Press Briefing

Press Conference of Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go


Event Press Conference
Location Guest House, Malacañan

SAP GO:  [airing starts]…nakita ko iyong litrato, hindi naman ako nakakapunta ng Abra pero may nag-organize doon na mga kaibigan ko na sila Mayor Seares ng Dolores, Abra… makita natin na since 17 years old pala siya, mayroon nang ano, mayroong tumubo sa likod niya na cyst or… Kaya lumapit sa akin ngayon dito, ipapagamot nga natin. Ipapadala ko sa PGH at—ito siya oh… nakapuntos rin, naka-four points pa siya. Siya ito, sumali sa three-point shootout.

So ibig ko pong sabihin na kahit na napakalayo po, maaring gustong sumali sa three-point shootout at sa inorganisa namin na three-point campaign laban sa droga, korapsyon at saka sa kriminalidad, dumarami po ang sumasali. Ito po nakita ko, may problema nga po sa—may kapansanan, so ipapadala po namin sa PGH since mayroon naman pong pondo si Pangulong Duterte sa PGH at open po ito sa lahat ng nangangailangan.

So Patrick, pakidala na lang sa kaniya sa PGH. Pa-check mo na lang kay Dr. Legazpi. Binigyan ko rin siya ng sapatos, kasi naka-tsinelas lang po siyang sumali – at naka-score po siya four points po. So lahat ng mga—kahit na po may mga kapansanan, puwede kayong sumali sa mga three-point shootout namin, umiikot po iyan.

Pangalawa… hindi yata kayo interesado doon, mas interesado kayo dito sa ano ko… Ito na, babasahin ko na lang po muna iyong statement ko ano:

Kris Aquino reached out to me and we conveyed our apologies for the incident…” ‘we’ ibig sabihin kami po ni Pangulong Duterte. Noong dumating po siya kagabi at nakuwento ko nga sa kaniya iyong buong pangyayari, nasa sasakyan kami at tinext ko po si Kris Aquino kaagad. Nag-text siya sa akin mga around 8 P.M., nasa eroplano pa po kami pauwi ng Pilipinas.

So, we conveyed our apologies for the incident concerning her and Mocha. We understand the emotions of both sides since both leaders…” I’m referring to President Duterte and former Senator Benigno Aquino, “are well respected and loved.

Nag-usap kami ni Mocha kanina, at nagkasundo na tapusin na ang isyung ito. “We all agreed to put this issue to rest, out of respect to all our fellow Filipinos. I believe that politics should not divide us,” magtulungan na lang tayo kaysa mag-away-away para sa ikakabuti ng bayan.

So, question po?

Q:  Good afternoon, Sec. Bong. Gusto ko lang po malaman, ano po iyong exact job description or iyong extent of work ni Asec. Mocha?

SAP GO:  Sa pagkaalam ko po, siya iyong Asec. for Social Media. Siya po iyong nagko-cover kay Presidente, kung saan man pumunta si Presidente.

Q:  Ano po iyong salary grade ni Asec. Mocha?

SAP GO:  I will check first the exact figures and salary grade po. But her position is Assistant Secretary po under PCOO.

Q:  Sir, last question. More often, what was her duty during trips abroad or with the President?

SAP GO:  Sa pagkaalam ko po, nagko-cover siya sa mga lakad ng ating Pangulo. At pangalawa po, since isa naman po siya sa medyo popular po sa mga OFW at inaantay po siya ng mga OFW na makita siya.

Q:  Sir so, parang may assurance from Asec. Mocha na maiiwa—or hindi na mauulit iyong ganitong, parang pangyayari na… maiiwasan po ba?

SAP GO:  Ikuwento ko lang po konti. Alam ninyo po iyong sinabi ni—noong nalaman nga namin na mayroong video na in-upload nga, nalaman ko na lang noong hapon or paalis na ho kami ng Korea. Ang issue po dito iyong paghalik ni Pangulong Duterte doon sa isang Filipina. Na-explain na po ni Pangulong Duterte—alam ninyo po ako mismo, saksi po ako noon… noong Mayor pa po siya. Alam ninyo po si Pangulong Duterte ano iyan, mahal niya iyong kapwa niya eh, wala siyang pili – kahit na bad breath ka man o may sakit, walang pili. Iyan ang tawag na sign of affection and love to fellow Filipinos.

Alam ninyo, wala pong politikong makakagawa… maniwala kayo. Pangalanan ninyo po kung mayroon bang politiko na nakagawa na—kahit na Mayor siya noon, Vice Mayor… umiikot siya sa mga barangay, wala siyang pili. Ako mismo tinatawag niya ganito, kahit—may isang beses nga bakla nahalikan rin niya, kasi akala niyang babae; wala siyang pili – matanda, bata… ganoon niya kamahal iyong kapwa. Sa Bisaya, hindi siya luuran (hindi siya maarte) ba, hindi iyong… walang arte si Presidente. Para sa kaniya pantay-pantay ang mga Pilipino, pantay-pantay tayong lahat – ganoon siya, maka-masa talaga si Presidente.

Q:  Hi, sir. Sir doon sa discussion ninyo po with Asec. Mocha, when you agreed na tapusin na iyong issue, what does that exactly mean? Did you advise her not to respond anymore to the posts of Kris Aquino, because Kris Aquino did have some? Parang may challenge siya na magkita raw sa kaniya, how do you plan to actually…tapusin na?

SAP GO:  Actually ang sabi ni Mocha sa akin, ang purpose lang ng kaniyang pag-upload na iyon is pinapakita niya na itong parehong—both leaders, both are well-loved. Ibig sabihin—kita mo, nakita mo iyong picture na hinalikan; lumapit rin at hinalikan – ganoon rin si Pangulong Duterte, parang lapitin talaga sila sa masa at sa mga kapwa Pilipino. Kaya lang sabi ko kay Mocha, “Mocha…” sabi ko siyempre iba iyong emosyon ni Ma’am Kris Aquino na nasaktan siya dahil naalala nga—sabi niya naalala nga niya iyong pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Hindi man lang niya nayakap nang mga huling sandali. Sabi ko, intindihin na lang natin si Kris Aquino ukol dito.

Q:  So, did you tell her to not respond anymore? Ganoon po ba iyon?

SAP GO:  Ah… she will also apologize.

Q:  She agreed to that, sir?

SAP GO:  I think…

Q:  A public apology, sir?

SAP GO: Maybe. Baka pauwi siya ngayon, may mga kasabay siya… tanungin ninyo na lang po siya. At sang-ayon naman siya sa amin ni Pangulong Duterte sa pag-sorry po.

Q:  Okay. Sir just to be clear about it, you did mention na Asec. siya for Social Media and although her post was uploaded on her personal blog, just for the record – do you share or do you support the way that she defended the President through her posts, uploading the photos of the late Senator?

SAP GO:  Actually, wala naman po sigurong intensiyon si Asec. Mocha na makasakit ng mga damdamin, kaya kami na lang po muna ang naunang nag-sorry at nag-apologize. Kinumpara lang po niya iyong paghalik ng isang Pilipina sa isang hinahangaang—minamahal na leader. At iyong paghalik rin ni Pangulo na isa ring minamahal na leader, paghalik rin po niya sa kapwa niya Pilipino.

Q:  Thank you, sir.

SAP GO:  Ah kami naman ni Kris Aquino, matagal na rin kaming kaibigan at… picture pa kami rito noong mataba pa ako. Ito, sinamahan ko siya doon sa Marina Tuna at tumatawag naman talaga siya sa akin at minsan mayroon siyang gustong iparating, at nakikinig naman ako sa kaniya.

Q:  Hi, sir. Sir, sabi ninyo kanina parang tinawagan ba kayo—how exactly happened, sir, kung papaano iyong conversation ninyo with Miss Kris Aquino; siya po ba ang unang tumawag o kayo ang tumawag?

SAP GO:  Nag-text po siya sa akin kagabi around… mga about 8 o’clock ng gabi, nasa eroplano po ako. So pinadala niya uli ng 1:12 a.m. kaninang madaling araw, kasi akala niya siguro hindi ko nabasa, nasa eroplano nga po kami between 8:30 to 11:50.

7:30 Philippine time umalis kami ng Korea and we arrived Philippines, 11:30, Philippine time. So doon ko po nabasa, bago yata iyong number niya. Iyong number ko na naka-save sa cellphone ko, hindi na po iyon ang ginagamit niya. Nagpalit na po yata.

Sabi niya, “Bong, this is Kris Aquino. I am personally reaching out, we have been friends and my heart wants to believe you, still have a soft spot for me.” Sabi niya, “I will understand, if you snob me, because sino ba naman ako, pero sinaktan talaga ang puso ko sa ginawa ni Mocha. Alam mo never akong nagsalita, nag-post or naringgan ng anything against PRRD. Dahil marunong akong rumespeto. Sana Bong wag lang ang Mom at Dad ko, nanahimik na sila sa langit. Please.” May sinabi pa siya rito, pero hindi na, pulitika na ito. Sabihin ko pa ba?

Q:  Sir, kung puwede mong i-share.

SAP GO:  Alam mo, “I will even campaign for you, because I believe in you, but why leave the President, why leave Malacañang, baka ahas lang ang gustong kunin ang posisyon mo.” Ma’am Kris, hindi naman ako kandidato. So maraming salamat sa tiwala mo at sa paniniwala mo sa amin ni Pangulong Duterte. Maraming salamat.

Q:  And sir, how did you respond to her text, sir? Nag-text ka rin ba sa kaniya o tumawag ka sa kaniya to answer?

SAP GO:  Wala na, iyon lang po, nag-text na lang ako na ‘we are sorry for the incident po.’

Q:  Sir, would you describe, sir, as a reprimand iyong pag-uusap ninyo ni Asec. Mocha Uson? Napagalitan ba siya, sir, would you describe it as such?

SAP GO:  Alam mo, si Mocha talagang loyal supporter iyan ni Pangulo noong kampanya po. At hindi naman namin siya ma-control kung iyon ang naging post po niya ukol sa bagay na ito at meron pong nasaktan. Kaya kami na lang po ang humingi muna ng sorry po.

Pero iyong intention niya po talaga ukol dito ay iyong paghahalik po ng isang well-loved ang respected leader sa kapwa niya, iyon ang naging isyu po rito.  Kaya ine-explain ko sa inyo – at uulitin ko po – hindi lang po iyan ngayon lang nagawa ni Pangulong Duterte, nagagawa niya iyan kahit na po, kahit sino, kasi wala po siyang pili, hindi naman po sa walang respeto sa babae.

Alam n’yo po napakataas ng respeto ni Pangulong Duterte sa mga babae. At unang-una, kahit na po sa… may mga lalaki diyan na napapagalitan yung—pag lumalapit sa kaniya, nirereklamo iyong asawa nila, iyong mga pulis, talagang pinapakinggan ni Pangulong Duterte itong mga misis at talagang nire-reprimand niya itong mga lalaki na nang-aapi sa mga asawa.

Ganoon po kataas ang respeto ni Mayor Rody Duterte sa mga kababaihan, siya po ang nilalapitan ng mga kababaihan. Sa mga helpless, sa mga hopeless po natin na mga kababaihan, siya po ang nilalapitan.

Q:  Sir, following the incident, sir, on social media particularly. May mga calls for Asec. Mocha Uson to step down or to be fired from the job, iyong kaniya po bang—o itong latest incident ba, sir, ito ay may grounds for at least a sanctions po?  

SAP GO:  I am sorry, but I am not the appointing authority. Ginagawa ko lang po ang aking trabaho. Kung maari pong magkaisa tayo, hanggang doon lang po ang kaya kong gawin.

Q:  Ano po ang naging initial reaction po ni Pangulo when he learned about the incident, sir? 

SAP GO:  Wala na pong dinagdag si Pangulo. Sabi niya—siguro naintindihan naman po niya iyong punto rin ni Kris, iyong naalala niya iyong pagkawala ng kanyang tatay. At sabi niya, sabihin mo na we are sorry for the incident.

Q:  Sir, good afternoon. Sir, one just question. Sir, did you give any guidance or what particular guidance did you give Asec. Mocha so as not to repeat similar incident?

SAP GO:  Alam n’yo po si Asec. Mocha ay matanda na at meron na siyang sariling pag-iisip at alam naman po niya kung ano po iyong tama at mali. Ang nasabi ko lang po sa kaniya, wag na tayong—ayaw kong may masaktan pa at lumaki pa iyong—alam mo may mga emotions na natamaan dito o nasaktan dito. Wag na nating—sabi ko, puwede, wag na nating palakihin and she agreed naman na mag-apologize na rin po.

Q:  Sir, you said maybe mag-apologize po si Asec. Mocha. Ano po iyong likelihood na mangyari po ito and is this a public apology or personal po na iko-convey?

SAP GO:  Meron pa bang naiwan na mga MPC yata sa plane, baka puwedeng tanungin… patanong na lang mismo si Asec. Mocha. But, nag-agree naman siya sa amin ni Presidente Duterte.

Q:  Hi, sir. Sec, do you still consider Asec. Mocha as an asset or liability sa administrasyon po?

SAP GO:  No comment po ako diyan.

Q:  Pero regarding doon sa controversy ngayon. Did you—kayo po ba o ang Pangulo or anyone sa Cabinet po nagbigay ng advise or like an ultimatum na hindi na niya gawin iyong ganitong klase, kasi makakasira din naman sa image ng Pangulo? 

SAP GO:  Kakausapin ko po si Pangulong Duterte ukol dito since he is the appointing authority.

Q:  Sec, good afternoon. With your permission, can we ask other issue? 

SAP GO:  Tungkol po saan, baka hindi ako authorized na magsalita ukol dito.

Q:  Quo warranto.

SAP GO:  Hindi po authorized po magsalita tungkol diyan. So, I’m sorry. Iyong ano lang po, may Spokesperson tayo. Yes, sir.

Q:  SAP, ine-announce iyong pagkakasibak kay Dela Serna recently noong Monday. Pagkatapos, kahapon – for the record lang, sir. Kung mananatili siya as Board Member talaga ng PhilHealth, inalis lang sa kaniya iyong pagiging OIC ng PhilHealth?

SAP GO:  No comment rin ako diyan. Nagbigay na yata ng statement si Sec. Harry Roque, presently Board member pa rin po siya. Kasi—actually acting President-CEO yata siya noong nakaraan. She was elected by the Board and then ngayon elected rin yata iyong present Board Members ng kanilang bagong presidente, Acting President also.

Q:  SAP, meron pa bang masisibak next week or sa mga darating na araw?

SAP GO:  Sino ba iyon, meron bang bago?  Sino ba iyong bago.

Q:  Parang meron, sir.

SAP GO:  Actually wala namang katapusan iyan, basta may makita si Presidente na hindi ayon sa linya ng kanyang governance. Alam n’yo na po ang ibig kong sabihin. Pag pumasok ka sa corruption, even a whiff of corruption, talagang sisibakin kayo ni Pangulong Duterte at bibigyan naman kayo ng due process. Pero kahit na kaibigan o kasamahan niya or supporter niya, basta pumasok sa corruption, galit talaga si Pangulo sa corruption.

Q:  Sir, sa mga taga-Davao—sa tingin ninyo, sir, dapat masanay na rin iyong mga Pilipino sa –like kung papano po magpakita ng pagmamahal si Presidente sa mga tao?

SAP GO:  Uulitin ko lang po. Maaring hindi lang sila nasanay kay Pangulong Duterte pero ako po mismo saksi, 20 years ko po siyang halos araw-araw na nakakasama, wala pong pili ang ating Pangulo. Ganoon po siya, sobrang maka-masa, lahat po niyayakap, lahat po hinahalikan niya, ibig sabihin hindi halik ng may malisya, halik po iyon ng pagmamahal niya sa kapwa niya. Subukan n’yo po, wala pong ibang pulitiko na makakagawa niyan, si Pangulong Duterte lang. Believe me.

Q:  Sa tingin n’yo sir, kayo po, sir. May dapat bang ihingi ng sorry o apology si Asec. Mocha?

SAP GO:  Antayin na lang po natin iyong pag-sorry niya at magso-sorry naman daw po siya.

Q:  You said that Asec. Mocha agreed to put issue to rest. Was she advised to delete her facebook post, sir? 

SAP GO:  Wala naman kaming pinag-usapang ganoon. Kasi alam n’yo naman iyong Facebook o iyong pag-post na iyan, kahit i-delete mo sa mismong page mo or Facebook page mo, kakalat na iyan, hindi mo na mako-control iyan eh.

Q:  Sir, iyong invitation po ni Kris Aquino kay Mocha Uson na mag-debate. Ano po iyon, may guidance kayo if at all kay Asec. Mocha po?

SAP GO:  On my part po, sana hindi na po umabot sa ganoon, sana po hindi na lumaki at magkaisa na lang po tayo. That’s part of my statement po kanina.

Q:  All right. Sir, just to be categorical po. Sa pananaw n’yo po and sa pananaw ni Pangulong Duterte, sir, iyong ginawa ni Asec. Uson, ito po ba ay tama or mali? Just to be categorical, sir. 

SAP GO:  Alam ninyo may kaniya-kaniyang punto sila eh. Si Asec. Mocha, pinapakita lang niya na ito leader na ito, oh kita ninyo hinalikan rin ng isang babae doon sa eroplano. So, ibig niyang sabihin doon is pareho silang well-loved, well-respected pero hinahalikan sa lips. Ganun naman rin kay—dinidepensahan ni Asec. Uson iyong ginawa ni Pangulong Duterte. So—nagkataon lang po na may anak po na naging…nasaktan. Iyon po ang aming hinihingian ng sorry.

Q:  Looking back, sir. Had she asked you kung if it was proper to post something na ganoon, sir? 

SAP GO:  Wala po, hindi po kami nag-uusap tungkol diyan, kung ano pino-post niya. Hindi ho namin kontrolado si Asec. Uson ukol sa mga pino-post, wala kaming pinag-usapan.

Q:  Pero, sir, kung halimbawa natanong ka niya na is it something proper na ipo-post, would you advise her otherwise to post it or not?

SAP GO:  No comment.

Q:  Sir, but we understand that Asec. Uson is a defender of the President. She likes doing that. But, it’s the way—the specific issue is the way she defended the President in this particular case. Are you saying that it was right for her to compare the President kissing women to the late senator being kissed by other women and not initiating it and another fact that they are no longer around to defend themselves. Was it a right… I mean, that strategy that she used in defending the President, tama po ba iyon? 

SAP GO:  Siguro that’s her—I mean, iyong yung paraan niyang para i-kumpara iyong—kasi pareho nga silang well-loved, well-respected. Ang isyu kasi dito is iyong issue about respect for women. So parang pinapalabas ng mga critics na hindi nirerespeto ng ating Pangulo ang mga kababaihan. Which is, alam naman nating napakataas ng respeto ng ating Pangulo sa mga kababaihan. Siguro, iyon lang iyong naging paraan niya para depensahan ang ating Pangulo. At kami naman, hindi—ngayon lang namin naisip, siyempre na mayroon nga pong nasaktan since si Ma’am Kris nga po sabi niya, naalala nga. Kaya po, kami na ho ang nag-extend—naunang nag-extend ng sorry and nag-apologize po.

Q:  Uhum. But do you agree that she’s basically saying na similar si President Duterte and the late Senator when it comes to their approach to women?

SAP GO:  Pareho silang medyo ma-appeal eh. Mahal nga, ibig sabihin hindi naman ‘appeal’ na dahil… as macho na ganoon – well loved, well respected, minamahal, niyayakap.

Q:  At nanghahalik?

SAP GO:  Nagmamahal sa kapwa.

Q:  Okay. Lastly, sir. Considering the negative feedback that was also generated, of course not all, by the President’s actions, is there still—is there any effort on the President’s part to maybe adjust his actions or his approach in dealing with people in general, so as to—just to avoid the negative feedback at the very least?

SAP GO:  Ulitin ko po, I’m not the appointing authority of Asec. Mocha, so I will ask si—

Q:  Si Pangulo po mismo, si Pangulo po. Mag-a-adjust po ba si—is there any effort on the President’s part to adjust, considering that some of his actions do generate negative feedback katulad po noong nangyari doon sa kissing incident in Seoul?

SAP GO:  Si Pangulong Duterte na po ang makakasagot niyan, kung ano sa tingin niya po.

Q:  Sir sabi ninyo kanina ‘we apologize’, so kayo and the President. So, kinausap din po ba nang personal ni Pangulo si Asec. Mocha?

SAP GO: Hindi po. Gaya ng sinabi ko, kaka-landing namin kagabi at natanong po sa—during presscon noong arrival statement ni Pangulong Duterte, hindi ba natanong siya? Nagulat nga siya eh, hindi pa niya alam iyong kabuuan ng istorya. Noong nai-kuwento ko po sa kaniya at binasa ko rin sa kaniya iyong text ni Ma’am Kris Aquino, wala na ho kaming ibang pinag-usapan. Sabi niya, sabihin mo na we are sorry for the incident.

 

Q:  Nabanggit po ba ni—noong nakausap ninyo po si Asec. Mocha, nabanggit niya po ba kung kailan niya planong mag-sorry kay Kris Aquino?

SAP GO:  Nag-agree naman po si Asec. Mocha sa amin sa pag-apologize namin ni Pangulong Duterte for the incident. And sa tingin ko, magso-sorry din siya ngayon kung may media pong makapag-interview sa kaniya.

Q:  Thank you, sir.

SAP GO:  Thank you. Lastly, mayroon lang akong gustong i-share sa inyo since nandidito na rin lang kayo. Sabi ko nga, iyong opisina namin bukas po sa lahat po ng nangangailangan.

Mayroong isang table tennis na player dito. Saan na iyong table tennis player?  Ito siya, 11 years old, taga-Nueva Ecija, started playing table tennis at the age of 8 years old, sumali po siya sa recently concluded na world championship of ping-pong in London, and sumali rin siya sa Philippines Super League Table Tennis Tournament. Sumali rin siya doon sa Naga for selection of players for Philippine Team, kaya lang po kailangan niya ng konting tulong – uniporme, titirhan… at sa kaniyang pagti-training po. At diyan na ho si Comm. Fernandez, Pinakiusapan po namin si Comm. Fernandez ng PSC kung papaano po namin siya matutulungan through PSC and through our office po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource