaw. This time, kulang na po ng assessed value.
Tinanong ko pa doon sa—magkakaharap ho kami lahat, nandoon ang Customs, NBI, nandoon ang CIIS. “Magkano ba ang value niya?” Sabi, “Six million, sir.” “O ano ang penalty?” Sabi nila, “Eh sir, depende sa value.” “O sige.” Pagdating po roon sa Prosecutor’s Office, wala iyong value. So this was the reason for the inquest prosecutors to release for further investigation, iyong caught in the act.
Now ang rules po, hindi basta-basta dapat nagre-release ang prosecutor for further investigation kung mayroon naman siyang pagkakataon na sabihan iyong enforcer na kunin kung ano ang kulang para matapos ang kaso nang maayos. So based on that—then we—kasi ang ginagawa po talaga namin, inaabangan namin lumabas iyong mga padrino. This is only one of the eight syndicates na inaabangan namin doing the same modus. So we have reason to believe that they are one organized group doing this, connected to many different offices and taking advantage of the complex systems and using government officers. And it’s very clear na ang kanilang sindikato umabot na po sa Prosecutor’s Office.
Noong February naglabas po sila, walang binayad. Noong December nakapaglabas sila, 1.3 million. Ito po, recently—I think it was two days ago, tumawag po sa atin ang ating asset at ang sinasabi sa atin, “Sir, nagmo-move na sila, na kunin na ulit iyong passport nila sa fiscal dahil bibiyahe na raw po sila.” Until they were all shocked when the President announced the other day, the order to—for the Asec to resign and the names that is being investigated by the PACC yesterday. So the President has already approved iyong recommendation of the PACC po.
That’s it, sir—we will be conducting further investigation, and then we will be forwarding the criminal complaint—information for criminal complaint sa Ombudsman po.
ROCKY/PTV4: Okay. I-welcome muna natin iyong mga kaibigan natin sa Bataan at Olongapo. Magandang umaga po, welcome sa press briefing.
INA ANDOLONG/CNN PHILS.: Hi, sir. Sir, can you tell us maybe, how long this modus has been going on and if you already have an idea, an estimate maybe on how much worth of smuggled jewelry have been brought in because of it?
COMM. BELGICA: Mga ten billion pesos na po ang estimate namin, dahil itong nahuli namin has been travelling for 133 times from 2014. So mga twice a week siyang bumibiyahe, walo po iyon – so an average of ten million pesos ang nilalabas nila. Kasi minsan six, minsan fifteen; so if you average it, ten million pesos. So they’re a good ten billion pesos na po ang na-raise na pera nito, itong mga ‘to.
Matagal na po naming inaabangan ‘to, December pa lang naka-monitor na kami sa kanila and our reports say—has findings na—around 2012, 2014 droga po ang nailabas nitong mga ‘to; not particularly itong huli namin ano, pero iyong grupo using the same systems. Tapos we have also information that itong mga jewelries na ito, minsan ipinapalit ng droga, ganoon.
INA ANDOLONG/CNN PHILS.: So sir, itong syndicates na ‘to, tama ba, they used to smuggle in drugs and they shifted their product to jewelry?
COMM. BELGICA: They smuggle many, many things. Jewelries and drugs kasi, ginamit nila pareho.
INA ANDOLONG/CNN PHILS.: Okay. And sir, how did this get into your radar?
COMM. BELGICA: Information po from small people from government also, and small people from—ordinary people kagaya natin, nagbibigay ng mga confidential information that we pursued. Ganoon po.
INA ANDOLONG/CNN PHILS.: And sir, gaano kataas ang connection nila? Kumbaga, does it end with the… how high does it go?
COMM. BELGICA: Mabigat, ma’am. Well right now, Prosecutors Office Asec. ang nakita po natin. Iyong si Macabando na siya mismo ang naglabas, mayroon po kaming video, ay Supervisor ng Customs. Yeah, so iyong minsang sumundo isang CIIS Director, iyong isa Prosecutor, iyong isa former Mayor iyong umareglo po roon sa court. So mabigat, mabigat po.
INA ANDOLONG/CNN PHILS.: Last from me. And which countries, sir, saan po nanggagaling?
COMM. BELGICA: Galing pong Dubai, mayroon din silang mga transaksiyon galing ng Bangkok. Gold, Dubai gold. And there are moves na ibaba po iyong value. Ang Dubai gold kasi po normally mga 22 carats ‘yan eh pero ibinababa ng 18 carats, kasi ‘pag binaba mo iyong value, it will affect the penalties.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Good morning, sir. Sir, noong tinatrabaho ninyo ‘to, may kasama kayong law enforcers like the NBI, PNP o… may police power po ba iyong PACC to conduct this kind of operations?
COMM. BELGICA: Hindi ho, kasama namin ang NBI at ang Customs noong operations time na. Ang humuli kasi Customs eh, ni-report sa amin nahuli na. Pumunta na kami roon to investigate what happened. So when we went there, kasama ko na ang NBI and Customs.
ROSE NOVENARIO/HATAW: So lumalabas sir, parallel investigation ‘tong ginawa ninyo with the NBI and with PNP?
COMM. BELGICA: Hindi parallel, kasi nahuli doon eh ‘di ba? So iniimbestigahan ng Customs—Customs jurisdiction.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Opo. So iba iyong ano—ang ibig ko pong sabihin sir, iba iyong ginawa ninyong investigation kasabay din noong pag-iimbestiga ng NBI at PNP?
COMM. BELGICA: Yes. Oo…
ROSE NOVENARIO/HATAW: So nag—
COMM. BELGICA: Hindi PNP. NBI and Customs.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Ah, NBI lang po. So nag-jive po iyong resulta noong investigation ninyo sa investigation nila?
COMM. BELGICA: Oo. Iyong mga investigations nila solidified our findings and information, na this is one group, ganiyan, na ito ang modus nila, ganoon tapos—kasi nag-evolve eh. Normally they used to come out or bring their contrabands ng madaling araw. Noong naging mainit sila doon, ito kaya nagkagulatan kami, tanghaling tapat.
ROSE NOVENARIO/HATAW: So, naipaliwanag po ng Customs kung bakit kailangang kasabay pa kayo bago nila mapigil ‘tong sindikato na ‘to? Bakit doon sa level nila, hindi nila nagawa ito. Ba’t kailangang may intervention pa ng PACC?
COMM. BELGICA: Hindi—well I have to give credit to Customs, dahil ang nakahuli rito Customs officer din ano. So, ang hinuli nga lang this time eh Customs officer din. So, maybe si Commissioner Lapeña can answer that.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Pati po iyong drugs, illegal drugs na naipuslit nila, maisasama rin po kaya ito roon sa kasong ipapa—?
COMM. BELGICA: Hindi ho eh, 2012/2014 ‘yan eh. Itong kasong hawak natin, itong jewelries noong May 5, which is the case in point; case in point lang po ‘to dahil ang sinasabi natin ito ang modus.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Pero nabanggit ninyo po, eh ginamit nila ‘tong modus na ‘to sa drugs. So, puwede po bang maikarga rin iyon doon sa kasong sinasabi ninyo?
COMM. BELGICA: I think there is an investigation already, ongoing on that.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Sa drugs po?
COMM. BELGICA: Opo.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Saan po siya naka-file?
COMM. BELGICA: 2012, 2014… drugs, ‘di sa court.
ROSE NOVENARIO/HATAW: So pina-follow up ninyo rin po iyong kasong iyon?
COMM. BELGICA: Hindi po, these are information that we received, noong assumption po namin noong March 7, iyon na lang po ang tinake (take) cognizance namin.
ROSE NOVENARIO/HATAW: So hindi ninyo na po tututukan iyon, kasi background din iyon noong kanilang modus ‘di ba?
COMM. BELGICA: Hindi. Siyempre its part of our monitor, its part of our ano… Pero hindi namin hawak.
ROSE NOVENARIO/HATAW: So, imo-monitor ninyo po?
COMM. BELGICA: Oo, monitor namin. Pagka may nangyaring laglagan doon, siyempre that concerns us.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Okay, thank you.
DEXTER GANIBE/DZMM: Commissioner, good morning, para sa official record lang. Can you name the persons involved doon sa grupo na binabanggit ninyo?
COMMISSIONER BELGICA: Okay, involved in our investigation na lang po; part of the recommendation that we submitted to the President. So, babasahin ko iyong pangalan, pati po iyong recommendation. I will all give you the copy, all of you bibigyan namin ng copy. DOJ Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. Ang recommendation is, continued investigation and hearing of his case and appropriate action for the President in position of perpetual disqualification and referral to the Office of Ombudsman.
NAIA District Collector Ramon Aquilan, preventive suspension, pending investigation; NAIA-CIS Director Adsar Albani and CIS Head Butch Ledesma: recommendation is to deputized the Bureau of Customs to conduct fact finding investigation regarding the involvement of smuggling syndicate and that to submit the Commission its findings within 15 days.
Customs operation officer Lumontod Macabando – ito po iyong nahuli natin: to refer to the Bureau of Customs the filing of administrative cases, complaint summary hearing and for dismissal and perpetual disqualification for public office; Atty. Ambrosi Basman, Atty. Rohani Basman, Anisa M. Lumogtod, Amelquir C. Macabando, ex-City Mayor of Marawi City; Prosecutor Samina Sambaco Macabando Usman. Recommendation po is Atty. Basman to show cause within 7 days from the receipt hereof that they should not continue to be impleaded as co respondents in the case.
OIC Pasay Prosecutor, Atty. Benjamin Lanto. Allegedly relative of Mr. Lumogtod Macabando – iyong atin pong nahuli. Inquest Prosecutor Clemente Villanueva, Assistant City Prosecutor Florencio Dela Cruz: preventive suspension and pending investigation for releasing for further investigation and flagrante case.
DEXTER GANIBE/DZMM: Sir, iyong mga private individuals dito, sila talaga iyong smuggler na may kasabwat na—?
COMMISSIONER BELGICA: Courier lang iyan, sir. Couriers lang po iyan, may mga amo po iyan.
DEXTER GANIBE/DZMM: Iyon ang hindi pa natutukoy.
COMMISSIONER BELGICA: Oho. Basta alam natin, ito ang kanilang modus operandi, saka itong mga –kasi ang sistema nila, mayroon silang mga legal business fronts, tapos mayroon silang mga smuggling activities, mayroon din silang drug-related activities, mga ganyan. Itong nahuli po natin hindi po isang smuggling syndicate. It seems to be reports and we have reason to believe that they seem to be part of an organized syndicate doing this for something bigger.
DEXTER GANIBE/DZMM: At iyon ay hindi pa natin natutukoy, iyong something bigger na iyan.
COMMISSIONER BELGICA: We’re not ready to divulge this information, kasi nagkukuha pa kami ng mga impormasyon. But we are looking at many angles.
DEXTER GANIBE/DZMM: Posible kayang may mga mas matataas pang opisyal na sangkot?
COMMISSIONER BELGICA: Posible, matagal na masyado eh. 2012, 2014 merong nahuli. Pero basically iyong matataas na opisyal, mga protector. Ang kinakailangan nilang foot soldier, iyong mga nasa ibaba, iyong mga examiners, mga supervisors.
DEXTER GANIBE/DZMM: Iyong mga evidence na nakuha ninyo ngayon Commissioner ay tinuturo, binabanggit ninyo may mga possible officials na kasama, matataas na officials, tama po?
COMMISSIONER BELGICA: Oho, totoo.
DEXTER GANIBE/DZMM: Incumbent ngayon or previous officials.
COMMISSIONER BELGICA: Merong incumbent, merong previous. Hindi, you are talking about mga in-appoint eh, pero ito po kasing sindikato na ito, nandoon sa systems. So mga Asec., mga Prosecutor, mga empleyado sa maliliit na puwesto na iyon ang kanilang mga foot soldiers.
ROCKY: MPC questions? Okay na tayo. Thank you Commissioner.
SEC. ROQUE: We proceed. Our good news Thursday. The BIR po and the Bureau of Customs recorded double-digit growths of 13% and 43% respectively, according to the Department of Finance. Particularly, the BIR collected a total of 209.8 billion for April higher than 184.9 billion in the same month last year. The Bureau of Customs, also posted an amount of 46.9 billion last month exceeding 32.8 billion collected in April last year. Meanwhile government spending reached 225.8 billion up from last year’s total of 160.5 billion.
Sa electronic jeepneys po, we are pleased to announce that as part of the Department of Transportations’ Public Utility Vehicle Modernization Program, the first batch of modern electronic jeepneys will be rolled out in June. The Land Transportation Franchising Regulatory Boards stated that E-jeep units will pass through some parts of Metro Manila including the routes from Quezon City Hall, along Elliptical Road, Diliman to Manila City Hall, Cultural Center of the Philippines, Philippine International Convention Center in Pasay to Southwest Intermodal Transport exchange in Parañaque City, Fort Bonifacio gate 3 in Taguig City to Guadalupe Market in Makati and Bagumbayan in Taguig to Pasig City.
Questions po.
DESTER GANIBE/DZMM: Secretary good morning, clarification lang. Nandoon po kayo sa likod kagabi noong sa ambush interview ng Pangulo ng matanong siya kaugnay doon sa qualification na kanyang hinahanap para sa isang Ombudsman. At during the conversation, sa pagtatanong, may nagtanong kasi naisingit na, para naman doon sa CJ may sagot kasi siya na ayaw ko ng isang pulitiko at dapat hindi babae. Iyong binabanggit ba niyang iyon ay patungkol sa susunod na CJ na pipiliin niya or may kaugnayan doon sa Ombudsman?
SEC. ROQUE: Hindi ko na po alam. Kasi napansin ninyo nasa likod ako, medyo mahina iyong tanong, mahina rin ang sagot ng Presidente. Pero ang pagkakaintindi ko kasi, ang diskusyon was on the Ombudsman. So, hindi ko na po narinig iyong tanong sa CJ. Ang binubulong ko po kay Presidente actually wala naman kaming maisasagot diyan, kasi the President only chooses from nominees of the JBC. Hindi naman kami pupuwedeng mamili on our own o ang Presidente mismo.
So ang sabi po sa akin nung nagtanong, si Joseph Morong, wala po siya ngayon dito. Ang tanong daw niya was in relation to the Chief Justice at iyon ang sinagot na dapat hindi pulitiko at dapat hindi babae diumano. Ako ang pagkakaintindi ko talaga, ang sabi kasi niya Ombudsman kasi tinatanong siya concerning Bello, tapos nagbiro siya, hindi gagawin ko iyang Labor Attaché sa Kuwait. Tapos ang sabi niya kinakailangan iyong next Ombudsman talagang hanga ang taumbayan dahil sa integridad, narinig ninyo iyon. Tapos sabi niya tatanungin ko rin iyong mga taga-Ombudsman, tapos ang pagkakaintindi ko, tatanungin ko hindi iyong babae, hindi si Morales, iyong mga taga-Ombudsman, so iyon yung narinig ko. But then again malayo ako sa inyo, kayo iyong nakadikit at saka mahina iyong mga boses.
Pero siguro kung meron tayong tape recording, makikita natin iyan, meron naman atang mga cameras. I would like to see also the video kasi nasa likod nga po ako unfortunately.
DEXTER GANIBE/DZMM: Was he serious nung binanggit niya na itatalaga niyang labor attaché si Secretary Bello?
Ang tingin ko biro lang naman iyon. Alam ninyo naman palabiro itong si Presidente, lalo na sa kanyang mga kaibigan. Si Secretary Bello po ay roommate niya sa YMCA. So alam naman niyang nag-a-apply sa Ombudsman, so tinutukso ang i-a-appoint sa kaniya ay bilang labor attaché. So tingin ko naman tukso po iyon.
DEXTER GANIBE/DZMM: Bilang malapit sa Pangulo, may malaking posibilidad ba na siya ang ma-appoint sa Ombudsman?
SEC. ROQUE: Sampu po sila, so may the best men or women, best man or woman prevail.
DEXTER GANIBE/DZMM: Best man na lang sir, kasi ayaw niya ng babae, sabi niya.
SEC. ROQUE: Pero nasa JBC po iyan, as I said, ang Ombudsman po is also covered by the JBC. So the JBC will have to submit a shortlist of candidates for the position at iyon po ang pagpipilian ng ating Presidente.
DEXTER GANIBE/DZMM: Last on my part, other matter. Sir, ay update na po ba kayo, di ba napangako noong abogado ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na ibabalik iyong 60 million na napunta doon sa Tulfo brothers. Ano na po ang update doon, kung naibalik na po ba or hanggang sa pahayag lang?
SEC. ROQUE: Wala po akong balita and siguro po tanungin natin iyong abogado po ni dating Secretary Teo.
INA ANDOLONG/CNN PHILS: Sir related to Dexter’s earlier question. I’m reading the transcript, it seem na tama ka, sir Ombudsman iyong pinatutukuyan niya.
SEC. ROQUE: Iyon ‘yung rinig ko, pero nasa likod ako, kaya nga sabi ko, I will—bahala kayo diyan.
INA ANDOLONG/CNN PHILS: Sir, bakit ayaw niya ng babae?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam.
INA ANDOLONG/CNN PHILS: Does he think that a woman can’t be a good Ombudsman?
SEC. ROQUE: Hindi naman siguro. I don’t think so. Hindi naman.
INA ANDOLONG/CNN PHILS: So, what do you think that he mean when he said that?
SEC. ROQUE: I have no idea. I’ll have to clarify with him.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir, other issue. Doon sa Kuwait. Since, lifted na last night iyong deployment ban, kailan mag-start ang pag-alis ng mga OFW papuntang Kuwait?
SEC. ROQUE: Well, depende po kung gaano kabilis mag-process ang POEA. Nasa POEA na po iyan, kasi sila iyong nagpa-process ng mga dokumento. Pero lilinawin ko lang po, bagama’t lifted na ang lahat ng ban, eh this is without prejudice po, to the Secretary of Labor, requiring additional requirements for deployment of household workers to Kuwait. Without prejudice to iyong additional requirements na pupuwedeng i-require ng Secretary of Labor to—for those to be deployed as domestic workers to Kuwait.
Gaya ng nasabi po namin noong una, may usapin po kinakailangan siguro magkaroon ng mas malawakang training pa para sa mga domestic workers para mabawasan po iyong posibleng hidwaan sa panig ng mga Kuwaiti employers at ating mga manggagawa sa iba’t-ibang mga bahay diyan sa Kuwait. So hindi ko pa po alam kung ano ang desisyon ni Secretary Bello. Pero for now, the total ban on deployment to Kuwait has been lifted as of last night.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, sa earlier question regarding the choice of the President for the post of both the Ombudsman and the Chief Justice. Last night kasi—the first question was about the Ombudsman. There was a follow up question on the appointment or the Chief Justice that’s when he said na, hindi babae. Whether it’s the Ombudsman post of the Chief Justice post, why is there a discrimination against woman?
SEC. ROQUE: Hindi naman po siguro discrimination iyan, pero as I said, tatanungin ko po kung ano ang intensiyon ni Presidente. Kung talagang sinabi niya iyon, kasi talagang honest to goodness po, ang pagkakaintindi ko, tatanungin ko sa Ombudsman, hindi iyong babae, hindi si Conchita Morales, iyon yung pagkakaintindi ko, honest to goodness. Pero I will clarify with him. Unfortunately today, I have no schedule to see him. So, I will I think over the weekend, we will see each other in Cebu if I am not mistaken.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: Pero sir, do you think he was serious last night when he said that?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam. As I said, I will clarify.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: when you heard it, do you think it was a joke or?
SEC. ROQUE: Kasi iyong konteksto ng pagkakarinig ko, was tatanungin ko sa Ombudsman, pero hindi doon sa babae, hindi kay Conchita Morales. So iyong pagkaintindi ko, hindi lang niya tatanungin is Conchita Morales, kung sino ang gusto niyang pumalit as Ombudsman. So iyon yung appreciation ko kahapon. It had nothing to do with, kung ano iyong gusto niyang qualification, iyon yung pagkakaintindi ko ah.
DHAREL PLACIDO/ABS-CBN NEWS. COM: Hi sir. 14 out of 33 senators daw po have signed the resolution to ask the Supreme Court to review its decision to oust CJ Sereno. How do you view this development, sir?
SEC. ROQUE: Well, you know the senators are free to sign such a resolution. The resolution of course, forms part of their inherent legislative powers. But we also note the statement of Secretary Ping Lacson, that it appears to be premature, because no articles of impeachment has been forwarded to the Senate. But of course, we respect completely the discretion of the Senate to file this resolution.
ROSE NOVENARIO: Hi sir, good morning. Sir may categorical statement po ba si Presidente tungkol po doon sa isyu ng younger brother niya, kay Emmanuel Duterte, tungkol po doon sa involvement nito sa Philippine Global coin na—?
SEC. ROQUE: Alam n’yo po, okay na nailabas iyang kapatid. Tatlong beses na po yata sa akin pinaanunsiyo ng Presidente na wag maniwala sa kahit sino na nagsasabi na may impluwensiya sila kay Presidente, kasama na iyong kamag-anak niya.
And in one instance, the President asked me to tell the public to stay away even from his siblings. Dahil wala pong binabasbasan na kahit anong mandato ang Presidente para sa kahit sinong kapatid niya na mag-negosyo sa gobyerno. So matagal na po niyang pinauulit-ulit ito, unfortunately, hindi niya kontrolado ang kanyang mga kamag-anak. Pero paulit-ulit po niyang sinasabi sa publiko, wala po akong kinalaman sa mga gawain ng aking mga kapatid. Kung ginagamit ng aking mga kapatid at kamag-anak, pati mga anak ang impluwensiya niya bilang Presidente, pakisumbong po dito sa Malacañang.
So iyan lang po ang aking uulitin na naman, kahit ano pong kuwestiyon tungkol sa mga kamag-anak, kasama na po ang kapatid ni Presidente. Naalala ninyo naman po iyon, sinasabi niya, pinaalalahan niya ang publiko, huwag maniwala na merong kahit sinong makakabigay ng impluwensiya para sa kontrata na may kinalaman sa gobyerno, dahil hindi po iyan kinukunsinti ng ating Presidente.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Secretary, balik lang ako doon sa women comment. So what is the President stand or the government stand or this administration’s stand with regard to hiring women in the government?
SEC. ROQUE: Unang una po, gaya ng sabi ko, I will clarify kung sinabi nga talaga ng Presidente iyon. Pero sa aking pagkakaalam po, wala naman pong diskriminasyon sa kababaihan, kahit sino po pupuwedeng ma-appoint sa ating gobyerno.
ACE/PHIL. STAR: Thank you, Secretary.
NESTOR CORRALES/INQUIRER.NET: South China Sea sir.
SEC. ROQUE: Yes.
NESTOR/INQUIRER.NET: Sir, any update on the diplomatic protest filed by the Philippines against China because Vietnam who is also a claimant in the disputed sea has publicly called on China to withdraw its missiles and military installations in the area, while critics claim that the Philippines has been silent on the issue?
SEC. ROQUE: Ang huling pagkakaalam ko po, sinabi sa akin mismo ni Secretary Cayetano, hindi lang sila nagprotesta pero iyong bilateral mechanism nila kung saan pinag-uusapan iyong problema sa South China Sea ay pinag-usapan daw iyong paggagawa nga ng mga armas at ng airport at ng mga eroplano doon mismo sa mga isla na iyan, pinag-usapan po daw iyan sa bilateral meeting.
NESTOR/INQUIRER.NET: Kailan ito sir?
SEC. ROQUE: Iyong kakalipas lang po, lahat po raw iyan ay napag-usapan doon sa bilateral meeting na ginagawa – kung hindi po ako nagkakamali – taun-taon ‘ata o dalawang beses sa isang taon. I’ll have to clarify. Pero iyan po iyong ating mekanismo. So hindi lang po papel na protest ang nangyari, nagkaroon po ng open, frank, candid, frontal discussion on this issue. Pero siyempre po hindi natin malalaman kung anong napagkasunduan, anong mga sinabi ng mga partido, that’s part of diplomatic negotiations and communications.
NESTOR/INQUIRER.NET: So sir, wala pong diplomatic protest na finile? Dito na lang ni-raise sa bilateral—
SEC. ROQUE: Mas matindi pa nga po, hindi lang protesta iyon. Talagang ipinarating po nila iyong ating saloobin na tayo po ay nababahala, frontal, sa mekanismo na binuo natin para sa usaping South China Sea.
NESTOR/INQUIRER.NET: Thank you sir.
DEXTER GANIBE/DZMM: Sec., start po ngayon ng holy month ng Ramadan? Any Palace—
SEC. ROQUE: Ay magkakaroon po tayo ng pormal na mensahe sa ating mga kapatid na Muslim. Hindi lang po ang ating Presidente, pati na rin po ang ating opisina. So abangan ninyo po iyan, sandali na lang po at lalabas na po iyan.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, sa isyu noong statement ng Pangulo na humingi siya ng—nabigyan siya ng assurance ng China na he will not be taken out of office? Sinabi niya po kahapon na kasi may mga—at the height of the protest noong mga dilawan iyon tapos then in-explain ninyo before we went to the event sa kabila na natural na humingi ng suporta sa mga fellow Asyano. Maliban sa China mayroon po bang mga ibang bansa o leaders ng ibang bansa sa Asia na hiningian ng tulong o suporta ng Pangulo o nagbigay ng suporta sa—
SEC. ROQUE: Russia, India.
TINA/PHIL. STAR: Na hindi tutulong?
SEC. ROQUE: Tutulungan siya in case na kailangan siyang tulungan. In fact ang Russia nga po nagbigay din ng armas; hindi lang naman po ang Tsina ang nagbigay ng armas laban po sa terorismo at sa violent extremism.
TINA/PHIL. STAR: So in terms lang po ito ng mga assistance?
SEC. ROQUE: Well, tulong po iyon. Ano pa bang gusto mong tulong, binigyan ka ng baril… [laughs] at bala.
TINA/PHIL. STAR: Hindi pero iyong attempts na magprotesta laban sa administrasyon—iyong i-oust siya sa puwesto.
SEC. ROQUE: Well, kung maalala ninyo po ang Russia dinepensahan din iyong pag-withdraw natin sa International Criminal Court. Nagsalita rin po ang Russia tungkol diyan.
TINA/PHIL. STAR: Okay, thank you po.
DEXTER GANIBE/DZMM: Sec., follow up lang. Ano po update doon sa courtesy resignation ng mga Undersecretary ng Department of Justice? Lately naghiling din ang bagong Tourism Secretary doon sa kaniyang mga—doon sa mga Presidential Appointee under the Tourism Department na mag-submit ng courtesy resignation—
SEC. ROQUE: Nasa kanila na po iyon ‘no doon sa mga departamentong involved. Pero ang sa atin lang po dito sa Malacañang eh tayo po ang mag-i-issue, si Presidente po mag-i-issue ng mga kapalit. At sa ngayon po wala pa naman tayong naaanunsiyong mga kapalit na Usec at Asec sa ngayon.
DEXTER/DZMM: Iyong sa DOJ, sir, ibig sabihin mananatili sila kung walang—
SEC. ROQUE: Well habang wala pong kapalit, they should be there ‘no kasi otherwise abandonment of post naman ang mangyayari ‘no. So unless irrevocable po iyong kanilang appointment [resignation], in which case there is already a vacancy. Pero pinauubaya naman po ni Presidente sa mga Kalihim iyong choice kung sinong gusto nilang maging Usec at mga Assistant Secretaries. Bagama’t ang appointment po will be issued by the President and we will be announcing kung mayroon na pong mga bagong Usec at Asec sa both DOJ at saka DOT.
ROCKY IGNACIO/PTV4: Pero sir iyong mga suspended—pending investigation papaano iyon sir?
SEC. ROQUE: Natanggap na po iyong resignation for instance ni Moslemen Macarambon, tinanggap na po iyon ‘no. Iyon lang po ang aking alam, dahil sa DOJ talaga natanggap na iyon at nilinaw ni Secretary Meynard Guevarra na wala na po sa DOJ si Asec. Macarambon.
VIRGIL LOPEZ/GMA NEWS ONLINE: Sir, last lang. Speaking of Justice Secretary Menardo Guevarra, sabi po niya may replacement na daw iyong Malacañang for Assistant Secretary Macarambon, can you confirm that sir?
SEC. ROQUE: Well, I can only confirm on the basis of actual document issued by the Office of the President which we publish on our Viber thread.
VIRGIL/GMA NEWS ONLINE: So for now you are not aware if there’s already replacement?
SEC. ROQUE: Wala pa po. I’m only—I can only confirm kapag nailabas na po iyong dokumento. Iyon naman po ang ating SOP.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir, will the President order the PACC to conduct an investigation kay Cesar Montano?
SEC. ROQUE: Siguro po hindi na kailangan dahil pinag-aaralan na po ni Secretary Puyat mismo iyong kontrata na ipinasok ni Mr. Montano.
BERNADETTE NICOLAS/BUSINESS MIRROR: Sir, any Palace reaction to the House move to abolish PCGG po?
SEC. ROQUE: Iyan naman po ay isang panukalang batas, at iyan po ay katungkulan ng Kongreso, iyan po ay diskresyon ng Kongreso, igagalang po iyan ng ating Presidente dahil ang papel naman ng Presidente eh bigyan ng implementasyon ang ating mga batas.
BERNADETTE/GMA NEWS ONLINE: So what’s the Palace reaction to Senator Bam Aquino saying that this move is part of historical revisionism po?
SEC. ROQUE: I don’t think so po. Kasi iyong trabaho naman po ng PCGG ipagpapatuloy pa rin ng Office of the Solicitor General. At iyong mga kaso naman po na isinampa na base sa mga ebidensiyang nakalap ng PCGG, ang nagsasampa rin naman po ng mga kasong iyan ay Office of the Solicitor General din. So wala naman pong major na pagbabago at kung ang tatanungin naman ninyo ay iyong existence ng PCGG – how long do they need? This is Executive Order 1 of President Aquino ‘no. So tingin ko iyong investigation stage lahat po iyan nagawa na at nasa trial stage na tayo bagama’t napakatagal na nga po iyang trial stage na iyan ‘no.
So wala pong function ang PCGG na i-a-abandon dahil ang OSG po ang magpapatuloy ng gawain ng PCGG. Lilinawin ko lang po iyan. So wala pong revisionism diyan dahil lahat ng katungkulan ng PCGG ipagpapatuloy po ng Office of the Solicitor General.
BERNADETTE/GMA NEWS ONLINE: Sir, follow up lang po. So clarify ko lang kung may—
SEC. ROQUE: Isa po kasi akong co-author doon sa batas na iyon.
BERNADETTE/GMA NEWS ONLINE: Ah ganoon sir? Iyon po.
SEC. ROQUE: I was the major author of that one.
BERNADETTE/GMA NEWS ONLINE: Okay, noted on that sir. Sir, so nakikita po natin na inefficient po ang PCGG?
SEC. ROQUE: Hindi naman po sa inefficient pero parang hindi na siya kinakailangang maging ibang ahensiya kasi nagawa na iyong kabuuan ng katungkulan ng PCGG at kumbaga winding up at kaya na po iyan ng Office of the Solicitor General.
In fact doon sa batas po lalong pinalakas pa ang Office of the Solicitor General; hindi lang naman po PCGG ang bubuwagin pati po iyong Office of the State Council at pag-iisahin na. So magiging tunay na abogado ng Republika ang Office of the Solicitor General.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Secretary, but there are concerns because SolGen Calida was a known supporter daw po of former Senator Marcos? Former Senator Marcos.
SEC. ROQUE: Eh ako naman po panatag ang loob ko na dedicated iyong mga napakadaming abogado ng Office of the Solicitor General to do their job.
ACE/PHIL. STAR: So walang conflict kayong nakikita doon?
SEC. ROQUE: Wala naman po kasi kahit sino naman pong maging political appointee diyan ang pagpapatakbo ng gobyerno nakasalalay doon talagang rank and file workers ‘no. And itong batas nga po seeks to promote the utmost professionalism of the Office of the Solicitor General.
Ako po noong estudyante ako nagre-review po ako diyan sa Office of the Solicitor General. Kaya lang po ako nakabasa ng SCRA dahil ginagamit ko iyong SCRA ng Office of the Solicitor General, halos lahat po ng mga Solicitors noon lahat sila justices na. So napakalaki po ng respeto ko talaga at noong hinain nga iyang panukalang batas na iyan ninanais natin na magpatuloy ang professionalism ng Solicitor General at lalo pang maging mas professional pa iyan. Sa Amerika po talaga – para ding dito sa Pilipinas – eh talagang kapag sinabi mong Solicitor General bow po ang mga abogado diyan.
ACE/PHIL. STAR: Thank you, Secretary.
ROCKY IGNACIO/PTV4: Okay no more questions? Okay, thank you Malacañang Press Corps. Thank you Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po and see you on Monday.
ROCKY/PTV4: Okay, back to our main studio sa Radyo Pilipinas and People’s Television Network.
###
—
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)