Press Briefing

Economic Press Briefing with Department of Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan; Philippine National Railways General Manager Junn Magno; and PCOO Assistant Secretary Kris Ablan


Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacanang

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Magandang umaga MPC, welcome sa ating weekly Economic Briefing. To introduce our guests, we have PCOO Assistant Secretary Kris Ablan. Good morning, sir.

ASEC. ABLAN: Good morning, Alvin. Good morning everyone, I’m filling in for Asec. Tony Lambino.

Welcome to this week’s Economic Briefing co-hosted by the Presidential Communications Operations Office and the Economic Development Cluster of the Duterte administration.

Sa umagang ito ay pag-uusapan po natin ang mga proyekto na magpapagaan ng buhay ng mga commuters sa loob at labas ng Metro Manila.

Part of the Build, Build, Build Program of the Duterte administration is the expansion and development of an extensive train network that provides better connectivity within Metro Manila as well as in other economic development centers around the country.

Gaya nga po ng sinabi ni Secretary Art Tugade, ‘kung dati po ay pangarap lang ang pagkakaroon natin ng mga world-class na mga trains at subway, ngayon po ay unti-unti na nating tinutupad ang mga pangarap na ito.’

By the end of the Duterte administration, inaasahan po natin na ang ating railway system sa bansa ay lalawak at hahaba nang higit sa apat na beses ng current length nito. Target po ng pamahalaan na sa taong 2022 ay mayroon na tayong 322 kilometers na riles ng tren sa buong bansa, kumpara sa 77 kilometers lamang sa kasalukuyan.

Tunay pong mahalaga na tuluy-tuloy ang pag-usad ng pagbabago at modernisasyon ng ating mga public transport system, lalung-lalo na po ang ating mga tren sa bansa. Ito na po marahil ang magiging susi natin upang tuluyang masolusyunan ang traffic sa Metro Manila.

These projects will not only make life easier for commuters in the medium term, but will ensure that future generations of Filipinos will reap the benefits of our efforts to bring real and lasting change to the country.

To give us more about the exciting news of trains that will soon ply above, beneath and beyond Metro Manila, please – Malacañang Press Corps – welcome, DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan and PNR General Manager Junn Magno.

Before they proceed with their press briefing, the DOTr will have a video presentation.

[VIDEO PRESENTATION]

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec. Batan and GM Magno, good morning. Any statement or diretso na tayo sa Q and A? Statement, okay. Usec. Batan please.

USEC. BATAN: Thank you very much. Magandang umaga po sa mga kasama natin sa Malacañang Press Corps, sa media po at sa aming mga kasama sa gobyerno.

Malinaw po ang direktiba ni Pangulong Duterte sa amin sa Kagawaran ng Transportasyon at sa pangunguna po ng aming Kalihim na si Secretary Arthur Tugade, ‘yang direktiba pong iyan ay ang maghatid ng komportableng pamumuhay sa bawat Pilipino o iyong tinatawag po nating ‘a comfortable life for all and every Filipino.’ Ang direktiba pong iyan ay pinapatupad ng DOTr kasama po ng ating mga kasamang ahensiya sa Build, Build, Build Program ng Duterte administration na siya pong nagpapalaganap ng tinatawag nating ‘golden age of infrastructure.’

Mula po sa sektor ng riles, kasama po si General Manager Junn Magno ng PNR, narito po kami ngayon nitong umagang ito upang ibahagi sa ating mga kababayan ang ilan po sa mga major milestones na nakamit natin nito pong nakaraang Pebrero.

Una po, noong Pebrero 13, matapos po ang mahigit na sampung taong pagkakaantala, ay sa wakas po naumpisahan na natin ang construction ng common station na siya pong magdudugtong sa apat sa ating mga linya ng tren – ‘yan po ang LRT 1, ang MRT 3, ang MRT 7, at ang parating po nating Metro Manila Subway. Abot po sa kalahating milyon ang inaasahan nating magkakaroon ng mas komportableng pagko-commute gamit po ang common station.

Pangalawa po, noong Pebrero 15, matapos po pag-aralan nang paulit-ulit mula pa 1993 sa ilalim ng bansag na “North Rail Project” – opo, 1993 po… sa wakas ay matapos ang mahigit sa dalawang dekada ay naumpisahan na ang konstruksiyon ng isang moderno, fully elevated, double track, electrified high frequency at high capacity na commuter rail service na magdudugtong po ng Central Luzon sa Kamaynilaan kung saan maaabot na po ang Clark International Airport mula sa Makati sa loob po ng isang oras. Ang linya pong ito ay tutungo hanggang Calamba sa Laguna; mag-uugnay po ito ng 22 na mga local government units sa pamamagitan ng isang seamless 147 kilometers, 37 stations na system na magagamit po nang hanggang dalawang milyong tao kada araw.

Pangatlo po, noong Pebrero 27, matapos pong unang ipanukala ng bansang Hapon sa atin noong 1977… opo 1977, ay sa wakas matapos ang apat na dekada ay naumpisahan na ang pagtatayo ng ating kauna-unahang subway na magdudugtong ng Valenzuela at Quezon City patungong NAIA Terminal 3 sa loob po ng tatlumpung minuto; at magagamit po nang hanggang 1.5 million na katao kada araw pagdating po ng peak operations nito.

Ikaapat po, nitong Pebrero ay nag-umpisa na rin po ang Sumitomo sa kanilang advanced works sa MTR-3 upang maibalik po ang kapasidad nito sa 600,000 na katao kada araw matapos po nitong masira nitong mga nakaraang taon na nagdulot po sa pagbaba ng kapasidad ng MRT-3 sa kasalukuyang 350,000 kada araw.

‘Yan po ay ilan lamang sa mga patunay ng nagagawa ng isang gobyerno sa pamumuno po ni Pangulong Duterte at ng aming Kalihim, si Secretary Arthur Tugade, gamit po ang political will sa paghahatid ng mga serbisyong nauukol po sa bawat Pilipino. Salamat po at magandang umaga.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Maraming salamat po, Usec. Batan. GM Magno, please.

GEN. MGR. MAGNO: Okay, we have a short statement. Good morning, everyone.

About Philippine National Railways – The Philippine rail industry have been lagging behind. Since the Philippine National Railways have been formed to serve as one of the asset management corporations organized to restructure the post war Philippine economy, never has this industry seen massive investment since Manila Railroad was nationalized and rehabilitated in 1917 – that’s exactly 100 years ago.

So related to what Usec. TJ has been saying, PNR is the middle of the thrust of all these rail projects. We have three main thrusts: revitalization, transformation and the horizon. Revitalization – the Philippine economy has to grow better than 6 to 7 percent. So the bigger area of concentrated growth… ang government stated that we need to create that Greater Capital Region which is practically a stitching together Metro Manila and Greater Metro Manila area, NCR, Region III and Region IV-A. And together, they can be a cohesive political economic social unit.

According to studies, the GCR to be an engine of growth should have its inhabitants living 55 minutes away to where they work. So knowing that that is the objective of GCR, railway is a key to obtain those economic targets of the GCR and that’s where PNR comes in. Based on those studies, the North-South Commuter Railway, a 150-kilometer intercity—ah, rapid intercity rail service with commuter speeds up to 120 to 160 would serve most and future central business districts within 55 minutes. It will span from Calamba, through Parañaque, Makati, Manila, Caloocan, Valenzuela, Bulacan, Pampanga and Tarlac and especially the new developments in Clark, New Clark City and kung mayroon pang ma-develop na new business districts.

Aside from that, PNR is also embarking/rehabilitating its own right of way all the way to Sorsogon. Although we have serviced all the way lang to Legazpi, we are rehabilitating and creating a new line called South Long Haul. This will be built beside our mainline south and compared to MLS, it will have 95% lesser crossings, meaning from Sucat all the way to Matnog will just take 4 hours and a half kung matapos namin iyong South Long Haul project; and Naga will just take three hours, it would compete with the airline services actually. And the new central station will be interconnected with NSCR and it will be located in the old power plant in Sucat.

Aside from that, that’s our revitalization projects, PNR is embarking on transformation, we cannot absorb all these changes without embarking on the internal transformation being a 125-year old corporation and we survived as a culture-based company. With all these new developments, we need to transform ourselves to become an innovation-based competency corporation and as a GOCC.

Right now, we made several inroads in our transformation. Operational-wise, when we came in to power, we only serve 28,000 passengers per day in the South Corridor. In 2017 we increased it to 45,000. Right now, we are serving 65,000 per day. Ang target namin end of 2019-2020 – we should bring it back to 120. The corridor is really lacking in capacity, it needs 200,000 in rail capacity. We wish to serve that and including the NSCR. But in the interim, we are serving that by buying new trains.

PNR in other side, iyong financials namin has been improving: our rail revenues was 239 million and increased to 255 million in 2018, an increase of 6%; non-rail revenues namin increased by 9% from 159 to 174. And our operating expenses, actually in 2017, we were spending around 771 million a year. Nagulat kami – numbers of 2018, we were able to cut it by half, because of the transformation. Right now, we only spent in 2018 around 395 million. So, we streamlined the logistical processes: buying the diesel, obtaining security and all the stuff. Medyo na-improve namin iyong efficiency ng Philippine National Railways.

With the rolling stock: we have 11, we used to have 14, but our reliability when we came in, was as low as 28%, we were able to increase it to 54 by end of the year. We want to increase our reliability as high as 90% – the same with MRT 3. And we would have new trains, we procure them from Indonesia, 9 units would come in by December 2019.

And again, our horizon medyo maganda: We are working on building the northeast commuter para sa next administration. We have an alignment between Cabanatuan and Makati through the old main line. We wish to create, we spoke to NEDA to study the viability of a North-East commuter t0 open these areas in GCR, the eastern part of GCR. And if GCR would be in Central Luzon na that means it’s not a rice bowl anymore, the rice bowl would move to Cagayan Valley. So, if the rice bowl will be in Cagayan Valley, it’s just make sense na we open the studies na to open Caraballo Mountain Range para may tunnel, so there will be a rail service towards Cagayan Valley, that is the objective. Again, that’s horizon project can take around 10 to 15 years to have that. Pero umpisahan na namin iyong studies ngayon.

Aside from that, we are actively reopening cargo services. Between 1998 and 2004, there was a container services with PNR between the MICP and Laguna. The PNR Board just approved the new alignment that we would serve to a cargo services between the port and north and south na. So we are asking money from the government and finding out ways to off load the roads with container traffic and we should be able to cut down the traffic by 10 to 15%, we would take all the container traffic data and container traffic out of the roads.

Aside from that, we are pushing for transit-oriented development. We are developing feeder services with Usec. TJ, we are developing the Manila Tram service – tram service that would be between Lawton and PITX through Roxas Boulevard and through MOA and maybe through Makati – upgrade, simple, easy to deploy. And then transit oriented development, lahat nung mga projects namin, iyong mga dinadaanan. We are open to partnership of like feeding the rail.

Past experience namin, the rail projects, maganda iyong trunk line service niya, but the feeder is really bad. Look at the MRT 3, pagdating sa EDSA, walang nagpi-feed sa kanya, walang station, walang plaza to serve. So we are not feeding the rail services really well. We are changing that with this administration with build, build, build.

So, again our aim is really simple. We will move people not cars, we will move cargo not trucks and real development will be inclusive. Everybody will be involved. Thank you very much.

ALVIN BALTAZAR: Maraming salamat, sirs. MPC question?

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Medyo malayo, sir, but anyway update on the rate hike petition of the LRMC, the company operating LRT1?

USEC. BATAN: Iyong isinubmit sa atin na rate hike petition ng LRMC para sa LRT1 ay kasalukuyan pang pinag-aaralan. Meron po kasi tayong proseso sa anumang pagtataas ng kahit na anong fare sa ating—kahit na anong mode of transportation. So, iyan po ay ongoing ngayon at as soon as magkaroon tayo ng—maiusad natin iyong proseso na nakatakda po sa batas ay aaksiyunan po iyang application for fare hike na iyan.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But supposedly that should have been decided last August last year, right? So, what’s causing the delay?

USEC. BATAN: Iyong proseso po ng ating fare hike ay wala po talagang deadline. Ang ginagawa po kasi diyan is, iyong tinatawag natin na mga proseso ng public consultation at iyong pag-consider ng iba’t-ibang aspeto: tulad po nung impact nito doon sa mga mananakay natin at iyong iba pong aspeto nung operations. So, iyon po ay patuloy po na pinag-aaralan ng DOTr kasama ng LRTA board at as soon po na magkaroon tayo ng updates ay ipapaalam natin iyan sa lahat.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But as per the contract between the LRMC and the government, we should have implemented last year – fare hike for the LRT1, right?

USEC. BATAN: Siguro po ipaliwanag lang natin kung ano iyong isinasaad ng Concession Agreement natin para sa LRT1: Magkaiba po iyong konsepto ng pagtaas po nung natatanggap nung concessionaire natin mula po doon sa sistema at iyong katanungan po na kung iyong pagtaas bang iyon ay popondohan ng isang pagtaas ng pasahe o popondohan po ng isang subsidy galing po sa gobyerno.

So, iyan pong pagpili nung nararapat na paraan upang maipatupad po iyong tinatawag natin na pagtaas na matatanggap po ng ating operator mula sa LRT1, iyan po ang kasalukuyan na pinag-aaralan po natin ng mabuti. Dahil sa batid naman po natin na bawat taas po sa pasahe ay nakakaapekto po sa almost sa more than half a million na ridership po ng LRT1 at iyon po iyang dahilan kung bakit mabusisi po nating pinag-aralan iyang application na iyan.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: That we are aware that there is also fare deficit and for the last year they have incurred around 100 million, that’s for the last three quarters of 2018. So, are we planning to pay them or..?

USEC. BATAN: Iyan po exactly iyong konsepto na nagde-demonstrate kung paano mag-operate iyong LRT1 concession natin. Doon po sa mga punto kung saan nakatakda pong tumaas iyong matatanggap nung atin pong concessionaire, meron po tayong dalawang options diyan: iyong isang option po ay ipasa iyon pong bayarin na iyon sa atin pong mga riders; at iyon option po natin ay gobyerno po ang magbayad nung bayarin na iyon sa pamamagitan po ng isang subsidy. Iyong nabanggit n’yo po na konsepto ng fare deficit, iyan po iyong nagmumula doon sa paggamit po natin nung option 2. So kung piliin po ng gobyerno halimbawa na hindi po ipasa sa ating mga riders iyon pong pagtaas ng matatanggap ng ating operator, iyan po ay nagdudulot sa isa pong obligasyon ng gobyerno upang punuan iyong hindi po natin ipinasa sa ating mga riders.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But most likely, which of these options are we looking at?

USEC. BATAN: We are looking at both options po, kasi hindi rin po siya either/or. Puwede rin pong kombinasyon ng pagpasa po ng portion noong fares, or puwede rin pong combined with a subsidy. So iyan po iyong dahilan kung bakit iyong pag-aaral po ay kinakailangan na gawing mabusisi dahil po on the one hand, nandiyan po iyong considerations natin doon nga po sa 550,000 ridership natin per day sa LRT 1; at on the other hand po ay tinitimbang natin iyan doon naman po sa paggamit ng ating kabang-bayan para po doon sa tinatawag nating subsidy para sa LRT 1.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Sir, do we have timeline for this, like do we have target to implement the increase this year or the next two years again or when?

USEC. BATAN: Iyong tanong po kasi na iyan, timeline kung kailan i-implement, I think po ang assumption is pinili natin ang Option 1. So halimbawa po, kung hindi po natin pipiliin iyong Option 1, ang idudulot po niyan ay iyong magbilang lang po tayo kung ano po iyong pupunuan na gap, iyong tinatawag po nating fare deficit na konsepto sa concession.

So kaya ko po sinasabi na wala po talaga tayong definite na option pa na napipili at this point of time, kaya po iyong katanungan na “when” is the second step po. Step 1 is Option 1 ba, Option 2 or a combination of both? Then, matapos po na madesisyunan iyan, saka po natin malalaman iyong timing po nung implementation assuming na Option 1 po iyong piliin natin.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: And despite that delay, the company is still keen on continuing this LRT 1 extension project. Sir, they don’t have problem with that?

USEC. BATAN: Again po, nagkakaroon lang ng delay kung mayroon na po tayong desisyon na i-implement ang fare hike. Kung wala pa po tayong desisyon na i-implement ang fare hike ay premature pa po iyong konsepto ng delay dahil sa, again po, built in sa concession agreement po natin iyong konsepto ng fare deficit.

So halimbawa po, mayroon tayong—piliin po ng gobyerno na hindi ipasa sa ating kabang-bayan iyong obligasyon po na bayaran iyong operator natin, automatic naman po iyong pag-operate ng kontrata. So kailangan lang po nating i-compute, mayroon pong pamamaraan iyan. Math naman po iyan, hindi po iyan hinuhugot sa kung saan. At pababayaan po natin na mag-move forward iyong operation po ng kontrata.

Doon po sa katanungan na pag-start po ng construction doon sa ating Cavite extension, ang commitment po sa atin ng ating contractor, ng ating concessionaire – ang LRMC [LIGHT RAIL Manila Corp.] po – ay ang maumpisahan ang ating pagtatayo ng LRT Cavite Extension nito pong parating na Abril.

Kasi kung aalalahanin po natin, dapat po sana ay naumpisahan po nang mas maaga iyong pagtatayo po nitong LRT 1 Cavite Extension. Unfortunately po, iyong nai-deliver na right of way doon po sa ating concessionaire ay kinailangan po nating habulin nito pong mga nakaraang taon. At sa punto pong ito ay handa na po tayo doon sa substantial delivery po ng kabuuan ng Package 1 na tinatawag natin mula po Baclaran hanggang Sucat.

So dahil po malaki na po iyong nai-deliver nating right of way, naihabol po natin itong nakaraang dalawang taon, ay nasa punto na po tayo kung saan puwede na pong mag-umpisa iyong konstruksiyon ng ating linya patungo po ng Bacoor.

CHRISTINE AVENDAÑO/PDI: Sir, how would be the traffic situation while we’re doing all these projects? Because the earliest, I think, is 2021 iyong PNR Clark Phase 1. So how would be the—ano iyong magiging situation ng traffic while we undertake these?

GM MAGNO: Most of the works that will be undertaken is within PNR right of way. So we are not taking capacity off the road, unlike iyong MRT 7 na nagshi-share kami ng right of way with DPWH for the rail projects. The NSCR, lalo na NSCR [North-South Commuter Railway], it would be inside the PNR right of way. There will be impact lang on the level crossings where it crosses the road, but we are coordinating with MMDA how to manage the traffic. We already integrated the traffic management plan with MMDA, and usually that’s part of the process on the build out.

Now, on the subway naman ata, sila TJ, everything will be underground. Kung mayroon mang impact doon sa excavation and earth moving works, kinu-coordinate din sa MMDA. We have overall arrangement na with MMDA na hindi na per project, but we have a framework na we have all these projects we have mechanism to trigger all these traffic management plans.

CHRISTINE AVENDAÑO/PDI: So it will be minimal, if ever?

GM MAGNO: It will be minimal.

USEC. BATAN: At maidagdag ko lang po, magkakaroon po tayo nang hindi maiiwasan na epekto po doon sa trapiko habang itinatayo po natin iyong mga proyekto natin. Pero ang direksiyon po diyan ni Secretary is siguraduhin po natin na gawin lahat ng magagawa upang ma-minimize iyon pong idudulot natin na epekto sa trapiko. Isa po sa mga pamamaraan upang ma-minimize iyan ay iyong pag-require po natin ng tinatawag na komprehensibong traffic management plan sa lahat po ng ating mga contractors.

Ang pagbubuo po ng traffic management plan na iyan ay isinasagawa kasama po ang MMDA, kasama po ang lahat ng mga involved na local government units. At iyan po ay iyong mga ginagawa natin, again, para po ma-minimize iyong effect.

Pero again po, if I may quote po iyong aming Kalihim, palagi po niyang sinasabi na “Mamili po tayo. Tayo po ay nahaharap sa isang napakalaking expansion ng ating sektor ng riles at transportasyon na magdudulot po ng panandaliang inconvenience. At ano po ang pipiliin natin: Iyong panandaliang inconvenience na iyan o iyong pangmatagalang ginhawa?”

So iyan po ang pangako ng Build, Build, Build Program at iyan po ang dahilan kung bakit po tayo humihiling ng pag-unawa at pag-intindi doon po sa mga kababayan nating maaapektuhan dahil mahaba-haba po kasi iyong hinahabol, iyong kina-catch up natin na sana po ay naitayo na 10, 20, 30 even 40 years ago po. Dahil naghahabol tayo sa pagtatayo po ng ating imprastruktura ay hindi po talaga natin maiiwasan na magkaroon ng panandalian pong inconvenience habang itinatayo ang lahat ng iyan.

ALVIN BALTAZAR: Usec., GM, may tanong lang po. Totoo ba iyong reports na naurong ng May 2019 ang MRT 3 rehabilitation, if true, ano po ang dahilan?

USEC. BATAN: Ipaliwanag po natin iyong ano po iyong included doon po sa ating rehabilitation. Ang rehabilitation po ng MRT 3 includes iyong comprehensive po na pag-upgrade, pag-renew ng kabuuan ng MRT 3. Ano po ang ibig sabihin niyan? Ibig pong sabihin niyan ay napakarami pong kailangan na, halimbawa, bilhin po na bagong riles; napakadami pong kailangan na bilhin na bagong mga spare parts po nung ating mga bagon; napakarami pong kailangan na bilhin na mga parte po ng ating mga power supply at mga electrical system.

Iyon pong mga pagbili po na iyan ay nag-umpisa na po. In fact po, nakatanggap na po ako ng confirmation doon po sa ating contractor, iyong Sumitomo po at Mitsubishi Heavy, na halimbawa po itong mga riles ng tren, papalitan po natin lahat iyan; na order na po. Iyon pong mga spare parts galing po doon sa OEM na gumawa po ng ating mga bagon, na-order na rin po iyan. So isa po iyan doon sa mga bagay na umuusad na mula pa po nitong Pebrero.

At actually po, noon pa pong Nobyembre ng 2018 ay ongoing na po iyong tinatawag natin na mga transition works, iyon pong pagtatrabaho ng mga representatives po, mga engineers ng Sumitomo at ng Mitsubishi Heavy sa MRT 3 dahil po maliban po sa pagbili ng mga kinakailangan para sa rehabilitation ay kinakailangan din po nilang maintindihan nang maayos kung ano po ang kondisyon ng MRT 3 nito pong umpisa ng ating rehabilitation works.

So ang lahat po niyan ay umuusad. Siguro po kaya po nagkaroon ng impression na hindi pa po nag-uumpisa ay dahil sa katunayan po ay hindi pa po kami nakakapagbayad sa Sumitomo ng tinatawag nating advanced payment dahil po batid naman po natin na mayroon pong kaunting hinihintay doon sa ating budget po para sa 2019. Pero ang maganda po kasi dito, mataas po kasi talaga iyong tiwala ng Sumitomo, ng Mitsubishi Heavy sa atin pong Kagawaran, kay Secretary Tugade po at sa kabuuan po ng Build, Build, Build Program ng Duterte administration kung kaya po hindi pa po tayo nagbabayad ng kahit ano ay na-order na po nila iyong mga kailangan pong gamitin para sa rehabilitation.

At iyan pong tiwalang iyan kay Secretary Tugade at sa Duterte administration ay nakikita po natin hindi lang po sa MRT 3, kita po natin iyan, halimbawa, sa Tutuban-Malolos segment natin kung saan nag-umpisa na pong magtrabaho iyong contractor ahead of advanced payment. Iyan din po ang ginagawa ng contractor natin sa subway, iyan po ang ginagawa ng design team natin para sa PNR Bicol.

So mahalaga po na maipaliwanag iyang punto na iyan dahil po nakikita natin diyan kung ano po ang epekto ng pagpapatakbo ng gobyerno sa pamamaraan kung saan pinagkakatiwalaan ka nung mga katrabahong gobyerno at katrabahong mga contractor; kahit na hindi pa tayo nagbabayad ay nagtatrabaho na po sila.

JOSEPH MORONG/GMA7: [off mic] Magkano iyon?

USEC. BATAN: Iyong contract? 18 billion—

JOSEPH MORONG/GMA7: [off mic] Dapat bayaran?

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: 15% ‘no…

USEC. BATAN: Ah, 2.5 billion.

JOSEPH MORONG/GMA7: So sir, 2.5 billion pesos ‘no. And, you don’t have the money for that yet because delayed ang GAA natin?

USEC. BATAN: Ah, iyon po kasing funding source ng MRT3 rehabilitation ay GAA 2019 po. So…

JOSEPH MORONG/GMA7: Any other projects that are affected by the delay of the 2019 budget?

USEC. BATAN: Actually po, lahat ng mayroong—lahat po noong may panggagalingang pondo for the first time sa GAA 2019 ay to a certain extent po mayroong effect. So halimbawa po iyong subway natin, dahil po 2019 ang karamihan po noong funding source natin diyan, mayroon din pong epekto doon po sa ating Tutuban-Malolos lalo na po doon sa tinatawag natin na—iyong binabayaran po noong loan. Kasi po… medyo teknikal na po, pero mayroon pong effect sa… mayroon pong effect doon sa availability of funds.

GEN. MGR. MAGNO: Okay. So usually kasi ang funds, normal lang iyong hinihingi namin na line item sa budget eh. But because we’re implementing projects, there are new items na ginagawa namin to support the projects. Iyong mga items na iyon is in GAA 2019, oo; so ‘pag hindi pa lumalabas, hindi namin mauumpisahan iyon. So we’re in the mercy of our suppliers and our vendors na puwede ba ano ninyo na lang ‘yan, advance work habang inaantay natin iyong GAA 2019 – iyon ‘yung nangyayari ngayon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Alright. So far sir, you mentioned MRT rehab and then the Tutuban-Malolos… ano ba, train?

GEN. MGR. MAGNO: Yes…

JOSEPH MORONG/GMA7: What else sir, iyong naaapektuhan?

GEN. MGR. MAGNO: Even internal projects ng Philippine National Railways, ganoon din – and it applies to everybody actually.

JOSEPH MORONG/GMA7: How is the delay of the 2019 budget affecting the subway, sir? Iyong—so ano iyong mga related components?

USEC. BATAN: Siguro po ipaliwanag ko lang nang kaunti. Sa kasalukuyan po kasi, tayo ay under po noong tinatawag nating ‘reenacted budget’. Ano pong ibig sabihin noong ‘reenacted budget’? Ibig po sabihin noon, halimbawa mayroon tayong Project 1, Project 2, Project 3 mula po ng GAA 2018, iyon pong budget natin para sa Project 1, 2 and 3 ay available po para sa 2019. Ang kaso po, mayroon po tayong mga proyekto na first time pong nilagyan natin ng budget sa 2019; MRT rehab po ang isa sa pinaka-perfect po na example diyan.

So dahil wala po tayong budget galing pong 2018, hindi pa po natin binudgetan iyan noong 2018, noong ni-reenact po iyong 2018 budget natin, wala pong pondong panggagalingan ang MRT3 rehab. Iyong MRT 3 rehab po iyong may pinakamalaking epekto dahil po again, iyong pinaliwanag ko po kanina, upfront po kasi kailangan bilhin lahat noong bagong riles, lahat po noong bagong spare parts para po sa buong sistema. Kaya po doon po sa iba, mas manageable, kasi po construction works po iyon eh, hindi mo naman puwedeng—hindi mo naman binibili ang lahat ng semento at lahat ng bakal at the very beginning of a construction.

Pero pagdating po sa MRT3, rehabilitation po kasi tayo at naka-fast track po iyong work program natin, iyong tinatawag po nating 26 months na work program po para sa rehabilitation ng MRT3. Para po makamit natin ‘yang 26 months noong rehabilitation na ‘yan, ay kinakailangan po talagang ma-order as much as possible po noong mga spare parts at mga bagong riles upfront.

At nagpapasalamat po kami sa Sumitomo at sa Mitsubishi Heavy dahil nga po sa tiwalang ibinigay po nila sa aming Kalihim na kahit na po hindi pa namin sila nababayaran ay nag-cash out na po sila – sa totoo lang po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir my question was, those kind of projects na first time na dapat—na nakadepende sa 2019. So you mentioned MRT rehab, will you be able to quantify na how much money will you need from the GAA to fund all these projects, iyong parang naka-pending pa?

USEC. BATAN: Hmm, medyo mahirap na… Siguro ano na lang, siguro after na lang we will issue something on that. Ayoko lang magbigay noong number—

JOSEPH MORONG/GMA7: I’ll rephrase that question, sir. What projects depend on the 2019 budget that are facing delay? MRT rehab, what else?

USEC. BATAN: Iyong MRT3 rehab po, dahil bago siya sa 2019—

JOSEPH MORONG/GMA7: We get that point…

USEC. BATAN: Pangalawa po iyong subway, dahil po kahit na mayroon na tayong budget noong 2018 sa subway na one billion po, iyong majority noong kinakailangan po nating budget ay ngayon pong 2019 natin kinakailangan.

JOSEPH MORONG/GMA7: How much?

USEC. BATAN: So kahit na po mayroon tayong reenacted na 1 billion from 2018, ay kulang po ‘yan doon sa requirements natin para sa subway ngayong 2019. Iyong how much po, alam ko po ‘yung amount namin noong 2018, hindi ko lang po maalala iyong amount namin for 2019 pero mayroon pong difference iyon.

Pangatlo po, halimbawa ito pong proyekto natin na para po sa North-South Commuter rail naman po – iyong Tutuban hanggang Malolos, ito po kasing mga proyekto natin na ODA funded, minsan po ang pinanggagalingan noong funding source ay iyong tinatawag po nating Unprogrammed Appropriations – support for Foreign-Assisted Projects, so UA-FAPs under po sa ating budget. Ito po kasing na-reenact na budget for 2018 ay hindi po kasama sa na-reenact iyong UA-FAPs of 2018. So iyong mga gagamit po sana ng UA-FAP under GAA 2019 ay wala po ngayong mapagkunan; at halimbawa po noon ay iyong Tutuban-Malolos natin.

JOSEPH MORONG/GMA7: So at least three ‘no, sir?

USEC. BATAN: Opo. ‘Yun po ‘yung mga so far na nag—kailangan na pong bayaran. So mayroon pa pong ibang mga bayarin na hindi pa po due at this point of time, pero mayroon pa pong—actually marami pa pong iba.

JOSEPH MORONG/GMA7: How much iyong due ninyo, sir? For I’m sure you know…

USEC. BATAN: Ah iyon po, iyong sa MRT3 is nasa mga 3 billion po; iyong dito po sa subway po natin is… so far po nasa—mayroon pong 500 million para po doon sa initial payment at mayroon po kaming balanse para po doon sa additional na right of way na kailangan pong i-acquire. Para po sa Tutuban-Malolos, mayroon po kaming—

JOSEPH MORONG/GMA7: How much sir iyong sa subway right of way?

USEC. BATAN: I need to get the number for that, oo. Pero marami po kasing right of way activities, right of way acquisition activities for the subway na kailangan din pong pondohan under the GAA 2019.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Iyong sa Tutuban, sir?

USEC. BATAN: Iyong Tutuban-Malolos po, ang ginawa po natin diyan is 15% po iyong advance payment; iyong 10% po ay thankfully sufficient iyong GAA 2018 na reenacted; pero iyong 5% po ay kulang, so hinihintay din po namin ang GAA 2019…

JOSEPH MORONG/GMA7: And this 5% is how much?

USEC. BATAN: I’ll get that [laughs]…

GEN. MGR. MAGNO: We’ll send you the numbers.

JOSEPH MORONG/GMA7: Kasi we’re trying to help [overlapping voices] Congress, transmit the budget to the President already and have it signed [overlapping voices].

INA ANDOLONG/CNN PHILIPPINES: Sir, doon sa MRT 3 rehab. Has it already—I mean, nagkaepekto na po ba sa timeline noong completion noong rehab? Because you mentioned that although we’ve not been able to give the advance payment, na-preorder na. But in as far as the completion of the rehab, mayroon na po bang effect?

USEC. BATAN: So far po, we are still on track naman to February plus 26 months. Again po ang dahilan diyan is, karamihan po doon sa maagang, doon sa early works po na kailangang gawin, involves po iyong pagbili noong mga… napakadami po talaga, pagbili po ng lahat ng riles, pagbili po ng lahat ng spare parts para doon sa mga bagon na kailangan po nating i-overhaul.

GEN. MGR. MAGNO: Usually iyong mga long-lived times na items ang maaapektuhan noong delay noong budget. But we make do what we have, iyong resources namin.

INA ANDOLONG/CNN PHILIPPINES: Well I guess—iyon nga eh. For now it appears sabi ninyo nga, still on track, but are you looking at a specific, maybe month wherein talagang iyon na ‘yung deadline na mapasa po sana iyong 2019 budget because otherwise it might really already have an impact at ma-delay na talaga iyong completion?

USEC. BATAN: Hindi pa po namin napag-usapan, kasi po kahit na po magkaroon ng, halimbawa ilang linggo pa pong paghihintay doon po sa ating GAA 2019, tayo naman po ay palaging naghahanap ng paraan upang makapag-catch up, halimbawa. So mahirap pong sabihin sa punto na ito na after a certain a point of time, hindi na achievable iyong February plus 26 months, dahil again po, may mga oportunidad po na paigsiin or mag-catch up iyong ilang aspeto po noong ating proseso para po ma-offset iyong kung anumang nawala po nating panahon nito pong pina-finalize ang ating budget for 2019.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, just would like to know, just to clarify. Which of these major railway projects are solely conceptualized/initiated by the Duterte administration?

GM MAGNO: In what aspect? The studies have been there—let me clarify this.

The studies have been there for so many years, okay. Kung sinabi mo conceptualized on the basic design and everything – that’s ours, that’s Duterte administration. Okay, but the whole viability and everything, it’s been there for more than 20 years. We just have our own interpretation on how we implement it and ginawa namin na ma-fast track namin na we implement it during our time.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: I asked that question, because I just would like to point out what could have been the problem why that so long has been conceptualized or dreamt about, but it’s only now that you know started to be a reality.

USEC. BATAN: Siguro po ang – if I may po – isa pong magandang version nung katanungan na iyan ay iyong hindi po kung kailan na-conceptualize, kung hindi kung kalian po nabigyan nung tinatawag nating ‘investment approval’ – kailan po nabigyan ng approval ng NEDA Board iyong isang proyekto.

Dahil po iyong pag-conceptualize madali po iyan – madali pong mag-isip, madali pong mag-aral, madali pong mag-drawing ng mga proyekto, ngunit bago ka po makakuha nung tinatawag natin na NEDA Board Approval ay kinakailangan po na masiguradong worth it iyong investment. At halimbawa po, iyong apat na lang po ng proyekto na dinaanan po nung opening statement. Una po, iyong Common Station – iyan po ay unang naging parte ng tinatawag po nating North Extension Project, iyon pong nag-extend ng LRT 1 mula Monumento patungo po ng North Avenue nung 20o7.

However po, dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang taon ay nagkaroon po ng stalemate. Ngayon po iyang stalemate na iyan ay naresolba sa pamumuno po ni Secretary Tugade at dahil po diyan ay napaunlakan po tayo ng tiwala nung lahat po nung mga pribadong stakeholders na nagbabangga-bangga diyan sa Common Station na iyan. Iyan pong tiwala na iyan ay naibigay po sa atin nitong administrasyon na ito at naibigay po ang NEDA Board Approval or ang investment approval nito rin pong administrasyon na ito.

Pangalawa po, itong subway – iyang subway po na iyan ay again po nabigyan po ng NEDA Board Investment Approval noon pong September 2017 at iyan po ay ang detailed feasibility study po natin ay mostly ito pong administrasyon na ito isinagawa.

Iyong pangatlo pong proyekto, iyon pong North-South Commuter Rail po natin – tulad po nung nasabi ko kanina, iyan pong konsepto ng isang koneksyon between Central Luzon hanggang Metro Manila ay nag-umpisa po noong 1993 at ang tawag po diyan ay itong North Rail Project pa po natin.

So napakaraming iterations, napakaraming funding sources, napakaraming different contractors na po ang na-involve diyan, ngunit ngayon lang po talaga natin naiusad iyang proyektong iyan at meron na po tayong funding, the loan agreements are signed; meron na po tayong contractor para po doon sa ilang segments; at ongoing na po ang procurement for most of the other segments at inaasahan po natin na within the year ay mostly nung 147 kilometers po ng North South Commuter Rail ay matatapos na po natin na mai-award sa mga contractor.

At siyempre po iyong MRT3—ngayon po kasi talagang nag-mature or nakita po natin iyong extent po nung nasira sa MRT3. So, actually po MRT 3 rehabilitation, kasama po ng gobyerno ng Japan, isa po iyan sa mga pinakamabilis nating proyekto dahil sa kinikilala po natin kung gaano kahalaga na mai-restore ang capacity ng MRT 3. Ngayon po nasa 350,000 katao kada araw ang ating naseserbisyuhan; ngunit just a few years back, nung August 2012 po ay umaabot po tayo ng 650,000 kada araw.

So, iyan pong pagsasaayos ng MRT 3 ay naaprubahan po nung isang taon, loan agreement po nung isang taon at ang atin pong rehabilitation and maintenance agreement with Sumitomo and Mitsubishi Heavy ay napirmahan po nung December 28.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: So, itong Metro Manila Subway, PNR Clark Phase 1 Common Station, LRT 1 Extension same pa rin na iyong BOT – Build Operate Transfer iyong mode?

USEC. BATAN: Isa lang po doon sa inyong mga binasang proyekt0 ang na-under po ng BOT Law, so iyong PPP law, iyan po iyong LRT 1 Cavite Extension.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: The others?

USEC. BATAN: The others po are ODA funded, iyong Common Station po is GAA funded. Siguro po isang impormasyon lang po sa LRT 1- Cavite Extension na marahil po ay hindi batid ng ating mga kababayan, ang conceptualization po ng LRT 1 Cavite Extension ay nag-umpisa po noong taong 2000. Medyo magdadalawang dekada na po nating sinusubukang umpisahan ang pagtatayo po ng Cavite Extension at finally po para po sa ating mga kababayan sa Cavite ay ito pong Abril ay talaga pong mauumpisahan na natin iyan, dahil po naihabol nga po natin iyong pag-a-acquire ng right of way nito pong mga nakalipas na taon.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Lastly sir, iyong Mindanao Railway System okay na? ‘Di ba parang merong isyu doon yung sa ownership, na-resolve na ba?

USEC. BATAN: Iyong sa Mindanao Railway po, iyan po ay isang 100 kilometer system at natural po na sa isang napakahabang sistema ay magkakaroon ka po ng ilang punto, ng ilang area po kung saan kinakailangang mas pagbubusisiin po iyong coordination sa mga stake holders natin.

So, batid po namin ang concern na bring up po nung ilang po nating mga landowners at maapektuhan at sa lubos po ng ating makakaya ay ina-address po natin iyan, ngunit at the same time po tayo po ay nanghihingi rin sana ng pag-unawa na—minsan po kasi ang riles ng tren hindi po tulad ng daan para sa mga sasakyan. Meron po tayong mga constraints, meron po tayong mga engineering constraints na prevents us for doing certain things. So halimbawa po, ang sasakyan puwedeng mag-90 degree turn; wala naman pong tren na kayang mag-90 degree turn.

So, just to demonstrate po na ginagawa po natin lahat ng makakaya natin para po ma-address iyong mga concerns ng as many stake holders as possible, ngunit kami po ay nanghihingi ng pag-intindi at pag-unawa kung in the minority, in the small minority po of cases ay kinakailangan po talaga natin hingin iyong kooperasyon ng mga apektado natin na mga landowners or mga drivers po, halimbawa, sa isyu ng trapiko.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, just to clarify. You mentioned iyong subway, iyong Metro Manila Subway isa siya sa mga affected projects natin because of the reenacted budget. On time pa rin po ba iyong magiging initial opening natin because you said before the Duterte administration ends 2022. So, magiging on time pa rin ba given the budget restraints?

USEC. BATAN: Yes, are still on time. Siguro po isa doon sa mga kadahilanan diyan ay iyong ginagawa po nating strategy upon the instruction of Secretary Tugade na meron po tayong mga lugar nung mga istasyon natin na doon po natin inilagay sa lupa po ng gobyerno. So, isa po doon sa mga advantages nung paggamit ng lupa ng gobyerno para po sa—hindi lang po sa subway, ngunit pati po sa iba pa nating mga bagong riles ng tren, ay medyo napapagaan po niya iyong right of way acquisition efforts dahil po government-to-government na po iyong usapan.

So again po, tulad o nung sagot natin sa MRT 3, meron pong mga paraan upang mag-catch up doon po sa naidulot po noong kaunti pa nating pag-aantay para doon po sa budget for 2019 at makakaasa po kayo na lahat po ng posibleng paraan upang masiguro po iyong ating commitment na maging partially operational po by 2022 ay gagawin po natin.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Nabanggit ninyo na, sir, right of way: Ilang percent na po settled iyong right of way for the subway?

USEC. BATAN: Iyong sa subway po natin, kasi po may combination tayo ng above ground and iyong underground, hindi ko lang po mabigay iyong exact figure. Pero halimbawa po, in square meters, halimbawa po doon po sa ating depot, mayroon po tayong mga 270 – 275 po na land owners, ang tinuturing po natin diyan na iyong cooperative po sa atin ay nasa 170 na po tayo at this point of time.

Ang assessment po natin diyan ay dahil po doon sa ating bagong Right of Way Law. Dahil po diyan sa bagong Right of Way Law na iyan ay mas nagiging cooperative po ang ating mga land owners dahil mayroon na tayo ngayong kakayanan na mag-offer po sa kanila iyong tinatawag nating fair or current market value ng kanilang mga properties. Dati po kasi, ang kakayanan lang or ang puwede lang gawin ng gobyerno ay ang mag-offer po ng tinatawag nating zonal value. At alam naman po natin na almost all the time, mas mababa po ang zonal value doon po sa tinatawag nating fair market value.

So iyan po iyong kaakibat ng panawagan natin doon po sa mga naaapektuhan po ng ating mga proyekto. Makakasigurado po kayo na hindi po namin kayo iisahan doon po sa pagbili ng inyong lupa or pag-acquire po ng inyong lupa dahil po masuwerte nga po tayo pareho, iyong mga apektado pong land owners at pati po ang gobyerno, dahil nagkaroon po tayo ng bagong batas kung saan fair ang basis nung pong valuation para po sa mga lupang kinakailangan ng ating mga proyekto.

GM MAGNO: And usually, ang subway projects, compared to above ground projects, ang right of way requirements niya is less than ten percent lang comparable above ground or surface project. So we don’t think magiging problema ang right of way sa subway. It will be the above ground projects ang mas problema ang right of way.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, mayroon po ba kayong panawagan sa lawmakers? Because as we all know, iyong squabble within the Congress, it affected iyong transmission, iyong passage of the budget, and ito iyong resulta ngayon, our projects are also affected?

GM MAGNO: For us, wala kaming ano, the Congress has the power of the purse – karapatan nila iyon. Kung ano iyong nangyayari, eh tingin namin iyon lang nararapat sa kanila. We have our Secretaries and the leadership of Congress who should resolve this. Maybe it’s a healthy debate within them. Sa amin, okay lang. We would adapt, ‘di ba.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Sir, you mentioned that may mga paraan to fund the projects while waiting for the 2019 budget: so ano iyong mga paraan, sir?

USEC. BATAN: Hindi po paraan para i-fund. Mayroon po tayong mga paraan para po mag-catch up doon po sa ating timeline.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Like in what way?

USEC. BATAN: Isang halimbawa po, ito pong sa MRT 3 rehab natin, napakiusapan po natin at thankfully po ay napagkatiwalaan tayo ng ating contractor, ang Sumitomo po at Mitsubishi Heavy, na mag-advance na po sila ng pambayad doon po sa pagbili ng mga spare parts na kinakailangan kahit na wala pa po tayong naibabayad sa kanila.

GM MAGNO: And other aspects naman doon, remember, Philippine National Railways and our projects, we are a corporation. So we have a corporate operating budget na hindi under sa GAA. So sometimes, we can revert to undertake task by administration through our corporate powers para trabahuhin iyong kailangan para hindi ma-delay iyong mga ano, deliverables ng projects – that’s what we do.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Follow up ko lang: Is that legally possible, considering na ‘di ba dapat galing sa batas which is the General Appropriations Act? So puwede bang mag-advance without the law being approved?

GM MAGNO: Which one? Iyong advance work?

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Hindi, iyong sinabi mo kanina na to catch up.

USEC. BATAN: Ang nagbabayad po ay hindi gobyerno. Halimbawa po sa MRT3, ginagamit po ng Sumitomo iyong sarili po nilang pera para po bilhin iyong mga spare parts kahit na po hindi sila—

GM MAGNO: So nag-aabono sila.

USEC. BATAN: Abono, exactly. Thank you.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: But still, they will still be paid?

MG MAGNO: Eventually, normally we would pay them.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Without the law being approved, so utang muna?

MG MAGNO: Hindi kami puwedeng magbayad ng hindi ligal iyong basis ng pagbabayad namin – so mag-aabono sila.

MARITA: Sir, ano lang, clarification lang: Wala namang deadline si Sumitomo sa inyo na kung hanggang ganito puwede kaming mag-abono, pero until this time lang, kailangan mabayaran ninyo kami?

USEC. BATAN: Wala pa naman po silang sinasabi. At this point po, kami po ay nagpapasalamat po sa tiwala. At sana ma-stretch pa po ang tiwalang iyan hangga’t makuha po natin iyong pagpasa ng ating—

GM MAGNO: In most cases, we asked the support of the Japanese government na baka puwedeng pakiusapan na lang din muna, ‘di ba, from their end.

USEC. BATAN: Siguro po magandang punto po iyon. Dahil isa po doon sa kagandahan po ng ating kontrata with Sumitomo, hindi lang po tayo nakipagkontrata sa isang pribadong kumpaniya. Essentially po, tayo ay nakipagkontrata sa gobyerno po ng Japan. At ang commitment po ng Japan, hindi lang po sa MRT3, ngunit pati po sa ating ibang mga proyekto sa riles ay kita naman po natin na napakalaki. So isa na rin po siguro iyan doon sa kagandahang naidulot po ng ating strategy na makipag-partner dito po sa mga development partners na ito.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, mag-costing lang tayo ha? Eh kasi gusto ninyo ito, ‘di ba. Major rail projects, sir, so … Metro Manila subway is how much?

USEC. BATAN: Three hundred fifty billion.

JOSEPH MORONG/GMA7: Three fifty billion, ODA ito ‘no? Ang ibig sabihin ng ODA is that—

USEC. BATAN: It’s a 70-80% funded by the loan; 20-30% funded by iyong GOP counterpart na tinatawag natin.

JOSEPH MORONG/GMA7: The PNR Clark Phase 1?

USEC. BATAN: If I may give the full number, kasi we consider it as one project. From Clark International Airport, 147 kilometers and 37 stations all the way to Calamba is 777.55 billion.

JOSEPH MORONG/GMA7: Common station, sir?

USEC. BATAN: Common station, ang share ng government is 2.8 billion.

JOSEPH MORONG/GMA7: Total cost?

USEC. BATAN: Iyong parte po kasi ng MRT7 sa San Miguel at iyong parte po ng Ayala sa Atrium ay kanila po … hindi po siya ano, parte po siya ng buong project so mahirap pong i-derive.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sa rehab sir, how much? Eighteen billion?

USEC. BATAN: Eighteen billion po ang kontrata including VAT.

JOSEPH MORONG/GMA7: The Line 1 LRT is how much?

USEC. BATAN: Ang total project cost po niyan is 64 billion. Ang share po ng concessionaire natin ay nasa 35 billion, at mayroon din pong share iyong government doon po sa additional na tren – 120 LRVs. At tayo rin po, ang share po natin, iyong additional na satellite depot sa Zapote.

JOSEPH MORONG/GMA7: And that will be … how much?

USEC. BATAN: Mga 20—15 to 20 billion.

JOSEPH MORONG/GMA7: Last na lang. Iyong railway institute, RI?

USEC. BATAN: Railway institute po is a grant funded project. Iyong establishment po is funded by 650 million Japanese yen grant. Iyon pong ating mga train simulators, mayroon po tayong isang full dynamic at 30 non-dynamic simulators or 31 in total, is funded by 1.2 billion Japanese yen grant din po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. I don’t know if you have the visual, but I’m trying to imagine iyong inter-connectivity of all these railway projects. As far as Clark, all the way down to Matnog, Sorsogon, do you have a visual how this is going to look like? Such that, for example, if you want to illustrate, if somebody is coming from Clark, and you’ll have to depend on just public transport, given all these projects, can you maybe visualize for us, describe to us iyong pagkakadugsung-dugsong …

MG MAGNO: Ang objective namin with all these projects … let’s start with GCR projects muna. Most of the rail that we have now is light metro; it’s not full metro. Meaning, kapag light metro, that’s between 300 to 500 thousand per day lang ang kaya. But actually, the whole GCR would need, from the north side, one million; and the south side, another million. So that’s two million. So ang ginagawa namin ngayon is to connect all those light metros with a metro grade rapid inter-city. That’s another … maybe (unclear) around two million. We will send you a copy of ano … na-interconnect namin sila.

So the light metro, we will be feeding the full metro which is NSCR, so ganoon ang mangyayari. And ang objective namin is practically we want to re-engineer iyong habitation ng GCR na you will be 55 minutes away from anywhere. So if you are 55minutes away, you reach beyond the limit of 55 minutes, candidate na iyan for transitory and development, meaning, magtayo ka lang diyan ng university town; magtayo ka ng bagong CBD diyan because that will be the boundaries within the GCR. Iyon iyong inaano namin na growth diyan.

Yes, ganoon ang mangyayari. Commuting, it should be available in the future within GCR.

JOSEPH MORONG/GMA7: At the earliest maybe 2021, right?

MG MAGNO: Yes, December 2021.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Sir, iyong pag-aabono ng Sumitomo, wala pong extra conditions iyon?

USEC. BATAN: Wala po.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Wala, wala silang nabanggit?

MG MAGNO: Wala, promise.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, other issues outside the railways, puwede, sir? Sa EDSA?

MG MAGNO: Hindi na amin iyan.

USEC. BATAN: MRT3 lang.

MG MAGNO: Road sector lang.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Ito na siguro iyong mga railways na sinasabi na matagal nang pangako ni Secretary Tugade na may paramdam sa EDSA traffic.

MG MAGNO: We’re doing our best na ma-off load iyong EDSA. Like PNR, we open Malabon to FTI service para ma-cut down namin iyong 2-hour travel time from CAMANAVA to Makati to 37 minutes. By the end of the year, magdadagdag kami ng nine new trains, iyong kalahati noon actually isi-serve namin doon sa CAMANAVA to FTI. So iyon iyong mga near-term na ano namin para maramdaman iyong off load doon sa EDSA.

[VIDEO PRESENTATION]

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource