Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Henry Uri (DZRH – ACS Balita)


Event Radio Interview

URI:  Secretary Martin, magandang umaga sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Hello, good morning, good morning Henry. Good morning sa lahat ng nakikinig po sa atin sa DZRH. In fact it makes our Christmas more merry. Akalain mo eh, number one, nasoli iyong Balangiga; number two, bumaba iyong inflation; number three, nai-uwi ni Catriona Gray iyong Miss Universe; at ngayon naman, pang-apat, eh wala na tayo sa listahan doon sa Reporters Without Borders, na listahan ng mga deadliest countries for journalist.

URI:  At ito ay mukhang ang pinanggalingan po nito dati—ay ilang taon ba tayong na sa listahan?

SEC. ANDANAR:  If I can remember correctly ay noong 2009 ay nagkaroon po ng Maguindanao Massacre at 32 mga mamamahayag ang napaslang sa massacre, at mula noon at number two tayo sa pinaka-deadly na mga bansa para sa mga journalist.

Tapos noong pumasok si Presidente Duterte… alam naman natin pinirmahan ni Presidente iyong Task Force on Media Security at napaka-hardworking nila Usec. Joel Egco, pati ng mga kasamahan niya sa Task Force. Tapos pinirmahan ni Presidente iyong EO #2 or Freedom of Information which really strengthens the right to information clause in the Constitution by giving more access to public information. So, itong dalawa nagsama-sama ito at I believe that we can attribute this to these policies na pinirmahan po ni Presidente Duterte.

URI:  Anong mga partikular na hakbang ang ginawa po nitong Task Force ni Usec. Egco para maging ganito ang review sa atin nga nitong Reporters Without Borders?

SEC. ANDANAR:  Iyong  pag-revisit ni Pareng Joel Egco sampu ng kanyang mga kasamahan dito sa mga kaso ng mga media killings sa bansa, especially iyong 32 na namatay na mga media sa Ampatuan, Maguindanao; Iyon ang number one. Number two, every time na meron pong threat ang isang media man dito sa Pilipinas ay meron na po silang matatakbuhan, ito po iyong Task Force on Media Security sa pangunguna nga ni Joel Egco.

So, sa palagay ko, this is one of the major contributions dito sa naging desisyon ng Reporters Without Borders and plus iyong sinabi ko nga na EO No. 2 or Freedom of Information.

URI:  Palagay ko iyong mga kaaway nating mga mamamahayag kapag nasagasaan natin sila, medyo nag-aalanganin na ngayong basta-basta na lamang magpatumba ng mga kabaro natin sapagkat may mga nagbabantay na nga kagaya nitong Task Force ni Usec. Egco.

SEC. ANDANAR:  Merong sumbungan eh. Pag merong death threat natatawagan agad tapos ina-assist kaagad ng pulis kung anumang region iyong journalist na iyon, iyong mamamahayag, at siyempre nagkakaroon ng deterrence.

URI:  Ah ganoon pala, ganoon ang ikot ng pagtulong po ninyo, halimbawa may death threat ako, ite-text ko lang sa inyo, ite-text ninyo doon sa PNP, tapos magtatrabaho kaagad ang PNP.

SEC. ANDANAR:  Within 5 minutes matawagan  mo ang Task Force  on Media Security, sila Joel Egco ay meron kaagad sagot at meron kaagad sagot at tatawagan agad iyong counterpart ng Philippine National Police doon sa lugar na iyon at iyon nga siyempre iba-blotter iyong threat eh, so nagkakaroon ng deterrence.

URI:  Parang siguro nata-triangulate agad kung saan nanggagaling iyong threat ano ho?

SEC. ANDANAR:  Exactly at siyempre kung ikaw naman iyong threat eh ikukuwento mo lahat sa pulis kung sino iyong mga nasagasaan mo na… halimbawa, naikuwento mo sa ere, natira mo sa radio, sa telebisyon at sa diyaryo at  kung meron mang threat talaga na natatanggap, eh maipapakita mo iyong cellphone mo.

URI:  Pero, Secretary, sa larangan ng mga media, anong asistiya ang inyong—may mga seminar ba kayo riyan, may mga pag-aaral pa ba kayong isinasagawa para sa kanila?

SEC. ANDANAR:  Meron po kaming pag-iikot na nangyayari. The Task Force on Media Security at ang PCOO bilang co-chairman nitong Task Force ay umikot po sa buong Pilipinas para tulungan po ang PTFOMS na mamahagi nitong mga libro, iyong mga handbook na ginawa po ng PTFOMS on media security at kinakausap po natin lahat ng mga press clubs around the Philippines. Kasama rin po iyong KBP, kinakausap rin po natin para ma-turnover itong Personal Handbook to Protect Yourself and Your Family, this is the first in South East Asia. In fact namigay din po kami sa international media, nagulat nga sila eh. And apart from that, meron din pong seminar na pinaplano po iyong Task Force kasama po iyong Freedom of Information. Alam n’yo po bakit ko binabanggit iyong Freedom of Information, kasi nga pinapalakas nito iyong ating access to public information which is actually, Henry, nasa ika-apat natin na Journalism Code Of Ethics, di ba. Di ba iyong ika-apat doon ay nakalagay doon na ‘we shall fight vigorously for public access to information,’ iyon po iyong nakalagay doon and this is what FOI is all about. Kaya kapag pinagsama mo iyong FOI at AO #1 or Presidential Task Force on Media Security ay napapakalakas ho talaga iyong ating mga mamamahayag, iyong press freedom.

URI:  At saka hindi na ngayon pupuwedeng basta-basta tumanggi ang sinumang government agency kapag nag-request tayo ng impormasyon sa kanilang mga tanggapan.

SEC. ANDANAR:  Tama po, sir.

URI:  Sapagkat meron na nga tayong Freedom of Information Law ano ho. Pero marami ba sa ngayong ang gumagamit nito, nitong FOI na ito… diyan sa inyo sa PCOO, I understand marami na ring nag-re-request ng iba’t-ibang klase ng information. Pero iyong mga different government agency, based on report naman nila sa inyo, maraming nagre-request na rin sa kanila ng iba’t-ibang klase—

SEC. ANDANAR:  Opo, opo. Wala lang sa harapan ko iyong pinaka-datos natin pero nasa mga 3,300… 3,400 iyong mga request po na natanggap ng opisina. But I will give you the details of the report na naibibigay… kung ilan po iyong successful, ilan po iyong hindi successful. Kapag sinabi pong hindi successful, ibig sabihin ay meron pong, number one, iyong ni-lodge mo na inquiry ay meron na pong kasagutan doon sa website mismo; or number two, ay hindi po maibigay iyong sagot, dahil nga naapektuhan iyong national security.

URI:  Secretary, I understand meron din ba kayong—kasi merong nagte-text dito, paano raw naman ninyo matutulungan iyong mga media na walang-wala, may sakit, may mga problema… hindi naman siguro pupuwede naman iyong personal, pero iyong talagang may kinalaman sa pagtatrabaho, papaano ninyo iyon tutulungan, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Salamat sa tanong, Henry. Alam mo sa pag-ikot ko sa buong Pilipinas, sa mga media men natin ay napag-alaman natin na talagang hindi ho maganda iyong  sitwasyon, dahil marami sa mga media man natin ay hindi po nakapag-ipon, nagkasakit po, naging malubha iyong sakit at wala hong paghuhugutan ng pera. So unang ginawa natin ay… since magpapasko na ay inilapit ko po ito kay dating Secretary Bong Go at humingi po ako ng kaunting solicitation kung puwedeng bigyan ng Noche Buena cash gift at binigyan naman niya ng Noche Buena cash gift itong 10 media man from all over the Philippines, merong galing Cebu, Bohol, Nueva Ecija, Baguio, meron ding galing Bicol at Maynila. Ang kasamahan natin si Ed Versola ay meron pong cancer sa throat so meron pong Noche Buena cash gift.

Pero ito po ay ipagpapatuloy, Pareng Henry, tayo po ay humihingi pa ng mga listahan at by January hopefully makahanap tayo ng mas maraming benefactor, donor para po mabigyan natin kahit man lang kaunting cash allowance every month, pangtustos ho.

URI:  Lalo na iyong mga may sakit, Secretary, baka pupuwedeng through your office, mas  madali silang makahingi rin ng tulong sa PCSO, sa Pagcor,  sa iba’t-ibang government agency ano.

SEC. ANDANAR:  Opo. In fact—di ba Henry, for example MPC, Malacañang Press Corps at pati itong National Press Club ay pinacilitate po natin with Dr. James Dee dito sa Chinese General Hospital na meron pong 50% discount lahat ng mediamen na may sakit. So, siguro the best thing to do is to affiliate your local press club.

URI:  Meron ba kayong isang partikular na la mesa o tao diyan sa opisina ninyo na kapag may concern ang isang mamamahayag sa probinsya o saan mang panig ng Pilipinas ay iyon ang tatawagan, iyon ang kakalampagin, para mas madali nilang mailapit iyong kanilang problema?

SEC. ANDANAR:  Opo, meron po. Iyong opisina ko po mismo, iyong aking tanggapan ay meron po akong—lahat po ng kasamahan ko doon pag tumawag po kayo hanapin n’yo lang po si Atty. Glen Ocampo at kung meron po kayong sakit, may malubha po, bilang mamamahayag ay mag-a-assist po sa inyo ang Presidential Communications Operations Office.

URI:  May hotline ba tayo riyan, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Meron po, ibibigay ko po sa inyo mamaya, Henry.

URI:  Iyong hotline niyan at saka si Atty. Glen Ocampo para iyong mga kasamahan natin sa probinsya na hirap na hirap sa buhay ay maasistiyahan naman.

SEC. ANDANAR:  Ang pinakamadaling gawin ay kumontak po kayo sa Presidential Task Force on Media Security o sa National Press Club puwede rin po, puwede rin po sa KBP at alam naman nila iyong aking tanggapin, para mas madali. Ang payo ko nga  eh, sa lahat ng mga press club sa buong Pilipinas ay mag-affiliate na sa National Press Club, kasi pag once na mag-affiliate, bukod po doon sa maitutulong ko sa PCSO ay 50%  discount po kayo sa Chinese General Hospital.

URI: Tama, iyon ang pinakamabilis, makipag-coordinate sa KBP iyong mga announcer sa National Press Club, iyong mga peryodista ano po. Sec, your take daw, bakit hindi pa daw payagang magbitbit ng baril ang mga media man?

SEC. ANDANAR: Aalamin ko iyan sa PNP; at number two, siyempre magkakaroon ng gun ban sa darating na eleksyon.

URI:  Puwede namang mag-apply ng lisensiya kung makakapasa kayo sa pamantayan ng PNP ano ho.

SEC. ANDANAR:  Tama po.

URI:  Anyway, New Year na. Patapos na nag taon, bibigyan pa kita siguro ng ilan pang minuto. Kumusta ang kasalukuyang gobyerno, kasalukuyang administrasyon, ano ang kumbagang maaring sabihin natin na ito na tayo ngayon?

SEC. ANDANAR:  Opo. Alam ninyo nabanggit ko nga, napakadaming nangyari just recently. Eh nasoli iyong Balanginga, bumaba iyong inflation, tapos itong ating bansa eh wala na po doon sa most dangerous countries for journalist.

Alam mo itong inflation lang since 6% this third quarter at inaasahan natin na bababa pa ito ngayong Disyembre dahil nga gagastos ang mga kababayan natin for Christmas season and then by January ay bababa po iyong presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado and of course iyong election fever, iyong kampanyahan ay naturally ay talagang gumagastos iyong mga pulitiko, kaya po talagang bumaba iyong inflation. We are really expecting this to go down at tayo po ay patuloy na sumusuporta doon sa build, build, build. In fact by February meron na namang Japan and Philippines high level meeting para doon sa mga projects.

URI:  At ang pinakamaganda at higit sa lahat din, Secretary, bumaba na ang presyo ng bigas.

SEC. ANDANAR:  Ayun, bumaba ang presyo ng bigas; at least Merry Christmas, di ba, Henry? And sa January third week ay meron pong eleksyon diyan sa Bangsamoro region.

URI:  All right. So your Christmas message sa mga kasamahan niny0 sa PCOO at sa buong Pilipinas, Secretary, please.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Patuloy po iyong ating kampanya, ating mga reporma sa ating gobyerno. Nakita n’yo na po sa PCOO ang aming policy reforms – ang AO#1, Task Force on Media Security,  EO #2, Freedom of Information ay malaking ambag po dito sa pagkawala ng ating bansa sa listahan ng pinaka-dangerous country para sa journalist ng Reporters Without Borders at tayo po ay patuloy na magtatrabaho para sa ikauunlad po ng bansa.

Merry Christmas po and a Happy New Year; the Christmas season is about giving, it’s about sharing, forgiving. At sana po ay maramdaman natin at sana po ay maiuwi natin sa ating mga tahanan ang spirit of Christmas. Happy Christmas to you Pareng Henry at sa buong DZRH; mabuhay po kayo.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource