Q: Sec. Martin, magandang umaga sa iyo.
SEC. ANDANAR: Good morning, Jorge; Willie, good morning.
Q: Good morning, Sec. Martin. Pero una ang lahat, bago iyong Oust Duterte Plot. Sec. Martin, may utos ba ang Pangulo kaugnay ng lindol kahapon?
SEC. ANDANAR: Magkakaroon po ng (unclear) situation briefing within the day, at aalamin po natin kung ano iyong oras maya-maya lamang. Pero sigurado na po iyan para mabigyan po tayo ng update kung ano po iyong nangyari, specifically dito sa Pampanga na talagang nagtamo ng malaking damage.
Q: Kanina parang nabanggit ni Chief Angie nung PDRRMC na parang pupunta yata ang Pangulo. May confirmation ba, Sec. Martin, na pupunta ang Pangulo doon sa area?
SEC. ANDANAR: Well, posible po iyan, posible po. Aalamin po natin mamaya.
Q: Iyan, okay.
SEC. ANDANAR: Pero ako, nandito na po ako sa area ng Bulacan.
Q: Oo, basta huwag mo nang sabihin. Baka masundan ka ng kalaban. Iyong mga matrix nag-aabang na. Sec. Martin, idini-deny nila, ni Ellen—
Q: Kanina kausap namin si Ellen Tordesillas at kaniyang dini-deny iyong kaniyang involvement doon sa matrix na lumabas. Ang sinasabi niya ay eh, in the first place, parang gawa-gawa lang daw iyong matrix na iyon. Ano ba ang pakiramdam ninyo roon, Sec. Martin?
SEC. ANDANAR: Well, nilabas ni Secretary Sal Panelo iyong matrix, at nakita naman ninyo siguro sa mga pahayagan, sa TV at sa radyo. Tingnan natin kung ano iyong magiging sunod na hakbang, kung ito ba’y iimbestigahan pa ng Department of Justice, ng kanilang forensic ano, cyber crime laboratory para talagang ano—hindi natin alam kung anong susunod pa na (unclear)
Q: Pero mabilis po yata sa pagkakataon na ito, Sec. Martin, kasi na-uncover agad kung sino ang may dahilan nung Bikoy video na ito ano?
SEC. ANDANAR: Alam mo, sa mga panahon kasi na ito ay napaka-high tech na po kasi ng mga software. Puwede nang sundan, lalo na sa internet, kung ano iyong mga pupuntahan, kung saan pupunta iyong isang tao (unclear) iyong mga na-download at mga na upload. Mayroon nang forensic digital investigation or investigation system, marami ng mga investigators sa ganoon. Iyong National Bureau of Investigation din ay mayroon din silang pamamaraan para masundan nga iyong mga ganyang digital footprint; at ganoon din po ang NICA.
So ang mahalaga po dito talaga, Jorge at Willie, ay iyong kailangan nating mapigil, matigil ang fake news, ang disinformation. Kasi ano ba ang sinabi ni Bikoy? Si Secretary Bong Go ay isa raw sa mga naging drug lord at isa raw sa mga taong mayroong tattoo sa likod, dragon, etcetera, pero wala naman. So napakalaking disinformation, fake news. Lalung-lalo na ngayong panahon ng eleksyon na kapag hinayaan nating nanalo ang fake news, kawawa naman iyong mga kandidatong puwede sanang manilbihan nang wasto, nang husto.
Q: At itong fake news pa ang napakabilis patulan ng mga sinasabi at nagpapanggap na journalists?
SEC. ANDANAR: Ganito lang ‘no, tama ka, sa isang election season—ilang araw sa local? Forty-five days.
Q: Forty-five. Ninety sa national.
SEC. ANDANAR: Ninety sa national. Alam mo, ang botohan ay isang araw lang; pero iyong kampaniyahan, 45, 90 days. Ibig sabihin niyan, more than 90% of the entire campaign is spent on communications. So kung hayaan natin iyong fake news na manalo, o iyong disinformation na magwagi ay we are actually allowing ourselves to be cheated by way of ano, isang eleksyon na hindi malinis, hindi patas. Unclean, ‘di ba, unfair na halalan which destroys basically the democratic process of electing a person.
Kaya kailangan, number one na talagang labanan natin itong disinformation tulad nitong disinformation ni Bikoy. So idugtong natin doon sa nilabas ni Sal Panelo, Secretary Sal, na matrix, aba’y nakakatakot, nakakaalarma na mayroong mga ganiyang involved na mga personalities.
Q: Sec. Martin, kamakalawa, iyong mga ganyang term na binanggit mo, kung mangyayari iyang scenario, I don’t know kung may confirmation na ganito, may binanggit daw ang Pangulo – although sa social media ko lang din nabasa – na siya mismo ang magde-declare ng failure of election. Pupuwede ba iyon?
SEC. ANDANAR: Mahirap mag-speculate. Sa akin nga, sa palagay ko naman kung disinformation lang kalaban natin ay kaya naman nating labanan as long as magsama-sama ang media, ang gobyerno at lalung-lalo na ang mga botante. Kasi alam mo, kung tayo sa mass media ay mayroon tayong mga patakaran, rules and regulations, and we regulate ourselves. Ang problema kasi sa social media, eh bawat isang tao broadcaster sa social media eh.
Q: Tama, totoo iyon. Dumami iyong broadcaster. Ang daming naging journalists dahil sa social media.
SEC. ANDANAR: Oo, so kailangan we should practice our civic responsibility of sharing only truthful, correct, the right information.
Q: Kaya go, go, go tayo. [Laughs] Sa katotohanan.
Q: Oo, go tayo sa katotohanan.
SEC. ANDANAR: Opo, opo.
Q: Kaya doon sa mga nagpapaniwala sa fake news, go na rin kayo sa katotohanan. [Laughs]
Q: Sec., maraming, maraming salamat.
SEC. ANDANAR: Mabuhay kayong dalawa, Jorge at Willie. Salamat po.
##