Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location Malacañang Press Briefing Room, New Executive Building

ROCKY: Good morning Malacañang Press Corps; and guests from India, good morning. Welcome sa regular press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Good morning, sir.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po Pilipinas and good morning to the ladies and gentlemen of the Malacañang Press Corps.

Kinukumpirma po natin na sinuspinde ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng back channel talks sa National Democratic Front habang nirerepaso po sa loob ng tatlong buwan ang lahat ng pinirmahang kasunduan na may kinalaman sa usaping pangkapayapaan.

Gagamitin din po natin itong tatlong buwan na ito upang konsultahin ang mga ahensiya ng pamahalaan at taumbayan ukol sa negosasyon at mga isyung napapaloob dito. Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng suporta at tumulong para maisulong ang usaping pangkapayapaan partikular ang Royal Norwegian government.

Now, good news naman tayo! Ang good news po natin ngayon ay unang-una po, we are pleased to announce that the Bangko Sentral ng Pilipinas reported a 12.9% year-on-year increase reaching an amount of 2.6 billion US dollars in its April 2018 remittances from overseas Filipinos; this higher compared to 2.32 billion worth of remittances in 2017 of the same month.

This growth reflects a 17 month high rebound in the personal remittances from 18.4% growth in November of 2016. In addition, January to April recorded remittances amounting to 10.4 billion which is already 4% higher compared to last year’s 10.03 billion remittances of the same period.

We also are pleased to inform the public that the Philippine remains to be a tourist hub for local and foreign visitors. The Department of Tourism reported that the country’s cruise calls in 2017 reached a total of 140, with 195,751 passengers; surpassing by 63% its target 105 cruise calls with a 117,000 passengers.

In addition, the tourism agencies are optimistic to bring a 190 cruise calls and 329,000 passengers for this year.

So that’s the good news. Questions please.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi sir. Sir, what does the Palace think about the Ombudsman’s decision to file charges of usurpation of legislative power against PNoy and Secretary Abad?

SEC. ROQUE: Well, we welcome of course any effort to bring about accountability of public officers. However, if you will recall, I was the one who argued in Supreme Court against the constitutionality of DAP. Of course, I personally—I’m asking why it took all these time before anyone could be charged with DAP. I think it’s been over 4 years since a decision came out.

And number two, again, some quarters are already asking, why only usurpation which is punishable only by six months. The original complaint was for malversation.

But nonetheless, the position of the Palace is: it is the call of the Ombudsman as a Constitutional office to file these charges and we are still nonetheless pleased that, again, the Ombudsman has filed information to bring about accountability even from one who was the highest officer of the land, former President Noynoy Aquino.

VIRGIL LOPEZ/GMA NEWS ONLINE: Sir, do you think malabnaw iyong kasong ipa-file kay President Aquino like, it should have been malversation ba or technical malversation or—

SEC. ROQUE: Wala po kasing krimen na technical malversation, pero merong malversation. So—hindi ko pa po nababasa ang desisyon ng Ombudsman. I could only surmise, kasi wala sigurong personal benefit, kaya ginawa nilang usurpation. Pero dapat po siguro kinonsidera rin na iyong person of benefit hindi naman benepisyo sa sariling bulsa, pupuwede rin naman gaya ng sinabi ni dating Senador Jinggoy Estrada na ito’y pinambili ng boto para sa impeachment.

So sa akin konsiderasyon na rin po siguro iyon. So dapat siguro na-consider iyong ganoong aspeto. But it’s the call of the Ombudsman as we all know.

ACE ROMERO/PHIL STAR: Secretary, the President mentioned about—iyong sinabi niya kahapon na meron daw mga hindi nilabas si Ombudsman about DAP cases. Do you have information about that?

SEC. ROQUE: Well, ang reklamo po talaga at hindi lang nanggagaling naman sa Presidente, ang kinasuhan lang sa DAP talaga iyong oposisyon noong mga panahon ni Presidente Aquino; kaya nga po ang reklamo ng marami – selective justice.

So—I am sure po, marami pang dapat kasuhan na hindi pa nakakasuhan at iyon po ang tinutukoy ng Presidente na may hawak siyang mga dokumento, dahil ito po ay mga kaalyado ng dating administrasyon na hindi po nakasuhan.

ACE ROMERO/PHIL STAR: So, we expect more Aquino allies to be charged o meron pang mga information na lalabas tungkol sa kanila tungkol sa DAP?

SEC. ROQUE: Eh ngayon, alam na naman po natin kung paano naging implementation iyan ‘no. So talagang pinaboran po nung mga kakampi ng administrasyon lalo na sa Kongreso, hindi lang po sa DAP kung hindi pati doon sa pork barrel,

So alam n’yo po nanggaling din ako ng Kongreso, I can attest to the fact na itinigil po itong ganitong sistema sa administrasyon ni Presidente Duterte. Wala po kaming nakuha kahit ano as a Congressman, although may mga impeachment cases din na naisampa noong nandoon pa ako. So iyon po iyong malaking pagkakaiba at dahil alam na nga po natin iyong sistema at alam na natin iyong naging scheme, eh dapat nga po siguro mas marami pang dapat masampahan.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi sir, good morning. Sir, ay report na isang hinuling tambay ang pinatay sa bugbog sa Quezon City detention cell, sir. Sinasabi nung pamilya, hindi naman mentally disturbed iyong kanilang kamag-anak taliwas doon sa sinasabi ng pulis. So ano po iyong magiging garantiya ng mamamayan na hindi na ito mauulit at parurusahan iyong mga pulis, katulad po sa mga nangyari doon sa Oplan Tokhang?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ipapa-verify po muna natin iyang impormasyon na iyan, dahil raw information po iyan. Alam n’yo po ang aking naging patakaran na at least mula ng naging si General Albayalde ang naging Chief ng PNP, personal ko na pong tinatawagan si General Albayalde. Kaya noong nakaraan, iyong kaso ni Father Nilo, personal ko na pong tinawagan si General Albayalde at si General Albayalde na ang nagkaroon personal involvement in supervising the investigation of the case of the killed priest.

So, ngayon po tatawagan ko rin po si General Albayalde na personal na imbestigahan kung totoo po itong report na ito at gumawa ng hakbang kung mapapatunayang totoo.

Pero sa ngayon po, give us time to ask the hierarchy of the PNP to investigate this matter, because I cannot comment po on something that we have not verified for ourselves.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Sir, given na inamin naman dati pa ni General Albayalde na hindi naman malinis iyong hanay ng pulis. Paano po magtitiwala iyong mamamayan sa kanila para magpatupad ng mga simpleng ordinansa kung ganito pong simpleng istambay lang nagkakaroon ng human rights violation?

SEC. ROQUE: Well, alam n’yo po kasi, may mga bugok kahit saan tayo pumunta. Pero kampante po ako na kakaunti naman iyang mga bugok na iyan na sinisira ang mabuting pangalan ng ating PNP. Hayaan naman po natin ang liderato na magdisiplina ng kanilang hanay. Kung talagang napatunayan po na walang dahilan para mangyari ito, I am sure the proper charges will be filed against the policemen and that they will fired from the service. Bigyan lang natin ng pagkakataon, dahil kakapangyari lang naman ito.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Sir, last na lang po. Hindi ba ima-maximize ng gobyerno iyong kapangyarihan ng barangay officials, ng mga tanod sa pagpapatupad ng mga simpleng ordinansa? Given po na may mas malalaking krimen na dapat atupagin iyong PNP.

SEC. ROQUE: Well, lilinawin ko lang po ano na ang mga tanod naman ang pinapatupad din nila iyong mga barangay ordinances din at saka general peace and order in the community. Pero lilinawin ko lang po na itong kampanya laban sa tambay is really part of crime prevention. It is in line with the President’s role as Chief Implementer of the law to increase police visibility and to enforce strictly existing ordinances.

Kinakailangan po kasi na maparating ang mensahe na nasa komunidad at gumagala-gala ang mga kapulisan para iyong mga kriminal ay ma-deter po na gumawa ng mga krimen.

Pangalawa po, gaya ng nasabi ko kanina sa maaga kong interview, alam n’yo po iyong mga bansa naman sa Asia at iyong mga mauunlad na bansa wala naman talagang mga nakahubad na nag-iinuman, nagsisigarilyo sa mga pampublikong mga lugar. So sa akin po, it’s also about time that we promote this kind of a discipline without sanctioning human rights violations. So ang aking advice po kung meron talagang paglabag, magdemanda po nang umusad ang proseso.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, good morning. Sir, kasi sabi ng Pangulo kahapon sa speech niya, wala naman daw naaaresto, ayaw niya lang magamit iyong streets sa loitering. Ano ba talaga ang order ng Pangulo at ano ang nakakarating sa kaniyang report, hindi ba nakarating sa kaniya iyong over 7,000 arrest—

SEC. ROQUE: I dispute if 7,000 people were actually arrested. We don’t have the space for that, given that mayroon na nga tayong overcrowding sa mga jail facilities natin. I think it’s physically impossible for one day to accommodate 7,000. Ang nangyari po siguro diyan, nasita no less than 7,000. Ang sabihin, ‘Oh anong ginagawa diyan, umalis kayo diyan’ kasama na iyan sa 7,000. Kasi po talaga physically may problema na po tayo sa mga kulungan ngayon, hindi na magkasya. So saan pa nila dadalhin iyong 7,000 ‘no? So linawin po natin ang ating mga pigura. Ang aking—ang tingin ko po iyan iyong mga na-apprehend pero hindi naman ibig sabihin inaresto. So gaya ng sinabi ko po iyong mga pag-aresto na iyan dapat magresulta sa pagsampa ng kaso otherwise dapat i-release, otherwise illegal detention naman po iyong ating kapulisan.

TINA/PHIL. STAR: Sir, sabi po ng Pangulo sa speech niya kahapon, itong nangyari ngayon martial law tapos iyong utos sa pulis, iyong mga tambay sundin lang ninyo ang utos ko. Wala namang inaaresto, I just don’t want you using the streets to loiter. Ano po bang nakakarating sa Pangulo?

SEC. ROQUE: Iyan po ang sabi ng Pangulo hindi ba? So iyan po ang dapat na mensahe ng Presidente sa lahat ng mga kapulisan. At tingin ko po iyan talaga iyong ginagawa nila. So iyong number na 7,000 iyan iyong mga tao na sinasabi, ‘Anong ginagawa ninyo diyan? Umalis na kayo diyan.’ So hindi po iyan mga taong nakukulong dahil I stand by my earlier statement po baka physically impossible iyang ganiyang kadami ma-detain natin given na wala na tayong espasyo sa ating mg kulungan.

DEXTER GANIBE/DZMM: Sir, follow up doon sa naunang statement ninyo po about sa pag-confirm doon sa pag-cancel—pagsuspinde na doon sa backchannel talks. Ang binabanggit na dahilan ay tatlong buwan para repasuhin iyong mga nalagdaan ng kasunduan na may kinalaman doon sa peace talks. Ibig po bang sabihin ay may mga kasunduan na parang hindi ayon ang pamahalaan na kailangang repasuhin?

SEC. ROQUE: Well, linawin po natin itong mga kasunduan na hindi tratado po, dahil hindi naman estado ang CPP-NPA. So titingnan po natin iyong ilan diyan ang mga kasunduan sa mga partikular na administrasyon at ilan diyan ang talagang kasunduan na sa Republika ay binding and valid. So iyan po iyong hirap sa usapin sa mga non-state actors. Sa tratado po, kahit sinong gobyerno bound by it, kasi pinasok ng mga estado. Pero kapag estado po at non-state actors eh alam naman po natin iyong conduct ng peace talks iba-ibang thrust ng iba-ibang administrasyon at iyan lang ang gusto malinaw ng Presidente na sang-ayon siya sa lahat ng mga pinasok na kasunduan ng kaniyang mga predecessors.

DEXTER/DZMM: Kasama po ba dito—doon sa mga napagkasunduan na doon sa unang tatlo na—o unang dalawa ba na mga nakalatag para doon sa peace talks?

SEC. ROQUE: Lahat po ng kasunduan sa mula’t mula eh titingnan na ni Presidente, kasi marami ngang mga acronyms na ginagamit JASIG, CAHR-IHL. Eh sabi niya, nalulula ako diyan sa mga iyan, ano ba iyan? So iisa-isahin po talaga iyan at titingnan what—it’s binding on a government itself o kung mayroong mga kasunduan na binding only on specific administrations.

DEXTER/DZMM: JASIG, kasama po?

SEC. ROQUE: Kasama po iyan sa rerepasuhin.

DEXTER/DZMM: Okay, ano pong pagbabago or ano pong nakikita ninyong mali doon sa JASIG sir?

SEC. ROQUE: Wala po akong sinasabing mali pero ang sabi ko po kasama po iyan doon sa mga rerepasuhin at ide-determine kung ito nga ay binding on this administration.

DEXTER/DZMM: Last on my part. Dahil suspendido na ang back channeling talks, pauuwiin na ba iyong mga miyembro ng negotiating panel na nabigyan pansamantala ng kalayaan partikular doon sa panig ng NDF?

SEC. ROQUE: Well, kung sila po ay mahuhuli, kinakailangang bumalik na sila sa kulungan. Iyan po naman ang posisyon, pinalaya natin sila as a gesture of good faith and let’s see if they will reciprocate. Pero mukhang malabo ho yata. Anyway, but let’s see what happens.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, just a quick follow up. So ibig sabihin sir, did the government also consider iyong statement ni Joma Sison saying na dapat mayroon munang comprehensive agreement particularly in the social-econ, otherwise he won’t come back here?

SEC. ROQUE: We don’t really need to speak for Joma Sison, he speaks for himself. So I do not know what kind of comment you want from me on anything that Joma Sison says. Kaya nga po nanahimik ako noong ang dami-dami niyang sinasabi kasi number one, I’m not his Spokesperson and number two, I do not know what authority he has to bind the Philippine government. So I guess, consider all the declarations of Joma Sison as his personal declarations.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, iyon pong 3 months na suspension of all back channel talks and lahat ng mga may kinalaman sa peace negotiations, do you think this would not be a setback or the otherwise, it would be a positive for both parties?

SEC. ROQUE: Well, the fact that the President has repeatedly said that he wants to continue with the peace talk is always positive. Do not forget that Guinness Book of World record has already described our fight with the CPP-NDF as a longest reigning insurgency in the world. So any willingness on the part of the President to talk peace is always positive. Hanggang hindi sinasabi ng Presidente na ayaw na niyan, positibo po lahat iyan.

REYMUND/BOMBO RADYO: Sir, the NDF statement is on a positive note or positive acceptance to the message or decision of the President, they are open-minded. But in the contrary, Mr. Sison parang speaking otherwise and he is saying that this would kill the peace talks. Do you think that the statements of Mr. Sison would in one way or the other negatively affect the efforts towards peace?

SEC. ROQUE: Well, everything that he says is binding on him. I know what the President wants and that’s what I’m saying. Inimbita po nila—ni Presidente ang mga komunista na umuwi, makipag-usap ng kapayapaan sa Pilipinas. Sagot niya lahat ng gastos at kung walang mangyari ihahatid pa niya sa Airport personal si Joma Sison, kaya lang huwag na siyang babalik kung walang mangyayari doon sa usaping kapayapaan. So hindi ko pa po alam kung anong pupuwedeng gawin ng Presidente. Ang offer po niya pati lahat noong mga mandirigma ng CPP-NPA bibigyan niya ng temporary housing, papakainin niya, bibigyan niya ng pondo para hindi na mangolekta ng revolutionary tax. So kung hindi po katanggap-tanggap iyan, ano pa pong magagawa natin diyan. Pero we are all hoping for the best because I think the kind of determination that the President has shown in wanting to see the peace agreement is also unprecedented.

REYMUND/BOMBO RADYO: So sir after three months we are expecting or looking forward for the resumption of peace talks?

SEC. ROQUE: Well, tingnan po natin kung anong mangyayari kasi nagrerepaso nga po, depende iyan kung anong resulta ng pagrerepaso. And it can even be earlier kung mas mabilis iyong proseso ng pagrerepaso.

REYMUND/BOMBO RADYO: Thank you sir.

CHRISTINE AVENDAÑO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, just to clarify. So iyong 3 months na iyan na review, so the offer of the President for Joma to come hindi muna iyan sir? I mean it’s… parang set aside because we have to review first all the agreements?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung set aside pero ayaw kasi niyang pumunta rito. So paano iyon? So it’s an offer that was not accepted. So meanwhile—

CHRISTINE/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: So it’s not standing offer anymore? Because you already made—

SEC. ROQUE: Well, kasi ayaw niyang umuwi, nagsabi naman siya hindi siya uuwi eh. So it was an offer rejected already by Joma Sison for now ‘no. I think that’s my understanding, kasi umuwi ka dito mag-usap tayo. Ang gusto ni Presidente July, eh hindi naman tinanggap ni Presidente(?). So ito na po ang estado ngayon, ang lahat ng usapin on hold until marepaso ng Presidente and the President has said, I’m revealing for the first time that he will personally review all this agreements entered into by all his predecessors.

CHRISTINE/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay, thank you sir.

ARJAY BALIBIN/BUSINESS WORLD: Sir, good morning. Reaction lang po sir. There is a joint position paper from business groups which came out today. And it’s about the proposed shift to federalism. They are asking to—they are asking the Executive Department and also the Congress to review the objectives of the shift to a federal system and determine which of these can be addressed immediately by amending local government code and other laws. Is the Executive Department open to that move?

SEC. ROQUE: I want to see the statement ‘no. But on the basis of what you read. Well I think the government has already reviewed what can be done by ordinary legislation, specifically on what provisions of the local government code can be amended to further bolster local autonomy. But the problem is – as a matter of law – number one, it can easily repealed by Congress and number two, it does not send a message loud enough to the people that we want fundamental change in system to recognize the primacy of the local autonomy.

So tingin ko, napag-aralan naman po ‘yang issue na ‘yan at nadesisyunan na mas mabuti na magkaroon ng charter change ‘no. Of course there are proposals coming primarily from the League of Governors na it’s as easy as amending sometimes the Local Government Code, but even the League of Governors agreed that perhaps, what should just be amended would be specific provisions of the Constitution now on affecting local governments; specifically iyong power of local governments to tax and the sharing of revenues be it IRA or from wealth-generated by natural resources.

So ibig sabihin po, parang nagkakaisa rin iyong mga gobernador na kinakailangan pa rin ng charter change. Kaya lang ang gusto nila, limited iyong charter change doon sa probisyon ng local government at hindi malawakang repaso.

ROSALIE COZ/UNTV: Reaction lang din po sa binanggit po ni former Chief Justice Puno kanina doon po sa proposed federal constitution ay wala na pong term extension, wala na ring reelection kay Pangulong Duterte at sa VP po.

SEC. ROQUE: ‘Yan naman po ang sinasabi paulit-ulit ni Presidente. Dadagdagan ko pa nga ‘yan, kung kinakailangan ng transition leader, humanap sila ng iba. He’s not interested even in becoming a transition leader. As for the VP, please let her comment on the issue.

NESTOR CORRALES/INQUIRER.NET: Good morning, sir. The President on Monday in his speech said that he would not allow families of drugs suspects killed in his war on drugs to get justice. May I just quote the President. He mentioned, “If you think you can get justice simply because you lost somebody who’s a bullshit into drugs, I’m sorry to tell you I will not allow it.” Sir, will this not affect the pending cases against policemen who has been charged involving his war on drugs?

SEC. ROQUE: No, because he obviously refers to those cases involving bullshit. So, it does not involve victims who are otherwise victims of police excesses ‘no. So iyong mga napatunayan na talagang kinakailangan na gamitan ng dahas, obviously ‘yan iyong tinutukoy ng ating Presidente – again, from what you just quoted ‘no.

NESTOR CORRALES/INQUIRER.NET: So this is not—this is—does this mean the President is not an intervention doon, parang sa trabaho ng court to investigate these cases sir?

SEC. ROQUE: Hindi po. Wala pong ganoong sinabi ang Presidente ‘no pagdating sa hukuman. I think, let’s just go by what the President said.

NESTOR CORRALES/INQUIRER.NET: Sir, what does the President mean when he said na parang bullshit or bullshit?

SEC. ROQUE: Iyong sinasabi niya na iyong mga talagang nanlaban for instance ‘no. Ano namang katarungan ang ibibigay mo kung talagang nanlaban iyong napatay ‘di ba? O iyong mga nagbebenta ng droga, nahuli in the act; napatay dahil nanlaban – oh so iyon ‘yung sinasabi ni Presidente. In fact, wala ka naman talagang makukuhang katarungan doon eh dahil it’s a lawful use of force ‘di ba?

NESTOR CORRALES/INQUIRER.NET: Okay sir, thank you.

ROCKY IGNACIO/PTV4: Okay, Pia wait lang ha. Tanungin ko lang, from Anjo Cagamat ng CNN Philippines. Ano daw po reaction ng Malacañang about PDEA’s proposal to subject students starting at age of 10 under mandatory surprise drug test – pareho sa public at private schools?

SEC. ROQUE: I’ll have to consult with the Department of Education, Culture and Sports kasi po sila talaga iyong may primary jurisdiction niyan lalung-lalo na majority of our students are in public schools ‘no. So I’ll have to consult with Secretary Briones.

ROCKY IGNACIO/PTV4: Okay, thank you Secretary. Pia…

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Sir, two questions: What does the Palace think about the Supreme Court’s decision affirming their ouster of Maria Lourdes Sereno? And second sir: How do you react to calls for her to lead the opposition or run for Senate in the next election?

SEC. ROQUE: The first one, I’ve said it over and over again – the court is the final arbiter of all legal controversies. Love the decision; hate the decision. We need to accept the decision. Former Chief Justice Sereno appears to have accepted her faith, let’s do the same.

On her plans, her plans are personal. Let her declare and let the people decide.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, balik na lang doon sir sa tambays. Kasi ano sir, you mentioned na possible na nasita lang sila. Pero PNP Chief Director General Oscar Albayalde explained that loiterers are arrested because of their violations of existing laws. If I may quote him, he said that: “We are not arresting these people because of the word na ‘tambay’ sila. But they are being arrested or accosted and penalized because they have violations of ordinances.” What do you think of that—may disconnect ba, sir?

SEC. ROQUE: Tama po ‘yan. Ibig sabihin, hindi sila inaresto dahil tambay lang sila. Inaresto sila dahil may paglabag sila sa batas or ordinances. So kaya nga po iyong number ang pinag-uusapan natin, sabi ko imposible seven thousand sa Metro Manila alone ‘no, na ikukulong mo ‘yan dahil wala tayong espasyo.

Kaya sinasabi ko, karamihan doon sinita lang. Iyong mga inaresto, inaresto dahil hindi sila tumatambay lang; inaresto dahil habang tumatambay, mayroon din ginagawang krimen – whether be it breach of anti-smoking ordinance, breach of curfew for minors, breach for drinking alcoholic drinks in public. Kasi pati mga barangay po may mga ganiyang mga ordinances ‘no, mga city and municipal ordinances may mga ganiyan po ‘no so depending on where you are.

So tama po ‘yan… sinabi na talagang ang basehan naman ng pag-aresto, hindi ika’y tumatambay lang, kung hindi mayroon kang nalalabag na ordinansa o batas.

DEXTER GANIBE/DZMM: Hi Sec., good morning. Kahapon nabanggit po ni DTI Secretary Mon Lopez na iminungkahi ni Pangulong—o ninanais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng health warning sa mga sugar sweetened beverages at mga juice drinks. Nakahanda ba ang Pangulo sa magiging reaksiyon ng publiko sakaling mag-spike up ulit ang presyo ng mga matamis na inumin? Kasi matatandaan natin dati, noong palagyan ng graphic design ang mga sigarilyo ay nagkaroon ng dagdag presyo bukod doon sa sin taxes na sinisingil.

SEC. ROQUE: Wala naman po sigurong masama doon, kasi kaya nga considered sin products ‘yang mataas na asukal dahil wala pong ikabubuti ‘yan… ibibigay na mabuti sa ating kalusugan ‘no, so iyon po ang mensahe ng ating Presidente. Kaya nga dapat may graphic warning nga na itong drink na ito—kasi marami diyan although by legal definition a juice drink is really just sugar with flavor, hindi naintindihan ng taumbayan, baka akalain nila orange juice ang iniinom nila – actually it’s orange flavored sugar. So iyon po ‘yung sinasabi ni Presidente na dapat magkaroon ng health warning, because excessive sugar as we know, is bad for the health.

DEXTER GANIBE/DZMM: Pero iyong paglalagay ng mga health warning na dagdag imprenta doon sa kanilang pakete, posibleng—sinasabi posibleng magdagdag ng presyo.

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung talagang magreresulta sa pagdagdag ng presyo ‘yan ‘no. Kung ang tanong mo posible, anything is possible. Pero pinapatawan na nga po ng mas mataas na excise tax sa TRAIN ang mga sugared drinks ‘no dahil nais din nating i-discourage lalung-lalo na ang mga kabataan na uminom niyang mga sugared drinks na ‘yan. In fact as Secretary Briones has already stated, bawal na po ‘yan sa mga pampublikong mga paaralan, at maraming mga pribadong eskuwelahan, pati na iyong mga eskuwelahan ng aking mga anak, bawal na rin po ‘yang mga ganiyang inumin sa kanilang premises.

DEXTER GANIBE/DZMM: Last on my part, other issue sir. Binanggit ni Pangulong Duterte kagabi sa kaniyang—isa sa kaniyang mga talumpati sa Iloilo na mayroon na siyang shortlist para doon sa pipiliing susunod na Ombudsman. Pero kagabi, sa monitoring ay ongoing iyong interview pa doon sa pinakahuling mga aplikante para sa Ombudsman. Mayroon na bang—kahit hindi pa tapos iyong interview sa mga applicants, mayroon na talagang list si Pangulo?

SEC. ROQUE: Eh siguro, alam na naman ni Presidente kung sino ang mga aplikante. So on the basis of kung sino nag-apply, mayroon na siyang shortlist – so iyon ang ibig sabihin niya. Pero in terms of legal shortlist from which he will choose his appointee, hindi pa siyempre nakakarating sa kaniya iyon. Mayroon lang siyang personal shortlist, which is what he stated.

DEXTER GANIBE/DZMM: Papaano po sir, ‘pag iyong doon sa mga aplikante ay wala doon sa official shortlist—

SEC. ROQUE: Nangyari na po ‘yan sa ibang mga presidente. May mga pagkakataon na, na ayaw mag-appoint ng presidente at hiningi ng presidente na palawakin pa iyong shortlist na ginawa ng JBC—

DEXTER GANIBE/DZMM: So, posibleng mangyari po iyon dito sir?

SEC. ROQUE: Posible naman po, pero hindi ko naman po sinasabing mangyayari ‘yan. Kasi ako mismo, hindi ko alam kung sino ang shortlist niya.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, kahapon nag-release ang Malacañang ng appointment papers of former Caloocan City Judge Hidalgo, siya iyong judge that handled the case of Carlo Arnaiz and Reynaldo De Guzman. She was appointed as Sandiganbayan Associate Justice. Is this not part of the President’s statement na he will not allow justice to be served even sa victims ng extra-judicial killings? Kasi—was this also part of a reward sa judge, na-promote siya to another post?

SEC. ROQUE: Well ulitin ko lang po, the President cannot appoint from a shortlist unless it is from a shortlist submitted by the JBC. So pati po JBC after vetting, recommended this judge for appointment dahil nasa shortlist po siya. So apparently ‘no, it was the JBC that considered her worthy of appointment, at namili lang naman po ang Presidente doon sa shortlist ng JBC.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: So, there was no special preference po?

SEC. ROQUE: Wala po, wala po. In the first place sa ating sistema nga, hindi pupuwedeng arbitrary ang appointment ng Presidente – limited ka doon sa binibigay ng JBC.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Thank you, sir.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi sir, good morning ulit. Sir, reaksiyon lang po ng Palasyo doon sa statement ng Alliance of Concern Teachers na malaking hamon sa kanila iyong pagturo ng good manners and right conduct sa mga estudyante given po na napapanood ng mga bata iyong paggamit po ng Pangulo noong foul language tungkol po sa killing, misogyny and vulgarity. Ano po iyong reaksiyon dito ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Left-leaning group po iyang ACT at magtapatan na tayo. Maliit lang naman po constituency ng ACT. Tingin ko po hindi iyan pananaw ng karamihan ng ating mga guro.

ROSE/HATAW: Pero naniniwala po kayo na gumagamit iyong Pangulo ng ganoong klaseng mga salita?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kasi mukhang tanggap naman ng taong bayan iyan ‘no. So kung iyan po ay labag sa—ewan ko ba iyon iyong sabi nila good conduct, eh iyan po ang hatol ng taong bayan sa kaniya. Pero ang Presidente po hindi nag-plastic, tumakbo po siya ganiyan na siya at sinabi pa niya, ‘Huwag ninyo akong asahang magbago.’ So tingin ko po alam naman ng lipunan kung sino ang hinalal nilang Presidente. So tanggap po nila ang Presidente for who he is.

ROSE/HATAW: So okay lang po sa Palasyo na gayahin siya ng mga bata?

SEC. ROQUE: Well, hindi naman po natin sinasabi iyon, pero nandiyan po ang mga magulang. So tingin ko po ang mga magulang talaga ang dapat na nagtuturo ng tamang conduct. Ako po pagdating sa pagpapalaki ng mga anak ko, wala po akong inaasahan sa mga guro, ako po mismo ang nagbibigay ng values formation diyan.

ROSE/HATAW: Thank you.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, good morning ulit. Sir, pahabol lang. May we have your statement on report saying that the United States is leaving the United Nations Human Rights Council and their ambassador even call the organization as an organization that is not worthy of its name kasi bias daw sa issues on Israel?

SEC. ROQUE: You know the President is very careful, never to comment on sovereign decision. In the same way that he does not want other states commenting on domestic sovereign decisions. So we leave it at that. That’s the decision of the Americans, so be it. We are also in a UN Human Rights Council. We are not following suit if that’s the question. But the President has no reaction on what the Americans have decided to do.

MARICEL/TV5: But is this somehow sir a confirmation on previous statements of the President criticizing the UN Human Rights Council?

SEC. ROQUE: Well, I guess the latest decision of the United States reflects a sentiment that the President himself has articulated and apparently we are not alone in this perception that there is bias amongst human rights groups.

KRIS JOSE/REMATE: Sir, umaasa po iyong human rights watch na papabor daw po iyong Supreme Court ng Pilipinas sa same sex marriage. Sa tingin ninyo po iyong ganitong pag asa nila ay lulusot po sa atin?

SEC. ROQUE: I think, they are detached from what’s happening in the Philippines’ Supreme Court, dahil ang tingin ko po iyong mga deklarasyon ng mga justices eh parang mahirap na mailusot itong kasong ito. Alam ninyo po, ako marami na rin po akong karanasan na paghahain ng kaso sa Supreme Court. Isa po iyan sa kaso na naisip ko ng ihain pero may mga takdang panahon po para sa mga ilang isyu. At ako po ay naniniwala na hindi pa po talaga handa itong Supreme Court na ito at ang bansa para sa ganitong proposal na marriage talaga amongst sa same sex ‘no.

And I think the sentiment of the policy makers including Congresswoman Roman and she has told me so is that it’s not yet time for same sex marriage kaya ang isinusulong po ngayon sa Kongreso, isinusulong nila ng LGBT community iyong SOGI ‘no. At hindi lang iyong SOGI kung hindi iyong—iyon na nga ‘no bukod sa iyong SOGI to recognize at least iyong civil partnership between individuals of the same sex dahil alam nila na too revolutionary siguro na tanggapin ng ating lipunan iyong same sex marriage. And even the President has actually… changed his mind on it. There was a time he says that he was against it. There was a time he said he’s for it. So talagang this is fluid and iyon na nga, If I were ask as a public interest litigator I would have waited. At sabi nga ni Justice Leonen and sometimes when you file test cases prematurely it will have the negative effect on the cause that you want to advance.

KRIS/REMATE: Sir, kahit po iyong sinasabi nila na magsusulong daw po ng marriage equality?

SEC. ROQUE: Well, iyon ngang pending Bill ni ano iyan, ni Congresswoman Roman that’s been approved in the House but still pending in the Senate. I was a co-author of that.

KRIS/REMATE: Sir, question lang po. Has PRRD signed the Philippine Mental Health Law? Pa confirm po?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong nakukuhang kopya niyan, if we do get it, will post it heads up. Okay?

Q: Sir, any statement lang po doon sa pagpirma daw po ng Pangulo sa Mental Health Law?

SEC. ROQUE: Hindi ko nga alam kung napirmahan na o hindi eh. Kasi, I officially get it and as soon as we get it, ipo-post po namin sa heads up. Mayroon na ba? O wala pa po kami na nakukuhang official document. Kasi po ang proseso sa Malacañang kapag napirmahan, dina-docket. Eh kami naman po hindi kami nagsasa-publiko niyan unless its bears already a docket number and an RA number.

HENRY URI/DZRH: Sir, sa speech ng Pangulo kahapon sa Iloilo, nagbanta siya sa mga Mayor na nagmumura ng mga pulis at pinipilit ang mga ito na gumawa ng iligal na papatayin niya iyong mga Mayor at mga pulitikong sasangkot sa ganoon. Anong konteksto nito talaga, Secretary?

SEC. ROQUE: Na ang mga Mayor dapat magpatupad ng batas at hindi sila dapat na mag-order ng kapulisan na sila pa ang lalabag sa batas.

HENRY/DZRH: Pero kailan ilalabas ng Palasyo iyong listahan ng mga narco-mayors? Hanggang ngayon po ay wala pang inilalabas ding listahan ang Palasyo hinggil diyan?

SEC. ROQUE: Well kasi po ang PDEA mismo at saka ang DILG eh ayaw pa nilang ilabas ‘no dahil in fairness to those in the list, vet, vet, vet ang kanilang ginagawa.

HENRY/DZRH: Eh hindi pa ipinag-uutos na ng Pangulo na ilabas na po ito once and for all?

SEC. ROQUE: Well, ipinag-utos po niya na ilabas na iyong drug list noong panahon ng eleksiyon para sa barangay captain ‘no. Pero para doon sa lahat hindi pa po niya inuutos ang paglabas dahil siya mismo he could have revealed it if he wanted to. Pero siya mismo binibigyan pa ng pagkakataon na vet, vet, vet dahil alam natin kapag nagkamali grabe din iyong impact doon sa mga hindi naman dapat napasama.

HENRY/DZRH: Hanggang kailan bibigyan ng pagkakataon ng Malacañang itong mga mayor na ito?

SEC. ROQUE: Hindi ko lang po alam kung kailan ilalabas iyong listahan mismo. Pero siyempre po beyond the listahan iyong kinakailangan eh kasuhan na sila at tanggalin sa puwesto at kasuhan kung mayroong sapat na ebidensiya.

HENRY/DZRH: Thank you.

SEC. ROQUE: Salamat po.

ROCKY IGNACIO/PTV4: Thank you, Henry. Thank you Presidential Spokesperson Harry Roque. Thank you Malacañang Press Corps. Back to our main studio sa Radyo Pilipinas and People’s Television Network.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource