Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo by Henry Uri (DZRH – Magandang Umaga Pilipinas)


Event Media Interview

URI: Magandang umaga sa inyo. Diretso na ako sa pagtatanong. Siguro’y dito sa mga pahayagan ngayon, of course, maraming mga headlines ngayon na magkakaroon na naman ng kabuntot na katanungan sa inyo. Unang-una, iyong tungkol po sa isyu ng West Philippine Sea, noong sabihin ninyo kahapon na ang West Philippine Sea ay kontrolado na ng China. Ano ang inyong gusto pang idagdag na paliwanag doon?

SEC. PANELO: Kahit naman kontrolado iyon, hindi naman pupuwedeng gagawin nila iyong gusto nilang gawin na sasaktan nila o tataboy nila iyong mga mangingisda natin. Sapagkat dati na nating ginagawa iyon, wala pang arbitral ruling ginagawa na ng mga mangingisda natin iyan.

Kaya nga ang sabi ko kahapon, we will not allow our fishermen to be harassed. Hindi porke’t wala tayong magagawa—ang ibig kong sabihin, hindi naman natin me-enforce sa pamamagitan ng giyera, we will not be risking the lives of our soldiers there, alam naman nating hindi natin kaya. Kaya kung maaaring kunin natin iyong arbitral ruling sa pamamagitan ng negosasyon, iyong ang gagawin natin.

And sa pakiusap nga ni—o hindi sa pakiusap, sa usapan nila President Xi, iyong mga mangingisda natin na dating tinataboy ay hindi na nila itataboy. Kasi may lumabas na video, kaya nga ang tanong ko, iyon ba ang latest? Kasi kung iyon ang latest, hindi tayo papayag. We will protest and tell them to correct, better to stop it. Iyan ang posisyon natin.

URI: Ang Pangulo ba ay walang kautusan na alamin itong pangyayaring ito, at kung talagang totoo na may ganito pang nagaganap sa isla?

SEC. PANELO: Hindi naman kailangang utusan pa kasi palaging may report ang Coast Guard natin na naroroon. Pinapanood ko kanina iyong mga interviews, mayroong mga nagsasabi na hindi totoo – mga fishermen ito ha. Mayroon namang … iyong video na pinakita—kaya nga precisely iyon ang sinasabi ko kahapon. Ang sabi nung isang mayor – noong isang buwan pa ito ha – na itinataboy. Sinasabi ng Coast Guard, wala silang alam na itinaboy.

But regardless, Henry, regardless of whatsoever, hindi tayo papayag na itataboy ang mga mangingisda natin o iha-harass. Hindi tayo papayag doon. Kahit na maliit na bansa tayo, ipagtatanggol natin ang mga kababayan natin doon.

URI: Okay. Iyong hindi papayag, kung mayroong mga paulit-ulit na nangyayaring ganito, pero ang inyong word eh noon pa man ay hindi papayag at talagang kakausapin ang pamahalaan ng China, itutulak iyong protesta. Pero kapag may mga nangyayari pang ganito, ano Secretary, iyong talagang kailangang gawin ng ating gobyerno – kayo diyan sa Palasyo – para once and for all ay matuldukan na ito at nang hindi ito nagagamit sa anumang marahil usapin na tungkol dito sa pinagtatalunang islang ito?

SEC. PANELO: Well, for one, mayroon tayong gagawing biyahe sa Beijing upon the invitation of President Xi. That issue can be raised there. Kailangang matuldukan iyan, ano ba talaga. Kayo ba … kung totoong patuloy pa rin, titigilan ninyo ba o hindi. Dahil kung hindi kayo titigil eh siguro pag-aralan natin, magre-reconsider tayo sa mga ginagawa nating negosasyon sa ibang bagay pa. Hindi naman pupuwede iyong papayag tayo.

URI: Oho. So are you saying na ito ay isa sa mga magiging agenda ng pakikipag-usap ng personal kay President Xi Jinping ni Pangulong Duterte?

SEC. PANELO: Most likely that will be raised an issue if validated iyong sinasabing may mga bagong harassment.

URI: Oho, to validate it, you think an independent investigator, independent body to, well, alamin kung ano talaga ang nangyayari diyan sa West Philippine Sea ay kailangan?

SEC. PANELO: Wala namang makakapigil sa kanila kung pupunta sila roon at iimbestigahan. Ako nga mismo, sinabi ko sa mga reporters kahapon ‘di ba, gusto ninyo pumunta tayo roon, tingnan natin.

URI: Oo nga, why not. Kailan tayo?

SEC. PANELO: Eh di hingin natin ang ano…kausapin ko si Secretary Lorenzana.

URI: Oo, para siguro’y tayo na mismo ang umalam kung totoo nangyayari ito. At based on that, magkakaroon na kayo ng malinaw na rekomendasyon at kuwan sa Pangulo, ano ho.

All right, so ang Pangulo ay talagang siguradung-sigurado na na dadalo sa isang pagpupulong sa China?

SEC. PANELO: Oo, One Road, One Belt. Pupunta siya.

URI: So kailan kayo huling nagkausap ng Pangulo at sinabing tuloy, talagang pupunta siya?

SEC. PANELO: Hindi, nasa schedule na eh. Naka-schedule na iyon.

URI: All right, okay. So tuloy na tuloy na ang Pangulo sa China. Bago matapos ang buwan ng Abril iyan hindi ba, Secretary?

SEC. PANELO: Ang alam ko last week of April.

URI: Okay. Isang huling tanong tungkol pa rin sa China pero at this time, Chinese Presidential Adviser on Economic ng Pangulo na si Michael Yang ang itinuturo ngayon ni Col. Acierto na ito raw ay talagang involved sa iligal na droga, Secretary?

SEC. PANELO: Ang alam ko, lumang isyu na iyan eh. Mukhang sinagot na iyan ni Presidente na hindi totoo iyan. Kahit si Ambassador Zhao sinabing he will not be associating with anyone involved in drugs.

URI: Pero papaano mai-erase ito, itong—pero once and for all, kaibigan ba ng Pangulo itong si Michael Yang?

SEC. PANELO: Taga-Davao iyan. Hindi ko alam kung ano ang personal na relasyon nila. Basta ang alam ko taga-Davao siya.

URI: Taga-Davao. At ito ay Presidential Economic Adviser talaga?

SEC. PANELO: One peso a year.

URI: Okay.  Why do you think, bakit nire-revive itong isyung ito? Bakit pinalulutang na naman itong usaping ito laban kay Michael yang?

SEC. PANELO: In the first place ang tanong diyan, sino bang nagpalutang?

URI:  Colonel Eduardo Acierto.

SEC. PANELO: Hindi, iyong Acierto na iyan, iyon na nga, hindi ba lumabas na noon iyan kaya nga nagsalita si Presidente tungkol diyan eh. Pinapakinggan ko naman iyong sinasabi niya, sang-ayon sa kaniya, batay daw sa report. Kumbaga, wala rin siyang personal knowledge. At sinasabi naman ni General Albayalde, kung totoo iyan, eh ikaw dati kang nasa PDEA, dapat gumawa ka na ng aksyon. Bakit hindi ka gumawa ng aksyon noon kung totoo iyan. Iyon, magandang tanong iyon.

URI: May anggulong political ba ito?

SEC. PANELO: Ano bang tingin mo diyan, eh kung dati nang isyu tapos nire-revive. Kung talagang involved iyan, eh dapat kinasuhan na iyan o kaya nasa listahan na iyan. The fact na wala naman siya sa listahan, the presumption is wala silang ebidensiya.

URI: Okay. Hindi tatanggapin iyang ganiyang klase po na argumento, Secretary, na walang ebidensiya at puro kuwan lang, itong mga pahayag lang sa media?

SEC. PANELO: Iyon na nga, sagutin niya nga iyong tanong ni General Albayalde: Kung totoo iyang sinasabi mo eh bakit noong nasa PDEA ka, hindi ka gumawa ng aksyon? Di sana maski na nag-file ka na ng kaso laban doon sa taong iyon.

URI: All right. Kami ay nagpapasalamat sa inyo at kayo po ay natagpuan naming gising na.

SEC. PANELO: Magkikita naman tayo mamaya ulit, ‘di ba?

URI: Magkikita tayo mamaya. Salamat po sa inyong pagsagot sa aming tawag, Secretary.

SEC. PANELO: Salamat, Henry.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource