Interview

Interview with Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Orly Mercado (DWFM – All Ready)


Event Radio Interview

MERCADO:  Secretary Sal, good morning.

SEC. PANELO:  Good morning, Sen. Orly.

MERCADO:  Pinag-uusapan… ang question of the day nga namin itong sinabi ng Pangulo doon sa mga nasa COA, iyong nagpapabagal ng implementasyon ng mga programa ng gobyerno, dapat kidnapin na ito. Pero may sinabi siya noong araw pa, hindi ba na ihulog sa hagdan, meron pa siyang ganoon…

SEC. PANELO:  Alam mo iyong style kasi ni Presidente pabiro pero effective—

MERCADO:  May laman din.

SEC. PANELO:  He is striving them na kayo ang problema sa inyo kasi, you’re applying stringent rules na sumisira doon sa mga proyekto ng gobyerno. Effectively, ang sinasabi niya sa kanila, baka labag na sa batas, iyong intension ng batas ang ginagawa ninyo. Sa halip na makatulong—kasi ang intensiyon naman ng batas, eh para pangalagaan mo iyong pera ng bayan. Pero kung bawat galaw ng gobyerno na hindi naman lumalabag eh istriktuhan ninyo, eh sinisira ninyo iyong the very purpose kung bakit inilabas iyong batas na iyon – iyon ang pinupunto niya. Alam mo, ine-spice niya lang ng mga birong ganoon para hindi masyadong mabigat ang dating. Pa-kuwela lang iyon, pero nagki-criticize siya actually.

MERCADO:  But when you come to think of it, talagang napakahirap eh. Kung ihahambing ang trabaho sa pribadong sector at saka sa pampublikong sector, moving the bureaucracy, spending the money is not that easy, it requires a skill and understanding of many laws ang regulation, kasi puwede kang ma-Ombudsman sa procedure lang eh na mali hindi po ba?

SEC. PANELO:  Yes, totoo rin iyon. Totoo iyon. Pero there are ways na your liberal, but at the same time you are not violating the law – iyon ang pinupunto ni Presidente. Hindi iyong basta you put a blind eye to everything, basta hindi, hindi puwede iyan. Kung puwede mong gawan ng paraan na hindi ka naman lalabag sa batas, na makakatulong ka at the same time sa gobyerno, eh gawin mo.

MERCADO:  In other words, kung ang mangyari—we understand ang trabaho ng COA is talagang to institute transparency. Pero hindi ba puwedeng magkaroon ng less adversarial na relationship na cooperative naman para maano—but I presume this is happening in the government as well.

SEC. PANELO:  Actually, less adversarial nga ang ginagawa ni Presidente, nagpapatawa na lang eh. Nagpapatawa siya, pero at the same time kini-criticize niya, meron siyang sinasabi. Kaya nga palagi kong sinasabi, while he cracks jokes the message he is putting across is not lost to the listeners. Tumatawa sila pero alam nila ang pinupunto ni Presidente.

MERCADO:  Oo nga, kasi alam mo kapag nakaranas ka ng ano—ipagpalagay nating nakaranas ka, ikaw ay hepe ng isang opisina sa gobyerno, tapos iyong ginawa mong desisyon to perform your functions, tapos idi-disallow ng COA, mahirap din iyon. Iyon bang parang hindi ka makatulog doon, ‘ako ba ang magbabayad nito, dahil mali…’ o kaya hindi sumusunod sa mga patakaran. We can understand that you know, there are regulations and there are regulations. But it’s really a… parang Sword of Damocles; but how do you work around that?

SEC. PANELO:  Pero meron namang puwedeng gawin diyan. Alam mo iyong Kongreso din kasi, since sila ang gumagawa ng batas, kapag nakita nila na iyong the very purpose of the law is destroying the very essence of governance, eh di i-amyenda nila.

MERCADO:  Iyan policy and change.

SEC. PANELO:  Ganoon lang naman kasimple iyan. Kaya ka nga nandiyan eh. Eh kung nakikita mong may nagrereklamo, di tingnan mo, baka ano ba ang puwede nating gawin dito. Kung halimbawa ang requirements mo isang-daang araw bago gawin; oh di gawin nating kalahati, di ba? There are many ways of doing that eh; may mekanismo naman iyan. Ang problema wala, walang pakialaman kasi, bahala kayo sa buhay ninyo.

MERCADO:  Well, ano ba ang sagot mo doon sa sinasabi naman ng mga Commission on Human Rights na nakaka-alarma iyong ginagamit na salita ng Pangulo?

SEC. PANELO:  Paano naman nakaka-alarma eh, nagpapatawa nga eh. Paano ka maalarma kung tawa kayo ng tawa. Ganoon naman ang istilo ni Presidente di ba, ‘Ihulog na lang natin iyan sa hagdan.’ Eh ordinary iyon—sa atin, even among us, nagtatawanan, naglolokohan, patayin na lang kaya natin ito, gulpihin na lang kaya natin ito. Wala iyon, we have at this time should be accepting this kind of style of the President. Marami iyong mga allegorical style niya, gaya nung sa maid, wala naman lahat iyon eh. May mensahe siya na pinapa—para gumaan ba ang dating. Ganun na lang ang ginagawa niya.

MERCADO:  So, in this particular situation, talagang we just have to move on. Pero doon sa build, build, build… iyong mga areas, we really have to move money. Talagang napakaimportante iyong absorptive capacity ng mga departamento na magastos nila iyong pera para maging epektibo iyong their program… infrastructure, di ba.

SEC. PANELO:  Nilibre na iyong serbisyo mo, kapag hindi mo magawa iyan, how can you get—kung hindi mo nagawa iyang mga roads paano mo maide-deliver iyong dapat mong i-deliver, di ba. Food items… lahat, delivery of services, apektado lahat eh.

MERCADO:  So, how do we balance the speed by which we require iyong—the new build, build, build would require faster, faster movement of resources and funds, hindi ba—

SEC. PANELO:  Meron pang isang remedy iyan, ibigay mo na iyong emergency powers iyong Presidente. Kongreso, you lift mo iyong effectivity noong batas na iyon. Congress can do that, suspendihin muna natin, bigyan muna natin ng breathing spell. Nasa Kongreso iyan actually, madali nilang gawin iyan kung gusto. Creativity lang iyan, Sen. Orly, creativity, political will.

MERCADO:  Okay. Well thank you very much Secretary Sal Panelo for answering our call and explaining itong isyung ito. Maraming salamat.

SEC. PANELO:  Thank you. Salamat, Sen. Orly.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource