Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location Atrium Convention Center, Limketkai Cagayan De Oro

SEC. ROQUE: Magandang hapon po sa Cagayan De Oro City. This is the first time we are conducting a Palace briefing here in Cagayan De Oro City. And the occasion of course is the oath taking of all barangay captains for Region X and of course this afternoon we will be expecting President Rodrigo Roa Duterte himself.

Now let me begin with the good news. Good news Monday for Cagayan: Unang una po, magandang balita para sa mga Cagayanons, hindi na po magtatagal maitatayo na rin po ang Cagayan De Oro ang pinakamalaking passenger terminal bus sa buong bansa. According to the Department of Transportation, this passenger terminal structure is a two-storey building with modern design and facilities such as check-in areas, with x-ray scanning machines, walk through metal detectors, rest rooms, charging stations, pay parking, ticketing offices and field offices. 3,000 passengers will be accommodated daily once this is completed on December 15 of this year.

Good news na naman po sa Cagayanons, una po sa lahat binabati natin ang lahat ng pumasa sa Nursing Board lalo nasa apat na Cagayanon sa pumasok sa Top 10. Ipinapakita nito na magagaling at masisipag mag-aral ang mga Cagayanons. Ipinamamalas din nito ang mataas na kalidad ng unibersidad at kolehiyo dito po sa Cagayan De Oro.

According to the the results of the 2018 Nursing Licensure Examination released by the Professional Regulation Commission on 19th June. Out of 9,873 who took examination last June 3 and 4; 4,326 or only 43.82 percent successfully passed the examination.

Now let me now give statements ‘no on certain issues. Unahin ko na po, alam ko ang tanong ninyo, iyong sinabi ng Pangulo tungkol sa Panginoon. Ang paninindigan po natin diyan, iyan po ay personal na paniniwala ng ating Pangulo. Ang kalayaan po ng malayang pananampalataya, kasama po diyan iyong kalayaan na huwag magkaroon ng kahit anong pananampalataya. Personal po iyan kay Presidente, hindi kinakailangang bigyan ng interpretasyon. Iyan ang paniniwala niya full stop.

Now ang siguro pupuwede po nating bigyan ng atensiyon ngayon ay kung bakit ganoon ang galit ng Pangulo sa Simbahang Katolika. Eh ito nga po iyong karanasan niya, noong bata daw siya ay namolestiya siya. Panahon na po siguro na i-address natin itong isyu na pagmomolestiya ng mga batang lalaki sa Simbahang Katolika. Siguro po kinailangan na ang isang biktima eh maging Presidente para ito po ay maisapubliko, mapag-usapan at magkaroon naman ng solusyon. Hinihingi po natin siguro na para hindi na maulit iyong ganitong sentimyento laban sa Simbahang Katolika eh magkaroon na po ng imbestigasyon, magkaroon na po ng pag-aamin kung talagang nangyari itong mga bagay na ito. Magkaroon ng transparency at magkaroon ng hakbang para maiwasan na po itong pagmomolestiya sa mga batang kalalakihan.

Now, pagdating naman po sa school drug testing. Noong huli pong Palace press briefing natin sabi ko po that the Palace will defer to the position of the DepEd. Nagsalita na po si Secretary Briones ang Dangerous Drugs Act daw po ay ipinagbabawal ang drug testing sa elementarya. Pupuwede lang tayong magkaroon ng drug testing po sa high school. At bagama’t wala pa pong desisyon ang Philippine Supreme Court pagdating sa constitutionality ng drug testing; sa Amerika po may dalawang desisyon na. Sa Amerika po ay in-uphold as constitutional ang random drug testing sa high school students pero iyong isa naman po na mandatory drug testing sa high school, iyan po ay… it was struck down as being unconstitutional, dahil ito po ay mandatory at hindi lamang random.

Pagdating naman po doon sa statement ni Presidente sa ating ekonomiya, well kaya nga po isinusulong ng Presidente ang pederalismo. Naniniwala po siya na bagama’t ang ekonomiya ay pangalawang pinakamabilis na lumago sa buong daigdig, hindi pa rin patas po ang paglago ng ating ekonomiya. Nahuhuli pa rin po ang mga probinsiya sa pag-unlad at nahuhuli pa rin po ang mga probinsiya pagdating po sa mga proyekto. Kaya nga po ang panawagan ng Presidente, mas paspasan at mas bilisan ang implementation ng build, build, build sa probinsiya at nananawagan pa rin siya talaga na magkaroon ng charter change patungo sa pederalismo dahil ito lang po talaga ang magbibigay ng solusyon doon sa hindi patas na pag-unlad.

Meron pa pala akong last good news: Ang Department of Transportation, Land Transportation Office has already produced 387,000 motor vehicle plates that are now being distributed by batches to various LTO regional offices nationwide.

So, iyong mga bumili po ng sasakyan at nagpa-rehistro by July 1 to October 31, 2016 ay pupuwede na pong makuha ang inyong mga license plates starting the first week of July. The LTO will notify vehicles owners of the dates they may claim their LTOs. On the plates registered before 21 July, 2016 LTO said that the agency is awaiting for the Commission on Audit resolution on the disallowance.

Okay, mga panawagan po, ang mga katanungan. So meron na po tayong practice. I will welcome questions from both the local ang Malacañang Press Corps. Unahin po natin ang local and then alternating with text questions from Malacañang Press Corps; and you have the text questions already. So, local muna ano.

LAWRENCE HERALDE/BOMBO RADYO: Magandang tanghali po.

SEC. ROQUE: Yes Lawrence, kinukumusta ka ni Bombo Rey.

LAWRENCE HERALDE/BOMBO RADYO: Bombo Reymund. Maraming salamat po. Secretary, reaksyon n’yo po sa pagka-raid at pagpatay sa Barangay Kapitan na kapatid ng suspected drug lord sa Iloilo at saka itong pagkakumpiska ng 24 million pesos na shabu na nakuha sa pamilyang Luansing na konektado sa mga Parojinog dito sa Region 10, dito sa Ozamiz City po?

SEC. ROQUE: Hindi pa po ako nabibigyan ng impormasyon doon sa pagpatay; pero naniniwala po ako na madedepensahan naman ng kapulisan ang pagpatay. Wala naman sigurong reklamo na ito na naman ay excessive use of force. Siguro po nanlaban, but I stress, hindi ko pa po alam ang facts diyan. Pagdating naman po sa pagkahuli ng 24 million worth of shabu, congratulations to our law enforcement agencies. Another big haul po, this is another milestone in the ongoing war against drugs.

MODERATOR: Okay, question po from Malacañang, it’s from Ina Andolong of CNN Philippines. In his speech last Friday, the President said, hayaan na lang ang jueteng since may umiikot na pera. Please expound on this and what is the President’s stand on this illegal activity?

SEC. ROQUE: Well, I don’t have to expound of that, Ina. The President already said what he did… what he has just said, okay. I will leave it at that.

PAMELA ORIAS/SUNSTAR DAILY: Good noon po, Secretary. Iyong question ko is, are we requiring all local government units to follow President Duterte’s order to accost tambays or are we like issuing IRR for this one?

SEC. ROQUE: Wala na pong dapat i-isyu diyan dahil ito po ay po ay basic implementation of the law. So, ang hinuhuli lang po iyong mga lumalabag sa ordinansa at mga batas, pero iyong mga wala naman dahilan ay hindi naman po iyan pinapahuli ng Presidente.

Nilinaw na po ng Presidente ang isang bagay na naintindihan ko sa mula’t-mula. Iyong mga taga-Malacañang Press Corps po consistent ako diyan na ang puwede lang hulihin ay iyong mga nilalabag na ordinansa at batas. Bagama’t kapangyarihan din ng mga pulis, na kapag patambay-tambay, sasabihing wag na kayong tumambay diyan, umalis na kayo rito.

Dahil tanging sa Pilipinas lang naman iyang napakadaming tambay. Pag pumunta kayo sa Malaysia, may nakikita ba kayong tambay; pumunta kayo sa Thailand, sa Japan, South Korea, wala namang patambay-tambay diyan. So tingin ko po, katungkulan ng Presidente iyan at iyan po ay isang pamamaraan para ma-increase ng police visibility at mapatupad ang ating mga batas.

DIVINA SOSON/PHIL. DAILY INQUIRER: Good noon po, sir. Sir, may we hear a reaction from Malacañang on Justice Carpio’s statement that he said one of the ideas that divide the nation is President Rodrigo Duterte’s constant warning that fighting the country’s sovereignty in the West Philippine Sea will only lead to a war with China.

SEC. ROQUE: Well, hindi po nag-a-apologize ang Presidente roon. Dahil sa totoo lang po, kung tayo po ay gagamit ng dahas gaya ng ginawa ni Presidente Aquino na naging dahilan kung naroroon na ngayon ang mga Tsino sa Panatag – iyong pagpapadala ng isang Navy ship – ay magreresulta po iyan sa hidwaang militar na iniiwasan natin. So—pagdating naman doon sa mga maanghang na salita eh hayaan n’yo na ang Presidente, dahil siya naman ng author ng foreign policy. Ang kanya pong consistent position is wala tayong binibigay na teritoryo, hindi na tayo nakikipag-away. Kasi noong nakipag-away tayo, di ba malinaw, pinagtabuyan tayo sa Panatag. Hindi po iyan mabubura, huwag na huwag nating kakalimutan na si Presidente Aquino ang unang nag-militarize niyan, dahil siya ang nagpadala ng Navy kaya tuloy-tuluyan na hindi na umalis ang mga Tsino sa Scarborough o Panatag na tinatawag.

Hindi po nag-a-apologize ang Pangulo sa kanyang polisiya sa Tsina. Itong pagkakaibigan po, siya pong dahilan kung hindi lang tayo nagkakaroon ng mas malawakang pagsasamahan sa bansang Tsina at itong bagong pagkakaibigan po ito rin ang magbibigay ng solusyon, dahil ang desisyon po ng Arbitral Tribunal, wala pong kinalaman sa pinag-aagawang isla. Iyong mga pinag-aagawang isla po kinakailangan maresolba pa rin iyan sa diplomasya at hindi ka naman pupuwedeng magdiplomasya kung [AUDIO CUT]

Q: Is the PCOO blunder is enough [unclear]

SEC. ROQUE: I speak for the President po; perhaps you can ask Secretary Martin Andanar that question. I have no authority to speak for Secretary Andanar.

Q: Okay. Thank you po.

Q: Secretary, magandang hapon po. May update na po ba regarding doon sa pagtugis ng militar sa sinasabing emir ng ISIS na si Abu Dar doon sa Lanao Del Sur?

SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po eh patuloy po ang operasyon ng militar para po tuluyan nang magkaroon ng solusyon dito sa mga natitira pang Maute diyan sa Lanao Del Sur at tingin ko nandoon pa rin ang militar at humahanap pa rin ng pamamaraan at gumagawa ng mga hakbang para completely ma-neutralize ang Maute na natitira diyan sa Lanao Del Sur.

MODERATOR: Okay, thank you Sec. From Dexter Ganibe po from Manila: Any Palace statement po sa pasya ng Ombudsman na pinakakasuhan ng graft kaugnay sa MRT maintenance issue si dating DOTC Sec. Jun Abaya at iyong iba pa?

SEC. ROQUE: It’s about time and we appreciate that. Kung naaalala ninyo po eh kung hindi ito nakasuhan eh talagang isa-isa po naming ire-release iyong mga dokumento, pero since nandiyan na po ang desisyon ng Ombudsman, it’s about time po na magkaroon ng pananagutan lalo na doon sa mandarambong naman ‘no ng pondo para sa MRT na ngayon po ay nagbibigay ng talaga namang napakalaking pahirap sa ating mga mananakay.

MODERATOR: Okay, thank you po. From Pia Gutierrez po: What was the PH government basis in granting permit to Chinese military plane to refuel in the Philippines? Is there a long term agreement between Philippines and China which allows Chinese military planes to do this on a regular basis and why Davao po?

SEC. ROQUE: All aircrafts, provided that they asked for a permit, are required to refuel. Pia, wala akong alam na prohibition sa International law na magbabawal sa mga eroplanong Tsino para gumamit ng ating mga airports kung pinapayagan sila ng bansa. Iyan po ang problema sa atin, iniisip natin palibhasa sanay tayo, only the Americans can use our airports and our ports ‘pag sila ay kinakailangang mag-refuel or kumuha ng mga supplies. Hindi po, lahat po ng puerto natin, lahat po ng ating airports bukas po sa lahat iyan, provided they will get our consent. Mayroon po kasi tayong mga tinatawag na… unless ipinagbabawal ng Pilipinas eh talaga naman pong iyan po ang patakaran at this time and age.

MODERATOR: Okay po, thank you po. Next is from Kokoy Medina from Radyo Pilipinas.

Q: Magandang hapon po sir. Three countries issued a statement [unclear] to stop drug war and Duterte might call for external invitation. Reaksyon po ng Malacañang, nag-agree na ba ang Presidente sa statement na ito?

SEC. ROQUE: Well, ako nga po ay consistent, hindi na po natin kinakailangan na magkaroon ng panawagan galing sa mga dayuhan. Ang Korte Suprema po natin nagdesisyon, pinasumite sa Korte Suprema lahat iyong mga detalye tungkol doon sa mga napatay concerning the drug war. Ibig sabihin po, iyong mga institusyon natin dito sa Pilipinas gumagalaw po at hindi natin kinakailangan na magpayo ang mga dayuhan.

Pero siyempre po nagsalita na rin si Secretary Alan at sinabi po ni Secretary Alan Cayetano na ginagawa po nila, wini-weaponize po nila ang human rights ‘no. Ginagamit po nila ang isyung human rights para idiin ang Presidente na hindi sinusuportahan ng mga bansang ito.

Q: One more, Sec. Regarding po sa isang utility ng DZXO Marawi na pinatay noong Saturday evening. Ano ho ba ang gagawin ng inyong opisina para matulungan po iyong isang Jessie Cano na utility po ng DZXO na pinatay doon sa Marawi?

SEC. ROQUE: Well, lahat po ng patayan, obligasyon ng estado na imbestigahan, litisin at parusahan, bigyan ng domestic remedy ang mga biktima ng patayan. Hindi ko po alam kung papasok itong patayan na ito sa Task Force on Media Killings ‘no. Tanging administrasyon po ni Pangulong Duterte ang bumuo ng Task Force on Media Killings na siyang nakatutok po sa mga prosecution ng mga pinatay na media workers. Hindi ko lang po alam kung itong utility worker will qualify under the Task Force. Pero sigurado po iyan, iyong ating otoridad, kapulisan, ibibigay alam nanaman po nila kay General Albayalde na kinakailangan pagbutihin ang imbestigasyon at gawing mabilis ang imbestigasyon and so far po ang track record naman ni General Albayalde, I’m sure he will hear about it. Halos linggo-linggo po kaming nagtatawagan on these [unclear], on media killing at saka tingnan ninyo naman po napakabilis ng imbestigasyon ngayon ng PNP mula noong nag-take over si General Albayalde. So kudos to General Albayalde.

Q: Magandang araw po Secretary. Sir, mayroon po bang tendency na i-extend pa ni Presidente Rodrigo Duterte iyong martial law dito sa Mindanao kasi ngayon tinutugis na po ng military iyong si Abu Dar at saka iyong anak daw ni Isnilon Hapilon?

SEC. ROQUE: Ang sabi po ng Presidente complicated iyang nationwide martial law; so hanggang dito lang po muna tayo sa Mindanao.

Q: Secretary, follow up po. Puwede ba naming malaman kung kailan posibleng ipahayag ni Presidente Rodrigo Duterte sa publiko iyong mga another lists po ng mga alleged narcolist?

SEC. ROQUE: Kagaya ng sinabi ko po, bine-vet lang po iyan ng PDEA at magkaroon po sila ng central drug listing din ‘no para isahan na lang ang drug list na mine-maintain ng lahat ng police, law enforcement agents.

MODERATOR: Okay from Malacañang. From Dreo Calonzo: What does the President mean when he said the economy is in doldrums?

SEC. ROQUE: Sinagot ko na po iyan, talagang napapansin niya na bagama’t mayroon ng build, build, build, mas mahina pa rin ang implementasyon ng build, build, build sa mga probinsiya. So iyan po ay panawagan sa ating mga economic team na pukpukin na talaga iyang mga proyekto na nasa probinsiya at siyempre po iyan ay panawagan din para sa taong bayan at sa Kongreso na suportahan ang pederalismo ng mawala na po itong bias laban sa mga probinsiya pagdating sa pag-unlad.

MODERATOR: Okay po. Thank you. From Chona po, pahabol: Saan na pala iyong whistle blower ni Roque sa MRT mess?

SEC. ROQUE: Well, hindi na kailangan siguro ‘no; but we will have him available now that charges have been filed.

MODERATOR: Sir, may question pa regarding the President when he called God stupid. From Virgil: Was his latest pronouncement in contradiction to his claim last week that he respects the Catholic Church?

SEC. ROQUE: No, that’s his personal belief. Individuals are entitled to their personal beliefs. That is the nature of freedom of religion. There are two aspects of freedom of religion. Number one, is the liberty to believe; and number two, is the anti-establishment clause. So lahat po tayo may karapatang magkaroon ng pananampalataya, lahat tayo may karapatang huwag magkaroon ng kahit anong pananampalataya.

Uulitin ko po ang aking panawagan, para maiwasan na po iyong ganitong katinding paghihinakit sa Simbahang Katolika, siguro po panahon na buksan ng Simbahang Katolika ang mga naging biktima ng pagmomolestiya noong mga kabataan nila, tanggapin ang riyalidad, aminin, humingi ng patawad doon sa mga naging biktima dahil ang Presidente lang po siguro po nagiging krusada na ito ni Presidente, nagkataon iyong isang biktima naging Presidente. Sana po itong problema na ito mabigyan ng solusyon, magkaroon ng reparation, magkaroon ng pag-amin at pagpapatawad.

MODERATOR: And actually sir this is the sort of the same question from Christine Avendano. Hi sir, can I get a statement on Sen. Ping’s comments about the President’s controversial statements about God. Sen. Ping said, ‘May God forgive the President for his negative comments about God and that he hope the President to atone for his sins. The Senator also said, he will side with and choose God over the President. Sen. Ping as he had also said would often support the President because he believe the Chief Executive could lead the country rightly. Isn’t the President concerned that he might lose his supporters with his kind of statements and does the President need to atone for his sins?

SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko po, the right to believe is personal. We appreciate the views of Senator Lacson, despite what he has said recently. History will show that he will remain a very strong ally of the President; halos pareho po ang pulitika nila ng Presidente.

MODERATOR: Okay so far iyon lang po iyong mga questions.

SEC. ROQUE: Okay, Cagayan De Oro maraming salamat and this afternoon po the President will be addressing the barangay captains and I’m sure he will also address the nation ‘no. So if there are no more questions—ay mayroon pa palang UNTV, sige habol UNTV.

Q: Sir, pinaimbestigahan po sa Kamara ng Makabayan ang—related ito sa tambay sir, iyong panghuhuli sa mga tambay. Ano pong reaksyon ninyo?

SEC. ROQUE: Ma’am, wala po. May kapangyarihan po ang Kamara na magkaroon ng mga ganiyang imbestigasyon lalung-lalo na dahil it will be an aid of legislation. We are always welcome to any congressional—or we always welcome any congressional inquiry. Wala pong itinatago.

Q: Thank you sir.

Q: Sir isa lang po. Habol—Angelo Andrade po from ABS-CBN Cagayan De Oro. Sir, update po on Boracay rehabilitation? May nakita pong bagong whale shark doon sa Boracay waters? Are we considering this as a good effect po sa rehabilitation natin?

SEC. ROQUE: I think that shows that the effort to clean up Boracay has succeeded. If we are able to attract a whale shark, that means we must have pristine water anew in Boracay. Congratulations to all those involved in the rehabilitation of Boracay.

MODERATOR: Sir, pahabol lang po from MPC. Sir, what is the Palace position on PDEA’s proposal to conduct mandatory drug testing for Grade IV students and up? Education Secretary Leonor Briones said conducting mandatory drug testing for Grade IV students is against the law and that only high schools and college students may under—

SEC. ROQUE: Thank you moderator. I already answer that.

We take the side of Secretary Briones invoking that in the United States, what has been upheld as being constitutional is only random testing for high school; and we concur with Secretary Briones that the Dangerous Drugs Act limits the possible drug testing to high school and not to grade school students. Thank you.

MODERATOR: Alright. Thank you so much, Secretary Harry Roque. That’s it for our Malacañang Press Briefing. Thank you so much.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource