Interview

Cabinet Report Sa Teleradyo – Radyo Pilipinas by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar with PCOO Asec Kris Ablan, DILG Usec Epimaco Densing and NDRRMC Spokesman, Director Ed Posadas


ASEC. ABLAN: Magandang gabi Pilipinas, mga kababayan naimbag nga rabii. Good evening to everyone, ito po si Assistant Secretary Christian Ablan ng Presidential Communications Operations Office. At sa ngalan po ni Secretary Andanar at ni JV Arcena, welcome po sa isa na namang show ng Cabinet Report sa teleradyo. Isa na namang linggo at mag-isa po ako ngayon at pag-uusapan natin ang mga iba’t-ibang mga isyu, problema at mga programa ng ating gobyerno.

Dahil nga ito ay cabinet report, kakausapin po natin ang mga miyembro ng gabinete, mga kalihim, pati na rin ang mga pangalawang kalihim at katulad ko, mga kawaksing kalihim, pati mga iba’t-ibang opisyal ng ating gobyerno. Pag-uusapan natin ang mga isyu na malapit sa kanilang ahensya.

So, ngayong gabi napakaganda ng ating mga topics: Alam ninyo isang taon na po simula ng ipasara ni Presidente Duterte ang Boracay at nagbukas na nga siya late last year. Tatanungin natin ang DENR at saka ng iba pang mga opisyal kung kumusta na po ang rehabilitation ng Boracay. Lalung-lalo na po ngayong linggo ay meron tayong Love Boracay; ano nga ba ang Love Boracay? Kasi nga karamihan sa atin alam natin na ang Love Boracay. So malalaman natin iyan.

And then, also mga kababayan nagkaroon din tayo ng lindol, hindi lang isa, hindi lang dalawa, pero apat yata na lindol. So, pag-usapan din natin iyan kasama ang ating NDRRMC pati na rin ang DENR. Live po tayo ngayon sa RP1 at napapanuod sa PTV live din tayo Facebook, sa RP1, PCOO, RTVM at PNA.

So, ngayon first time ko na mag-head nitong show, dati kasi kasama natin si JV Arcena, pero si JV yata ay nasa ibang bansa o may ire-report sa atin mamaya and then magpo-phonepatch din tayo o mag i-skype kasama si Secretary Martin Andanar and hopefully maganda po ang ating talakayan ngayong gabi.

So, it is TGIF. Thank God It’s Friday, pero andito po tayo ngayon, 738 sa inyong AM at sana po nakikinig kayo, kung stucked po kayo sa trapik, makinig na lang po tayo ngayon. I’m sure madami po kayong tanong tungkol po sa Boracay closure and the Boracay reopening one year after, as well as ano nga bang ginagawa ng gobyerno dahil nagkaroon nga po tayo ng lindol: Meron po ba tayong mga preparasyon na ginagawa; saan-saan nga ba ang ating evacuation centers; Pag nagkaroon po ng malakas na lindol dito sa Metro Manila, saan po ba tayo dapat pumunta?

Ngayon, hinihintay po natin na makausap si Undersecretary Epimaco Densing ng Department of Interior and local Government or DILG. Alam n’yo po mga kababayan nakasama po natin si Usec Densing noong nakaraang taon, dahil very active po siya sa Boracay closure at Boracay rehabilitation at makakapagtanong po tayo ng mga iba’t-ibang tanong natin tungkol sa mga issue surrounding Boracay.

So, kumusta na ba ang tubig, malinis na ba, puwede na bang maligo? Naalala ko one month after the closure, ipinagbawal kami ng DENR na lumangoy sa dalampasigan o sa tubig ng Boracay. Kumusta na rin ang rehabilitation efforts ng main road pati na rin ang bypass road at pati na rin po ang sewerage system sa Boracay? At meron pa tayong mga ibang mga isyu diyan po sa Boracay. For example iyong dami po ng mga businesses na meron pong mga Chinese owners, Korean owners. So, it’s very interesting ‘no. So, hintayin po natin na makausap natin on the line si DILG Undersecretary Epi Densing para malaman kung ano na nga ba ang mga updates.

All right, also maganda rin na pag-usapan natin mamaya na ano na nga ba ang ginagawa ng ating gobyerno pagdating po sa earthquake. Alam ninyo mga kababayan hindi naman katulad ng typhoons, very rough weather na mape-predict natin iyan at siyempre for example malaman natin na malakas ang waves, magkaroon tayo ng tsunami eh mabibigyan tayo ng sapat na oras na makapunta sa higher ground. Pero ang earthquake, hindi natin alam kung kalian mangyayari, basta nangyayari lang. Pero alam mo mga kababayan, napaka-importante po na alam natin kung ano ang gagawin natin kapag nandiyan po ang earthquake at pagkatapos.

So, on the line, we have from the NDRRMC it’s Spokesman, Director Ed Posadas to give us some updates regarding what’s been happening for the past weeks. Magandang gabi po Director Posadas.

DIRECTOR POSADAS: Magandang gabi po, Asec. Kris at magandang gabi po sa lahat ng nakikinig.

ASEC. ABLAN: Naririnig po tayo over Facebook and 738, Director Posadas, ang tanong po ng bayan, kumusta na po ang NDRRMC, what preparations and what has the NDRRMC been doing, because medyo dumadami po ang ating mga lindol?

DIRECTOR POSADAS: Asec. Kris as usual po we are on our toes, wika nga. The NDRMMC in Camp Aguinaldo still on blue alert sir, and this also holds true for region 3, kung saan po nandoon iyon—sa kanila po kasi na jurisdiction iyong ground zero nung Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga. At in some other area sir, naka-blue alert din I believed ang region 8, doon sa nagkaroon ng landslide (earthquake?) din po sa kanila na 6.5 from days ago sa San Julian, Eastern, Samar po.

Asec. ang ano natin dito – ano ang ibig sabihin ng ‘blue alert’: Kaya po tayo naka-blue alert, narinig ko po iyong sinasabi ninyo kanina, para po matutukan natin kung kinakailangan iyong mga requirements ng ating mga tao on the ground kung hindi sumasapat for example iyong mga local government units’ resources at iyong mga regional resources, nandito po iyong NDRMMC para tugunan po iyong mga pangangailangan na iyon.

At kahapon nga, Asec, si Usec Jalad po ay personally went back to Porac, Pampanga. Ang pakay po noon ay to oversee and to make sure that the President’s guidance during his command conference noon na naganap po noong Tuesday sa Provincial Capitol ng Pampanga ay magawa po ng tama at iyon hong desired result ng ating Pangulo ay maisakatuparan. He work closely with the Regional DRRM Council sir, and with the leadership ng local government doon at of course iyong local government din po ng Porac, Pampanga, sir.

USEC. ABLAN: Director Ed maraming salamat po sa updates. Nabanggit n’yo po kanina iyong Chuzon Supermarket diyan po sa Pampanga. Ano po ang updates natin sa mga injured po at saka mga namatay? Kasi nga nung araw ng lindol doon sa Pampanga at sa Zambales apat po iyong ating mga fatalities and then paakyat ng paakyat po siya, yesterday po yata naging walo o siyam na. Ano na po ang updates doon po sa Chuzon, and have we resumed rescue efforts po?

DIRECTOR POSADAS: Asec, iyong atin pong, medyo gusto ko munang i-qualify before I give the numbers ano. Ito hong sinasabi natin na mga namatay natin, the reason why hindi pa ho tayo naglalabas ng mga pangalan, dahil this is for further verification sir, and further confirmation by the MDM Cluster ng NDRMMC – ito po iyong Management of the Dead and the Missing Cluster. Sila ho iyong opisyal na nagbibigay ng pangalan kung kino-confirm na nila iyong mga nasawi secondary to a particular disaster.

But for purposes of numbers, Asec ‘no, meron ho tayong isa na—nadagdagan po iyong ating nasawi. Again for verification and confirmation, naging 18 na po ito from 16, Asec at 282 po iyong injured natin, pero bumaba na po iyong ating missing, naging pito na lang po sa ngayon. Pero possible po itong mabago dahil natutuwa po tayo, Asec, karamihan sa kanila nahahanap na po ng buhay iyong mga tao it’s either na wala sila doon or they just went somewhere else tapos nahanap na sila.

Gusto rin ho natin na sana ganoon din iyong iba pang hinahanap natin, na matagpuan natin sila ng buhay, sir.

ASEC. ABLAN: Na missing po na pito.

DIRECTOR POSADAS: And as regard to your last question, sir, tuloy po ang search, rescue and retrieval operations whichever the case maybe. Kung buhay po, then it becomes search and rescue. Pero kung saka-sakali man po na hindi ho tayo pinapalad, then it’s a retrieval operations – so, depende po iyon.

Tuloy pa rin ho ang operations sa ngayon, nandoon pa rin iyong mga rescuers natin at patuloy ho silang nagtatrabaho. Para, una ho, to clear the debris ‘no, kasi ang pinadala ho natin doon na mga rescuers ay hindi ho basta-basta kasi napaka-technical ho ng pagguho ng building na iyon, so very challenging ho. Ang pinadala ho natin doon ay rescuers with special training and special equipment po. They come from the uniformed services of government namely, the Armed Forces of the Philippines, the Philippine National Police, iyong K-9 units ng Philippine Coast Guard at iyong ating Bureau of Fire Protection po, iyong kanilang SRU.

At ganoon din ho, nagpapasalamat tayo doon sa mga local na pamahalaan who sent their rescue and response units para tumulong. Nagpapasalamat din po tayo, Asec., doon sa malaking tulong ng pribadong sektor sa kanilang valuable na tulong. In essence po, Asec., iyong buhay na buhay, sabi nga ni Pangulo, iyong spirit of ‘bayanihan’ doon sa pangyayari, sa hindi magandang pangyayari na naganap po doon sa Porac, Pampanga, Asec., nito hong nakalipas na linggo.

ASEC. ABLAN: Sumasaludo po kami, Director Ed Posadas, sa efforts po ng NDRRMC pati na rin iyong mga ibang kasama natin sa gobyerno at sa pribadong sektor na tumutulong po diyan sa rescue efforts.

Ang next naman na tanong, Director Ed, ang mga kababayan po natin dito po sa Metro Manila, mayroon po ba silang ikababahala po? Do they have something to worry about? Is there going to be any big earthquake happening? Should we be prepared, and if we need to evacuate, ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan na? Because we’re all very worried, sir, as you know, I’m sure, earlier today ay nagkaroon nga po ng isa pang earthquake sa probinsiya ko po, sa Ilocos Norte, early this morning. Any message po sa ating mga kababayan dito sa Metro Manila because they’re very worried po?

DIRECTOR POSADAS: In fact, Asec., dagdagan ko lang ‘no, mayroon sa Ilocos, mayroon din ho kaninang hapon sa … medyo malakas-lakas po ito, 5.5 if I’m not mistaken but above five ‘no, five or above, sa probinsiya ho ng Surigao del Norte, at ngayon po ay nasundan ng several aftershocks.

Asec., doon sa katanungan ninyo, realistically ho, we have to live with the reality of earthquake: Ang Pilipinas po ay punung-puno ng earthquake generators, except for the province of Palawan, Asec. We experience several earthquakes every day, fortunately, sir, most of which are hindi lang natin nararamdaman pero napakarami ho niyan. At narinig ko rin, tama iyong sinabi mo kanina, Asec., that we still, Science still has to find and perfect the prediction po ‘no of earthquake. Even in most countries, Asec., na medyo technologically-advanced kagaya ng Japan na talagang ganoon din, araw-araw palagi silang bina-barrage by earthquake, hindi nila napu-perfect po iyong prediction nito. It’s something that we cannot really predict accurately and, therefore, ang key po dito, Asec., ay maging ready tayo palagi.

Hindi naman po puwede na hindi na tayo kikilos dahil natatakot tayo. Okay lang ho iyon na—human nature na, it’s okay to be startled, it’s okay to be panicky initially ‘no. Pero dapat ho … kaya nga ho ang ini-espouse natin, kagaya ho nang palagiang … we conduct—OCD spearheads iyong tinatawag natin, Asec., na quarterly nationwide simultaneous earthquake drill.

ASEC. ABLAN: Right, tama po.

DIRECTOR POSADAS: That is at the very minimum po, we conduct it in several pilot areas in the country. For example, sir, this coming June, our next pilot area in … national pilot site will be in Region VIII, City of Ormoc po. But in all the 17 regions, Asec., on the same day, on the same time, mayroon tayong regional pilot sites. Ganoon din iyong mga lokal na pamahalaan are participating.

At napakaganda nga ng pagkakataon na ito, Asec., dahil if there is something good that we get from here, iyong kamalayan ng tao, iyong kanilang enthusiasm in participating doon ho sa pagpapanatiling ready sila at nakahanda po sila para kung saka-sakali na dumating ulit iyong mga pagyanig, ano. As I said, Asec., it’s something that we have to live with every day po dahil nga sa ating … the very geography and topography that we have. Iyong atin hong geology ng Pilipinas ay talaga hong very prone tayo sa earthquake.

At iyon nga ho, iyong the ever dependable simple steps na kapag may pagyanig, “Duck, Cover and Hold” tayo. At huwag ho tayong magpilit muna na lumabas habang may pagyanig pa po, wala hong paglulugaran iyong pagpapanic, kailangan ho iyong presence of mind. We have to also take into consideration, Asec., iyong mga miyembro ng ating pamilya na may mga special needs such as iyong mga persons with disability, the elderly, the young, the pregnant, iyong mga bata, habang naghahanda ho tayo, we make sure that their needs are also factored in.

At iyong ‘the before, during and after’, Asec., na mga preparations, kailangan din ho iyon, napakaimportante. At ang bottomline po nito, huwag nating babaliwalain kapag may mga inisyatiba tayo. In our communities, we espouse for family safety, family preparedness, Asec., community preparedness. That is why in our menu of training po, capacity building, we have what we call iyong CBDRRM, iyong Communiyt-based Disaster Risk Reduction Management na tini-train po natin, Asec., iyong mga iba’t ibang mga barangay sa mga lokal na pamahalaan para maging self-sufficient po sila to address their needs at least in the first 72 hours post disaster.

So marami po tayong ginagawa: And we also would like to highlight, Asec., the importance ng participation po at ng pagiging tulay ng media, kagaya po ng Radyo Pilipinas, para iparating po ito doon sa ating mga kababayan on the ground. Kasi kayo ho, the media is a very … a force to reckon with ‘no, nirerespeto ng ating mga mamamayan. Naniniwala po sila sa inyo. And napakaimportante po ng inyong ginagawang tungkulin din ‘no, being our conduit. That is why we also make ourselves available. Asec., ito rin ho ang pag-uutos ni Usec. Jalad sa amin, to make sure that we are available as much as possible sa mga ganito hong panayam para maiparating po natin iyong mga importanteng mensahe sa ating mga kababayan, Asec.

ASEC. ABLAN: Yes, Director Ed, tama po iyan. Kasama ninyo po ang PCOO, ang PBS-BBS or Radyo Pilipinas, ang PIA na maiparating po ang impormasyon, lalung-lalo na po tungkol sa mga isyu na ganyan, for example may earthquake. Kasi alam ninyo naman po, Director, na kapag mayroong calamities na katulad ng ganito, minsan ay nawawalan po tayo ng kuryente, nawawalan po tayo ng cell signal, at ang natitira lang po ay ang ating radyo.

So napakaimportante po na palagi po kayong makapagbigay ng inyong mensahe, kayong mga kasama natin sa OCD, NDRRMC para po malaman ng ating mga kababayan kung anong gagawin o ano ba ang ginagawa ng gobyerno pagdating po sa mga kalamidad na ganyan.

DIRECTOR POSADAS: Tama po iyon. At patuloy po kaming nagpapasalamat, Asec., pinapasalamatan ninyo po kami pero we would like to also reassure our friends in the media that you are doing a good job and a very important job at that sa pagpaparating ng mga importanteng mga mensahe po sa ating mga mamamayan.

Ganoon din ho, gusto rin nating pasalamatan iyong patuloy na kooperasyon ng ating mga lokal na pamahalaan, ng ating pribadong sektor, ng mga ka-partners. We also partner with telcos Asec., in our dissemination, iyong tinatawag nating early alert warning messages, nagpapasalamat din tayo sa kanila, and of course, iyong atin hong … iyong mga tao mismo for participating actively at talagang pagseseryoso po dito. Kasi palagi po akong naniniwala, Asec., na kapag you are secure and safe individually, puwede mong mapanatiling ligtas iyong iyong pamilya and eventually iyong kumunidad mo.

At I would like to assure our listening public that your OCD-NDRRMC there, with all our members to national membership doon sa council that kung kinakailangan po palagi pong nandito ang inyong NDRRMC sa pamamagitan ng OCD at ng kanyang mga miyembrong agencies. At ganundin, Asec, this is in consonance with the President’s guidance all the time to provide, to be always there for the people: to provide quality, immediate, adequate at saka relevant response. Iyon ho ang pag-uutos ng ating Pangulo palagi sa NDRRMC sa pamamagitan po ng ating, of course ng Chair of the Council, si Secretary Lorenzana at iyong Executive Director po niya at Civil Defense Administrator, si Undersecretary Jalad.

ASEC. ABLAN: Last na lang po, Director Ed. Kasi nga meron po tayong programa dito sa PCOO na dismissed disinformation. If they want to know the real facts and the real news pagdating po sa Disaster Resiliency, a Ano po ang number at saka ano po ang mga Facebook account na official ng NDRRMC?

DIRECTOR POSADAS: Ang amin pong account ay civildefenseph@ndrrmc.gov.ph. At makikita na po nila doon iyong ating—marami po tayong mga numero, Asec doon na puwede nilang tawagan. At kung kailangan naman nila, Asec nandoon din po ang ating mga regional counterparts para kung nasa region sila, nasa probinsya sila hindi na ho nila kailangang tumawag sa atin, tumawag lang sila doon sa mga regional offices natin Asec, at sila ho ay matutulungan doon.

ASEC. ABLAN: Okay, maraming-maraming salamat po NDRRMC Spokesman Director ED Posadas, maraming salamat po. Magandang gabi sa inyo, sir.

DIRECTOR POSADAS: Maraming salamat, Asec sa pagkakataon. Maraming salamat po, magandang gabi po sa inyong lahat.

ASEC. ABLAN: Susunod naman po pag-usapan natin ang Boracay rehabilitation at kasama naman po natin sa skype si Secretary Martin Andanar; magandang gabi po, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Hello magandang gabi sa iyo, Kris at magandang gabi sa lahat ng nanunuod po sa atin sa PTV, sa ating Facebook pages at nakikinig po sa ating Radyo Pilipinas 1 nationwide.

ASEC. ABLAN: Yes, Secretary. Sana huwag ninyo akong pagalitan first time ko dito sa table, medyo hindi ko alam kung paano gamitin ito dito. So, hopefully I am doing an okay job, Sec. Kumusta po kayo?

SEC. ANDANAR: You will be fine, Kris, it’s like flying for the first time a spaceship. Ayos naman, we have been busy for the whole week, marami rin tayong mga activities. And si Presidente alam naman natin nasa China and while the President is in China, ay tayo rin ay abala as a taong bahay.

ASEC. ABLAN: Kasama po natin, Sec. Martin si DILG Undersecretary Epimaco “Epi” Densing.

SEC. ANDANAR: Oo, si Usec. Epi. Magandang gabi sa iyo Epi.

USEC. DENSING: Good evening po, Sec. Martin, Asec Kris, good evening po.

ASEC. ABLAN: Yes, pag-usapan po natin ang Boracay rehabilitation, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Oo, napapanahon na para pag-usapan iyan at congratulations sa DENR, sa DILG for doing a fantastic job, napakaganda ng reduce sa mga turista.

USEC. DENSING: Opo, nandito po tayo sa Boracay ngayon. Nagkaroon tayo ng inter-agency meeting yesterday at meron pang mga activities dito dahil instead of LaBoracay po, Sec. Martin, ang tawag na ho natin sa last week of April is Love Boracay. So, ni-launch po kaninang umaga po iyan at nandito po tayo at marami hong nagpapa-participate na Boracainon and local and foreign tourist.

ASEC. ABLAN: Usec. Densing. So ano po ba ang magiging events ng Love Boracay, kasi nga in previous years we already know na pag LaBoracay, it’s really party-party all the way up to the morning. So ano po ang mga ine-expect ng ating mga kababayan now that we have the Love Boracay?

USEC. DENSING: Well, sa Love Boracay po malayung-malayo ho ito sa LaBoracay, dahil sa La Boracay, almost gabi-gabi may nagpa-party sa beach, may nag-iinuman sa beach, magdamagan ho iyan hanggang umaga for many years. Itong Love Boracay, very simple lang po iyong activities, may para-sailing, may mga recreational activities. In fact, ngayon, hindi sa beach po ito merong nangyayaring concert that was sponsored by—sa wet land, sponsored by the Aboitiz Group of Companies. So meron hong kaunting kasiyahan doon ngayong gabi, nagsimula po kaninang alas-siyete and masaya po ang mga tao. Very calm po iyong ating beach ngayong gabi at saka every night thereafter. Masaya ang mga tao at maraming masaya dito, more family oriented na po ang set-up rather than the usual na mga turista na mga puro inom lang at party ang inaatupag.

ASEC. ABLAN: Yes, Usec. Densing. Ilang percent na po ba ang rehabilitation efforts o ang rate ng rehabilitation efforts diyan po sa Boracay, nag-100 percent na po ba tayo?

USEC. DENSING: Well of course ang focus, ang attention talaga natin itong katubigan na surrounding Boracay Island. Based on the presentation yesterday, iyong ating front beach, iyong white beach natin is within the allowed FC quality water level. Iyong 10 MPN for every 100 ml. Naga-average ho ng 40 to 50 lamang, so in other words, iyong fecal coliform level niya is napakababa po.

Iyong sa likod naman, iyong Bulabog Beach na iyon ang talagang pino-problema dahil iyon yung maitim na inilalabas na maduming-maduming tubig, ganundin po dumating na sa level na puwede na hong liguan. In fact, kaninang umaga nung inspection namin sa Bulabog Beach, marami na pong nagwi-wind surfing doon, kasi ang Bulabog Beach doon po talaga ang mga wind surfing activities.

So happy ang mga tao doon, dahil ang mga kausap namin, sinasabi nila na, lalo na iyong mga wind surfers, na hindi na raw sila kinakabahan habang nagwi-wind surfing at nakakainom ng tubig, hindi na sila kinakabahan na baka sila mapunta, maospital o ma-doktor dahil sasakit iyong kanilang tiyan. Dahil for many years, iyon daw ang experience ng ating mga wind surfers diyan sa Bulabog Beach.

ASEC. ABLAN: Sec. Martin, napuntahan n’yo ba iyong Bulabog Beach diyan sa Boracay?

SEC. ANDANAR: Hindi nakita ko lang sa video, Kris.

ASEC. ABLAN: Nung pinapunta mo ako, Sec. Martin one month after the closure, binisita po natin ang Bulabog Beach at tama po iyong sinabi ni Usec. Densing na napakarumi po, visible to the eye iyong dirtiness po ng tubig. Kumusta naman po iyong drainage saka iyong sewerage po, Usec Densing naayos na po ba, one kilometer away na po ba from the beach?

USEC. DENSING: Kris, hindi lang madumi sa mata ha, mabaho talaga ang beach na iyon, iyong Bulabog Beach. So binalikan po namin kanina iyong drainage system, one kilometer away from the beach at ang update po sa TIEZA who is in-charge of the drainage upgrade, by the last quarter of this year, fully upgraded na po iyong drainage system sa Boracay. So, hindi na ho tayo maga-alala ng maduming tubig na lumalabas, binabantayan lang ho natin na huwag na silang mabakbak ng mga pasaway na resorts, kasi ang ginagamit ho nila doon semento, so babakbakin lang iyong drainage, maglalagay sila ng tubo doon, lalabas na iyong maduming tubig diretso from the resort ‘no.

Ngayon ho iyong ginamit nilang material sa drainage system ay hindi na ho mababakbak. So, we are assured that the new drainage system hindi ho magagamit ng mga untreated water para diretsong ilabas iyong mga kadumihan sa island. Iyong sa road system naman, iyong circumferential road is 99% complete, meron lang isang portion doon na kanilang hindi pa nasesementohan, kais ito iyong connected road. So, iyong phase 2 ho ng bagong road system, sisimulan na iyan ng DPWH this year. Hopefully matapos by the end of 2019 at wala na ho kayong mai-experience sa traffic ngayon ho dito na kagaya ng dati ng kinakabahan kayong baka malate kayo sa airport dahil sa trapik papunta sa Jetty Port.

ASEC. ABLAN: Wow! Usec. Densing, Sec. Martin, alam n’yo po pumunta po ako diyan 6 months after nung October, nag-interview pa po kami sa inyo Usec. Epi. At that time, the road network po wasn’t really complete yet. You had the center cemented already, but iyong side, iyong pedestrian, iyong sidewalk, hindi pa tapos. So, ngayon, tapos na po iyong sidewalk, diyan po sa main road, Usec?

USEC. DENSING: Ay yes, tapos na iyong sidewalk, in fact marami sa ating mga turista, hindi na rin sumasakay ng tricycle naglalakad na lang sila, which is the original objective of why we need to upgrade the road system including the improvement of the sidewalks, para ma-encourage iyong ating mga turista na maglakad na lang.

At kaninang umaga, sabi ko nga, nag-inspection ho kami sa … nag-ikot ho kami dito sa Boracay, at marami sa ating mga turista ay naglalakad na lang at hindi na rin sumasakay ng tricycle kasi mini-minimize ho natin iyon dahil talagang very pollutant din iyong ating mga tricycle dito.

At ginagawa na ho natin ng paraan para ma-phase out iyong motorized tricycle, na papalitan po natin ito ng mga e-trikes. I think ang DOE ay magdu-donate po ng 200 units ng e-trikes; libre po iyan. At inaayos na lang ho iyong Sangguniang bayan resolution so that the municipal government can officially accept the 200 e-trikes na binibigay po ng Department of Energy.

ASEC. ABLAN: About po sa municipal government, Usec. Epi, balita po this week na na-suspend na po ang mayor at saka isa pang opisyal. Do we expect more suspension and disciplinary actions on erring government officials po doon po sa Boracay?

USEC. DENSING: Well, Asec. Kris, Sec. Martin, hindi suspendido ‘no, dismissed from service na po ang dating mayor, Mayor Cawaling. So itong Vice Mayor is now a full-fledged mayor of the island, si Vice Mayor Abram Sualog. Dismissed from service po si Mayor Cawaling pati ho iyong Municipal Licensing Officer na si Jen Salsona. Sila po ay dinismis ng Office of the Ombudsman effective, I think two or three days ago ay na-serve na po.

We are happy with the decision of the Office of the Ombudsman. Kasi noong nandiyan pa si Mayor Cawaling, hirap na hirap po kaming magpatakbo ng programa ng rehabilitation kasi alam naman po natin, iyong task force ang nagse-set ng policy at ang nag-i-implement po ng policies and programs ay ang local government.

ASEC. ABLAN: Tama po.

USEC. DENSING: So hirap na hirap kami kay Mayor Cawaling noon na mag-implement ng rehab program. Pero dito kay—noong nasuspinde po si Mayor Cawaling around October, nag-take over po si Vice Mayor Sualog as OIC Mayor – napabilis po iyong rehabilitation program natin, kasi once na mag-approve ng programa iyong task force, the next day, automatic na tinatrabaho kaagad ni Mayor Sualog at that time kaya napabilis ho talaga. Very critical po talaga ang lokal na gobyerno sa pag-i-implement ng ating mga programa.

And we’re happy that Vice Mayor Sualog is now the full-fledged mayor at least by the end of June 30 of this year as we continue our rehabilitation efforts in the island of Boracay.

SEC. ANDANAR: I understand, Usec. Eping, although hindi under your purview iyong mga construction ng mga kalye diyan dahil under DPWH iyan, when I was there, a few days bago buksan muli iyong Boracay, iyon nga, hindi pa halos tapos iyong doon sa may likod mismo.

USEC. DENSING: Tama po.

SEC. ANDANAR: Iyong beach, iyong mga kalye.

USEC. DENSING: Ngayon po ay nadaanan po namin, Sec. Martin, iyong resort, tapos na tapos na po.

SEC. ANDANAR: Opo. Tapos na?

USEC. DENSING: Tapos na po.

SEC. ANDANAR: Pero the entire island of Boracay, tapos na ba iyong bagong kalye na ginawa ng DPWH, hindi pa?

USEC. DENSING: Iyong circumferential road, tapos na po iyon kaya mabilis na po iyong traffic. May natitirang extra four kilometers na gagawin pa ang DPWH, iyon po iyong connecting road, parang kinu-connect po iyong Bulabog, I think, sa harap ng isang barangay. Iyon po ang tatapusin na this year, four kilometers po iyan. May budget na rin po iyan.

SEC. ANDANAR: Okay. At kumusta naman ang mga kababayan natin diyan, sanay na ba sila sa bagong sistema na in-implement ng gobyerno?

USEC. DENSING: Opo. At I’m very happy to report na iyong mga violators ho natin, based on the statistics, iyong mga violators ng various ordinances, for February of this year, mayroon tayong natala na 229 violations na sila po ay na-penalize dahil sila ay nag-violate ng mga local ordinances and rules. As of April, the whole month of April, as of today, mayroon ho tayong natalang anim lang. So from 227, we only have six violations in the month of April, and this is despite the facts that we have the highest number of tourists in the island today.

So in another words, sumusunod po ang mga tao sa mga rules and ordinances. In fact, nagkaroon pa ng extra money in the past months ang munisipiyo ng Malay kasi naka-raise sila ng 1.6 million yata of extra revenues derived from fines and penalties doon sa mga nag-violate na mga turista dito whether local or foreign.

So ngayon ho nabawasan, medyo nabawasan din ang kinita pero maganda na rin ho iyon, ibig sabihin ay sumusunod na iyong mga tao at disiplinado po sila. Dini-declare na ho natin ang Boracay Island na discipline zone.

ASEC. ABLAN: Usec. Epi, kumusta naman po iyong mga hotels natin diyan? Ilan na po ba ang nag-comply at ilan po ba ang hindi pa nagku-comply? Ano po ang ating statistics diyan? Kasi marami po tayong mga kababayan na gusto pong pumunta ng Boracay at gustong malaman if they can still—

USEC. DENSING: Asec. Kris, as of today, there are 339 compliant hotels and restaurants ‘no, and resorts. More or less, this is around 13,000 rooms, plus or minus. Mayroon pa rin hong iilan na mga hotels and restaurants na hindi pa kumpleto o compliant sa licenses nila and permits including fire safety inspection certificates, including mga STP nila; they remain to be closed.

Pero ang gusto lang natin na makita dito which is—in other words, kaya naman palang gawin nila. Kaya naman nilang makakuha ng mga … magpagawa ng STP; kaya naman pala nilang magbayad ng permits and licenses, bakit for many, many years ay hindi sila kumukuha, so ibig sabihin, talagang itong mga negosyante dito ay talagang tinake advantage iyong isla. Napasunod po natin sila, at kapag sinabi nating hindi sila makakapagbukas kung walang lisensya, kung walang STP, talagang hindi sila nakapagbukas. At iyong mga malalaki dito, kaya naman pala nilang magbayad, eh pinahirapan pa nila iyong sarili nila.

So ang kagandahan ho nito, lahat ay sumusunod. And we are very happy that itong Boracay rehabilitation has become a model of other rehabilitation efforts that we’re looking at the other beach tourism areas.

ASEC. ABLAN: Iyong mga naapektuhang emleyado diyan, lokal na empleyado diyan, Usec. Epi, nakabalik na po ba sila sa mga trabaho nila?

USEC. DENSING: Hindi ko malaman iyong statistics dito whether nakabalik. Pero ang pagkakaalam kasi namin, iyong ibang umalis na parang nakakuha na rin ng trabaho sa ibang lugar. Iyong iba naman, doon sa mga empleyado ng resorts kasi mininteyn naman eh despite the fact na nagsara po halimbawa iyong ibang resorts dahil wala nga silang mga costumers, although pinauwi nila temporarily iyong kanilang mga empleyado ay pinabalik din.

In fact, kung hindi ako nagkakamali, mas marami pa yata akong nakikitang empleyado ngayon dahil dumami pa rin iyong mga turista. Iyong numero ho natin ngayon is nasa half a million na – 582,000 tourist arrivals in the first three months of this year alone. So marami po ang turista ngayon dito.

ASEC. ABLAN: Mayroon po bang cap on the tourist, Usec. Epi, or as long as they have a reservation with the hotel, they will be allowed in the island?

USEC. DENSING: Binabantayan pa rin ho natin ang carrying capacity. Base ho sa pag-aaral, the island can carry 19,215 tourists in any given day. So iyon po ang minu-monitor po natin, dapat ang arrivals dito should be around 6,200 a day. On the average ho, from January to April, ang average na dumarating ho dito ay nasad 5,600 to 5,800 a day. Medyo lumagpas lang ho siya noong Holy Week na umabot ng 8,000. Pero after ho ng Holy Week, bumalik ho na sa dating numero na 5,6oo/5,800 per day.

ASEC. ABLAN: Last time, Usec. Epi, na pumunta po ako doon sa Boracay, may mga pulis po na nagbabantay sa beaches, so hanggang ngayon po ba ay mayroon pong nagbabantay na DILG o PNP to make sure po na wala pong nagkakalat sa tabing-dagat?

USEC. DENSING: We have the usual number of PNP personnel dito, hindi naman dumami talaga. Pero ang maganda rito, maraming augmented na civilian enforcers. So naglalakad po ako kaninang hapon sa beach, nakausap ko iyong iba nating mga kababayan na sibilyan, sabi nila they were assigned to … na manita ng mga violators. Minsan sinisita nila, let’s say may kumakain, sisitahin nila na bawal kumain. Tapos of course, iyong kapulisan natin will come into the picture kung medyo grabe na iyong violation ng mga local ordinances.

Pero ang maganda ho dito, iyon nga, very disciplined ho iyong mga turista natin; wala masyadong violators tayong na-encounter as of today, including the last first four months of the year.

ASEC. ABLAN: Usec. Epi, mayroon na po bang bagong timeline ang task force pagdating po sa Boracay? Kasi nga tapos na po iyong six months and then nag-one year na, is there a new timeline when we let Boracay be or there’s no timeline at all?

USEC. DENSING: Well, ang Boracay Inter-agency Task Force, ang buhay po niyan is until April of 2020. So mayroon ho tayong management committee dito and nag-appoint po tayo ng isang general manager to focus on the day to day activities and operations of the task force here in the island. So ang mangyayari po niyan, baka tatapusin lang ho natin itong buhay ng task force hanggang next year.

USEC. DENSING: And hopefully pag natapos po ang buhay ng Boracay Interagency Task Force eh makikita na ho natin na gumanda na ho ang itsura ng isla at upgraded, nagawa natin iyong behavioral change or cultural change at kapag nagawa po natin iyan, hopefully i-maintain na kang kung sino po ang Mayor by next year. Pero ang gusto lang din nating sabihin na hopefully, kaya natin gustong mag-create nga ng Boracay Island Development Authority, so that we can professionally manage the activities of the island outside of just the local government unit. So hopefully magkaroon po ng batas na iyon po ang inaasahan natin.

ASEC. ABLAN: Meron ho bang mga iba pang updates Usec. Epi tungkol po diyan sa Boracay. Naging isyu po this week is iyong dami po ng Chinese na businesses at saka Korean businesses – any word on that, sir?

USEC. DENSING: Opo, pinag-usapan po namin iyan kahapon. Kaya nga po noong meeting, ako po iyong nag-suggest, a resolution carried by the task force, mag-create ng ad hoc committee immediately composed of the LGU of Malay, Department of Justice through the Bureau of immigration, DOLE, Department of Trade and Industry para po tingnan kaagad iyong mga isyu ng dumadaming Chinese establishment dito at iyong mga alleged allegations na merong mga Chinese nationals na nagtatrabaho dito. So, ang objective po ng ad hoc committee tingnan kung may valid permits and licenses itong mga Chinese establishments na nagtatayo dito, particularly iyong mga restaurants.

Pangalawa, ni-resolved din namin na itong mga restaurants na merong mga Chinese characters or Korean characters na magkaroon ng English translation.

Pangatlo, i-check lahat ng mga establishment na ito kung nagha-hire ho sila ng mga foreign nationals at kung nag-hire man is hingan po ng work permit at pag walang work permit siyempre papasok si Bureau of Immigration para sila ay i-deport kung saka-sakali.

At pang-apat is iyong isyu na pag pumapasok daw iyong mga turista na hindi Instik ay sino-shoe away, dina-drive away. So, sabi namin lahat ng mga restaurants na nagtatayo dito sa isla, being a tourist destination, kailangan ho to the general public. So, regardless of your nationality, kailangan kang payagang pumasok sa mga restaurant because these are for the general public puwera na lamang kung ikaw papasok sa restaurant para kumain at hindi magbayad. So, iyon lang po ang puwedeng ilabas, pero kung general public ka at willing kang kumain sa kanilang restaurant, hindi dapat sila nagtataboy ng mga customer.

ASEC. ABLAN: Secretary Martin baka meron po kayong follow-up question kay Usec. Epi. Nawala po. When will you be flying back to Manila, Usec.

USEC. DENSING: Bukas po pabalik na ako, bukas ng umaga. Nag-meeting lang kami kahapon ang then today nag-inspection ho kami, nag-ikot, kausap din ng mga tao at mga opisyales, nakapaglublob na rin po ako for the first time in many years sa dagat ng Boracay at ako ay confident na hindi na po ako mangangati. Kasi huli akong naglublob ng aking paa, legs diyan ay nangati po ako pagdating ko sa airport.

In fact, just to mention to everybody listening. Alam n’yo po last year nung sinara po iyong isla and few months before, marami hong algal gloom iyong tinatawag nating green algae sa front beach. Sabi ng mga tao dito, pati mga negosyante sabi nila seasonal daw iyan: In other words tuwing summer lumalabas, tuwing February lumalabas – bago po iyan isara.

Pero ngayon po mula nung na-rehabilitate natin iyong island, last December, last February and until today, wala na hong algal bloom or wala nang green algae doon. Ano ang ibig sabihin nito mukhang niloloko lang tayo ng mga tao nung bago sinara para lang ma-justify nila iyong green algae. Ang totoo niyan iyong green algae dumating ho diyan sa harap ng isla dahil talagang may lumalabas na maduduming tubig or untreated water diretso po sa white beach, kaya po may algal bloom diyan. So ngayon ho, summer na summer, last February, last December, wala hong green algae.

So ibig sabihin talagang isyu ho ito ng drainage o maduming tubig na lumalabas sa isla na nanggagaling sa mga resort na pagmamay-ari ng mga negosyante na walang pakialam sa kalikasan ng Boracay.

ASEC. ABLAN: Yes, Usec, in fact I’ve read some stories and articles that there’s marine life now surrounding the island na may mga baby sharks po ata na nakakaikot?

USEC. DENSING: Tama po may baby shark, may butanding, may whale shark na rin pong dumaan months ago and these are all confirmed. Kasi po mukhang na-feel na ho nila iyong malinis na tubig na siguro iyong mga whale sharks kung may mga kamay lang baka mangangati rin sila.

ASEC. ABLAN: Thank you so much, Usec. Epi Densing. Any other words or updates po sa mga kababayan natin tungkol sa Boracay before we say goodbye.

USEC. DENSING: Well, sa ating mga kababayan ini-encourage ko po kayong tingnan din iyong ating Boracay Island, pero ibahin n’yo na po pananaw ninyo dito magandang-maganda na po ito, disciple zone na ho ito. Sana po pagpunta ninyo sa isla, mag-enjoy lang kayo, mag-ikot-ikot kayo, pero huwag po tayong magdudumi, sumunod po tayo sa mga batas na pinapairal natin sa isla and take advantage of the summer via a Boracay at masaya po kami dahil maraming pagbabago ang nagagawa sa isla ng Boracay. At ang aming wish, iyong pagbabago na nangyari sa Boracay, sana magawa din natin sa buong bansang Pilipinas. Salamat po Kris, salamat po Sec. Martin.

ASEC. ABLAN: All right, so ayan mga kababayan. At narinig n’yo na po sa DILG mismo, pangalawang kalihin na Epimaco Densing ano po iyong mga nangyayari ngayon sa Boracay, sabi nga niya today up to Monday ay Love Boracay. So wala na tayong LaBoracay, Love Boracay na. So merong mga para-sailing, low key na iyong events, so wala na talagang party all night hanggang umaga. So, we really need to mess with environment and be one with nature and you don’t have to party and smoke and trash. So, iyan hindi na po siya LaBoracay, Love Boracay na siya.

Okay, medyo nawala si Sec. Martin skype. So ngayon meron tayong report, ang Global Media report in China, kasi alam naman natin na meron Belt Road event doon ngayon sa Boao China. At nandito po ang ating kasama ang talagang dapat andito na si JV Arcena. Hello JV at ito na ang kanyang report. [VIDEO PRESENTATION]

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource