Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location Malacañang Press Briefing Room, New Executive Building

ROCKY IGNACIO/PTV4:  Good morning Malacañang Press Corps, welcome sa regular press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Good morning, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga Pilipinas and happy Tuesday to the ladies and gentlemen of the Malacañang Press Corps.

Good news Tuesday! Affected residents and informal workers in the island of Boracay can now avail of the cash-for-work program of the Department of Social Welfare and Development. According to the DSWD, the beneficiaries from the three villages of Balabag, Manok-Manok and Yapak can access CFW program for a thirty-day period. They will receive 100% of the regional wage rate amounting to P323.50 per day or P9,705 per month. In addition, two types of work were classified under the program which include labor works such as digging, dredging, desilting canals and drainage systems, planning trees, clearing pathways, shelter facility repair, demolition of illegal infrastructure, clearing debris, garbage collection, installation of support facilities or technical or office work such as assisting in enumeration, task profiling, report preparation, preparation of replenishment and liquidation report.

We are also pleased to announce that 9% growth was reported in the Philippine Ports Authority’s total revenues amounting to 3.783 billion for the first quarter this year. This is higher than last year’s 3.476 billion of the same period.

And final good news! Government incentives can now be availed by our Filipino micro business owners. The Department of Trade and Industry through Barangay Micro Business Enterprises Act or RA 9178 will be providing benefits to registered BMBEs such as exemption from payment of income tax for income arising from the operation of the enterprise; exemption from the coverage of minimum wage laws; special credit window from government financing institutions that will service the financial needs of BMBEs. Micro enterprises are highly encouraged by the DTI to register their businesses to avail of this government benefits. As of 30 April 2018, a total of 28,531 micro enterprises have been registered under the BMBE.

Okay, questions Malacañang Press Corps?

ROCKY IGNACIO/PTV4:  Sir, welcome muna natin iyong mga bisita natin from Davao City and Cotabato City. Welcome po sa press briefing. Questions, MPC?

SEC. ROQUE:  Welcome!

ROCKY IGNACIO/PTV4:  Rose Novenario…

SEC. ROQUE:  Siyempre Rose, kamusta ka na? Wala ka kahapon…

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Ay ‘andito ako sir, noong second briefing ‘di ba?

SEC. ROQUE:  Oo, iyong part 2 nga pala. Okay, go.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Sir, may report kasi sir na iyong Director daw po ng Veterans Memorial Medical Center ay may suspension na hindi pa naise-serve hanggang ngayon. Paano siya na-appoint na Director ng VMMC kung mayroon po siyang ganoong—with finality po iyong suspension niya sa Supreme Court?

SEC. ROQUE:  Eh siguro po lumabas ang—well unang-una, wala po akong alam na impormasyon pa diyan. This is the first time I’m hearing about it, so I’ll have to verify. Pero ang possibility po is the suspension must have been belated ‘no. Alam ninyo naman ang mga desisyon ng Korte ‘no, minsan hindi naise-serve kaagad. But I have no information, I will look into that.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Sir, katulad po ng kaso ni Dr. Chiong ‘no, paano po ba iyong sistema ng pag-a-appoint po ng Presidente? Siyempre kailangan may background check…

SEC. ROQUE:  Mayroon po, ‘yan po ang ginagawa ng PMS ‘no. Pero pagdating po sa mga line agencies, ito po ospital, pero Veterans po ‘to ‘no, I suppose DND po ito ‘no; DND, DOH, siyempre po ang recommendatory diyan ay iyong mga line agencies. Pero ang background check po, ‘yan po talaga ang trabaho ng PMS, tinitingnan kung may mga kaso, tinitingnan kung may mga admin cases. Pero wala po akong alam dito sa Veterans, let me check.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Sir, in case po na may mga ganiyan, na hindi pala—na parang napalusutan po iyong Presidente, ano po iyong remedyong puwedeng gawin ng Palasyo?

SEC. ROQUE:  Eh kapag may order po ang Supreme Court, kailangan sundin.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, iyong kay Cesar Montano, what was the official reason given?

SEC. ROQUE:  I think he published his own letter.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Yeah, but does this mean his the resignation is either it’s because of what Secretary Puyat said na all of the DOT people tender their resignations so she can have a full slate or does it have anything to do with the 60 million?

SEC. ROQUE:  You’d have to ask Cesar Montano. I wouldn’t know.

JOSEPH MORONG/GMA7:  You don’t know from the Palace?

SEC. ROQUE:  I wouldn’t know. I read the letter just as everyone else, and that resignation letter was accepted.

JOSEPH MORONG/GMA7:  He was not asked to resign by the President?

SEC. ROQUE:  I have no information on that, but I knew that the resignation was filed. In fact he announced it to the world, because he was the one who posted his own resignation letter.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Accepted ‘yan, sir?

SEC. ROQUE:  Accepted.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, let’s talk about accountability. These are people, there are several officers appointed who have been caught with their hands in the cookie jar ‘no, pero anong mangyayari?

SEC. ROQUE:  As I’ve said, the Ombudsman should look into it because as I said, the Ombudsman has the constitutional mandate to conduct preliminary investigation to determine if they should be charged in court for violating the anti-graft law. So, nasa Ombudsman po ‘yan.

DAHREL PLACIDO/ABS-CBN:  Hi, good morning sir. On BBL sir. House leaders yesterday said they will ask the President to certify BBL as urgent since they’re working on a tight schedule. May we get an update on what the President intends to do?

SEC. ROQUE:  The President promised to certify it. I cannot absolutely guarantee that the version of the House will be certified, because I haven’t seen the text. But if it is in conformity with what was agreed upon, then there should be no problem. The President should certify it.

DAHREL PLACIDO/ABS-CBN:  Sir, will the President be meeting House leaders anytime soon regarding this?

SEC. ROQUE:  Hindi na po siguro. Basta ise-certify as urgent na ‘yan, eh pupuwede nang mapabilis ang pagpasa nitong BBL.

Q:  Follow up sir doon sa BBL. Kasi Congress will be adjourned sine die I think next week. So iyong certification ba as urgent will be done anytime soon like next week or…?

SEC. ROQUE:  Anytime soon po, kasi ‘yan naman ang napagkasunduan din para mapabilis. Iyong huling pagmi-meeting nila dito sa Palasyo para mapabilis, eh iyong magkakaroon ng certification as urgent para mapabilisan ng parehong chambers.

TUESDAY NIU/DZBB:  Good morning po. Sa issue ng West Philippine Sea, sir. Nakikita na natin iyong additional activities ng China sa South China Sea. Up to what extent po ng mga actions or activities ng China ang kailangan nating makita bago magpakita rin ang pamahalaan natin ng concrete action para mapigilan po ito?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po maintindihan, kasi ang assumption ninyo wala tayong ginagawa. Mayroon nga po, hindi lang inaanunsiyo – ‘yan po iyong deklarasyon ng Department of Foreign Affairs kahapon. Pero uulitin ko po, ang perspektibo ng Malacañang, wala pong bago dito. Lahat po ‘yan nangyari na, kaparte na po ‘yan ng kasaysayan. Bakit sila nag-reclaim? Gagamitin talaga nilang base militar iyon. So sa amin, hindi po bago ‘yan. Hindi po natin ‘yan kinukunsinti, ‘yan po’y dahilan kung bakit tayo’y naaabala rin.

Pero ang paulit-ulit na sinasabi natin, eh dalawa ang opsiyon natin ‘no: i-antagonize muli ang China or panindigan na hindi natin ipamimigay ang teritoryo. Paninindigan natin ang ating karapatan diyan sa karagatan na kabahagi ng ating exclusive economic zone, pero at the same time, moving on with our bilateral relations. Iyong mga puwedeng pagka-agree-han, agree-han natin. Iyong hindi pupuwedeng pag-agree-han, eh iwan na muna nating panandali.

Eh wala po talagang bagong kasagutan diyan sa mga tanong ninyo. Marami pong developments diyan sa mga island na iyan. Pero sa mula’t-mula po noong sila po ay nag-reclaim diyan, tingin ko alam na natin gagawin nila iyan mga base militar. Malinaw po iyan, hindi nila gagawing tourists attraction. At kinakailangan sa kanila ano, sa perspektibo ng mga Tsino ay gagamitin iyan para depensahan ang sarili nila, kasi ang mga Amerikano naman nandoon iyong aircraft carrier.

So, paulit-ulit pong sinasabi ng Presidente, girian po iyan ng dalawang bansa, hindi po tayo makikisali sa girian na iyan. Pero tayo po siyempre, eh nangangamba rin, dahil ginagamit po natin iyang karagatan na iyan para sa ating kalakalan.

Pero sa ngayon po pareho lang po ang posisyon natin, kahit ano pang mangyari diyan, walang teritoryong pamimigay, paninindigan natin ang karapatan at soberenya, pero we’ll move on issues that we can agree upon and set aside contentious issues for now.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Hi sir, good morning po uli. Sir, ano po iyong reaksyon ninyo doon na isa po si Joma Sison saka iyong asawa niya po niyang si Julie De Lima ang mga unang nakatanggap po ng martial law compensation na like 2.4 million. Sign po ba ito ng goodwill on the part of the government para po umusad na po iyong naudlot na usapang pangkapayapaan?

SEC. ROQUE: Tingin ko hindi naman related iyan sa usapang kapayapaan, talaga namang naging biktima sila ng martial law. At nagagalak naman po ang Palasyo na lahat ng mga biktima ay nakakatanggap na ng mga tseke nila ngayon, dahil importante po iyong konsepto ng reparation, bigyan sila ng kompensasyon, dahil nalabag ang kanilang karapatan noong panahon ng martial law.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Iyong ano po, posibilidad na umuwi siya rito, ano po iyong puwedeng ibigay po ng gobyerno na seguridad po para sa kanilang mag-asawa?

SEC. ROQUE: Ay sinabi na po ng Presidente, gagarantiyahan niya ang personal na seguridad ni Joma Sison at siya pa nga ang magbabayad ng mga gastusin ng mga uuwi ng Pilipinas at sasapi sa usaping kapayapaan.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, iyong kay Asec. Tolentino lang. Iyong sequence of events, nag-press conference siya to allege that some of those in the DOTR gustong ipangutang iyong project na may budget naman sa GAA, 36 billion. In short, may gustong kumita according to him, right?

SEC. ROQUE: Hindi ko alam kung iyon ang sinabi niya, ang sinabi niya is—tama po kayo ‘no, sinabi niya na hindi dapat ipangutang, mayroong budget diumano. Pero hindi ako sigurado kung sapat na iyong 36 billion na iyon, kasi we are talking about the entire Mindanao Rail program. Alam ko po hindi sapat iyon. Hindi po talaga sapat iyon kung iyong totality of the project, maybe a portion of it ‘no. Pero ang popondohan po ng Tsina is the entire network ‘no.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay. So in short, in other words, sir, meron siyang nire-reveal, some kind of a whistle blower ‘no? Wala bang interest iyong Malacañang to look into that allegation na baka, why are you—let’s focus on the first phase, kasi that is his concern, I think ‘no?

Well as far as the first phase is concerned there’s a budget, but there are people in the DOTr who say, baka puwedeng i-utang instead of using the budget, all right, that’s the kernel, that’s the gist of what he said. What he did was, he asked a sister of the President if he can go ahead with the press conference—oh, the bidding, the bidding. Sabi nung sister, yes.

Question number one, wala bang interest iyong Malacañang to know na baka may mga nangyayari sa loob?

SEC. ROQUE: Well, as far as I know, wala naman pong alegasyon ng korapsyon. Ang sabi lang niya, hindi na kailangang ipangutang; pero hindi po tayo talaga sigurado diyan. Pangalawa, hindi niya trabaho na magdesisyon ng ganoon. Ang talagang may trabaho po niyan iyong Cabinet member na si Secretary Tugade. At ang Presidente naman paulit-ulit niyang sinasabi, hindi niya mina-micromanage ang gobyerno, bahala si Secretary Tugade at may chain of command po iyan. Kung meron siyang ganiyang rekomendasyon, dapat binigay niya iyan sa kanyang mga amo diyan sa DOTr at hindi nagsalita na alam ko wala pang otoridad.

Pero ulitin ko po, kaya naman po nasisante, dahil nilabag niya iyong direktiba ni Presidente, kahit sino po, ‘wag magkakaroon ng kahit anong ugnayan, ‘wag makipag-usap sa kahit sinong kamag-anak pagdating sa mga kontrata ng gobyerno.

So hindi naman po isasantabi iyan. Siguro talagang mabubuksan ang debate kung kinakailangan mangutang o hindi. Pero kung talaga pong may pera tayo, ibig sabihin lang po noon, magagamit natin iyong pera natin sa ibang mga proyekto. Tuwa lang natin kung meron tayong excess budget, siguro mapopondohan ng universal health care at ipangungutang iyong proyekto ng Mindanao Railways. Pero iyang mga desisyon pong iyan, desisyon po iyan ng Secretary at hindi po ng Assistant Secretary.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, iyong sa Boracay, would we have any progress report, kasi medyo magwa-one month na siya and there are very interesting surprises there, for example, TIEZA pala iyong behind the septic tanks along the beach front, right?

SEC. ROQUE: Well, alam naman po ng Malacañang iyon na TIEZA talaga ang in charge doon sa mga sewerage lines at siya nga ay nagkaroon ng kontrata kasama iyong isang water concessionaire, alam po natin iyon; tapos binigyan pa siya ng halos isang bilyon para naman doon sa rain water drainage na dapat gagawin ng TIEZA na sana ngayon ay mapabilis.

Pero ang report po ay gaya ng report ng inter-agency ‘no, eh be-bente singko (25) lang po, out of 1,000 plus establishment ang sumusunod sa ating mga batas ng kalikasan. So, mabuti nga po naisara na ang Boracay, dahil ngayong sarado siya eh nagkakaroon tayo ng compliance audit at lumalabas na halos walang compliant talaga diyan sa isla na iyan. So isang mabuting balita po iyan na malaman natin na ang dami pa lang mga hotel na may mga tubo na papunta mismo sa white beach. Ang akala natin doon lang sa likod, pero pala, may mga diretso nang nagde-discharge ng kanilang waste water, sana naman hindi galing sa kanilang mga toilets ‘no. Pero no pa, ano pang tubig ang ide-discharge nila, doon mismo sa white beach ‘no.

So sa akin po, iyan po ang kinabuti na walang tao ngayon sa Boracay at nakikita natin lahat ng dapat bigyan ng solusyon.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, may mga construction—you know naman maraming construction doon, pero may iba doon na ang permit to build, mga pinirmahan, mga May 9, after the closure, bakit may mga ganoon?

SEC. ROQUE: Pero wala po ngayong pupuwedeng mag-construct. So, kung meron mang napirmahan, suspended po ang work at napakadali naman i-monitor niyan, kasi pati iyong  labas pasok ng mga materyales kontrolado.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Sir, first anniversary po ng Marawi crisis. Ano po yung mensahe ng Palasyo rito at pupunta po ba si Presidente sa Marawi?

SEC. ROQUE:  Ang pagkakaalam ko po, pareho kaming pupunta, pero wala pa sa schedule, so hindi ko pa po makumpirma ‘no. Pero may mga plano na po na nandoon kami sa komemorasyon at—so magkakaroon po talaga ng mensahe ‘no. Pero tingin ko po matutuloy din naman pagpunta doon ni Presidente, but we are assuming he will. Pero siguro security considerations will prevent us from actually confirming it ‘no.

But of course the President will deliver the message. Kami po ay in the process of collating the gains so bukas po sa—sa Thursday po, in fact wala tayong press briefing dito dahil ang press briefing will be in Marawi. So, you can join us or you can join us via PTV 4 and facebook. Pero doon po ang press briefing ko sa Thursday.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi sir, one year after the Marawi crisis. Is the Palace satisfied with how things are going with the rehabilitation and reconstruction in Marawi?

SEC. ROQUE:  Satisfied naman po ‘no, at buo ang tiwala ni Presidente kay General Del Rosario ‘no.

Ang mabuting balita po is as far as the residents are concerned eh 70 percent of the residents have gone back ‘no to their homes. We have provided temporary or permanent homes to 70 percent of them; so iyan po ay in a year’s time ‘no. We are even ahead of schedule pagdating po doon sa mga rebuilding of the communities. Of course iyong most affected area po eh sisimulan pa lamang, siyempre po gaya ng maraming mga taga Marawi eh naiinip na rin tayo ‘no pero kinakailangan po talagang dumaan sa proseso iyang rebuilding ng ground zero.

But ang importante po 70 percent of the residents have gone back to Marawi are occupying homes that we built for them and life goes on for a greater majority of the residents of Marawi.

HENRY URI/DZRH:  Good morning. Secretary, iyong nangyari sa Imus, Cavite na bumagsak iyong mga beam doon sa ginagawang flyover. Anong direktiba ng Pangulo sa DPWH dito sa madaming ginagawang infrastructure project kaugnay sa build, build, build program?

SEC. ROQUE:  Eh siyempre po ang report naman na nakalap namin human error naman po ata iyan ‘no, talagang nabangga ata ‘no. Hindi naman iyan inherent defect ‘no. So siyempre po pinag-iingat ng mas matindi pa ang ating DPWH para maiwasan itong mga ganitong pangyayari ‘no. Eh talaga pong dahil sa build, build, build program marami tayong infrastructure projects at siguro po pasasabihan natin ang DPWH na lalo pang palakasin iyong mga hakbang na gagawin para maiwasan itong nangyari sa Bacoor.

HENRY/DZRH:  May plano ba ang Palasyo na ipa-audit itong mga contractor?

SEC. ROQUE:  Well, tingin ko naman po ‘no, ang DPWH maski hindi mo uutusan eh binabantayan naman iyan kasi itong Bacoor po hindi naman ito malayong lugar. Dito po iyan, nakikita talaga iyan at sinusubaybayan din iyan ng DPWH.

HENRY/DZRH:  So tanggap po ng Palasyo iyong human error lamang iyong nangyari sa—

SEC. ROQUE:  Iyan po ang report na nakalap so far ‘no, pero hindi rin po katanggap tanggap iyan dahil siyempre safety first.

HENRY/DZRH: Alright. Thank you.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, what do you think of the statement that China said that they are not militarizing the South China islands and that it belongs to them?

SEC. ROQUE:  Eh posisyon po nila iyan ‘no pero tayo po mayroon tayong arbitral decision. Now let me qualify kasi iyong pinag-landingan ng bombers hindi naman natin kine-claim iyon ha, Woody is not an area that we have any claims on.

JOSEPH/GMA7:  We know that sir.

SEC. ROQUE:  Of course, kaya nga mayroong dispute eh. Eh ‘di kapag hindi nila sinabing hindi sa kanila iyon at sa Pilipinas iyon eh ‘di wala ng dispute; but we have also said that what is ours is ours.

JOSEPH/GMA7:  And in the context of the arbitral tribunal, what is our position?

SEC. ROQUE:  Consistent position.

JOSEPH/GMA7:  Which is?

SEC. ROQUE:  Which is that the arbitral tribunal is evidence that it is built on waters which form part of our EEZ and only the Philippines has sovereign rights to construct those islands.

JOSEPH/GMA7: And the nine dash line?

SEC. ROQUE:  The arbitral award is clear that they—it has no legal basis.

JOSEPH/GMA7: Okay, thank you.

CHRISTINE AVENDAÑO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER:  Sir, you said the government will pursue iyong—will continue to pursue diplomatic initiatives when it comes to China problem. So iyong suggestion of Justice Carpio that we – if ever – get together with the rival claimants, is it also parang part of our diplomatic initiative? Are we open to that suggestion?

SEC. ROQUE:  Let me just say that, just because we have not said anything in that regard, does not mean we are not doing anything. That’s covered by what the DFA says, that we can’t publically announce what we are doing, but you know it goes without saying that that possibility is there, that we’re quietly working with our ASEAN neighbors especially those with similar claims and an overwhelming number of us in fact within ASEAN have claims. In fact all the claimants except for China are fellow ASEAN countries.

So by having common statement for instance, we are already doing that. So I ask Justice Carpio, I appreciate your nationalism but come on look at the statements that we just made; by insisting on ASEAN’s statement, aren’t we asserting and working with other countries with similar claims? All other claimants are from ASEAN.

CHRISTINE/PHILIPPINE DAILY INQUIRER:  So you are saying, we are already doing it?

SEC. ROQUE:  We’re doing that. But not making a big deal out of it, because unfortunately in diplomacy, you don’t really have to announce everything that we are doing.

CHONA YU/RADIO INQUIRER:  Sir, I just would like to go back doon sa missile system. Sabi ninyo po dati na wala pa tayong technology to verify that report and that we are waiting for the technology, ano pong update doon or have you verified na nga kung mayroong ganoon?

SEC. ROQUE:  I think I have announced what it is that we need which we don’t have need to make public ‘no. But it will be delivered within the year. If I’m not mistaken the month mentioned to me was August, so we are procuring that equipment and it’s coming soon.

CHONA/RADIO INQUIRER: What country sir?

SEC. ROQUE:  I don’t know.

CHONA/RADIO INQUIRER:  China?

SEC. ROQUE:  I don’t know. Thank you very much. On Thursday we’ll be broadcasting from Marawi. Ah may isa pa?

GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Hi sir.

SEC. ROQUE:  Yes, Ma’am.

GENALYN/MANILA BULLETIN:  Sir, may oil price hike ulit ngayong araw na ito. Is the government preparing any contingencies to protect the public especially in case the oil price has reached a hundred dollars per barrel in the international market?

SEC. ROQUE:  Ang alam ko po excise taxes will be suspended if they reach a certain amount, if I’m not mistaken 80. So we’re ready kung talagang umabot ng ganiyang kataas na isuspinde ang koleksiyon ng excise taxes pagdating sa produkto ng langis. At bukod pa po diyan eh makipag-ugnayan po ako ‘no kasi apparently iyong iba pang mga benepisyo na dapat ibigay ay dapat i-release na ‘no as a result of TRAIN dahil hindi lang iyong 200 pesos amelioration fund ang dapat ibigay, marami pa pong mga biyaya na dapat ibigay at makipag-ugnayan po tayo sa Department of Finance at sa DBM at tatanungin ko kung nai-release na ba iyong iba pang mga biyaya intended to ameliorate o ibsihan—ibsan iyong epekto ng TRAIN. Okay?

CHRISTINE AVENDAÑO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, kasi iyong question ni Hannah yesterday that—you said you’re gonna clarify whether the President was—who the President was referring to when he said about the—iyong matrix—iyong mayroon affairs iyong priest, was he referring to—

SEC. ROQUE:  I’ll answer and then let’s call it a day. It’s—yes it was Father Ventura.

Q:  Akala ko follow up sa—

SEC. ROQUE:  Tama na, last question na eh.

CHRISTINE/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, why did he have to—

SEC. ROQUE:  I do not know. I do not know. I’ll ask him, but I do not know

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Sir, may sinasabi po kasi iyong ibang sektor na bakit po hindi inimbestigahan yata ng polisya iyong anggulo na anti-mining advocate iyong pari sa halip na parang idinidiin siya doon sa parang may love angle theory iyong mga ganoon?

SEC. ROQUE:  I’m sure ang kapulisan po lahat tinitingnan, pero nandoon din po iyong aspeto ng love angle. Kahapon po iyong bisita natin dating gobernador ng Cagayan, binigyan din niya ng kumpirmasyon na iyan din ang impormasyon nila doon sa nasirang kaparian na si Father ‘no. So kumbaga it’s—anyway, ganoon po ‘no I’m sure they are investigating all angles.

ROSE/HATAW:  Thank you.

ROCKY IGNACIO/PTV4:  Okay, thank you. Thank you Malacañang Press Corps.

SEC. ROQUE:  Thank you. See you from Marawi on Thursday.

ROCKY/PTV4:  Okay, thank you Presidential Spokesperson Harry Roque. Back to our main studio sa Radyo Pilipinas and People’s Television Network.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource