ROCKY IGNACIO/PTV4: Good morning, Malacañang Press Corps. Nandito na po si Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
SEC. PANELO: Good morning to everyone.
First, I’d like to warn the public. I was informed that there is an ongoing scam on my Facebook account. Two swindlers have already received I think two hundred thousand pesos – one, one hundred thousand; two, two hundred thousand. They’re using my name and asking… apparently my friends or those who know me that I’m asking for donations for Ompong victims in the Marawi. It’s not true absolutely.
Now I’m thinking of removing all those Facebook accounts. But what they’re doing is that, they activate it and then deactivate it. I already referred this to the NBI as early as… I think more than a month ago. But there is another one, two hundred thousand. It was deposited in the name of a certain person. So please be informed and be cautious. Always call me… anyway they know my numbers.
So we have invited Assistant Secretary of Finance Antonio Lambino II so that you can ask him questions regarding the spike on the excise tax as well as its suspension. May we call on Assistant Secretary Antonio Lambino. You can ask questions to him directly.
ASEC. LAMBINO: Salamat po, Secretary Panelo.
Magandang umaga po sa inyong lahat, at ipinapahayag po ng economic managers ng administrasyong Duterte ang kanilang taos-pusong suporta sa isang agarang pag-anunsiyo ng temporary suspension ng pagtaas ng oil excise sa Enero, taong dalawanlibo at labingsiyam. Alinsunod sa TRAIN Law, inirerekomenda po itong early announcement upang maibsan ang inflationary pressure at mapabuti ang kalagayan ng pamilyang Pilipino.
Matapos konsultahin ng Presidente ang liderato ng Senado at Mababang Kapulungan, idinadagdag ng economic managers ang kanilang suporta sa pagsuspinde ng second tranche ng oil excise upang maangkla ang inflation expectations at paigtingin ang mga aksiyon ng gobyerno laban sa hoarding at profiteering. Kasama sa disenyo ng TRAIN Law ang mekanismo ng pagsuspinde ng pagtaas ng excise tax sa langis kapag umabot o humigit ang three-month average price ng Dubai crude na nakabase sa Mean of Platts Singapore sa 80 US dollars mula Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon. Malinaw sa presyo ngayon at sa futures market na napakaliit ng posibilidad na hindi tayo lalagpas sa threshold na ito, at ito ang basehan ng suporta para sa agarang anunsiyo ng gobyerno.
Tuluy-tuloy naman ang mga aksiyon ng administrasyong Duterte para paramihin ang supply ng mga pangunahing produktong agrikultura, at para bumaba ang presyo ng pagkain para sa ating mga mamamayan sa ating mga pamilihan. Maraming salamat po.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Asec., you mentioned there’s slim chance of the oil prices going below 80 dollars per barrel. But in the event na mangyari iyon, will you still implement the suspension next year?
ASEC. LAMBINO: Well if it’s… for instance a dollar ‘no, below hindi na natin kailangan na pag-awayan iyon masyado; hahanapan po natin ng paraan ‘yan. But if it’s 60 dollars, 20 dollars below the threshold which is close to impossible ay pag-uusapan natin. Kaso mukhang malabo talaga na hindi tayo lalagpas doon sa threshold.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, ang allowance ninyo 79, mga ganoon?
ASEC. LAMBINO: Mga ganoon… mga ganoon.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, mga ilan po talaga?
ASEC. LAMBINO: No, but it’s—let me reiterate ‘no. Based on the futures market, based on the price, last week pa lang based on our conversations with DOE na binabantayan po nila ito araw-araw; based on… alam po natin na may demand na malaki galing sa mga malalamig na bansa kung saan may winter, for additional oil kasi kailangan po nila ito sa kanilang heating requirement; based on the fact na mukhang maggigirian pa po ang Estados Unidos at saka ang Iran; based on the fact that Venezuela has not fixed its problems in terms of their economy, apektado po ang global supply ng oil; at, base po sa nasabi po ng OPEC na mag-e-expand sila ng production pero hindi pa po nangyayari – lahat po iyon ay ikinonsidera po natin bago po naglabas po ng statement of support ang economic managers para sa agarang anunsiyo ng pagsuspinde.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, ano po iyong chance na hindi matutuloy itong suspension next year?
ASEC. LAMBINO: Napakaliit po.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Napakaliit… because of the conditions you mentioned?
ASEC. LAMBINO: Opo.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Thank you, Asec.
ASEC. LAMBINO: Again ‘no, it’s a recommendation from the economic managers. Pero tulad po ng nasabi ni Secretary Panelo kahapon, ‘inaantay na po natin iyong official announcement from Malacañang.
INA ANDOLONG/CNN PHILIPPINES: Sir, this announcement might lead to certain expectations sa commuters or consuming public. Can you explain to us really the impact of a suspension? Because people might think that it’s going to result in the lowering of prices, when in fact it’s just suspending what supposed to be added pa. So I think the simple question is: will this lead to the lowering of prices?
ASEC. LAMBINO: Iyong excise tax on oil… ngayong taon ‘no, 2018 ay P2.65 para sa gasolina at P2.50 para sa diesel. Kung idagdag po natin ang VAT on the excise, ‘yan po ay P2.97 per liter para sa gasolina at P2.80 para sa diesel – ‘yan po ay mga 20 to 30 percent ng pagtaas ng presyo sa ating mga gasolinahan. So if we consider na ang diesel tumaas ng mga P12 per liter between December, which is pre-TRAIN, December 2017 and September 2018, iyong P3 po more or less ay galing po sa TRAIN; iyong P9 po ay galing sa pagtaas ng international oil price – iyong atin pong Dubai crude o iyon atin pong oil imports. At nadagdagan po ‘yan ng pag-depreciate ng peso laban sa dolyar, mas naging mahal pa po ang ating imports.
So to answer the question directly, with that background, ay it will help in terms of the oil price kasi hindi na po tataas ng dalawang piso ‘no, kasi ang next tranche ay P2 for gasoline, P2 for diesel. At in addition… and maybe this is just as important; it will help anchor inflation expectations. Kaya po nasabi ko kanina na this will counter profiteering and hoarding – hoarding both at the commercial and the household level. Kasi alam na po natin na ‘pag nasa isip po ng taumbayan na tataas ang presyo, eh kung may pera ho sila, bibili sila ng marami – putting upward pressure on the prices ‘no dahil demand side push po ‘yan.
So ang gusto po nating mangyari ay maging mas kampante ang ating mga kababayan na we are doing all we can to lower upward pressure on prices para ho it will lead to behaviors that will help us manage our economy in the best way possible.
INA ANDOLONG/CNN PHILIPPINES: Sir last week, didn’t you sort of say that suspending excise on oil really won’t do much to lower inflation?
ASEC. LAMBINO: It won’t do much in itself, but the inflationary expectations effect – the anchoring of those expectations is also very important. Mahirap ho i-quantify ‘yan even for economists ‘no, pero alam po natin na malaking factor ‘yan pagdating sa inflation.
ROSALIE COZ/UNTV: Good morning, sir. Na-mention po ninyo sa statement noon pong weekend iyong P40 billion pesos revenue loss. Iyon po bang mga mitigating measure ng pamahalaan sa mga mahihirap na Pilipino maaapektuhan din po ba iyon kung sakali ngang matuloy iyong suspension noon excise tax na dagdag?
ASEC. LAMBINO: There was more than P140 billion na nakasama po sa budget ng 2018 para po sa mitigating measures. Iyong galing po sa TRAIN itself ay 30% of incremental revenues, which is around P27 billion, so ‘yan po ay 2018. Ngayon sa 2019, ang unang estimate po natin pagdating sa mitigating measures or social programs in general ay nasa mga one hundred—more than P160 billion. Ngayon ang revenue impact ng suspension of the second tranche is around P40 billion tulad ng nasabi ninyo, pero hindi pa po natin alam ang neto niyan, iyong net effect dahil kukuwentahin pa po natin ang VAT at ang exchange rate ‘no, iyong mga epekto noon sa ating net position.
Nagmi-meeting po ngayong araw na ito ang DBCC at pag-uusapan po nila kung saan po makukuha ang pagbaba ng ating revenues based on the net effect ‘no – not just based on the nominal P40 billion. At ang priority po natin ay non-infrastructure expenditures pagdating po sa pagbawas ng gastos.
ROSALIE COZ/UNTV: So in other words maapektuhan din po in a way.
ASEC. LAMBINO: Mayroon pong maapektuhan, pero hindi pa po natin alam by how much. Ang alam lang po natin ay ang revenue estimate ng second tranche ay nasa 40 to mga 41 billion pesos. But again because of the VAT na nakolekta natin dahil sa pagtaas ng presyo ng langis ay may offsetting effect po iyan pagdating sa net.
So, it’s a bit early to be able to tell exactly kung magkano po at saka magmi-meeting pa po ang DBCC based on their best assessment kung ano po iyong non-infrastructure expenditures na kailangan din pong makapag-offset doon sa reduced revenues.
DEO DE GUZMAN/RMN: Sir, follow up. Inamin n’yo po na merong P40 billion na hindi kikitain. So makakatulong po ba iyong iniutos ni Presidente na parang unli-import po ng bigas dahil magbabayad po sila ng additional na tariff sa government. So makakatulong po ba iyon sa kita?
ASEC. LAMBINO: Makakatulong po iyon sa overall financial capability ng gobyerno. Pero kailangan din ho natin na maibahagi na iyong revenue na iko-collect doon sa rice tariffication, kung maisabatas na po ang bill na iyan na napakahalaga po para sa atin, bababa po ang presyo ng bigas ng P2 to P7 per kilo at bababa po iyong inflation by next year kung maipasa ho natin this year according to BSP estimates by around 0.7 percentage points, which will bring us back to within inflation range target.
Pero ang lahat po ng makokolekta sa rice tariff ay naka-earmark para sa ating mga magsasaka, iyan po ay naka-earmark para sa mga programa na gagawing mas productive at mas competitive ang ating mga rice farmers. And that’s not just in rice, maari po silang mag-diversify dahil po maaring mas maganda ang livelihood ng isang farm, kung diversified, lalo na po kung rain-fed at hindi po irrigated at napakalaking tulong po niyan in terms of mechanization, access to credit at marami pa pong ibang mga programa. Kasama na po ang better seeds, mas malago na mga binhi. So, lahat po iyan ay naka-earmark para sa ating mga rice farmers.
DEO DE GUZMAN/RMN: Last week po, sir sinabi ninyo sa briefing dito sa economic briefing, ang main drivers ng inflation were rice, vegetables and meat.
ASEC. LAMBINO: And fish.
DEO DE GUZMAN/RMN: And in fact, iyong rice po is 1% of the inflation rate nung September po ba, if I am not mistaken. And then sinabi po naman kahapon ni Secretary Manny Piñol ng Department of Agriculture, sila po ay biktima rin tulad ng transport sector, biktima rin sila ng inflation na ang main driver naman na sinasabi niya is the increase of fuel price.
ASEC. LAMBINO: Mayroon pong contribution pareho. Pero kung titingnan po natin ang datos mula sa Philippine Statistics Authority, 2.8 percentage points of the 6.7% ay galing po doon sa apat na nabanggit ninyong produktong agrikultura – rice, fish, vegetables and meat. At ang ugat po niyan, ang pangunahing ugat ng pagtaas ng presyo ay supply issues. So, mayroon hong maliit na contribution ang fuel cost, pagdating sa production, pero ang pass through po niyan based on our estimates ay mga 3 to 10%. So what we are looking at is… for every P100 na pagtaas ng presyo, P10 ang maaring galing sa fuel, 25% of the P10 ay galing sa fuel excise, 75% or 750 ay galing sa pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado. Iyong P90 kailangan pa po nating i-account of the P100 kasi P10 lang iyong accounted ng fuel. So, iyong P90 po ng pagtaas ng presyo iyan po ay supply-driven.
At talaga hong na mismanage iyong rice… hindi po iyong supply ‘no, iyong buffer stocking natin, dahil po ang NFA ay hindi po nakapamili ng sapat na bigas galing sa ating mga local producers nung huling harvest season at hindi rin po sila nakapag-import in time for the lean months at dahil po nangyari iyon, late na rin po ang dating ng imports at natamaan ng typhoon season, so na-delay din po ang unloading.
Which means talagang nagkaproblema tayo sa management ng rice buffer stock. But there was never a shortage of rice. The problem is, pag natunugan ho kasi ng mga merkado na may ganoong isyu ay nagtaasan ho sila ng presyo. That’s why we are doing everything we can para paramihin ang supply to flood the market with cheaper alternatives para po bumaba ang presyo especially ng bigas. Pero iyan po ay short term, ang kailangan ho nating gawing long term ay i-tariffy na po talaga ang rice import regime natin.
Pagdating sa isda, meron ho talagang shortage sa ating fish stock, talagang bumaba po iyong fish stock natin due to over fishing, due to climate change and due to Ompong among other factors. At iyan po ay kailangan ho nating solusyunan in the short term, kasama po iyan sa AO13 na pinirmahan ni Presidente at ang mga memorandum orders na pinapadali, ginagawang mas simple ang pamamaraan ng ating pag-import ng isda, para diretso na po sa markets, instead of kung ano po iyong nangyari noon, kapag nag-i-import po tayo ng isda, that was for processing and manufacturing.
At saka pagdating naman po sa meat and vegetables kasama na rin po iyan sa intervention ng DTI, tinutulungan po ng DA para makabenta po ang ating producers directly to consumers.
DEO DE GUZMAN/RMN: Sir, sa madaling sabi po, iyon pong mga interventions na ginawa ng government came just September and this month. So sa madaling sabi po, nagkaroon talaga ng malaking mismanagement sa DA from January until in the later months?
ASEC. LAMBINO: Hindi lang po since January, matagal na po ang mga issues pagdating sa agricultural productivity. But if you look at the GDP growth numbers, eh talagang medyo anemic iyong performance ng agricultural performance ng agricultural productivity ‘no, less than 1.5% ang growth ng agricultural sector. Kaya kailangan po talaga nating mag-invest in the right way pagdating sa agricultural productivity ng Pilipinas.
DEO DE GUZMAN/RMN: So, since 2016 po nagkaroon na ng mismanagement sa DA?
ASEC. LAMBINO: Actually even before that po. Ang mga investments po natin pagdating sa agriculture ay—alam po iyan ng mga eksperto, those who know the agriculture sector very well. We have not been making the necessary investment in farm to market roads, in cold storage facilities, in postharvest facilities, in irrigation where it’s needed at kung anu-ano pa. Kaya—even mechanization and other technologies that are available. So, these issues really need to be addressed and AO 13 and the memorandum orders that were issued help in the short term pagdating sa pagpaparami ng supply. But overtime, we need to also improve the productivity of our agriculture sector.
Q: Asec, ang hinihiling naman po ng iba ‘no like particularly si Senator Grace Poe, sabi niya iyong second tranche of excise tax sa oil. Ano po ang take po ninyo doon?
ASEC. LAMBINO: Iyong current excise tax na inumpisahang i-implement ngayong taon ay wala pong provision ang batas para i-rollback. So, that will need a congressional action.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Asec, you mentioned sa expenditure side para makabawi doon sa forgone revenues, baka maapektuhan iyong non-infrastructure di ba. Sa revenue side, what do we intend to do para mabawi iyong forgone revenues?
ASEC. LAMBINO: Titingnan po natin ang net effect tulad ng nasabi ko kanina, dahil po while the forgone revenues will be 40 to 41 billion, iyan po iyong estimate, meron naman ho tayong additional VAT revenues, dahil po sa pagtaas ng presyo. So titingnan pa po natin kung ano iyong neto. But at the same time, hindi po natin balak lakihan ang deficit target natin. So we will maintain our deficit target, if I am not mistaken it’s 3.2% for 2019 which means may mga kailangan pong bawasan na expenditures, non-infra expenditures.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Kasi, infra para sa growth kasi iyon di ba?
ASEC. LAMBINO: Huling-huli na po kasi tayo sa investment natin sa infra, ngayon lang po tayo umabot sa target level natin na mga 5% of GDP. So, lumagpas po tayo diyan at we intend to maintain our investment level in infrastructure, kasi iyan po ay para sa kapakanan ng lahat. Ang kailangan ho nating gawin ay hanapan ang mga non-infra expenditures kung saan po puwedeng bawasan for next year.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, kung non-infra baka social services iyan.
ASEC. LAMBINO: Kailangan pa pong mag-usap ang DBCC and they are meeting today, antayin na lang po natin iyong outcome nung usapan nila.
ACE ROMERO/PHIL STAR: But is there an assurance na hindi maapektuhan iyong social services kasi importante rin iyon eh?
ASEC. LAMBINO: Kailangan ho nating hintayin iyong outcome ng usapan nila. Actually, they are meeting right now as we speak.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Thank you, Asec.
ASEC. LAMBINO: This morning. They will be announcing a few things that they agreed. This afternoon, mayroon pong press conference at, I think, scheduled for one o’ clock.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Good morning, Asec. Sir, ‘di ba projection lang iyong possible na suspension of the excise tax? By next year pa lang, ‘di ba? Next year pa lang expected ang possible suspension of the excise tax?
ASEC. LAMBINO: Inaanunsiyo po na based on all the data that we’ve looked at at saka iyong future’s marker at saka iyong global conditions around the oil production ay malabo hong hindi ho tayo above the threshold for the suspension. Kaya po we’re doing this para ma-anchor na po ang inflation expectations coming into the new year because that’s very important for the well-being of the Filipino family.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Exactly the point I am trying to arrive at, Asec., na bakit as this early ay in-announce na, kasi baka a political move for it could help ease the inflation or the speculation.
ASEC. LAMBINO: Ang mahalaga po talaga ay ma-anchor ang inflation expectations. Tulad nang nasabi ninyo, ‘speculation.’ Kasi po ang nangyayari, kapag akala ng isang negosyante or even a household na magtataasan ang presyo at kung may pera sila na puwedeng gastusin, medyo bumibili ho sila ng marami which means may upward pressure sa presyo; and it’s not a good thing ‘no. Kasi kung sapat naman ang supply ng goods ay dapat talaga tama lang ang consumption para hindi masyadong magkaroon ng upward pressure on prices on the demand side.
So we are anchoring that, but at the same time ay ini-implement na po iyong mga nasa AO 13 at sa ibang mga memorandum orders na na-issue ng Malacañang para paramihin ang supply ngayon pa lang. So that’s for January and to anchor expectations between now and coming into 2019.
But on the same time, on the supply side, marami na pong interventions na ginagawa para ipababa ang presyo ngayon at hindi lang po sa susunod na taon.
JOPEL PELENIO/DWIZ: Sir, good morning. Balikan ko lang, sir, iyong sinabi ninyo kanina regarding sa shortage ng supply ng pagkain. 2016 pa po kulang ang pagkain natin, sa tingin ninyo ay may kakulangan doon sa pamumuno sa DA?
ASEC. LAMBINO: Hindi ko po alam iyong datos pagdating sa kung kulang o hindi noong 2016 ang pagkain. Ang alam ko, pagdating sa rice ay there was enough supply. Kaso nag-anunsiyo ang NFA sa isang public hearing na dalawang araw na lang iyong buffer stock nila – that was early this year. It was at that point na biglaang nagtaasan ang presyo sa mga merkado dahil nagkaroon ng false impression na kulang. But actually, sapat ang supply in the commercial rice sector.
So it was an unfortunate incident that led to, actually, a lot of pain. Marami hong nagutom dahil diyan kaya kailangan na ho nating solusyunan iyan talaga once and for all. We should have learned our lesson by now. Every time there is a rice price spike ay nagkakaproblema rin po tayo sa inflation numbers natin. Kailangan ho natin talaga solusyunan na ito once and for all which is why the rice tariffication bill is so important. At nasa advanced stage na po iyan ng legislative process. Sa Senado ay matatapos na po yata ‘no, ongoing pero matatapos na ang period of amendments which means puwede na hong bumoto in plenary ang Senado. At sinertify (certified) ho ni Presidente Duterte ang bill na ito as urgent, in the same way that he certified the House bill as urgent.
So ginagawa na po ang lahat para maipasa ito, in a way that will really make a difference for the Filipino family.
INA ANDOLONG/CNN PHIL: Sir, just a quick one. I’m not really sure about this. But our revenues from excise tax sa oil is supposed to be used for a specific purpose only. If so, what are these, basically, programs or projects na mawawalan ng pondo because of the lost revenues?
ASEC. LAMBINO: For a few years, I believe it’s a limited amount of time. I’ll check the actual number of years in the law. But not forever, but for a few years, the incremental revenues from the excise taxes on oil, on sugary beverages and tobacco, primarily, are earmarked for … 70% is earmarked for infrastructure; and 30% earmarked for social programs, which means, around 63 billion pesos in 2018 for infrastructure.
And by the way, the heightened and the increased expenditure in infrastructure has led to around 15 billion a month in new wages in the construction and construction-related jobs. Iyan po ay 50 billion a month ang gastos natin sa infrastructure ngayon. So 30% of that is around 15 billion pesos a month. And again, that’s a lot of jobs in the construction and the construction-related employment areas.
Iyong 30% po na naka-earmark for social programs and social mitigating measures, iyan po ay ang unconditional cash transfers and Pantawid Pasada primarily. Unfortunately, medyo bumaba po kasi ang revenue estimate coming from … between the original version that was submitted to Congress and the one that was passed. So between the UCT and the Pantawid Pasada, we’re very close to the 27 billion incremental revenue … the 30% of the incremental revenue which is around 27 billion. Halos nandoon na po tayo. Actually, lagpas na po in terms of our expenditures in social mitigating measures and social protection programs.
MODERATOR: Okay. Thank you, Assistant Secretary Tony Lambino. Presidential Spokesperson?
SEC. PANELO: Thank you, Asec. Tony.
Let me give you some clarifications. There is no appointment yet to replace former SAP Christopher “Bong” Go. The President is yet to choose whom he will appoint. Any question?
TINA: Sir, how about iyong PMS, sir, magkakaroon ba ng bagong head iyong PMS which was a concurrent position held by Secretary Bong Go?
SEC. PANELO: Hindi ko pa alam. Wala pang sinasabi. We’ll wait for the announcement.
IAN CRUZ/GMA7: Secretary, mayroon pong lumalabas na isang abogado raw na babae, Atty. Aldevera ang papalit kay SAP. Totoo po ba?
SEC. PANELO: Baka isa siya sa pinagpipilian. Baka, baka lang. Hindi ko alam actually. Naririnig ko rin pero walang announcement si Presidente eh.
NESTOR CORRALES/INQUIRER.NET:Secretary, so when is the President planning to announce the names of those who will replace the Cabinet secretaries who filed their COCs? Because just this morning, Cabinet Secretary Evasco said that he already resigned and filed his COCs as Bohol governor. So these are key positions in the Duterte Cabinet. So when will the President plan to announce their replacement?
SEC. PANELO: Anytime soon.
NESTOR CORRALES/INQUIRER.NET: How soon, sir?
SEC. PANELO: How soon? Anytime soon. I’m sure—but even if there is no appointment yet, there are OICs in the departments.
INA ANDOLONG/CNN PHIL: You said, anytime soon, sir. Does this mean that iyong nabanggit niya, I think, six Cab secs na aalis nga dahil tatakbo have already been … replacements have already been chosen for all of them?
SEC. PANELO: Not replacements, because there is no announcement yet. But there are OICs, hindi ko lang alam kung sino ang OIC doon.
INA ANDOLONG/CNN PHIL: OIC, meaning o usually, sir, ‘di ba, they’re from within those agencies?
SEC. PANELO: Most likely, yes.
HENRY URI/DZRH: Secretary, anong reaksiyon ng Palasyo doon sa sinasabi na ang Commission on Election ay masyadong pinaboran si SAP Bong Go at si Presidente at ang mga miyembro ng Gabinete na nagtungo kahapon sa Comelec nung mag-file si SAP ng COC?
SEC. PANELO: Hindi naman pinaboran. Siguro ang nangyari doon, hindi nila akalain na darating ang Presidente kaya iyong security nila ay nagulat. Kasi iyong nagpunta naman doon ay si Presidente at saka tatlong Cabinet members, so pasok doon sa apat eh. Ang problema, maraming sumama. Eh dahil nga hindi nila na-anticipate iyon, natural, ay talagang mahihirapan sila.
HENRY/DZRH: Nakanino ho kaya ang pagkakamali, sa side ng supporter or sa side ng Comelec?
SEC. PANELO: Eh siguro sa side ng Comelec. They should have anticipated. Kasi—sa bagay you can also blame—ang problema nga eh biglang dumating ang Presidente. So I think, you cannot blame any side, nagkataon lang. But it doesn’t mean na pinaboran si Bong Go.
HENRY/DZRH: Alright. Thank you sir.
IAN CRUZ/GMA7: Sir, baka po may significant volume ng aggregates na ginamit daw sa reclamation—
SEC. PANELO: Volume ng ano?
IAN/GMA7: Aggregates po, iyong mga sand or—na ginamit doon sa reclamation doon sa West Philippine Sea ay galing daw sa Albay, particularly doon sa foot ng Mount Mayon—
SEC. PANELO: Wala pa akong—I have no information on that yet.
Q: Hi, good afternoon po, Secretary. Kunin lang namin iyong reaction ng Malacañang. Sabi po kasi ni Joma Sison sa interview niya with Dante Ang, iyong security cluster daw po ni Pangulong Duterte ang dahilan kung bakit hindi natuloy iyong peace talks, in effect pinigilan daw po kasi nila Secretary Lorenzana. Can you also confirm this?
SEC. PANELO: Hindi. Kaya napigilan iyon dahil hindi sila sumusunod sa usapan eh. Supposed to be walang barilan, walang patayan, walang ambush, eh nilabag nila iyon eh. Eh kung ikaw ang nasa posisyon ni Presidente, bakit ka naman makikipag-usap eh mukhang hindi ka naman matapat sa layunin.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, para raw hindi magkabiglaan. Sir, sa mga candidates ba o ‘pagdating ng kampanya, anong plano ng Pangulo, sir, sasama sa lahat ng mga major events ng mga administration candidates o paisa-isa lang?
SEC. PANELO: Wala siyang sinabi but based on previous experiences, hindi ba ang Presidente noong mga nakaraang eh sumasama sa mga major rallies. Hindi ko lang alam kung ganoon din ang gagawin ni Presidente. But definitely, in-endorse na niya si Bong Go at saka iyong mga ibang kandidatong tatakbo sa ilalim ng partido ng administrasyon o ng PDP Laban at Hugpong rather.
TINA/PHIL. STAR: Sir, isa na lang. Magkakaroon po ba ng coalition, administration coalition for the senatorial candidates at saka—
SEC. PANELO: Hindi ko alam pero ang alam ko eh iyong PDP Laban at iyong Hugpong nagkaroon sila ng mga coalitions sa mga regions eh.
TINA/PHIL. STAR: How about doon sa mga tatakbong incumbent, sir?
SEC. PANELO: Hindi ko pa alam iyon.
TINA/PHIL. STAR: Thank you, sir.
CATHERINE VALENTE/MANILA TIMES: Sir, follow up lang doon kay Mr. Joma Sison. Bale sir, is the government still open po to resume talks with the NPA with the communist rebel sir? Open pa rin po ba ang government?
SEC. PANELO: Eh sa ngayon hindi dahil nga hindi nga nila tinutupad iyong mga napag-usapan noong nakaraan. But definitely the President always—his mind is always open to reconciliation as he said, hindi pupuwedeng tayong mga Pilipino ang nagpapatayan.
CATHERINE/MANILA TIMES: May update po kayo sir regarding the localized peace talks? Kung may EO na ba na napirmahan si President Duterte?
SEC. PANELO: Wala pang sinasabi sa akin si ES.
CATHERINE/MANILA TIMES: Comment na lang sir doon din po sa sinabi ni Mr. Sison. He’s admitting po that the communist does not have the ability to topple the Duterte government, dahil daw kailangan daw po ng big public movement with the support of the military. But he’s denying po that they are conniving with the LP, Trillanes and the other military members?
SEC. PANELO: Did I get you right, he said that the communist party does not have the capability?
CATHERINE/MANILA TIMES: Yes, sir, for now.
SEC. PANELO: For now?
CATHERINE/MANILA TIMES: Yes.
SEC. PANELO: Well, that’s why they have been trying to get allies from other sectors. But they have not so far been successful for the last 50 years.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, dinrop (drop) na ng Defense Department iyong Red October but they said that baka may White Christmas naman. So, is this information—did it also come from the intelligence information ng Pangulo?
SEC. PANELO: Most likely. But you know, hindi naman ako magtataka na palaging mayroon plot, because that is precisely the rationale of the creation of the Communist Party of the Philippines to oust the present government. So kataka-taka kung hindi sila nagpaplano ng ouster move every day. Eh 50 years na nilang pinaplano pero so far nabibigo naman sila.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, sa side ng Malacañang, do you categorically say na mayroon talagang nabubuo na forthcoming this December?
SEC. PANELO: Iyan ang sabi ng AFP eh, and they have the resources, the intelligence to validate what they are saying.
JOYCE/DZMM: Galing po ba ito sa information na nakukuha personal ni Pangulo?
SEC. PANELO: I said, that’s what the AFP said. And I am not surprised ‘no kung mayroong ganiyan.
O teka muna bago tayo magtapos, we would like to express our condolences, sincerest condolences to F.L. Honeylet Avanceña for the demise of her father Vicente Avanceña. Alam ninyo ba iyon na namatay?
Also, nakikiramay din kami sa mother ni Andrew Tan, namatay din; and also the wife of the founder of UNILAB Beatrice Campos.
ROSALIE COZ/UNTV: Hi, Sec., pahabol lang po. Kahapon po na-mention ni President Duterte sa speech niya sa Philippine Army turnover ceremony na walang pondo ng pamahalaan na gagamitin sa electioneering, especially ng mga kaalyado po ng Duterte administration. Pero in the past, mayroon ng ginawang endorsement si Pangulo sa mga public speeches niya. Hindi po ba natin—can we regard iyon pong mga ganoong instances sa hinaharap na paggamit din po ng government resources?
SEC. PANELO: Hindi naman. Patungkol yata iyan kay Bong Go na baka daw gamitin ang resources ng gobyerno dahil si Presidente sinamahan pa siya. But you must remember that the President, as a citizen of this country, has the right to endorse and to make a choice kung sinong tutulungan niya. Pero definitely, walang gastos na manggaling sa gobyerno. Unang una, iyong mga tumulong kay Presidente eh nag-alok ng tulong kay Christopher Bong Go sapagka’t naniniwala sila sa talent ni Bong Go. At naniniwala sila na makakatulong ang kaniyang pagiging senador sa ating bayan kaya lahat sila, if you noticed iyong mga lumalabas na mga kung anu-anong mga lumalabas, galing iyan sa mga supporters.
ROSALIE/UNTV: Pero sir iyong paggamit po ng Pangulo ng mga government media platform, for example eh mag-endorse po siya ng mga candidates for 2019 midterm elections gamit po ang RTVM and the other—
SEC. PANELO: Hindi naman, because in the course of the speech naman iyan, wala naman iyon. Lahat ng Presidente, ganiyan din ang ginawa noon.
ROSALIE/UNTV: Sir, thank you, sir.
SEC. PANELO: Ang masama if you will be spending money, iyong talagang galing sa gobyerno.
ROSALIE/UNTV: More of financial sir?
SEC. PANELO: Oo.
ROCKY IGNACIO/PV4: Sir, question from Pia Ranada for Spokes daw: But as a government official, was not Bong Go aware of the limit of 4 companions per candidate? Doesn’t this run counter of the PRRD stance that is alter-egos should not expect special treatment?
SEC. PANELO: O hindi ba four nga iyong kasama niya, tatlong Cabinet members at saka si Presidente, eh ‘di apat. Eh iyong mga iba eh mga sumunod, nabigla. Hindi naman ano iyon eh—I was not surprised. Sabi ko nga eh, we have a rock star President, wherever he goes pinagkakaguluhan siya. Hindi mo ma-control ang tao eh. Kahit iyong mga PSG nasasagi eh, nasasaktan eh.
HENRY URI/DZRH: So Secretary, hindi inimbita ho ng—Secretary Sal, hindi inimbita ho ni SAP, hindi rin inimbita ng Pangulo iyong mga ibang mga dumalo, kusang-loob iyong nagpuntahan?
SEC. PANELO: Ah hindi puro kusang loob iyon. Lahat iyon kusang-loob. Nabalitaan lang nila, nagtakbuhan doon.
HENRY/DZRH: For the record, sino lang ho iyong inimbita ng Malacañang na samahan si SAP? For the record, sino lang po iyong—
SEC. PANELO: Hindi, ang tingin ko nga eh, walang—kasi ako hindi naman ako inimbitahan ni Bong Go. I mean, lahat kami nalaman na lang namin. I wanted to go with him, except that mayroon naman akong isang event, kaya hindi ako makapunta. Ang alam ko lang na nandoon ‘di ba si ES Medialdea, nandoon si Martin. Sino pa iyong isa?
Q: Esperon.
SEC. PANELO: Teron? Sinong Teron? Ah si Jun, Secretary Jun, oo silang tatlo. Oo palagay ko noong nalaman nila, eh ‘di sumama na rin sila. Eh suporta iyon eh, kung free ako eh pumunta rin ako.
HENRY/DZRH: Thank you, thank you. Thank you, Secretary. Salamat.
VANZ FERNANDEZ/DZRJ: Hi sir.
SEC. PANELO: Ang ganda ng damit mo pink. You’re in love.
VANZ/DZRJ: Sir, rugged naman kayo eh. Anyway, sir my question is: Hindi ba aware ang Presidente na alam niya na magre-resign itong mga Cabinet members niya at tatakbo sa pagka-senador iyong iba nito at ibang mambabatas din ano. Hindi siya aware na—dapat nilagyan na niya kaagad ng mga itinalaga sa mga posisyon na iyon?
SEC. PANELO: Hindi naman eh, dahil—kahit ako nga mga kasama ko na—
VANZ/DZRJ: Kasi nababakante sir.
SEC. PANELO: Hindi naman mababakante dahil mayroon—as I said earlier, may mga OIC naman eh. Hindi mababakante, continuous pa naman ang serbisyo ng gobyerno eh.
VANZ/DZRJ: Kasi until now wala pa silang inilalagay eh.
SEC. PANELO: Mayroon iyang mga OIC.
ROCKY IGNACIO/PTV4: Okay, thank you, Vanz. Thank you, Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
SEC. PANELO: Thank you, ladies and gentlemen.
ROCKY IGNACIO/PTV4: Thank you, Malacañang Press Corps. Back to our main studio sa Radyo Pilipinas and People’s Television Network.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)