Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III – Cabinet Report sa Teleradyo, Radyo Pilipinas


LEO:  Ladies and gentlemen, nasa linya po namin ngayon ang heartthrob ng Gabinete, siyempre pa ang aking partner rito, Secretary Martin Andanar – magandang umaga, Secretary.

CARLOS:  Good morning, Sec.

SEC. ANDANAR:  Good morning, good morning. Good morning sa inyong lahat. Good morning, lalung-lalo na kay Congresswoman Sol Aragones. Kasama ko iyan sa Manila Police District, siya iyong pinakabata sa amin pero tingnan mo ngayon congresswoman na. Masuwerte iyong grupo na iyon sa Manila Police District; Congresswoman good morning po.

CONG. ARAGONES:  Good morning, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Good morning din kay Carlos, good morning kay Vinci at of course kay Leo. Good morning, sa lahat-lahat po ng mga nakikinig/nanonood dito sa Cabinet Report sa Teleradyo.

LEO:  Pinag-uusapan namin Sec, ngayon ay iyong national ID system. Congresswoman, sino ba ang unahin na bibigyan ng ID, mga Secretaries ba muna?

CONG. ARAGONES: Ang una po ng PSA, tinatarget nila bago matapos iyong taon ay makapag-pilot na sa isang milyong Filipino na manggagaling doon sa UCT, sa senior citizens at PWD mula sa Region IV-A, CAR at NCR.

CARLOS: Sino po ang mag i-imprenta nitong mga ID na ito, Cong.?

CONG. ARAGONES: Malalaman pa po natin kung sino, kasi magkakaroon ng procurement. May mga ganoong proseso sa PSA, pero ang mamahala po ang PSA.

LEO: Iyon pala iyon, so government printing, malamang iyan, sa PCOO iyan, si Sen. Martin.

SEC. ANDANAR:  Well maganda sana kung mapunta iyan sa one of our printers – either National Printing Office or APO Production Unit. Pero mayroon ding puwedeng sumali diyan, ang Bangko Sentral ng Pilipinas. So kailangan iyan dumaan sa proper bidding para, hindi ba Vinci, para hindi ma-COA – iyon ang mahalaga diyan.

Alam mo, hindi ninyo alam Vinci, Carlos at Leo na constituent din ako ni Congresswoman noon. Oo, kasi maraming Marfori dito sa Calauan, Laguna – hindi ho ba Congresswoman?

CONG. ARAGONES:  Taga-Calauan ka pala Secretary

SEC. ANDANAR:  Opo taga-Calauan, mga Marfori diyan po galing iyong lolo ko. Mayroong Marfori Street diyan sa Calauan, kaya constituent kami ni Congresswoman.

Congresswoman, pang-ilang term ninyo na ho ba ninyo ngayon, pangalawa?

CONG. ARAGONES:  Sec. pangalawa na po…

SEC. ANDANAR:  Pangalawa tapos puwede na kayong mag-senador…

CONG. ARAGONES:  Hindi pa po natin kaya…

CARLOS:  Magsasabay daw kayo ni Sec.

SEC. ANDANAR:  Magsasabay sila ni Sec. Bong Go.

LEO:  Anyway ikaw Secretary, ikaw ba ay okay dito sa national ID? Kasi iyong mga kaibigan mong mga aktibista [laughs] eh sinasabing…

SEC. ANDANAR:  Alam ninyo, ang pinaka-objective talaga ng national ID para sa akin ay para mas mapadali ang buhay ng bawat Pilipino. Number one, napakadami nating ID – mayroon tayong SSS, mayroon tayong TIN, mayroon tayong GSIS, mayroong… lahat ng IDs banggitin mo na, NBI etcetera; at ang bawat Pilipino ay nag-a-apply ng trabaho iyan lalung-lalo na iyong mga OFWs at napakadami pong mga ID hinihingi. So if you have a national ID, kahit na mayroong one-stop-shop na, mas madali para sa isang Pilipino, lalung-lalo na iyong isang OFW na nandoon sa abroad na hindi makauwi ng Pilipinas para makapag-renew ng isang ID, etcetera. So kung mayroon kang national ID, well mas mapadali.

Number two, ay nababawasan iyong human interface sa mga government transactions. Oo, so kapag nabawasan eh naturalmente talagang mababawasan din iyong korapsyon, red tape mababawasan – so malaking tulong po talaga ito.

Number three, ay iyong challenges nating lahat hindi lang mga Pilipino kundi maging mga kapit-bansa natin sa ASEAN at sa buong mundo ay mayroon tayong threat of terrorism – ISIS/Daesh. So pamamagitan ng national ID ay madali ka nang ma-track ng isang pulis o isang miyembro ng Interpol kung ikaw ba ay Pilipino o hindi. Kung hindi ka Pilipino, nasa Pilipinas ka… eh anong ginagawa mo sa Pilipinas hindi ka Pilipino? Tapos hahanapan ka ng passport ngayon, eh kapag wala kang passport na…

LEO:  Kaya pala ayaw ng mga aktibista ito [laughs].

CARLOS:  Pero Sec., idagdag ko lang doon sa sinabi ninyo at saka Cong. Kanina kasi papunta rito, na-late ako nang konti pero mayroon akong napakinggang interview sa ibang station. Isa sa mga kritiko sinasabi… ang pagkakasabi niya, ito iyong mga argumentong medyo nakakatawa nang konti na bakit daw ginawang prayoridad ng Presidente ang pagpirma sa national ID system; ano ba iyang ID na iyan; makakain ba natin iyan; bababa ba ang presyo? I mean, these are the kinds of arguments na non sequitor – iyong walang koneksiyon doon sa pinag-uusapan. Eh talaga naman po natin hindi makakain iyang ID, pero hindi po iyon ang purpose noon. Puwede rin, kung gusto mong pilitin siguro kainin iyong ID, hindi ba?

Puwede naman siguro, pero iyon ang problema sa mga kritiko minsan eh, iyong nambabato na lang ng kung anu-anong… And then ang nakakalungkot nito, it sounds logical but it really isn’t ‘no. Huwag pa po sana tayong ano… So I hope Cong., Sec. Mart ‘no na the government will do a lot more to explain this very, very good law.

LEO:  Sandali lang, may text dito sa akin eh. Si Secretary Martin Andanar po kasi ay taga-Mindanao at Bisaya po kasi ito – Sec., pakilinaw lang ito… double meaning ang sinabi mo daw eh…

SEC. ANDANAR:  Ano?

LEO:  Mapadali ang buhay [laughs]. Iyong sinabi mo raw para mapadali ang buhay ng mga Pilipino [laughs].

SEC. ANDANAR:  Hindi, ibig sabihin mas magaan… kundi mabilis ang ating mga transaksiyon sa gobyerno.

CARLOS:  Mas dumali…

DIR. VINCI:  Anti- red tape… isa rin iyon sa sinusulong eh.

LEO:  Napaka-pilosopong Tagalog nito eh…

SEC. ANDANAR:  Vinci ah, mayroong pinadala si Cabinet Secretary na reminder doon sa ARTA…

 DIR. VINCI:  Next week po, mayroon po tayong ARTA sa PCOO, may seminar po tayo. O hindi ba agad-agad…

 CARLOS: Sa radyo ibibigay?

LEO: Dito talaga ha? Dito?

SEC. ANDANAR: Ganiyan tayo ka-transparent dito.

DIR. VINCI: Pero agad-agad, Sec., mayroon po tayo, August mayroon po tayong seminar on ARTA. Iyan, hindi tayo papahuli kasi tayo iyong nag-i-spread ng news eh, tayo iyon nag-i-spread noong information – hindi tayo papahuli sa PCOO.

LEO: Alright, Congresswoman, ito may mga tanong pa dito; saan daw puwede magpa-ID? Saan daw—saan ba nga ba?

CONG. ARAGONES: Opo, may mga registration centers po na itinalaga ang ating PSA pero ito ho ay iaanunsiyo pa kung kailan i-a-activate kasi nga nagsisimula pa nga lang po itong pagda-draft ng IRR. Pero ito po ay PhilHealth, SSS, GSIS, sa PhilPost, DFA at marami pang iba. Iyan naman hong mga OFW natin, puwede po silang magpa-register kapag go na talaga ito, sa embahada po.

LEO: So wala pa? May date ba kung kailan sisimulan? Wala pa? Wala pa?

CONG. ARAGONES: Wala pa po, dina-draft pa lang po iyong mga implementation rules and regulation.

LEO: Anong mga dadalhin nila na mga requirements?

CONG: ARAGONES: Ang dadalhin po ay birth certificate

LEO: Ah, iyon lang, isa lang?

CONG. ARAGONES: Opo

LEO: Paano naman iyong walang birth certificate?

CONG. ARAGONES: Iyon po ay pag-aaralan pa sa IRR kung paano po natin gagawin iyan, kasi marami din hong mga kababayan natin, sa register ng Civil Registration Office, ay marami pa rin talagang Filipino ang walang birth certificate, so isa ho ito sa ia-address ng PSA sa IRR.

DIR. VINCI: tanong po ng iba Ma’am, may bayad po ba ito?

CONG. ARAGONES: Wala pong bayad.

LEO: At isa pa Congresswoman, kailangan ba authenticated iyong birth certificate? Kunwari, kukuha ako ng birth certificate, kailangan ba authenticated?

CONG. ARAGONES: Iyan din po ay pag-uusapan po sa IRR.

LEO: Pero ito kay Secretary Andanar. Sec., kung saka-sakali lang dahil siyempre tayo naman ay nagtitipid din naman pagdating sa bagay na ito. Eh kung magbi-bid din lang naman tayo at maraming—sobrang maano—I mean masyadong magastos ito dahil if I’m not mistaken, mayroong pondo na para dito ang national—sa national budget on this matter. Hindi ba puwedeng sa atin na lang or sa APO or sa NPO na lang ang gagawa nito para at least gobyerno mismo, pati iyong mga security features eh hindi na mabasa pa ng ilan—alam mo sa Recto ang gagaling ng mga ano doon?

SEC. ANDANAR: Oo, eh mas maganda sana talaga kung government printer ang gumawa nito, either Central Bank, APO or NPO. Eh kasi iyon naman talaga ang nakalagay sa batas. Lahat ng mga materyales na dapat pa-imprenta ng gobyerno ay dumaan sa tatlo na ito. But then again, let me just echo kung ano po ang sinabi ng Philippine Statistic Authority na 25 million na mga Pilipino ang kanilang kayang gawan ng ID for the next year. So it’s going to be 5-year project, ano ito, malaking ano ito. This will cost billions of pesos for the national government. But then again, ang titingnan natin iyong ano dito, iyong pros kung ano iyong magiging magagandang epekto para sa ating mga kababayan at iyong efficiency ng ating gobyerno.

LEO: Yes, iyon ang mahalaga eh. Mapadali na naman tayo na naman, sa isip ko napadali – Napapadali iyong trabaho.

SEC. ANDANAR: Napapabilis.

CARLOS: Sabi nga kanina ni Director Vinci, hindi daw tayo magpapahuli. Hindi magpapahuli.

DIR. VINCI: Hindi magpapahuli.

LEO: Anyways, anu-ano ba ang mga tanong natin kay Congresswoman Sol dahil ginaganahan tuloy ako dito eh. Sandali, napupunta kung saan-saan—

DIR. VINCI: National ID—

LEO: Ito ano po ang mga personal information, Congresswoman, ang kukunin sa—for example sa akin kapag nagpa-ID ako?

Nandiyan pa si Secretary Andanar, nakikinig pa naman ano? Sige, Sec., nandiyan ka pa ano?

SEC. ANDANAR: Just listening.

LEO: Kasi maganda iyong pinag-uusapan namin – iyong marital status saka iyong email – bakit optional?

CONG. ARAGONES: Medyo sensitive tayong mga Filipino sa ganyan na hindi natin gustong, na kung may nangyari sa atin – maghiwalay… so mas gusto na lang nating gawing private iyon sa individual. Kung willing siyang ipaalam iyon okay, if not okay din lang.

CARLOS: Cong., sa akin, this is just an opinion but there are some transactions, let’s say for example, sa land registration, punta sa LRA pag titulo ng lupa, mga ganyan, na nakalagay po ang marital status and if you want to get those agencies online, I think iyong email address – that I understand. Tingin ko kung mayroon—di kasi mayroon po talaga tayong government transactions na may bearing iyong marital status. So, baka that is something that you can consider na not making it optional, kasi po mai-invalidate or hindi magagamit iyong national ID kung magpaparehistro ka ng titulo.

CONG. ARAGONES: Puwede rin na sabihin verbally – we’ll check po.

CARLOS: Medyo importante po kasi iyong marital status sa atin sa ibang transaksiyon.

LEO: Malakas ba ang ulan hanggang ngayon, Secretary, nasaan ka ba?

DIR. VINCI: Yes, sobrang lakas, madilim na nga eh, Sec.?

LEO: Nawala si Sec.?

SEC. ANDANAR: Nandito lang, nandito lang. Lumabas ako tapos tiningnan ko kung may ulan.

LEO:  Speaking of telcos, speaking of coordinating with the telecoms company, si Secretary Martin Andanar, isa iyan sa nagpu-push dito sa satellite system…

SEC. ANDANAR:  Government satellite…

LEO:  So kayo ba ay ano na dito, sa GSN natin?

SEC. ANDANAR:  Actually kinakausap na ni Secretary Jun Esperon ang iba’t ibang mga ahensiya na puwedeng makinabang sa Government Satellite Network, kasama iyong DILG at kasama din iyong Philippine National Police, of course, under ng DILG iyan at ang Department of National Defense at under niya ang NDRRMC.

Again, itong Government Satellite Network maraming natuwa during the SONA kasi naipakita/nai-stream ang State of the Nation Address ni Pangulo sa limang mga baryo sa iba’t ibang lugar, sa liblib na lugar dito po sa Pilipinas; diyan sa may Sultan Kudarat mayroon din po sa may Leyte and three more barrios na dati-rati ay hindi napapanood iyong SONA ni Presidente. At the same time, giving them the opportunity also kung posible na kausapin si Presidente at makausap sila ni Presidente – pero hindi na nagamit iyong feature na iyon.

Pero I have a different question Leo kay Director; connected din sa State of the Nation Address. Sapagkat iyong NDRRMC – National Disaster Risk Reduction Management Council – ay talagang napakinggan na iyong tugon ninyo na maging ganap na departamento ang inyong council; na ito ay maging Department of Disaster Management. Director, ano po ang pagkakaintindi ninyo dito sa Department of Disaster Management? Ano po ang magandang idudulot nito sa ating bayan?

OCD DIR. POSADAS:  Sec., when it comes to the technical aspect niyan, I can only—iyong pananaw ko lang po dito, this is aligned with the pronouncement of the President. Kasi very eager po siya na mapa-improve pa, kasi iyon nga ho ang ating battle cry palagi, iyong zero casualty, papaano ba natin maa-achieve iyon, how could we strengthen the mechanisms – at iyon nga po, by creating one agency, one department; not only a bureau but a department na nandoon po iyong mga essential, nakakabit po iyong mga ahensiya ng gobyerno na primary ang role nila ay sa response.

At ito nga ho ay hopefully po this will strengthen, this will enhance our present setup sa ngayon. At anything po, sa amin po, anything that would improve the system is welcome; we leave the details to our legislators who are crafting the law. And kami naman po ay represented din doon sa mga consultations and we try to give your two-cents worth po doon sa ganitong mga activities.

SEC. ANDANAR:  Opo. Para ho sa mga kababayan natin na siyempre pangalan pa lang, NDRRMC, eh pati si Presidente buwiset na buwiset sa haba ng pangalan na iyan, ang hirap-hirap bigkasin. Para sa mga kababayan natin, iyong mga nakikinig ngayon, and from your own experience sa division kung saan ho kayo assigned – ano po ang magiging epekto nito from your level, anong magiging epekto nito kung saka-sakaling magkaroon tayo – knock on wood – ng isang Yolanda – ano ang magiging epekto nitong Department of Disaster Management? Ano ang maso-solve nito na problema na na-experience mo noong nagkaroon ng Yolanda dati? Anong… just give us one example kung anong puwedeng masolusyunan nito?

OCD DIR. POSADAS:  Definitely Sec. ang nakikita ko po dito ano, on the operation side mas mabilis po at saka mas solido iyong pagresponde dahil nakakabit na po doon iyong mga essential na ahensiya ng gobyerno at idi-dispatch mo na lang sila. So I think kagaya ho sa Yolanda, we needed everybody there, at the very instance na nangyari iyon para magresponde; and I think that’s one very concrete—iyon pong output na gusto natin dito na posible pong mapagkaloob nitong bagong batas na ito at iyong bago pong pag-create noong department for disaster resilience.

SEC. ANDANAR:  Hayun, congratulations sa inyo Director, at least ngayon—alam mo Carlos, Leo at Vinci… ito ay priority legislative agenda ng ating Pangulo – iyong Department of Disaster Management.

LEO:  Director Ed Posadas maraming, maraming salamat sa pagkakataong ito dito po sa Cabinet Report sa Teleradyo. Again, thank you so much.

OCD DIR. POSADAS:  Maraming salamat po, at magandang hapon po.

LEO:  Hayan, si Director Ed Posadas po iyan ng NDRRMC. Once na maging department iyan pare, si Director magiging Secretary…

SEC. ANDANAR:  Hindi, magiging Asec. si Director tapos iyong Usec., si Usec. Jalad puwedeng maging Secretary…

CARLOS:  Hayun… Pero paano kapag ano lang Department of Disaster, walang management?

SEC. ANDANAR:  Hindi ba natawa nga iyong mga nakikinig noong SONA, noong sinabi ni Presidente “Department of Disaster” tapos mayroon munang mga isang segundo na pause [laughs]…

LEO:  Nag-text pala si Congresswoman Sol, ang sabi na makaka-transact pa rin daw kahit hindi dala iyong national ID basta alam mo iyong PhilSys ID number mo, kailangan din ng biometrics.

SEC. ANDANAR:  Pero mayroon siyang binanggit, mayroong binanggit si Congresswoman na mayroong mga IDs na hindi exactly kasama doon sa national ID – iyong NBI hindi ba. Ano pa?

LEO:  Police Clearance…

CARLOS:  Barangay Clearance siguro…

LEO:  Iyong mga lisensiya ba like PRC hindi rin kasama sa national ID kasi… ah nire-renew iyon. Tapos iyong mga renewable IDs parang hindi yata kasama talaga hindi ba?

SEC. ANDANAR:  Iyong basic identification lang ng isang Pilipino – iyong pangalan niya, iyong birth date tapos iyong kaniyang place of birth, iyong blood type hindi ba, tapos kung anong gender – male/female… Hindi ko alam kung—kasi originally nakalagay doon iyong marital status pero hindi na yata kasama iyon.

CARLOS:  Yes Sec., sabi ni Congresswoman kanina optional nga daw iyong marital status.

SEC. ANDANAR:  Tapos iyong address mo, home address hindi ba. O tamang-tama iyong home address, kung ano ka—kung halimbawa ay nawawala iyong isang bata hindi ba? I’m not sure kung—have you asked kung ilang taon ang isang Pilipino para mabigyan ng national ID?

DIR. VINCI:  Pagkapanganak pa lang daw po…

SEC. ANDANAR:  Oh see… O so puwede mong ilagay doon sa bag noong bata kung ano address niya hindi ba, lahat – o so hindi mawawala.

LEO:  Pero kidding aside Secretary, this is for you… akala mo makakatakas ka ha…

SEC. ANDANAR:  Uy bago mo itanong iyan, nakikinig si Secretary Cayetano. Kinukumbida kayong lahat ‘The ASEAN Street Food Festival’

LEO:  Saan iyan?

SEC. ANDANAR:  Dito sa may Amphitheater, Bonifacio High Street, Bonifacio Global City, Taguig. Sa 11th of August, ngayong araw na ito, alas kuwatro ng hapon hanggang alas diyes ng gabi. Lahat ng ASEAN street food nandoon… kasi 51st ASEAN ngayon eh…

Pero alam mo mamaya pala, speaking of food and ASEAN… nandiyan ako sa Philippine National Police Academy dahil mayroong event diyan na gagawin ng isang batch ng PNPA. Magkakaroon ng oath taking…

LEO:  Anyway Sec., again, thank you so much sa time at alam kong kahit maulan eh napagbigyan ninyo pa rin ng pagkakataon ang Cabinet Report sa Teleradyo – ang programa mo [laughs] – na makasama ka namin…

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource